“Sinabi ni Moises sa bayan, ‘Huwag kayong matakot, magpakatatag kayo, at masdan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na Kanyang gagawin sa inyo ngayon; sapagkat ang mga Ehipcio na inyong nakikita ngayon ay hindi na ninyo muling makikita kailanman. Ipaglalaban kayo ng Panginoon at ang dapat lamang ninyong gawin ay manahimik.” — Exodo 14:13, 14
“ Ngayon, ang kanyang kapalaluang umabot sa langit ay ibinagsak sa alabok. Tinawag niya sina Moises at Aaron sa gabi at sinabi, “Bumangon kayo at umalis na mula sa aking bayan, kayong dalawa at ang mga anak ni Israel. Humayo kayo at paglingkuran ninyo ang Panginoon, gaya ng inyong sinabi. Isama rin ninyo ang inyong mga kawan at mga bakahan, ayon sa inyong sinabi... Umalis na kayo—at pagpalain din ninyo ako.”
Maging ang mga tagapayo ng hari at ang sambayanan ay nakiusap sa mga Israelita na sila'y umalis agad sa lupain. Sinabi nila, “Umalis na kayo kaagad, baka lahat kami ay mamatay." PP 279.4
“ Ang mga kahanga-hangang pangyayaring kaakibat ng paglaya ng Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto, at ng kanilang pagmamay-ari sa Lupang Pangako, ay naging dahilan upang kilalanin ng maraming mga pagano ang Diyos ng Israel bilang Kataas-taasang Namumuno. At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon, pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay, at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila.” Exodus 7:5 Maging ang palalong si Paraon ay napilitang kumilala sa kapangyarihan ni Jehova. “Humayo kayo, paglingkuran ninyo ang Panginoon,” aniya kina Moises at Aaron, “at pagpalain din ninyo ako.” Exodus 12:31, 32. PK 369.1
Habang sumusulong ang hukbo ng Israel, natuklasan nilang nauna na sa kanila ang balita tungkol sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos ng mga Hebreo. May ilang pagano ang nagsimulang kumilala na Siya lamang ang tunay na Diyos.
Maging sa masamang lungsod ng Jerico ay may isang paganong babae na nagpahayag, “ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.” Joshua 2:11 Ang kaalamang ito na dumating sa kanya ang naging daan ng kanyang kaligtasan. “Sa pananampalataya'y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway si Rahab.” Hebreo 11:31 At ang kanyang pagbabalik-loob ay hindi isang natatanging halimbawa lamang ng awa ng Diyos sa mga pagano na kumilala sa Kanyang kapangyarihan.
Sa gitna ng lupain ay may isang malaking bayan—ang mga Gabaonita—na tumalikod sa kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan, at nakipagtipan sa Israel. Nakiisa sila sa mga pagpapala ng tipan ng Diyos. PK 369.2
Basahin ang Exodo 12:31–36. Anong kakaibang kahilingan ang ginawa ni Paraon at bakit niya ito hiniling kahit na siya ay nagbibigay ng pahintulot sa kanilang lahat na umalis?
“ Ngayon, ang kanyang kapalaluang umabot sa langit ay ibinagsak sa alabok. Tinawag niya sina Moises at Aaron sa gabi at sinabi, “Bumangon kayo at umalis na mula sa aking bayan, kayong dalawa at ang mga anak ni Israel. Humayo kayo at paglingkuran ninyo ang Panginoon, gaya ng inyong sinabi. Isama rin ninyo ang inyong mga kawan at mga bakahan, ayon sa inyong sinabi... Umalis na kayo—at pagpalain din ninyo ako.”
Maging ang mga tagapayo ng hari at ang sambayanan ay nakiusap sa mga Israelita na sila'y umalis agad sa lupain. Sinabi nila, “Umalis na kayo kaagad, baka lahat kami ay mamatay." PP 279.4
“ Ang mga kahanga-hangang pangyayaring kaakibat ng paglaya ng Israel mula sa pagkaalipin sa Egipto, at ng kanilang pagmamay-ari sa Lupang Pangako, ay naging dahilan upang kilalanin ng maraming mga pagano ang Diyos ng Israel bilang Kataas-taasang Namumuno. At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon, pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay, at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila.” Exodus 7:5 Maging ang palalong si Paraon ay napilitang kumilala sa kapangyarihan ni Jehova. “Humayo kayo, paglingkuran ninyo ang Panginoon,” aniya kina Moises at Aaron, “at pagpalain din ninyo ako.” Exodus 12:31, 32. PK 369.1
Habang sumusulong ang hukbo ng Israel, natuklasan nilang nauna na sa kanila ang balita tungkol sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos ng mga Hebreo. May ilang pagano ang nagsimulang kumilala na Siya lamang ang tunay na Diyos.
Maging sa masamang lungsod ng Jerico ay may isang paganong babae na nagpahayag, “ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.” Joshua 2:11 Ang kaalamang ito na dumating sa kanya ang naging daan ng kanyang kaligtasan. “Sa pananampalataya'y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway si Rahab.” Hebreo 11:31 At ang kanyang pagbabalik-loob ay hindi isang natatanging halimbawa lamang ng awa ng Diyos sa mga pagano na kumilala sa Kanyang kapangyarihan.
Sa gitna ng lupain ay may isang malaking bayan—ang mga Gabaonita—na tumalikod sa kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan, at nakipagtipan sa Israel. Nakiisa sila sa mga pagpapala ng tipan ng Diyos. PK 369.2
Basahin ang Exodo 13:1–16. Ang nga panganay na Israelita ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos sa panahon ng huling salot. Bakit namamalagi ang utos na ito, at ano ang kahulugan nito sa atin ngayon?
Bukod dito, ang panganay, maging ng tao o ng hayop, ay itinakda upang maging pag-aari ng Panginoon. Maaari lamang silang tubusin sa pamamagitan ng pantubos—bilang pagkilala na noong mamatay ang mga panganay sa Egipto, ang mga panganay ng Israel, bagaman kahabagang iningatan, ay mapapahamak din sana kung hindi dahil sa handog na pantubos.
“ Sapagka't lahat ng mga panganay ay sa akin; sapagka't nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin, ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at maging hayop: sila'y magiging akin,” Bilang 3:13
Matapos maitatag ang paglilingkod sa tabernakulo, pinili ng Panginoon ang lipi ni Levi para sa paglilingkod sa santuwaryo, bilang kahalili ng mga panganay ng sambayanan.
“Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel,” wika Niya. “kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.” Bilang 8:16
Gayunman, kinakailangan pa ring magbayad ang buong bayan ng halaga ng pagtubos para sa panganay na anak na lalaki, bilang pagkilala sa awa ng Diyos. Bilang 18:15, 16. PP 274.4
Ipinahayag ni Moises sa buong lupain na sa bawat tahanang walang dugo sa haligi ng pintuan, sa gabing iyon mismo, ang panganay sa bawat ganoong tahanan ay mamamatay.
Ang mga sumuway sa banal na utos ay kinabukasan ay abalang nagluluksa at naglilibing ng kanilang mga patay, samantalang yaong mga sumunod sa utos ay masaya at maayos na lumalabas sa mga lungsod.
Oo, ang tanging mga marunong sumunod sa utos ang siyang pinalaya mula sa pagkaalipin.
Samakatuwid, kinakailangan munang matutong sumunod sa kautusan kung ibig nating tanggapin ang tatak ng Diyos sa ating mga noo.
Nang malapit nang patayin ng Diyos ang mga panganay sa Egipto, iniutos Niya sa mga Israelita na tipunin ang kanilang mga anak mula sa mga Egipcio papasok sa kanilang sariling mga tahanan at pahiran ng dugo ang mga haligi ng kanilang pintuan, upang kapag nakita ito ng anghel na papatay ay lumampas siya sa kanilang mga tahanan.
Tungkulin ng mga magulang ang pagtitipon ng kanilang mga anak. Ito rin ang iyong tungkulin, ang aking tungkulin, at tungkulin ng bawat inang nananampalataya sa katotohanan.
Ang anghel ay maglalagay ng tanda sa noo ng lahat ng humiwalay sa kasalanan at sa mga makasalanan, at susunod ang anghel na papatay upang patayin nang lubusan ang matanda’t bata. 5T 505.2
Basahin ang 13:17–14:12. Paano pinatnubayan ng Diyos ang mga Israelita nang sila ay lumisan mula sa Ehipto, at ano ang sumunod na nangyari?
May bigkis sa kanilang baywang ang mga anak ni Israel, may sandalyas sa kanilang mga paa, at tungkod sa kamay—nakatayo silang tahimik, may takot at pagkamangha, subalit may pananabik habang hinihintay ang utos ng hari na magpapahintulot sa kanilang pag-alis. Bago pa sumikat ang araw, sila’y nasa daan na. Sa panahon ng mga salot, habang nahahayag ang kapangyarihan ng Diyos, ang pananampalataya ng mga alipin ay napukaw, at ang takot ay sumilay sa puso ng kanilang mga tagapagpahirap. Dahil dito, unti-unti silang nagkatipon sa lupain ng Goshen. At bagaman biglaan ang kanilang pag-alis, may mga naunang paghahanda para sa kaayusan at pamamahala ng napakaraming taong sasama—naghati sila sa mga pulutong, bawat isa ay may hinirang na pinuno. PP 281.1
Isinama rin ng bayan ang kanilang “mga kawan at mga bakahan, maging napakaraming hayop.” Ito’y pag-aari ng mga anak ni Israel, sapagkat hindi nila ipinagbili kailanman ang kanilang mga pag-aari sa hari, gaya ng ginawa ng mga Egipcio. Dinala nina Jacob at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kawan at bakahan patungong Egipto, at doon ay lubhang dumami ang mga ito. Bago umalis sa Egipto, ayon sa tagubilin ni Moises, inangkin ng bayan ang kabayaran para sa mga taong pinaghirapan nilang walang upa; at ang mga Egipcio, sa sobrang pagnanais na mapaalis sila, ay hindi nangahas tumanggi. Umalis ang mga dating alipin na dala ang samsam ng kanilang mga mang-aapi. PP 281.3
Tumahak sila sa isang landas at tuyong ilang. Nagsimula na silang mag-alinlangan kung saan sila patutungo. Nanghihina na sila sa mahirap na paglalakbay, at sa ilan sa kanila’y sumibol ang pangamba na baka habulin sila ng mga Egipcio. Ngunit ang ulap ay nagpatuloy sa paglalakbay, at sila’y sumunod. At ngayon ay iniutos ng Panginoon kay Moises na sila'y lumiko sa isang makitid at mabatong daan, at magkampo sa tabi ng dagat. Ipinahayag sa kanya na hahabulin sila ni Paraon, ngunit ang Diyos ay luluwalhatiin sa kanilang pagliligtas. PP 283.2
Ang mga Hebreo ay nagkampo sa tabi ng dagat, na ang mga tubig ay tila isang di-madadaanang harang sa kanilang unahan, at sa timog ay may bundok na lubhang matarik, na pumipigil sa anumang pagtakas. At bigla nilang nakita sa malayo ang kumikislap na mga sandata at ang mga karwaheng lumalapit—hudyat ng isang papalapit na hukbo. Habang papalapit ang mga ito, nakita na ng Israel ang buong hukbo ng Egipto sa kanilang likuran. Pangamba at takot ang pumuno sa puso ng bayan. Ang ilan ay tumawag sa Panginoon, ngunit ang karamihan ay nagmadaling lumapit kay Moises at nagsumbong: “Dahil ba sa walang mga libingan sa Egipto ay iniahon mo kami upang mamatay sa ilang? Bakit mo ito ginawa sa amin, na inilabas mo kami mula sa Egipto? Hindi ba ito ang aming sinabi sa iyo sa Egipto, na, ‘Bayaan mo na kami upang kami’y maglingkod sa mga Egipcio’? Sapagkat lalong mabuti pa sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kaysa mamatay sa ilang.” PP 283.5
Basahin ang Exodo 14:13–31. Sa kabila ng kawalan nila ng pananampalataya, ano ang ginawa ng Diyos para sa mga anak ni Israel?
Lubhang nabagabag si Moises na ang kanyang bayan ay nagpakita ng napakaliit na pananampalataya sa Diyos, gayong paulit-ulit na nilang nasaksihan ang kapangyarihan ng Diyos na nahayag para sa kanilang kapakinabangan. Paanong maipaparatang nila sa kanya ang mga panganib at kahirapan ng kanilang kalagayan, gayong siya'y sumunod lamang sa tuwirang utos ng Diyos? Totoo nga, walang paraan ng pagliligtas maliban kung ang Diyos Mismo ang makikisangkot upang sila’y palayain; ngunit yamang ang kanilang kalagayan ay bunga ng pagsunod sa banal na tagubilin, si Moises ay hindi natakot sa mga maaaring mangyari. Ang kanyang panatag at nakapagpapalakas na tugon sa bayan ay:
“Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man. Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.”PP 284.1
Ngunit ngayon, habang papalapit na ang hukbo ng Egipto, umaasang madali nilang madadakip ang mga Israelita, ang haliging ulap ay mataimtim na umangat patungo sa kalangitan, tumawid sa ibabaw ng kampamento ng Israel, at bumaba sa pagitan nila at ng hukbo ng Egipto. Isang pader ng kadiliman ang lumukob sa pagitan ng tumatakas at ng mga humahabol. Hindi na matanaw ng mga Egipcio ang kampamento ng mga Hebreo at napilitan silang huminto. Ngunit habang lalo pang lumalalim ang dilim ng gabi, ang haliging ulap ay naging malaking liwanag sa mga Hebreo, na sumiklab at tumanglaw sa buong kampamento na parang liwanag ng araw. PP 284.3
Nang magkagayon, ang pag-asa ay muling bumalik sa puso ng Israel. At itinaas ni Moises ang kanyang tinig sa Panginoon. “At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon. At itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo. PP 287.1
“Hinabol sila ng mga Egipcio, at pumasok sa gitna ng dagat sa kanilang likuran—lahat ng kabayo ni Paraon, ang kanyang mga karwahe, at ang kanyang mga mangangabayo. At nang dumating ang pagbabantay sa kinaumagahan, tumingin ang Panginoon sa hukbo ng mga Egipcio mula sa haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.” Ang mahiwagang ulap ay nagbago at naging haliging apoy sa harapan ng kanilang namamanghang mga mata.
Ang kulog ay dumagundong, at ang kidlat ay gumuhit sa langit. “Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos. Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan: ang lupa ay nayanig at umuga.” Mga Awit 77:17, 18, R.V. PP 287.3
Binalot ng kalituhan at pangamba ang mga Egipcio. Sa gitna ng galit ng kalikasan—na sa kanilang pandinig ay tinig ng isang galit na Diyos—sinikap nilang bumalik at tumakas pabalik sa pampang na kanilang nilisan. Ngunit iniunat ni Moises ang kanyang tungkod, at ang mga tubig na naipon sa magkabilang panig, na may ugong, alon, at tila sabik na manghuli ng biktima, ay muling nagtagpo at nilamon ang hukbo ng Egipto sa kailaliman ng dagat. PP 287.4
Basahin ang Exodo 15:1-21. Ano ang konteksto ng awit ni Moises?
Kamangha-mangha ang ginawa ng Panginoon para sa ikaliligtas ng Kanyang bayan. Gumawa Siya ng daan sa gitna ng Dagat na Pula. Ang tubig ay naipon na parang matibay na pader, at isang landas ng pagliligtas ang nabuksan para sa hukbo ng Israel habang sila’y sumusunod sa pangunguna ni Moises. CTr 106.4
Sa kanilang paghabol sa Israel, ang malawak na hukbo ng Egipto ay naglakas-loob na tumawid sa dagat sa parehong landas. May ulap na madilim sa kanilang harapan, ngunit sila’y patuloy na sumulong. Nang ang buong hukbo—“lahat ng kabayo ni Paraon, ang kanyang mga karwahe, at mga mangangabayo”—ay nasa gitna na ng dagat, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat.” Nakatawid na sa tuyong lupa ang Israel, ngunit narinig nila ang hiyawan ng mga sundalong humahabol sa kanila. Nang iunat ni Moises ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat, ang mga tubig na nakatayo na parang pader ay muling bumalik sa kanilang likas na agos. Sa lahat ng lalaki ng Egipto na kabilang sa hukbong iyon, wala ni isa mang nakatakas. Silang lahat ay namatay sa kanilang pagpupumilit na ipilit ang sarili nilang kagustuhan at sa pagtanggi sa daan ng Diyos. Ang pagkakataong iyon ang naging katapusan ng kanilang panahon ng pagsubok. CTr 106.5
Nang sumikat ang araw, nahayag sa karamihan ng Israel ang tanging nalabi mula sa kanilang makapangyarihang mga kaaway—ang mga bangkay na may baluting pandigma na napadpad sa baybayin. Sa loob lamang ng isang gabi, mula sa pinakakilabot na panganib, dumating ang ganap na pagliligtas. Ang napakaraming taong walang kakayahan—mga dating alipin na hindi bihasa sa digmaan, kababaihan, mga bata, at mga hayop, na may dagat sa kanilang harapan at ang hukbong Egipcio sa kanilang likuran—ay nakakita ng landas na nabuksan sa gitna ng tubig, at ang kanilang mga kaaway na nilamon sa sandali ng inaasahang tagumpay. Si Jehova lamang ang nagdulot ng kaligtasan sa kanila, at sa Kanya nakatuon ang kanilang mga puso sa pasasalamat at pananampalataya. Ang kanilang damdamin ay inihayag sa pamamagitan ng mga awit ng papuri. Bumaba ang Espiritu ng Diyos kay Moises, at pinangunahan niya ang bayan sa isang awit ng tagumpay at pasasalamat—ang pinakauna at isa sa pinakamarilag na awitin na kilala ng sangkatauhan. PP 287.5
Tulad ng ugong ng malalim na karagatan, pumailanlang mula sa karamihan ng Israel ang maringal na awitin ng pagpupuri. Inawit din ito ng mga kababaihan ng Israel, pinangungunahan ni Miriam, ang kapatid ni Moises, habang sila’y lumalabas na may pandereta at sayaw. Umalingawngaw ang masayang himig sa buong ilang at dagat, at ang mga bundok ay tumugon sa mga salitang ito ng kanilang pagpupuri: “Umawit kayo kay Jehova, sapagkat Siya’y maluwalhating nagtagumpay.” PP 288.2
Ang awit na ito, at ang dakilang pagliligtas na inalaala nito, ay nag-iwan ng isang bakas na hindi kailanman mabubura sa alaala ng bayang Hebreo. Sa bawat salinlahi, ito’y inuulit ng mga propeta at mang-aawit ng Israel, bilang patotoo na si Jehova ang lakas at tagapagligtas ng lahat ng nagtitiwala sa Kanya. Ngunit ang awit na ito ay hindi para sa bayang Hudyo lamang. Ito rin ay tumutukoy sa ganap na paglipol sa lahat ng kaaway ng katuwiran at sa huling tagumpay ng Israel ng Diyos. Ang propeta ng Patmos ay nakakita ng isang karamihang nakadamit ng mapuputi na “nagtamo ng tagumpay,” na nakatayo sa “gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy,” na hawak ang “mga alpa ng Dios.” “At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero.” Apocalipsis 15:2, 3 PP 289.1
Sa Kanyang karunungan, dinala ng Diyos ang Israel sa Dagat na Pula para sa kanilang ikabubuti; at bagaman hindi nila maunawaan ang Kanyang kaparaanan, sa kabila nito, alang-alang sa Kanyang Pangalan, hinati Niya ang dagat, pinatawid sila nang ligtas, at sa parehong himala ring iyon, nilipol Niya ang kanilang mga kaaway!
Kung si Moises ay nag-alinlangan din sa kapangyarihan at pamumuno ng Diyos katulad ng bayang kasama niya, ano kaya ang magiging epekto ng kanyang tungkod nang hampasin niya ang dagat? —Wala.
Kung ang paghatol ng Walang-Hanggan ay katulad lamang ng paghatol ng taong may hangganan, ang hukbo ni Paraon ay maaaring pinatay o muling inalipin ang Israel.
Ang kanilang mga dakilang pagliligtas, kung gayon, ay dapat na magpatibay sa ating pagtitiwala sa Diyos magpakailanman, at maging walang hanggang paalala na ang karunungan ng tao ay kamangmangan sa paningin ng Diyos, at na ang pananampalataya sa Kanya ay tunay na nakapagaalis ng mga bundok—at pati dagat.
Subalit sa kabila ng mga halimbawang ito, patuloy pa ring inaasahan ng mga tao na kikilos ang Diyos ayon sa kanilang sariling paghatol—at iyan ang dahilan kung bakit kung minsan ay gumagamit Siya ng mga bata sa Kanyang gawain sa halip na mga taong matatalino sa paningin ng tao.
Alam na alam ng hukbo ng Hebreo na sila’y dinala sa dagat sa pamamagitan ng pagsunod sa ulap sa araw at sa haliging apoy sa gabi. Ngunit tila wala ni isa sa mga kababalaghang ito ang nag-iwan ng pangmatagalang bakas sa kanilang puso. May panganib din na tayo’y makalimot kung paanong tayo’y pinatnubayan ng Panginoon sa nakaraan.
Sa kasalukuyan, gaya noong panahon ni Moises, marami ang inuulit ang mga kasalanan ng bayang iyon: Ang ilan ay nagniningas sa pananampalataya ngayon, ngunit bukas ay malamig na malamig. May iba namang sumisigaw ng papuri sa Diyos habang maayos ang takbo ng kanilang "barko," ngunit kapag naging maalon ang dagat at hinahampas sila ng mga alon, ang nakikita na lamang nila ay tao sa timon—at sa halip na asahan ang Diyos na patahimikin ang dagat, nagsisimula silang maghanap ng lugar na kanilang matatalunan. Mayroon din namang patuloy na nagnanais na maitaas ang sarili sa pamamagitan ng walang tigil na pagpuna sa mga tunay na may dala ng mabigat na gawain. Kaya’t sa ating panahon, tiyak na may mga antitypical na mga mapagduda, mapagreklamo, mga naghahangad ng posisyon, at mapanuring tao—na inaamin ang isang dakilang katotohanan sa isang araw, at kinakalimutan ito sa susunod—at sa kabila nito ay umaasang matatanggap ang tatak ng Diyos at makakatayo kasama ng Kordero sa Bundok ng Sion!