“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” KJV - Juan 1:1
“Ang Kataastaasan ng sansinukob ay hindi nag-iisa sa Kanyang gawain ng kabutihan. Siya ay may kasama—isang kamanggagawa na nagpapahalaga sa Kanyang mga layunin, at nakikibahagi sa Kanyang kagalakan sa pagbibigay ng kaligayahan sa mga nilikhang nilalang. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.” Juan 1:1, 2 . Si Cristo, ang Verbo, ang bugtong na anak ng Diyos, ay kaisa ng walang hanggang Ama—kaisa sa likas, sa katangian, at sa layunin—ang tanging nilalang na maaaring pumasok sa lahat ng mga konseho at layunin ng Diyos. “at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.” Isaias 9:6 . “Ang kanyang pinagbuhatan ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” Mikas 5:2 . At ang Anak ng Diyos ay nagpahayag tungkol sa Kanyang sarili: “ Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya.” Kawikaan 8:22-30 .” PP 34.1
Basahin ang Juan 1:1–5. Ano ang ipinapakita ng mga salitang ito tungkol sa Salita, si Jesu-Cristo?
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.”At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. ( Juan 1:1–5, 14 ). 1SM 246.1
“Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa katangian at kahalagahan ng gawain ni Cristo. Bilang isa na nakauunawa sa kanyang gawa, kinikilala ni Juan na ang lahat ng kapangyarihan ay kay Cristo, at nagsasalita ukol sa Kanyang kadakilaan at kamahalan. Siya ay nagbibigay-daan sa pagpapaliwanag sa banal na sinag ng mahalagang katotohanan, gaya ng liwanag mula sa araw. Inilalahad niya si Cristo bilang ang tanging Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan. 1SM 246.2
“Ang doktrina ng pagkakatawang-tao ni Cristo sa katawang-tao ay isang misteryo, “maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi:” ( Mga Taga-Colosas 1:26 ). Ito ang dakila at malalim na misteryo ng kabanalan. “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin” ( Juan 1:14 ). Kinuha ni Cristo ang likas ng tao, isang likas na mas mababa sa Kanyang makalangit na katangian. Wala nang nagpapakita ng kahanga-hangang pagpapakababa ng Diyos tulad nito. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak” ( Juan 3:16 ). Inihaharap ni Juan ang kahanga-hangang paksang ito nang napakasimple upang maunawaan ng lahat ang mga ideyang itinakda, at magbigay liwanag. 1SM 246.3
“Tunay na tinaglay ni Cristo ang likas ng tao. “Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama'y gayon ding nakabahagi sa mga ito” ( Mga Hebreo 2:14 ). Siya ay anak ni Maria; Siya ay mula sa lipi ni David ayon sa lahi ng tao. Siya ay ipinahayag na isang tao, maging ang Tao na si Kristo Hesus. “Ang taong ito,” sulat ni Pablo, “ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.” ( Mga Hebreo 3:3 ). 1SM 247.1
Basahin ang Juan 1:1–3, 14. Ano ang sinasabi sa atin ng mga talatang ito na ginawa ni Jesus, ang Diyos Mismo—at bakit ang katotohanang ito ang pinakamahalagang katotohanan na maaari nating malaman?
“Ngunit habang ang Salita ng Diyos ay nagsasalita tungkol sa sangkatauhan ni Cristo noong narito sa lupa, ito rin ay nagsasalita ng tiyak tungkol sa Kanyang pre-existence. Ang Verbo ay umiral bilang isang banal na nilalang, maging ang walang hanggang Anak ng Diyos, na nakikiisa sa Kanyang Ama. Mula sa walang hanggan Siya ang Tagapamagitan ng tipan, ang isa kung kanino ang lahat ng mga bansa sa mundo, maging mga Hudyo at mga Gentil, kung tatanggapin nila Siya, ay pagpapalain. “At ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” ( Juan 1:1 ). Bago nilikha ang mga tao o mga anghel, ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 1SM 247.2
“Ang mundo ay nilikha Niya, “at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.” ( Juan 1:3 ). Kung nilikha ni Cristo ang lahat ng bagay, kung gayon ay umiiral na Siya bago ang lahat ng bagay. Ang mga salitang binigkas hinggil dito ay lubhang malinaw na walang sinuman ang kailangang mag-alinlangan. Si Cristo ay Diyos at sa pinakamataas na kahulugan nito. Siya ay kaisa ng Diyos mula sa walang hanggan, Diyos sa lahat, at pinagpala magpakailanman. 1SM 247.3
“Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman.” ( Kawikaan 8:22-27 ). 1SM 247.4
“May liwanag at kaluwalhatian sa katotohanan na si Cristo ay kaisa ng Ama bago pa nilikha ang mundo. Ito ang liwanag na nagpapaliwanag sa madidilim na lugar, na ginagawa itong maningning sa banal at orihinal na kaluwalhatian. Ang katotohanang ito, na may walang hanggang misteryo, ay nagpapaliwanag sa iba pang mahiwaga at mga mahirap maipaliwanag na mga katotohanan, habang ito ay nababalutan ng liwanag na hindi maarok. 1SM 248.1
“Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.” ( Mga Awit 90:2 ). “Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay Nakakita ng dakilang ilaw, At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw.” ( Mateo 4:16 ). Dito ipinahayag ang pre-existence ni Cristo at ang layunin ng Kanyang pagparito sa sanlibutan bilang mga buhay na sinag ng liwanag mula sa walang hanggang trono. “Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod. Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” ( Mikas 5:1, 2 ). 1SM 248.2
“Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus,” sabi ni Pablo, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan; Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.” ( 1 Mga Taga-Corinto 1:23, 24 ).” 1SM 248.3
Basahin ang Juan 1:9–13. Anong marahas na katotohanan ang inilalarawan dito ni Juan tungkol sa kung paano tumugon ang mga tao kay Jesus?
“Itinaas ng alagad si Cristo sa harap ng mga kapatiran bilang Isa na sa pamamagitan niya ay nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at sa pamamagitan niya ay ginawa Niya ang kanilang pagtubos. Ipinahayag niya na ang kamay na umaalalay sa mga mundo sa kalawakan, at humawak sa kanilang kaayusan at walang kapagurang gawain sa lahat ng bagay sa buong sansinukob ng Diyos, ay ang kamay na ipinako sa krus para sa kanila. Isinulat ni Pablo, “Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.” “At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya.” AA 471.3
“Ang Anak ng Diyos ay yumukod upang iangat ang mga nahulog. Dahil dito, iniwan Niya ang walang kasalanan na mga daigdig sa kaitaasan, ang siyamnapu't siyam na nagmamahal sa Kanya, at naparito sa mundong ito upang “masugatan dahil sa ating mga pagsalangsang” at “mabugbog dahil sa ating mga kasamaan.” Isaias 53:5 . Tinaglay Niya ang lahat ng mga bagay katulad ng Kanyang mga kapatid. Siya ay naging laman, na katulad natin. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng magutom at mauhaw at mapagod. Nabubuhayan siya ng pagkain at na-rerefresh ng pagtulog. Siya ay isang dayuhan at isang naninirahan sa lupa—nasa sanlibutan, ngunit hindi sa sanlibutan; tinutukso at sinusubok kung paanong ang mga lalaki at babae sa ngayon ay tinutukso at sinusubok, ngunit namumuhay ng malaya sa kasalanan. Malibigin, mahabagin, madamayin, palaging nagmamalasakit sa iba, kinakatawan Niya ang katangian ng Diyos. “Ang Salita ay nagkatawang-tao, at tumahan sa gitna natin, ... puspos ng biyaya at katotohanan.” Juan 1:14 .” AA 472.1
“Ang mga tumatanggap kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya bilang kanilang personal na Tagapagligtas ay hindi maaaring maging ayon sa sanlibutan. May dalawang natatanging uri: Ang isa ay tapat sa Diyos, tumutupad sa Kanyang mga utos, habang ang isa ay nagsasalita at kumikilos tulad ng sanlibutan, itinatakwil ang salita ng Diyos, na katotohanan, at tinatanggap ang mga salita ng tumalikod, na tumanggi kay Jesus.” TM 139.1
Basahin ang Juan 3:16–21, Juan 9:35–41, at Juan 12:36–46. Paano inuulit ng mga talatang ito ang tema ng pananampalataya/kawalan ng pananampalataya na masusumpungan sa Paunang Salita?
“Mahigit isang libong taon nang hinihintay ng mga Judio ang pagdating ng ipinangakong Tagapagligtas . Ang kanilang pinakamasidhing pag-asa ay nakasalalay sa kaganapang ito. Sa loob ng isang libong taon, sa awit at propesiya, sa seremonya sa templo at panalangin ng sambahayan, ang Kanyang pangalan ay itinatalaga; ngunit nang Siya ay dumating, hindi nila Siya kinilala bilang ang Mesiyas na matagal nilang hinihintay. “Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya.”Juan 1:11 . Sa kanilang pusong mapagmahal sa sanlibutan, ang Mahal ng langit ay “gaya ng ugat sa tuyong lupa.” Sa kanilang mga mata, Siya ay “walang anyo o kagandahan man;” hindi nila nakita sa Kanya ang kagandahan na dapat nilang hangarin Siya. Isaias 53:2 . PK 710.1
“Ang buong buhay ni Jesus ng Nazareth sa gitna ng mga Hudyo ay isang pagsaway sa kanilang pagkamakasarili, gaya ng ipinahayag sa kanilang hindi pagnanais na kilalanin ang makatarungang pag-aangkin ng May-ari ng ubasan kung saan sila inilagay bilang mga magsasaka. Kinasusuklaman nila ang Kanyang halimbawa ng pagiging totoo at ng kabanalan; at nang dumating ang huling pagsubok, ang pagsubok na nangangahulugan ng pagsunod tungo sa buhay na walang hanggan o pagsuway tungo sa walang hanggang kamatayan, tinanggihan nila ang Banal ng Israel at naging dahilan para sa Kanyang pagkapako sa krus ng Kalbaryo.” PK 710.2
“Ang buong sistema ng relihiyong Judio ay ang ebanghelyo ni Cristo na nahahayag sa mga tipo at simbolo. Kung gayon, gaanong hindi nararapat para sa mga nasa ilalim ng dispensasyon ng mga Hudyo, na tanggihan at ipako sa krus Siya na siyang nagpasimula at pundasyon ng kanilang inaangking pananampalataya. Saan sila nagkamali ?— Nagkamali sila sa hindi paniniwala sa sinabi ng mga propeta tungkol kay Cristo, “Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,
Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob, At sila'y mapagaling ko.” RH Oktubre 21, 1890, par. 2
“Hindi Diyos ang naglalagay ng pagkabulag sa harap ng mata ng mga tao o nagpapatigas ng kanilang mga puso; ito ay ang liwanag na ipinadala ng Diyos sa kanyang bayan, upang ituwid ang kanilang mga kamalian, upang akayin sila sa ligtas na mga landas, ngunit tinatanggihan nilang tanggapin,— ito ang bumubulag sa kanilang mga isipan at nagpapatigas ng kanilang mga puso. Pinipili nilang tumalikod sa liwanag, na nagmamatigas na nagsisilakad sa liyab ng inyong apoy, at ang Panginoon ay may katiyakan na nagpahayag na sila ay hihiga sa kapanglawan. Kapag ang isang sinag ng liwanag na ipinadala ng Panginoon ay hindi kinilala, nagpapasimula ito ng panghihina ng espirituwal na pang-unawa, at ang pangalawang pagpapadala ng liwanag ay hindi na lubusang mauunawaan, at sa gayon ang kadiliman ay patuloy na lalago hanggang sa maging gabi sa kaluluwa. Sinabi ni Cristo, “Gaano kaya kalaki ang kadiliman!” RH Oktubre 21, 1890, par. 3
Basahin ang Juan 17:1–5. Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sinabi Niya, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang luwalhatiin ka ng Anak” (ESV) ?
“Kinakailangan na kilalanin ng tao ang kanyang Ama sa Langit, at mabatid ang kanyang mga katangian; sapagkat sa pagkakaroon ng kaugnayan sa Diyos, ang mga tao ay maaaring maging kabahagi ng ganoon ding katangian at parehong kaluwalhatian. Sa panalangin ni Cristo para sa kanyang mga alagad, ang katotohanang nakapaloob ay ang pinakamalalim na kahalagahan at interes sa lahat ng kanyang mga tagasunod. “Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.” Upang makapagbigay ng katanggap-tanggap na paglilingkod sa Diyos, napakahalaga na kilalanin natin ang Diyos, kung kanino tayo kabilang, upang tayo ay maging mapagpasalamat at masunurin, na nagmumuni-muni at sumasamba sa kaniya para sa kaniyang kamangha-manghang pag-ibig sa mga tao. Hindi tayo maaaring magsaya at magpuri sa isang nilalang na wala tayong tiyak na kaalaman; ngunit isinugo ng Diyos si Cristo sa sanlibutan upang ipakita ang kanyang katangian. RH Marso 9, 1897, par. 8
“Pribilehiyo natin na makilala ang Diyos, at sa tunay na kaalaman sa Diyos ay ang buhay na walang hanggan. Ang bugtong na Anak ng Diyos ay kaloob ng Diyos sa sanlibutan, na sa pamamagitan ng Kanyang katangian ay nahayag ang katangian Niya na nagbigay ng kautusan sa mga tao at mga anghel. Siya ay naparito upang ipahayag ang katotohanan, “Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.” Ang nagmumula sa pag-iisip ng Diyos ay dalisay, at hindi kailangang bawiin, itama, o baguhin kahit kaunti. Maaari nating iugnay ang lahat ng pagiging dalisay sa Diyos. Hawak niya sa kanyang kamay ang pagkalikha ng bawat tao, at itinataguyod ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng salita ng kanyang kapangyarihan. RH Marso 9, 1897, par. 9
“Maliban kung makikilala ng mga tao ang Diyos gaya ng pagkakahayag ni Cristo sa kanya, hindi sila kailanman magkakaroon ng katangiang ayon sa banal na pagkakatulad, at samakatuwid ay hindi kailanman makikita ang Diyos. Isa itong bagay na kataka-taka sa mga anghel sa langit, na paanong ang isang minsang nakakilala sa Diyos ay maging pabaya, at magawang pahintulutan ang kanilang pag-iisip na mabaling sa mga makamundong bagay at ang kanilang atensyon ay mahiwalay mula sa Diyos ng langit, at kanilang kusang-loob na makalimutan ang kanilang Lumikha, at ihalili sa kanya ang ibang mga diyus-diyusan. Dumating ang na ang araw kung saan napakarami na ng mga diyos o diyus-diyosan, at nilalayon ni Satanas na iharang ang kanyang sarili sa pagitan ng Diyos at ng kaluluwa ng tao, upang ang mga tao ay hindi magbigay pugay sa Diyos sa pagsunod sa kanyang batas. Binalot ni Satanas ang kanyang sarili ng mga kasuotang mala-anghel na ningning, at lumalapit siya sa mga tao bilang isang anghel ng liwanag. Hinihikayat niya ang nagkakasalang kaluluwa na makita ang mga bagay sa isang baluktot na paraan, upang kanyang kapootan ang dapat niyang mahalin, at mahalin ang dapat niyang kapootan at hamakin. Naging mali ang representasyon ng Diyos sa kanya sa punto na hindi na niya pinapahalagahan ang pananatili ng katotohanan at ang buhay na Ama sa kanyang kaalaman, at sa halip ay bumabaling sa pagsamba sa mga huwad na diyos. Hindi niya alam na ang pag-ibig ng Diyos ay walang katumbas, ngunit inihayag ni Cristo ang pag-ibig na iyon sa isang makasalanang mundo. Nanawagan si Juan sa sanlibutan na masdan ang kamangha-manghang pag-ibig ng Diyos, na nagsasabi, “Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito.” RH Marso 9, 1897, par. 10
“Sa pagparito upang manirahan kasama natin, ihahayag ni Jesus ang Diyos kapwa sa mga tao at sa mga anghel. Siya ang Salita ng Diyos,— kung saa ang kaisipan ng Diyos ay ginawang naririnig. Sa Kanyang panalangin para sa Kanyang mga alagad ay sinabi Niya, “ At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan,” —“ puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan”—“ upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.” Ngunit hindi lamang para sa mga nilikha sa lupa ibinigay ang paghahayag na ito. Ang ating munting mundo ay ang aklat ng aral ng sansinukob. Ang kahanga-hangang layunin ng biyaya ng Diyos, ang misteryo ng tumutubos na pag-ibig, ay ang tema kung saan ang "mga anghel ay nagnanais na tumingin," at ito ang kanilang pag-aaral sa buong walang katapusang mga panahon. Kapwa ang mga tinubos at ang hindi nahulog na mga nilalang ay masusumpungan sa krus ni Cristo ang kanilang agham at kanilang awit. Makikita na ang kaluwalhatiang nagniningning sa mukha ni Hesus ay ang kaluwalhatian ng mapagsakripisyong pag-ibig. Sa liwanag mula sa Kalbaryo ay makikita na ang batas ng pag-ibig na nagtatakwil sa sarili ay ang batas ng buhay para sa lupa at langit; na ang pag-ibig na “ hindi hinahanap ang kaniyang sarili ” ay nagmumula sa puso ng Diyos; at sa Kanya na may kaamuan at pagpapakababa nahahayag ang katangian Niya na nananahan sa liwanag na hindi malalapitan ng sinuman. DA 19.2
“Sa pasimula, ang Diyos ay nahayag sa lahat ng mga gawa ng paglikha. Si Cristo ang naglatag ng langit, at naglagay ng mga pundasyon ng lupa. Ang Kanyang kamay ang nagbitin ng mga daigdig sa kalawakan, at nag-anyo ng mga bulaklak sa parang. “Ang kanyang lakas ay nagpapabilis ng mga bundok.” “Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa.” Awit 65:6 ; 95:5 . Siya ang nagpuno sa lupa ng kagandahan, at sa hangin ng awit. At sa lahat ng bagay sa lupa, at hangin, at langit, isinulat Niya ang mensahe ng pag-ibig ng Ama.” DA 20.1