“ At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y isang Hebreo; at ako'y natatakot sa Panginoon, sa Dios ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupain. KJV — Jonah 1:9
“ Ang mga hula na ibinigay ng dakilang AKO NGA sa Kaniyang salita, na pinag-uugnay-ugnay ang bawat kawing sa tanikala ng mga pangyayari, mula sa walang hanggan sa nakaraan hanggang sa walang hanggan sa hinaharap, ay nagsasabi sa atin kung nasaan tayo ngayon sa paglakad ng mga kapanahunan at kung ano ang maaaring asahan sa darating na panahon. Lahat ng ipinahayag ng hula na mangyayari, hanggang sa kasalukuyang panahon, ay naisulat na sa mga pahina ng kasaysayan, at maaari tayong makasigurado na ang lahat ng hindi pa nangyayari ay matutupad sa takdang panahon nito.” PK 536.3
Ngayon, ang mga tanda ng panahon ay nagpapahayag na tayo’y nakatayo sa hangganan ng malalaki at mapanghamong mga kaganapan. Ang lahat ng bagay sa ating daigdig ay nasa pagkakagulo. Sa ating harapan ay natutupad ang hula ng Tagapagligtas tungkol sa mga pangyayaring mauuna sa Kaniyang pagdating: ‘ At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan... Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.” (Mateo 24:6, 7) PK 536.4
"Ang kasalukuyan ay panahon ng napakalaking interes para sa lahat ng nabubuhay. Mga pinuno, mga taong nasa mga posisyon ng tiwala at kapangyarihan, mga taong mapanlikha’t mapag-isip sa lahat ng antas ng lipunan, ay dapat itinuon ang kanilang pansin sa mga kaganapang nagaganap sa ating paligid. Kanilang makikita ang ugnayan sa pagitan ng mga bansa. Masasaksihan ang matinding kasidhian na sumasakop sa bawat panlupang elemento, at kinikilala nilang may isang dakila at mapagpasiyang pangyayari ang malapit nang maganap—na ang mundo ay nasa bingit ng isang napakalaking krisis.” PK 537.1
“Ang Biblia, at ang Biblia lamang, ang nagbibigay ng tamang pananaw ukol sa mga bagay na ito. Dito inihahayag ang dakilang panghuling mga tagpo sa kasaysayan ng ating daigdig, mga pangyayaring sa ngayon ay nagbubunga na ng anino sa hinaharap, ang tunog ng kanilang paglapit ay nagpapayanig sa lupa at nagpapapanginig sa puso ng mga tao dahil sa takot.” PK 537.2
Basahin ang Mateo 12:38–42. Aling mga bahagi ng kuwento ni Jonas ang tinutukoy ni Jesus habang kinakausap Niya ang mga eskriba at Fariseo? Anong mga aral sa paghuhukom ang matatagpuan sa Kanyang mga sinasabi?
Alinsunod dito, si Jesus ay inaresto nang maaga noong Huwebes ng umaga; nilitis sa harap ni Anas habang madilim pa (Juan 18:13); dinala kay Caifas sa kapulungan ng Sanedrin (Kaniyang legal na paglilitis) sa bukang-liwayway (Mateo 26:57; 27:1); pagkatapos ay dinala kay Pilato, Biyernes, bago pa magbukang-liwayway—mga ikaanim na oras (alas-6:00 ng umaga, si Juan ay gumamit ng roman time sa partikular na pangyayaring ito) (Juan 19:14); pagkatapos ay dinala kay Herodes (Lucas 23:7); pagkatapos ay ibinalik kay Pilato (Lucas 23:11); at sa wakas ay ipinako sa krus sa umaga rin ng araw na iyon, mga ikatlong oras (Marcos 15:25) — alas-9:00 ng umaga, sa modernong oras.
Ipinapakita ng tala ng oras na ito na ang Kaniyang pagkakadakip, Kaniyang mga paglilitis, at ang Kaniyang pagpapako sa krus ay maingat at tusong isinadyang maganap sa gabi at maagang umaga upang maiwasan ang anumang kaguluhan, sapagkat “sila'y natatakot sa mga tao.” (Lucas 20:19)
Na Siya ay nanatili sa libingan ng dalawang gabi at muling nabuhay sa Linggo; na ang tatlong araw at tatlong gabi ay ang panahong mula sa Kaniyang unang legal na paglilitis hanggang sa panahon ng Kaniyang pagkabuhay na muli; na ang "ilalim ng lupa" ay maling ipinalalagay na ang libingan, gayong ito, ayon sa karanasan ni Jonas, ay simbolo ng pagkabilanggo ni Cristo sa kamay ng mga makasalanan at sa libingan (Mateo 20:19; 16:21; 17:22, 23; 27:63; Lucas 9:22; 24:21; 18:33; 24:7 – “Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw.” [Lucas 24:46]); na ang tanda ng “tatlong araw at tatlong gabi” ay literal na natupad mula Huwebes ng umaga, sa oras ng Kaniyang legal na paglilitis, hanggang Linggo ng umaga nang Siya’y muling nabuhay; na ang kordero ng Paskuwa, na noon ay papatayin habang si Jesus ay nasa krus, ay hindi yaong pinatay sa unang araw ng linggo ng Paskuwa, ika-labing-apat na araw ng buwan, kundi yaong pinatay sa ika-labing-anim na araw, ang ikalawang araw ng mga pista;—ang lahat ng mga konklusyong ito ay matibay na nakasandig sa malinaw at simpleng mga katotohanang itinatag dito; hindi, mahal na mambabasa, sa mga alamat o mga salin na hindi mo naman alam, o sa mga tinatawag na “orihinal na manuskrito” na hindi mo naman kayang basahin, at hindi mo rin makakamtan, at ang ilan sa mga ito ay hindi man lang umiiral!
Si Cristo, sa panahon ng Kaniyang ministeryo sa lupa, ay tumukoy sa kabutihang dulot ng pangangaral ni Jonas sa Nineve, at inihambing ang mga naninirahan sa sentrong pagano na iyon sa mga inaakalang bayan ng Diyos noong Kaniyang kapanahunan. Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.” (Mateo 12:40, 41) Sa gitna ng abalang mundo, puno ng ingay ng kalakalan at alitan ng hanapbuhay, kung saan ang mga tao’y nagsisikap na makuha ang lahat para sa sarili, si Cristo ay dumating; at higit sa kaguluhan, ang Kaniyang tinig, gaya ng trumpeta ng Diyos, ay narinig: “Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Marcos 8:36, 37) PK 273.1
Gaya ng pangangaral ni Jonas na naging tanda sa mga taga-Nineve, gayundin ang pangangaral ni Cristo ay naging tanda sa Kaniyang salinlahi. Ngunit kay laki ng kaibahan sa pagtanggap sa salita! Gayon pa man, sa kabila ng kawalang-interes at panlilibak, patuloy na naglingkod ang Tagapagligtas, hanggang sa ang Kaniyang misyon ay ganap na maisakatuparan. PK 274.1
Basahin ang Jonas 3:5–10. Bakit hindi natupad ang propesiyang ito?
“Nalito, napahiya, at hindi maunawaan ang layunin ng Diyos sa pagpapatawad sa Nineve, si Jonas ay gayunman ay tinupad ang misyong iniatang sa kaniya upang balaan ang dakilang lungsod na iyon; at bagaman ang ipinagpahiwatig na pangyayari ay hindi naganap, gayon pa man ang mensahe ng babala ay mula pa rin sa Diyos. At ito ay tumupad sa layunin na itinakda ng Diyos. Ang kaluwalhatian ng Kaniyang biyaya ay nahayag sa gitna ng mga pagano. Yaong matagal nang naninirahan “ sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw,” ay “nagsidaing sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.,” at “Kaniyang iniligtas sila mula sa kanilang mga kapahamakan. Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali.” “Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling sila, at iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.” (Awit 107:10, 13, 14, 20) PK 272.5
“Ang ating Diyos ay Diyos ng kaawaan. Sa mahabang pagtitiis at banayad na habag ay pinakikitunguhan Niya ang mga lumalabag sa Kaniyang kautusan. At gayon ma’y sa ating kapanahunan ngayon, kung kailan ang mga lalaki at babae ay may napakaraming pagkakataong makilala ang banal na kautusan gaya ng nahayag sa Banal na Kasulatan, ang dakilang Tagapamahala ng sansinukob ay hindi maaaring pagmasdan nang may kasiyahan ang masasamang mga lungsod, kung saan naghahari ang karahasan at krimen. Ang katapusan ng pagtitiis ng Diyos sa mga patuloy sa pagsuway ay mabilis nang lumalapit.” PK 275.3
“Dapat ba tayong magtaka kung may biglaan at hindi inaasahang pagbabago sa pakikitungo ng Kataas-taasang Tagapamahala sa mga naninirahan sa isang nahulog na mundo? Dapat ba tayong magtaka kapag ang kaparusahan ay sumusunod sa pagsuway at lumalalang kasamaan? Dapat ba tayong magtaka na ang Diyos ay magdala ng kapahamakan at kamatayan sa mga taong ang kinita ay nakuha sa pamamagitan ng pandaraya at panlilinlang? Sa kabila ng katotohanang ang lumalagong liwanag tungkol sa mga kahilingan ng Diyos ay patuloy na tumatanglaw sa kanilang landas, marami ang tumangging kilalanin ang pamumuno ni Jehova, at piniling manatili sa ilalim ng itim na watawat ng pinagmulan ng lahat ng paghihimagsik laban sa pamahalaan ng langit.” PK 276.1
“Ang pagtitiis ng Diyos ay napakadakila—napakadakila na kapag ating pinagnilayan ang tuloy-tuloy na paglapastangan sa Kaniyang banal na mga utos, tayo'y namamangha. Ang Makapangyarihan sa lahat ay gumagawa ng pagpipigil sa Kaniyang sariling mga katangian. Ngunit tiyak na Siya’y babangon upang parusahan ang mga masama, na may ganitong katapang na pagsuway sa makatarungang mga kahilingan ng Sampung Utos.” PK 276.2
Basahin ang Daniel 5:1–31. Anong mahahalagang mensaheng espirituwal ang makukuha natin mula sa salaysay na ito? Ano sa huli ang nakatisod kay Belshasar?
“Dahil sa kahangalan at kahinaan ni Belshazar, ang apo ni Nabucodonosor, ang palalong Babilonya ay malapit nang bumagsak. Sa kanyang kabataan ay nabigyan siya ng bahagi sa kapangyarihang makapaghari, at si Belshazar ay nagmalaki sa kanyang kapangyarihan at itinaas ang kanyang puso laban sa Diyos ng langit. Marami na sanang pagkakataon ang kanyang tinanggap upang malaman ang banal na kalooban at maunawaan ang kanyang pananagutang sumunod dito. Alam niya ang tungkol sa pagkakatapon ng kanyang lolo mula sa lipunan ng tao, sa pamamagitan ng utos ng Diyos; at pamilyar siya sa pagbabalik-loob ni Nabucodonosor at sa kanyang kamangha-manghang pagpapanumbalik. Ngunit pinayagan ni Belshasar na burahin ng pagmamahal sa kalayawan at pagpaparangal sa sarili ang mga aral na hindi sana niya kailanman nakalimutan. Nasayang ang mga pagkakataong mahabaging ibinigay sa kanya, at pinabayaan niyang gamitin ang mga paraan upang higit na makilala ang katotohanan. Yaong bagay na sa wakas ay natamo ni Nabucodonosor sa pamamagitan ng di-mabilang na pagdurusa at pagpapakumbaba, ay binale-wala lamang ni Belshasar nang may kawalang-interes. — PK 522.2
Hindi nagtagal at dumating ang pagbagsak. Kinubkob ng hukbo ni Ciro, pamangkin ni Dario na taga-Media at punong heneral ng pinagsanib na hukbo ng mga Medo at Persia, ang Babilonya. Ngunit sa loob ng tila di-madaig na kuta, na may napakalalaking pader at mga pintuang tanso, na pinoprotektahan ng ilog Eufrates, at may saganang suplay ng pagkain, ang hari ng karangyaan ay naging kampante at ginugol ang kanyang oras sa kasayahan at kasayawaan. — PK 523.1
Sa kanyang kapalaluan at kahambugan, at sa isang walang-ingat na pakiramdam ng seguridad, si Belshasar ay “gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao, at uminom ng alak sa harap ng sanglibo.” Lahat ng kagandahan na maaring ibigay ng kayamanan at kapangyarihan ay nagbigay ningning sa tagpo. Mga magagandang babae na may mapang-akit na kagandahan ay kabilang sa mga panauhin sa handaan ng hari. Naroon din ang mga taong matatalino at may pinag-aralan. Ang mga prinsipe at mga estadista ay uminom ng alak na tila tubig at nagpakasasa sa nakalalasing nitong epekto. — PK 523.2
Sa kawalang-katuwirang dulot ng kahindik-hindik na pagkalasing, at sa pagkahari ng mababang hilig at pita ng laman, ang hari mismo ang nanguna sa marahas na kasayahan. Sa patuloy na pag-inom, iniutos niyang “dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae.” Nais ng hari na patunayan na wala ni isang bagay na masyadong banal upang hindi niya mahawakan. “ Nang magkagayo'y dinala nila ang mga gintong sisidlan; ... at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae. Sila'y nangaginuman ng alak, at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.” — PK 523.3
Hindi inakala ni Belshazar na may isang Saksi mula sa langit na nakamasid sa kanyang idolatrosong kasayahan; na may isang Banal na Tagapagbantay na hindi nila kinikilala ang nakatingin sa tanawin ng kalapastanganan, nakikinig sa kanilang lapastangang katuwaan, at nasasaksihan ang kanilang pagsamba sa diyus-diyosan. Ngunit di-naglaon, ang hindi inaanyayahang Panauhin ay ipinaramdam ang Kanyang presensiya. Sa kasagsagan ng kanilang pagdiriwang, isang kamay na walang katawan ang lumitaw at nagsulat sa pader ng palasyo ng mga titik na tila apoy — mga salitang hindi naunawaan ng karamihan, ngunit naging hudyat ng kapahamakan sa hari at sa kanyang mga panauhin na ngayo’y sinisilo ng kanilang budhi. — PK 524.1
Tumahimik ang maingay na kasayahan, habang ang mga lalaki’t babae, nilukuban ng takot na hindi nila maipaliwanag, ay pinanood ang kamay na dahan-dahang sumusulat ng mahiwagang mga letra. Sa harapan nila’y lumipas na parang pelikula ang mga gawa ng kanilang masasamang buhay; wari’y sila’y nasa harap ng hukuman ng walang-hanggang Diyos na kanilang nilapastangan. Kung saan ilang saglit lamang ang nakaraan ay may tawanan at lapastangang katatawanan, ngayo’y mga maputlang mukha at sigaw ng takot ang naroon. Kapag ang Diyos na ang nagpaparamdam ng takot sa tao, wala silang maitatagong sindak sa kanilang puso. — PK 524.2
Basahin ang Daniel 5:18–31 at Apocalipsis 16:12–19. Anong mga pagkakahalintulad ang makikita ninyo sa pagitan ng ilan sa mga salot ng Apocalipsis at sa kuwento ng pagbagsak ng Babilonia ?
“Habang siya’y nasa bulwagang piging pa, napapalibutan ng mga taong ang kapalaran ay nakatakda na, ipinaalam sa hari ng isang sugo na “ang kaniyang bayan ay nasakop” ng kaaway na kanyang pinaniwalaang hindi siya maaabot; “At ang mga tawiran ay nangasapol, at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot..” (Jer 51: 31, 32). Maging habang siya at ang kanyang mga maharlika ay umiinom mula sa mga banal na sisidlan ni Jehova, at pinupuri ang kanilang mga diyos na pilak at ginto, ang mga Medo at Persiano, na tinawid ang ilog Eufrates mula sa dating agos nito, ay nagmamartsa patungo sa pinakapuso ng lungsod na walang bantay. Ang hukbo ni Ciro ay nasa ilalim na ng mga pader ng palasyo; ang lungsod ay napuno ng mga kawal ng kaaway, “na parang mga balang” (talata 14); at ang kanilang sigaw ng pagtatagumpay ay dinig na dinig sa ibabaw ng mga daing ng pagkabigla ng mga nagdiwang.” — PK 531.2
Ang kabisera ng sinaunang Babilonya ay itinayo sa magkabilang panig ng ilog Eufrates, kaya’t nahati sa dalawang bahagi ang lungsod. Ang ilog din ang pinagkukunan ng tubig na nagpapalakas sa depensang kanal sa paligid ng lungsod. At dahil ang sinaunang taga-Babilonya ang unang nagtayo sa pampang ng Eufrates, at ang orihinal na kahulugan ay dapat ikabit sa mga orihinal na nanirahan doon, ang “dakilang ilog na Eufrates” ay lumilitaw bilang isang sagisag ng “mga tubig... na kinauupuan ng patutot” (Apoc. 17:15) – ang makabagong Babilonya. At ang mahalagang katotohanang ito ay pinalalim ng katotohanang ang sinaunang lungsod ng Babilonya ay wala na ngayon, samantalang ang hula ay naglalarawan ng isang Babilonya sa kasalukuyan.
Ngayon, upang magkaroon ng makabagong Babilonya, kinakailangan na may pag-uulit sa ating panahon ng mga kalagayan at pangyayari na pangunahing tumukoy sa sinaunang Babilonya sa ugnayan nito sa bayan ng Diyos. Kaya't ang kanilang pagkabihag sa Babilonya, ang tipo (type) (Jer. 29:10), ay kailangang magkaroon ng katumbas sa Babilonya sa antitipiko (antitype). Napakalinaw, kung gayon, na ang anghel na “ginapos sa dakilang ilog Eufrates” (Apoc. 9:14) ay sumasagisag sa iglesya ng Kristiyano sa panahon ng kanyang pagkabihag sa antitipikong Babilonya – “yaong dakilang bayan” na bumangon matapos ang panahon ni Juan.
Bukod dito, ang pahayag na nagmula sa gintong dambana at nagsabi, “kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos,” ay maliwanag na nagpapakita na nang magsalita ang “tinig,” ang iglesya (ang mga anghel) ay nasa pagkabihag na, at ito ay dapat pakawalan.
Ang pagtupad sa utos na, “Kalagan mo ang apat na anghel,” na ang ibig sabihin ay palayain ang iglesya mula sa kanyang pagkabihag sa Babilonya ay nagresulta sa kanyang paglaya mula sa mahabang pagkaalipin sa pamumuno ng pinagsanib na kapangyarihang simbahan at estado, at sa muling pagbabalik ng Biblia sa bayan ng Diyos, upang kanilang mapag-aralan at sambahin ang Diyos nang may takot at walang kinikilingan, at may pananagutan lamang sa kanilang budhi at sa kanilang Diyos. Sa kasunod na pagkabuwag ng unyong simbahan-estado, ang “apat na anghel” ay napakawalan.
Basahin ang 2 Cronica 36:22, 23. Sa anong mga paraan inihahalintulad ng kuwento ni Ciro kay Nabucodonosor? Sa anong mga paraan sila nagkakaiba? Ano ang kahalagahan ng pahayag? Pagkatapos nito naapektuhan ang buong unang pagdating ni Jesus ilang siglo kalaunan?
“Ang pagdating ng hukbo ni Ciro sa harap ng mga pader ng Babilonya ay naging tanda sa mga Judio na ang kanilang paglaya mula sa pagkabihag ay nalalapit na. Mahigit isang siglo bago ipanganak si Ciro, binanggit na siya ng Inspirasyon sa pangalan, at ipinasulat ang aktuwal na gawaing gagawin niya sa palihim na pagsakop sa lunsod ng Babilonya, at sa paghahanda ng daan para sa pagpapalaya sa mga anak ng pagkabihag. Sa pamamagitan ni Isaias ay sinabi ang mga salitang ito:” PK 551.1
“‘Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.” Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.’” Isaias 44:28; 45:13.
Si Ciro, na pinuno ng hukbong Medo-Persiano na lumusob sa Babilonya, ay hindi pa isinisilang nang isulat ni propetang Isaias ang patungkol sa kanya. Ngunit inalala ng Diyos ang Kanyang pangako, at nang si Belsasar ay lubos na nakadama ng seguridad sa gabi ng kasayahan at mapaminsalang kalayawan, binuksan ng Diyos sa harap ni Ciro ang dalawang pinto, at ginawang posible ang pagsakop sa kaharian. Doon ay nasalubong ng mga Medo at Persiano sina Daniel at ang kanyang mga kasama, na nagpakita kay Ciro ng mga Kasulatan na hindi lamang humula ng kanyang tagumpay, kundi pati na rin ng kanyang pangalan. Sa pagkakita at pagdama sa kapangyarihan ng Diyos, si Ciro ay napukaw upang maglabas ng utos:
Ezra 1:2-11 – “Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya'y Dios, ) na nasa Jerusalem. At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem. Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem. At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pag-aari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog. Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem, at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios; Sa makatuwid baga'y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman, at mga binilang kay Sesbassar, na prinsipe sa Juda. At ito ang bilang ng mga yaon: tatlong pung pinggang ginto, at isang libong pinggang pilak, dalawang pu't siyam na sundang; Tatlong pung mangkok na ginto, mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu, at ang ibang mga sisidlan ay isang libo. Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem.”
Hindi mahirap makita na kung ang mga pinuno ng imperyong Medo-Persiano ay nagpatuloy sa pamumuno sa espiritung taglay ni Ciro, ang kahariang iyon ay maaaring nananatili pa hanggang ngayon. Ngunit ang kahariang iyon ay napalitan ng Grecia; ang Grecia, ng Roma; at ang Roma, ng mga bansa sa ating panahon. Maliwanag na maliwanag na ang mga kaharian ngayon ay nananatili dahil sa layunin ng Diyos na ito’y mangyari.”
“Ang bawat bansa na lumitaw sa entablado ng kasaysayan ay pinahintulutang manahanan sa ibabaw ng lupa upang matiyak kung ito ba ay tutupad sa layunin ng Tagapagmasid at ng Banal.”
“Ipinakita ng propesiya ang pag-angat at pagbagsak ng mga dakilang imperyo ng mundo—Babylonia, Medo-Persia, Grecia, at Roma. Gaya ng sa mga bansang may mas maliit na kapangyarihan, ang kasaysayan ay nauulit. Bawat isa sa mga ito ay nagkaroon ng panahon ng pagsubok, ngunit nabigo rin sa huli—naubos ang kanilang kaluwalhatian, at nawala ang kanilang kapangyarihan.” PK 535.1
“Habang ang mga bansa ay tumatalikod sa mga prinsipyo ng Diyos—at sa pagtatalikod na ito ay idinudulot ang sarili nilang kapahamakan—ang isang banal at nakapangyayaring layunin ay malinaw na gumagabay sa buong kasaysayan.”
“Ito ang nakita ng propetang si Ezekiel sa isang kahanga-hangang pangitain habang siya’y nasa pagkabihag sa lupain ng mga Caldeo. Sa kaniyang harapan ay ipinakita ang mga simbolo na naglalarawan ng isang kapangyarihang higit sa lahat, na namamahala sa mga gawain ng mga pinunong makalupa.” PK 535.2
“Sa pampang ng ilog Chebar, at ako'y tumingin, at, narito, isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga.”
“May mga gulong na nagsasalubong sa isa’t isa, at pinakikilos ng apat na buhay na nilalang. At sa itaas ng langit na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang luklukan na parang anyo ng batong zafiro; at sa ibabaw ng kawangis ng luklukan ay may kawangis ng isang tao sa itaas niyaon. At lumitaw sa gitna ng mga kerubin ang anyo ng kamay ng isang tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak.” (Ezekiel 1:4, 26; 10:8)
“Sa unang tingin, ang mga gulong ay tila magulo sa pagkakaayos, ngunit kumikilos ang mga ito nang may ganap na pagkakaisa. Ang mga ito ay ginagabayan ng mga nilalang mula sa langit na inaalalayan ng kamay sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin. Sa itaas nila, sa luklukang zafiro, nakaluklok ang Walang Hanggan; at sa palibot ng trono ay may bahaghari, na simbolo ng awa ng Diyos.” PK 535.3
“Kung paanong ang mga gulong ay ginagabayan ng kamay sa ilalim ng mga kerubin, gayundin ang mga masalimuot na pangyayari sa kasaysayan ng tao ay nasa ilalim ng banal na pamumuno.”
“Sa gitna ng sigalot at kaguluhan ng mga bansa, Siya na nakaluklok sa ibabaw ng mga kerubin ay patuloy na gumagabay sa mga pangyayari sa mundo.” PK 536.1
“Ang kasaysayan ng mga bansa ay may mensaheng taglay para sa ating panahon. Bawat bansa, at bawat tao, ay may takdang bahagi sa dakilang panukala ng Diyos.”
“Sa kasalukuyan, sinusubok ang mga tao at mga bansa sa pamamagitan ng panukat na hawak ng Isa na hindi nagkakamali. Lahat ay gumagawa ng sariling pasya na tumutukoy sa kanilang kahihinatnan, at sa likod ng lahat ng ito, ang Diyos ay gumagawa upang matupad ang Kaniyang mga layunin.” PK 536.2