“ At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.” KJV - Daniel 7:14
Ang bahaging iyon ng bagong lupa na niyurakan at nadungisan ng mga paa ng masasama sa loob ng “kaunting panahon” ay lilinisin sa pamamagitan ng apoy na “bababa mula sa Diyos mula sa langit” at tutupok sa kanila at sa kanilang mga gawa, samantalang ang mga mananahan sa bagong lupa magpakailanman ay poprotektahan sa loob at paligid ng “bayang banal.” Apocalipsis 21:2.
“At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok. At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man... At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.” Apocalipsis 20:9, 10, 14, 15.
Yamang hindi lamang si Satanas, kundi pati rin ang “sinumang hindi nasumpungang nakasulat sa Aklat ng Buhay, ay inihagis sa dagat-dagatang apoy,” ang apoy na ito ay pagpapatuloy ng kaparehong paglipol na dulot ng apoy na “bumaba mula sa Diyos mula sa langit.” Apocalipsis 20:9. Sa ibang salita, pagkatapos ng isang libong taon, ang apoy na “bumaba mula sa Diyos mula sa langit” ay magbubunga ng “dagat-dagatang apoy” (Apocalipsis 20:10) at ng walang hanggang paglipol ng lahat ng makasalanan. Tungkol sa huling paglipol na ito, isang pre-millenial na demonstrasyon ang ipapakita kapag ang hayop at ang bulaang propeta ay inihagis sa “dagat-dagatang apoy” – ang kanilang libingan sa loob ng isang libong taon. At yamang ang apoy ay hindi patuloy na nagliliyab sa loob ng isang libong taon, ang pahayag na, “ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta” (Apocalipsis 20:10), ay nagpapakita kung gayon na mayroong typical at antytipcal na paglilipol; ang dagat-dagatang apoy bago ang milenyo ay ang type ng gagawing paglipol pagkaraan ng milenyo.
“ At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam.” Ang apoy na tumutupok sa mga masama ay siyang naglilinis sa lupa. Bawat bakas ng sumpa ay ganap na aalisin. Walang impiyernong laging nagliliyab magpakailanman na laging magpapaalala sa mga tinubos ng kakila-kilabot na bunga ng kasalanan. The Southern Watchman, March 14, 1905, paragraph 14.
“Sa magaganap na restorasyon sa punongkahoy ng buhay sa matagal nang nawalang Eden, ang mga tinubos ay 'lalago' hanggang sa ganap na tayog ng lahi sa kaluwalhatiang orihinal nito. Ang huling bakas ng sumpa ng kasalanan ay lubos na aalisin, at ang tapat kay Cristo ay lalabas na nasa “kagandahan ng Panginoong aming Dios;' sa isip, kaluluwa, at katawan, na sumasalamin sa ganap na wangis ng kanilang Panginoon. O kamangha-manghang pagtubos! Matagal nang pinaguusapan, matagal nang inaasam, pinagninilayan nang may sabik na paghihintay, subalit kailanma’y hindi lubos na naunawaan.” The Southern Watchman, March 14, 1905, paragraph 15.
Pagkatapos na mahulog si Adan sa kasalanan, ano ang sinabi ng Panginoon sa kanya? – “At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo.” Gen 3:17
Ano ang sinabi ng Diyos, kung gayon? – “Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay sa lahat ng araw ng iyong buhay;” ibig sabihin, alang-alang sa iyo, ikaw ngayon ay daraan sa paghihirap upang mabuhay, at nararapat lamang na tanggapin mo ito nang may pakikisang-ayon. Bagaman hindi ito ang ukol na kapalaran ng tao bago siya nagkasala, ito ay naging bahagi ng kanyang buhay mula nang siya ay pinaalis sa Halamanan, mula nang kanyang matamo ang sumpa.
“Ngunit,” itatanong mo, “bakit nilayon ng Diyos na tayong lahat ay dumanas muna ng hirap at kalungkutan bago tayo muling ibalik sa Eden? Kung balak Niya tayong ibalik doon, bakit hindi Niya ginawa ito noong panahon pa ni Adan?”
Kung pinahintulutan ng Diyos sina Adan at Eva na manatili sa Halamanan matapos silang magkasala at magpatuloy sa paglapit sa “punongkahoy ng buhay,” maaaring mangyari na maipagpatuloy sa walang hanggan ang kanilang makasalanang buhay sa makasalanang kalagayan. Napakasamang bagay niyon—na ang mga makasalanan ay mabuhay magpakailanman! At kung iniligtas Niya sila at ang kanilang mga lahi sa pagdanas ng kahirapan at kamatayan, hindi sana nila mauunawaan kung ano talaga ang buhay sa kasalanan, hindi, hindi nila ito mauunawaan tulad ng alibughang anak bago niya naranasan ang kasamaan, pagkalugi, mabigat na paggawa, at kahirapan.
“Ngunit,” iyong sasabihin, “kung hindi kayang ibalik ng Panginoon sina Adan at Eva sa Halamanan nang hindi muna dumaraan sa kamatayan at pagkabuhay na muli, kailangan ba talaga Niyang isumpa ang lupa at bigyang pasanin sila sa paggawa upang makakain?” At bakit kinailangang pakainin Niya sila ng tinapay sa kalungkutan sa loob ng 6,000 taon? – Dahil ang lahat ng papasok sa Kaharian, at muling maibabalik sa Eden, ay dapat munang matauhan, gaya ng alibughang anak, sapagkat kailangang maipakita sa lahat na ang lahat ng bagay sa labas ng Halamanan ay walang saysay na gaya ng pagkain ng mga baboy.
Dahil mahalaga ang paggawa at likas na kinamumuhian ng makasalanan ang paggawa, nilikha ang mga tinik at dawag upang pilitin silang magtrabaho upang mabuhay. Kung iiwan natin ang masasamang damo sa lupa, at gugulin ang ating oras sa pagpapakasaya, sasakalin nito ang mga pananim, at tayo, gaya ng alibughang anak, ay daranas ng taggutom. Kaya, kung walang trabaho, walang kain. Ang Diyos na nakakaalam kung ano ang pinakamabuti para sa atin ay itinakda na tayo ay maghanapbuhay sa mahirap na paraan—magtrabaho buong araw na may kaunting pahinga lamang.
Ang mga taong nakauunawa ay nakikitang ang paggawa ay isang kagalakan. Ang mga mangmang lamang ang namumuhi sa paggawa.
Basahin ang Genesis 10:1–12. Dito ipinakikilala ng Biblia ang ilang mahahalagang kapangyarihang politikal na matatagpuan sa buong biblia, kasama ang Nineve at Babilonya. Kung isasaalang-alang ang nalalaman tungkol sa gagampanan ng mga lungsod na iyon, ano ang maaari nating matutunan mula sa mga talatang ito?
Ang pasimula ng kaharian ni Nimrod ay “Babel,” o “Babylonya” sa wikang Griyego. Ang kanyang kapangyarihan ay sumaklaw sa apat na lungsod ng kapatagan; ito ay ang Babilonya, Erech, Accad, at Calneh. Kung bubuksan ng mambabasa ang Genesis 10:1-8 at maingat na bibilangin ang mga isinilang mula sa pamilya ni Noe pagkatapos nilang lumabas sa arka matapos ang baha hanggang sa kapanganakan ni Nimrod, mapapansin na si Nimrod ang ika-26 na taong isinilang pagkatapos ng baha. Ang lokasyon ng lungsod ay nasa lupain ng Shinar, gaya ng mababasa sa Genesis 11:2: “ At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.”
Ang pangalang Babel (Babylonya sa Griyego) ay nagsimula noong itinayo ang tore ng Babel, pagkatapos ay ginulo ng Diyos ang karamihan sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba ng wika. Ayon kay Daniel, ang kabisera ng Babilonya ay nakatayo rin sa parehong kapatagan: “At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda [Ang hari ng Babilonya],… na kanyang dinala sa lupain ng Shinar.” (Daniel 1:2) Kaya’t ang Babilonya ay naitatag pagkatapos ng baha, marahil sa pagitan ng 2400 at 2300 B.C., at narating nito ang tugatog bilang isang pandaigdigang imperyo sa pagitan ng 400 o 500 B.C. Sa pag-unlad nito, ang Babilonya ay gumugol ng humigit-kumulang 1800 taon o higit pa. Tiyak na walang sinuman ang mag-aakalang napakabilis ng tagumpay ng Babilonya sa pagsakop sa sinaunang mundo.
“Ang mga naninirahan sa kapatagan ng Shinar ay hindi naniwala sa tipan ng Diyos na hindi na Niya muling gugunawin ang lupa sa pamamagitan ng baha… Isa sa mga layunin nila sa pagtatayo ng tore ay upang matiyak ang kanilang kaligtasan sakaling muling magkaroon ng baha. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng istruktura sa mas mataas pang antas kaysa narating ng tubig ng baha, inaakala nilang maiiwas nila ang kanilang mga sarili sa anumang kapahamakan. At dahil sa kanilang pag-akyat sa kalangitan, inaasahan nilang matuklasan ang dahilan ng baha.” Patriarchs and Prophets, page 119, paragraph 1.
Basahin ang Genesis 12:1–9 . Bakit tinawag ng Diyos si Abram (na kalauna’y si Abraham) na lumabas mula sa kanyang bansang pinagmulan?
“Pagkatapos ng pagkakahiwa-hiwalay sa Babel, muling lumaganap sa pangkalahatan ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, at sa wakas ay pinabayaan ng Panginoon ang mga matitigas ang loob na mga mananalangsang upang sundan ang kanilang masasamang daan, habang Kanyang pinili si Abraham, mula sa linya ni Shem, at ginawang tagapag-ingat ng Kanyang kautusan para sa mga susunod na salinlahi. Lumaki si Abraham sa gitna ng pamahiin at paganismo. Maging ang sambahayan ng kanyang ama, na sa kanila'y napanatili ang kaalaman tungkol sa Diyos, ay naaakit na rin ng mga mapanuksong impluwensyang nakapaligid sa kanila, at sila’y ‘naglilingkod sa ibang mga diyos’ bukod kay Jehova. Ngunit ang tunay na pananampalataya ay hindi lubusang mawawala. Laging pinananatili ng Diyos ang isang ‘nalabi’ upang maglingkod sa Kanya. Sina Adan, Seth, Enoc, Matusalem, Noe, at Shem, sa tuloy-tuloy na linya, ay nag-ingat sa bawat salinlahi ng mahalagang pahayag ng Kanyang kalooban. Si Abraham, anak ni Tera, ang naging tagapagmana ng banal na pananagutang ito. Nakapaligid sa kanya ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, ngunit siya'y hindi natinag. Tapat sa gitna ng mga di-tapat, hindi nabahiran ng laganap na apostasya, siya’y nanatiling matibay sa pagsamba sa iisang tunay na Diyos. “Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.” Awit 145:18. Ipinahayag Niya kay Abraham ang Kanyang kalooban, at binigyan siya ng malinaw na pagkaunawa sa mga kahilingan ng Kanyang kautusan at ng kaligtasang maisasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo.” .” Patriarchs and Prophets, page 125, paragraph 1.
Alam nating lahat ang kuwento, na nang tawagin ng Diyos si Abraham upang lisanin ang kanyang bayan at tumungo sa isang hindi kilalang lupain, ipinangako ng Diyos na bibigyan siya ng anak. Lumipas ang halos dalawampu’t limang taon ngunit hindi pa rin dumarating ang anak na ipinangako. Noon ay humigit-kumulang siyamnapung taong gulang na si Sara (Genesis 17:17). Sa mga taong iyon ng paghihintay nina Abraham at Sara sa anak, naging asawa ni Abraham si Hagar at isinilang si Ismael. Kaya si Sara ay ang babaeng binawaan (iniwaksi), at si Hagar ang may asawa. Alinsunod dito, sa Isaias 54:1 ay nagsasalita nang alegoriko tungkol sa dalawang babaeng ito at sa kanilang mga anak.
Basahin ang Deuteronomio 4:5–9. Ano ang sinasabi ng Panginoon sa mga anak ni Abraham, ang bansang naging katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham?
“Ang mga anak ng Israel ay maninirahan sa lahat ng teritoryong itinalaga ng Diyos para sa kanila. Ang mga bansang tumangging sumamba at maglingkod sa tunay na Diyos ay aalisin. Ngunit layunin ng Diyos na sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang likas sa pamamagitan ng Israel, ang mga tao ay mahihikayat na lumapit sa Kanya. Sa buong mundo ay ipapahayag ang paanyaya ng ebanghelyo. Sa pamamagitan ng pagtuturo ukol sa mga handog na hain, si Cristo ay itataas sa harap ng mga bansa, at ang lahat ng tumingin sa Kanya ay mabubuhay. Ang lahat ng tulad nina Rahab na Cananea at Ruth na Moabita, na tumalikod mula sa pagsamba sa mga diyus-diyosan patungo sa pagsamba sa tunay na Diyos, ay dapat sumama sa Kanyang hinirang na bayan. Sa pagdami ng bilang ng Israel, kanilang palalawakin ang kanilang mga hangganan, hanggang sa ang kanilang kaharian ay umabot sa buong mundo.” — Christ’s Object Lessons, page 290, paragraph 1.
“Ang layunin ng Diyos na isakatuparan para sa sanlibutan sa pamamagitan ng Israel, ang Kanyang hinirang na bansa, ay sa wakas ay matutupad sa pamamagitan ng Kanyang iglesia sa lupa sa kasalukuyan. Kanyang ' ibinigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka,' sa Kanyang bayan na tumutupad sa tipan, na tapat na 'nagbibigay sa Kanya ng bunga sa tamang kapanahunan.' Kailanma’y hindi nawalan ang Panginoon ng tunay na mga kinatawan sa lupa na inaaring ganap ang Kanyang layunin. Ang mga saksi ng Diyos ay kabilang sa espirituwal na Israel, at sa kanila matutupad ang lahat ng mga pangakong tipan na ginawa ni Jehova sa Kanyang sinaunang bayan.” — Prophets and Kings, page 713, paragraph 1.
Basahin ang Genesis 12:1–9 . Bakit tinawag ng Diyos si Abram (na kalauna’y si Abraham) na lumabas mula sa kanyang bansang pinagmulan?
“Pagkatapos ng pagkakahiwa-hiwalay sa Babel, muling lumaganap sa pangkalahatan ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, at sa wakas ay pinabayaan ng Panginoon ang mga matitigas ang loob na mga mananalangsang upang sundan ang kanilang masasamang daan, habang Kanyang pinili si Abraham, mula sa linya ni Shem, at ginawang tagapag-ingat ng Kanyang kautusan para sa mga susunod na salinlahi. Lumaki si Abraham sa gitna ng pamahiin at paganismo. Maging ang sambahayan ng kanyang ama, na sa kanila'y napanatili ang kaalaman tungkol sa Diyos, ay naaakit na rin ng mga mapanuksong impluwensyang nakapaligid sa kanila, at sila’y ‘naglilingkod sa ibang mga diyos’ bukod kay Jehova. Ngunit ang tunay na pananampalataya ay hindi lubusang mawawala. Laging pinananatili ng Diyos ang isang ‘nalabi’ upang maglingkod sa Kanya. Sina Adan, Seth, Enoc, Matusalem, Noe, at Shem, sa tuloy-tuloy na linya, ay nag-ingat sa bawat salinlahi ng mahalagang pahayag ng Kanyang kalooban. Si Abraham, anak ni Tera, ang naging tagapagmana ng banal na pananagutang ito. Nakapaligid sa kanya ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, ngunit siya'y hindi natinag. Tapat sa gitna ng mga di-tapat, hindi nabahiran ng laganap na apostasya, siya’y nanatiling matibay sa pagsamba sa iisang tunay na Diyos. “Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan.” Awit 145:18. Ipinahayag Niya kay Abraham ang Kanyang kalooban, at binigyan siya ng malinaw na pagkaunawa sa mga kahilingan ng Kanyang kautusan at ng kaligtasang maisasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo.” .” Patriarchs and Prophets, page 125, paragraph 1.
Alam nating lahat ang kuwento, na nang tawagin ng Diyos si Abraham upang lisanin ang kanyang bayan at tumungo sa isang hindi kilalang lupain, ipinangako ng Diyos na bibigyan siya ng anak. Lumipas ang halos dalawampu’t limang taon ngunit hindi pa rin dumarating ang anak na ipinangako. Noon ay humigit-kumulang siyamnapung taong gulang na si Sara (Genesis 17:17). Sa mga taong iyon ng paghihintay nina Abraham at Sara sa anak, naging asawa ni Abraham si Hagar at isinilang si Ismael. Kaya si Sara ay ang babaeng binawaan (iniwaksi), at si Hagar ang may asawa. Alinsunod dito, sa Isaias 54:1 ay nagsasalita nang alegoriko tungkol sa dalawang babaeng ito at sa kanilang mga anak.
Basahin ang Deuteronomio 4:5–9. Ano ang sinasabi ng Panginoon sa mga anak ni Abraham, ang bansang naging katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham?
“Ang mga anak ng Israel ay maninirahan sa lahat ng teritoryong itinalaga ng Diyos para sa kanila. Ang mga bansang tumangging sumamba at maglingkod sa tunay na Diyos ay aalisin. Ngunit layunin ng Diyos na sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kanyang likas sa pamamagitan ng Israel, ang mga tao ay mahihikayat na lumapit sa Kanya. Sa buong mundo ay ipapahayag ang paanyaya ng ebanghelyo. Sa pamamagitan ng pagtuturo ukol sa mga handog na hain, si Cristo ay itataas sa harap ng mga bansa, at ang lahat ng tumingin sa Kanya ay mabubuhay. Ang lahat ng tulad nina Rahab na Cananea at Ruth na Moabita, na tumalikod mula sa pagsamba sa mga diyus-diyosan patungo sa pagsamba sa tunay na Diyos, ay dapat sumama sa Kanyang hinirang na bayan. Sa pagdami ng bilang ng Israel, kanilang palalawakin ang kanilang mga hangganan, hanggang sa ang kanilang kaharian ay umabot sa buong mundo.” — Christ’s Object Lessons, page 290, paragraph 1.
“Ang layunin ng Diyos na isakatuparan para sa sanlibutan sa pamamagitan ng Israel, ang Kanyang hinirang na bansa, ay sa wakas ay matutupad sa pamamagitan ng Kanyang iglesia sa lupa sa kasalukuyan. Kanyang ' ibinigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka,' sa Kanyang bayan na tumutupad sa tipan, na tapat na 'nagbibigay sa Kanya ng bunga sa tamang kapanahunan.' Kailanma’y hindi nawalan ang Panginoon ng tunay na mga kinatawan sa lupa na inaaring ganap ang Kanyang layunin. Ang mga saksi ng Diyos ay kabilang sa espirituwal na Israel, at sa kanila matutupad ang lahat ng mga pangakong tipan na ginawa ni Jehova sa Kanyang sinaunang bayan.” — Prophets and Kings, page 713, paragraph 1.
Basahin ang 1 Samuel 8:4–18. Bakit sa palagay mo’y kaakit-akit para sa mga tagapanguna ang pagkakaroon ng hari? Paano tayo nahuhulog sa katulad na mga tukso?
Sa ilalim ng pamumuno ni Samuel, ang bansa ay umunlad, ang kaayusan ay naibalik, ang kabanalan ay naitaguyod, at ang espiritu ng pagkadismaya ay napigil sa panandaliang panahon. Ngunit habang siya’y tumatanda, hinirang ng propeta ang kanyang dalawang anak upang magsilbing mga katuwang niya. Ang mga kabataang ito ay itinalaga sa Beersheba upang mamahala ng katarungan sa mga taong nasa may timog na hangganan ng lupain. From Eternity Past, page 437, paragraph 4.
Hindi sila napatunayang karapat-dapat at sa halip ay “hindi lumakad sa kaniyang mga daan, kundi lumingap sa mahalay na kapakinabangan, at tumanggap ng mga suhol, at sinira ang paghatol..” Hindi nila tinularan ang dalisay at di-makasariling pamumuhay ng kanilang ama. Nangyaring siya’y naging mapagpalayaw sa kanyang mga anak, at ang bunga nito ay hayag sa kanilang pagkatao. From Eternity Past, page 438, paragraph 1.
Sa ganitong paraan ay nagkaroon ng dahilan upang igiit ang pagbabagong matagal nang lihim na ninanais. “Ang lahat ng matatanda sa Israel ay nagtipon at pumunta kay Samuel sa Rama, at sinabi sa kaniya, “Narito, ikaw ay matanda na, at ang iyong mga anak ay hindi lumalakad sa iyong mga daan: ngayon nga'y lagyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin gaya ng lahat ng mga bansa.” Kung nalaman sana niya ang masasamang gawa ng kanyang mga anak, agad niya sana silang inalis, ngunit hindi ito ang layunin ng mga nagpetisyon. Nakita ni Samuel na ang tunay na dahilan ng kanilang hiling ay ang kanilang pagkadismaya at pagmamataas. Walang reklamo laban kay Samuel. Lahat ay kumilala sa katapatan at karunungan ng kanyang pamamahala. Ang matandang propeta ay hindi nagbitiw ng anumang paninisi, kundi dinala ang bagay na ito sa Panginoon sa panalangin at humingi ng payo sa Kaniya lamang. From Eternity Past, page 438, paragraph 2.
“Gaya ng lahat ng mga bansa.” Hindi naunawaan ng mga Israelita na ang pagiging kaiba sa ibang mga bansa sa bagay na ito ay isang natatanging pribilehiyo at pagpapala. Inihiwalay ng Diyos ang mga Israelita sa lahat ng ibang tao, upang gawin silang Kaniyang natatanging kayamanan. Ngunit hindi pinahalagahan ng bayan ang mataas na karangalang ito at sabik silang tularan ang mga paganong bansa! At hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang pananabik na sumunod sa mga kaugaliang makamundo sa gitna ng mga nagpapakilalang bayan ng Diyos. Sa kanilang paglayo sa Panginoon, nagiging mapag-ambisyon sila sa mga pakinabang at karangalan ng sanlibutan. Patuloy na sinusubukan ng mga Kristiyano na gayahin ang mga kaugalian ng mga sumasamba sa diyos-diyusan ng sanlibutan. Marami ang nagaakala na sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga nasa sanlibutan at pagsunod sa mga kaugalian nito ay maaaring magdulot sa kanila ng higit na impluwensiya sa mga di-maka-Diyos. Ngunit lahat ng sumusunod sa ganitong landas ay lubusang humihiwalay sa Pinagmumulan ng kanilang lakas. Sa pakikipagkaibigan sa sanlibutan, sila’y nagiging mga kaaway ng Diyos. Dahil sa pagnanais ng karangalan sa lupa, isinakripisyo nila ang di-masukat na karangalang ibinigay ng Diyos sa kanila—ang “ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:.” 1 Pedro 2:9. Patriarchs and Prophets, page 607, paragraph 2.
Basahin ang Mateo 20:25–28 . Anong kamalian ang binalaan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na kanilang iwasan sa pagtatatag ng gawain ng iglesyang Kristiyano?
Dapat ay may malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng Kaniyang kaharian at ng mga kaharian ng sanlibutan. “Ang mga pinuno ng mga Hentil” ay mga naghahangad ng kapangyarihan at mataas na katungkulan; ngunit ang ganitong asal ay bunga ng maling pananaw tungkol sa kadakilaan at ng kapalaluan ng puso ng tao. Sa hanay ng mga alagad ni Cristo, ang ganitong kaisipan ay hindi dapat manaig. Walang sinuman ang dapat magnasa na mangibabaw sa kaniyang mga kapatid o maging panginoon sa bayan ng Diyos. The Signs of the Times, January 15, 1885, paragraph 8.
“Maging ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang Kaniyang buhay bilang pantubos para sa marami.” Siya—ang kanilang Guro—ay nagbigay sa kanila ng halimbawa ng walang pag-iimbot na paglilingkod sa kapwa. Siya ang Panginoon ng langit, at ang mga anghel ay sumusunod sa Kaniyang salita; gayunman, nagpakababa Siya upang akuin ang kahinaan ng kalikasang ng tao, upang mamuhay bilang halimbawa ng tao at mamatay bilang handog na hain. Habang nasa lupa, hindi Niya pinili para sa Kaniyang sarili ang kayamanan, karangalan, o mga maginhawang ugnayan. Sa halip, ginugol Niya ang Kaniyang buhay kasama ng mga hamak na magsasaka, pinaglilingkuran ang mga nangangailangan at pinahihirapan. Hindi Siya umiwas makihalubilo sa mga lubos na makasalanan at mababa ang kalagayan; ipinangaral Niya ang magandang balita ng kapatawaran at kapayapaan sa lahat ng tatanggap nito ayon sa mapagbigay at mapagpalang alok ng Langit. Sa kanilang paglilingkod, ang mga alagad ay dapat tumulad sa Kaniyang halimbawa. The Signs of the Times, January 15, 1885, paragraph 9
Ang dakilang aral na itinuro ni Jesus sa mga pagkakataong ito ay malinaw na ipinahayag ng apostol Pablo: “Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba.” Ang mga alagad ay nasa isang paaralan kung saan si Cristo ang guro; at ang sinumang handang kilalanin ang sariling kakulangan at sabik na bumuti ang ugali ay may sapat na pagkakataong matuto. Patuloy silang tinuturuan—utos sa ibabaw ng utos, aral sa ibabaw ng aral—na nagpapakita sa kanila na ang kaamuan, kababaan ng loob, at pag-ibig ay mahalaga sa paglago sa biyaya at sa pagiging karapat-dapat para sa dakilang gawaing kanilang haharapin. The Signs of the Times, Enero 15, 1885, talata 10.
Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na talata tungkol sa nilalayon ng Diyos na gampanan ng Kanyang bayan? Paano natin iaangkop ang mga prinsipyong ito sa ating sarili?
(a) Mga Bilang 14:17–21
“Ang Panginoon ay patuloy pa ring gumagawa sa kaparehong paraan upang luwalhatiin ang Kanyang pangalan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga tao ng Kanyang katarungan. Kapag yaong mga nagaangking umiibig sa Kanya ay nagrereklamo laban sa Kanyang mga probidensya, hinahamak ang Kanyang mga pangako, at, nagpapahinuhod sa tukso, ay nakikipagkaisa sa masasamang anghel upang hadlangan ang mga layunin ng Diyos, madalas pinapamahalaan ng Panginoon ang mga kalagayan upang dalhin ang mga taong ito sa kalagayang, kahit wala silang tunay na pagsisisi, sila ay makakakilala sa kanilang kasalanan at mapipilitang kilalanin ang kasamaan ng kanilang landas at ang katarungan at kabutihan ng Diyos sa Kanyang pakikitungo sa kanila. Sa ganitong paraan ipinapakita ng Diyos ang Kanyang mga pangkontra sa mga gawa ng kadiliman. At kahit ang espiritu na nagtulak sa paggawa ng masama ay hindi talaga nabago, nagtutulak ito sa mga pagamin na nagbibigay-dangal sa Diyos at nagbibigay-katwiran sa Kanyang mga tapat na mananaway, na sinalungat at ipinakilala sa maling paraan. Ganyan din ang mangyayari kapag ang galit ng Diyos ay ibubuhos na. Kapag “dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal. Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama.” Judas 14, 15. Ang bawat makasalanan ay dadalhin sa pagkakita at pagkilala ng katarungan ng kanyang pagkahatol.”– Patriarchs and Prophets, p. 393.1
(b) Isaias 42:6
Ang talatang ito ay mayroong tipo (type) sa panahon na ang mga Apostol ay inatasan na ipangaral ang ebanghelyo hindi lamang sa mga Judio kundi maging sa mga Hentil. Sa ating panahon ngayon, ang “pagbangon mula sa lipi ni Jacob” ay nangangahulugan muna ng pagbabangon sa mga “unang bunga” — ang 144,000, na binubuo ng tig-12,000 mula sa bawat lipi ng Israel (Pahayag 7:3). Bukod dito, ang pagiging liwanag at kaligtasan hanggang sa mga wakas ng lupa ay nangangahulugan na ang mga lingkod ng Diyos sa mga huling araw na ito ang tatapos sa gawaing ebanghelyo. Sila ang magpapahayag ng ebanghelyo ng Kaharian sa buong sanlibutan bilang patotoo sa lahat ng mga bansa — at sa gayon, darating ang wakas (Mateo 24:14).
Ito’y ating pribilehiyo, hindi lamang upang dalhin ang liwanag ng Diyos sa denominasyon kung saan magmumula ang “unang bunga” (ang 144,000 – Pahayag 14:4) ng dakilang espirituwal na pag-aani, kundi upang dalhin din ang parehong liwanag para sa pagtitipon ng “ikalawang bunga”, sa lubhang karamihan na mula sa lahat ng mga bansa, isang karamihan na hindi kayang bilangin ng sinuman (Pahayag 7:9).
Yaong mga may ganitong pribilehiyo ay, ayon sa patotoo mismo ng Diyos, ang mga inapo ni Jacob, “ang nawawalang mga lipi ng Israel” na ngayo'y lumilitaw sa liwanag.
Isaias 60:3
Sa ngayon, tayo ang isa sa mga pinakahindi kilalang bayan sa buong mundo, ngunit dumating na ang panahon na tayo’y magiging pinakakilala. Narito ang tiyak na pangako: kung tayo’y babangon na mula sa pagkakaupo at magsisikap na abutin ang layunin ng Diyos para sa atin, magreresulta ito upang “ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat. Ngayon ang panahong ukol sa iyo.”
(c) Pahayag 18:1–4 – Ang (Loud Cry)
“Nakita kong ang mga anghel ay nagmamadaling paroo’t parito sa langit, bumababa sa lupa, at muli’y umaakyat sa langit, naghahanda para sa katuparan ng isang mahalagang pangyayari. Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na inutusang bumaba sa lupa, upang iugnay ang kanyang tinig sa ikatlong anghel, at bigyan ng kapangyarihan at lakas ang kanyang mensahe. Dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian ang ipinagkaloob sa anghel, at habang siya’y bumababa, ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian. Ang liwanag na kasama ng anghel na ito ay tumagos sa lahat ng dako, habang siya’y sumisigaw nang malakas, “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.” Ang mensahe ng naguhong Babilonya, na ipinahayag ng ikalawang anghel, ay inuulit, na may dagdag na pagsasaad ng mga kabulukang pumasok sa mga iglesya mula pa noong 1844. Ang gawain ng anghel na ito ay dumating sa tamang panahon upang sumama sa huling dakilang gawain ng mensahe ng ikatlong anghel habang ito’y lumalakas sa isang malakas na panawagan. At ang bayan ng Diyos ay inihahanda upang tumayo sa oras ng tukso na malapit na nilang kaharapin. Nakita ko ang dakilang liwanag na dumapo sa kanila, at sila’y nagkaisa upang buong tapang na ipahayag ang mensahe ng ikatlong anghel.” – Early Writings, p. 277.1
“Ang mga anghel ay isinugo upang tumulong sa makapangyarihang anghel mula sa langit, at narinig ko ang mga tinig na wari’y naririnig sa lahat ng dako, “Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.” Ang mensaheng ito ay waring karagdagan sa ikatlong mensahe, na sumama rito tulad ng pagsama ng panawagan sa hatinggabi sa ikalawang mensahe noong 1844. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay dumapo sa matiisin at naghihintay na mga banal, at buong tapang nilang ipinahayag ang huling solemneng babala, ipinapahayag ang pagguho ng Babilonya at nananawagan sa bayan ng Diyos na magsilabas mula sa kanya upang sila'y makaiwas sa kanyang kakilakilabot na kapahamakan.” – Early Writings, p. 277.1
Ang aralin sa hapon ng Sabado ay tumatalakay sa pagkahulog ng ating unang mga magulang, sa sunod-sunod na pag-iral ng mga pamahalaang makasanlibutan, at sa eksperimento ng sangkatauhan na kontrolin ang mundo. Itinataas nito ang tagumpay ng pamahalaan ng Diyos gaya ng ipinahayag sa Aklat ng Pahayag, at ang tunay na solusyon sa lahat ng paghihirap at kapighatian ng tao.
Ang aralin ng Linggo ay tumutok sa pagpapaalis kina Adan at Eva mula sa Halamanan ng Eden at sa mga salinlahi na sumunod sa kanila, hanggang sa paglitaw ng Babilonya — ang imperyo na may pinakamahabang pag-iral sa kasaysayan ng mundo.
Ang aralin ng Lunes ay tumatalakay sa pagtawag kay Abraham mula sa isang makasalanang bayan na sumasamba sa diyus-diyosan, upang paglingkuran ang tunay na Diyos at maging Kanyang kinatawan sa buong mundo. Gayundin, itinuro nito ang pagtawag sa bansang Israel — ang bayan ng Diyos — upang ipakilala ang Kanyang mga daan at ihayag ang Kanyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa. Ngunit ang kabiguan ng sinaunang Israel ay hindi makahahadlang sa layunin ng Diyos.“Ang layunin ng Diyos para sa sanlibutan sa pamamagitan ng Israel, ang bayang Kanyang hinirang, ay sa huli ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Kanyang iglesya ngayon.”– Prophets and Kings, p. 713.1
Ang aralin ng Martes ay binanggit ang pagnanais ng sinaunang mga Israelita na maging katulad ng ibang mga bansa sa pamamagitan ng paghiling ng hari. Ipinakita nito ang kanilang kawalang-kasiyahan sa Diyos bilang kanilang pinuno, at ang kanilang pagkahumaling sa mga bagay ng sanlibutan. Tayong mga nabubuhay ngayon ay pinaaalalahanan na huwag ulitin ang kanilang mga pagkakamali.
Ang aralin ng Miyerkules ay tumatalakay sa mga namumuno sa mga bansang Hentil. Inihahambing nito ang makasariling pamumuno ng mga makasanlibutang pinuno sa matuwid na paghahari ng Diyos, at pinapayuhan tayo na huwag itatag ang mga organisasyon ng iglesia ayon sa mga prinsipyo ng sanlibutan.
Ang aralin ng Huwebes ay nagtatapos sa pag-aaral para sa linggo, sa pagtawag sa atin bilang mga ilaw sa mga Hentil, upang ipahayag ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang gawaing ito ay lubusang matatapos kapag tinatakan na ng Diyos ang 144,000 na unang bunga (Pahayag 7:1–4; Pahayag 14:1, 4–5) at tipunin ang lubhang karamihan — ang ikalawang bunga (Pahayag 7:9) mula sa lahat ng mga bansa.