“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito? KJV — Juan 11:25, 26. KJV
“Sa paghahangad na magbigay gabay sa kanyang pananampalataya, nagpahayag si Jesus na, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan.” Kay Cristo nagmula ang buhay, orihinal, at hindi hiram o nagkukulang. “Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay.” 1 Juan 5:12 . Ang pagka-Diyos ni Cristo ay ang katiyakan ng mananampalataya ukol sa buhay na walang hanggan. “Ang sumasampalataya sa Akin,” sabi ni Jesus, “bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?” Si Cristo ay tumutukoy sa panahon ng Kanyang ikalawang pagparito. Kung kailan ang mga matuwid na patay ay ibabangon na walang kasiraan, at ang mga matuwid na buhay ay dadalhin sa langit nang hindi nakakatikim ng kamatayan. Ang himala na gagawin ni Cristo, sa pagbangon kay Lazaro mula sa mga patay ay kumakatawan sa muling pagkabuhay ng lahat ng matuwid na patay. Sa pamamagitan ng Kanyang salita at Kanyang mga gawa ay ipinahayag Niya ang Kanyang sarili bilang May-akda ng muling pagkabuhay. Siya na mismong malapit nang mamatay sa krus ay tumayo na hawak ang mga susi ng kamatayan, isang mananakop sa libingan, na gumaganap sa Kanyang karapatan at kapangyarihang magbigay ng buhay na walang hanggan. DA 530.3
Basahin Juan 6:1–14. Anong mga pagkakatulad ang matatagpuan dito sa pagitan ni Jesus at ni Moises? Ibig sabihin, ano ang ginawa ni Jesus dito na dapat sanang nagpaala-ala sa mga tao ng pagliligtas na tinanggap ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng ministeryo ni Moises?
“Ang araw ay lumipas at lumulubog sa kanluran, ngunit ang mga tao ay nanatili. Si Jesus ay buong araw na gumawa nang walang kain o pahinga. Siya ay namumutla dahil sa pagod at gutom, at ang mga alagad ay nakiusap sa Kanya na huminto sa Kanyang pagpapagal. Ngunit hindi Niya makayanang lumayo sa maraming tao na patuloy na lumalapit sa Kanya. DA 365.2
“Sa wakas ay lumapit sa Kanya ang mga alagad, at hinimok Siya para sa kanilang ikabubuti na pauwiin ang mga tao. Marami ang nagmula pa sa malalayong lugar, na hindi pa kumain mula umaga. Sa mga kalapit na bayan at nayon ay maaari silang makabili ng pagkain. Ngunit sinabi ni Jesus, “Bigyan ninyo sila ng makakain,' at pagkatapos, lumingon kay Felipe, at nagtanong, “Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito?” Sinabi Niya ito upang subukin ang pananampalataya ng alagad. Tumingin si Felipe sa dami ng mga tao, at naisip kung gaano ka-imposibleng magbigay ng pagkain upang matugunan ang mga pangangailangan ng gayong pulutong. Sumagot siya, “Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay, upang makakain ng kaunti ang bawa't isa.” Tinanong ni Jesus kung gaano karaming pagkain ang masusumpungan mula sa pulutong. “May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa't gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan?” Iniutos ni Jesus na dalhin ang mga ito sa Kanya. Pagkatapos ay inutusan Niya ang mga alagad na paupuin ang mga tao sa damuhan sa mga pangkat na limampu o isang daan, upang mapanatili ang kaayusan, at upang ang lahat ay makasaksi kung ano ang Kanyang gagawin. Nang ito ay magawa, kinuha ni Jesus ang pagkain, “at tumingala sa langit, Siya'y nagpasalamat, at pinagputolputol, at ibinigay ang mga tinapay sa Kanyang mga alagad, at ang mga alagad sa karamihan.” “At nagsikain silang lahat, at nangabusog. “At kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.” DA 365.3
“Si Cristo ay hindi kailanman gumawa ng isang himala maliban upang magbigay ng isang tunay na pangangailangan, at bawat himala ay may katangian upang akayin ang mga tao palapit sa puno ng buhay, na ang mga dahon ay para sa pagpapagaling ng mga bansa. Ang simpleng pagkain na ipinasa sa kamay ng mga alagad ay naglalaman ng isang buong yaman ng mga aral. Mga payak na pagkain ang pinagkaloob; ang mga isda at mga tinapay na sebada ay ang pang-araw-araw na pagkain ng mga mangingisda sa Dagat ng Galilea. Maaaring ipalaganap ni Cristo sa harap ng mga tao ang isang masaganang hapunan, ngunit ang pagkain na inihanda para lamang sa kasiyahan ng gana ay hindi maghahatid ng aral para sa kanilang ikabubuti. Itinuro sa kanila ni Cristo sa araling ito na ang mga likas na probisyon ng Diyos para sa tao ay minamasama. At hindi kailanman nasiyahan ang mga tao sa mararangyang mga piging na inihanda para sa kasiyahan na hindi naaayon sa prinsipyong panlasa habang tinatamasa ng mga taong ito ang natitira at ang simpleng pagkain na inilaan ni Cristo na malayo sa mga nakaugalian ng tao.” DA 366.1
Basahin ang Juan 6:14, 15, 26–36. Paano tumugon ang mga tao sa Kanyang himala, at paano ito ginamit ni Jesus para subuking ituro sa kanila kung sino Siya?
“Nakaupo sa mga kapatagan, sa takipsilim ng gabi, ang mga tao ay kumain ng pagkaing inilaan ni Cristo. Ang mga salitang narinig nila sa araw na iyon ay dumating sa kanila bilang tinig ng Diyos. Ang mga gawa ng pagpapagaling na kanilang nasaksihan ay tanging banal na kapangyarihan lamang ang maaaring gumanap. Ngunit ang himala ng mga tinapay ay pumukaw sa napakaraming tao. Lahat ay nakibahagi sa pakinabang nito. Noong mga araw ni Moises, pinakain ng Diyos ang Israel ng manna sa ilang; at sino itong nagpakain sa kanila nang araw na iyon kundi Siya na inihula ni Moises? Walang kapangyarihan ng tao ang makakagawa na pakainin ang libu-libong nagugutom mula sa limang tinapay na sebada at dalawang maliliit na isda. At sinabi nila sa isa't isa, “Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan. ” DA 377.1
“Sa kanilang sigasig ang mga tao ay handang koronahan Siya bilang hari. Nasaksihan nila na hindi Siya nagsisikap na kumuha ng atensyon o ng mga karangalan para sa sarili. Sa bagay na ito, Siya ay lubhang naiiba sa mga saserdote at mga pinuno, at natakot sila na hindi Niya kailanman hilingin ang Kanyang pag-angkin sa trono ni David. Sa pagsang-ayon ng karamihan, sila ay nagkasundo na sa pamamagitan ng puwersa, Siya ay ipapahayag nilang hari ng Israel. Ang mga alagad ay nakiisa sa karamihan sa pagpapahayag ng trono ni David na nararapat na mana ng kanilang Guro. Iniisip nila na sa kababaang-loob ni Cristo ay tatanggihan Niya ang gayong karangalan. Hayaang itaas ng mga tao ang kanilang Tagapagligtas. Hayaang ang mga palalong saserdote at pinuno ay mapilitang parangalan Siya na pumarito na nararamtan ng awtoridad ng Diyos. DA 378.1
“Sila ay may pananabik na nag-aayos upang maisakatuparan ang kanilang layunin; ngunit nakilala ni Jesus kung ano ang kanilang nais, at nauunawaan kung ano ang magiging resulta ng gayong kilusan. Maging sa puntong ito ay ninanais ng mga saserdote at pinuno ang Kanyang buhay. Inaakusahan nila Siya na iniimpluwensyahan ang mga tao na lumayo sa kanila. Karahasan at paghihimagsik ang magiging kasunod ng pagsisikap na ilagay Siya sa trono, at ang gawain ng espirituwal na kaharian ay mahahadlangan. Walang pagkaantala na kinakailangang ituwid ang ganoong kilusan. Tinawag ang Kanyang mga alagad, at inutusan na sumakay sa bangka at bumalik kaagad sa Capernaum, upang Kanyang paalisin ang mga tao.” DA 378.2
“Hindi pinasiyahan ni Jesus ang kanilang kuryusidad. Malungkot niyang sinabi, “Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog.” Hindi nila Siya hinanap mula sa anumang karapat-dapat na motibo; ngunit dahil sila ay pinakain ng mga tinapay, umaasa pa rin silang tatanggap ng temporal na kapakinabangan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng kanilang sarili sa Kanya. Ang Tagapagligtas ay nagbilin sa kanila, “Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan.” Huwag maghanap ng materyal na pakinabang lamang. Huwag maging pangunahing pagsisikap na maglaan para sa buhay ngayon, ngunit humanap ng espirituwal na pagkain, at maging ang karunungan na mananatili hanggang sa buhay na walang hanggan. Tanging ang Anak ng Diyos lamang ang makapagbibigay; “sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.” DA 384.3
"Sa sandaling ito ang interes ng mga nakikinig ay napukaw. Sumigaw sila, “Ano ang kinakailangan naming gawin, upang aming magawa ang mga gawa ng Dios?” Gumagawa sila ng marami at mabibigat na gawain upang ilapit ang kanilang sarili sa Diyos; at handa silang makarinig ng anumang bagong pagdiriwang kung saan sila ay makakakuha ng mas malaking merito. Ang ibig sabihin ng kanilang katanungan ay, Ano ang kailangan naming gawin upang maging karapat-dapat sa langit? Ano ang halagang kailangang bayaran upang matamo ang buhay na darating? DA 385.1
“'Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.” Ang halaga ng langit ay si Jesus. Ang daan patungo sa langit ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa “Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Juan 1:29 . DA 385.2
“Sa pag-aakalang ang temporal na pagkain ang tinutukoy ni Jesus, ang ilan sa mga nakikinig ay bumulalas, “Panginoon, bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito.” Pagkatapos ay malinaw na nagsalita si Jesus: “Ako ang tinapay ng kabuhayan.” DA 386.1
“Kung naunawaan nila ang mga Kasulatan, magagawa nilang maunawaan ang Kanyang mga salita nang sabihin Niyang, “Ako ang tinapay ng buhay.” Noong nakaraang araw lamang, ang napakaraming tao, nang mahihina at pagod, ay pinakain ng tinapay na Kanyang ibinigay. Kung paanong mula sa tinapay na iyon sila ay tumanggap ng pisikal na lakas at kaginhawahan, sa gayon mula kay Cristo ay maaari silang tumanggap ng espirituwal na lakas tungo sa buhay na walang hanggan. “Siya na lumalapit sa Akin,' sabi Niya ay “hindi magugutom kailanman; at ang sumasampalataya sa Akin ay hindi na mauuhaw kailanman.” Ngunit idinagdag Niya, “Nakita ninyo ako, at gayon ma'y hindi kayo nagsisampalataya.” DA 386.2
Basahin ang Juan 9:1–16. Ano ang naiisip na dahilan ng mga alagad sa pagkabulag ng lalaking ito, at paano itinuwid ni Jesus ang kanilang maling paniniwala?
“Sa pangkalahatan ay pinaniniwalaan ng mga Hudyo na ang kasalanan ay pinarurusahan sa buhay na ito. Ang bawat pagdurusa ay itinuturing na parusa ng ilang maling gawain, sa bahagi man ng mismong nagdurusa o ng kanyang mga magulang. Tunay na ang lahat ng pagdurusa ay bunga ng paglabag sa batas ng Diyos, ngunit ang katotohanang ito ay kanilang masyadong binaluktot. Si Satanas, na may-akda ng kasalanan at lahat ng mga bunga nito, ay hinikayat ang mga tao na isipin na ang sakit at kamatayan ay nagmumula sa Diyos,— bilang kaparusahan na di-makatwiran na ibinibigay dahil sa kasalanan. Kung kaya’t ang isa na dumadanas ng matinding paghihirap ay may karagdagang pasanin dahil siya ay itinuturing na lubhang makasalanan.” DA 471.1
“Ang paniniwala ng mga Hudyo tungkol sa kaugnayan ng kasalanan at pagdurusa ay pinanghahawakan maging ng mga alagad ni Cristo. Habang itinutuwid ni Jesus ang kanilang maling akala, hindi Niya ipinaliwanag ang dahilan ng paghihirap ng tao, ngunit sinabi sa kanila kung ano ang magiging resulta. Dahil sa kanila ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag. “Habang ako ay nasa sa sanlibutan,” sabi Niya, “ Ako ang ilaw ng sanglibutan.” Nang magkagayo'y pinahiran niya ang mga mata ng lalaking bulag, at siya'y sinugo niya upang maghugas sa tangke ng Siloe, at ang paningin ng lalake ay nanumbalik. Kaya't sinagot ni Jesus ang tanong ng mga alagad sa praktikal na paraan, gaya ng karaniwan Niyang sinasagot ang mga tanong na ibinibigay sa Kanya dala ng kanilang kuryusidad. Ang mga alagad ay hindi tinawag upang alamin kung sino ang nagkasala o hindi nagkasala, ngunit upang maunawaan ang kapangyarihan at awa ng Diyos sa pagbibigay ng paningin sa mga bulag. Maliwanag na walang nakapagpapagaling na kagalingan sa putik, o sa tangke kung saan ang lalaking bulag ay ipinadala upang maghugas, ngunit ang kabutihan ay nagmumula kay Cristo.” DA 471.4
Basahin ang Juan 9:17–34. Anong mga tanong ang itinanong ng mga lider, at paano tumugon ang lalaking bulag?
“Pagkatapos ay dinala nila siya sa konseho ng mga Pariseo. Muli, ang lalaki ay tinanong kung paano niya natanggap ang kanyang paningin. Sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang ibabaw ng aking mga mata, at naghugas ako, at ako'y nakakakita.” Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Nilalayon ng mga Pariseo na gawing makasalanan si Jesus, at samakatuwid ay hindi ang Mesiyas. Hindi nila nalalaman na Siya, na nagpagaling sa bulag, ang gumawa ng Sabbath at alam Niya ang lahat ng alituntunin nito. Sila ay tila mga may kahanga-hangang sigasig para sa pangingilin ng Sabbath, ngunit nagpaplano sila ng pagpatay sa mismong araw na iyon. Ngunit marami ang lubhang naantig nang marinig ang himalang ito, at naniwala na Siya na nagpadilat ng mga mata ng bulag ay higit pa sa karaniwang tao. Bilang sagot sa paratang na si Jesus ay makasalanan dahil hindi Niya iningatan ang araw ng Sabbath, sinabi nila, “Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan?” DA 472.1
“Nakita ng mga Pariseo na naipapahayag nila ang gawaing ginawa ni Jesus. Hindi nila maitatanggi ang himala. Ang lalaking bulag ay napuno ng kagalakan at pasasalamat; minasdan niya ang mga kamangha-manghang bagay ng kalikasan, at napuno ng galak sa kagandahan ng lupa at langit. Malayang ikinuwento niya ang kanyang karanasan, at muli nila siyang sinubukang patahimikin, na sinasabi, “Luwalhatiin mo ang Dios: nalalaman naming makasalanan ang taong ito.” Na nangangahulugang: Huwag mong sabihing muli na ang Taong ito ang nagbigay sa iyo ng paningin; ang Diyos ang gumawa nito. DA 473.2
“Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako.” DA 473.3
“Pagkatapos ay muli silang nagtanong, “Ano ang ginawa niya sa iyo? paano ang pagkapadilat niya sa iyong mga mata?” Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtatanong ay nilalayon nilang lituhin siya, upang isipin niya na siya ay nadaya. Si Satanas at ang kanyang hukbo ay nasa panig ng mga Pariseo, at pinag-isa ang kanilang lakas at katalinuhan sa pangangatwiran ng tao upang salungatin ang impluwensya ni Cristo. Pinutol nila ang mga paniniwalang lumalalim sa maraming isipan. Ang mga anghel ng Diyos ay nasa lupa din upang palakasin ang lalaking nagpanumbalik ang paningin.” DA 473.4
“Alam ng Panginoong Jesus ang pagsubok na pinagdadaanan ng lalaki, at binigyan Niya siya ng biyaya at pananalita, upang siya ay maging saksi para kay Cristo. Sinagot niya ang mga Pariseo sa mga salita na may matinding pagsaway. Inaangkin nila na sila ang mga tagapagpaliwanag ng Kasulatan, ang mga patnubay sa relihiyon ng bansa; gayunpaman, narito ang Isang gumagawa ng mga himala, at sila ay nagaangking walang alam sa pinagmulan ng Kanyang kapangyarihan, at sa Kanyang katangian. “Narito nga ang kagilagilalas, sabi niya, na hindi ninyo nalalaman kung siya'y taga saan, at gayon ma'y pinadilat niya ang aking mga mata. Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya. Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag. Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman.” DA 474.2
“Sinagot ng lalaki ang mga nagtatanong sa kanya sa parehong pamamaraan. Ang kanyang pangangatwiran ay hindi nila mababali. Ang mga Pariseo ay namangha, at sila ay tumahimik ,— nabigla sa harap ng kanyang matalim at tiyak na mga salita. Ilang saglit na namayani ang katahimikan. Pagkatapos ay tinipon ng mga mga saserdote at mga rabbi ang kanilang mga damit, na para bang natatakot na sila ay mahawahan mula sa pakikipag-ugnayan sa kanya; kanilang pinagpag ang alabok mula sa kanilang mga paa, at nagbitaw ng mga pagtuligsa laban sa kanya,— “Ipinanganak kang lubos sa mga kasalanan, at ikaw baga ang nagtuturo sa amin? At siya'y pinalayas nila.” DA 474.3
Basahin ang Juan 11:38–44. Ano ang ginawa ni Jesus na sumusuporta sa Kanyang pag-aangkin?
“Sinabi ni Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan.” Kay Cristo ay naroon ang buhay na orihinal na hindi hiram, at di nagkukulang. “Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay.” 1 Juan 5:12 . Ang pagka-Diyos ni Cristo ay ang katiyakan ng mananampalataya sa buhay na walang hanggan. “Ang sumasampalataya sa Akin,” sabi ni Jesus, “bagaman siya ay patay, gayon ma'y mabubuhay siya: at ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay kailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?" Si Cristo ay tumuturo dito sa panahon ng Kanyang ikalawang pagparito. Kung magkagayo'y ang mga matuwid na patay ay ibabangon na walang kasiraan, at ang mga matuwid na buhay ay dadalhin sa langit nang hindi nakakatikim ng kamatayan. Ang himala na gagawin ni Cristo, sa pagbangon kay Lazaro mula sa mga patay ay kumakatawan sa muling pagkabuhay ng lahat ng matuwid na patay. Sa pamamagitan ng Kanyang salita at Kanyang mga gawa ay ipinahayag Niya ang Kanyang sarili bilang May-akda ng muling pagkabuhay. Siya na mismong malapit nang mamatay sa krus ay tumayo na hawak ang mga susi ng kamatayan, isang mananakop sa libingan, na gumaganap sa Kanyang karapatan at kapangyarihang magbigay ng buhay na walang hanggan.” DA 530.3
“Alisin ninyo ang bato.' DA 535.3
“Ang utos ay sinusunod. Ang bato ay inalis. Ang lahat ay isinagawa nang hayagan. Ang lahat ay binigyan ng pagkakataon na makitang walang panlilinlang na ginawa dito. Naroon ang katawan ni Lazaro sa mabatong libingan nito, malamig at tahimik sa kamatayan. Ang mga iyak ng mga nagdadalamhati ay tumahimik. May pagkamangha na sila ay naghihintay, ang mga tao ay nakatayo sa paligid ng libingan, naghihintay upang makita kung ano ang susunod na kaganapan.” DA 535.4
“Mahinahon na nakatayo si Cristo sa harap ng libingan. Nabalot ng isang sagradong katahimikan ang lahat ng naroroon. Si Cristo ay humakbang palapit sa libingan. “At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.” DA 535.5
“At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka.” Ang kanyang tinig ay malinaw at matalim na tumatagos sa tainga ng mga patay. Habang Siya ay nagsasalita, ang pagka-Diyos ay kumikislap sa sangkatauhan. Sa Kanyang mukha, na pinaliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos, ay nakita ng mga tao ang katiyakan ng Kanyang kapangyarihan. Ang bawat mata ay nakatuon sa pasukan sa kweba. Ang bawat tainga ay nakatuon upang madinig ang anumang tunog. Ang lahat ay naghihintay ng may malaking interes sa pagsubok na ito sa pagka-Diyos ni Cristo, ang katibayan na magpapatunay sa Kanyang pag-aangkin na Anak ng Diyos, o kung di man ay ang magpapawi sa pag-asa magpakailanman. DA 536.2
“May kaluskos sa tahimik na libingan, at siya na patay ay lumabas sa pintuan ng libingan. Ang kanyang mga galaw ay nahahadlangan dahil natatalian ang kanyang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing, at sinabi ni Cristo sa namamanghang mga manonood, “Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.” Muli ay ipinakita sa kanila na ang tao ay gagawa at makikipagtulungan sa Diyos. Ang sangkatauhan ay gagawa para sa sangkatauhan. Si Lazaro ay binuhay, at tumayo sa harap ng mga tao, hindi bilang isang may sakit, na nanghihina, na nanginginig na mga paa, ngunit bilang isang tao na may kasaganaan ng buhay, at sigla ng isang marangal na pagkatao. Nagniningning ang kanyang mga mata sa katalinuhan at pagmamahal sa kanyang Tagapagligtas . Siya ay nagpatirapa upang sumamba sa paanan ni Hesus. DA 536.3
“Ang mga nanunuod sa una ay hindi makapagsalita sa pagkamangha. Pagkatapos ay sumunod ang isang hindi maipaliwanag na eksena ng pagsasaya at pasasalamat. Tinanggap ng magkapatid na babae ang kanilang kapatid na lalaki sa buhay na muling ipinagkaloob ng Diyos, at taglay ang kagalakan na pagluha ay walang tigil nilang ipinahayag ang kanilang pasasalamat sa Tagapagligtas . Ngunit habang ang mga kapatiran na lalaki at mga babae, at mga kaibigan ay nagsasaya sa muling pagsasama-samang ito, si Jesus ay umalis sa tagpong iyon. Nang kanilang hinanap ang Tagapagbigay ng Buhay ay hindi nila Siya matagpuan.” DA 536.4
“Ang Betania ay napakalapit sa Jerusalem anupat ang balita ng pagkabuhay na mag-uli ni Lazaro ay di-nagtagal ay umabot sa lunsod. Sa pamamagitan ng mga espiya na nakasaksi sa himala, mabilis itong napagalaman ng mga pinunong Judio. Isang pagpupulong ng Sanhedrin ang kaagad na tinawag upang magpasya kung ano ang dapat gawin. Ganap na naipakita ni Cristo ang Kanyang kapamahalaan sa kamatayan at sa libingan. Ang makapangyarihang himalang iyon ay ang pinakamataas na katibayan na ibinigay ng Diyos sa mga tao na tunay na ipinadala Niya ang Kanyang Anak sa sanglibutan para sa kanilang kaligtasan. Ito ay isang pagpapakita ng banal na kapangyarihan na sapat upang kumbinsihin ang bawat isip na nasa ilalim ng kontrol ng katwiran at naliliwanagang budhi. Marami sa mga nakasaksi sa muling pagkabuhay ni Lazaro ang naakay upang manampalataya kay Jesus. Ngunit ang poot ng mga saserdote laban sa Kanya ay tumindi. Tinanggihan nila ang lahat ng hindi gaanong dakilang katibayan ng Kanyang pagka-Diyos, at nagalit lamang sila sa bagong himalang ito. Ang mga patay ay ibinangon sa ganap na liwanag ng araw, at sa harap ng isang pulutong ng mga saksi. Walang katalinuhan ang makapagpapaliwanag ng gayong katibayan. Dahil dito, ang galit ng mga saserdote ay lalong lumalim. Mas determinado silang hadlangan ang gawain ni Cristo. DA 537.1
“Ang mga Saduceo, bagama't hindi pabor kay Cristo, ay hindi naging puno ng masamang hangarin sa Kanya gaya ng mga Pariseo. Ang kanilang poot ay hindi gaanong mapait. Ngunit lubusan silang naalarma ngayon. Hindi sila naniniwala sa muling pagkabuhay ng mga patay. Sa paggawa ng tinatawag na siyensiya, nangangatuwiran sila na imposibleng buhayin ang isang patay na katawan. Ngunit sa ilang mga salita mula kay Cristo, ang kanilang teorya ay nawalang-bisa. Sila ay nahayag na mga ignorante kapwa sa Kasulatan at sa kapangyarihan ng Diyos. Iniisip nilang hindi na maaalis ang impresyon na iyon na naidulot sa mga tao sa pamamagitan ng himalang iyon. Paano nga mababawi ang mga tao mula sa Kanya na nanaig sa pagkuha sa libingan ng mga patay nito? Ang mga nagsisinungaling na ulat ay pinalaganap, ngunit ang himala ay hindi maitatanggi, at kung paano kontrahin ang epekto nito ay hindi nila nalalaman. Sa ngayon ay hindi hinihikayat ng mga Saduceo ang plano ng pagpatay kay Cristo. Ngunit pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ni Lazaro ay nagpasiya sila na sa pamamagitan lamang ng Kanyang kamatayan mapipigilan ang Kanyang walang takot na pagtuligsa laban sa kanila. DA 537.2
“Naniniwala ang mga Pariseo sa pagkabuhay na mag-uli, at hindi nila maitatanggi na ang himalang ito ay isang katibayan na ang Mesiyas ay kasama nila. Ngunit sa pasimula pa ay sinalungat nila ang gawain ni Cristo. Sa simula pa lamang ay kinasusuklaman nila Siya dahil inilantad Niya ang kanilang mapagkunwari na mga pagpapanggap. Tinanggal niya ang balabal ng mahigpit na mga ritwal kung saan nababalot ang kanilang moral na kasamaan. Ang dalisay na relihiyon na Kanyang itinuturo ay kahatulan sa kanilang hungkag na mga pagaangkin ng kabanalan. Sila ay naghahangad ng paghihiganti sa Kanya para sa Kanyang matatalim na mga pagsaway. Sinubukan nilang siluin Siya na sabihin o gawin ang isang bagay na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na hatulan Siya. Ilang beses nila Siyang tinangka na batuhin, ngunit Siya ay tahimik na lumilisan, at nawawala sa kanilang paningin.” DA 538.1