Isang Sandali ng Kapalaran

Liksyon 2, Ikalawang Semestre Abril 1-7, 2023

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath ng hapon - Abril 1

Memory Text:

“ At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas. At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na. — Apocalipsis 14:14, 15


“Hindi na ngayon masasabi ng mga lingkod ng Panginoon, gaya ng sinabi ni propeta Daniel: “Isang malaking pakikipagbaka.” Daniel 10:1 . Ngayon ay maikling panahon na lamang bago matapos ng mga saksi ng Diyos ang kanilang gawain sa paghahanda ng daan para sa Panginoon. 6T 406.4

"Dapat nating isantabi ang ating makikitid, makasariling mga plano, at alalahanin na mayroon tayong isang gawain na may pinakamalawak at pinakamataas na kahalagahan. Sa paggawa ng gawaing ito ay pinatutunog natin ang una, ikalawa, at ikatlong mga mensahe ng anghel, at sa gayon ay nahahanda para sa pagdating ng isa pang anghel mula sa langit na magpapaliwanag sa lupa ng kanyang kaluwalhatian. 6T 406.5

“Ang araw ng Panginoon ay lumalapit ng palihim; ngunit ang mga inaakalang dakila at matatalinong tao ay hindi nakaaalam sa mga tanda ng pagdating ni Cristo o sa katapusan ng mundo. Sumasagana ang kasamaan, at ang pag-ibig ng marami ay nanlalamig.” 6T 406.6

Linggo - Abril 2

Mga Pagpipilian para sa Walang Hanggan


Basahin ang Mateo 24:14 at ihambing ito sa Apocalipsis 14:6 . Anong pangako ang ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga disipulo tungkol sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo bago Siya bumalik?

“ Ang mensaheng ipinahahayag ng anghel na lumilipad sa gitna ng langit ay ang walang hanggang ebanghelyo, ang parehong ebanghelyo na ipinahayag sa Eden noong sinabi ng Diyos sa ahas, “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.” ( Genesis 3:15 ). Narito ang unang pangako ng isang Tagapagligtas na tatayo sa digmaan upang labanan ang kapangyarihan ni Satanas at upang mananaig laban sa kanya. Si Cristo ay dumating sa ating mundo upang kumatawan sa katangian ng Diyos tulad ng pagkahayag dito sa Kanyang banal na kautusan; sapagkat ang Kanyang kautusan ay isang transcript ng Kanyang pagkatao. Si Cristo ay ang kautusan at ebanghelyo. Ang anghel na nagpapahayag ng walang hanggang ebanghelyo ay nagpapahayag ng kautusan ng Diyos; sapagkat dinadala ng ebanghelyo ng kaligtasan sa tao ang pagsunod sa kautusan, kung saan ang kanilang mga karakter ay nabubuo ayon sa banal na pagkakatulad.” 2SM 106.2

"Ngunit bago ang pagdating na iyon, sinabi ni Jesus, “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa.” Mateo 24:14 . Ang Kanyang kaharian ay hindi darating hanggang ang mabuting balita ng Kanyang biyaya ay maiparating sa buong mundo. Kaya naman, habang ibinibigay natin ang ating sarili sa Diyos, at nakakapagdala ng ibang mga kaluluwa sa Kanya, ay pinabibilis nga natin ang pagdating ng Kanyang kaharian. Tanging ang mga naglalaan ng kanilang sarili sa paglilingkod sa Kanya, na nagsasabi, “Narito ako; suguin mo ako” ( Isaias 6:8 ), “upang idilat ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal”( Mga Gawa 26 :18 )— sila lamang ang nananalangin nang may katapatan, “Dumating nawa ang kaharian mo.” MB 108.3

Ang ikalabing-apat na kabanata ay nagsisimula sa 144,000 na nakatayo kasama ng Kordero sa Bundok ng Sion. Pagkatapos ay sumunod ang Mensahe ng Tatlong Anghel sa kanilang direkta at huling aplikasyon para sa pagtitipon ng mga pangalawang bunga. Kaya ang kabanata ay nagtatapos sa pag-aani ng lupa. Ang kabanata mismo ay nagpapakita na ang pag-aani ay may dalawang seksiyon, ang una ay inani ng “Anak ng Tao,” at ang pangalawa ay sa pamamagitan ng isang anghel. Maliwanag na ang dalawang ani na ito ay nagbubunga ng una at pangalawang bunga.

Bilang resulta ng pagdadalisay ng iglesia, ang pagtatak sa 144,000, ang mga lingkod ng Diyos, ang lupa ay naliwanagan ng kaluwalhatian ng anghel (Apoc. 18:1), na may “walang hanggang ebanghelyo” (Apoc. 14 : 6). Pagkatapos ay tinawag ang bayan ng Diyos na lumabas mula sa sakop ng Babilonia upang hindi sila maging kabahagi ng kanyang mga kasalanan (Apoc. 18:4). Pagkatapos ay dinala sila sa isang lugar kung saan walang mga kasalanan, kung saan ang mga nalabi ay tumutupad sa mga utos ng Diyos, at kung saan walang takot sa mga salot na bumabagsak (Apoc. 18:4). Kaya ang kabanata 18 ay nagsisimula matapos ang pagtatatak sa mga lingkod ng Diyos, at nagtatapos sa pagkawasak ng babae, ang Dakilang Babilonya. Mangyayari ito pagkatapos na ang mga banal ay tawagin at madala sa kanilang tahanan.

"Dapat nating isantabi ang ating makikitid, makasariling mga plano, at alalahanin na mayroon tayong isang gawain na may pinakamalawak at pinakamataas na kahalagahan. Sa paggawa ng gawaing ito ay pinatutunog natin ang una, ikalawa, at ikatlong mga mensahe ng anghel, at sa gayon ay nahahanda para sa pagdating ng isa pang anghel mula sa langit na magpapaliwanag sa lupa ng kanyang kaluwalhatian. 6T 406.5

Lunes - Abril 3

Ang Pagbabalik ng Anak ng Tao


Basahin ang Apocalipsis 14:14 . Anong titulo ang ginamit upang ilarawan si Hesus sa Kanyang pagbabalik sa lupa? Sa iyong palagay, bakit ginamit ni Juan ang titulong ito para kay Jesus?

Tayo bilang mga magaaral at guro ng ebanghelyo ay maraming taon nang pinag-aaralan ang mga tanda ng ikalawang pagparito ni Cristo, ngunit hindi kailanman sa mga tanda ng Kaniyang Kaharian. Bilang resulta nito, ang Sangkakristiyanuhan ay napagsasanib ang mga tanda ng Kaharian sa mga tanda ng ikalawang pagparito.

Isang bagay na katulad nito ang ginawa ng mga Hudyo noong panahon na kanilang inasahan ang unang pagpapakita ng Mesiyas. Ayon sa kanilang pribadong pang-unawa ay malalim nilang pinag-aralan ang mga tanda ng pagpapanumbalik ng Kaharian, ngunit hindi nman gaano sa mga palatandaan ng pagdating ng Mesiyas. Kaya't nang sabihin sa kanila na ang Mesiyas ay dumating na at hindi pa ang panahon upang ibalik ang Kaharian, ang mga pinuno ng mga Hudyo, na ipinagpalagay na ang kanilang pribadong (walang inspirasyon) interpretasyon ng Kasulatan ay hindi nagkakamali, ay tinanggihan ang mensahe sa panahong iyon. Pagkatapos sa pagtatangkang pangalagaan ang kanilang impluwensya sa karaniwang mga miyembro at upang ipasakop sila sa kanilang paraan ng pag-iisip ay ipinako nila sa krus ang Panginoon, ang kanilang Tagapagligtas at Hari tulad ng kanilang pagpatay sa mga propeta na nauna sa Kanya. Ang kanilang paggigiit na maibalik ang Kaharian sa kanilang panahon, gayunpaman, ay walang pakinabang sa kanila.

Dahil alam natin bilang isang bayan ang ilan sa mga palatandaan ng ikalawang pagparito ni Cristo, at wala namang nalalaman sa mga palatandaan ng Kaharian, mas mabuting pagtuunan natin ng pansin ang mga palatandaan ng huli.

Matt. 13:24-30 – “Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid: Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis. Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo. At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo? At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin? Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo. Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.”

Mapapansin sa talinghagang ito ng Kaharian na ito ay naglalaman ng tatlong yugto ng panahon: Una, ang yugto ng paghahasik ng binhi – ang panahon ng ministeryo ni Cristo; pangalawa, ang panahon ng paglago – ang panahon mula sa pag-akyat ni Cristo hanggang sa pag-aani; ikatlo, ang panahon ng pag-aani – isang maikling yugto ng panahon “sa katapusan ng mundo” (Mat. 13:49), ang panahon kung saan ang lupa ay naliwanagan ng kaluwalhatian ng anghel (Apoc. 18:1), at kung saan ang lahat ng bayan ng Diyos ay tinawag palabas mula sa Babilonia (talata 4). At yaong mga hindi tumugon sa panawagang ito sa pagtitipon ay sisigaw: “Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas.” Jer. 8:20. Ang “pag-aani,” kung gayon, ay “ang katapusan ng sanlibutan.” Talata 49. Magsisimula ito sa iglesia at magtatapos sa Babylonya.

Napakalinaw na ang gawain ng pag-aani ay magkasingkahulugan sa Paghuhukom na magpapasya kung sino ang mga panirang damo at kung sino ang mga trigo–kung sino ang susunugin at pupuksain tulad ng masasamang damo, at kung sino ang tulad ng mahalagang trigo na ipapapasok sa “mga kamalig,” ang kaharian. Kaya nga ang Paghuhukom ay ang paglilinis ng santuwaryo (Dan. 8:14), “ang bahay ng Diyos,” ang templo kung saan biglang darating ang Panginoon at dadalisayin ang Kanyang mga lingkod, ang mga Levita. Narito ang paraan ng pagbabasa ng huling kasulatan:

Mal. 3:1-3, 5 – “Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi: At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran. At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”

Ilang ani ng bunga ang ibibigay ng ani? – Kung ang 144,000 ay ang “mga unang bunga” (Apoc. 14:4), dapat mayroon ding “ikalawang bunga,” sapagkat walang pangalawa kung walang mauuna. Ang salitang "firstfruits" ay ganap na nangangailangan ng pangalawang bunga.

Saan nagmula ang mga unang bunga, at saan nagmula ang mga pangalawang bunga? – Malinaw na sinabi sa atin na ang mga unang bunga ay mga Israelita – lahat ay mula sa labindalawang tribo ng Israel (Apoc. 7:4-8). Ang Israel ay tiyak na naninindigan para sa mga miyembro ng iglesia sa oras na sila ay natatakan; ang titulong “Israel” ay hindi maaaring ipakahulugan sa mundo. Ang mga unang bunga, samakatuwid, ay aanihin mula sa iglesia mismo sa oras na magsimula ang paghihiwalay. Ang salitang "sealed" ay nangangahulugang inilagay sila sa isang ligtas na lugar - selyadong. Ganito ang sinabi ni apostol Pedro:

1 Pet. 4:17, 18 – “Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios: at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios? At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?

Ngayon, kung gayon, kung ang Paghuhukom ay magsisimula muna sa “bahay ng Diyos,” sa iglesia, pagkatapos ito ay magwawakas sa mundo, sa labas ng iglesia. Ang talinghaga ng “net” at ang Apocalipsis ni Juan ay maigsi at mainam na naghahatid ng katotohanang ito:

Matt. 13:47-50 – “Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na nakahuli ng sarisaring isda: Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama. Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.”

Maliwanag na ang lambat ay kumakatawan sa iglesia ng ebanghelyo kung saan nahuli ang parehong mapagkunwari at banal. Alinsunod dito, sa panahon ng unang pag-aani (ang Paghuhukom “sa bahay ng Diyos”) “ sa katapusan ng mundo” (talata 49), ihihiwalay ng anghel ang mga masasama mula sa matutuwid, at hindi ang matutuwid mula sa masasama . Ngunit sa ikalawang pag-aani ng bunga (ang Paghuhukom sa mundo) ang paghihiwalay ay baligtad: ang matutuwid ay inalis mula sa masasama, at hindi ang masasama mula sa matutuwid , gayon ang sabi ng Pahayag: “At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot.” Apoc. 18:4. Malinaw na ang Paghuhukom "sa bahay ng Diyos" ay ang pag-aani kung saan ang mga mapagkunwari na "mga damo" ay susunugin, bilang masasamang "isda" na itatapon. Bagaman sa Paghuhukom sa Babilonya (sa mundo), hindi ang masasama kundi ang mabubuti ang inilabas at dinadala sa dinalisay na bahay ng Diyos kung saan walang kasalanan at walang makasalanan, at kung saan walang panganib ng mga salot. Ang parehong katotohanang ito tungkol sa bahay ng Diyos ay muling dumating sa atin sa mga salitang ito:

Isa. 66:15, 16, 19, 20 – “Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy. Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami. At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila, at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, na nagsisihawak ng busog, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian; at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa. At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon, na nasasakay sa mga kabayo, at sa mga karo, at sa mga duyan, at sa mga mula, at sa mga maliksing hayop, sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon”

Muli nating makikita rito na yaong mga nakatakas sa gagawing pagpatay “sa bahay ng Diyos” (maliwanag na ito ang mga unang bunga, “mga lingkod ng Diyos”), ay ipadadala sa mga bansang hindi nakakakilala sa Diyos, at mula roon ay dadalhin nila ang lahat ng kanilang mga kapatid (ang pangalawang bunga) sa dinalisay na bahay ng Diyos kung saan walang kasalanan o makasalanan, at kung saan ang mga salot ng Babilonia samakatuwid ay hindi babagsak.

Ngayon ay positibong nakita na natin na mayroong una at pangalawang bunga: isa mula sa iglesia – ang 144,000 na mga anak ni Jacob; at isa mula sa lahat ng bansa – ang lubhang karamihan na hindi mabilang ng sinuman (Apoc. 7:9).

Martes - Abril 4

Ang Makalangit na Paghuhukom


Basahin ang Apocalipsis 14:14 at Mga Gawa 1:9–11 . Anong mga pagkakatulad ang natuklasan mo?

 Ang gawaing ito ng paghihiwalay o pagdadalisay na ipinakita sa talinghaga ng Mateo 13:30 at muli sa Mateo 13:47-49, gayundin sa propesiya sa Malakias 3:1-3 at sa Ezekiel 9, gayundin sa Apocalipsis 14, ay direktang naaangkop sa araw ng paghuhukom para sa mga buhay; ngunit ang paglilinis ng santuwaryo sa pagtatapos ng 2300 araw ayon sa Daniel 8:14 at Daniel 7:9, 10 ay direktang naaangkop sa--- Paghuhukom sa mga Patay .

Bagaman ang paglilinis ng santuwaryo, gaya ng nakita na mula sa mga hula ni Daniel ay magaganap pagkatapos ng 1844 AD, gayunpaman dahil ang mga buhay na matuwid ay nakikihalubilo pa rin sa mga makasalanan sa iglesya, at dahil nakita ni Daniel ang Sinaunang mga araw na nakaupo sa paghatol, hindi para patayin yaong may “tanda,” kundi para humatol mula sa “mga aklat” na “nabuksan,” maliwanag na ang kanyang pangitain sa paghatol ay may kinalaman sa mga patay.

Kung tungkol sa pagdadalisay ng iglesia sa lupa, ito ay isasagawa muna sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga kasuklam-suklam, pangalawa sa pagpapanumbalik ng katotohanan, at pangatlo sa pamamagitan ng pag-alis ng mga pangsirang damo. Ngunit tungkol sa paglilinis ng santuwaryo sa itaas, ito ngayon ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-aalis sa Aklat ng Buhay ng mga pangalan ng mga natagpuang kulang; pagkatapos ay sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa aklat na naglalaman ng mga pangalan ng mga darating sa muling pagkabuhay ng masasama pagkatapos ng isang libong taon (Apoc. 20:5); sa gayon ay naiiwan sa Aklat ng Buhay ang mga pangalan lamang ng mga nakamit ang tagumpay laban sa kasalanan, at sa gayon ay naghihintay na bumangon sa muling pagkabuhay ng mga matuwid (Apoc. 20:6). Si Juan, ayon dito, ay “At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.” Apoc. 20:12.

Miyerkules - Abril 5

Ang Korona ng Pananagumpay


Basahin ang Apocalipsis 14:15 at Marcos 4:26–29 . Anong mga pagkakatulad ang nakikita mo sa pagitan ng mga teksto? Ano ang tinatalakay sa dalawang ito?

“At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi,” bulalas ni Juan na Tagapaghayag, na naglalarawan sa parehong pagdating na inilarawan nina Malakias, Mateo, at Ezekiel, “At nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas. At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na. At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa; at ang lupa ay nagapasan.” Apoc. 14:14-16.

Samakatuwid, ang pagdating na ito ng Anak ng tao ay malinaw na hindi sa panahon na ang mga nabuhay na mag-uli at ang mga buhay na matuwid ay inagaw nang sama-sama upang salubungin Siya sa himpapawid: sapagkat ang mga talatang 17-20, kasunod ng mga sinipi sa talata sa itaas ay naghahayag na pagkatapos Niya dumating at anihin ang lupa, “isa pang anghel…na may matalas na karit” ay dumating at umani ng pangalawang ani bago ang galit ng Diyos – ang huling pitong salot (Apoc. 15:1) – ay ibinuhos sa masasama.

Kaya...nakikita na mayroong dalawang magkaibang pagparito ng Anak ng tao: ang isa ay upang “ihiwalay ang masasama mula sa mga matutuwid” sa iglesia (Mat. 13:49), at pagkatapos ay agad na tawagin ang matutuwid mula sa masasama sa Babilonya (Apoc. 18:4); ang isa naman ay upang dalhin ang mga banal, kapwa ang nabuhay na mag-uli at ang mga buhay, sa mga mansyon na Kanyang inihanda para sa kanila (1 Tes. 4:16; Juan 14:1-3).

Sa naunang binaggit na pagparito ng Anak ng tao, ang bato na tumama sa dakilang larawan ay natibag hindi ng mga kamay (nang walang tulong ng tao, at kundi ng Panginoon Mismo) dahil, gaya ng sabi ng Panginoon, “at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin. At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.” Isa 63:5, 6.

Huwebes - Abril 6

Ang Bawat Binhi ay Nagbubunga ng Ani


Basahin ang Apocalipsis 14:17–20 . Ano ang ibig sabihin ng pananalitang “ang malaking pisaan ng kagalitan ng Diyos”? Tingnan din ang Apocalipsis 14:10 , Apocalipsis 15:1 , at Apocalipsis 16:1 .

Apoc. 14:14-19 – “At nakita ko, at narito, ang isang alapaap na maputi; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao, na sa kaniyang ulo'y may isang putong na ginto, at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas. At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na. At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa; at ang lupa ay nagapasan. At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit, na may panggapas din namang matalas. At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana, na siyang may kapangyarihan sa apoy, at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas, na sinasabi, Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas, at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa; sapagka't ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na. At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa, at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa pisaan ng ubas, sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios.”

Narito tayo ay… sinabihan na mayroong dalawang pag-aani, isa sa pamamagitan ng Anak ng Tao, at isa sa anghel. Ang pag-aani ng Anak ng Tao ay mauuna sa pag-aani ng anghel. Ang “Anak ng Tao,” kung gayon, ay titipon sa mga unang bunga, at titipon naman ang anghel ang pangalawang bunga. (Ang mga baging, na hindi ganap na hinog na mga ubas ay inihahagis niya sa pisaan.) Ang Anak ng Tao Mismo ay malinaw na umaani ng mga unang bunga dahil ang Kanyang mga lingkod (sa makasagisag na anghel ng iglesia ng mga taga-Laodicea) ay wala sa kondisyon na gumawa ng gayong gawain. , dahil sila mismo ay “kaawa-awa, at kahabag-habag, at dukha, at bulag, at hubad,” at hindi nila nalalaman (Apoc. 3:14-18).

Sa pagtingin sa mismong panahong ito, ang Spirit of Prophecy noong panahon ni Isaias ay nagsabi:

Isa. 63:5 – “At ako'y lumingap, at walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.”

Dito ay mapapansin na nang dumating ang panahon ay wala kahit isa sa Kanyang mga lingkod na “umalalay” sa gawain ng pag-aani, at dahil dito ang Panginoon Mismo ang gumawa ng gawain nang wala sila.

Gayunpaman, para sa ikalawang pag-aani, ginamit Niya ang Kanyang walang-salang “mga lingkod,” ang “mga unang bunga,” ang 144,000, na inilarawan ng anghel na may matalas na karit (Apoc. 14:17, 18). At kung paanong mayroong dalawang bunga at dalawang pag-aani mula sa dalawang magkaibang lugar, ang iglesia at ang mundo, tulad ng ipinakita sa unahan, ay may dalawang paraan din ng pag-aani: sa una ang masama ay kinukuha mula sa mabuti, at sa huli naman ang mabuti ay tinatawag mula sa masasama.

Ito ang ilan sa mga tanda at pangyayari na mauuna sa Kaharian ng kaluwalhatian, ang ikalawang pagparito ni Cristo...

Biyernes - Abril 7

Karagdagang Pag-aaral

Ano ang pre-millennial Kingdom? At ano pang mga palatandaan ang mauuna sa pagkakatatag nito? Ang sagot sa tanong na ito ay dumating sa pamamagitan ni Ezekiel—

Ezek. 36:23-28 – “At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata. Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo. Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa. At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.”

Narito ang karagdagang mga tanda, mga tanda na ipinapakita sa loob at labas ng tao mismo: ang mga peklat at mga depekto na isinulat ng kasalanan sa katawan ng bayan ng Diyos ay nahugasan; gayundin ang pusong pinatigas ng kasalanan ay inukit mula sa kanila at isang bago at malambot na puso na nalulugod sa pagsunod sa mga utos at kahatulan ng Diyos ay inilagay.

Kailan ito magaganap? – Matapos kunin ng Diyos ang Kanyang mga banal “mula sa mga pagano,” “sa lahat ng bansa,” at dalhin sila sa kanilang “sariling lupain,” sabi ng Kasulatan. Sa gayon sila ay maninirahan sa lupaing ibinigay ng Diyos noong unang panahon sa kanilang mga ama, at sa gayon sila ay magiging Kanyang bayan at Siya ang kanilang Diyos. Dito makikita na walang sinuman ang makakatagpo sa Diyos nang mukhaan at mabubuhay kasama Niya nang magpawalang hanggan nang hindi muna dadaan sa karanasang ito ng paglilinis ng katawan at pagpapabago ng puso.

Malinaw na walang sinumang nananatiling walang alam sa mga tandang ito ng paparating na Kaharian ang magkakaroon ng ganitong karanasan at dahil dito ay hinding-hindi sila makapapasok dito, hindi kailanman magiging angkop na mabuhay at maghari kasama ni Cristo.

Dahil ang mga tandang ito ay napakahalaga sa kaligtasan, hindi ito dapat palampasin, ngunit dapat na unang isaalang-alang kung inaasahan natin na ang ikalawang pagparito ni Cristo ay para sa ating ikabubuti, hindi sa ating kapahamakan. Sa katunayan, para sa maliwanag na dahilang ito sa mga huling oras kaya dinala sa ating pansin ang mahalagang mensaheng ito.

Ang paglilinis bang ito, ang makalangit na pagaangkop sa pre-millennium Kingdom, ay matatatag sa panahon ng probationary time? – Upang mahanap ang kasagutan, balikan natin ang propesiya ni Mikas–

Mikas 3:12; 4:1, 2 – “Kaya't ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat. Nguni't sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya. At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.”

Dito sinabi sa atin na sa mga huling araw, sa ating panahon, ang sinaunang Kaharian na nawasak ay muling itatayo at dadakilain sa lahat ng iba pang Kaharian. Pagkatapos ang mga tao ay “paroroon” dahil “ang kautusan ay lalabas sa Sion, at ang Salita ng Panginoon mula sa Jerusalem.” Ang gawain ng ebanghelyo, kung gayon, ay matatapos habang ang punong tanggapan nito ay nasa Banal na Lupain. Kaya ang Kaharian ay itinayo sa panahon ng probationary time, sa panahon ng kaligtasan at hudisyal na paglilinis, sapagkat pagkatapos na maitatag ito ang ibang mga tao mula sa maraming mga bansa ay paparoon.

Ito ang sinasabi ng Bibliya, at tiyak na ito ang mangyayari, dahil kahit ang Diyablo ay hindi kayang talunin ang mga plano ng Diyos o dayain ang Kanyang bayan. Oh, oo, sisikapin ng Diyablo na ipaliwanag ang sinasabi ng mga Kasulatang ito, ngunit hindi niya kailanman mapapasabi ang mga ito maliban sa kanilang sinasabi. Bukod dito, ang sinumang duminig sa salita ng Diyablo kaysa sa Diyos, ay karapat-dapat sa gantimpala ng Diyablo, at tiyak ako na hindi siya madadaya dito.

Dahil ang mga tanda ng panahon na ito, bilang karagdagan sa iba pa , ay higit na mas mahalaga kaysa sa “lindol sa Lisbon,” “ang madilim na araw,” at “ang pagbagsak ng mga bituin,” mas mabuting gumising tayo sa kahilingang ipinapataw nito sa atin, at tiyak na magaangkop sa atin para sa ikalawang pagparito ni Cristo at para sa isang tahanan sa Kanyang Kaharian kung papansinin. Ngunit kung ang mga tandang ito ay hindi makagising sa atin, positibo na ito ay magiging dahilan upang tayo ay dumausdos pababa sa napakalalim na hukay habang nangangarap na maging mayaman at magkamit ng kayamanan, na hindi nangangailangan ng anuman, na diumano'y patungo sa lupain ng kaluwalhatian. Anong laking kabiguan at anong pag-iyak at pagngangalit ng mga ngipin iyon!

Sino ang magpapalayas sa mga Gentil sa lupain? - Ang sagot ay masusumpungan sa –

Zech. 1:14-17, 20, 21 – “Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho. At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem. Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at pipiliin pa ang Jerusalem... At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.

Malinaw na ang isang bahagi ng mga bansang Gentil ay lalaban sa bahagi na nasa Banal na Lupain, at palalayasin sila upang bigyan ng puwang ang bayan ng Diyos. Kung magkagayo'y tatayo ang mga paa ng Panginoon sa Bundok ng mga Olibo at ang Bundok ay mahahati sa gitna niyaon at magiging totoong malaking libis. Sa gayon ay magbubukas ang Panginoon ng daan para sa Kanyang mga bayan upang magsitakas sa “libis” kung saan nakatayo ang mga paa ng Panginoon, at ang lahat ng mga banal na kasama nila (Zac. 14:4, 5).

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@advancedsabbathschool.org