The Flood

Liksyon 2, Ikalawang Semestre Abril 16-22, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - April 16

Memory Text:

“But as the days of Noe were, so shall also the coming of the Son of man be.” KJV — Matthew 24:37

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. .” KJV — Mateo 24:37


“In the days of Noah a double curse was resting upon the earth in consequence of Adam's transgression and of the murder committed by Cain…” PP 90.1

“Sa panahon ni Noe dobleng sumpa ang nasumpungan sa lupa bilang resulta ng pagkakasala ni Adan at ang ginawang pagpatay ni Cain…” PP 90.1

“Men put God out of their knowledge and worshiped the creatures of their own imagination; and as the result, they became more and more debased…The worshipers of false gods clothed their deities with human attributes and passions, and thus their standard of character was degraded to the likeness of sinful humanity. They were defiled in consequence. “God saw that the wickedness of man was great in the earth, and that every imagination of the thoughts of his heart was only evil continually.... The earth also was corrupt before God; and the earth was filled with violence.” God had given men His commandments as a rule of life, but His law was transgressed, and every conceivable sin was the result. The wickedness of men was open and daring, justice was trampled in the dust, and the cries of the oppressed reached unto heaven. PP 91.2

“Inalis ng tao ang Diyos sa kanilang mga pagiisip at sinamba ang mga nilalang sa kanilang mga imahinasyon; at bilang resulta sila ay mas lalong naging mababa…Dinamitan nila ang kanilang mga sinasambang diosdiosan ng mga katangian at naisin ng tao at ang pamantayan ng kanilang karakter ay lalong nababa sangayon sa wangis ng makasalanang sanlibutan. Sila ay nadungisan bilang bunga nito. “Nakita ng Diyos na ang kasamaan ng tao sa lupa ay malubha at ang bawat imahinasyon ng kanilang mga puso ay masamang patuloy…Ang lupa ay puno ng korapsyon at karahasan.” Binigay ng Diyos ang Kaniyang kautusan upang maging gabay sa buhay ngunit ito ay nilabag at ang lahat ng maiisip na kasalanan ang naging resulta nito. Ang kasamaan ng tao ay lantaran at pangahas, ang hustisya ay nayurakan at ang iyak ng mga inaapi ay nakarating sa langit. PP 91.2

Sunday - April 17

Preparation for the Flood

Genesis 6:13-7:10

What lessons can we learn from this amazing account of early human history?

Anong aral ang ating mapupulot sa naging karanasan ng mga tao sa una?

You remember that while Noah was preaching that a destruction would come from the Almighty, he was also preparing a place of refuge building the ark. Those who doubted Noah's announcement of the flood, and who scoffed at the idea that they should enter the ark for safety at a time when there was not even the slightest sign of threatening rain, were doubters no longer when the elements of nature were unleashed. Then they madly rushed to the ark; but to their dismay and utter disappointment, they found the door tightly closed against them. Thus all, both good and bad who chose to remain outside the ark, perished. The antedeluvians' experience should serve as a reminder to us that we be not presumptuous as were they. We should instead take to heart the clear warning that is pertinent to this hour, for we are told that as it was in the days of the flood, so shall it be at the time of the Lord's coming.

Maaalala na samantalang si Noe ay nangangaral na may paparating na pagkawasak mula sa Makapangyarihan sa lahat, siya din ay naghahanda ng arka bilang lugar na kanlungan. Ang mga tao na nagduda sa pahayag ni Noe ukol sa baha, at ang ideya na kailangang pumasok sa arka upang maligtas ay tinuya dahil ito ay hinayag sa panahong walang anumang pagbabadya ng ulan, ang lahat ng kanilang pagaagam-agam ay nawala ng magpasimula ng kumawala ang kalikasan. At sila’y nagmadaling pumunta sa arka; ngunit sa kanilang pagkabalisa at kabiguan ang pintuan ay nakasarado na. At ang lahat, mabuti at masama na piniling manatili sa labas ng arka ay mga nangamatay. Ang kanilang mga karanasan ay dapat magsilbing paalaala sa lahat na huwag maging arogante tulad nila. Sa halip ay dapat isapuso ang malinaw na babala na kinakailangan sa panahon natin ngayon sapagka’t sinabi sa atin na “kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao”.

The ark of today is "Zion and Jerusalem," "for the law shall go forth of Zion, and the Word of the Lord from Jerusalem:" Mic. 4:2

Ang arka sa panahon natin ngayon ay ang “Sion at Jerusalem”, “Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem” Mic. 4:2. 

Monday - April 18

The Event of the Flood

Genesis 7

What does the description of the Flood remind us of?

Ano ang ipinapaalala sa atin sa ginawang pagsasalarawan sa baha?

Now we go back to clear the apparent Scriptural complication in recording the duration of the flood and the confinement in the ark. “In the six hundredth year of Noah’s life, in the second month, the seventeenth day of the month, the same day were all the fountains of the great deep broken up, and the windows of heaven were opened.” (Gen. 7:11.) The second month and the seventeenth day of the month was the date of the solar year according to the antediluvian calendar when the raging flood began its violent rush against every living thing upon the earth. The same indignation of nature vehemently continued forty days, and when it had reached its climax and wiped out the inhabitants it suddenly quieted down. Adding forty days to the foregoing date would show that the rain ceased on the twenty-seventh day of the third month. “And the ark rested [quieted] in the seventh month, on the seventeenth day of the month, upon the mountains of Ararat.”

Ngayon ay balikan natin ang nakitang komplikasyon sa kasulatan ukol sa pagkakatala ng panahon ng baha at ng kanilang pananatili sa arka. “Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan. ” (Gen. 7:11.) Sa ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan ang petsa sa solar na taon sangayon sa kalendaryo bago ang baha nang magpasimula ang baha at marahas na rumagasa sa bawat nilalang sa lupa. Ang galit ng kalikasan na ito ay walang humpay na nagpatuloy sa loob ng 40 araw at ng marating ang rurok nito at ang lahat ng naninirahan ay nalipol na, ito ay tumigil. Sa pagdagdag ng 40 araw sa petsa na nabanggit, malalaman na ang ulan ay huminto sa ikadalawangpu’t pitong araw ng ikatlong buwan. “ At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat.”

Therefore, from the day the rain started to the day the ark rested, (not on the ground but from drifting) was exactly five months. The same is recorded in Gen. 8:3, “And the waters returned from off the earth continually: and after the end of the hundred and fifty days the waters were abated.” This fact proves that the antediluvian monthly calendar consisted of thirty days to a month (5 x 30 = 150).

Samakatuwid, buhat sa pasimula ng ulan hanggang sa araw na ang arka ay sumadsad, (hindi sa lupa ngunit sa paganod) ay eksaktong limang buwan. Ganito rin ang natala sa Gen 8:3, “At humupang patuloy ang tubig sa lupa; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw.” Ito ay nagpapatunay na ang buwan sa kalendaryo bago ang baha ay mayroon lamang 30 araw kada buwan (5x30=150).

“And the waters decreased continually until the tenth month: in the tenth month, on the first day of the month, were the tops of the mountains seen.” (Verse 5.) That is, from the day the waters were abated to the day the mountains appeared, there were seventy-four days. (13) to complete the seventh month, (30) in the eighth, (30) in the ninth, and (1) day from the tenth month = 74 in all.

“At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan: nang ikasangpung buwan, nang unang araw ng buwan, ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok.” (Talata 5). Ayon dito, mula sa araw na ang tubig ay humupa hanggang sa ang mga bundok ay lumitaw ay pitumput apat (74) na araw. (13) upang buuin ang ikapitung buwan, (30) sa ikawalo at 30 sa ikasiyam at (1) naman sa ikasangpung buwan = 74 sa kabuuan. 

“And it came to pass in the six hundredth and first year, in the first month, the first day of the month, the waters were dried up from off the earth.” (Verse 13.) That is, from the day the mountain tops had appeared to the day the waters returned to their proper place, there were ninety days – (29) to complete the tenth month, (30) in the eleventh, (30) in the twelfth, and (1) day from the first month of the commencement of the new year, making a total of ninety days.

“At nangyari, nang taong ikaanim na raan at isa, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya, at, narito't ang ibabaw ng lupa ay tuyo.” (Talata 13). Ito ay buhat sa araw na ang taluktok ng bundok ay lumitaw hanggang sa ang tubig ay bumalik sa tama nitong lugar ay 90 araw – (29) na bubuo sa ikasangpung buwan, (30) sa ikalabing-isa, (30) sa ikalabingdalawa, at (1) sa unang buwan ng pagbubukas ng bagong taon, na magbibigay 90 araw sa kabuuan.  

The following record will give us the number of days to dry the earth’s surface and solidify from the effects of the waters: “And in the second month, on the seven and twentieth day of the month, was the earth dried.” (Verse 14.) Therefore, the earth had dried in the space of fifty-six days from the day the waters were taken away – (29) days to complete the first month, and (27) from the second month, making a total of (56) days.

Ang sumusunod na tala ay magbibigay sa atin ng bilang ng mga araw ng matuyo ang lupa buhat sa epekto ng tubig: “At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu't pitong araw ng buwan, ay natuyo ang lupa.” (Talata 14). Samakatuwid ang lupa ay natuyo sa loob ng limangpu’t anim (56) na araw mula ng ang tubig ay humupa – (29) araw na bubuo sa unang buwan at (27) sa ikalawang buwan na may kabuuang (56) na araw.

The following is a summary of a grand total of days: (40) while raining, 110 to the time they began to subside, and 164 days for the waters to recede in the bowels of the earth, and (56) for the earth to dry, making a total of 370 days; and seven before the flood had started, reaching a grand total of 377 days – twelve months and seventeen days in all (30 days to the month).

Ang mga sumusunod ang buod ng mga bilang ng araw: (40) araw ng pag-ulan, (110) hanggang sa magpasimulang humupa at (164) araw ng humupang patuloy ang tubig sa lupa at (56) ng matuyo ang lupa na may kabuuang (370) araw ; at (7) araw bago nagpasimula ang baha na magbibigay ng total na (377) araw – labingdalawang buwan at labingpitong araw lahat lahat (30 araw kada buwan). 

Certainly no one would suppose that this arrangement of the flood with fixed number of days to each act was thoughtlessly devised by a just and all wise God. Why should Noah and his family with all the living creatures that went into the ark be shut in seven days before the rain began? It would have been unwise and cruel on the part of God, also costly to Noah, and burdensome to all the inmates of the ark in prolonging their captivity if it had no object lesson for future generations. Why consume forty days to flood the earth while He could have done it in much less time? Why lengthen the captivity of His creatures in the ark, by restraining the liberty of the waters in their downward course, and compel them to keep their elevation fifteen cubits upward for 110 days? Or why not more or less? Why should He cause the waters to rise upward in forty days, and consume 164 (over four times as long) in going down? Is it not contrary to nature?

Tunay na walang magiisip na ang pagkakaayos ng kaganapan ng baha na may mga eksaktong bilang ng araw ay walang kabuluhan buhat sa plano ng matuwid at pantas na Diyos. Bakit kinailangan na si Noe at ang kanyang pamilya at lahat ng mga hayop na pumasok sa arka at manatili sa loob noon ng pitong araw bago magsimula ang pag-ulan? Magiging hindi mabuti at malupit sa parte ng Diyos at pabigat naman kila Noe kung pinatagal ng gayon ang kanilang pagkakulong sa arka kung wala itong kabuluhan at aral para sa susunod na henerasyon. Bakit gumugol pa ng 40 araw para pabahain ang lupa samantalang kaya naman Niya itong gawin sa mas maiksing panahon? Bakit pinatagal ang kanilang pananatili sa arka, at pinigilan ang paghupa ng tubig at kinailangang sila ay manatiling nakataas ng labinglimang siko sa loob ng 110 na araw? Bakit hindi mas matagal o mas mabilis? Bakit Niya pinataas ang tubig sa loob ng 40 araw at pinahupa naman ito sa 164 na araw? Di ba ito taliwas sa kalikasan?

The earth had been under water for over ten months, and as the rushing torrents from underneath had violently inverted the form of the earth on their upward course, it had become one slimy mass of mud. But after the waters had descended into the lower lands, and in the bowels of the earth, He caused the earth to dry in but fifty-six days. Everything God did in connection with the flood was contrary to nature and to human judgment or reason. Unquestionably, it was thus devised for an object lesson for those upon whom the end of the world is come.

Ang lupa ay napailalim sa tubig ng mahigit na sampung buwan at ang malakas na pag-agos sa ilalim ay nagpagulo sa porma ng lupa at ito ay naging madulas at maputik. Ngunit ng humupa na ang tubig, hinayaan niyang matuyo ito sa loob ng 56 na araw. Lahat ng ginawa ng Diyos ukol sa pagbaha ay taliwas sa kalikasan o sa anumang pagunawa ng tao. Wala ngang pagaalinlangan na ito ay binuo para sa isang aral para sa lahat ng aabutan ng kawakasan ng mundo.

The following will not only prove that what has been said is correct, but it will also show that the closing of the door of the ark seven days before the destruction by the flood had begun, is a type representing the time from the close of probation to the commencement of the plagues. It will further prove that the rain of forty days and forty nights is a type of the destruction of the wicked in the plagues. The 110 days (after the rain had stopped and before the waters were abated) is a time-type of the wicked, both during the millennium and for one hundred years after. Also, that the clearing of the earth from the waters is a type of the destruction of the wicked by fire (the second death) after the millennium, and the fifty-six days in which the earth was dried is a type of the cooling of the earth after its purification from sin and sinners.

Ang mga sumusunod ay hindi lamang magpapatunay sa mga nabanggit ngunit magpapakita din na ang pagsasara ng pinto ng arka pitong araw bago magsimula ang mapangwasak na pagbaha ay ang tipo na kumakatawan sa panahon buhat sa pagsasara ng probasyon hanggang sa pasimula ng mga salot. At ito ay patuloy na magpapatunay na ang pagulan sa loob ng 40 araw at gabi ay tipo naman sa pagkawasak ng masasama sa panahon ng salot. Ang 110 araw (matapos tumigil ang ulan at bago humupa ang baha) ay ang tipo ng panahon ng masasama, sa panahon ng millennium at sa 100 taon na darating pagkatapos nito. Gayundin ang pagkalinis ng lupa buhat sa baha ay ang tipo sa pagkawasak ng masasama sa pamamagitan ng apoy sa ikalawang kamatayan (second death) matapos ang millennium at ang 56 na araw ng matuyo ang lupa ay ang tipo sa tinatawag na cooling ng lupa matapos ang pagdadalisay nito buhat sa kasalanan at mga makasalanan. 

Tuesday - April 19

The End of the Flood

Genesis 8:1

What was the attitude of Noah’s family after the Flood?

Ano ang naging katangian ng pamilya ni Noe matapos ang baha?

But having survived the flood, the descendants of Noah's family straightway forgot the priceless lesson. So it came to pass that the post-diluvians were as determined to believe that there could be a second universal flood as the antediluvians were that there could not be a first one. Thus unbelief in Noah's inspiration became as pronounced after the flood as it had been before, with the result that in the effort to gain security of life, men attempted to build the tower of Babel, the world's first skyscraper and the earliest monument to the folly of man's prodigious labors to secure his salvation without the assistance of Divine Inspiration. This insulting attitude of the builders toward the Lord's promise through Noah, so aroused His displeasure that He blotted from their memory the language which He had given them through Adam and, in its stead, inspired in them all the diverse languages of earth, with the result that the builders became confused among themselves and could no longer continue building (Gen. 11:7-9).

Matapos ang kanilang pagkaligtas sa baha, nalimutan ng mga sumunod na lahi ng angkan ni Noe ang napakahalagang aral na pinahayag sa kanila. At nangyari na sila ay naniwala na maaari pang magkaroon ng ikalawang malawakang pagbaha gaya ng nangyari sa una. At mas nakita ang kawalan nila ng paniniwala sa naging aral ng karanasan ni Noe, bilang resulta, ang mga tao sa yugto pagkatapos ng baha, ay gumawa ng sariling hakbang upang tiyakin ang kanilang kaligtasan, ang tao ay nagtangka na magtayo ng tore ni Babel, ang unang mataas na gusali sa mundo at unang monumento ng kamangmangan ng tao na gumawa para sa kanilang ikaliligtas na walang patnubay mula sa kalangitan. Ang nakaiinsultong ugali ng mga nagtatayo ng gusali laban sa binigay na pangako ng Diyos ay nagbangon ng pagkagalit sa Kaniya at Kanyang inalis ang wika na unang ibinigay sa pamamagitan ni Adan at ito ay nagdulot ng iba’t ibang wika at bilang resulta ang mga gumagawa ay nagkaroon ng kalituhan sa kanilang kalagitnaan at hindi na nagawang ipagpatuloy pa ang pagtatayo ng gusali (Gen. 11:7-9).

In this preternatural event which so radically changed the course of human society, we see another form of Inspiration revealing that while one individual or a group of individuals may deliberately work at cross-purposes with God, He can bestow His gift even on them, to frustrate their own evil designs (Gen. 11:1-9) while promoting His eternal purpose and getting praise to His name (Ps. 76:10).

Sa hindi pangkaraniwang pangyayaring ito makikita ang naging pagbabago sa lipunan ng tao, at ganun din ang isa pang inspirasyon na naghahayag na samantalang ang isang tao o grupo ay sadyaing gumawa ng taliwas sa Diyos, ay kaya Niyang maggawad ng kaloob sa kanila, upang biguin sila sa kanilang masasamang hangarin (Gen 11:9) habang Kaniyang naihahayag ang pang walang hanggang layunin at magbigay lugod sa Kaniyang ngalan (Ps. 76:10). 

Wednesday - April 20

The Covenant: Part 1

Genesis 8:20; 9:2-4

How did the Flood affect the human diet? 

Paano nakaapekto ang baha sa pagkain ng tao?

Thus, in the beginning, man's diet did not include flesh food. Not till after the flood, when every green thing on the earth had been destroyed, did he receive permission to eat flesh. Then God said: "Every moving thing that liveth shall be meat for you, even as the green herb have I given you all things." Gen. 9:3.

Sa pasimula ang laman ay hindi kabilang sa pagkain ng tao. Maliban na lamang matapos ang baha, nang ang lahat ng luntiang bagay sa lupa ay nawasak, na pinayagan ang pagkain ng laman. Sabi ng Diyos: Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.” Gen. 9:3. 

Later, though, while the children of Israel were in the wilderness, God provided them with manna. But when they murmured against it, and attributed its phenomenon only to circumstances, claiming that it was impossible to obtain flesh foods in the desert, He literally and angrily heaped quail upon them. At what price, though! Thousands died in order to teach the lesson that the manna was not the mere result of circumstances but rather a purposive Providence. For "while the flesh was yet between their teeth, ere it was chewed, the wrath of the Lord was kindled against the people, and the Lord smote the people with a very great plague." Num. 11:33.

Kalaunan, samantalang ang bayan ng Israel ay nasa ilang ay binigyan sila ng Diyos ng manna. Ngunit ng sila ay magbulung-bulong laban dito, at nagreklamo na imposibleng makatikim sila ng laman habang nasa ilang, Siya’y literal at pagalit na nagpaulan ng pugo sa kanila. Ngunit ano ang naging kabayaran! Libu-libo ang namatay para sila ay turuan ng leksyon na ang mana na binibigay sa kanila ay hindi lamang resulta ng pagkakataon ngunit ito ay may makalangit na layunin. "Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa.” Num. 11:33

Because the Exodus movement was to fit up a people to take the promised land and to set up the kingdom then, as we are now, they were charged to abstain from all flesh foods. And because John the Baptist bore an important message in his day ("Repent ye: for the Kingdom of Heaven is at hand"--Matt. 3:2) similar to ours today, his diet was of honey and of the fruit of the locust tree. How much more important, then, as our types teach, that we who have the culminating message of the gospel, and who are the vanguard of the hosts of the eternal kingdom, defile not the temples of our souls with that which our types were forbidden to eat.

Dahil ang layunin ng Exodus Movement ay ihanda ang bayan na manahan sa lupang pangako at magtatag sa kaharian, gaya ng atas sa atin ngayon, sila ay inutusan na magpigil sa pagkain ng anumang lamangkati. At dahil si Juan Bautista ay may dalang mahalagang mensahe sa kapanahunan niya (“Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.” "--Matt. 3:2), katulad ng sa atin ngayon, ang kaniyang pagkain ay binubuo ng pulot at bunga ng puno ng locust. (Vegetarian diet sangayon sa CTBH 38.5) Gaano nga kahalaga, gaya ng tinuturo ng ating mga tipo, para sa atin na nagdadala ng pangwakas na evangelio, bilang mga pangunang hanay sa walang hanggang kaharian, na wag dungisan ang templo ng ating mga kaluluwa sa mga bagay na ipinagbawal sa ating mga tipo. 

Furthermore, as the Elijah of Malachi 4:5 and Matthew 17:11 is to restore all things before the great and dreadful day of the Lord, then necessarily he will restore vegetarianism, man's original dietary. Then, not only man but beast as well, will be strict vegetarians, and all will once again consort together in the renewed fellowship of Edenic peace.

At saka, dahil ang Elijah sa Malakias 4:5 at Mateo 17:11 ay magsasauli sa lahat ng bagay bago ang “dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon”, kanila ding ipapanumbalik ang vegetarianism, bilang orihinal na pagkain ng tao. Kung magkayon hindi lamang tao ngunit maging ang mga hayop ay magiging striktong vegetarian at muling magsasama-sama at magtataglay ng kapayapaan sa panibagong hardin ng Eden. 

"The wolf also shall dwell with the lamb, and the leopard shall lie down with the kid; and the calf and the young lion and the fatling together; and a little child shall lead them. And the cow and the bear shall feed; their young ones shall lie down together: and the lion shall eat straw like the ox. And the sucking child shall play on the hole of the asp, and the weaned child shall put his hand on the cockatrice' den. They shall not hurt nor destroy in all My holy mountain: for the earth shall be full of the knowledge of the Lord, as the waters cover the sea." Isa. 11:6-9.

“At ang lobo ay tatahang kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata. At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka. At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong. Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat." Isa. 11:6-9. 

Thursday - April 21

The Covenant: Part 2

Genesis 4:17-24

What is the significance of the rainbow?

Ano ang kahalagahan ng bahaghari?

Notwithstanding this punishment and its object lesson, as soon as the earth’s inhabitants multiplied after the deluge, sin likewise multiplied. And though the people could but give credit to Noah’s correct prediction of the flood, they mistrusted him in his next prediction: the prediction that there would be no more “flood to destroy the earth.” Gen. 9:11. Even the rainbow in the clouds, the Lord’s own token of His covenant not to flood the earth a second time, failed to convince them.

Sa kabila ng parusa at aral na ibinigay sa kanila, nang ang naninirahan sa mundo ay dumami ay dumami din ang kasalanan. Bagaman binibigyang halaga ng tao ang tamang prediksyon ni Noe ukol sa dumating na baha ay hindi naman nila pinaniniwalaan ang prediksyong: “hindi na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.” Gen 9:11. Maging ang bahaghari na binigay na tanda sa tipan na binigay ng Diyos ay hindi nakakumbinse sa kanila.

What a mystery sin indeed is! First they did not believe in even the possibility of a flood, and next they did not believe in the impossibility of one! Actually, the judgment of the unbelieving is as foolish as the judgment of the country woman who, when she first saw a train idling on the rails, emphatically declared, “It will never start out!” Then after she saw it start off, she again declared, just as emphatically as before, “It will never stop!” So while the spirit of unbelief in the Word has always benumbed the mind and subjected the body to sin and decay, even in the days when men were strong and long-lived, the same spirit is having an even greater hold on humanity today.

Anong nakagigilalas na misteryo ng kasalanan! Una, hindi sila naniwala sa posibilidad ng baha at sumunod naman ay hindi sila naniniwala na imposible ang pangalawang baha! Sa katunayan ang pangunawa ng mga walang pananampalaya ay kamangmangang gaya ng pangunawa ng isang tao na naninirahan malayo sa kabihasnan na kapag nakakita ng tren na nakatigil sa riles ay iisping “Hindi ito kailanman aandar!” at kapag naman nakitang ito ay umandar ay sasabihin ng may pagmamariin na “Hindi ito hihinto!” Kaya habang ang espiritu ng kawalan ng pananampalataya sa Salita ay nagpapamanhid sa isip at nagdudulot sa katawan sa pagkawasak, kahit maging sa araw na ang mga tao ay malakas at mahabang nabubuhay, ang parehong espiritu na ito ay mas humahawak sa tao sa ngayon.

Rather than to set them free from fear, the Word of God spoken through Noah impelled the post-diluvians to feel that there was an unavoidable necessity to build the tower of Babel as a defense against a second flood. Disapproving of their unbelief and false alarm, however, the Lord demonstrated His displeasure by interfering with their wicked and foolish project: He destroyed their tower and confounded their language. Thus it was that the confusion at Babel (Gen. 11:8, 9) gave birth to the existing races and languages.

Sa halip na mapalaya sila sa takot, ang Salita ng Diyos na binigay sa pamamagitan ni Noe ay nagudyok sa mga tao na makaramdam ng pangangailang magtayo ng tore ni Babel bilang pangsanggalang sa pangalawang baha. Bilang pagtanggi sa kanilang kawalang pananampalataya at maling pagaakala, ipinakita ng Diyos ang Kaniyang pagkadismaya sa pagsalungat sa kanilang masama at ginagawang kahangalan: Kanyang sinira ang tore at ginulo ang wika ng buong lupa. At ang kalituhan sa Babel (Gen 11:8,9) ang nagpasimula sa iba’t ibang lahi at wika. 

Finally, as the confused builders parted in groups, the neighboring ones began to quarrel one with another. And as they at length grew into nations, their quarrels grew into wars. Hence, the historical truth that wars for the first time broke out after the confusion of tongues.

Sa wakas, dahil sa idinulot na kalituhan sa mga manggagawa, sila ay naghiwa-hiwalay sa iba’t ibang grupo at ang iba ay nagpasimulang magaway. At habang sila ay lumago hanggang sa maging mga bayan, ang kanilang pagaawayan ay lumala patungo sa giyera. At dito sa kasaysayan masusumpungan ang unang pagkakataon na nagkaraoon ng giyera at away pagkatapos ng naging kalituhan sa kanilang mga dila… 

Friday - April 22

Further Study

“The sins that called for vengeance upon the antediluvian world exist today. The fear of God is banished from the hearts of men, and His law is treated with indifference and contempt. The intense worldliness of that generation is equaled by that of the generation now living. Said Christ, “As in the days that were before the Flood they were eating and drinking, marrying and giving in marriage, until the day that Noah entered into the ark, and knew not until the Flood came, and took them all away; so shall also the coming of the Son of man be.” Matthew 24:38, 39. God did not condemn the antediluvians for eating and drinking; He had given them the fruits of the earth in great abundance to supply their physical wants. Their sin consisted in taking these gifts without gratitude to the Giver, and debasing themselves by indulging appetite without restraint. It was lawful for them to marry. Marriage was in God's order; it was one of the first institutions which He established. He gave special directions concerning this ordinance, clothing it with sanctity and beauty; but these directions were forgotten, and marriage was perverted and made to minister to passion.” PP 101.2

“Ang kasalanan na naging dahilan kung bakit kinailangan ang paghuhukom bago ang baha ay nasusumpungan din sa atin ngayon. Ang takot sa Diyos ay nawala na sa puso ng tao at ang Kaniyang kautusan ay winawalang bahala at dinudusta. Ang matinding kamunduhan sa panahon nila ay katumbas na din sa nasusumpungan sa ating henerasyon ngayon. Sabi ni Cristo, “Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Mateo 24:38, 39.Hindi hinatulan ng Diyos ang tao noon dahil sa kanilang pagkain at paginom. Binigyan Niya sila ng saganang prutas sa lupain upang punan ang kanilang pisikal na kagustuhan. Ang kasalanan nila ay dahil sa pagkuha sa mga kaloob na ito ng walang pagpapasalamat sa Tagapagbigay at ang ginawang pagpapakababa sa sarili sa pagpapakasawa sa kanilang panlasa ng walang pagpipigil. Pinapayagan silang mag-asawa. Ang pagaasawa ay utos ng Diyos; ito ay isa sa mga unang institusyon na Kaniyang itinatag. Binigay niya ang espesyal na tuntunin ukol sa ordinansang ito, binalutan ito ng kabanalan at kagandahan; ngunit ang mga tuntuning ito ay nalimot at ang pagaasawa ay minasama at ginamit para sundin ang silakbo ng damdamin.” PP 101.2

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org