“For such an high priest became us, who is holy, harmless, undefiled, separate from sinners, and made higher than the heavens;” KJV — Hebrews 7:26
Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit (Hebrews 7:26)
“Christ as the great high priest, making a perfect atonement for sin, stands alone in divine majesty and glory. Other high priests were only types, and when he appeared, the need of their services vanished. ‘But this man, because he continueth ever, hath an unchangeable priesthood. Wherefore he is able also to save them to the uttermost that come unto God by him, seeing he ever liveth to make intercession for them. For such an high priest became us, who is holy, harmless, undefiled, separate from sinners, and made higher than the heavens; who needeth not daily, as those high priests, to offer up sacrifice, first for his own sins, and then for the people's: for this he did once, when he offered up himself.’” RH March 17, 1903, par. 3
“Si Kristo na dakilang saserdote na gumaganap ng perpektong pagtubos sa kasalanan ay tumatayong mag-isa sa banal na karangalan at kaluwalhatian. Ang ibang mga saserdote ay mga tipo lamang at ang kanilang gawain ay nagtatapos sa oras na Siya ay magpakita. “Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan”. Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila. Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit; Na hindi nangangailangang araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili”. RH March 17, 1903, par. 3, Hebrews 7:24-27
What assurance does Christ’s appointment as High Priest give us?
Ano ngang katiyakan ang binibigay satin sa pagkatalaga kay Kristo na Dakilang Saserdote?
“‘In that he himself hath suffered being tempted, he is able to succor them that are tempted.’ RH May 4, 1911, par. 1
“Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso”. RH May 4, 1911, par. 1
“Jesus Christ alone is qualified to act as our High Priest and Saviour, because, however difficult it may be to understand, he only has passed through such experiences of test and trial as enable him to know how to meet the needs of every tempted soul.” RH May 4, 1911, par. 2
Si Kristo lamang ang maaaring gumanap bilang ating Dakilang Saserdote at Manunubos sapagkat gaano man kahirap unawain, Siya na dumanas din ng mga pagsusulit at pagsubok ay nakaalam kung ano ang mga pangangailangan ng isang kaluluwang natutukso. RH May 4,
“Christ glorified not Himself in being made High Priest. God gave Him His appointment to the priesthood. He was to be an example to all the human family. He qualified himself to be, not only the representative of the race, but their Advocate, so that every soul if he will may say, I have a friend at court. He is a High Priest that can be touched with the feelings of our infirmities.” 12LtMs, Ms 101, 1897, par. 20
"Hindi niluwalhati ni Cristo ang kanyang sarili sa pagiging Mataas na Saserdote. Ang Dios ay nagbigay sa Kanyang 'appointment' ng pagka saserdote. Siya ay magiging huwaran a lahat ng pamilya sa sangkatauhan. Pinapaging dapat Niya ang kanyang sarili, hindi lamang upang maging kinatawan ng lahi, kundi kanilang Tagapagtanggol, upang maaaring sabihin ng bawat kaluluwa, mayroon akong kaibigan sa korte.. Siya ay isang Mataas na Saserdote na nakaranas ng ating mga kahinaan" 12LtMs, Ms 101, 1897, par 20
“Christ Appointed to the Priesthood—Christ glorified not Himself in being made High Priest. God gave Him His appointment to the priesthood. He was to be an example to all the human family. He qualified Himself to be, not only the representative of the race, but their Advocate, so that every soul if he will may say, I have a Friend at court. He is a High Priest that can be touched with the feelings of our infirmities (Manuscript 101, 1897).” 7BC 930.7
“Si Kristo ay itinalaga sa Pagkasaserdote – “Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote”. Siya ang magsisilbing ehemplo sa pamilya ng tao. Inihanda niya ang kaniyang sarili hindi lamang upang maging kinatawan ng lahi ngunit upang maging Tagapagtaguyod ng bawat kaluluwa kung kaniyang sabihin na, ‘Mayroon akong kaibigan sa hukuman’. Siya ay Dakilang Saserdote na nahahabag sa ating mga kahinaan.” (Manuscript 101, 1897).” 7BC 930.7
“Those who belong to “this generation,” which “shall not pass, till all these things be fulfilled,” must meet an issue which involves strong temptations. But we may be assured that our perfect Saviour and Pattern has met and triumphed over similar temptations.” RH May 4, 1911, par. 3
“Ang lahat na nasa ‘lahing’ ito, na hindi lilipas hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito, ay mahaharap sa matitinding tukso. Ngunit mayroon tayong katiyakan na ang ating perpektong Tagapagligtas at Halimbawa ay naharap din at nagawang magtagumpay sa mga ganitong tukso”. RH May 4, 1911, par. 3
Who was Melchizedek?
Sino nga ba si Melquisedec?
“God has never left Himself without witness on the earth. At one time Melchizedek represented the Lord Jesus Christ in person to reveal the truth of heaven and perpetuate the law of God. Jethro was singled out from the darkness of the Gentile world to reveal the principles of heaven. God has ever had appointed agencies and has ever given abundant evidences that these agencies were heaven appointed and heaven sent.” 20LtMs, Lt 190, 1905, par. 2
“Ang Diyos ay hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili sa mundo”. May panahon na naging kinatawan ni Jesus si Melquisedec upang ihayag ang katotohanan ukol sa langit at upang ipagpatuloy ang batas ng Diyos. Maging si Jethro ay pinili buhat sa kadiliman ng mga gentil upang ihayag ang prinsipyo ng langit. Ang Diyos ay palagian ngang may mga itinatalagang ahensya at nagbibigay ng sapat na patotoo na ang mga ahensyang ito ay itinalaga at pinadala ng langit”. 20LtMs, Lt 190, 1905, par. 2
Melchizedek, the priest of the Most High God, Who has neither beginning nor end of days, typifies Christ our High Priest and His eternal work, and that Aaron, a high priest in the Jewish dispensation, typifies Christ our High Priest and His temporary priestly work.
Si Melquisedec na saserdote ng Kataastaasang Dios na walang panimula at katapusan, ay kumatawan bilang tipo ni Kristo na ating Dakilang Saserdote at ng Kaniyang walang hanggang gawain, at si Aaron ang saserdote sa dispensasyon ng mga hudyo, ay ang tipo ni Kristo ang ating Dakilang Saserdote at ang Kaniyang pansamantalang gawaing pangsaserdote.
How effective is Christ work as Priest?
Gaano kabisa ang gawain ni Kristo bilang Saserdote?
“Christ is spoken of as walking in the midst of the golden candlesticks. Thus is symbolized His relation to the churches. He is in constant communication with His people. He knows their true state. He observes their order, their piety, their devotion. Although He is high priest and mediator in the sanctuary above, yet He is represented as walking up and down in the midst of His churches on the earth. With untiring wakefulness and unremitting vigilance, He watches to see whether the light of any of His sentinels is burning dim or going out. If the candlesticks were left to mere human care, the flickering flame would languish and die; but He is the true watchman in the Lord's house, the true warden of the temple courts. His continued care and sustaining grace are the source of life and light. AA 586.1
“Si Kristo ay sinasabing lumalakad sa gitna ng mga kandelero. Na sumisimbolo sa Kaniyang ugnayan sa mga iglesia. Siya ay patuloy na nakikipagugnayan sa Kanyang bayan. Batid Niya ang kanilang kalalagayan. Kaniyang minamatyagan ang kanilang kaayusan, kabanalan at debosyon. Samantalang Siya ang ating dakilang saserdote at tagapamagitan sa sangtwaryo sa langit, Siya din ay sinasabing lumalakad paitaas at paibaba sa gitna ng Kaniyang mga iglesia dito sa lupa. Sa walang pagod na pagpupuyat at walang patid na pagmamatyag ay Kaniyang binabantayan kung ang liwanag ng alinman sa Kaniyang mga bantay ay nagniningas o humihina. Kung ang mga kandelero ay ipinaubaya lamang sa tao, ang aandap andap na liwanag ay mawawala at mamamatay; ngunit Siya ang tunay na bantay sa bahay ng Diyos, ang tunay na tagapangalaga ng templo. Ang Kaniyang patuloy na pangangalaga at sapat na biyaya ang pinagmumulan ng buhay at liwanag. . AA 586.1
“Christ is represented as holding the seven stars in His right hand. This assures us that no church faithful to its trust need fear coming to nought, for not a star that has the protection of Omnipotence can be plucked out of the hand of Christ.” AA 586.2
“Si Kristo ang kinatawan na humahawak sa pitong bituin sa Kaniyang kanang kamay. Ito ay nagbibigay katiyakan sa atin na walang iglesia na tapat sa kaniyang tiwala ang dapat matakot na mapunta sa kawalan, sapagkat walang isang bituin na nasa proteksyon ng Walang Hanggang Kapangyarihan ang maaaring bunutin buhat sa kamay ni Kristo”. AA 586.2
What is understood by Christ being an eternal Priest?
Ano ang ating pagkaunawa kay Kristo bilang saserdote magpakailanman?
The sacrificial service that had pointed to Christ passed away; but the eyes of men were turned to the true sacrifice for the sins of the world. The earthly priesthood ceased; but we look to Jesus, the minister of the new covenant, and “to the blood of sprinkling, that speaketh better things than that of Abel.” “The way into the holiest of all was not yet made manifest, while as the first tabernacle was yet standing: ... but Christ being come an high priest of good things to come, by a greater and more perfect tabernacle, not made with hands, ... by His own blood He entered in once into the holy place, having obtained eternal redemption for us.” Hebrews 12:24; 9:8-12. DA 166.1
Ang gawain ng paghahandog na tumutukoy kay Kristo ay lumipas na; ngunit ang mga mata ng tao ay natuon sa tunay na handog para sa kasalanan ng mundo. Ang makalupang pagkasaserdote ay nahinto na; ngunit tayo ay tumitingin kay Kristo na ministro ng makabagong tipan, at “dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa dugo ni Abel”. Ang pagpasok sa dakong banal ay hindi pa nahahayag samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo… Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay…kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan. Hebrews 12:24; 9:8-12. DA 166.1
What made Christ a sinless Priest?
Paano naging walang salang saserdote si Kristo?
“These words faithfully described the corrupt and self-righteous inhabitants of Jerusalem. While claiming to rigidly observe the precepts of God's law, they were transgressing all its principles. They hated Christ because his purity and holiness revealed their iniquity; and they accused him of being the cause of all the troubles which had come upon them in consequence of their sins. Though they knew him to be sinless, they had declared that his death was necessary to their safety as a nation. “If we let him thus alone,” said the Jewish leaders, “all men will believe on him; and the Romans shall come and take away both our place and nation.” [John 11:48.] If Christ were sacrificed, they might once more become a strong, united people. Thus they reasoned, and they concurred in the decision of their high priest, that it would be better for one man to die than for the whole nation to perish.” GC88 27.2
Ang mga salitang ito ay tapat na naglalarawan sa tiwali at pagkamakasarili ng mga nananahan sa Jerusalem. Samantalang inaangkin ang striktong pagsunod sa bawat kautusan ng Diyos, sila nga ay lumalabag sa lahat ng prinsipyo nito. Kanilang kinamuhian si Kristo dahil ang Kaniyang kadalisayan at kabanalan ay nagbunyag sa kanilang mga kasamaan; at inakusahan nila Siya bilang sanhi ng lahat ng kanilang mga problema na sumapit sa kanila dahil sa kanilang kasalanan. Bagaman alam nilang Siya ay walang sala ay idineklara nila na ang Kanyang kamatayan ay kinakailangan para sa kaligtasan ng bansa. Sinabi ng mga lider na “Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa”. John 11:48 At kung kanilang isakripisyo si Kristo ang buong bansa ay muling lalakas at magkakaisa. “Kaya sila ay nakapag-isip at sumangayon sa desisyon ng dakilang saserdote na mas nararapat na ang isang tao ay mamatay kaysa ang buong bansa ay mapahamak”. John 11:50 , GC88 27.2
In erecting the second temple, Haggai and Zechariah prophesied and strengthened the hands of the people by the Word of God. The writings of both prophets bear evidence in every line, that the perfect fulfillment of their prophecy is to be realized in the last days of this world’s history. As they have interwoven these predictions with the construction of the second temple, it is obvious that the literal model of the stately edifice has a spiritual meaning for the church in the closing work of the gospel. Zechariah, looking forward to the time of the spiritual temple (the last section of the church) and its construction, says: “Behold the man whose name is the branch; and he shall grow up out of his place, and he shall build the temple of the Lord: Even he shall build the temple of the Lord, and he shall bear the glory, and shall sit and rule upon his throne; and he shall be a priest upon his throne: and the counsel of peace shall be between them both. And they that are far off shall come and build in the temple of the Lord, and ye shall know that the Lord of hosts hath sent me unto you.” (Zech. 6:12, 13, 15.)
Sa pagtatayo ng ikalawang templo ay nagpropesiya sila Haggai at Zechariah at kanilang pinalakas ang kamay ng mga tao sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang sulat ng dalawang propeta ay naglahad ng mga ebidensya sa bawat kataga na ang kabuuang katuparan ng kanilang mga propesiya ay magaganap sa huling mga araw ng kasaysayan ng mundo. At dahil natapat ang pagbibigay ng mga prediksyong ito sa pagtatayo ng ikalawang templo ay mapapagtanto na ang literal na modelo ng marangal na templo ay may espiritwal na kahulugan sa pagtatapos ng gawain ng ebanghelyo ng iglesia. Si Zecarias sa kaniyang pag-aabang sa panahon ng espiritwal na templo (sa huling yugto ng iglesia) at sa pagtatatag nito ay nagsabi: “Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon; Sa makatuwid baga'y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapwa. At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo”. (Zech. 6:12, 13, 15.)
“He shall bear the glory.” To Christ belongs the glory of redemption for the fallen race. “Unto Him that loved us, and washed us from our sins in His own blood.… to Him be glory and dominion for ever and ever.” (Rev. 1:5, 6.) He “shall sit and rule upon His throne, and He shall be a Priest upon His throne.” (Zech. 6:13.) “Christ, who is the faithful witness, and the first begotten of the dead and the Prince of the kings of the earth.” (Rev. 1:5.) “He shall be a Priest upon His throne.” It is obvious that the time predicted is some time after the crucifixion and before probation has closed; for He is “a priest.” Christ, “the branch,” “shall grow up out of His place”; that is, He was to spring up from the Jewish nation, “and He shall build the temple of the Lord.” Therefore, the temple that “He shall build” could not have been the literal temple in ancient Jerusalem, for it was a temple that He is to build after His birth. “And they that are far off shall come and build in the temple of the Lord.” As this was untrue with the literal temple, the words must apply to the anti-typical one. At that time the prophet says: “And many nations shall be joined to the Lord in that day, and shall be My people.” (Zech. 2:11.) “In that day;” that is, in the time of the “Loud Cry,” a great multitude shall be converted to the church. In Zechariah 13:8, it is stated that one-third of the inhabitants will “come,” and they are the ones who shall “build in the temple of the Lord,” of which the literal one was a type.
“Siya'y magtataglay ng kaluwalhatian”. Si Kristo ang magtataglay ng kaluwalhatian sa pagkaligtas ng lahing nahulog sa kasalanan. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo… sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man”. (Rev. 1:5, 6.). Siya’y “mauupo at magpupuno sa Kaniyang luklukan; at Siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan”. (Zech. 6:13.) At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa”. (Rev. 1:5.). Siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan”. Mauunawaan na ang panahon na binabanggit dito ay pagkatapos pa ng Kaniyang pagkapako sa krus at bago magsara ang pintuan ng awa; sapagkat Siya ay isang saserdote, ang Sanga na sisibol sa kaniyang dako”, nangangahulugan na siya ay sisibol buhat sa lahi ng mga hudyo at “Siyang magtatayo sa templo ng Panginoon”. Samakatuwid ang templo na “Kaniyang itatayo” ay hindi maaaring tumukoy sa literal na templo sa sinaunang Jerusalem, sapagkat ito ay templo na Kaniyang itatayo matapos ang Kaniyang pagkasilang. “At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon”. At dahil ito ay hindi totoo sa literal na templo, ang mga salitang ito ay tumutukoy lamang sa anti-typical na templo. At sa panahong yaon ay sinabi ng propeta: At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon, at magiging aking bayan”. (Zech. 2:11.) “Sa araw na yaon” ay ang panahon ng “Loud Cry” kung saan ang lubhang karamihan ay masasanib sa iglesia. Sa Zacarias 13:8 ay nahahayag na ang ikatlong bahagi ng mga naninirahan ay paparito at siyang “magtatayo ng templo ng Panginoon”