Nilitis at Ipinako sa Krus

Liksyon 12, Ikatlong Trimestre Setyembre 14-20, 2024

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
Download PDF

Hapon ng Sabbath Setyembre 14

Talatang Sauluhin:

“At nang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig: Eloi, Eloi, lama sabacthani? na kung liliwanagin ay, Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” Marcos 15:34


“Walang reklamong namutawi sa labi ng Tagapagligtas. Ang Kanyang mukha ay nanatiling kalmado at malumanay, ngunit ang malalaking patak ng pawis ay makikita sa Kanyang noo.... Habang ginagawa ng mga kawal ang kanilang nakakatakot na gawain, nanalangin si Jesus para sa Kanyang mga kaaway, “Ama, patawarin mo sila; sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”.... CSA 37.4

“Ang panalanging iyon ni Cristo para sa Kanyang mga kaaway ay sumasakop sa buong mundo. Kasama ang bawat makasalanan, mula sa simula ng mundo hanggang sa katapusan ng panahon. Ang lahat ay sangkot sa pagpapako sa Anak ng Diyos. Para sa lahat, ang pagpapatawad ay malayang ipinagkaloob. Ang “sinumang may nais” ay maaaring magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, at magmana ng buhay na walang hanggan. CSA 37.5

“Nang si Jesus ay ipinako sa krus, ito ay binuhat ng malalakas na tao, at may matinding karahasan na itinulak sa lugar na inihanda para dito. Nagdulot ito ng pinakamatinding paghihirap sa Anak ng Diyos. Pagkatapos ay sumulat si Pilato ng isang inskripsiyon sa Hebreo, Griego at Latin, at inilagay ito sa krus, sa itaas ng ulo ni Jesus. Dito’y nasusulat ang pamagat na, “JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.”.... CSA 37.6

“Sa ilalim ng probidensya ng Diyos, ito ay gagamitin upang gisingin ang pag-iisip, at pukawin ito tungo sa pagsisiyasat ng mga Kasulatan. Ang lugar kung saan ipinako si Cristo ay malapit sa lungsod. Libu-libong tao mula sa lahat ng lupain ang nasa Jerusalem noon, at mapapansin nila ang inskripsiyon na nagsasabing si Jesus ng Nazaret ang Mesiyas. Ito ay isang buhay na katotohanan, na isinulat ng isang kamay na itinalaga ng Diyos....” CSA 37.7

Linggo, Setyembre 15

“Ikaw ba ang hari ng mga Judio”?


Basahin ang Marcos 15:1-15. Anong uri ng mga sitwasyong may kabalintunaan ang nagaganap dito?

“Si Pilato ay hindi isang makatarungan o isang tapat na hukom; bagaman mahina siya ay may paninindigan at tumanggi siyang pagbigyan ang kahilingang ito. Hindi niya hahatulan si Jesus hangga't walang akusasyon laban sa Kanya. DA 725.3

“Ang mga saserdote ay nababalisa. Nakita nila na dapat nilang ikubli ang kanilang pagkukunwari. Dapat nilang sikapin na hindi mapagalaman na si Cristo ay inaresto dahil sa relihiyon. Kung ito ay ihain bilang dahilan, ang kanilang mga paglilitis ay walang bigat kay Pilato. Dapat nilang palabasin na si Jesus ay gumagawa laban sa alituntunin sa lupain o common law; at kung gayon, Siya ay maaaring parusahan bilang isang pulitikal na nagkasala... DA 725.4

“Ilang araw lamang bago ito, si Cristo ay sinubukang bitagin ng mga Pariseo sa pagbabato ng katanungang, “Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi?

Ngunit inihayag ni Cristo ang kanilang pagkukunwari. Nakita ng mga Romanong naroroon ang lubos na kabiguan ng mga Pariseo, at ang kanilang pagkabalisa sa Kanyang sagot, “Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar.” Lucas 20:22-25 . DA 725.5

“At ngayon, naisip ng mga saserdote na gamitin ang pagkakataong ito upang palabasin na may itinuturo si Cristo na hindi nararapat. Sa kanilang kasukdulan ay tumawag sila ng mga bulaang saksi upang tumulong sa kanila, “At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi na siya rin nga ang Cristo, ang hari.” Tatlong akusasyon na walang batayan. Alam ito ng mga saserdote, ngunit handa silang gumawa ng pagsisinungaling, upang tiyakin lamang ang kanilang katatayuan. DA 725.6

“Nakita ni Pilato ang kanilang layunin. Hindi siya naniniwala na si Cristo ay gumagawa ng ganoong laban sa gobyerno. Ang kanyang maamo at mapagpakumbabang hitsura ay ganap na hindi naaayon sa kanilang akusasyon. Si Pilato ay kumbinsido na ang isang malalim na pakana ay inilatag upang wakasan ang isang inosenteng tao na humaharang sa daan ng mga Hudyong ito. Lumingon siya kay Jesus at nagtanong, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot ang Tagapagligtas, “ Ikaw ang nagsasabi.” At habang Siya ay nagsasalita, ang Kanyang mukha ay lumiwanag na parang isang sinag ng araw na sumisikat dito. DA 726.1

“Nang marinig nila ang Kanyang sagot, si Caifas at kanyang mga kasama ay tinawag si Pilato upang bigyang patotoo na inamin ni Jesus ang krimen na inaakusa sa Kanya. Sa maingay na sigawan, hiniling ng mga saserdote, eskriba, at mga pinuno na Siya ay hatulan ng kamatayan. Ang mga hiling na ito ay pinalakas ng mga mandurumog, at ang kaguluhan ay nakabibingi. Si Pilato ay naguluhan. Nang makitang hindi sumagot si Jesus sa mga nagaakusa sa Kanya, sinabi ni Pilato sa Kanya, “Hindi ka sumasagot ng anoman? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo. Datapuwa't si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman; ano pa't nanggilalas si Pilato.” DA 726.2

Lunes , Setyembre 16

“Mabuhay, Hari ng mga Hudyo!”


Basahin ang Marcos 15:15-20. Ano ang ginawa ng mga kawal kay Jesus at ano ang kahalagahan nito?

“Si Jesus ay dinakip, nanghihina sa pagod at nababalutan ng mga sugat, at hinahampas sa paningin ng karamihan. “At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong. At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya. At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio! at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba.” Paminsan-minsan ay inaagaw ng masamang kamay ang tambo na inilagay sa Kanyang kamay, at sinaktan nila ang kaniyang ulo, na pinipilit ang mga tinik sa Kanyang mga templo na nagpapaagos ng dugo sa Kanyang mukha at balbas. DA 734.1

“Magtaka, O langit! at mamangha, O lupa! Masdan ang nang-aapi at ang inaapi. Isang galit na galit na pulutong ang lumalapit sa Tagapagligtas ng mundo. May mga panunuya at panlilibak na may halong magaspang na panunumpa ng kalapastanganan. Ang kanyang hamak na kapanganakan at abang buhay ay binibigyang-komento ng walang-pusong mga mandurumog. Ang kanyang pag-aangkin bilang Anak ng Diyos ay kinukutya, at ang magaspang na pagbibiro at mapang-insultong panunuya ay ipinapasa sa bawat labi.” DA 734.2

“Labis ang galit ni Satanas nang makita niya na sa kabila ng lahat ng pang-aabuso na ginagawa laban sa Tagapagligtas ay wala pa ring nasumpungan kahit na katiting na pag-ungol mula sa Kanyang mga labi. Bagama't tinataglay Niya sa Kanya ang kalikasan ng tao, Siya ay nagtataglay ng mala-diyos na katatagan, at hindi humihiwalay sa kalooban ng Kanyang Ama." DA 735.1

“Ipinatawag ni Pilato si Barabas upang dalhin sa hukuman. Pagkatapos ay iniharap niya ang dalawang bilanggo na magkatabi, at itinuro ang Tagapagligtas at sinabi niya sa isang taimtim na tinig, “Narito, siya'y inilabas ko sa inyo, upang inyong matalastas na wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.” DA 735.3

“Si Pilato ay nanggilalas sa nakitang pagtitiis ng Tagapagligtas. Hindi siya nag-alinlangan na ang pananaw sa Taong ito, na may lubhang kaibahan kay Barabas, ay magpapakilos sa mga Hudyo upang mapukaw sila sa pagkaawa. Ngunit hindi niya maunawaan ang panatikong pagkamuhi ng mga saserdote laban sa Kanya, na, Siya bilang Liwanag ng mundo, ay nagpakita ng kanilang kadiliman at kamalian. Inimpluwesyahan nila ang mga mandurumog sa pagkagalit, at muli ang mga saserdote, pinuno, at mga tao ay sumigaw ng kahindik-hindik na sigaw na iyon, “Ipako Siya sa Krus, ipako Siya sa krus.” Sa wakas, sa kawalan ng buong pasensya sa kanilang walang katwirang kalupitan, si Pilato ay sumigaw, “Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus: sapagka't ako'y walang masumpungang kasalanan sa kaniya.” DA 736.1

“Ang Romanong gobernador, bagama't pamilyar sa malupit na mga eksena, ay napukaw sa pakikiramay sa nagdurusa na bilanggo, na, hinatulan at hinagupit, na dumudugo ang noo at may sugat sa likod, na may taglay pa ring bukas ng mukha na gaya ng isang hari sa kanyang trono. Ngunit ipinahayag ng mga saserdote, “Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na Anak ng Dios.” DA 736.2; Juan 19:6-7

“Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito, ay lalong sinidlan siya ng takot. Wala siyang lubos na ideya tungkol kay Cristo at sa Kanyang misyon; ngunit mayroon siyang hindi malinaw na pananampalataya sa Diyos at sa mga nilalang na nakahihigit sa sangkatauhan. Isang kaisipang minsang dumaan sa kanyang isipan ang ngayon ay naging mas tiyak. Kinukwestyon niya kung hindi nga ba isang banal na nilalang ang nakatayo sa harapan niya, na nakasuot ng kulay-ube na balabal ng panunuya, at pinutungan ng mga tinik.” DA 736.3

Martes, Setyembre 17

Ang Pagpapako sa Krus


Basahin ang Marcos 15:21-38. Ano ang masama at masasakit na kabalintunaan ang makikita sa mga talatang ito?

“Sa pagdaan ni Jesus sa tarangkahan ng hukuman ni Pilato, ang krus na inihanda para kay Barabas ay ipinatong sa Kanyang nasusugatan at dumudugong mga balikat... Ang pasanin ng Tagapagligtas ay napakabigat para sa Kanya sa Kanyang mahina at nagdurusang kalagayan... Siya ay nabuwal sa ilalim ng Kanyang pinapasan. . DA 741.4

“Nakita ng mga taong sumusunod sa Tagapagligtas ang Kanyang mahina at pagsuray-suray na mga hakbang, ngunit hindi sila nagpakita ng habag. Tinutuya at nilalait nila Siya dahil hindi Niya kayang pasanin ang mabigat na krus...Nagtataka sila kung mayroon ngang sinumang magpapasan ng nakakahiyang pasaning iyon...Walang sinuman sa mga mandurumog na sumunod sa Kanya ang yuyuko upang pasanin ang krus. DA 742.1

“ Sa oras na ito, isang estranghero, si Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, ang nakasalubong sa mga tao. Naririnig niya ang mga panunuya at panlilibak ng karamihan; naririnig niya ang mga salitang inulit na mapanlait, Bigyang daan ang Hari ng mga Hudyo! Huminto siya sa pagkamangha sa pinangyarihan; at habang ipinapahayag niya ang kanyang habag, pinigil siya at ipinatong ang krus sa kanyang mga balikat. DA 742.2

“Narinig ni Simon ang tungkol kay Jesus. Ang kanyang mga anak ay mananampalataya sa Tagapagligtas, ngunit siya mismo ay hindi isang alagad. Ang pagpasan ng krus patungo sa Kalbaryo ay isang pagpapala kay Simon, at ipinagpapasalamat niya ang probidensyang ito. Naging daan ito upang kanyang pasanin ang krus ni Cristo, at nagagalak na siya ay napasailalim ng pasaning nito.” DA 742.3

Pagdating sa lugar ng pagpapakuan, ang mga bilanggo ay nakagapos sa mga instrumento ng pagpapahirap. Ang dalawang tampalasan ay nanlaban sa mga kamay ng mga naglagay sa kanila sa krus; ngunit si Jesus ay walang pagtutol...” DA 744.1

“Nang si Jesus ay ipinako sa krus, ito ay binuhat ng malalakas na tao, at may matinding karahasan na itinulak sa lugar na inihanda para dito. Nagdulot ito ng pinakamatinding paghihirap sa Anak ng Diyos...” DA 745.2

“Ang araw ay tumanggi na masaksihan ang kakila-kilabot na tanawin. Ang puno, at maliwanag na sinag nito ay nagliliwanag sa lupa sa tanghaling tapat, nang bigla itong dumilim. Buong kadiliman, tulad ng isang libing, ang bumalot sa krus. “Nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam.” Walang eclipse o iba pang natural na dahilan para sa kadilimang ito, na kasing lalim ng hatinggabi na walang buwan o bituin. Ito ay isang mahimalang patotoo na ibinigay ng Diyos na ang pananampalataya ng mga susunod na henerasyon ay mapagtibay.” DA 753.3

“Nang mapawi ang kadiliman mula sa inaaping espiritu ni Cristo, Siya ay nakaramdam ng pisikal na pagdurusa, at sinabing, “Nauuhaw ako.” Ang isa sa mga sundalong Romano, na nahabag habang tinitingnan ang tuyong mga labi ni Jesus, ang kumuha ng espongha sa isang tangkay ng hisopo, at isinawsaw ito sa isang sisidlan ng suka, inialay ito kay Jesus. Ngunit kinutya ng mga saserdote ang Kanyang paghihirap...” DA 754.4

“Sa katahimikan ay binantayan ng mga nanonood ang pagtatapos ng nakakatakot na eksena. Ang araw ay sumikat; ngunit ang krus ay nababalot pa rin ng dilim. Ang mga saserdote at mga pinuno ay tumingin sa Jerusalem; at narito, ang makapal na ulap ay tumahan sa ibabaw ng bayan at sa mga kapatagan ng Judea. Ang Araw ng Katuwiran, ang Liwanag ng mundo, ay nag-aalis ng Kanyang mga sinag mula sa dating pinaboran na lungsod ng Jerusalem. Ang mabangis na kidlat ng poot ng Diyos ay itinuon sa nakatakdang lungsod. DA 756.1

“Biglang nawala ang dilim mula sa krus, at sa malinaw, gaya ng trumpeta, na tila umalingawngaw sa buong sangnilikha, sumigaw si Jesus, “Naganap na.” “Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu.” Isang liwanag ang bumalot sa krus, at ang mukha ng Tagapagligtas ay nagliwanag ng kaluwalhatian gaya ng araw. Pagkatapos ay iniyuko Niya ang Kanyang ulo sa Kanyang dibdib, at namatay.” DA 756.2

Miyerkules , Setyembre 18

Pinabayaan ng Diyos


Basahin ang Marcos 15:33-41. Ano ang tanging mga salita ni Jesus doon sa krus sa Marcos? Ano ang tunay na kahulugan ng kamatayan ni Cristo para sa lahat sa atin?

“Nang balutin ng kadiliman ang lupa, sila ay napuno ng takot; nang humina ang kanilang takot, bumalik ang kanilang pangamba na baka matakasan sila ni Jesus. Ang kanyang mga salita, “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?” ay kanilang binigyan ng maling kahulugan. Sa mapait na paghamak at pangungutya ay sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias.” Ang huling pagkakataon upang maibsan ang Kanyang mga pagdurusa ay tinanggihan nila. “Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.” DA 754.4

“Ang walang sala na Anak ng Diyos ay ipinako sa krus, ang Kanyang laman ay nasugatan ng mga latay; ang mga kamay na iyon na laging nagbibigay basbas, at mga paa na walang pagod sa pagmiministeryo ng pag-ibig ay ipinako sa krus, yaong maharlikang ulo na pinutungan ng koronang tinik; yaong nanginginig na mga labi na hinubog sa sigaw ng aba. At lahat ng Kanyang tiniis—ang mga patak ng dugo na umagos mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay, Kanyang mga paa, ang paghihirap na dinanas ng Kanyang katawan, at ang hindi maipaliwanag na dalamhati na pumuno sa Kanyang kaluluwa sa pagkukubli ng mukha ng Kanyang Ama—ay nagsasamo sa bawat anak ng sangkatauhan, na nagpapahayag, Para sa iyo kaya’t ang Anak ng Diyos ay pinahintulutan na pasanin ang pasanin ng pagkakasala; para sa iyo kaya sinira Niya ang kapangyarihan ng kamatayan, at binuksan ang mga pintuan ng Paraiso. Siya na nagpatahimik sa galit na mga alon at lumakad sa mga alon na nababalutan ng bula, na nagpanginig sa mga demonyo at nagpagaling ng sakit, na nagpadilat ng mga mata ng bulag at tumawag sa mga patay upang mabuhay,—ay nag-alay ng Kanyang sarili sa krus bilang isang sakripisyo, at ito ay dahil sa pag-ibig sa iyo. Siya, ang Tagapagbata ng Kasalanan, ay nagtiis sa poot ng banal na katarungan, at para sa iyo ay nagbata ng kasalanan. DA 755.1

“ Sa gitna ng kakila-kilabot na kadiliman, na tila pinabayaan ng Diyos, iniukol ni Cristo ang mga huling latak sa saro ng kahabagan ng tao. Sa kakila-kilabot na mga oras na iyon ay umasa Siya sa katibayan ng pagtanggap ng Kanyang Ama na ibinigay sa Kanya noon pa man. Kilala Niya ang katangian ng Kanyang Ama; Nauunawaan Niya ang Kanyang katarungan, ang Kanyang awa, at ang Kanyang dakilang pag-ibig. Sa pamamagitan ng pananampalataya, Siya ay nagkaroon ng kapahingahan sa Kanya na kailanma’y kagalakan Niyang sundin. At sa pagpapasakop ay ipinagkatiwala Niya ang Kanyang sarili sa Diyos, ang pakiramdam ng pagkawala ng pabor ng Kanyang Ama ay napawi. Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Cristo ay nanagumpay. DA 756.3

“Hindi pa kailanman nakasaksi ang mundo ng gayong tanawin. Ang karamihan ng tao ay nakatayong hindi gumagalaw, at may mabilis na paghinga na tumitig sa Tagapagligtas. Muling bumalot ang kadiliman sa lupa, at isang paos na dagundong, tulad ng malakas na kulog ang narinig. Nagkaroon ng malakas na lindol. Ang mga tao ay sama-samang nayanig. Nagkaroon ng matinding pagkalito. Sa nakapalibot na mga bundok, ang mga bato ay natibag, at bumagsak sa kapatagan. Binuksan ang mga libingan, at inilabas ang mga patay. Ang paglikha ay tila nanginginig sa mga atomo. Ang mga saserdote, mga pinuno, mga sundalo, mga berdugo, at mga tao, na nanahimik sa takot, ay nakahandusay sa lupa. DA 756.4

“Nang ang malakas na sigaw na, “Naganap na,” ay binigkas ng labi ni Cristo, ang mga saserdote ay nangangasiwa sa templo. Ito ang oras ng paghahandog sa gabi. Ang tupa na kumakatawan kay Cristo ay dinala upang patayin. Nakasuot ng makabuluhan at magandang damit, tumayo ang saserdote na may hawak na kutsilyo, gaya ng ginawa ni Abraham noong papatayin na niya ang kanyang anak. Sa matinding interes ay nakatingin ang mga tao. Ngunit ang lupa ay nanginig at nayanig; sapagkat ang Panginoon mismo ay lumalapit. At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nabuksan sa harapan ng mga tao ang lugar na dati’y napupuno ng presensya ng Diyos. Sa lugar na ito nananahan ang Shekinah. Dito ipinakita ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian sa itaas ng luklukan ng awa. Walang sinuman kundi ang mataas na saserdote lamang ang nag-aalis ng tabing na naghihiwalay sa apartment na ito mula sa natitirang bahagi ng templo. Siya ay pumapasok minsan sa isang taon upang gumawa ng pagbabayad-sala para sa mga kasalanan ng mga tao. Ngunit narito, ang tabing na ito ay napunit sa dalawa. Ang kabanal-banalang dako ng santuwaryo sa lupa ay hindi na sagrado. DA 756.5

“Lahat ay nagkaroon ng takot at kalituhan. Ang saserdote ay handa ng patayin ang hain; ngunit ang kutsilyo ay nalaglag mula sa kanyang nanghihinang mga kamay, at ang tupa ay nakatakas. Ang type ay nakatagpo sa antitype nito sa pagkamatay ng Anak ng Diyos. Ang dakilang sakripisyo ay naganap na. Ang daan patungo sa pinakabanal ay nabuksan. Isang bago at buhay na landas ang inihanda para sa lahat. Hindi na kailangan ng mga makasalanan at nalulungkot na sangkatauhan na maghintay sa pagdating ng mataas na saserdote. Mula noon ang Tagapagligtas ay magsasagawa bilang saserdote at tagapagtanggol sa langit ng mga langit. Tila ba isang buhay na tinig ang nagsalita sa mga mananamba: Ngayon ay may katapusan na ang lahat ng mga hain at mga handog para sa kasalanan. Ang Anak ng Diyos ay dumating ayon sa Kanyang salita, “, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.” “Kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan..” Hebreo 10:7 ; 9:12 DA 757.1

Huwebes , Setyembre 19

Pinagpahinga


Basahin ang Marcos 15:42-47. Ano ang kahalagahan ng pamamagitan ni Jose ng Arimatea, lalo na dahil lahat ng mga alagad ni Jesus ay hindi makita?

“Sa pagkamatay ni Cristo ang pag-asa ng Kanyang mga alagad ay nanghina. Minasdan nila ang Kanyang nakapikit na talukap at nakayukong ulo, ang Kanyang buhok na nababalot ng dugo, ang Kanyang butas na mga kamay at paa, at ang kanilang dalamhati ay hindi maipaliwanag. Hanggang sa huli ay hindi sila naniwala na Siya ay mamamatay; halos hindi sila makapaniwala na Siya ay talagang patay na. Sa sobrang kalungkutan, hindi nila naalala ang Kanyang mga salita na hinuhulaan ang mismong tagpong ito. Wala sa anumang sinabi Niya ang ngayo’y nakapagbigay sa kanila ng kaaliwan. Tanging ang krus at ang duguang Biktima nito ang kanilang nakikita. Ang kinabukasan ay tila madilim sa kawalan ng pag-asa. Ang kanilang pananampalataya kay Jesus ay nawala; ngunit ang kanilang pag-ibig sa Panginoon ngayon ay higit kaysa dati. Kanilang nadama ang Kanyang kahalagahan, at ang kanilang pangangailangan sa Kanyang presensya ngayon ng higit kailanman. DA 772.3

“Kahit sa kamatayan, ang katawan ni Cristo ay napakahalaga sa Kanyang mga alagad. Nais nilang bigyan Siya ng marangal na libing, ngunit hindi nila alam kung paano ito gagawin. Ang pagtataksil laban sa gobyerno ng Roma ang krimen kung saan hinatulan si Jesus, at ang mga taong pinatay dahil sa kasalanang ito ay inilagay sa isang libingan na partikular na inilaan para sa gayong mga kriminal. Ang alagad na si Juan kasama ang mga babae mula sa Galilea ay nanatili sa krus. Hindi nila magawang iwan ang katawan ng kanilang Panginoon upang hawakan ng walang pusong mga kawal, at ilibing sa isang walang galang na libingan. Ngunit hindi nila ito mapipigilan. Wala silang makukuhang pabor mula sa mga awtoridad na Judio, at wala silang impluwensya kay Pilato. DA 772.4

“Sa ganitong kagipitan, sina Jose ng Arimatea at Nicodemo ay dumating upang tulungan ang mga alagad. Parehong mga miyembro ng Sanhedrin ang mga lalaking ito, at nakilala sila ni Pilato. Parehong mga lalaking may yaman at impluwensya. Determinado sila na ang katawan ni Jesus ay dapat magkaroon ng marangal na libing. DA 773.1

“ Buong tapang na pumunta si Jose kay Pilato, at hiningi sa kanya ang katawan ni Jesus. Sa unang pagkakataon, nalaman ni Pilato na talagang patay na si Jesus. Nakarating sa kanya ang magkakasalungat na mga ulat tungkol sa mga naging kaganapan sa pagpapako sa krus, ngunit ang kaalaman sa kamatayan ni Cristo ay sadyang inilihim sa kanya. Si Pilato ay binalaan ng mga saserdote at mga pinuno laban sa panlilinlang ng mga alagad ni Cristo patungkol sa Kanyang katawan. Nang marinig ang kahilingan ni Jose, ipinatawag niya ang senturion na namamahala sa krus, at nalaman nang may katiyakan ang kamatayan ni Jesus. Kinuha rin niya mula sa kanya ang isang ulat ng mga eksena sa Kalbaryo, na nagpapatunay sa patotoo ni Jose. DA 773.2

“Ang kahilingan ni Jose ay pinagbigyan. Habang si Juan ay nababahala tungkol sa paglilibing sa kanyang Guro, si Jose ay bumalik na dala ang utos ni Pilato para sa katawan ni Cristo; at si Nicodemo ay dumating na may dalang isang pinaghalong mirra at mga aloe, na may mga isang daang libra, para sa Kanyang pag-embalsamo. Walang sinumang pinakapinarangalan sa buong Jerusalem ang pinakitaan ng ganoong galang sa kamatayan. Ang mga alagad ay namangha nang makita ang mayayamang pinunong ito na kasing interesado nila sa paglilibing sa kanilang Panginoon. DA 773.3

“Si Jose at Nicodemo ay hindi lantarang tumanggap sa Tagapagligtas habang Siya ay nabubuhay. Alam nila na ang gayong hakbang ay magbubukod sa kanila sa Sanhedrin, at umaasa silang protektahan Siya sa pamamagitan ng kanilang impluwensya sa mga konseho nito. Sa panahong tila magtatagumpay sila; ang mga tusong saserdote na nakaramdan sa tila kanilang pabor kay Cristo, ay hinadlangan ang kanilang mga plano. Sa kanilang pagkawala si Jesus ay hinatulan at pinarusahan upang ipako sa krus. Ngayong Siya ay patay na, hindi na nila itinago ang kanilang ugnayan sa Kanya. Habang ang mga alagad ay natatakot na ipakita ang kanilang sarili nang hayagan bilang Kanyang mga tagasunod, si Jose at Nicodemo ay dumating nang buong tapang upang tulungan sila. Ang tulong ng mga mayayaman at marangal na lalaking ito ay lubhang kailangan sa panahong ito. Magagawa nila para sa kanilang namatay na Guro ang mga bagay na imposibleng magawa ng mga alagad; at ang kanilang kayamanan at impluwensya ay magpoprotekta sa kanila mula sa masamang hangarin ng mga saserdote at mga pinuno. DA 773.4

“Marahan at may paggalang na inalis nila ang katawan ni Jesus mula sa krus. Mabilis na pumatak ang kanilang mga luha ng pakikiramay habang pinagmamasdan nila ang Kanyang bugbog at sugatang anyo. Si Jose ay nagmamay-ari ng isang bagong libingan, na tinabas sa isang bato. Ito ay inilalaan niya para sa kanyang sarili; ngunit ito ay malapit sa Kalbaryo, at ngayon ay inihanda niya ito para kay Jesus. Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, at ang Manunubos ay dinala sa libingan. Doon ay isinaayos ng tatlong alagad ang mga sugatan Niyang mga paa, at itinupi ang mga nabugbog na kamay sa walang pulso na dibdib. Ang mga babaeng taga-Galilea ay dumating upang makita na ang lahat ay nagawa na para sa walang buhay na anyo ng kanilang minamahal na Guro. Pagkatapos ay nakita nila ang mabigat na bato na iginulong sa bukana ng libingan, at ang Tagapagligtas ay naiwan sa libingan. Ang mga babaeng ito ay nanatili at huling umalis sa krus, at huli din sa libingan ni Cristo. Habang ang mga lilim ng gabi ay nagtitipon, si Maria Magdalena at ang iba pang mga Maria ay nagtagal sa himlayan ng kanilang Panginoon, lumuluha ng kalungkutan sa sinapit Niya na kanilang minamahal. “At sila'y nagsiuwi,... At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos.” Lucas 23:56 .” DA 774.1

Biyernes, Setyembre 20

Karagdagang Kaisipan

“Ang propesiya na ito ay natupad sangayon sa kasulatan sa markadong paraan. Bawat kasuklam-suklam, panunuya, at kalupitan na maaaring iudyok ni Satanas na sa puso ng mga tao ay kakastiguhin ng mga tagasunod ni Jesus. At ito ay muling matutupad sa isang markadong paraan; sapagka't ang pusong laman ay pakikipagalit laban sa kautusan ng Diyos, at hindi mapapailalim sa mga utos nito. Ang sanlibutan ay hindi ayon sa mga prinsipyo ni Cristo tulad din ng pahanon ng mga apostol. Ang parehong poot na nag-udyok sa sigaw na, “Ipako Siya sa Krus! ipako Siya sa krus!” ang parehong poot na humantong sa pag-uusig sa mga alagad, ay umiiral pa rin sa mga anak ng pagsuway. Ang parehong espiritu sa panahon ng Dark Ages na nagdala sa mga lalaki at babae sa bilangguan, sa pagpapatapon, at sa kamatayan, na nag-isip ng katangi-tanging pagpapahirap ng Inkisisyon, na nagplano at nagbunsod sa Massacre of St. Bartholomew, at nagpasimula sa Smithfield fires, ay umiiral pa rin na may malakas na enerhiya sa mga hindi nababagong puso. Ang kasaysayan ng katotohanan ay talaan ng pakikibaka sa pagitan ng tama at mali. Ang pagpapahayag ng ebanghelyo ay ipinagpapatuloy sa mundong ito sa harap ng oposisyon, panganib, at pagdurusa.” AA 84.3