“Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.” KJV — Awit 118:22, 23
“Ang Tagapagligtas ay nagpatuloy habang tumitingin nang may habag sa kanila, “Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata? Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga. At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.” DA 597.1
“Ang propesiyang ito ay madalas inuulit ng mga Judio sa mga sinagoga, at tinutukuyan ang pagdating na Mesiyas. Si Cristo ang batong panulok ng mga Judio, at ng buong plano ng kaligtasan. Ang batong panulok na ito ang tinatanggihan ng mga Judio, ng mga saserdote at mga pinuno ng Israel. Tinawag ng Tagapagligtas ang kanilang pansin ukol sa mga propesiya upang ipakita sa kanila ang kanilang panganib. Sa lahat ng kaparaanan sa Kanyang kapangyarihan ay sinikap Niyang ipaliwanag sa kanila ang likas ng kanilang magiging gagawin.” DA 597.2
“Nakilala ng mga nakikinig ang babala. Ngunit sa kabila ng hatol na sila mismo ang nagpahayag, ang mga saserdote at mga pinuno ay kumupleto sa pangyayari sa pagsasabing, “Ito ang tagapagmana; halikayo, siya'y ating patayin.” “At nang sila'y nagsisihanap ng paraang siya'y mahuli, ay nangatakot sila sa karamihan, sapagka't ipinalalagay nito na siya'y propeta. DA 597.4
Basahin ang Awit 23; Awit 28:9; Awit 80:1; Awit 78:52, 53; Awit 79:13; at Awit 100:3 Paano ipinakita sa mga tekstong ito ang relasyon sa pagitan ng Panginoon at ng Kanyang bayan?
“Tinuturuan ng Diyos si David ng mga liksyon sa pagtitiwala. Kung paanong si Moises ay sinanay para sa kanyang gawain, gayundin ang Panginoon ay iniaangkop ang anak ni Isai na maging gabay ng Kanyang piniling bayan. Sa kanyang pag-aalaga sa kanyang mga kawan, nagkakaroon siya ng pagpapahalaga sa pangangalaga ng isang Dakilang Pastol para sa mga tupa ng Kanyang pastulan .” PP 644.1
“Inaalala ni Jesus ang mga kaluluwa sa buong mundo na naililigaw ng mga huwad na pastol. Yaong mga inaasam Niyang tipunin bilang mga tupa ng Kanyang pastulan ay nangalat sa mga lobo, at sinabi Niya, “At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.” Juan 10:16 , RV” DA 483.4
“Ang mga anghel sa langit ay inatasan na bantayan ang mga tupa sa pastulan ni Cristo. Kapag si Satanas, sa pamamagitan ng kanyang mapanlinlang na mga silo, ay magsubok na linlangin kung maaari maging ang mismong mga hinirang, ang mga anghel na ito ay gagawa ng mga impluwensyang makapagliligtas sa tinutukso na mga kaluluwa kung sila ay makikinig sa Salita ng Panginoon, at maunawaan ang kanilang panganib, at magsasabing, “Hindi, ako papasok sa mga silo ni Satanas. Mayroon akong nakatatandang Kapatid na nasa trono sa langit, na nagpakita na Siya ay may magiliw na interes sa akin, at hindi ko pipighatiin ang Kanyang pusong mapagmahal.” Pr 256.1
Basahin ang Juan 10:11-15. Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa Kanyang sarili bilang ang Mabuting Pastol?
“Sinabi ni Cristo, “Ako ang mabuting pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa. Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat: Siya'y tumatakas sapagka't siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa. Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako.” Mga bersikulo 11-14 . PP 191.1
“Si Cristo, ang Punong Pastol, ay ipinagkatiwala ang pangangalaga ng Kanyang kawan sa Kanyang mga ministro bilang mga katuwang na pastol; at hinihiling Niya sa kanila na magkaroon ng parehong interes gaya ng Kanyang ipinakita, at madama ang sagradong pananagutan ng tungkuling ipinagkatiwala Niya sa kanila. Siya ay taimtim na nag-atas sa kanila na maging tapat, na pakanin ang kawan, palakasin ang mahihina, buhayin ang nanghihina, at protektahan sila mula sa pumapatay na mga lobo. PP 191.2
“ Upang iligtas ang Kanyang mga tupa, inialay ni Cristo ang Kanyang sariling buhay; at itinuturo Niya sa Kanyang mga pastol ang pag-ibig na ipinakita, bilang kanilang halimbawa. Ngunit “siya na isang upahan, ... na hindi nagmamay-ari ng mga tupa,” ay walang tunay na malasakit sa kawan. Siya ay nagpapagal para lamang sa pakinabang, at siya ay nagmamalasakit lamang sa kanyang sarili. Pinag-aaralan niya ang kanyang sariling tubo sa halip na ang interes ng iniatas sa kanya; at sa panahon ng panganib ay tatakas siya, at iiwan ang kawan.” PP 191.3
Basahin ang Awit 22 at Awit 118:22. Paano pinakitunguhan ang mesiyas ng mga taong pinuntahan Niya upang iligtas ?
“Sa pagsipi sa propesiya ukol sa tinanggihang bato, tinukoy ni Cristo ang isang aktwal na pangyayari sa kasaysayan ng Israel. Ang insidente ay konektado sa pagtatayo ng unang templo. Bagama't mayroon itong espesyal na aplikasyon sa panahon ng unang pagdating ni Cristo, at dapat espesyal na makapukaw sa mga Hudyo, mayroon din itong aral para sa atin. Nang ang templo ni Solomon ay natayo, ang mga malalaking bato para sa mga pader at ang pundasyon ay ganap na inihanda sa quarry; matapos silang dalhin sa lugar ng pagtatayo, walang instrumento ang gagamitin sa kanila; ang mga manggagawa ay dapat lamang ilagay sila sa posisyon. Para gamitin sa pundasyon, isang bato na may kakaibang laki at kakaibang hugis ang dinala; nguni't ang mga manggagawa ay hindi makasumpong ng dakong paglalagyan para doon, at hindi ito tinanggap. Ito ay isang kayamutan sa kanila habang ito ay nakatiwangwang sa kanilang daan. Matagal itong nanatiling isang batong tinanggihan. Ngunit nang ang mga tagapagtayo ay dumating sa paglalagay ng sulok, sila ay naghanap ng mahabang panahon upang makahanap ng isang bato na may sapat na sukat at tatag, at may tamang hugis, upang punan ang partikular na lugar na iyon, at pasanin ang malaking bigat na dala nito. Kung sila ay magkamali sa pagpili para sa mahalagang lugar na ito, ang tatag at kaligtasan ng buong gusali ay malalagay sa panganib. Kinakailangan nilang makakita ng isang bato na may kakayahang lumaban sa impluwensya ng araw, ng hamog na nagyelo, at ng unos. Maraming mga bato ang napili sa iba't ibang panahon, ngunit sa ilalim ng presyon ng napakalaking bigat ay nadudurog ang mga ito. Ang iba ay hindi makayanan ang pagsubok ng mga biglaang pagbabago sa atmospera. Ngunit sa wakas ay napukaw ang pansin nila sa bato na matagal nang tinanggihan. Ito ay nalantad sa hangin, sa araw at bagyo, at hindi nagkaroon ng katiting na bitak. Sinuri ng mga tagapagtayo ang batong ito. Nakayanan nito ang mga pagsubok maliban sa isang natitira. Kung kaya nitong batahin ang pagsubok ng matinding pressure, tatanggapin nila ito para sa panulukang bato. Isinagawa ang pagsubok. At ang bato ay tinanggap, dinala sa itinalagang posisyon nito, at nakitang eksaktong akma. Sa makahulang pangitain, ipinakita kay Isaias na ang batong ito ay simbolo ni Cristo. Sabi niya: DA 597.5
“Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong aariing banal; at sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot. At siya'y magiging pinakasantuario; nguni't pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem. At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli.” Mula sa makahulang pangitain hanggang sa unang pagdating, inihayag ng propeta na si Cristo ay magbabata ng mga pagsubok na tumutukoy sa simbolikal na pagtrato sa punong panulok na bato sa templo ni Solomon. “Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan: ang naniniwala ay hindi magmamadali.” Isaias 8:13-15 ; 28:16 . DA 598.1
Basahin ang Awit 89:27-32, 38-46, at Awit 132:10-12. Tungkol saan ang tipan ni David? Ano ang tila naglagay nito sa panganib?
Sinabi sa atin ng sumusunod na mga Banal na Kasulatan na ang Panginoon ay nangako na ang sambahayan ni David (Bundok Sion) ay isang liwanag sa kanya at sa kanyang mga anak magpakailanman. “Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man.” (2 Cron. 21:7.) Ang pangako ay hindi sa Bundok Sion (bahay ni David) sa sinaunang Jerusalem, sapagka’t ang pagiral ng bansang hudyo ay may kondisyon.
“…Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain: At gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian; At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.
“At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa. At sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.”
“Bukod dito'y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man. Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.” Ezek. 37:21-28.
Bilang pagpapatunay ng katotohanan na ang bayan ng Diyos ay muling magiging isang kaharian, si Ezekiel ay nagpropesiya ng --- A New Division of the Land.
Ang propeta ay naglahad ng isang dibisyon ng lupain na lubos na naiiba sa panahon ni Josue (Jos. 17): Ito ay dapat na magkahiwa-hiwalay mula sa silangan hanggang sa kanluran. Si Dan ay magkakaroon ng unang bahagi sa hilaga, at si Gad, ang huling bahagi sa timog. Sa pagitan ng mga hangganan ng dalawang ito ay ang mga bahagi ng iba pang mga tribo. Ang santuwaryo ay dapat nasa gitna ng lupain, at katabi nito ay isang lungsod. (Tingnan sa Ezekiel 48).
Ang katotohanan na ang gayong paghahati sa lupang pangako ay hindi pa nagaganap ay nagpapakita na ito ay sa hinaharap pa. Gayundin ang katotohanan na ang santuwaryo ay naroroon, samantalang ito ay wala sa bagong langit at bagong lupa (Apoc. 21:22), ay positibong nagpapatunay na ang natatanging set-up na ito ay pre-millenial o bago ang milenyo. Karagdagan pa, ang dalawang bagay na katotohanan na ang pangalan ng lunsod ay “Ang Panginoon ay Nariyan,” at na ang lokasyon nito, ayon sa paghahati ng lupain, ay tiyak na iba sa dating Jerusalem, ay nagpapakita na ang Jerusalem ay hindi ang lunsod na iyon. .
Higit pa rito, malinaw na itinuturo ng Kasulatan na--- ANG MGA HENTIL AY PALALABASIN SA BANAL NA LUPAIN.
“At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang apat na sungay. At aking sinabi sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem. At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.”
Dito, una nating nakikita, na ang mga kapangyarihang pagano sa kanilang pangangalat sa sinaunang bayan ng Diyos ay kinakatawan bilang apat na sungay, at nang maglaon, sa kanilang pagpapalayas sa mga Gentil, sila ay kinakatawan bilang apat na panday. Sa gayon ay hinuhulaan din na “yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.” Lucas 21:24.
(Basahin ang Ezekiel 36 at 37; Jeremias 30 at 31.)
Basahin ang Awit 2; Awit 110:1-3; Awit 89:4, 13-17; at Awit 110:1, 2, 5, 6. Ano ang itinuturo sa atin ng mga tekstong ito tungkol kay Cristo bilang Hari?
“Sa mga salita ni David na tinukoy ni Pedro—“ Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway,” ang Ama ay tinatawag na Panginoon, na nagsabi kay Cristo, na siya ring Panginoon. , at kapantay ng Ama, “Umupo ka sa aking kanan.” Sabi ni Pedro, “Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” 3SP 271.1
“Tinawag ni David ang Mesiyas, sa kanyang banal na katangian, Panginoon, bagaman, ayon sa laman, siya ay anak ni David sa direktang kaangkanan. Si David, sa pamamagitan ng makahulang pananaw, ay nakita si Cristo na pumasok sa langit, at pumuwesto sa kanang kamay ng Diyos. Ang pagtatanghal na nasaksihan ng mga Hudyo noong Pentecostes ay isang eksibisyon ng kapangyarihan ng mismong Hesus na iyon na tinanggihan ng mga pari at mga pinuno at ipinako sa krus. Ayon sa kanyang pangako ipinadala niya ang Banal na Espiritu mula sa Langit sa kanyang mga alagad, bilang tanda na siya, bilang saserdote at hari, ay tumanggap ng lahat ng awtoridad sa Langit at sa lupa, at siya ang Pinahiran sa kanyang bayan.” 3SP 271.2
“Naghahari ang Diyos, at sa kabila ng Kanyang kamahalan, mahal Niya ang mga kaawa-awa, ang mga pinaka nagdurusa sa Kanyang mga anak. Ang Diyos ay nagpapakita sa atin ng mga katibayan ng Kanyang kapangyarihan, at ang katotohanan ay magtatagumpay. Aalisin ng Diyos ang bawat pagkakamali sa doktrina. Ang bawat katotohanan ay magiging walang kamatayan. Ipagkatiwala ang pag-iingat ng iyong kaluluwa sa Diyos bilang isang tapat na Lumikha. Ang mga anghel ng Diyos ay nasa paligid mo. Magkaroon ka ng pananampalataya sa Panginoon. Alalahanin si Hesus na iyong Manunubos, at tingnan kung ano ang Kanyang tiniis. Nang ang mga alagad ni Cristo ay ibilanggo, ang mga anghel ng Diyos ay pumasok sa loob ng bilangguan at naglingkod sa kanila. Oh, ang giliw, ang habag ng Diyos. Sabi niya, “Malilimutan ba ng babae ang kaniyang batang pasusuhin? oo, ito'y makalilimot, nguni't hindi kita kalilimutan.” [ Isaias 49:15 .]” 4LtMs, Lt 49, 1886, par. 6
Basahin ang Awit 110:3-7. Paano natatangi ang pagkasaserdote ni Cristo, at anong dakilang pag-asa ang makikita natin sa makalangit na pagkasaserdote ni Cristo?
“Ang Saserdote at Sakripisyo ay itinalaga na ngayon ng Diyos sa kaayusan. Ang Isa na naging masunurin hanggang kamatayan ay dinala na ngayon sa walang hanggang pagkakaisa bilang Diyos at tao. Sinabi ng Ama sa Kanya, “Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.” [ Awit 110:4 .] Kapag sa pamamagitan ng pananampalataya ay nakikita natin si Cristo sa Kanyang pagiging tao at banal na likas, ito ay dahil inihayag Siya ng Diyos. Ang nakatagong karunungan na hindi kailanman magagawa o mapapaliwanag ng sinuman sa kahulugan ng mga tao, “Yaong karunungan na itinalaga ng Dios: Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.” Tingnan ang 1 Corinto 2:2-11 .” 12LtMs, Ms 115, 1897, par. 28
“Si Pablo, sa kanyang sulat sa mga Hebreo, ay sumulat: “Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan: Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;
At dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili. At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron. Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon: Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot, Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya.” [ Hebreo 5:1-9 .]” 17LtMs, Lt 208, 1902, par. 47
Si Melchizedek, ang saserdote ng Kataas-taasang Diyos, na walang simula o katapusan ng mga araw, ay sumasagisag kay Cristo na ating Mataas na Saserdote at sa Kanyang walang hanggang gawain, at si Aaron, isang mataas na saserdote sa dispensasyon ng mga Judio, ay sumisimbolo kay Cristo na ating Mataas na Saserdote at sa Kanyang pansamantalang pagkasaserdoteng gawain.
“Ang matagumpay na paglalakbay ni Cristo sa Jerusalem ay isang malabong anino ng Kanyang pagdating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at kaluwalhatian, sa gitna ng pagtatagumpay ng mga anghel at pagsasaya ng mga banal. Matutupad ang mga salita ni Cristo sa mga saserdote at mga Fariseo: “Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.” Mateo 23:39 . Sa makahulang pangitain ay ipinakita kay Zacarias ang araw ng huling tagumpay; at namasdan din niya ang kahatulan ng mga taong sa unang pagdating ay tumanggi kay Cristo: “At sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.” Zacarias 12:10 . Ang eksenang ito ay nakita ni Cristo nang makita Niya ang lungsod at tinangisan ito. Sa temporal na pagkawasak ng Jerusalem nakita Niya ang huling pagkawasak ng bayang iyon na nagkasala sa dugo ng Anak ng Diyos. DA 580.1
“Nakita ng mga disipulo ang pagkapoot ng mga Hudyo kay Cristo, ngunit hindi pa nila nakikita kung ano kahahantungan nito. Hindi pa nila nauunawaan ang tunay na kalagayan ng Israel, ni nauunawaan ang kaparusahan na sasapitin ng Jerusalem. Ang mga ito ay inihayag ni Cristo sa pamamagitan ng mahahalagan mga liksyon at halimbawa.” DA 580.2