“ At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.” KJV - Efeso 4:11, 12
“ Ang bawat sangay ng gawain ng Diyos ay dapat magkaroon ng pagkilala. “At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.”Efeso 4:11, 12 . Ipinakikita ng Kasulatang ito na magkakaroon ng iba't ibang manggagawa, iba't ibang instrumentalidad. Ang bawat isa ay may iba't ibang atas na gawain. Walang sinuman ang kinakailangang gumawa sa gawain ng iba, at, bagaman walang kasanayan ay subukang gawin ito. Binigyan ng Diyos ang bawat isa ayon sa kanyang kakayahan. Maaaring isipin ng isang tao na ang kanyang posisyon ay nagbibigay sa kanya ng awtoridad na magdikta sa ibang mga manggagawa, ngunit hindi ito nararapat. Dahil walang kaalaman sa gawain nila, pinalalaki niya kung saan dapat paliitin, at pinaliliit naman kung saan dapat palakihin, dahil nakikita niya lamang ang bahagi ng ubasan kung saan siya gumagawa." 8T 170.2
Basahin ang Efeso 1-16. Paano hinihikayat ni Pablo ang mga mananampalataya na pangalagaan ang pagkakaisa ng simbahan?
“Lahat ng nakinabang sa mga pagpapagal ng lingkod ng Diyos ay dapat makiisa sa kanya sa paggawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa, ayon sa kanilang kakayahan. Ito ang gawain ng lahat ng tunay na mananampalataya, mga ministro at bayan. Dapat nilang panatilihing nakikita ang dakilang layunin na ito, at ang bawat isa ay naghahangad na punan ang kanyang nararapat na posisyon sa simbahan, at lahat ay nagtutulungan sa kaayusan, pagkakasundo, at pagmamahalan. 5T 238.1
“ Walang makasarili sa relihiyon ni Cristo. Ang mga prinsipyo nito ay mapagpalaganap at agresibo. Ito ay kinakatawan ni Cristo bilang ang dakilang liwanag, bilang ang nagliligtas na asin, bilang ang nagpapabagong lebadura. Sa kasigasigan, taimtim, at debosyon ang mga lingkod ng Diyos ay magsisikap na ipalaganap sa malayo at malapit ang kaalaman ng katotohanan; gayon ma'y hindi sila magpapabaya sa paggawa para sa lakas at pagkakaisa ng simbahan. Magbabantay silang mabuti upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang pagkakaiba-iba at pagkakahati-hati. 5T 238.2
“Nitong huli ay may bumangon sa atin na mga taong nag-aangking mga tagapaglingkod ni Cristo, ngunit ang kanilang gawain ay salungat sa pagkakaisang iyon na itinatag ng ating Panginoon sa simbahan. Mayroon silang orihinal na mga plano at pamamaraan ng paggawa. Ninanais nilang magpakilala ng mga pagbabago sa simbahan upang umangkop sa kanilang mga ideya ng pag-unlad at isipin na ang mga dakilang resulta ay tiyak na makakamit. Ang mga taong ito ay kailangang maging mga mag-aaral sa halip na mga guro sa paaralan ni Cristo. Palagian silang hindi mapakali, naghahangad na makagawa ng mga dakilang bagay, at gumawa ng mga bagay na magdadala ng karangalan sa kanilang sarili. Kailangan nilang matutunan ang pinaka-kapakipakinabang sa lahat ng aral, ang pagpapakumbaba at pananampalataya kay Jesus…” 5T 238.3
“Hinikayat ni Pablo ang mga taga-Efeso na ingatan ang pagkakaisa at pag-ibig: “Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan. May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.” 5T 239.1
Anong pitong “isa” ang binanggit ni Pablo bilang pagsuporta sa kaniyang tema ng pagkakaisa ng simbahan? Anong punto ang nais niyang ibigay sa atin dito? Eph. 4:4-6
“Hinikayat ni Pablo ang mga taga-Efeso na ingatan ang pagkakaisa at pag-ibig: “Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig; Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan. May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.” 5T 239.1
“Hinihikayat ng apostol ang kanyang mga kapatid na ipakita sa kanilang buhay ang kapangyarihan ng katotohanan na ipinakita niya sa kanila. Sa pamamagitan ng kaamuan at kahinahunan, pagtitiis at pagmamahal, sila ay dapat na maging halimbawa ng katangian ni Cristo at ang mga pagpapala ng Kanyang kaligtasan. May isang katawan lamang, at isang Espiritu, isang Panginoon, isang pananampalataya. Bilang mga miyembro ng katawan ni Cristo lahat ng mananampalataya ay binibigyang-buhay ng iisang espiritu at iisang pag-asa. Ang mga pagkakabaha-bahagi sa iglesya ay hindi nagpaparangal sa relihiyon ni Cristo sa harap ng mundo at nagbibigay ng pagkakataon sa mga kaaway ng katotohanan na bigyang-katwiran ang kanilang mga gawa. Ang mga tagubilin ni Pablo ay hindi isinulat para lamang sa simbahan sa kanyang panahon. Idinisenyo ng Diyos na ang mga ito ay ipadala sa atin. Ano ang ginagawa natin upang ingatan ang pakikipagkaisa sa tali ng kapayapaan?” 5T 239.2
“Kung ang nag-aangking bayan ng Diyos ay tatanggap ng liwanag habang ito ay nagniningning sa kanila mula sa Kanyang salita, maaabot nila ang pagkakaisang iyon na ipinagdasal ni Cristo, na inilarawan ng apostol, “ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.” Sinabi niya, “May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.” Efeso 4:3-5 . GC 379.2
“Ganoon ang mga pinagpalang resulta na naranasan ng mga tumanggap sa ‘advent message’. Sila ay nagmula sa iba't ibang denominasyon, at ang mga hadlang sa denominasyon ay naiwaksi sa lupa; ang magkakasalungat na mga kredo ay dinurog; ang di-makakasulatang pag-asa sa isang temporal na milenyo ay inabandona, ang mga maling pananaw ukol sa ikalawang pagdating ay itinuwid, ang pagmamataas at pagsang-ayon sa mundo ay inalis; itinama ang mga pagkakamali; ang mga puso ay nagkakaisa sa pinakamatamis na pagsasama, at ang pag-ibig at kagalakan ay naghari. Kung ginawa ito ng doktrinang ito para sa iilan na nakatanggap nito, ganoon din sana ang gagawin nito sa lahat kung natanggap ito ng lahat.” GC 379.3
Ano ang nangyayari sa Efeso 4:7-10 , at ano ang pinupunto ni Pablo sa mga talatang ito?
“Ang mga talento na ipinagkatiwala ni Cristo sa Kanyang simbahan ay kumakatawan lalo na sa mga kaloob at pagpapalang ibinibigay ng Banal na Espiritu. “Sapagka't sa isa, sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan; at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu: Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu. At sa iba'y ang mga paggawa ng mga himala; at sa iba'y hula; at sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu; at sa iba'y ang iba't ibang wika; at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika. Datapuwa't ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.” 1 Corinto 12:8-11 . Hindi lahat ng tao ay tumatanggap ng parehong mga kaloob, ngunit sa bawat lingkod ng Guro ay ipinangako ang ilang kaloob ng Espiritu. COL 327.1
“Bago Niya iniwan ang Kanyang mga disipulo, “sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:” Juan 20:22 . Muli niyang sinabi, “At narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama.” Lucas 24:49 .Ngunit natanggap lamang ang kabuuan ng mga kaloob na ito matapos ang Kaniyang pagakyat sa langit. Hanggang sa pamamagitan ng pananampalataya at panalangin ang mga alagad ay lubos na isinuko ang kanilang mga sarili para sa Kanyang paggawa ay natanggap ang pagbuhos ng Espiritu. Pagkatapos sa isang espesyal na kahulugan ang mga bagay ng langit ay ipinagkatiwala sa mga tagasunod ni Cristo. “Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.” Efeso 4:8 . “Ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.,” “at ng gayon ding Espiritu, na binabahagi sa bawa't isa ayon sa kaniyang ibig.” Efeso 4:7 ; 1 Corinto 12:11 . Ang mga kaloob ay nasa atin na kay Cristo, ngunit ang kanilang aktwal na pag-aari ay nakasalalay sa ating pagtanggap sa Espiritu ng Diyos. COL 327.2
“Ang pangako ng Espiritu ay hindi nabibigyan ng nararapat na pagpapahalaga. Ang katuparan nito ay hindi napapagtanto gaya ng maaaring mangyari. Ang kawalan ng Espiritu ang dahilan kung bakit walang kapangyarihan ang ministeryo ng ebanghelyo. Ang pagkatuto, mga talento, kahusayan sa pagsasalita, bawat likas o nakuhang kaloob, ay maaaring taglayin; ngunit kung wala ang presensya ng Espiritu ng Diyos, walang puso ang maaantig, walang makasalanan ang mapapanalunan kay Cristo. Sa kabilang banda, kung sila ay konektado kay Cristo, kung ang mga kaloob ng Espiritu ay nasa kanila, ang pinakamahirap at pinakamangmang sa Kanyang mga disipulo ay magkakaroon ng kapangyarihang magsasabi sa mga puso. Ginagawa sila ng Diyos na daan para sa pagsasagawa ng pinakamataas na impluwensya sa uniberso.” COL 328.1
Batay sa Awit 68:18, inilarawan ni Pablo ang ibinangon, itinaas, at nananakop na si Hesus bilang nagbibigay ng mga kaloob sa Kanyang bayan mula sa itaas. Anong “mga kaloob” ang ibinibigay ng mataas na si Jesus, at para sa anong layunin? Eph. 4:11-13
“Ang pagpapahayag na ang Diyos ay nagtakda ng ilan sa simbahan, atbp., ay nagpapahiwatig ng higit pa kaysa sa paraang iniwang bukas para sa mga kaloob na lumitaw kung ang mga pangyayari ay magbigay daan dito. Nangangahulugan ito na ang mga ito ay magiging permanenteng bahagi ng tunay na espirituwal na konstitusyon ng simbahan, at kung ang mga ito ay hindi aktibong gumagana, ang simbahan ay nasa kalagayan gaya ng isang katawan ng tao, ang ilan sa mga parte nito, sa pamamagitan ng aksidente o sakit , ay magiging baldado at walang kakayahan. Sa sandaling naitakda na sa simbahan, doon dapat manatili ang mga kaloob na ito hanggang sa pormal na maalis ang mga ito. Ngunit walang tala na inalis ang mga ito. PP 24.1
“Pagkalipas ng limang taon, ang apostol ding iyon ay sumulat sa mga taga-Efeso na may kaugnayan sa parehong mga kaloob, na malinaw na sinasabi ang kanilang layunin, at sa gayon ay ipinapahiwatig na dapat silang magpatuloy hanggang sa matupad ang layuning iyon. Sinabi Niya ( Efeso 4:8, 11-13 ) : “Kaya't sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao..... At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo: Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:” PP 24.2
“Hindi naabot ng simbahan ang estado ng pagkakaisa na pinagnilay-nilayan dito, sa panahon ng mga apostol; at sa lalong madaling panahon pagkatapos ng kapanahunang iyon, ang karimlan ng malaking espirituwal na apostasiya ay nagsimulang lumilim sa simbahan; at sa panahon ng paghina, ang kabuuan ni Cristo, at pagkakaisa ng pananampalataya, ay hindi naabot. Hindi rin ito makakamit hanggang sa ang huling mensahe ng awa ay magtipon mula sa bawat angkan at mga tao, bawat uri ng lipunan, at bawat organisasyon ng kamalian, mga taong ganap sa lahat ng mga repormasyon sa ebanghelyo, na naghihintay sa pagdating ng Anak ng tao. At tunay nga, kung sakaling sa kanyang karanasan ang simbahan ay mangangailangan ng kapakinabangan ng bawat ahensya na inordain para sa kanyang kaginhawahan at patnubay, panghihikayat at proteksyon, ito ay sa gitna ng mga panganib sa mga huling araw, kapag ang mga kapangyarihan ng kasamaan, na halos ganap na sa pamamagitan ng karanasan at pagsasanay para sa kanilang kasuklam-suklam na gawain, sa pamamagitan ng kanilang mga obra maestra ng pagpapanggap, ay manlinlang kung posible maging sa mga hinirang. Angkop, kung gayon, ang dumating sa mga espesyal na propesiya ng pagbubuhos ng Espiritu para sa kapakinabangan ng simbahan sa mga huling araw.” PP 24.3
Anong panganib ang nagbabanta sa maka-Cristong paglago ng simbahan? Eph. 4:14
“Ang Diyos ay hindi ang may-akda ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Ngunit si Satanas ay isang mapagbantay, hindi natutulog na kaaway, na laging gumagawa sa isipan ng tao, naghahanap ng lupa kung saan siya makakapaghasik ng kanyang mga panirang damo. Kung makatagpo siya ng sinuman na maaari niyang gamitin sa gawain, magmumungkahi siya ng mga ideya at maling teorya, at gagawin silang masigasig sa pagtataguyod ng kamalian. Ang katotohanan ay hindi lamang nakakapagbalik-loob, ngunit gumagawa ng pagdadalisay sa tumatanggap nito. Binalaan tayo ni Jesus na mag-ingat sa mga huwad na guro. Mula sa pasimula ng ating gawain, may mga taong bumabangon paminsan-minsan, na nagtataguyod ng mga teoryang bago at nakagugulat. Ngunit kung ang mga nag-aangking naniniwala sa katotohanan ay pupunta sa mga may karanasan, kukunsulta sa salita ng Diyos ng may madaling turuan, at mapagpakumbabang espiritu, at susuriin ang mga teorya sa liwanag ng katotohanan at sa tulong ng mga kapatid na masisigasig na magaaral ng Bibliya, at kasabay nito ay nagsusumamo sa Diyos, na nagtatanong, Ito ba ang daan ng Panginoon, o ito ba ay isang maling landas kung saan ako aakayin ni Satanas? sila'y tatanggap nga ng liwanag, at makatatakas mula sa silo ng manghuhuli. TM 54.2
“Mag-ingat ang lahat ng ating mga kapatid sa sinumang magtatakda ng panahon (time setting) para sa Panginoon na tuparin ang Kanyang salita hinggil sa Kanyang pagparito, o patungkol sa anumang pangakong ginawa Niya na may natatanging kahalagahan. “Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.” Ang mga huwad na guro ay maaaring mukhang masigasig sa gawain ng Diyos, at maaaring gumugol ng paraan upang dalhin ang kanilang mga teorya sa harap ng mundo at ng simbahan; ngunit habang hinahalo nila ang kamalian sa katotohanan, ang kanilang mensahe ay panlilinlang, at aakay sa mga kaluluwa sa maling landas. Sila ay dapat harapin at tutulan, hindi dahil sila ay masasamang tao, kundi dahil sila ay mga guro ng kasinungalingan at nagsisikap na ilagay sa kasinungalingan ang tatak ng katotohanan. TM 55.1
“Nakakalungkot na ang mga tao ay magsisikap na matuklasan ang ilang teorya ng kamalian samantalang mayroong isang buong kamalig ng mahahalagang hiyas ng katotohanan kung saan ang mga tao ay maaaring pagyamanin sa pinakabanal na pananampalataya. Sa halip na magturo ng katotohanan ay hinayaan nilang manatili ang kanilang imahinasyon sa mga bagay na bago at kakaiba, at inilalagay ang kanilang mga sarili sa hindi pagkakasundo sa mga ginagamit ng Diyos upang akayin ang mga tao sa plataporma ng katotohanan. Isinasantabi nila ang lahat ng sinabi tungkol sa pagkakaisa ng damdamin, at niyurakan ang panalangin ni Cristo na para bang ang pagkakaisa na Kanyang idinadalangin ay hindi mahalaga, at hindi na kailangan para sa Kanyang mga tagasunod na maging isa, gaya Niya na kaisa ng Ama. Sila ay lumilihis, at, tulad ni Jehu, tumawag sa kanilang mga kapatid na tularan ang kanilang halimbawa ng kasigasigan para sa Panginoon. TM 55.2
“Kung ang kanilang kasigasigan ay umakay sa kanila na gumawa sa parehong mga gawain ng kanilang mga kapatid na nagbata ng init at pasanin ng panahon, kung sila ay nagsisikap na mapanagumpayan ang mga panghihina ng loob at mga hadlang gaya ng kanilang mga kapatid, maaari silang tularan. , at tatanggapin sila ng Diyos. Ngunit ang mga tao ay dapat hatulan kung sila ay magsisimula sa isang pagpapahayag ng kahanga-hangang liwanag, ngunit lumalayo sa mga ahente na pinangungunahan ng Diyos. Ito ang naging landasin na tinahak nina Kora, Datan, at Abiram, at ang kanilang aksyon ay itinala bilang isang babala sa lahat ng iba pa. Hindi natin dapat gawin ang kanilang ginawa—paratangan at hatulan ang mga taong pinagkalooban ng Diyos ng pasanin ng gawain. TM 55.3
“Yaong mga nagpahayag na ang Seventh-day Adventist Church ay Babylon ay gumagamit sa Testimonies upang bigyang suporta ang kanilang mga posisyon; ngunit bakit hindi nila inihayag yaong sa loob ng maraming taon ay naging pasanin ng aking mensahe—ang pagkakaisa ng simbahan? Bakit hindi nila sinipi ang mga salita ng anghel, “Magsama-sama, Magsama-sama”? Bakit hindi nila inulit ang payo at sinabi ang prinsipyo, na “sa pagkakaisa ay may lakas, sa pagkakahati ay may kahinaan”? Ang mga mensaheng dinadala ng mga taong ito ang naghahati sa simbahan, at naglalagay sa atin sa kahihiyan sa harap ng mga kaaway ng katotohanan; at sa gayong mga mensahe ay malinaw na inihahayag ang kahanga-hangang gawain ng dakilang manlilinlang, na hahadlang sa simbahan sa pagkamit ng kasakdalan sa pagkakaisa. Ang mga gurong ito ay sumusunod sa kanilang sariling liwanag, kumikilos ayon sa kanilang sariling independiyenteng paghatol, at ginugulo ang katotohanan ng mga maling akala at teorya. Tinatanggihan nila ang payo ng kanilang mga kapatid, at nagpapatuloy sa kanilang sariling paraan hanggang sa magawa nila kung ano ang naisin ni Satanas sa kanila—na walang balanse sa pag-iisip. TM 56.1
“Binabalaan ko ang aking mga kapatid na mag-ingat laban sa paggawa ni Satanas sa lahat ng anyo. Ang dakilang kalaban ng Diyos at ng tao ay nagagalak ngayon na siya ay nagtagumpay sa panlilinlang sa mga kaluluwa, at sa paglilihis ng kanilang mga paraan at kakayahan sa mapaminsalang mga daanan. Ang kanilang pera ay maaaring gamitin upang isulong ang kasalukuyang katotohanan, ngunit sa halip na ito ay ginugol nila ito sa paglalahad ng mga ideya na walang pundasyon sa katotohanan.” TM 56.2
“O anong katiyakan ito, na ang pag-ibig ng Diyos ay mananatili sa mga puso ng lahat ng naniniwala sa kanya! O anong kaligtasan ang ipinagkaloob; sapagka't kayang iligtas hanggang sa sukdulan ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya. Sa pagtataka ay napabulalas tayo, Paano mangyayari ang mga bagay na ito? Ngunit si Jesus ay masisiyahan kung kagkagayon tayo. Yaong mga nakikibahagi sa kanyang mga pagdurusa dito, sa kanyang kahihiyan, nagtitiis alang-alang sa kanyang pangalan, ay magkaroon ng pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa kanila tulad ng sa Anak. Ang Isang nakakaalam, ay nagsabi, " Sapagka't ang Ama rin ang umiibig sa inyo." [ Juan 16:27 .] Isang taong nagkaroon ng eksperimentong kaalaman sa haba, at lapad, at taas, at lalim ng pag-ibig na iyon, ang nagpahayag sa atin ng kamangha-manghang katotohanang ito. Ang pag-ibig na ito ay atin sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, samakatuwid ang isang koneksyon kay Cristo ay nangangahulugan ng lahat sa atin. Dapat tayong maging kaisa niya gaya ng pagkakaisa niya sa Ama, at pagkatapos ay minamahal tayo ng walang hanggang Diyos bilang mga miyembro ng katawan ni Cristo, bilang mga sanga ng buhay na Puno. Tayo ay dapat na kalakip sa pinakapuno, at tumanggap ng sustansya mula sa Puno. Si Cristo ang ating niluwalhati na Ulo, at ang banal na pag-ibig na dumadaloy mula sa puso ng Diyos, ay namamalagi kay Cristo, at ipinahahatid sa mga nakipag-isa sa kanya. Ang banal na pag-ibig na ito na pumapasok sa kaluluwa ay pumupuno dito nang pasasalamat, pinalalaya ito mula sa espirituwal na kahinaan nito, mula sa pagmamataas, kawalang kabuluhan, at pagkamakasarili, at mula sa lahat ng makakapagpabago sa katangiang Kristiyano.” CE 75.2