“And he said, Is not he rightly named Jacob? for he hath supplanted me these two times: he took away my birthright; and, behold, now he hath taken away my blessing. And he said, Hast thou not reserved a blessing for me? KJV — Genesis 27:36
“At kaniyang sinabi, Hindi ba matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob? sapagka't kaniyang inagawan ako nitong makalawa: kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay; at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas.” KJV — Genesis 27:36
“Jacob and Rebekah succeeded in their purpose, but they gained only trouble and sorrow by their deception. God had declared that Jacob should receive the birthright, and His word would have been fulfilled in His own time had they waited in faith for Him to work for them. But like many who now profess to be children of God, they were unwilling to leave the matter in His hands. Rebekah bitterly repented the wrong counsel she had given her son; it was the means of separating him from her, and she never saw his face again. From the hour when he received the birthright, Jacob was weighed down with self-condemnation. He had sinned against his father, his brother, his own soul, and against God. In one short hour he had made work for a lifelong repentance. This scene was vivid before him in afteryears, when the wicked course of his sons oppressed his soul. PP 180.3
Nagtagumpay sa kanilang layunin si Jacob at Rebeca ngunit nagkamit lamang ng kaguluhan ng dahil sa kanilang panlilinlang. Inihayag ng Diyos na si Jacob ang tatanggap ng pagkapanganay at ang salitang ito ay maaaring matupad sa Kaniyang tinakdang kapanahunan kung sila lamang ay naghintay ng may pananampalataya na Kaniya itong tutuparin. Ngunit gaya ng marami na nagaaking anak ng Diyos, hindi nila ito ipinagkatiwala sa Kanyang mga kamay. Si Rebeca ay nagsisi sa maling payo na ibinigay niya sa kaniyang anak; ito nga ang naging dahilan ng pagkahiwalay niya sa kaniya at hindi na niya nakita pa ang mukha nito. Mula sa oras na kanyang natanggap ang pagkapanganay, si Jacob ay napuno ng pagsisisi. Siya ay nagkasala sa kaniyang ama, kapatid, sa sariling kaluluwa at sa Diyos. Sa maiksing oras ay nakagawa siya ng bagay na kinakailangang ipagsisi habambuhay. Ang pangyayaring ito ay nanatiling malinaw makalipas ang mga taon, nang ang masamang gawa ng kanyang anak ay nagpahirap sa kaniyang kaluluwa. PP 180.3
Compare the two personalities of Jacob and Esau. What qualities of Jacob predisposed him to be worthy of Isaac’s blessing?
Ikumpara ang dalawang paguugali nila Jacob at Esau. Anong katangian mayroon si Jacob upang maging karapatdapat siya sa pagpapala ni Isaac?
In the preternatural birth and the lives of Esau and Jacob, there is unmistakable Divine design and typology. The strange anomaly of this family’s experience obviously dramatized in miniature an experience through which God’s church would one day pass. Rebekah herself was made well aware of this fact when “the Lord said unto her, Two nations are in thy womb, and two manner of people shall be separated from thy bowels; and the one people shall be stronger than the other people, and the elder shall serve the younger.” Verse 23.
Sa hindi pangkaraniwang pagkapanganak at buhay nila Esau at Jacob ay makikita na mayroon itong makalangit na panukala at kahulugan. Ang kakaibang anomalya sa karanasan ng pamilyang ito ay malinaw na nagsasalamin sa karanasang dadanasin ng iglesia ng Diyos sa darating na panahon. Si Rebeca ay nakaalam din sa mga bagay ng: “ sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata, At dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan: At ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan; At ang matanda ay maglilingkod sa bata.” Talata 23.
What is the typology in this throbbing life drama? – Basically that which stands forth in Paul’s interpretation of the equally intense drama of Hagar and Ishmael, Sarah and Isaac. Inspiration unveils the fact that the former pair represent the Old Testament Church and its members, the Jews; and that the latter pair represent the New Testament Church and its members, the Christians (Gal. 4:22-31).
Ano ang tipo sa dula ng buhay na ito? – Ito ay ang binabanggit sa interpretasyon ni Pablo ukol sa matinding dula sa pagitan nila Agar at Ishmael at Sara at Isaac. Inihahayag din ng Inspirasyon na ang unang nabanggit na pares ay kumakatawan sa Old Testament Church at sa mga myembro nito, ang mga Hudyo, samantalang ang panghuling pares ay kumakatawan sa New Testament Church at sa mga myemrbo nito, ang mga Kristyano (Gal. 4:22-31).”
Similarly, though in another phase, Rebekah also represents the church, while Esau and Jacob represent her offspring, the laity. And since the two struggled within the mother before they were born (delivered), the important lesson is that while the church is travailing with her children just before they are delivered, receive the second birth (John 3:3) and are led into the kingdom, they are to struggle within. So, Rebekah’s carrying two sons makes known that the church is carrying within her two classes of people – Esaus and Jacobs.
Katulad nito, bagaman sa ibang yugto, si Rebeca ay kumakatawan din sa iglesia, samantalang si Esau at Jacob ang kumakatawan sa anak, ang mga myembro. At dahil ang dalawang ito ay nagtutunggali na sa ina bago pa man sila ipanganak, ang importanteng aral dito ay samantalang ang iglesia ay nagdaramdam sa panganganak, sila ay nakatanggap ng ikalawang pagkapanganak (Juan 3:3) at pinangunahan tungo sa kaharian na kanilang paglalabanan. Ang pagdadalang-tao ni Rebeca sa dalawang anak na ito ay naghahayag na ang iglesia ay mayroon ding dalawang klase ng bayan – ang mga Esaus at Jacobs.
“There are two opposing influences,” affirms Inspiration, “continually exerted on the members of the church. One influence is working for the purification of the church, and the other for the corrupting of the people of God.” – Testimonies To Ministers, p. 46.
Bilang pagpapatibay, sinabi ng Inspirasyon na “may dalawang magkalabang impluwensya na patuloy na nasusumpungan sa iglesia. Ang isa ay gumaganap para sa ikadadalisay at ang isa ay para sirain ang bayan ng Diyos.” – Testimonies To Ministers, p. 46.
The manner in which Esau and Jacob were born – Jacob’s following Esau ahold of his heel – has very obvious significance: Esau’s leading makes him a type of leaders possessing his character, and Jacob’s following makes him a type of followers possessing his character. This analogy unerringly signifies, too, that the one represents a class which precedes the other in church fellowship. Broadly speaking, therefore, they together represent candidates for a successor ministry and laity respectively.
Ang paraan ng pagkapanganak kila Esau at Jacob – ang sunod na paglabas ni Jacob at pagkapit ng kamay niya sa sakong ni Esau – ay may malinaw na kahalagahan: ang pangunguna ni Esau ang gumawa sa kanya bilang tipo ng mga pinuno na nagtataglay ng kaniyang karakter at si Jacob sa kanyang pagsunod naman ay ang tipo ng mga tagasunod na nagtataglay ng kaniyang karakter. Ang analohiyang ito ay tiyak na nagpapahiwatig sa isa na kumakatawan sa klase na mangunguna sa pagsasama-sama sa iglesia. Samakatuwid, sila ay kumakatawan sa mga kandidato para sa ministeryo at pagkamiyembro.
There is also typical significance in the further fact that Esau was born hairy and Jacob smooth. This outstanding external unlikeness obviously imports some kind of outstanding visible identification of the two classes typified.
Mayroon ding tipikal na kahalagahan ang katotohanan na si Esau ay ipinanganak na mabalahibo samantalang si Jacob ay makinis. Ang namumukod-tanging kaibahang ito sa panlabas na anyo ay nagpapahiwatig na mayroon ding kakaibang pagkakilanlan ang dalawang bayang tinutukuyan dito.
God ordained the man to lead and the woman to follow, and as such He created the man hairy and the woman smooth. These Divine marks of distinction reveal that Esau and the class which he represents possess the natural equipment for leadership, while Jacob and the class he represents do not. Besides, being the first-born, Esau by birthright was to be the family’s priest. Through him were to come the progenitors of the twelve tribes, the prophets the princes, and the kings of Israel, even the King of kings Himself, the Saviour of the world.
Inatasan ng Diyos ang lalaki na mamuno at ang babae na sumunod at dahil dito Kanyang nilikha ang lalaki na mabalahibo at ang babae na makinis. Ang mga makalangit na markang ito ng pagkakaiba ay naghahayag na si Esau at ang klase na kanyang kinakatawanan ay nagtataglay ng likas sa pamumuno samantalang si Jacob at ang klase na kinakatawanan niya ay hindi. Bukod sa pagiging unang anak, si Esau sa kaniyang pagkapanganay ay magiging saserdote ng pamilya. Sa pamamagitan niya magmumula ang labingdalawang tribo, ang mga propeta at prinsipe, ang mga hari ng Israel, maging ang Hari ng mga hari mismo, ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
But the desires, ambitions, and aims of Esau and Jacob, ran counter to their inherited positions. Esau had no special interest in the part of the work which his birthright permitted, whereas Jacob coveted it. Blocked, though, by the law of inheritance from possessing Esau’s part, Jacob in his inordinate longing for the birthright managed to purchase it at the opportune time. Then in order to receive his father’s blessings, he consented to his mother’s conniving to obtain it through deceit.
Ngunit ang mga nais, ambisyon at pakay nila Esau at Jacob ay taliwas sa kanilang mga minanang posisyon. Si Esau ay walang espesyal na interes ukol sa mga gawaing dala ng kaniyang pagkapanganay, samantalang si Jacob naman ay naghahangad dito. Nahadlangan man si Jacob ng batas ukol sa mana sa mga posisyong naigawad kay Esau, sa kaniyang labis labis na paghahangad dito ay nakamit niya ito sa napapanahong pagkakataon. At upang matanggap ang basbas ng ama, siya ay pumayag at nakipagsabwatan sa kaniyang ina upang tanggapin ito sa pamamagitan ng panlilinlang.
The tragic lesson is painfully conspicuous: The Esau class who attend the duties of their office less than its sanctity demands, indifferently let it slip from their hands into the eager reaching grasp of the Jacob class, who do veritably appreciate and prize its obligations, but who, not being natural-born leaders, must acquire the equipment for the holy office by passing through the disciplinary training of some soul-trying experience as foreshadowed by Jacob’s training while he was a fugitive from home. Thus in their providential lot, cast out of the church by their elder brethren, as was Jacob cast out of the home by his elder brother, because of their zeal in God’s service, they gain a training for the privileged work which is to be theirs.
Ang kalunos-lunos na aral ay malinaw na nakikita: Ang klase ni Esau na gumagawa sa tungkulin ng hindi ayon sa hinihingi ng kabanalan ay walang malasakit at napapabayaang ito ay maagaw ng mga masisigasig na klase ni Jacob na siyang napatunayang may pagpapahalaga sa mga obligasyong ito, ngunit sila ay hindi man likas na pinanganak na maging mga pinuno, sila ay magkakamit ng bagay na magaangkop sa kanila sa banal na tungkulin sa pamamagitan ng pagsasanay sa ilang mga pagsubok sa kanilang kaluluwa na una ng pinakita sa pagsasanay ni Jacob sa panahong siya ay tumakas sa kanilang tahanan. At sa kanilang makalangit na kalalagayan, sila ay palalabasin sa iglesia ng kanilang nakatatandang kapatid, gaya nang si Jacob ay tumakas ng dahil sa kanyang kapatid, at dahil sa kanilang kasigasigan sa gawain ng Diyos sila ay makakatanggap ng pagsasanay para sa tanging karapatan sa gawaing magiging kanila.
What an inestimable blessing the first-born, the present ministry, are losing! Theirs is the matchless privilege of standing on Mt. Zion with the Lamb and of fathering forth the latter day subjects of the Kingdom, ushering the Kingdom itself, bringing the second advent of Christ, and finally leading the redeemed host into the heavenly Canaan, into the realms of faceless glory. But they are about to lose out – tragedy of tragedies!
Anong hindi matatawarang pagpapala sa pagkapanganay ang mawawala sa kasalukuyang ministeryo! Sila na may hindi mapapantayang pribilehiyo na tuminding sa bundok ng Sion kasama ang Kordero at ang pagiging ama ng bayan na magtataglay sa kaharian sa huling kapanahunan at mangunguna sa mismong kaharian, at magbubunsod sa ikalawang pagparito ni Cristo at sa kahulihan ay mangunguna sa mga natubos na mga tao tungo sa makalangit na Canaan, tungo sa kaharian ng natatanging kaluwalhatian. Ngunit ito ay mawawala sa kanila – ang trahedya sa lahat ng trahedya!
For some tempting mess of pottage they let slip this sovereign privilege! Sadly, they are even now letting it slip away to the Jacob class, the faithful laity, the 144,000 future servants of God (Rev. 7:3; 5:10, Testimonies, Vol. 5, pp. 475, 476).
Ng dahil lamang sa nakahahalinang lutuin ay napabayaan ang natatanging pribilehiyong ito! Nakalulungkot na maging sa kapanahunan ngayon ay napapabayaan ito hanggang sa maagaw ng klase ni Jacob. Ang mga tapat na 144,000 na mga lingkod ng Diyos (Rev. 7:3; 5:10, Testimonies, Vol. 5, pp. 475, 476).
“As Esau awoke to see the folly of his rash exchange when it was too late to recover his loss, so it will be in the day of God with those who have bartered their heirship to heaven for selfish gratifications.” – Patriarchs and Prophets, p. 182. (Read also Testimonies, Vol. 2, pp. 38, 39.)
“At nang makaunawa si Esau sa naging kamangmangan at padalus-dalos niya na ipagpalit ang pagkapanganay ay huli na ang lahat upang mabawi pa, gayundin sa araw ng Diyos para sa mga tao na ipinagpalit ang kanilang pagiging tagapagmana sa kalangitan sa mga pansariling kagustuhan.” – Patriarchs and Prophets, p. 182. (Read also Testimonies, Vol. 2, pp. 38, 39.)
“Brethren,” years ago pleaded the Spirit of Truth with the first-born in warning them of their danger of losing their birth-right, “if you continue to be as idle, as worldly, as selfish as you have been, God will surely pass you by, and take those who are less self-caring, less ambitious for worldly honor, and who will not hesitate to go, as did their Master, without the camp, bearing the reproach. The work will be given to those who will take it, those who prize it, who weave its principles into their every-day experience. God will choose humble men, who are seeking to glorify his name and advance his cause rather than to honor and advance themselves. He will raise up men who have not so much worldly wisdom, but who are connected with him, and who will seek strength and counsel from above.” – Testimonies, Vol. 5, p. 461.
“Mga kapatid,” sa mga nakalipas na taon ay nagsumamo ang Espiritu ng Katotohanan sa mga panganay at nagbigay babala sa panganib na mawala ang pagkapanganay sa kanila, “kung kayo ay magpatuloy sa pagiging tamad, makamundo, makasarili gaya ng dati, ay lalaktawan nga kayo ng Diyos at kukunin yaong mga hindi gaanong mapagpahalaga sa sarili, maambisyon sa makamundong karangalan, at yaong hindi magaalinlangang humayo gaya ng kanilang Panginoon, na walang kampo, at magbabata ng kahihiyan. Ang gawain ay ibibigay sa mga tatanggap nito, magpapahalaga at magkikintal sa prinsipyo sa kanilang araw-araw na karanasan. Pipiliin ng Diyos ang mabababang tao, na nagnanais bigyang luwalhati ang Kaniyang ngalan at isulong ang Kaniyang gawain higit sa karangalan para sa sarili. Siya ay magtataas sa mga taon na walang gaanong katalinuhan sa mundo, ngunit may ugnayan sa Kaniya at maghahangad ng lakas at payo buhat sa itaas.” – Testimonies, Vol. 5, p. 461.
“The call to this great and solemn work was presented to men of learning and position; had these been little in their own eyes, and trusted fully in the Lord, He would have honored them with bearing his standard in triumph to the victory….
“Ang panawagan sa dakila at solemneng gawaing ito ay hinayag sa marurunong at may posisyong mga tao; kung ito ay naging maliit lamang sa kanilang mga paningin, at kung sila ay may buong pagtitiwala sa Diyos, Kaniya sana silang pararangalan sa pagbabata ng kaniyang panuntunan tungo sa tagumpay…
“God will work a work in our day that but few anticipate. He will raise up and exalt among us those who are taught rather by the unction of His Spirit, than by the outward training of scientific institutions.” – Testimonies, Vol. 5, p. 82.
“Ang Diyos ay gagawa ng gawain sa ating kapanahunan na iilan lamang ang umaasam. Kaniyang itataas sa atin yaong mga natuto sa pagtatalaga ng Banal na Espiritu at hindi sa panlabas na pagsasanay sa mga siyentipikong institusyon.” – Testimonies, Vol. 5, p. 82.
“Here [Ezek. 9:5, 6] we see that the church – the Lord’s sanctuary – was the first to feel the stroke of the wrath of God. The ancient men, those to whom God had given great light, and who had stood as guardians of the spiritual interests of the people, had betrayed their trust. They had taken the position that we need not look for miracles and the marked manifestation of God’s power as in former days. Times have changed. These words strengthen their unbelief, and they say, The Lord will not do good, neither will he do evil. He is too merciful to visit his people in judgment. Thus peace and safety is the cry from men who will never again lift up their voice like a trumpet to show God’s people their transgressions and the house of Jacob their sins. These dumb dogs, that would nor bark, are the ones who feel the just vengeance of an offended God. Men, maidens, and little children, all perish together." -- Testimonies, Vol. 5, p. 211.
“Dito sa Ezek 9:5,6, ating makikita na ang iglesia – ang santuario ng Diyos – ang unang makakaranas ng hagupit ng galit ng Diyos. Ang matatandang lalaki na pinagkalooban ng dakilang liwanag at yaong tumayong mga tagapagingat sa espiritwal na interes ng bayan na nagtraydor sa kanilang tiwala. Kanilang pinanghawakan ang posisyon na hindi na natin kailangan pang humanap ng himala o tiyak na pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos gaya noong una. “Na nangagsasabi na ang Diyos ay hindi gagawa ng mabuti ni gagawa man ng masama.” Na Siya ay maawain upang bisitahin ang bayan ng kahatulan. Samakatuwid, ang kapayapaan at kaligtasan ang panawagan ng mga taong hindi na muling maglalakas ng tinig na parang pakakak na maghahayag sa bayan ng kanilang pagsalangsang at sa sangbahayan ni Jacob ng kanilang kasalanan. Ang mga piping asong ito, na hindi kumakahol, ang siyang makararanas ng patas na paghihiganti ng Diyos. Mga lalaki, dalaga at maliliit na bata ay sama-samang mapapahamak.” -- Testimonies, Vol. 5, p. 211.
Now as this numerous-phased typology turns round to its next aspect, Esau and Jacob are seen in a further representation of two sinful classes: Esau, both by the color of his skin and by the significance of his name after it was changed from Esau to Edom; Jacob, by the meaning of his name before it was changed from Jacob to Israel.
Sila Esau at Jacob ay kumakatawan sa dalawang klase ng makasalanan: si Esau, sa kulay ng kaniyang balat at sa kahalagahan ng kaniyang pangalan matapos itong baguhin mula sa Esau tungo sa Edom; si Jacob, sa kabuluhan ng kanyang ngalan bago ito baguhin bilang Israel.
Singularly enough, as was the color of Esau’s skin red, so was the meaning of his new name, Edom. And as he failed to appreciate and cherish the paternal gift, never fulfilling the meaning of his birth name (“he that finishes”), it is seen that his new name, unlike Jacob’s new name, signifies, not advancement, but rather failure to advance, going on unrestrained in his carnal ways – remaining in his inborn, “red,” character. Hence, the class of leaders which he typifies are to lose out, never to finish their God-appointed work, and never to be transformed from sinners to saints! What a loss!
Kapansin-pansin na samantalang pula ang kulay ng balat ni Esau ay ganoon din ang ibig sabihin ng kanyang bagong ngalang Edom. At dahil nabigo siyang pahalagahan ang minanang kaloob, at hindi nagawang gampanan ang kabuluhan ng pangalan ng kaniyang pagkapanganay (“siya na magtatapos”), makikita na ang bagong ngalan niya , taliwas kay Jacob, ay nangangahulugan ng hindi paglago kundi kabiguang sumulong, at kawalan ng kontrol sa kanyang karnal na gawi – pananatili sa kaniyang likas at mapulang karakter. Samakatuwid, ang klase ng mga pinuno na kanyang kinakatawanan ay mabibigo, at hindi magagampanan ang gawaing itinalaga ng Diyos at hindi kailanman mababago mula sa pagiging makasalanan tungo sa pagiging banal! Anong pagkatalo ito!
Not so, though, with the Jacob class. Just as their type, who diligently cared for the sheep, carefully tended to his business, and triumphantly overcame his covetous nature, had his name changed from Jacob (supplanter) to Israel (and overcomer and thus a Prince), so they, too, finally, triumphing over their own carnal nature, have their names changed from Jacobites to Israelites, from supplanters to overcomers, – from servants of self to servants of God, from common Christians in Laodicea to exalted princes on Mt. Zion. Thus in their own right the antitypical Jacobites become antitypical Israelites, by acquisition of the priestly birthright they become finishers of the gospel work and as servants of God they stand on Mt. Zion with the Lamb.
Hindi nga gayon sa klase ni Jacob. Tulad ng kanilang tipo na matiyagang nangangalaga sa mga tupa, maingat niyang ginampanan ang tungkulin at napanagumpayan ang mapagimbot na likas, kung ang ngalan ni Jacob (mapagpanggap) ay binago tungo sa Israel (mananagumpay at Prinsipe), gayon din naman sila, sa pagtatagumpay sa kanilang mga karnal na likas ay mababago ang ngalan mula sa pagiging Jacobites tungo sa pagiging Israelita, mula sa pagiging mapagpanggap tungo sa mananagumpay – mula sa alipin ng sarili tungo sa lingkod ng Diyos, mula sa pagiging pangkaraniwang Kristiyano sa Laodicea tungo sa mga prinsipe na itataas sa bundok ng Sion. Samakatuwid, sa kanilang sariling karapatan ang mga antitypical na Jacobites ay magiging mga antitypical na Israelita, sa pagtanggap sa pagkasaserdote sa pagkapanganay sila ay naging tagapagtapos ng evangelio at lingkod ng Diyos na tatayo sa bundok ng Sion kasama ang Cordero.
So it is seen that both classes, like their types, have their names changed: the Jacob class, because they cherish, as did Jacob an imperishable birthright; the Esau class, because they despise, as did Esau, the imperishable birthright, and cherish the perishable glory of this life. The one has a sharp, correct sense of life’s values; the other, a dull, incorrect sense of them.
At nakikita na ang dalawang klase, tulad ng kani-kanilang mga tipo ay parehong nabago ang ngalan: ang klase ni Jacob, tulad niya kanilang pinahalagahan ang hindi nasisirang pagkapanganay; at ang klase naman ni Esau, sapagka’t gaya niya kanilang hinamak ang halaga ng pagkapanganay at pinili ang nasisirang luwalhati ng buhay. Ang isa ay mayroong matalas at tamang pangunawa sa mahahalaga sa buhay at ang isa naman ay may mapurol at maling pagkaunawa dito.
And though Jacob lacked the natural qualifications for performing the duties of his office, the lack was more than offset by his overwhelming zeal. Regardless, therefore, how much or how little natural talent and acquired training one may have for any position, he will never make a success at it unless he invests in it everything he possesses – throws his whole heart and soul into it. This is one of life’s immutable laws, and it should be remembered by all that it governs prosperity in every field of endeavor whether for believer or unbeliever.
Bagaman hindi taglay ni Jacob ang natural na kwalipikasyon upang gampanan ang tungkulin, ang kakulangan namang ito ay napunan ng napakalaking kasigasigan. Gaano man kalaki o kaliit ang natural na talento at maging ang mga natanggap na pagsasanay para sa posisyon, hindi siya magtatagumpay dito maliban na kaniyang ilaan ang lahat lahat ng mayroon siya – iukol ang buong puso at kaluluwa. Isa ito sa hindi mababagong batas ng buhay na dapat alalahanin ng lahat at siyang gagabay tungo sa kasaganaan sa lahat ng bukirin na may pagsisikap sa mananampalataya man o hindi.
Since one’s loss is always another’s gain, just as Esau’s loss was Jacobs gain, so the dreadful, irreparable, and priceless loss to the Esau class is to be a glorious eternal gain to the Jacob class.
At dahil ang kawalan ng isa ay pakinabang naman sa iba, tulad ng nangyari kila Esau at Jacob, ang kakilakilabot at walang kasinghalagang kawalan sa klase ni Esau ay naging walang hanggang kaluwalhatian naman sa mga klase ni Jacob.
In gnawing remorse over the realization of his inestimable loss, Esau “found no place of repentance, though he sought it carefully with tears.” Heb. 12:17. His fate irrevocably types that which is to overtake all who by their works place themselves in the Esau class.
Sa nakakabahalang pagsisi matapos mapagtanto ni Esau ang kaniyang naging kawalan, ay “wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha.” Heb. 12:17 Ang kaniyang kapalaran ay ang tiyak na tipo na tumutukoy sa magaganap sa lahat ng lalagay sa klase ni Esau base sa kanilang mga gawa.
How is bethel different from Babel? What lesson can we learn about our relationship with God from Jacob’s experience at Bethel versus what happened at Babel?
Ano ang kaibahan ng Betel sa Babel? Anong aral ang matututunan natin ukol sa relasyon sa Diyos buhat sa naging karanasan ni Jacob sa Betel kumpara sa naganap sa Babel?
On the first night of his flight from the murderous wrath of Esau, Jacob, using a stone for a pillow, lay down to rest:
Sa unang gabi ng ginawa niyang pagtakas sa galit ni Esau ay namahinga si Jacob at kumuha ng isang bato at inilagay sa kaniyang ulunan:
“And he dreamed, and behold a ladder set up on the earth, and the top of it reached to heaven: and behold the angels of God ascending and descending on it.” Gen. 28:12.
“At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.” Gen. 28:12.
What does the dream mean? – Being another facet of the same typology, it must necessarily prefigure a note-worthy event to overtake God’s people, the Jacobites.
Ano ang kahulugan ng panaginip na ito? – Bilang bahagi ng parehong tipo, ito ay Nagpapahiwatig ng isang pangyayari na magaganap sa bayan ng Diyos – sa mga Jacobites.
Since the ladder, with one end on the earth and the other in heaven, symbolizes Christ (Patriarchs and Prophets, p. 184), and since the angels walking up and down the ladder are His messengers (The Great Controversy, p. 512), the whole signifies that Christ shall establish through Himself a sure and constant communication between heaven and earth.
Sapagka’t ang hagdan na ang puno ay nasa lupa at ang dulo ay umaabot sa langit ito ay sumisimbulo kay Cristo (Patriarchs and Prophets, p. 184), at dahil ang mga anghel na nagmamanhik manaog dito ay ang Kaniyang mga mensahero (The Great Controversy, p. 512), ang kabuuan nito ay nangangahulugan na si Cristo ay magtatatag sa kanyang sarili ng tiyak at patuloy na ugnayan sa pagitan ng kalangitan at ng kalupaan.
“And it shall come to pass in that day, I will hear saith the Lord, I will hear the heavens, and they shall hear the earth.” Hos. 2:21
“At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y sasagot, sabi ng Panginoon, ako'y sasagot sa langit, at sila'y magsisisagot sa lupa.” Hos. 2:21
How and why does God allow for Laban’s deception? What lessons did Jacob learn?
Paano at bakit ipinahintulot ng Diyos ang panlilinlang ni Laban? Anong aral ang natutunan ni Jacob dito?
“Seven years of faithful service Jacob gave for Rachel, and the years that he served “seemed unto him but a few days, for the love he had to her.” But the selfish and grasping Laban, desiring to retain so valuable a helper, practiced a cruel deception in substituting Leah for Rachel. The fact that Leah herself was a party to the cheat, caused Jacob to feel that he could not love her. His indignant rebuke to Laban was met with the offer of Rachel for another seven years’ service. But the father insisted that Leah should not be discarded, since this would bring disgrace upon the family. Jacob was thus placed in a most painful and trying position; he finally decided to retain Leah and marry Rachel. Rachel was ever the one best loved; but his preference for her excited envy and jealousy, and his life was embittered by the rivalry between the sister-wives.” PP 189.2
“At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel, na pitong taon; at sa kaniya'y naging parang ilang araw, dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya.” Ngunit ang makasariling si Laban sa kanyang pagnanais na mapanatili ang importanteng lingkod na ito ay nagsagawa ng panlilinlang at kaniyang inihalili si Leah kay Raquel. At ang pagiging parte ni Lea sa panlilinlang na ito ay nagdulot upang mahirapan si Jacob na mahalin siya. Sa kaniyang mainit na panunumbat kay Laban ay inalok siya na manatili at magsilbi ng karagdagang pitong taon pa para makuha si Raquel. Ngunit ipinilit ng ama na si Lea ay hindi itakwil sapagka’t ito ay magdudulot ng kahihiyan sa pamilya. Si Jacob ay nailagay sa pinakamasakit at mapanubok na posisyon; at sa huli ay nagdesisyon na panatilihin si Lea at pakasalan si Raquel. Si Raquel ang kaniyang pinakamahal at ang pagtangi niya sa kaniya ay nakahikayat ng inggit at selos at ang kaniyang buhay ay humirap dahil sa hidwaan ng dalawang magkapatid na asawa niya.” PP 189.2
How are we, today, to understand the meaning of what takes place here?
Paano natin mauunawaan sa ngayon ang kahulugan ng mga pangyayaring ito?
Along the chronological path of this numerous-phased typology, we now in thought follow Jacob on to Padan-Aram. There he took unto himself four wives – Leah and Rachel, the daughters of Laban; then Zilpah and Bilhah, their respective maids. These four were the mothers of the twelve sons of Jacob, who in turn were the fathers of the twelve tribes of Israel.
Sa pagsubaybay sa kronolohikal na tipong ito ay ating nasundan ang pagdako ni Jacob sa Padan-Aram. Dito ay nagtaglay siya ng apat na asawa – sila Lea at Raquel na mga anak ni Laban at sila Zilpa at Bilhah na mga alipin. Silang apat ang ina ng labingdalawang anak ni Jacob, na siyang mga ama naman ng labingdalawang tribo ng Israel.
In this type-progression of spiritual Israel, only one of the four, Leah, was Jacob’s legal wife. Only she, therefore, can typify the true and legal church – the one which was organized in Jerusalem by the twelve-tribe kingdom, and which finally evolved into the Christian Church.
Sa tipo ng espiritwal na Israel, tanging isa lamang sa apat, si Lea ang legal na asawa ni Jacob. Siya lamang ang kakatawan sa tunay at legal na iglesia – na itinatag sa Jerusalem ng labingdalawang tribong kaharian na naging Kristiyanong iglesia.
Rachel must necessarily represent a sister church – the one organized in Samaria by the ten-tribe kingdom and dispersed with it among the Gentiles.
Si Raquel ay kakatawan sa kapatid na iglesia – yaong itinatag sa Samaria sa kaharian ng sampung tribo na napangalat sa mg Gentil.
Zilpah and Bilhah, being “strangers” and servants to Leah and Rachel, must necessarily represent subsequent churches of Gentile origin.
Sila Zilpa at Bilha, bilang mga “estranghero” at alipin nila Lea at Raquel ay kakatawan naman sa mga kasunod na iglesia na nagmula sa mga Gentil.
From these four lines descended the antitypical children of Israel. And what is true in the physical genealogy must be true also in the spiritual genealogy. Hence, while the antitypical, like the typical, twelve tribes come through both Israelite and Gentile mothers, yet they are begotten by one and the same father – an Israelite.
Mula sa apat na lahing ito nagmula ang antitypical na anak ni Israel. At ang katotohanan sa pisikal na talaangkanan ay totoo din sa espiritwal na talaangkanan. Kaya naman samantalang ang antitypical, tulad sa typical, na labingdalawang tribo ay lumabas sa Israelita at Gentil na mga ina, ngunit pare-parehong nagmula sa iisang amang Israelita.
Dispersed by God throughout the Gentile nations, both Judah (the two-tribe kingdom) and Israel (the ten-tribe kingdom) were swallowed up by them. Then, too, the Christian Church, herself but an upshoot from the Jewish Church (Christ’s disciples and apostles, as well as the church’s early converts, were purely Jews, remember), dropped her Old Testament title “Jewish” as she took her New Testament title “Christian.” Then she gradually lost her Jewish foliage amid the foliage of the ingrafted Gentile branches.
Dahil ipinangalat sila ng Diyos sa mga gentil na bansa, sila Judah ( ang dalawang tribong kaharian) at ang Israel (ang sampung tribong kaharian) ay nilamon nila. Ang Christian Church ay umusbong mula sa Jewish Church (tandan na ang mga alagad ni Cristo at ang mga unang napagbagong loob nila ay mga pawang Hudyo), at tinanggal niya ang titulo bilang hudyo mula sa lumang tipan at tumanggap ng bagong titulo bilang Kristiyano mula sa bagong tipan. At sa kalaunan ay nawaksi na ang yabong ng pagkahudyo at napalitan ng tuluyan ng mapasanib sa mga sanga ng gentil.
What is happening here, and what kind of reasoning does Jacob use? What is Laban’s response?
Ano ang nagaganap dito at anong pangangatuwiran ang ginamit ni Jacob? Ano ang naging tugon ni Laban?
“Jacob would have left his crafty kinsman long before but for the fear of encountering Esau. Now he felt that he was in danger from the sons of Laban, who, looking upon his wealth as their own, might endeavor to secure it by violence. He was in great perplexity and distress, not knowing which way to turn. But mindful of the gracious Bethel promise, he carried his case to God, and sought direction from Him. In a dream his prayer was answered: “Return unto the land of thy fathers, and to thy kindred; and I will be with thee.” PP 193.1
“Matagal na sanang nilisan ni Jacob ang tusong kamag-anak na ito kung hindi lamang dahil sa takot niya na makaharap si Esau. Ngayon ay nararamdaman niyang nasa panganib siya sa kamay ng mga anak ni Laban na nagiinteres sa kaniyang yaman na maaaring angkinin ito sa pamamagitan ng dahas. Siya ay lubhang naguguluhan at nababalisa, hindi alam kung saan tutungo. At dahil nalalaman niya ang tungkol sa maluwalhating pangako sa Betel ay dumulog siya sa Diyos at humingi ng direksyon mula sa Kanya. Sa panaginip ay tinugon ang kaniyang panalangin: “At sinabi ng Panginoon kay Jacob, Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang, at sa iyong kamaganakan; at ako'y sasaiyo.” PP 193.1
“Laban's absence afforded opportunity for departure. The flocks and herds were speedily gathered and sent forward, and with his wives, children, and servants, Jacob crossed the Euphrates, urging his way toward Gilead, on the borders of Canaan. After three days Laban learned of their flight, and set forth in pursuit, overtaking the company on the seventh day of their journey. He was hot with anger, and bent on forcing them to return, which he doubted not he could do, since his band was much the stronger. The fugitives were indeed in great peril. PP 193.2
“Ang pagliban ni Laban ay nagbigay ng pagkakataon sa kanilang pagalis. Ang mga kawan at pastulin ay mabilisang tinipon at lumakad, kasama ang kaniyang mga asawa, anak, at alipin, si Jacob ay tumawid sa Euphrtes patungo sa direksyon ng Gilead, sa hangganan ng Canaan. “At binalitaan si Laban sa ikatlong araw, na tumakas si Jacob. At ipinagsama niya ang kaniyang mga kapatid, at hinabol niyang pitong araw; at kaniyang inabutan sa bundok ng Gilead. (Gen 31:22,23) Siya ay lubhang nagalit at desidido na pilitin silang bumalik, at ito ay hindi niya pinagdudahan sapaka’t sila ay mas malakas. At ang mga tumakas ay nasa matinding panganib.
“That he did not carry out his hostile purpose was due to the fact that God Himself had interposed for the protection of His servant. “It is in the power of my hand to do you hurt,” said Laban, “but the God of your father spake unto me yesternight, saying, Take thou heed that thou speak not to Jacob either good or bad;” that is, he should not force him to return, or urge him by flattering inducements.” PP 193.3
“Hindi nga niya isinagawa ang masamang layuning ito dahil ang Diyos ay namagitan para sa kaligtasan ng Kaniyang lingkod. “Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama,” sabi ni Laban, “nguni't ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi, na sinasabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man,” kumbaga’y h’wag siyang pilitin o hikayating bumalik.” Gen 31:29; PP 193.3’
After twenty years of faithful service in Padan-Aram, in the sharp, overreaching employ of Laban, his uncle, Jacob at last turned his face and his steps homeward toward his father’s house in the land of promise.
Matapos ang dalawangpung taon ng tapat na paninilbihan sa Padan-Aram, sa ilalim ng matinding pamumuno ni Laban na kaniyang tiyuhin, sa wakas si Jacob ay muling haharap at dadako sa tahanan ng kaniyang ama sa lupang pangako.
But trouble overtook him. While grappling with his fears as to the outcome of his imminent meeting with Esau “there wrestled a man with him until the breaking of the day.” Gen. 32:24
Ngunit ang kabagabagan ay sumapit sa kaniya. Habang inaalala ang takot sa posibleng kahinatnan ng muling pakikipagkita kay Esau “ay nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway.” Gen. 32:24
Here lay down the man Jacob and rose up the man Israel, exemplifying the agonizing experience through which his posterity must victoriously pass before they, too, receive a new name, pass from sons of Jacob to sons of God, become Israelites indeed. Having gained the victory over this test, “the time of Jacob’s trouble,” they will reach home, the land of promise – the happy end of their long and troubled journey.
Dito ay iwinaksi ang lalaking si Jacob at nagbangon ang lalaking si Israel, na naglarawan sa mahihirap na karanasan na pagdadaanan ng kanyang susunod na lahi na kinakailangan panagumpayan bago sila makatanggap ng bagong ngalan, buhat sa pagiging anak ni Jacob tungo sa pagiging anak ng Diyos, bilang mga Israelita. Sa pananagumpay sa pagsusulit na ito, “ang panahon ng kabagabagan ng Jacob,” sila ay makakauwi na sa tahanan, sa lupang pangako – ang masayang wakas sa kanilang mahaba at maligalig na paglalakbay.
On this trying and testing time the Spirit of Prophecy comments: “A decree went forth to slay the saints, which caused them to cry day and night for deliverance. This was the time of Jacob’s trouble” – Early Writings, pp. 36, 37. (See also Patriarchs and Prophets, pp. 202, 203.)
Sa mga mahirap at mapanubok na panahong ito ay nagkomento ang Espirito ng Hula: “At ipinagutos na paslangin ang mga banal, at sila ay tumangis araw at gabi para sa kanilang kaligtasa. Ito ang “panahon ng kabagabagan ng Jacob” – Early Writings, pp. 36, 37. (See also Patriarchs and Prophets, pp. 202, 203.)