“For Christ is not entered into the holy places made with hands, which are the figures of the true; but into heaven itself, now to appear in the presence of God for us:” KJV — Hebrews 9:24
Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin KJV — Hebrews 9:24
“After the Saviour's ascension, the sense of the divine presence, full of love and light, was still with them. It was a personal presence. Jesus, the Saviour, who had walked and talked and prayed with them, who had spoken hope and comfort to their hearts, had, while the message of peace was upon His lips, been taken from them into heaven. As the chariot of angels received Him, His words had come to them, “Lo, I am with you alway, even unto the end.” Matthew 28:20. He had ascended to heaven in the form of humanity. They knew that He was before the throne of God, their Friend and Saviour still; that His sympathies were unchanged; that He would forever be identified with suffering humanity. They knew that He was presenting before God the merit of His blood, showing His wounded hands and feet as a remembrance of the price He had paid for His redeemed ones; and this thought strengthened them to endure reproach for His sake. Their union with Him was stronger now than when He was with them in person. The light and love and power of an indwelling Christ shone out through them, so that men, beholding, marveled.” AA 65.1
“Matapos umakyat ang tagapagligtas sa langit, ang Kaniyang banal na presensya na puno ng pag-ibig at liwanag ay nananatiling sumasakanila. Ito ay ang personal na presensya. Si Jesus na Tagapagligtas na lumakad, kumausap at nanalanging kasama nila, Siya na nagsalita ng pag-asa at kaginhawahan sa kanilang mga puso ay kinuha sa kanila patungo sa langit samantalang ang mensahe ng kapayapaan ay nasa Kanyang mga bibig. Habang ang karwahe ng mga anghel ay sumasalubong sa Kanya ay Kaniyang sinabi, “Ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” Matthew 28:20. Siya ay umakyat sa langit sa porma ng Kanyang katauhan. Alam nilang Siya ay nasa harap ng trono ng Diyos, at Siya’y nananatili nilang kaibigan at Tagapagligtas: at ang Kaniyang simpatya ay hindi nagbago, at habambuhay na makikilala siya sa naging paghihirap ng sanglibutan. Alam nilang Kanyang inilalahad sa Diyos ang merito ng Kanyang dugo, ipinapakita ang mga sugatang kamay bilang paalaala sa naging kabayarang Kanyang binigay para sa kaligtasan ng lahat at ang isiping ito ang nagpapalakas sa kanila upang magsisi para sa Kanya. Ang kanilang samahan ay mas lalong tumatag kaysa noong kasama nila Siya ng personal. Ang pag-ibig at liwanag ng nananahang si Cristo ang lumiliwanag sa kanila kaya naman ang mga tao sa paligig ay namangha.” AA 65.1
When was Christ resurrected?
Kailan nabuhay ng maguli si Cristo?
“Christ arose from the dead as the first fruits of those that slept. He was the antitype of the wave sheaf, and His resurrection took place on the very day when the wave sheaf was to be presented before the Lord…” DA 785.4
“Si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.” Siya ang antitype ng bigkis na inalog at and Kanyang pagkabuhay na maguli ay nangyari sa mismong araw ng ang mga bigkis na inalog ay ihahain sa harap ng Diyos…” DA 785.4
Christ remained in the tomb two nights and rose on Sunday, how then, was the sign of Jonas, Matthew 12:39, 40 fulfilled?
Si Cristo ay nanatili sa loob ng puntod sa loob ng dalawang gabi at bumangon ng Linggo, kung magkagayon paano nga natupad ang senyales ni Jonas sa Matt 12:39,40?
…Jesus was arrested early Thursday morning; tried before Annas while it was yet dark (John 18:13); brought before Caiaphas in the assembly of the Sanhedrin (His legal trial) at daybreak (Matt. 26:57; 27:1); next before Pilate, Friday, before daybreak – about the sixth hour (John 19:14); then before Herod (Luke 23:7); then back to Pilate (Luke 23:11); and finally was crucified in the morning of the same day, about the third hour (Mark 15:25) – 9:00 A.M., modern time.
…Oo, si Jesus ay inaresto kinaumagahan ng Huwebes at dinala kay Annas samantalang madilim pa (John 18:13); dinala sa harap ni Caiaphas sa pagpupulong ng Sanhedrin (ang legal na paglilitis sa Kanya) pagka umaga (Matt. 26:57; 27:1); sunod kay Pilato, Biyernes, bago magumaga – magiikaanim na oras (John 19:14); at sunod kay Herodes (Luke 23:7); tapos muling binalik kay Pilato (Luke 23:11); at sa huli ay ipinako sa krus umaga ng araw ding yaon, sa ikatlong oras (Mark 15:25) – alas nuwebe sa modernong orasan.
This time-record shows that His capture, His trials, and His crucifixion were carefully and cunningly prearranged to take place at night and early morning to prevent any uproar, for “they feared the people.” Luke 20:19.
Ang tala ng mga oras na ito ay naglalahad na ang oras ng Kanyang pagkadakip, paglilitis at pagpako sa krus ay masusi at tusong pinlano upang maganap sa gabi at umagang umaga upang maiwasan ang kaguluhan sapagkat “sila’y nangatatakot sa bayan.” Luke 20:19
He remained in the tomb two nights and rose on Sunday. The three days and three nights is the time from His first legal trial to the time of His resurrection. That the heart of the earth has been erroneously interpreted to mean the grave, when, instead, it is, as Jonah’s experience shows, symbolical of Christ’s imprisonment in the hands of sinners and in the tomb (Matt. 20:19; 16:21; 17:22, 23; 27:63; Luke 9:22; 24:21; 18:33; 24:7; – “Thus it is written, and thus it behoved Christ to suffer, and to rise from the dead the third day.” (Luke 24:46). The sign of the “three days and three nights” literally is fulfilled from Thursday morning, the time of His legal trial, to Sunday morning when He arose. The paschal lamb, which was about to be killed when Jesus was on the cross, was not that which was killed on the first day of the Passover week, the fourteenth day of the month, but that which was killed on the sixteenth day, the second day of the feasts.
Siya ay nanatili sa libingan sa loob ng dalawang gabi at bumangon sa araw ng Linggo. Ang tatlong araw at tatlong gabi ay ang oras buhat sa Kanyang unang legal na paglilitis hanggang sa Kanyang muling pagkabuhay na maguli. Mali ang interpretasyong ang ilalim ng lupa na tinutukyan dito ay libingan; sa halip ito ay simbolikal na tumutukoy buhat sa pagkadakip kay Cristo sa kamay ng mga makasalanan at sa libingan gaya din ng ipinapakita sa karanasan ni Jonah. (Matt. 20:19; 16:21; 17:22, 23; 27:63; Luke 9:22; 24:21; 18:33; 24:7; - “Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;”. (Luke 24:46). Ang tanda ng “tatlong araw at tatlong gabi” ay literal na natupad mula umaga ng Huwebes, sa panahon ng legal na paglilitis sa Kanya, hanggang Linggo ng umaga ng Siya ay magbangong muli. Ang korderong papatayin nang si Jesus ay nasa krus ay hindi yaong pinatay sa unang araw ng Passover, ang ika-labing apat na araw ng buwan, ngunit yaong pinatay sa ika-labing anim, ang ikalawang araw ng kapistahan.
What was the purpose of Christ’s ascension or journey to heaven?
Ano ang layunin ng pagakyat ni Cristo sa langit?
To the throne of Rev. 22:1, 2, which is from everlasting to everlasting, Christ ascended and thereat sat down at the right hand of His Father (Acts 7:56) until the time came when, in fulfillment of Daniel’s prophecy and of John’s revelation, sometime after the little-horn power came into existence, both He and His Father moved to the sanctuary throne. Upon the latter He does not sit as a king at the right hand of God; but rather before it does He stand both as a sacrificial lamb (Rev. 5:6), and as an intercessor (Dan. 7:13) pleading for sinful human beings. Hence, His mediatorial work began---First In The Holy, Then In The Most Holy.
Patungo sa trono sa Rev 22:1,2, na buhat sa walang hanggan tungo sa walang hanggan, si Cristo ay umakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Ama (Acts 7:56) hanggang sa dumating ang oras ng katuparan ng propesiya ni Daniel at ng pahayag ni Juan, makalipas na umiral ang kapangyarihan ng maliit na sungay, si Cristo at ang Ama ay tumungo sa trono sa santuario. Dito ay hindi Siya lumuklok sa kanan ng Ama bilang hari, sa halip Siya ay nagsilbing Cordero (Rev. 5:6), at tagapamagitan (Dan. 7:13) na nagsusumamo para sa makasalanang mga nilalang. At ang Kanyang gawain bilang tagapamagitan ay nagpasimula. – Una sa banal na dako, ikalawa sa kabanalbanalang dako.
In the earthly sanctuary the high priest (typifying Christ) officiated first in the holy apartment throughout the year, then upon the day of Atonement, the day of cleansing the sanctuary and judging the people, he officiated in the Most Holy for one day only. This twofold service signifies that in the heavenly sanctuary, the High priest, Christ, must necessarily first officiate in the holy apartment up to the antitypical day of Atonement, then during that day, He must officiate in the Most Holy apartment, before the throne. Thus, the earthly services, too, repudiate the idea that Christ entered the Most Holy apartment of the heavenly sanctuary immediately after His ascension.
Sa santuario sa lupa, ang dakilang saserdota (ang tipo na kumakatawan kay Cristo) ay gumagawa sa banal na dako sa buong taon at pagsapit ng araw ng pagtubos (o day of atonement), ang araw ng paglilinis sa santuario at paghatol sa bayan, siya ay gumagawa naman sa kabanalbanalang dako sa loob lamang ng isang araw. Ang dalawang bahaging serbisyong ito ay nagpapakita na sa santuario sa langit ang dakilang saserdote na si Cristo ay kinakailangang gumawa muna sa banal na dako hanggang sa sumapit ang antitypical na araw ng pagtubos bago Siya pumasok sa kabanalbanalang dako sa harap ng trono. Samakatuwid, ang serbisyo sa lupa ay tumatanggi sa ideya na si Cristo ay agarang pumasok sa kabanalbanalang dako matapos ang Kanyang pag-akyat sa langit.
What was the experience of Israel at Mount Sinai?
Ano ang naging karanasan ng Israel sa bundok Sinai?
“On the morning of the third day, as the eyes of all the people were turned toward the mount, its summit was covered with a thick cloud, which grew more black and dense, sweeping downward until the entire mountain was wrapped in darkness and awful mystery. Then a sound as of a trumpet was heard, summoning the people to meet with God; and Moses led them forth to the base of the mountain. From the thick darkness flashed vivid lightnings, while peals of thunder echoed and re-echoed among the surrounding heights. “And Mount Sinai was altogether on a smoke, because the Lord descended upon it in fire: and the smoke thereof ascended as the smoke of a furnace, and the whole mount quaked greatly.” “The glory of the Lord was like devouring fire on the top of the mount” in the sight of the assembled multitude. And “the voice of the trumpet sounded long, and waxed louder and louder.” So terrible were the tokens of Jehovah's presence that the hosts of Israel shook with fear, and fell upon their faces before the Lord. Even Moses exclaimed, “I exceedingly fear and quake.” Hebrews 12:21. PP 304.2
“Sa kinaumagahan ng ikatlong araw, ang mata ng lahat ng mga tao ay natuon sa bundok, at tuktok nito ay nababalot ng makapal na ulap na padilim ng padilim, hangang sa ito ay kumalat hanggang sa ang buong bundok ay nabalot sa kadiliman at kakila-kilabot na misteryo. At ang tunog ng pakakak ay narinig at umaanyaya sa mga tao na makipagkita sa Diyos; at pinangunahan sila ni Moses tungo sa paanan ng bundok. Buhat sa makapal na kadiliman ay sumilay ang malinaw na kidlat samantalang ang kulog naman ay patuloy na umaalingawngaw sa kapaligiran. At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy: at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, at ang buong bundok ay umuugang mainam.” Exo 19:18. “Ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel”. “At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak.” Terible ang mga tanda ng presensya ni Jehovah na ang buong Israel ay nanginig sa takot at nagpatirapa. “At totoong kakilakilabot ang napanood, ano pa't sinabi ni Moises, Ako'y totoong nasisindak at nanginginig.” Hebrews 12:21. PP 304.2
“And now the thunders ceased; the trumpet was no longer heard; the earth was still. There was a period of solemn silence, and then the voice of God was heard. Speaking out of the thick darkness that enshrouded Him, as He stood upon the mount, surrounded by a retinue of angels, the Lord made known His law. Moses, describing the scene, says: “The Lord came from Sinai, and rose up from Seir unto them; He shined forth from Mount Paran, and He came with ten thousands of saints: from His right hand went a fiery law for them. Yea, He loved the people; all His saints are in Thy hand: and they sat down at Thy feet; every one shall receive of Thy words.” Deuteronomy 33:2, 3.” PP 304.3
“At ang mga kulog ay huminto; ang pakakak ay hindi na din nadinig; ang buong kalupaan ay nanatili. Nabalot ng solemneng katahimikan ang lahat at ang tinig ng Diyos ay narinig. Nagsasalita buhat sa kadilimang bumabalot sa Kanya at Siya ay tumayo sa bundok na napalilubutan ng laksalaksang anghel at dito ibinigay ng Diyos ang Kanyang kautusan. Inilarawan ni Moses ang pangyayaring ito at “kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai, At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila; Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran, At siya'y nanggaling sa laksa-laksa ng mga banal: Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.” Oo't kaniyang iniibig ang bayan: Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay: At sila'y umupo sa iyong paanan; Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita Deuteronomy 33:2, 3.” PP 304.3
“The people of Israel were overwhelmed with terror. The awful power of God's utterances seemed more than their trembling hearts could bear. For as God's great rule of right was presented before them, they realized as never before the offensive character of sin, and their own guilt in the sight of a holy God. They shrank away from the mountain in fear and awe. The multitude cried out to Moses, “Speak thou with us, and we will hear: but let not God speak with us, lest we die.” The leader answered, “Fear not: for God is come to prove you, and that His fear may be before your faces, that ye sin not.” The people, however, remained at a distance, gazing in terror upon the scene, while Moses ‘drew near unto the thick darkness where God was.’” PP 309.7
Ang bayan ng Israel ay napuno ng takot. Ang kakilakilabot na kapangyarihan ng mga salitang binigkas ng Diyos ay tila higit kaysa sa kayang batain ng kanilang mga puso. Dahil inilahad ng Diyos ang dakilang alituntunin ng katuwiran ay kanilang naunawaan higit kailanman kung gaano kasama ang kasalanan at nakita ang naging pagkakasala nila sa harap ng banal na Diyos. Sila ay lumayo sa bundok ng may takot at kilabot. “At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay. At ang namumuno ay sumagot, “Huwag kayong matakot: sapagka't ang Dios ay naparito upang subukin kayo, at upang ang takot sa kaniya ay sumainyo, upang huwag kayong magkasala”. At ang bayan ay tumayo sa malayo at tumingin ng may takot sa mga kaganapan; at si Moises ay lumapit sa salimuot ng kadiliman na kinaroroonan ng Diyos”. PP 309.7, Exo 10:19-21
What warning do we have in the above passages?
Anong mga babala ang binabanggit sa mga talata sa itaas?
“But soon afterward a sudden and terrible calamity fell upon the family of the high priest. At the hour of worship, as the prayers and praise of the people were ascending to God, two of the sons of Aaron took each his censer and burned fragrant incense thereon, to rise as a sweet odor before the Lord. But they transgressed His command by the use of “strange fire.” For burning the incense they took common instead of the sacred fire which God Himself had kindled, and which He had commanded to be used for this purpose. For this sin a fire went out from the Lord and devoured them in the sight of the people. PP 359.2
“At matapos nito ay dumating ang bigla at teribleng kalamidad sa buong sangbahayan ng dakilang saserdote. Sa oras ng pagsamba, habang ang mga dalangin at papuri ng bayan ay umaakyat sa Ama, ang dalawang anak ni Aaron ay kumuha ng kanikaniyang suuban at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, upang maghandog ng mabangong samyo sa Diyos. Ngunit sila’y nakasaway sa utos ng Diyos sa paggamit ng apoy na hindi iniutos niya sa kanila. Para magsindi ng kamangyan ay gumamit sila ng karaniwang apoy sa halip na banal na apoy na mismong ang Diyos ang nagningas na Kaniya ding ipinagutos. At dahil sa salang ito ay may lumabas na apoy sa harap ng Panginoon, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng bayan. PP 359.2
“Next to Moses and Aaron, Nadab and Abihu had stood highest in Israel. They had been especially honored by the Lord, having been permitted with the seventy elders to behold His glory in the mount. But their transgression was not therefore to be excused or lightly regarded. All this rendered their sin more grievous. Because men have received great light, because they have, like the princes of Israel, ascended to the mount, and been privileged to have communion with God, and to dwell in the light of His glory, let them not flatter themselves that they can afterward sin with impunity, that because they have been thus honored, God will not be strict to punish their iniquity. This is a fatal deception. The great light and privileges bestowed require returns of virtue and holiness corresponding to the light given. Anything short of this, God cannot accept. Great blessings or privileges should never lull to security or carelessness. They should never give license to sin or cause the recipients to feel that God will not be exact with them. All the advantages which God has given are His means to throw ardor into the spirit, zeal into effort, and vigor into the carrying out of His holy will. PP 359.3
Pangalawa kila Moses at Aaron, si Nadab at Abihu ang tumatayong pinakamataas sa Israel. Sila ay tinangi at binigyang parangal ng Diyos, at pinayagang makasaksi sa luwalhati Niya sa bundok kasama ang pitumpung matatanda. Ngunit ang kanilang pagsalangsang ay hindi maaring palampasin. Dahil dito ay lalong matindi ang kanilang kasalanan. Sapagkat ang mga tao na nakatanggap ng dakilang liwanag gaya ng mga prinsipe sa Israel, umakyat sa bundok at nagkaroon ng pribilehiyo na makipagugnayan sa Diyos at manahan sa liwanag ng Kanyang kaluwalhatian , ay hindi nararapat isipin sa kanilang sarili na sapagkat sila’y tinatangi ng Diyos ay hindi Niya sila paparusahang mainam kapag sila ay nagkasala. Ito ay nakamamatay na maling akala. Ang dakilang liwanag at mga pribilehiyo na pinagkakaloob ay may kinakailangang kapalit na kabutihan at kabanalan sangayon sa liwanag na natanggap. Anumang bagay na nagkukulang dito ay hindi katanggaptanggap sa Diyos. Ang mga pagpapala at pribilehiyo ay hindi nararapat na magdulot ng kapabayaan at kakampantehan. Hindi nila dapat bigyang permiso ang kasalanan o magdulot man sa iba na na isiping ang Diyos ay hindi magiging mahigpit sa kanila. Ang lahat ng bentahe na binibigay ng Diyos ay Kanyang paraan upang magbigay sigasig sa espiritu at sigla sa pagtupad sa Kanyang banal na kalooban. PP 359.3
“Nadab and Abihu had not in their youth been trained to habits of self-control. The father's yielding disposition, his lack of firmness for right, had led him to neglect the discipline of his children. His sons had been permitted to follow inclination. Habits of self-indulgence, long cherished, obtained a hold upon them which even the responsibility of the most sacred office had not power to break. They had not been taught to respect the authority of their father, and they did not realize the necessity of exact obedience to the requirements of God. Aaron's mistaken indulgence of his sons prepared them to become the subjects of the divine judgments.” PP 360.1
Si Nadab at Abihu ay hindi nakapagsanay sa pagtitimpi sa kanilang sarili buhat pagkabata. Ang mapagpaubayang disposisyon ng ama, ang kakulangan sa pagiging mahigpit ukol sa bagay na matuwid ang naging dahilan upang hindi niya lubusang madisiplina ang kanyang mga anak. Ang mga anak na nahayaang magpahinuhod sa kanilang mga hilig. Ang nakaugaliang pagsunod sa sariling kagustuhan sa matagal na panahon ang gumapos sa kanila, at maging ang tungkulin sa pinakabanal na paglilingkod ay hindi nakayanang putulin ito. Sila ay hindi naturuang rumespeto sa awtoridad ng kanilang ama at hindi nila naunawaang maigi ang kahalagahan ng lubusang pagsunod sa utos ng Diyos. Ang pagkukulang ni Aaron ang naghanda sa kanyang mga anak na mapasailalim sa banal na paghuhukom.” PP 360.1
When will the new covenant go into effect?
Kailan magaganap ang bagong tipan?
Jeremiah 31:31-33 – “Behold, the days come, saith the Lord, that I will make a new covenant with the house of Israel, and with the house of Judah: not according to the covenant that I made with their fathers in the day that I took them by the hand to bring them out of the land of Egypt; which My covenant they brake, although I was an husband unto them, saith the Lord: but this shall be the covenant that I will make with the house of Israel; After those days, saith the Lord, I will put My law in their inward parts, and write it in their hearts; and will be their God, and they shall be My people.”
Jeremiah 31:31-33 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;
This new covenant, you see, is to go into effect in the gathering time. Then shall all God’s people know the difference between good and evil. Thus, shall they know what is the Lord’s will and way. And thus, shall they be able to perform the good and to shun the evil. They shall naturally and gladly incline to do good, just as they now incline to do evil.
Inyong nakikita na ang bagong tipan ay magaganap sa panahon ng pagtitipon o gathering. At doon ay malalaman ng bayan ng Diyos ang kaibahan ng mabuti at masama. At kanila ding malalaman ang kalooban at daan ng Diyos. Kung magkagayon, sila’y makagagawa ng mabuti at makalalayo sa masama. Sila ay magagalak at magkakaroon ng likas na pagnanais na gumawa ng mabuti kung paanong sila’y likas na nakagagawa ng masama sa kasalukuyan.
Jeremiah 31:34 – “And they shall teach no more every man his neighbour, and every man his brother, saying, Know the Lord: for they shall all know Me, from the least of them unto the greatest of them, saith the Lord: for I will forgive their iniquity, and I will remember their sin no more.”
Jeremiah 31:34 – At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.
Note that the sinners and those who are ignorant of God shall no longer be among God’s people. Certainly, a change is coming. The present state of affairs will not long continue, the sinners will be put away forever. And how glad we ought to be that if we now repent, our sins will be forgiven and forgotten, and that no one will ever remind us of them!
Pansinin na ang makasalanan at yaong mga hindi nakakikilala sa Diyos ay hindi na mapapabilang sa bayan ng Diyos. Tiyak na may pagbabagong dadating. Ang mga presenteng kalalagayan ng mga bagay ay malapit ng mahinto, ang mga makasalanan ay tuluyan ng malilipol habambuhay. At anong kagalakan sa atin na kung tayo ay magsisi, ang ating mga kasalanan ay mapapatawad at makakalimutan na at wala ng sinuman ang aalala dito!
When was Christ work of redemption completed?
Kailan nagtapos ang gawaing pagliligtas ni Cristo?
“All heaven was waiting to welcome the Saviour to the celestial courts. As He ascended, He led the way, and the multitude of captives set free at His resurrection followed...” DA 833.2
“Ang buong langit ay naghihintay sa maligayang pagdating ng Tagapagligtas sa makalangit na hukuman. Nang umakyat siya sa itaas, Kanyang pinangunahan ang daan at nagbigay laya sa maraming bihag ng Siya ay nabuhay na maguli…” DA 833.2
“…He enters into the presence of His Father. He points to His wounded head, the pierced side, the marred feet; He lifts His hands, bearing the print of nails. He points to the tokens of His triumph; He presents to God the wave sheaf, those raised with Him as representatives of that great multitude who shall come forth from the grave at His second coming…He addressed the Father…I have done Thy will, O My God. I have completed the work of redemption. If Thy justice is satisfied, “I will that they also, whom Thou hast given Me, be with Me where I am.” John 19:30; 17:24. DA 834.2
“…Nang Siya ay pumasok sa presensya ng Ama. Kanyang itinuro ang sugatan Niyang ulo, ang tinusok na tagiliran, ang sugatang mga paa; Kanyang itinaas ang Kanyang kamay, na may bakat ng mga pako. Kanyang tinuro ang tanda ng Kanyang pagtatagumpay; Kanyang ibinigay sa Diyos ang bigkis na inalog (wave sheaf), yaong mga nagbangong kasama Niya na kumakatawan sa lubhang karamihan na magbabangon sa mga libingan sa Kanyang ikalawang pagparito…at sinabi sa Ama… Aking natupad ang Iyong kalooban, O aking Diyos. Aking naganap ang gawain ng pagtubos. Kung ang Iyong hustisya ay naganap , “Yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon.” John 19:30; 17:24. DA 834.2
“The voice of God is heard proclaiming that justice is satisfied. Satan is vanquished. Christ's toiling, struggling ones on earth are “accepted in the Beloved.” Ephesians 1:6…” DA 834.3
“Ang tinig ng Diyos ay narinig na naghahayag na ang hustisya ay nabigyang kaganapan. Si Satanas ay natalo na. Ang gawain ni Cristo, ang mga naghihirap sa mundo ay sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal. Ephesians 1:6…” DA 834.3
What Typifies the day of final ingathering?
Ano ang tipo ng araw ng huling pagtitipon?
“The Feast of Tabernacles was not only commemorative but typical. It not only pointed back to the wilderness sojourn, but, as the feast of harvest, it celebrated the ingathering of the fruits of the earth, and pointed forward to the great day of final ingathering, when the Lord of the harvest shall send forth His reapers to gather the tares together in bundles for the fire, and to gather the wheat into His garner. At that time the wicked will all be destroyed…” PP 541.2
“Ang Kapistahan ng Tabernakulo ay hindi lamang alaala ngunit may tipo din na tinutukuyan. Hindi lamang ito ukol sa naging paglalakabay sa ilang, ngunit, gaya ng pista ng pagaani, ito rin ay nagdiriwang sa pagtitipon ng unang bunga ng lupa at tumuturo sa dakilang araw ng pinal na pagtitipon kung kailan ang Diyos ng pagaani ay magpapadala ng mga tagaani upang tipunin ang mga pangsirang damo na bibigkisin upang sunugin at tipunin naman ang trigo sa Kanyang bangan. Sa panahong yaon ang mga makasalanan ay mawawasak…” PP 541.2
“I looked,” exclaimed the Revelator about 96 A.D., upon being shown the throne in the sanctuary, “and behold, a door was opened in heaven: and the first voice which I heard was as it were of a trumpet talking with me; which said, Come up hither, and I will shew thee things which must be hereafter.
“And immediately I was in the Spirit, and, behold, a throne was set in heaven, and One sat on the throne. And He that sat was to look upon like a jasper and a sardine stone: and there was a rainbow round about the throne, in sight like unto an emerald. And round about the throne were four and twenty seats: and upon the seats I saw four and twenty elders sitting, clothed in white raiment; and they had on their heads crowns of gold. And out of the throne proceeded lightnings and thunderings and voices: and there were seven lamps of fire burning before the throne, which are the seven Spirits of God. And before the throne there was a sea of glass like unto crystal: and in the midst of the throne, and round about the throne, were four beasts full of eyes before and behind.”
“And I beheld, and, lo, in the midst of the throne and of the four beasts, and in the midst of the elders, stood a Lamb as it had been slain, having seven horns and seven eyes, which are the seven Spirits of God sent forth into all the earth….And I beheld, and I heard the voice of many angels round about the throne and the beasts and the elders: and the number of them was ten thousand times ten thousand, and thousands of thousands.” Rev. 4:1-6; 5:6, 11.
“Tumingin ako”, sabi ng tagapagpahayag ukol sa 96 AD, ng ipakita ang trono sa santuario, “at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin. Pagdaka'y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo; At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda. At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu't apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto. At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios; At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran. “At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa… At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo”. Rev. 4:1-6; 5:6, 11
Here is brought to view a twofold scene. On the one hand, before the throne are the “seven lamps burning” and the “Lamb as it had been slain,” showing that the throne was “set” there to serve in time of probation. The light from the candlestick represents the light of truth in the church while the blood of the Lamb is atoning for sinful beings. On the other hand, upon the throne sits the Ancient of days, the Judge, surrounded by the jury of twenty-four elders plus the angelic witnesses, “ten thousand times ten thousand, and thousands of thousands” of them, plus the four beasts (who, being “redeemed” “out of every kindred, and tongue, and people, and nation” – Rev. 5:8, 9, – are therefore symbolical of the saints,– all those whose sins will be blotted from the books of records, – just as the beasts of Daniel 7 are symbolical of all the kingdoms which will perish in their sins), with the Lamb, our Advocate, in the midst. All this shows a combined mediatorial-judicial work.
Dito ipinapakita ang dalawang bahagi ng pangyayari. Sa isang banda, sa harapan ng trono ay may “pitong ilawang apoy na mga nagliliyab” at “isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay”, na naglalahad na ang trono ay nalagda upang magsilbi sa panahon ng probasyon. Ang liwanag buhat sa kandelero ay kumakatawan sa liwanag ng katotohanan sa iglesia at ang dugo ng Cordero ang tumutubos sa mga makasalanan. Sa kabilang banda naman, sa trono ay nakaupo ang isa na matanda sa mga araw, and Hukom, na napalilibutan ng dalawangpu’t apat na matanda at maraming mga anghel, “sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo”, at apat na nilalang na buhay (na naligtas mula sa bawat angkan, mga wika at bansa” - Rev 5:8, 9 na sumisimbolo sa mga banal - yaong ang mga kasalanan ay binura na sa aklat, - gaya ng ang mga hayop sa Daniel 7 ay simbolikal sa lahat ng kaharian na mapaparam sa kanilang kasalanan), at ang Cordero, ang ating Tagapamagitan, sa kalagitnaan. Ang lahat ng ito ay naglalahad sa pinagsanib na (mediatorial-judicial) na gawain.
Now so far, we see that when John in vision beheld the door – the veil – as it opened to the Most Holy apartment of the heavenly sanctuary, he was permitted to look within, and that the things which he saw, were to take place “hereafter” from his time; showing thereby that at the time of his vision (about 96 A.D.) the Most Holy apartment was closed. In addition to this, we shall now see from Daniel’s prophecy that the judgment throne was set up in the Most Holy apartment of the heavenly sanctuary after the “little horn” of Daniel 7 came up.
Ngayon ay nalaman natin na sa pangitain ni Juan ay nakita niya ang isang pinto – ang tabing – na bumukas tungo sa kabanalbanalang dako ng santuario sa langit, at siya ay pinayagang tumingin doon, at ang lahat ng mga bagay na kanyang nakita ay magaganap sa “hinaharap”, na nagmumungkahi na sa panahon ng kanyang pangitain (96 AD) ang kabanalbanalang dako ay sarado pa. Bilang karagdagan, makikita natin sa propesiya ni Daniel na ang trono ng kahatulan ay nalagda sa kabanalbanalang dako sa santuario sa langit matapos lumitaw ang “maliit na sungay” ng Daniel 7.
“I considered the horns,” says the seer, “and, behold, there came up among them another little horn, before whom there were three of the first horns plucked up by the roots: and, behold, in this horn were eyes like the eyes of man, and a mouth speaking great things. I beheld till the thrones were cast down, and the Ancient of days did sit Whose garment was white as snow, and the hair of His head like the pure wool: His throne was like the fiery flame, and His wheels as burning fire. A fiery stream issued and came forth from before Him: thousand thousands ministered unto Him and ten thousand times ten thousand stood before Him: the judgment was set, and the books were opened.” Dan. 7:8-10.
“Aking pinagdilidili ang mga sungay”, sabi ng tagakita, “At, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao, at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay. Aking minasdan hanggang sa ang mga luklukan ay nangaglagay, at isa na matanda sa mga araw ay nakaupo: ang kaniyang suot, maputing parang niebe, at ang buhok ng kaniyang ulo ay parang taganas na lana; ang kaniyang luklukan ay mga liab na apoy, at ang mga gulong niyaon ay nagniningas na apoy. Isang mabangis na sigalbo ay lumabas at nagmula sa harap niya: mga libo libo ang naglilingkod sa kaniya, at makasangpung libo na sangpung libo ang nagsitayo sa harap niya: ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.” Dan. 7:8-10.
These verses reveal that after “the judgment was set, and the books were opened,” “the Son of man,” Christ, was then “brought” to a position, not at “the right hand of God,” “the Ancient of days,” but “near before” Him (Dan. 7:8-10, 13).
Both John’s and Daniel’s visions reveal that the throne in the sanctuary was not there from the beginning of the creation of God; or from the days of Moses; or yet from the hour that Christ ascended on high; or even from the days of pagan Rome; that, indeed, it was not “set up” until after the fall of pagan Rome, when the “little horn” of the non-descript beast came up – in the days of Ecclesiastical Rome (Dan. 7:7-12, 21, 22). Elsewhere than in the sanctuary, therefore, is---God’s Eternal Throne Room.
Inihahayag ng mga talatang ito na matapos na ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan,” ang “Anak ng tao”, ang Cristo, ay inilapit, hindi sa kanan ng Ama, “ang isa na matanda sa mga araw”, ngunit nilapit Siya sa harap Niya (Dan. 7:8-10, 13). Ngunit ang pangitain nila Juan at Daniel ay naghahayag na ang trono sa santuario ay wala doon sa pasimula ng paglalang ng Diyos, o buhat sa araw ni Moses, o maging noong umakyat si Cristo sa langit, o maging sa panahon ng paganong Romano; tunay nga na ito ay hindi naitatag lamang matapos na bumagsak ang paganong Roma at ang “maliit na sungay” ng kaibang hayop ay lumitaw – sa panahon ng Ecclesiastical Rome (Dan. 7:7-12, 21, 22). Walang iba kundi sa santuario naroroon ang walang hanggang trono ng Diyos.
Because the sanctuary throne was not in existence in the days of the early Christian church, therefore the throne upon which Stephen saw Christ at the “right hand of God” (Acts 7:56) could not have been in the sanctuary, wherein is the “sea of glass,” but rather in Paradise, whence flows the “river of water of life,” and on either side of which is “the tree of life.” Rev. 22:1, 2. Very obviously, therefore, the throne which Stephen saw is “the throne of God and of the Lamb,” the throne permanent and eternal. Round about this glory-seat are no beasts, no witnesses, no jury, and before it is “no candle,” and no blood to be offered. In short, it stands, not in the sin-laden sanctuary, but in Paradise. It is the sovereign administrative throne, from which the Infinite eternally governs His immortal sinless beings!
Sapagkat ang trono sa santuario ay hindi pa umiiral sa panahon ng sinaunang iglesiang Kristyano, ang trono na nakita ni Esteban kung saan ang Cristo ay naluklok sa kanan ng Ama (Acts 7:56) ay hindi maaring sa santuario, kung saan naroroon ang isang dagat na bubog, kundi sa Paraiso, kung saan umaagos “ang isang ilog na buhay” at sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay.” Rev. 22:1, 2 Malinaw na ang trono na nakita ni Esteban ay ang “trono ng Diyos at ng Cordero”, ang permanente at walang hanggang trono. Sa palibot ng maluwalhating luklukan na ito ay walang nilalang na buhay, walang saksi, walang hukom at sa harap nito ay “walang kandila”, at walang dugo na iaalay. Sa madaling sabi, ito ay nakatayo, hindi sa santuario na pinapasanan ng kasalanan ngunit sa Paraiso.
To this throne, then, which is from everlasting to everlasting, Christ ascended and thereat sat down at the right hand of His Father until the time came when, in fulfillment of Daniel’s prophecy and of John’s revelation, sometime after the little-horn power came into existence, both He and His Father moved to the sanctuary throne. Upon the latter He does not sit as a king at the right hand of God; but rather before it does He stand both as a sacrificial lamb (Rev. 5:6), and as an intercessor (Dan. 7:13) pleading for sinful human beings. Hence, His mediatorial work began---First In The Holy, Then In The Most Holy.
Patungo sa trono na buhat sa walang hanggan tungo sa walang hanggan, si Cristo ay umakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Ama (Acts 7:56) hanggang sa dumating ang oras ng katuparan ng propesiya ni Daniel at ng pahayag ni Juan, makalipas na umiral ang kapangyarihan ng maliit na sungay, si Cristo at ang Ama ay tumungo sa trono sa santuario. Dito ay hindi Siya lumuklok sa kanan ng Ama bilang hari, sa halip Siya ay nagsilbing Cordero (Rev. 5:6), at tagapamagitan (Dan. 7:13) na nagsusumamo para sa makasalanang mga nilalang. At ang Kanyang gawain bilang tagapamagitan ay nagpasimula. – Una sa banal na dako, ikalawa sa kabanalbanalang dako.