Jesus, the Anchor of the Soul

Lesson 7, 1st Quarter Feb. 5-11, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Likyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram

Sabbath Afternoon - February 5

Memory Text:

“Which hope we have as an anchor of the soul, both sure and stedfast, and which entereth into that within the veil; Whither the forerunner is for us entered, even Jesus, made an high priest for ever after the order of Melchisedec. KJV — Hebrews 6:19, 20

Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing; Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. Hebrews 6:19, 20


The believer of Christ is expected to grow in their understanding and experience of the gospel:

Ang mga sumasampalataya kay Kristo ay nararapat na lumago sa kanilang pagkaunawa at karanasan ukol sa ebanghelyo: 

At the time one is converted (born again) to Christ, he is but a babe in the Christian life, and needs for the time being to be fed, as a new born babe, on the “sincere milk of the Word,” that he “may grow thereby.” 1 Pet. 2:2.

Sa panahong ang sinuman ay makumbertido (mapanganak na maguli) kay Kristo, siya ay tinuturing na parang sanggol sa Kristyanong pamumuhay na kinakailangang pakainin pansamantala, gaya ng mga sanggol na bagong panganak na nasa “gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang siya’y lumago sa ikaliligtas.” 1 Pet. 2:2. 

Through the apostle Paul, Inspiration interprets this milk to be “the first principles of the oracles of God.” Heb. 5:12. And through Isaiah, It asks: “Whom shall He teach knowledge? and whom shall He make to understand doctrine?” Then, answering Its own questions, It declares: “Them that are weaned from the milk, and drawn from the breasts.” Isa. 28:9.

Sa pamamagitan ni apostol Pablo ay ipinabatid ng Inspirasayon na ang gatas na tinutukoy dito ay ang “mga unang simulain ng aral ng Dios” Heb. 5:12. At sa pamamagitan naman ni Isaias ay ang katanungang: Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? At kalaunay nagbigay sagot din dito - silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso Isa. 28:9

The church collectively, born in the first century A.D., is today about to pass from her childhood and be fed “strong meat” so as to empower her to choose the good and refuse the evil. “For every one that useth milk,” Inspiration declares, “is unskillful in the Word of righteousness: for he is a babe. But strong meat belongeth to them that are of full age, even those who by reason of use have their senses exercised to discern both good and evil.” Heb. 5:13, 14. Obviously, as time progresses, so the Truth and the Christian advance commensurately with it.

Ang iglesia na ipinanganak sa unang siglo A.D. ay lilipas na sa kaniyang kabataan sa ngayon at kakain na ng “matitigas na pagkain” upang siya’y mapalakas at makapili sa mabuti at makatanggi sa kasamaan. Ang sabi ng Inspirasyon : Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol. Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama. Heb. 5:13, Samakatuwid, ang katotohanan ay lumalago sa pagdaan ng panahon at ang Kristyano ay umuusad din kasabay nito. 

Sunday - February 6

Tasting the Goodness of the Word

Hebrews 6:4, 5

How it is impossible to get forgiveness of sins, and to be re-established in God's sight and be saved if we go back into the world as exampled in Heb. 6:4-6?

Gaano kaimposible na makatanggap ng kapatawaran sa kasalanan at muling matatag sa harap ng Diyos at maligtas kung tayo ay babalik muli sa mundo gaya ng nasasaad sa Heb 6:4-6?

Paul explains that those who live not the principles of the doctrine of Christ, and who do not "go on to perfection," but who lay "again, the foundation of repentance from dead works and of faith toward God, of the doctrine of baptisms and of the laying on of hands, and of resurrection of the dead, and of eternal judgment....who were once enlightened, and have tasted of the heavenly gift, and were made partakers of the Holy Ghost, and have tasted the good word of God, and the powers of the world to come, if they shall fall away," "it is impossible" "to renew them again unto repentance; seeing they crucify to themselves the Son of God afresh, and put Him to an open shame." (Heb. 6:1 through 6.)

Ipinaliwanag ni Pablo na sinuman ang hindi namumuhay sangayon sa prinsipyo ng doktrina ni Kristo at “hindi nagpapatuloy sa kasakdalan” at sa halip ay “sumasalig ang pagsisisi sa mga patay na gawa at pananampalataya sa Diyos, ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan… sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, at saka nahiwalay sa Dios ay “imposible” na mabago silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan. (Heb. 6:1-6)

Paul's language, as above quoted, is plain that those who have been enlightened in all things, but do not live the principles of the doctrines, are laying a foundation to go back to the world, and if they should thus fall, it would be impossible for the gospel of Christ to renew their conversion.

Ang mga salita ni Pablo na nasasaad sa itaas ay malinaw nagsasabi na ang sinuman na naliwanagan sa lahat ng bagay at hindi namuhay sangayon sa prinsipyo ng doktrina ay naglalagay ng saligan pabalik sa mundo at kung sila’y mahiwalay ay magiging imposible na sa ebanghelyo ni Kristo na mabago silang muli sa pagsisisi. 

To make reservation for sin, is as it were to dig your own eternal grave.

Ang paggawa ng kasalanan ay parang paghuhukay sa iyong sariling panghabambuhay na libingan. 

Monday - February 7

Impossible to Restore

Hebrews 6:4-6, Matthew 16:24, Romans 6:6, Galatians 2:20; 5:24; 6:14

How it is impossible to restore those who once tasted the goodness of salvation?

Gaano kaimposible na mapanumbalik muli yaong mga minsan nang nakalasap ng kabutihan ng kaligtasan?

 “Experience is knowledge derived from experiment. Experimental religion is what is needed now. “Taste and see that the Lord is good.” Some—yes, a large number—have a theoretical knowledge of religious truth, but have never felt the renewing power of divine grace upon their own hearts. These persons are ever slow to heed the testimonies of warning, reproof, and instruction indited by the Holy Spirit. They believe in the wrath of God, but put forth no earnest efforts to escape it. They believe in heaven, but make no sacrifice to obtain it. They believe in the value of the soul and that erelong its redemption ceaseth forever. Yet they neglect the most precious opportunities to make their peace with God. 5T 221.3

Ang karanasan ay kaalaman hango sa pagekspirimento. Ang eksperimental na relihiyon ang kinakailangan natin ngayon. “Inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti”. May ilan –oo, malaking bilang ang may kaalamang teoretikal ukol sa katotohanang pangrelihiyon ngunit ni minsan ay hindi nakaranas ng pagbabago sa pamamagitan ng banal na biyaya sa kanilang mga puso. Ang mga taong ito ay makupad sa pagdinig sa mga testimonya ng babala, sa pagsaway at sa ikatututo na dinidikta ng Banal na Espritu. Naniniwala sila sa galit ng Diyos ngunit hindi naman nagsusumikap na matakasan ito. Naniniwala sila sa langit ngunit hindi nagsasakripisyo para makamit ito. Naniniwala sila sa kahalagahan ng kaluluwa at ang katubusan nito ay hindi matatawaran kailanman (Psalms 49:8). Gayunpaman ay kanilang winawalang bahala ang mga mahahalagang pagkakataon na ipinagkakaloob sa kanila upang makipagkasundo sa Diyos. 5T 221.3

“They may read the Bible, but its threatenings do not alarm or its promises win them. They approve things that are excellent, yet they follow the way in which God has forbidden them to go. They know a refuge, but do not avail themselves of it. They know a remedy for sin, but do not use it. They know the right, but have no relish for it. All their knowledge will but increase their condemnation. They have never tasted and learned by experience that the Lord is good.” 5T 221.4

“Maaaring kanilang binabasa ang Biblia ngunit ang mga banta ay hindi nakakaalarma sa kanila o maging ang mga pangako man ay hindi nakahihikayat sa kanila. Kanilang sinasangayunan ang mga bagay na mahusay ngunit sumusunod naman sa gawi na ipinagbabawal ng Diyos. Alam nila na mayroon silang sandigan ngunit hindi naman lumalapit dito. Alam nila ang gamot sa kasalanan ngunit hindi naman ginagamit ito. Alam nila ang tama ngunit wala silang kaligayahan dito. Ang lahat ng kanilang kaalaman ay madadagdag lamang sa kanilang kaparusahan. Ni kailanman ay hindi nila natikman at nalaman sa pamamagitan ng karanasan na ang Diyos ay mabuti”. 5T 221.4

Tuesday - February 8

No Sacrifice for Sins Left

Hebrews 10:26-29

What is meant by no sacrifice for sin?

Ano ang ibig sabihin ng wala ng hain para sa kasalanan?

“God works by the manifestation of His Spirit to reprove and convict the sinner; and if the Spirit's work is finally rejected, there is no more that God can do for the soul. The last resource of divine mercy has been employed. The transgressor has cut himself off from God, and sin has no remedy to cure itself. There is no reserved power by which God can work to convict and convert the sinner. “Let him alone” (Hosea 4:17) is the divine command. Then ‘there remaineth no more sacrifice for sins, but a certain fearful looking for of judgment and fiery indignation, which shall devour the adversaries.’” Hebrews 10:26, 27. PP 405.1

Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Kaniyang Espitiru upang suwayin at sumbatan ang makasalanan at kung ito ay piliing tanggihan ay wala ng iba pang magagawa ang Diyos para sa kaluluwang iyon. Ang huling mapagkukunan ng banal na awa ay naipadala na. Ang makasalanan ang mismong humiwalay sa Diyos at ang kasalanan ay wala ng kagamutan. Wala ng reserbang kapangyarihan o anumang magagawa ang Diyos upang suwayin at ma-convert ang makasalanan. “Pabayaan siya”, ang utos sa Hosea 4:17. At “wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway”. Hebrews 10:26, 27. PP 405.1

Wednesday - February 9

Better Things

Hebrews 6:9-12

In what ways should we expect better things?

Sa anong paraan tayo dapat umasa sa mas mabubuting bagay?

“I am astonished that with the examples before us of what man may be, and what he may do, we are not stimulated to greater exertion to emulate the good works of the righteous. All may not occupy a position of prominence; yet all may fill positions of usefulness and trust, and may, by their persevering fidelity, do far more good than they have any idea that they can do. Those who embrace the truth should seek a clear understanding of the Scriptures and an experimental knowledge of a living Saviour. The intellect should be cultivated, the memory taxed. All intellectual laziness is sin, and spiritual lethargy is death.” 4T 399.1

“Ako ay namamangha sa mga halimbawa na binigay sa atin ukol sa anong magagawa ng tao at sa kabila nito ay hindi tayo nagising upang magsumikap na gumawa at higitan ang mabubuting gawa ng mga matuwid. Maaring hindi lahat ay umokupa sa matatanyag na posisyon, ngunit lahat ay may posisyong maaring punuan sa kanilang pagkagamit at pagtitiwala, at sa pamamagitan ng walang humpay na katapatan ay mas makagawa pa ng mabuti higit sa kanilang inaakala. Ang sinuman na yumayakap sa katotohanan ay dapat magsaliksik ng malinaw na pagkaunawa sa Kasulatan at sa eksperimental na kaalaman ukol sa buhay na Tagapagligtas. Ang katalinuhan ay dapat na mapagyaman at ang memorya ay labis na magamit. Ang lahat ng intelektwal na katamaran ay kasalanan at ang espritwal na kahinaan ay kamatayan”. 4T 399.1

Thursday - February 10

Jesus, the Anchor of the Soul

Hebrews 6:17-20

When will the covenant promises that God made to Abraham, Israel and David be fulfilled?

Kailan nga ang katuparan ng mga tipan ng Diyos kila Abraham, Israel at David?

“I have found David my servant; with my holy oil have I anointed him: With whom my hand shall be established: mine arm also shall strengthen him. The enemy shall not exact upon him; nor the son of wickedness afflict him. And I will beat down his foes before his face, and plague them that hate him. But my faithfulness and my mercy shall be with him: and in my name shall his horn be exalted. I will set his hand also in the sea, and his right hand in the rivers. He shall cry unto me, Thou art my father, my God, and the rock of my salvation. Also I will make him my firstborn, higher than the kings of the earth. My mercy will I keep for him for evermore, and my covenant shall stand fast with him. His seed also will I make to endure for ever, and his throne as the days of heaven. If his children forsake my law, and walk not in my judgments; If they break my statutes, and keep not my commandments; Then will I visit their transgression with the rod, and their iniquity with stripes. Nevertheless my lovingkindness will I not utterly take from him, nor suffer my faithfulness to fail. My covenant will I not break, nor alter the thing that is gone out of my lips. Once have I sworn by my holiness that I will not lie unto David. His seed shall endure for ever, and his throne as the sun before me. It shall be established for ever as the moon, and as a faithful witness in heaven. Selah.” KJV — Psalm 89:20-37

“Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis: Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig. Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan. At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, at sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya. Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; at sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay. Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, at ang kaniyang kanan ay sa mga ilog. Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. Akin namang gagawin siyang panganay ko, na pinakamataas sa mga hari sa lupa. Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, at ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya. Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, at ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit. Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, at hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, at hindi ingatan ang mga utos ko; Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, at ng mga hampas ang kanilang kasamaan. Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang. Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi. Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David; Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; at ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko. Matatatag magpakailan man na parang buwan, at tapat na saksi sa langit”. Psalm 89:20-37

“That which God purposed to do for the world through Israel, the chosen nation, He will finally accomplish through His church on earth today. He has “let out His vineyard unto other husbandmen,” even to His covenant-keeping people, who faithfully “render Him the fruits in their seasons.” Never has the Lord been without true representatives on this earth who have made His interests their own. These witnesses for God are numbered among the spiritual Israel, and to them will be fulfilled all the covenant promises made by Jehovah to His ancient people.” PK 713.1

Yaong ninais ng Diyos na gawin sa mundo sa pamamagitan ng Israel, ang hinirang na bayan, ay Kaniyang isasakatuparan sa pamamagitan ng Kaniyang iglesia sa lupa ngayon. Kaniyang “ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka” at maging sa Kaniyang bayan na tumutupad sa Kaniyang tipan “na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan”. Kailanman ay hindi naubusan ang Diyos ng mga totoong kinatawan sa lupa na umaako sa Kaniyang interes. Ang mga nagpapatotoo sa Diyos ay nabibilang sa espiritwal na Israel at sa kanila’y matutupad ang lahat ng mga pangakong ibinigay ni Jehovah sa Kaniyang sinaunang Israel. PK 713.1

Friday - February 11

Further Study

“Thither the faith of Christ's disciples followed Him as He ascended from their sight. Here their hopes centered, “which hope we have,” said Paul, “as an anchor of the soul, both sure and steadfast, and which entereth into that within the veil; whither the forerunner is for us entered, even Jesus, made an high priest forever.” “Neither by the blood of goats and calves, but by His own blood He entered in once into the holy place, having obtained eternal redemption for us.” Hebrews 6:19, 20; 9:12. GC 421.1

“At doon ang pananampalataya ng mga alagad ni Jesus ay sumunod sa Kaniya, samantalang Siya ay umakyat sa langit. Dito ang kanilang pag-asa ay natuon, , “isang Pagasa”, sabi ni Pablo na “ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing; Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man”. “At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan”. Hebrews 6:19, 20; 9:12. GC 421.1

“For eighteen centuries this work of ministration continued in the first apartment of the sanctuary. The blood of Christ, pleaded in behalf of penitent believers, secured their pardon and acceptance with the Father, yet their sins still remained upon the books of record. As in the typical service there was a work of atonement at the close of the year, so before Christ's work for the redemption of men is completed there is a work of atonement for the removal of sin from the sanctuary. This is the service which began when the 2300 days ended. At that time, as foretold by Daniel the prophet, our High Priest entered the most holy, to perform the last division of His solemn work—to cleanse the sanctuary.” GC 421.2

“Sa loob ng labing walong siglo ang gawaing ito ng ministeryo ay nagpatuloy sa unang silid o apartment ng santuwaryo. Ang dugo ni Kristo na nagsumamo para sa mga nagsisising mananampalataya ang nagbigay katiyakan sa kanilang kapatawaran at pagkatanggap sa Ama, gayunpaman ang kanilang mga sala ay nanatili sa mga tala. Gaya sa typical service may gawain ng pagtubos o atonement sa pagsasara ng taon, gayundin bago magtapos ang gawain ni Kristo ukol sa kaligtasan ng tao ay magkakaroon ng pagtubos sa kasalanan sa santuwaryo. Ito ang gawain na nagpasimula sa pagtatapos ng 2300 na araw. Sa panahong yaon, gaya ng binanggit ni Daniel na propeta, ang Dakilang Saserdote ay pumasok sa pinakabanal na dako upang isagawa ang huling bahagi ng kaniyang solemneng gawain – ang paglilinis ng santuwaryo”. GC 421.2 

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org