“Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon.” KJV - Awit 27:14
“Daranas tayo ng mga paghihirap na susubok sa ating pananampalataya at pasensya. Harapin ang mga ito ng buong tapang. Ugaliing tumingin ng positibo sa mga bagay-bagay. Kung ang gawain ay nahahadlangan, siguraduhing hindi ito dahil sa iyo, ikaw ay magpatuloy na nagagalak sa Panginoon. Ang kalangititan ay puno ng kagalakan. Ito ay umaalingawngaw sa mga papuri sa Kanya na gumawa ng napakagandang sakripisyo para sa pagtubos ng sangkatauhan. Hindi baga nararapat na ang iglesia sa lupa ay puno ng papuri? Hindi ba nararapat na ilathala ng mga Kristiyano sa buong sanlibutan ang kagalakan ng paglilingkod kay Cristo? Yaong mga nasa langit ay sumasama sa koro ng mga anghel sa kanilang awit ng papuri ay dapat matuto sa lupa ng awit ng langit, na ang pangunahing tono ay pasasalamat. 7T 244.2
“Huwag mong hayaang mawalan ka ng lakas ng loob. Kailanma’y huwag magsalita ng kawalan ng pananampalataya dahil ang mga bagay ay laban sa iyo. Habang gumagawa ka para sa Guro, makadaranas ka ng kagipitan dahil sa kawalan ng yaman, ngunit diringgin at sasagutin ng Panginoon ang iyong mga kahilingan. Hayaan ang iyong wika ay: “ Tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, at talastas ko na hindi ako mapapahiya.” Isaias 50:7 .” 7T 244.3
Basahin ang Awit 27:14; Awit 37:7, 9, 34; Awit 39:7; Awit 40:1; Awit 69:6; Galacia 5:5; at Roma 8:18-25 . Ano ang hinihiling ng mga tekstong ito na gawin ng bayan ng Diyos?
“Lahat tayo ay naghahangad ng agaran at direktang mga sagot sa ating mga panalangin, at natutukso na mapanghinaan ng loob kapag ang sagot ay naaantala o dumating sa isang di-inaasahang anyo. Ngunit ang Diyos ay napakatalino at mabuti para laging sagutin ang ating mga panalangin sa tamang oras at sa paraang gusto natin. Siya ay gagawa ng higit pa at mas mahusay para sa atin kaysa sa pagtupad ng lahat ng ating mga naisin. At dahil mapagkakatiwalaan natin ang Kanyang karunungan at pag-ibig, hindi natin dapat hilingin sa Kanya na tanggapin ang ating kalooban, ngunit dapat nating sikaping mapasailalim at maisakatuparan ang Kanyang layunin. Ang ating mga hangarin at interes ay dapat mawala sa Kanyang kalooban. Ang mga karanasang sumusubok sa pananampalataya ay para sa ating kapakinabangan. Sa pamamagitan ng mga ito ay naipapakita kung ang ating pananampalataya ay totoo at tapat, na nakasandig sa salita ng Diyos lamang, o kung ito ay nakaayon o depende sa mga pangyayari, o kung ito ba ay hindi tiyak at pabago-bago. Ang pananampalataya ay napalalakas sa pamamagitan ng pagsasabuhay dito. Hayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, alalahanin na may mahalagang mga pangako sa Banal na Kasulatan para sa mga naghihintay sa Panginoon. MH 230.4
“Kung ikaw ay nagkamali, gawing tagumpay ang iyong pagkatalo. Ang mga aral na ipinadala ng Diyos ay palaging, kung matutunan lamang ng wasto, ay magdadala ng tulong sa takdang panahon. Ilagak ang iyong pagtitiwala sa Diyos. Magdasal ng marami, at manampalataya. Ang pagtitiwala, pag-asa, paniniwala, at paghawak ng mahigpit sa kamay ng Walang-hanggang Kapangyarihan, ay magdudulot sa iyo na maging higit pa sa mananagumpay. 7T 244.4
“Ang mga tunay na manggagawa ay lumalakad at gumagawa sa pamamagitan ng pananampalataya. Minsan sila ay napapagod pag nakikita ang mabagal na pagsulong ng gawain kapag ang labanan ay umiigting sa pagitan ng kapangyarihan ng mabuti at masama. Ngunit kung tatanggi silang mabigo o panghinaan ng loob, makikita nila ang mga ulap na nagbubukas at ang pangako ng pagliligtas ay natutupad. Sa pamamagitan ng ambon na binabalot ni Satanas sa kanila, makikita nila ang ningning ng maningning na sinag ng Araw ng Katuwiran. 7T 245.1
“Gumawa nang may pananampalataya, at ipaubaya sa Diyos ang mga resulta. Manalangin nang may pananampalataya, at ang hiwaga ng Kanyang pangangalaga ay magdadala ng sagot nito. Kung minsan ay tila hindi ka magtatagumpay. Ngunit gumawa at maniwala, ilagay sa iyong mga pagsisikap ang pananampalataya, pag-asa, at tapang. Pagkatapos gawin ang lahat ng iyong makakaya, maghintay sa Panginoon, na ipahayag ang Kanyang katapatan, at Kanyang isasakatuparan ang Kanyang salita. Maghintay, ng hindi naliligalig sa pagkabalisa, kundi sa walang takot na pananampalataya at hindi natitinag na pagtitiwala.” 7T 245.2
Basahin ang Awit 131. Ano ang itinuturo sa atin ng awit na ito tungkol sa ating kaugnayan sa Diyos?
“Sapagka't lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ng karumihan, na anopa't walang dakong malinis. Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso?” KJV - Isaias 28:8-9
Nang makita ng Panginoon na oras na para magturo ng kaalaman at magbigay ng pang-unawa sa doktrina, walang dakong malinis sa mundo. Kaya't ang naging tanong, “Kanino siya magtuturo ng kaalaman? at kanino niya ipatatalastas ang balita?” Ang implikasyon na dala ng tanong na ito ay tila nagpapahiwatig na halos imposibleng ituro sa sinuman ang dalisay na doktrina, sa kadahilanang sa panahong iyon ang lahat ng mga iglesia ay nasumpungang lasing sa kontaminadong doktrina ng mga tao.
Ngunit ang Katotohanan ay kinakailangang dumating. At ang talatang ito ay nagsasaad na ito ay maibibigay lamang sa nangalayo sa gatas (yaong mga matagal nang nasa pananampalataya at kaya na ang pagkaing matigas)... Ito lamang mga mas nakatatanda sa pananampalataya (yaong mga sumulong sa Katotohanan) ang unang makauunawa. Ang mga doktrina ng Adventista, ay tunay ngang pinaka-advanced; samakatuwid, ay sa Adventist church nga nais unang magturo ng Panginoon ng kaalaman at ipaunawa ang doktrina.
“Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili. Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.” Ipinahayag dito ni Jesus na ang kanyang Ama sa Langit ang pinagmumulan ng lahat ng lakas, at ang pundasyon ng lahat ng karunungan. Walang likas na talento o nakukuhang pag-aaral ang makakahalili sa kaalaman sa kalooban ng Diyos. Ang kahandaang sumunod sa mga hinihingi ng Panginoon ay nagbubukas ng isipan at puso sa tapat na pagtatanong, at masigasig na pagsasaliksik ng doktrina ng katotohanan. Ipinahayag niya na, sa bukas na kaisipan, maaaring makilala ng mga tao ang pagitan niya na nagsasalita para sa layunin ng Diyos at siya na nagsasalita para sa kanyang sariling kaluwalhatian para sa makasariling layunin. Sa huling uri na ito ay ang mga palalong saserdote at mga Pariseo. 2SP 339.3
Basahin ang Awit 126. Ano ang nagbibigay ng lakas at pag-asa sa bayan ng Diyos? Ano ang sinasabi dito sa kontekstong ito, na maaari nating gamitin sa ating sariling buhay ngayon?
“ Ang mabuting binhi ay maaaring pansamantalang mamalagi nang hindi napapansin sa isang malamig, makasarili, at makasanlibutang puso, na hindi nagbibigay ng katibayan na ito ay nag-uugat; ngunit pagkatapos, na ang Espiritu ng Diyos ay huminga sa kaluluwa, ang nakatagong binhi ay sisibol, at sa wakas ay magbubunga sa ikaluluwalhati ng Diyos. Sa ating gawain sa buhay hindi natin alam kung alin ang lalago, ito ba o iyon. Ito ay hindi isang katanungan na ating dapat intindihin. Dapat nating gawin ang ating gawain, at ipaubaya sa Diyos ang mga magiging resulta. “Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi, at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon.” Eclesiastes 11:6 . Ipinahayag ng dakilang tipan ng Diyos na “samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani.” Genesis 8:22 . Sa pagtitiwala sa pangakong ito, ang magsasaka ay nagpapatuloy sa pagbubungkal at paghahasik. Hindi napapatid ang pagtitiwala na tayo ay nasa espirituwal na paghahasik para sa paggawa, na nagtitiwala sa Kanyang katiyakan, “Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.” Isaias 55:11 . “Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.” Awit 126:6 .” COL 65.1
“Siya na nagtalaga 'sa bawat tao ng kanyang gawain,' ayon sa kanyang kakayahan, ay hinding-hindi hahayaang mawalan ng gantimpala ang tapat na pagganap ng tungkulin. Ang bawat gawa ng katapatan at pananampalataya ay puputungan ng mga espesyal na tanda ng pabor at pagsang-ayon ng Diyos. Sa bawa't manggagawa ay ibinigay ang pangako: “Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.” 5T 395.4
Ang pag-aani ay nangangahulugan ng "bunga ng pagsisikap," ng pagpapagal, "pagtitipon ng isang ani" - pag-aani ng resulta ng paggawa at pagpuno sa mga bangan ng butil. Kaya sa halip na matapos ang pagpapagal sa isang taon sa simula ng pag-aani, ang pinakamabigat na paggawa ng taon ay pasimula pa lamang. At bagaman ang panahon ng pag-aani ay ang pinakamaikli sa lahat ng mga panahon ng taon ng pag-aani, ang gawain ng pag-aani ay hindi natatapos sa isang sandali; kinakailangan nito ng oras. Ang ani ay hindi nakukuha sa paglalagay sa bukid pakanan sa kamalig; hindi, iyon ay magiging isang malakihang pagtitipun sa halip na isang ani. Una ang karit ay inilalagay sa butil, at pagkatapos ay ang butil ay itinatali sa mga bigkis, pagkatapos ay ginigiik, pagkatapos ay ilalagay sa kamalig; at pagkatapos ay ang ipa at ang mga panirang damo ay susunugin. Ang gawaing ito na nagtatapos sa panahon ng taglagas, ay nagpapakita na ang pag-aani ay isang panahon “pagkalipas ng tag-araw,” at sinusundan ng walang bungang panahon ng taglamig.
Gayon din nga sa espirituwal na pag-aani na kung hindi man ay hindi mailarawan ng literal. Huwag ipagwalang bahala ang karunungan ng Diyos: Ang Kanyang mga ilustrasyon ay sakdal.
Isaalang-alang nga ngayon kung anong eksaktong katapatan sa natural na pag-aani ang sinabi ng Guro sa mga katotohanan ng espirituwal na pag-aani: “Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani,” sabi Niya: “at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.” Matt. 13:30.
Sa talinghagang salitang ito ay binigyan ni Cristo ang espirituwal na paraan ng pag-aani ng kahalintulad sa natural na pamamaraan. Kung ang mga ito ay hindi tugma sa isa’t isa, binanggit Niya sana ang pagkakaiba nito. Sumunod sa payo, samakatuwid, na huwag hayaang pumasok sa isipan ang mga walang kabuluhang imahinasyon, ngunit tumayo nang tapat sa mga Kasulatan, sapagkat ang mga ito ay puno ng kahulugan ng walang limitasyong halaga – at sa katunayan, maging ang iyong mismong buhay.
Dahil ang salitang “hanggang” ay nangangahulugang “hanggang sa,” samakatuwid ang mga panirang damo ay titipunin, hindi bago o pagkatapos ng pag-aani, kundi sa pasimula nito. At ang “panahon ng pag-aani” ay “ang katapusan ng panahon ng pagsubok” ( Christ's Object Lessons , p. 72), kung gayon ang pag-aani mismo ay kinakailangang mauna bago ang pagsasara ng probasyon – ang walang bungang panahon ng taglamig. Dahil dito, ang mga panirang damo ay ihihiwalay sa mga trigo bago, hindi pagkatapos, ang pagsasara ng panahon ng pagsubok.
Ang trigo, “ang mga anak ng kaharian” (Mat. 13:38), ay titipunin sa bangan, sa kaharian; ang mga panirang damo, “ang mga anak ng masama” (talata 38) – mga nagpapahayag lamang, ngunit hindi mga tagatupad ng Salita, at pinagkalooban ng membership “samantalang nangatutulog ang mga tao,” – “ay titipunin at susunugin sa apoy” (Matt. . 13:40), pagkatapos itali ang trigo sa mga bigkis . Ngunit--- Sino Ang mga Mangaani?
“Ang mga mang-aani ay ang mga anghel” na “lalabas, at ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid.” Matt. 13:39, 49. Ang mga anghel na ito ay hindi yaong mga “paparito” kasama ni Cristo sa Kanyang ikalawang pagparito, bagkus yaong mga Kanyang “susuguin.'' Sila ay tulad ng tatlong anghel sa Apocalipsis 14:6-11. Sa katunayan, ang ikatlong anghel ang “pipili ng trigo mula sa mga pangsirang damo at magtatatak, magtatali sa mga trigo para sa makalangit na kamalig.” – Early Writings, p. 118. Kaya't ang mga anghel, ang mga mang-aani, na isinugo ni Cristo, ay kinabibilangan niyaong magtatak, o magbibigkis, at yaong mga sumunod na gagawa ng pagwasak (Ezek. 9:2, 5 6), una sa iglesia, sunod sa sanlibutan. Ganito ang --- Paghihiwalay Sa Dalawang Seksyon.
Basahin ang Awit 92. Anong dalawang aspeto ng araw ng Sabbath ang binibigyang diin sa awit na ito para sa araw ng Sabbath?
“Marami ang mga paraan kung saan sinisikap ng Diyos na ipakilala ang Kanyang sarili sa atin at dalhin tayo sa pakikipag-isa sa Kanya. Ang kalikasan ay nangungusap sa ating mga pandama nang walang tigil. Ang bukas na puso ay hahanga sa pag-ibig at kaluwalhatian ng Diyos na ipinahayag sa pamamagitan ng mga gawa ng Kanyang mga kamay. Ang nakikinig na tainga ay maaaring marinig at maunawaan ang mga komunikasyon ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay ng kalikasan. Ang mga luntiang bukid, ang matatayog na puno, ang mga putot at bulaklak, ang dumaraan na ulap, ang pagpatak ng ulan, ang dumadaloy na batis, ang mga kaluwalhatian ng langit, ay nagsasalita sa ating mga puso, at nag-aanyaya sa atin na makilala Siya na lumikha sa kanilang lahat. SC 85.1
“Itinatali ng ating Tagapagligtas ang Kanyang mahahalagang aral sa mga bagay ng kalikasan. Ang mga puno, ang mga ibon, ang mga bulaklak sa mga lambak, ang mga burol, ang mga lawa, at ang magagandang kalangitan, gayundin ang mga pangyayari at paligid ng pang-araw-araw na buhay, lahat ay nauugnay sa mga salita ng katotohanan, upang ang Kanyang mga aral ay madalas na makintal sa isipan, kahit sa gitna ng abalang pag-iintindi sa buhay ng tao sa paggawa. SC 85.2
“Nais ng Diyos na pahalagahan ng Kanyang mga anak ang Kanyang mga gawa at malugod sa payak at tahimik na kagandahan na pinalamutian Niya ang ating tahanan sa lupa. Siya ay mahilig sa maganda, at higit sa lahat sa panlabas na kaakit-akit ay mahal Niya ang kagandahan ng pagkatao; Gusto niyang linangin natin ang kadalisayan at pagiging simple, ang mga tahimik na kagandahan ng mga bulaklak." SC 85.3
“Mula sa lahi ng mga alipin, ang mga Israelita ay itinaas sa lahat ng mga tao upang maging kakaibang kayamanan ng Hari ng mga hari. Inihiwalay sila ng Diyos sa sanlibutan, upang maipagkatiwala Niya sa kanila ang isang sagradong pagtitiwala. Ginawa Niya silang mga depositaryo ng Kanyang kautusan, at nilayon Niya, sa pamamagitan nila, na maingatan sa mga tao ang kaalaman tungkol sa Kanyang sarili. Kaya't ang liwanag ng langit ay sumisikat sa isang daigdig na nababalot ng kadiliman, at isang tinig ang maririnig na nananawagan sa lahat ng mga tao na talikuran ang kanilang pagsamba sa diyus-diyosan upang maglingkod sa Diyos na buhay. Kung ang mga Israelita ay magiging tapat sa kanilang pagtitiwala, sila ay magiging isang kapangyarihan sa mundo. Ang Diyos ang kanilang magiging depensa, at itataas Niya sila sa lahat ng iba pang mga bansa. Ang Kanyang liwanag at katotohanan ay mahahayag sa pamamagitan nila, at sila ay tatayo sa ilalim ng Kanyang matalino at banal na pamamahala bilang isang halimbawa ng kahigitan ng Kanyang pagsamba sa bawat anyo ng idolatriya.” PP 314.2
Basahin ang Awit 5:3, Awit 30:5, Awit 49:14, Awit 59:16, Awit 92:2, Awit 119:147, 2 Pedro 1:19, at Pahayag 22:16. Anong oras ng araw ng simbolikong inilalarawan bilang panahon ng pagtubos ng Diyos at bakit? Marcos 16:1-8. Ano ang nangyari sa umaga na napag-usapan dito, at bakit napakahalahaga sa atin?
“Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na; Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.” KJV — Joel 2:1, 2
Dito makikita na ang isang mensahe ay ipahahayag sa iglesia, sa Sion, na nagpapahayag na ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon ay malapit na; na ito ay magiging mapangwasak sa likod ng Kanyang bayan, at maluwalhati sa unahan nila, – na ang Panginoon ay lubusang susuyurin ang bukid, na Siya ay magtitipon sa bawat butil ng “trigo,” at pagkatapos ay susunugin ang mga pangsirang damo.
Sa araw na ito ng kadiliman at makapal na kadiliman ay magkakaroon din ng isang dakila at malalakas na bayan. Kung sila ay magiging mas dakila at mas malakas kaysa sa alinman sa nakaraan, kung gayon sila ay hihigit sa lakas maging sa lakas ni Samson. Ano ang magpapalakas sa bayang yaon? -- Ang pinakaunang kailangan ay pananampalataya. Ang pangalawa ay matapang na pagkilos.
Dapat tayong patuloy na maniwala bagaman nahaharap sa matitinding mga pangyayari na susubok sa ating pananampalataya. Dapat nating matanto, samakatwid, na hindi maliit na pananampalataya kundi lubos na pananampalataya ang kailangan sa sinumang mapapabilang sa dakilang bayang ito. Alalahanin na ang mga Israelita at nang maglaon ang buong bansa ay ganap na nawaglit dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya na humantong sa kanilang paghihimagsik laban sa mga daan ng Diyos hanggang mawalan na ng lunas.
Alalahanin din natin si Samson na tumalima sa isang mahigpit na diyeta at isang tiyak na utos tungkol sa kanyang buhok; at ang kanyang mahigpit na pagsunod sa mga utos na ito ay napatunayang mga probisyon na kailangan upang magkaroon siya ng kakaibang lakas ng laman. Ang halimbawang ito ay nagtuturo sa atin na kung ang Diyos ay humihingi sa atin ng isang bagay na hindi Niya hinihiling sa iba, layunin nito na maakay tayo sa mahigpit na pagsunod at wala ng ibang paraan. Halimbawa, kung ang Diyos ay nagbigay sa atin ng alituntunin ukol sa pagkain at iba pang bagay upang ihiwalay tayo sa sanlibutan at mailigtas tayo sa kasamaan sa mundo, kung gayon ay dapat natin itong sundin kung nais nating maligtas.
“Kung ang oras ay tila matagal sa paghihintay para sa ating Tagapagligtas na dumating, kung napipighati at pagod sa pagpapagal, at nakadarama ng kawalang-tiyaga para sa pagtatapos ng ating tungkulin, at upang makatanggap ng marangal na paglaya mula sa pakikidigma, ating alalahanin—at hayaang suriin ng alaala ang bawat pag-bubulung-bulong—na tayo ay inilagay ng Diyos sa lupa upang makatagpo ng mga unos at tunggalian, upang magkamit ng ganap na Kristiyanong katangian, upang mas makilala ang Diyos na ating Ama at si Cristo na ating nakatatandang Kapatid, at gumawa ng gawain para sa Guro sa pag-akay ng maraming kaluluwa kay Cristo, upang marinig natin nang may kagalakan ang mga salitang: “Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon..” RH Oktubre 25, 1881, par. 10
“Maging matiisin, Kristiyanong sundalo. Sapagka't sa madaling panahon, Siyang pumaparito ay darating. Ang gabi ng pagod na paghihintay, at pagbabantay, at pagluluksa ay malapit nang matapos. Malapit nang ibigay ang gantimpala; sisikat ang araw na walang hanggan. Walang ng oras para matulog ngayon,—walang panahon para masayang sa walang saysay na pagsisisi. Siya na nagpapadala sa pagkatulog ngayon ay makakaligtaan ang mahalagang pagkakataon ng paggawa ng mabuti. Pinagkalooban tayo ng pinagpalang pribilehiyo ng pagtitipon ng mga bigkis sa malaking pag-aani; at bawat kaluluwang maliligtas ay magiging karagdagang bituin sa korona ni Jesus, ang ating kaibig-ibig na Manunubos. Sino ang sabik na tanggalin ang sandata, kapag sa pamamagitan ng pagsulong sa labanan nang kaunti pa ay makakamit niya ang mga bagong tagumpay at makakakalap ng mga bagong tropeo para sa walang-hanggan?” RH October 25, 1881, par. 11