“ Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.” KJV - Awit 12:5
“Ang pagtitiis na ipinakita ng Diyos para sa masasama ay nagpalakas ng loob ng mga tao sa pagsuway; ngunit ang kanilang kaparusahan ay tiyak at kakila-kilabot dahil sa matagal na pagkaantala. “Sapagka't ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng Perasim, siya'y napopoot na gaya sa libis ng Gabaon; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain, at papangyarihin ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain.” Isaias 28:21 . Sa ating mahabaging Diyos ang paggawad ng parusa ay isang kakaibang gawain. “Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay.” Ezekiel 33:11 . Ang Panginoon ay “puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan, ... na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan.” “At sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin.” Exodo 34:6, 7 . Bagaman hindi Siya nalulugod sa paghihiganti, Siya ay maglalapat ng kahatulan sa mga lumalabag sa Kanyang kautusan. Napipilitan siyang gawin ito upang mapangalagaan ang mga naninirahan sa lupa mula sa lubos na kasamaan at pagkasira. Upang mailigtas ang ilan, kailangan Niyang tanggalin ang mga tumigas na sa pagkakasala. “Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin.” Nahum 1:3 . Sa pamamagitan ng kakila-kilabot na mga bagay sa katuwiran ay ipagtatanggol Niya ang awtoridad ng Kanyang niyurakang kautusan. At ang mismong katotohanan ng Kanyang pag-aatubili na igawad ang kahatulan ay nagpapatotoo sa kalubhaan ng mga kasalanan na humihiling ng Kanyang mga paghatol at sa tindi ng kaparusahan na naghihintay sa mga lumalabag.” PP 628.1
Basahin ang Awit 18:3-18; Awit 76:3-9, 12; at Awit 144:5-7 . Paano inilarawan ang Panginoon sa mga tekstong ito? Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawang ito tungkol sa kahandaan ng Diyos na iligtas ang Kanyang bayan?
“Si Cristo ay hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman.” Sa pamamagitan ng masasamang kamay siya ay dinakip at ipinako sa krus. Sa pagsasalita tungkol sa kaniyang kamatayan, isinulat ng salmista: “Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig. Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa, ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos, at nauga, sapagka't siya'y napoot. Napailanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, at apoy na mula sa kaniyang bibig ay sumupok: mga baga ay nangagalab sa pamamagitan niyaon. Kaniya namang iniyuko ang mga langit, at ibinaba; at salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. At siya'y sumakay sa isang querubin, at lumipad: Oo, siya'y lumipad na maliksi sa mga pakpak ng hangin.Ginawa niya ang kadiliman na kaniyang kublihang dako, ang kaniyang kulandong sa buong palibot niya; mga kadiliman ng tubig, masinsing mga alapaap sa langit.” Awit 18: 4-11 RH Hulyo 17, 1900, par. 11
“Ang Diyos ng mga Hebreo ay nanaig laban sa mapagmataas na taga Asiria. Ang karangalan ni Jehova ay ibinangong-puri sa mga mata ng nakapalibot na mga bansa. Sa Jerusalem, ang puso ng mga tao ay napuno ng banal na kagalakan. Ang kanilang taimtim na pagsusumamo para sa pagpapalaya ay nahaluan ng pag-amin ng kasalanan at ng maraming luha. Sa kanilang malaking pangangailangan ay lubos silang nagtiwala sa kapangyarihan ng Diyos na magligtas, at hindi Niya sila binigo. Ngayon ang mga korte ng templo ay umalingawngaw ng mga awit ng taimtim na papuri.” PK 361.4
“Higit na kakila-kilabot na mga pagpapakita na hindi pa nasaksihan ng sanlibutan ang masasaksihan sa ikalawang pagdating ni Cristo. “Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito. Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit?” Nahum 1:5, 6 . “Ikiling mo ang iyong mga langit, Oh Panginoon, at bumaba ka: hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila; suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila.” Awit 144:5, 6 .” PP 109.3
Basahin ang Awit 9:18, Awit 12:5, Awit 40:17, Awit 113:7, Awit 146:6-10, at Awit 41:1-3. Ano ang mensahe rito sa atin, hanggang sa ngayon?
“Nagsalita ang Panginoong Jesus mula sa haliging ulap, “At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti? Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan.” Ihambing ang mga ito sa mga salita ni Cristo sa Bagong Tipan: “At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay? At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo? At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.” “Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao, ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.” “ Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.” “At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping, ay iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo, na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan; Ang iyong salapi ay huwag mong ibibigay sa kaniya na may patubo, ni ibibigay mo sa kaniya na may pakinabang ang iyong pagkain. Ako ang Panginoon ninyong Dios, na inilabas ko kayo sa lupain ng Egipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at ako'y maging inyong Dios.” Basahin ang Deuteronomio 15:7-11 ; 24:14, 15, 19-21 ; Levitico 19:32-37 . “Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo.” Ang pang-aapi sa mga mahihirap, na katulad din ng aktwal na pagnanakaw, ay hindi pinarurusahan ng tao, maliban na lamang ang mga nasa pinakasukdulang mga kaso; ngunit ito ay minarkahan ng Diyos ng langit bilang kasuklam-suklam na gawain na sa anumang kaso ay hindi niya papahintulutan. PC 412.3
“Sinabi ni apostol Santiago sa mga mayayaman, “Narito, ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng mga hukbo. * ” Hinahatulan ng Diyos ang kawalang-katarungan saanman man ito nasusumpungan, sinumang tao, at anuman ang katatayuann. Saanman nasusumpungan ang mga pakana ng pangaagaw ng pera kung kanino man ito nararapat, o ang pagaalis sa sinumang tao ng kanyang mga karapatan, nandoroon ang hindi pagsang-ayon ng Diyos. Para sa kapakanan ng bawat kaluluwang nauugnay sa gawain ng Diyos na tanggapin ang kanyang mga babala at pagsaway, at pagpatay sa matigas na kaloobang sumasalungat sa kalooban ng Diyos. ” PC 413.1
Basahin ang Awit 82. Ano ang mangyayari kapag binaluktot ng mga pinuno ang hustisya at inaapi ang mga taong inatasan nilang protektahan?
“Ipinaliwanag ng apostol ang saloobin na dapat itaguyod ng mga mananampalataya hinggil sa mga awtoridad na sibil: “Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti. Sapagka't siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo.” TT 274.4
“Ang mga alila ay dapat manatiling nagsisisuko sa kanilang mga panginoon, Sapagka't ito'y kalugodlugod,' paliwanag ng apostol, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid. Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.... . sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig: Na, nang siya'y alipustain, ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid.” TT 275.1
“Siya na nagsalita sa mga disipulo sa sermon sa bundok ay siya ring nagsalita kina Moises, Aaron, at Miriam, at hinayaan ang mga palatandaan ng kanyang sama ng loob kay Miriam para sa kanyang pagpuna sa isang pinili ng Diyos na iparating ang kanyang kalooban. Iniatang ng Diyos kay Moises ang pasanin ng kanyang gawain, at nang ang iba ay nag-tangkang ibunton sa kanya ang pasanin ng kanilang pagtuligsa at paghatol, idineklara sila ng Panginoon na nagkasala ng isang malaking kasalanan. Hinatulan niya ang babae na humatol sa kanyang alipin. Siya kung kanino ang mga puso ng lahat ng tao ay tulad ng isang bukas na aklat na nakababasa ng mga nakatagong motibo. Nakita niya na ang puso ay may bahid ng kasalanan, at inihayag niya ang salot sa puso sa pamamagitan ng kakila-kilabot na paghatol ng pisikal na sakit na ketong. Kung paanong ang ketong ay tiyak na hahantong sa kamatayan kung pababayaan ito, gayon din ang ketong ng kasalanan ay sisira sa kaluluwa maliban kung ang makasalanan ay tatanggap ng kagalingan ng biyaya ng Diyos. ST March 14, 1892, par. 8
“Dahil hindi natin nababasa ang puso ng iba, mag-ingat tayo sa pagbibigay ng maling motibo sa sinumang tao, baka madama natin ang ating sarili na madamay sa pagkakasala na katulad ng kay Miriam,—na humahatol sa mga tinuturuan at ginagabayan ng Panginoon,—at sa gayo'y madala sa kanilang sarili ang pagsaway ng Diyos.” ST March 14, 1892, par. 9
Basahin ang Awit 58:6-8; Awit 69:22-28; Awit 83:9-17; Awit 94:1, 2; at Awit 137:7-9 . Anong mga damdamin ang ipinahihiwatig ng Mga awit na ito? Sino ang tagapagpatupad ng paghatol sa Mga awit na ito?
“At si Josaphat ay tumayo sa harap ng bayan at, itinuon ang kanyang kaluluwa sa panalangin, nagsusumamo sa mga pangako ng Diyos, na may tapat na pangungumpisal sa ng kawalan ng kakayahan ng Israel. “At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, di ba ikaw ay Dios sa langit? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo? Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man? At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi, Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito,) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas.” PK 199.2
“At ngayon, narito, ang mga anak ni Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang nilikuan sila, at hindi sila nilipol; Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin. Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga mata ay nasa iyo.” Mga bersikulo 3-12 . PK 199.3
“ May pagtitiwala na masasabi ni Josaphat sa Panginoon, “Ang aming mga mata ay nakatuon sa iyo.” Sa loob ng maraming taon ay tinuruan niya ang mga tao na magtiwala sa Isa na sa nakalipas na mga panahon ay napakadalas na namagitan upang iligtas ang Kanyang mga pinili mula sa lubos na pagkawasak; at ngayon, nang ang kaharian ay nasa panganib, si Josaphat ay hindi tumayong mag-isa; “At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak." Verse 13 . Nagkakaisa silang nag-ayuno at nanalangin; nagkakaisa silang nagsumamo sa Panginoon na tulutan ng kalituhan ang kanilang mga kaaway, upang ang pangalan ni Jehova ay maluwalhati.” PK 200.1
Basahin ang Awit 96:6-10; Awit 99:1-4; at Awit 132:7-9, 13-18 . Saan nagaganap ang paghatol ng Diyos at ano ang mga implikasyon ng sagot para sa atin? Paano tayo tinutulungan ng santuwaryo na maunawaan kung paano haharapin ng Diyos ang kasamaan?
“Tatanggapin ba natin ang mahalagang mga salita ng katiyakan na matatagpuan sa Salita ng Diyos? Maniniwala ba tayo sa mga pangako ng Diyos, at dadakilain ang Kanyang banal na pangalan? Dapat natin Siyang patuloy na parangalan nang may papuri at may pasasalamat. Hangad ko din na ang atensyon ng ating bayan ay matuon sa Banal na Kasulatan na nag-uutos sa atin na dakilain ang Panginoong Diyos ng Israel. Dapat ng itigil ang anumang pagbubulung-bulong, at ang papuri sa Diyos ang nawa’y dumaloy mula sa ating mga labi?” 21LtMs, Ms 91, 1906, par. 5
“Sa santuwaryo ng tabernakulo sa ilang at sa templo na mga makalupang simbolo ng tahanan ng Diyos, may tabing na sagrado sa Kanyang presensya. Ang tabing na may querubin sa pasukan nito ay hindi dapat itaas ng sinumang kamay maliban sa isa. Ang pag-angat ng tabing na iyon, at pagpasok ng walang paalam sa sagradong misteryo ng kabanal-banalang dako ay kamatayan. Sapagkat sa ibabaw ng luklukan ng awa ay nananahan ang kaluwalhatian ng Pinakabanal—ang kaluwalhatian kung saan walang sinuman ang maaaring makakita at mabuhay pagkatapos. Sa isang araw ng taon na itinakda para sa pagmiministeryo sa pinakabanal na dako, ang mataas na saserdote ay papasok ng may panginginig sa presensiya ng Diyos, habang ang mga ulap ng insenso ay tumatakip sa kaluwalhatian mula sa kanyang paningin. Sa buong korte ng templo ay mayroong lubos na katahimikan. Walang mga saserdote na naglilingkod sa mga altar. Ang hukbo ng mga mananamba na nayakuyod ng buong katahimikan ay naghahandog ng kanilang mga pagsusumamo para sa awa ng Diyos.” MH 437.1
“ Sa pagdadala sa templo ng sagradong kaban na naglalaman ng dalawang tapyas na bato kung saan isinulat ng daliri ng Diyos ang mga utos ng Dekalogo, si Solomon ay sumunod sa halimbawa ng kanyang amang si David. “At nagkagayon na nang yaong mga nagdadala ng kaban ng Panginoon ay makalakad ng anim na hakbang, siya'y naghain.” Sa pag-awit at sa musika at sa dakilang seremonya, “ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako.” Verse 7 . Paglabas nila sa mula sa loob, pumunta sila sa mga posisyong itinalaga sa kanila. Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit na may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak). Tingnan ang Verse 12 .” PK 38.2
“Pagkatapos ay lumuhod si Solomon sa plataporma, at sa pandinig ng lahat ng tao ay nag-alay ng panalangin sa paglalaan. Itinaas ang kanyang mga kamay sa langit, habang ang kapisanan ay nakayuko ang mga mukha sa lupa, ang hari ay nagsumamo: “Oh Panginoon ang Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit o sa lupa; na nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na nagsisilakad sa harap mo ng kanilang buong puso.” PK 40.1
“Sa mga naging pag-uusig, tunggalian at kadiliman sa mga lumipas na siglo, hindi pinabayaan ng Diyos ang Kanyang iglesia. Wala ni isang ulap ang bumalot dito na hindi Niya napaghandaan; walang anumang puwersa na sumasalungat sa Kanyang gawain ang hindi Niya nalalaman. Ang lahat ng mga bagay ay nagaganap sangayon sa Kanyang inihula. Hindi Niya pinabayaan ang Kanyang iglesia, at sa halip ay inihayag sa propesiya kung ano ang magaganap, at kung anong mga bagay ang binigyang inspirasyon ng Kanyang espiritu upang ihula ng mga propeta. Ang lahat ng Kanyang layunin ay maisasakatuparan. Ang Kanyang kautusan ay nakaugnay sa Kanyang trono, at walang kapangyarihan ng kasamaan ang makakasira dito. Ang katotohanan ay kinasihan at iniingatan ng Diyos; at ito ay magtatagumpay laban sa lahat ng pagsalungat.” FLB 281.2
“Sa panahon ng espirituwal na kadiliman, ang iglesia ng Diyos ang magiging isang lungsod na nakalagay sa isang burol. Mula sa bawat panahon, sa sunud-sunod na henerasyon, ang mga dalisay na doktrina ng langit ay lumaganap sa loob ng mga hangganan nito.... Ito ang teatro ng Kanyang biyaya, kung saan Siya ay nalulugod na ihayag ang Kanyang kapangyarihang baguhin ang mga puso. 5 FLB 281.3
“ Ang iglesia ang katibayan ng Diyos, ang Kanyang lungsod ng kanlungan, na Kanyang hinahawakan sa isang mapanghimagsik na mundo. Anumang pagtataksil ng iglesia ay pagtataksil sa Kanya na tumubos ng sangkatauhan sa pamamagitan ng dugo ng Kanyang bugtong na Anak. Sa simula pa lang, ang mga tapat na kaluluwa ang bumubuo sa iglesia sa lupa. Sa bawat panahon, ang Panginoon ay mayroong mga bantay, na nagbibigay ng tapat na patotoo sa kanilang henerasyon. Ang mga bantay na ito ay nagbibigay ng mensahe ng babala; at sa oras na sila ay tawagin na tanggalin ang kanilang baluti, may ibang inatasang gumanap sa kanilang gawain. Dinala ng Diyos ang mga saksing ito sa pakikipagtipan sa Kanyang sarili, na pinagiisa ang iglesia sa lupa sa iglesia sa langit. Siya ay nagpapadala ng Kanyang mga anghel upang maglingkod sa Kanyang iglesia, at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi nagawang manaig laban sa Kanyang bayan. 6 FLB 281.4
“Mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak nang may walang hanggang pagmamahal. Sa Kanya ang pinakamamahal na bagay sa mundo ay ang Kanyang iglesia. 7 ” FLB 281.5