Ang Katapusan ng Misyon ng Diyos

Aralin 13, 4 th Quarter Disyembre 23-29, 2023

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
Download Pdf

Hapon ng Sabbath Disyembre 23

Talatang Sauluhin:

“Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain, Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?”  2 Pedro 3:11, 12


Sa mga nakaraang pag-aaral ay nakikita na ang lahat ng aklat sa Bibliya ay nagtutugma at nagtatapos sa aklat ng Apocalipsis ( Acts of the Apostles , pg. 585); at ang Apocalipsis ang sumasaklaw sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.

Sa mga pag-aaral na ito nalaman din natin ang kaganapan na naging sanhi ng pagbubukas ng Pitong Selyo, na nagsiwalat sa mismong Pahayag, at sa pananalita na, “Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya” ay nagsisimula sa kabanata 6 at nagtatapos sa kabanata 22 – labingwalong kabanata sa kabuuan, ang inihayag sa pagbubukas ng Selyo. Nahayag din na ang mga bagay na mangyayari sa darating mula sa panahon ni Juan, pagkatapos ng 96 A.D., ay ang mga bagay na dadalhin ng kaganapan, ang dakilang pagtitipon o assembly mismo sa palibot ng luklukan ay nagpulong upang suriin ang mga bagay na nasa loob ng Aklat. .

Ngayon...tandaan na ang Apocalipsis ay naglalaman ng maraming mga paksa, na ang bawat isa ay kumpleto, bagaman ang isang kabanata o paksa ay maaaring magoverlap o intercept sa iba; ibig sabihin, hindi lahat ng mga paksa at mga kabanata ay nasa kronolohikal na pagkakaayos sa isa't isa. 

Linggo, Disyembre 24

Apocalipsis: Ang Misyon ng Diyos sa Huling Araw


Basahin ang Apocalipsis 1;1-7. Sa anong mga paraan mo nakikita ang katibayan na ang Apocalipsis ay nakatuon sa misyon ng Diyos sa mga huling araw?

Upang matanggap ang Pahayag, ang huling aklat ng Bibliya, si Juan ay dalawang beses na kinuha sa Espiritu. Upang makita ito ay ating basahin ang Apoc. 1:10, at 4:2.

Apoc. 1:10 – “Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.”

Ito ang unang pagkakataon ni Juan sa Espiritu, at habang nasa loob Nito ay natanggap niya ang Apocalipsis kabanata 1, 2, at 3.

Apoc. 4:2 – “Pagdaka'y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo.”

Ito ang ikalawang pagkakataon ni Juan sa Espiritu, ang panahong natanggap niya ang Apocalipsis kabanata 4 hanggang 22.

Ang unang siyam na talata ng kabanata 1 ay naglalaman ng panimula ni Juan sa aklat at isang maikling buod ng kanyang nakita. Ang natitirang mga talata ng kabanata 1 ay naglalaman ng pagpapakilala ng Panginoon sa Apocalipsis, pagkatapos nito sa mga kabanata 2 at 3 ay ibinigay ang isang espesyal na mensahe na ibibigay sa pitong iglesia. Lahat ng ito ay nakita ni Juan noong siya ay nasa Espiritu sa unang pagkakataon.

Makikita naman sa mga kabanata 4 at 5 na ito ay naglalaman ng isang eksena ng isang espesyal na pangyayari na naging dahilan upang mabuksan ang Aklat . Ang lumabas sa Aklat, sa kabuoang diwa, ay ang Apocalipsis ni Jesucristo, ang Isa na tanging marapat na magbukas ng Aklat.

Kaya ang “Apocalipsis ni Jesucristo” ay nagsisimula sa ikaanim na kabanata at nagtatapos sa huling kabanata ng Aklat, ang mga kabanata kung saan nakatala ang mga bagay na isiniwalat ng naging pagbubukas ng pitong selyo. Oo, Ang Pahayag ay naglalaman ng mga bagay na tinatakan ng pitong selyo.

Ngayon dahil ang Apocalipsis ay naghahayag sa Judicial na mga paglilitis ng buong sangkatauhan, at dahil ito ay nagpapasimula sa Aklat na naseselyuhan ng pitong selyo, at gayundin dahil ang Apocalipsis, tulad ng ipinakita noon, ay naglalaman ng mga bagay na nasa selyadong Aklat, kung gayon lohikal lamang na ang Apocalipsis ay naglalaman ng isang maikling sketch ng kasaysayan ng tao mula sa simula ng mundo hanggang sa katapusan.

Ang mga nilalaman ng Pitong Selyo kung gayon ay nauunawaan ang buong sangkatauhan; at dapat magpasimula kay Adan, ang unang tao sa lupa. Kapansin-pansin din ang katotohanan na ang mga bagay na inihayag ng unang limang selyo ay nasasakupan sa isa, dalawa, o tatlong talata ayon sa pagkakabanggit (samantalang ang huling dalawang selyo na naglalaman ng mga bagay na nauukol sa Judgment for the Living, sa mga taong dapat makaalam na ang kanilang mga kaso ay nasa paglilitis) ay medyo mahaba: Ang talaan ng mga bagay na inihayag ng ikaanim na selyo ay 22 talata ang haba, at ang ikapitong selyo ay 15 kabanata ang haba. 

Lunes , Disyembre 25

Ang Mensahe at Misyon ng Tatlong Anghel


Basahin ang Apocalipsis 14:6-12. Ano ang inilalarawan dito, at ano ang kinalaman ng mga talatang ito sa ating misyon at mensahe? Ano ang sinasabi ni Jesus dito na direktang tumatalakay sa ating misyon?

“Ang mensahe ng ikatlong anghel ay hindi mauunawaan, ang liwanag na magpapaliwanag sa lupa ng kanyang kaluwalhatian ay tatawaging huwad na liwanag ng mga tumatangging lumakad sa pasulong nitong kaluwalhatian. Ang gawain na maaaring magawa ay pababayaan ng mga tumatanggi sa katotohanan, dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Nagsusumamo kami sa inyo na sumasalungat sa liwanag ng katotohanan, na umalis at huwag harangan ang daan ng bayan ng Diyos…” RH May 27, 1890, par. 6

“Ang mensahe ng ikatlong anghel ay magpapaliwanag sa lupa ng kanyang kaluwalhatian; ngunit tanging ang mga nakatiis lamang sa tukso sa lakas ng Isang Makapangyarihan ang pahihintulutang makibahagi sa pagpapahayag nito kapag ito ay lumaki na tungo sa Loud Cry.” RH November 19, 1908, Art. A, par. 9

“At nakita ko ang ikatlong anghel. Sinabi ng aking kasamang anghel, “Nakakatakot ang kanyang gawain. Kakila-kilabot ang kanyang misyon. Siya ang anghel na pipili ng trigo mula sa mga panirang damo, na magtatatak, o magtatali sa mga trigo para sa makalangit na kamalig. Ang mga bagay na ito ang dapat na pumukaw sa buong isip at sa buong atensyon.'” EW 118.1

"Dapat nating isantabi ang ating makitid at makasariling mga plano, at alalahanin na mayroon tayong isang gawain na may pinakamalaking lawak at pinakamataas na kahalagahan. Sa paggawa ng gawaing ito ay pinatutunog natin ang una, ikalawa, at ikatlong mga mensahe ng mga anghel, at sa gayon ay inihahanda para sa pagdating ng isa pang anghel na iyon mula sa langit na magpapaliwanag sa lupa ng kanyang kaluwalhatian.” 6T 406.5

“Ang anghel na makikiisa sa pagpapahayag ng mensahe ng ikatlong anghel ay magpapaliwanag sa buong lupa ng kanyang kaluwalhatian. Isang gawain na pangbuong daigdig ang lawak at hindi pangkaraniwang kapangyarihan ang inihula rito. Ang Advent movement noong 1840-44 ay isang maluwalhating pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos; ang mensahe ng unang anghel ay dinala sa bawat istasyon ng misyonero sa mundo, at sa ilang bansa ay nagkaroon ng dakilang interes sa relihiyon na nasaksihan sa alinmang lupain mula noong Repormasyon noong ikalabing-anim na siglo; ngunit ang mga ito ay mahihigitan ng makapangyarihang kilusan sa ilalim ng huling babala ng ikatlong anghel. GC 611.1

“Ang gawain ay magiging katulad ng sa Araw ng Pentecostes. Kung paanong ang “unang ulan” ay ibinigay, sa pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa pagbubukas ng ebanghelyo, upang maging sanhi ng pagsibol ng mahalagang binhi, gayundin ang “huling ulan” ay ibibigay sa pagtatapos nito para sa paghinog ng ani. . “At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.” Oseas 6:3 . “Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan.” Joel 2:23 . “Sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman.” “At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.” Gawa 2:17, 21 .” GC 611.2

Martes, Disyembre 26

Ang Huling Krisis


Basahin ang 1 Juan 4:8, 2 Pedro 3:9, 1 Timoteo 2:4, at Genesis 12:3. Bakit mahalaga sa Diyos ang bawat grupo ng mga tao?

Ang pagmimisyon upang iligtas ang sanlibutan ay hindi maaaring mas mahalaga kaysa sa pagmimisyon para sa ikaliligtas ng iglesia. Ang pagpaparami ng mga myembro ng iglesya sa ilalim ng nangingibabaw na pagkamalahiningang kalagayan ng Laodicea ay hindi makapagsusulong sa Kaharian ni Cristo gaya ng kung papaanong hindi ito naisakatuparan sa ilalim ng kalagayan ng simbahang Judio noong kapanahunan ng Kanyang unang pagparito. Sa pagkaunawa sa tunay na sitwasyon ng iglesia, si Juan Bautista at si Cristo Mismo at maging ang mga apostol noong una, ay nakisangkot sa gawain, hindi para sa sanlibutan sa pangkalahatan, ngunit para lamang sa interes ng kanilang mga kapatiran sa iglesia.

Kung paanong ang parehong paghiwalay kay Cristo ay umiiral sa loob ng iglesia ngayon tulad ng nangyari noon ( Testimonies , Vol. 5, p. 217) , mas higit na malaking pagsisikap ang kakailanganin upang iligtas ang bayan mula sa kanilang “malungkot na pagkalinlang” ( Testimonies , Vol. 3, p. 253) , kaysa kung sila ay nasa pagkapagano. Sapagka't sa Laodicea ay pinaniniwalaan nila na nasa kanila na ang lahat ng katotohanang dapat maabot, na sila'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi nangangailangan ng anoman –na ang kanilang kaligtasan ay tiyak na hangga't sila'y kaanib sa iglesia! Kaya't may mas malaking panganib na mawaglit ang kanilang mga kaluluwa sa iglesia habang ito ay “malahininga” at malapit nang isuka, kaysa kung nananatili sila sa sanlibutan hanggang sa magising ang iglesia mula sa kanyang pagkakatulog, at pahiran ang sarili ng pampahid sa mata (Katotohanan) --makakita ng tama, gumagawa ng tama, at pangunahan at pakainin ng tama ang kawan.

Hayaang magtanong ang bawat tapat na miyembro, kung ang iglesia mismo ay hindi ligtas ( Testimonies , Vol. 3, p. 253), hindi sumusunod kay Cristo na kanyang Lider ( Testimonies , Vol. 5, p. 217 ) at “naging patutot” ( Testimonies , Vol. 8, p. 250) , paano niya maililigtas ang iba? Ang pinakamalaking pangangailangan kung gayon ay iligtas muna ang mga nasa iglesia, pagkatapos ay ang mga nasa sanlibutan. Ang “espesyal na gawain ng pagdadalisay, ng pag-aalis ng kasalanan, sa gitna ng bayan ng Diyos" ( The Great Controversy, p. 425 ), “ang panghuling gawain para sa iglesia, sa panahon ng pagtatatak sa isang daan at apatnapu't apat na libo" ( Testimonies , Vol. 3, p. 266) , ang mauuna, pagkatapos ay susunod ang pagtatatak sa mga nasa sanlibutan.

Matapos na magising ang iglesia at tumigil sa pangangarap na siya ay “mayaman, at nagkamit ng kayamanan,” malalaman niyang siya ay nangangailangan ng lahat ng bagay, maglalagay ng kanyang lakas sa pamamagitan ng pagbaling kay Cristo na kanyang Lider, magbibihis ng kasuotan ng Kanyang katuwiran, at hindi na hahayaang pumasok sa kanya ang anumang marumi (Isa. 52:1), kung magkagayo'y ang kaniyang katuwiran ay lilitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas. At makikita ng mga bansa ang kanyang katuwiran, at ng lahat na hari ang kanyang kaluwalhatian (Isa. 62:1, 2). Ang kanyang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa kanya ng kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari ay makakasama nila. Sapagka't yaong bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa kanya ay mamamatay; oo, ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos.” Isa. 60:11, 12.

Kung gayon, hayaan ang lahat ng Present-truth believers, na ituloy ang landas na ito hanggang sa masayang kasukdulan nito: “Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't narito, ako'y naparirito, at ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon. At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.” Zech. 2:10, 11. 

Miyerkules , Disyembre 27

Tagumpay sa Pagmimisyon


Basahin ang 2 Corinto 11:2, Isaias 30:21, Juan 10:27, Juan 16:12, 13, 2 Tesalonica 2:9-11, Hebreo 3:12, 13, 1 Juan 1:8, 9, Apocalipsis 7: 14, Apocalipsis 19:8 . Ano ang sinasabi nila sa atin tungkol sa katangian ng mga tagasunod ni Jesus?

Zech. 3:1-4 – “At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Sawayin ka nawa ng Panginoon, Oh Satanas; oo, ang Panginoon na pumili ng Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo: di baga ito'y isang dupong na naagaw sa apoy? Si Josue nga ay nabibihisan ng maruming kasuutan, at nakatayo sa harap ng anghel. At siya'y sumagot at nagsalita sa mga yaon na nangakatayo sa harap niya, na nagsabi, Hubarin ninyo ang mga maruming suot sa kaniya. At sa kaniya'y kaniyang sinabi, Narito, aking pinaram ang iyong kasamaan, at aking susuutan ka ng mainam na kasuutan.

Ang unang binigyan ng kasuotan ay si Josue, ang pangulong saserdote, ang pinakamataas na opisyal sa iglesia. Kung wala sa kanya ang kasuotan, wala ring iba na maaaring magsuot nito. Mula dito, makikita na ang tunay na revival at reformation ay nagsisimula sa ulo, hindi sa mga paa, at bago bigyan ang isang tao ng karapatang magsuot ng damit, kinakailangang ang kanyang kasamaan ay alisin – magkaroon ng pagsisisi sa kanyang mga kasalanan, at pagpawi ng Panginoon dito. Gayunpaman, si Satanas ay naroroon upang labanan at akusahan siya; ngunit, salamat sa Diyos na nandoon ang Panginoon para sawayin ang kaaway. Naunawaan ba ninyo ang liksyon dito mga kapatid? Habang sinisikap ninyong isuot ang kausotan ay mahaharap kayo sa matinding oposisyon. Ngunit ano naman? Lubhang mahirap bang manindigan para sa Katotohanan at katuwiran kapag ang karamihan ay tumalikod sa inyo? At paano nga ba maging bayani para sa Diyos? (Basahin ang Mateo 5:10-12.)

Ang mga alagad at ang mga propeta ay hindi lamang napanagumpayan ang pagsalungat ng kanilang sariling mga kapatid, ngunit sila ay malugod na namatay para sa kanilang maputing kasuotan. Gayunpaman, hindi hinihiling sa iyo na isuko ang iyong buhay, ngunit upang iligtas ito. Ang sitwasyon ay binaligtad na ngayon. Hindi hahayaan ng Panginoon na masunog ka ng apoy. Ililigtas ka niya gaya ng “isang dupong na naagaw sa apoy.”

Mula dito makikita na si ang Josue sa kasalukuyang panahon ay pinapalitan ang kanyang maruruming kasuotan ng maputing kasuotan, para sa katuwiran ni Cristo.

Talata 5 – “At aking sinabi, Suutan siya nila ng isang magandang mitra sa kaniyang ulo. Sa gayo'y sinuutan siya ng magandang mitra sa kaniyang ulo, at sinuutan siya ng mga kasuutan; at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping.”

Hindi lamang siya nakasuot ng puting kasuotan, ngunit siya ay nakoronahan din ng isang magandang mitra. At ano pa ngang ipanahihiwatig ng gayong mitra maliban sa awtoridad na ipinagkaloob sa kanya bilang hinirang na pinuno ng Langit? Kaya't siya ay nararamtan mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa,” at ang anghel ng Panginoon ay nakatayo sa siping. Anong klaseng kaloob nga! at sanggalang sa mundong gaya ng mayroon ngayon! Gayunpaman, sa kabila nito, ang mga tao ay napakabagal at nag-aalangan na manindigan sa panig ng Panginoon. Karamihan sa kanila ay mas nanalig sa tao.

Talata 8 – “Dinggin mo ngayon, Oh Josue, na pangulong saserdote, dinggin mo, at ng iyong mga kasama na nangakaupo sa harap mo; sapagka't sila'y mga taong pinaka tanda: sapagka't narito, aking ilalabas ang aking lingkod na Sanga.

Hindi lamang si Josue, kundi pati na rin ang mga kasama na nangakaupo sa harap niya (ang kongregasyon) ay pinapayuhan na dinggin ang panukalang ito. At anong klaseng mga tao sila? - mga taong pinaka tanda. Ang simbolismong ito ay naghahayag na sa katuparan ng propesiyang ito ang anghel ng iglesia ng Laodicea ay hindi na ang namamahala sa bahay ng Panginoon, at ang bayan ng Diyos ay bubuuin ng mga taong pinaka tanda!

Malinaw, kung gayon, bilang resulta ng revival at reformation na ito sa loob ng Laodicea, lilitaw ang isa pang iglesia kung saan si Josue ang namamahala, hindi ang anghel ng Laodicea. Dito ay wala ng “mga panirang damo” (Mat. 13:30), “masamang isda” (Mat. 13:47, 48), o “kambing” (Mat. 25:32). Ang Laodicean, ang ikapito, ay ang huli kung saan magkahalo pa ang mga mapagkunwari, mga banal at makasalanan. 

Huwebes, Disyembre 28

Tapos na Misyon


Basahin ang Apocalipsis 21:1-4 at Apocalipsis 21;22-22:5. Ano ang eksenang inilarawan dito?

Isaias 65:17 – “Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.”

Dito ay dinadala tayo sa panahon na ang Panginoon ay lilikha ng bagong langit at ang lupa.

Mga Talata 18, 19 – “Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan. At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.”

Hinihikayat tayong magalak dahil ang Jerusalem, gayundin ang kaniyang bayan, ay nilikha para sa kagalakan.

Talata 20 – “Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain..”

Tungkol sa mga masasama sa bagong lupa, na bumangon sa ikalawang pagkabuhay na mag-uli, ang muling pagkabuhay ng mga hindi matuwid (Apoc. 20:5), hindi magkakaroon ng kapanganakan o kamatayan man sa kanila sa loob ng isang daang taon. Kaya't ang tanging mga bata na mapapabilang sa kanila ay yaong mga binuhay mula sa mga patay. Dahil dito, kapwa ang mga matatanda at ang mga bata ay mabubuhay ng isang daang taon mula sa muling pagkabuhay ng mga hindi matuwid hanggang sa ikalawang kamatayan. Kaya't ang bata at ang makasalanan, na naging isang daang taong gulang sa lupa na ginawang bago, ay parehong mamamatay sa katapusan ng siglo. Kung magkagayo'y tatahan ang mga matuwid sa buong lupain.

Mga talata 21, 22 – “At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.

Makikita na ang darating ay magiging kasing totoo at kasing natural ng Halamanan ng Eden noong araw na ito ay nilikha. Kaya't ang mensahe ni Elias ay talagang ibabalik ang lahat ng bagay - lahat ng nawala dahil sa kasalanan.

Talata 23 – “Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.”

Karamihan sa ating mga gawain sa mundong ito ay walang kabuluhan, at karamihan sa ating mga anak na lalaki at babae ay ipinanganak din nang walang kabuluhan. Ngunit sa bagong langit at bagong lupa, walang sinuman ang gagawa ng walang kabuluhan, at walang manganganak para sa kasakunaan.

Talata 24 – “At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.”

Dahil ang kasagutan sa ilan sa ating mga panalangin, madalas tayong naghihintay ng matagal, at karamihan sa mga ito ay hindi sinasagot ayon sa ating kagustuhan. Ngunit sa lupang ginawang bago ay walang magiging pagkaantala at walang pagkabigo.

Talata 25 – “Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.”

Magkakaroon ng kapayapaan sa buong kapaligiran. Hindi tayo makakakita ng mga taong nag-aaway o mga hayop na nag-aaway at kumakain sa isa't isa. Magkakaroon ng tunay at ganap na kapayapaan sa kanilang lahat.

Kung mauunawaan lamang natin kung ano ang inihanda ng Diyos para sa lahat na gustong mag-aral ng Kanyang Salita at lumakad sa Kanyang patuloy na lumalagong Liwanag, hindi na natin hahayaang masayang ang ating mga lakas sa pagiinteres sa mga materyal na bagay sa buhay na ito. Ang mga ito ay idaragdag sa atin habang tayo ay masigasig na gumagawa para sa pagpapatibay ng Kanyang Kaharian, sapagkat Siy

Biyernes, Disyembre 29

Karagdagang Kaisipan

Rev. 10:5-7 – “At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit, At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon: Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.”

Ang anghel ay nanumpa na hindi na magluluwat ang panahon. Sa palagay ko naiintindihan ko kung paano tayo bilang Seventh-day Adventist ay nagbibigay-kahulugan sa salitang “hindi na magluluwat ang panahon”; ngunit kapag binasa ang dalawang talatang ito nang magkasama ay malinaw na ipinapakita kung anong uri ng oras ang hindi na magluluwat sapagkat ito ay sa panahon ng ikaanim na trumpeta na sinabi ng anghel na hindi na magluluwat ang panahon, ngunit sa simula ng pagtunog ng ikapitong trumpeta ang misteryo ng Diyos ay matatapos. Ano ang misteryo ng Diyos? Ito ay ang gawain ng kaligtasan, o ang gawain ng Ebanghelyo. At sa panahon ng ikapitong trumpeta ay wala nang misteryong matatapos, sapagkat ito ay matatapos sa ikaanim na trumpeta. Samakatuwid, dapat maunawaan na ang anghel ay naghahayag na ang probationary time ay mageextend lamang hanggang sa pagtunog ng ikaanim na trumpeta, dahil ang misteryo ng Diyos ay matatapos na sa oras na ang ikapitong anghel ay magsimulang tumunog.