“Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” KJV - Gawa 1:8
Ang misyon na iligtas ang mundo ay hindi maaaring mas mahalaga kaysa sa misyon na iligtas ang iglesia. Ang pagpapalago ng kasapian o miyembro ng iglesya sa ilalim ng kasalukuyang nangingibabaw na malahiningang kalagayan ng Laodicea ay hindi makapagsusulong sa Kaharian ni Cristo kaysa sa nagawa sa ilalim ng mga kalagayan sa simbahang Judio noong mga araw ng Kanyang unang pagparito. Sa pag-unawa sa tunay na sitwasyon sa iglesia, si Juan Bautista at si Cristo Mismo at maging ang mga apostol noong una, ay nakisangkot sa gawain, hindi para sa mundo sa pangkalahatan, ngunit para lamang sa interes ng kanilang mga kapatid sa iglesia.
Kung paanong ang parehong paglayo kay Cristo ay umiiral sa loob ng simbahan ngayon tulad ng nangyari noon ( Testimonies , Vol. 5, p. 217), kakailanganin ng mas higit na malaking pagsisikap upang iligtas ang bayan mula sa “malungkot na pagkalinlang” sa Laodicea ( Testimonies , Vol. 3, p. 253), kaysa kung sila ay nasa pagano. Sapagka't sa Laodicea ay pinaniniwalaan nila na nasa kanila ang lahat ng katotohanang dapat maabot, na sila’y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi nangangailangan ng anoman – na ang kanilang kaligtasan ay walang hanggang panatag hangga't sila'y kaanib sa iglesia! Kaya't may mas malaking panganib na mawala ang kanilang mga kaluluwa sa simbahang “malahininga” at malapit nang isuka, kaysa kung manatili sila sa mundo hanggang sa magising ang simbahan mula sa kanyang pagkakatulog, at pahiran ang sarili ng pampahid sa mata (Katotohanan) --makita ang tama, gumawa ng tama, at pinangungunahan at pinapakain ng tama ang kawan.
Basahin ang Genesis 12:1-3. Sa paanong paraan naging panawagan sa misyon ang tagubilin ng Diyos kay Abram?
Ang walang pag-aalinlangan at walang patid na pananampalataya ni Abraham at ang kanyang walang-pagaalinlangang pagsunod sa bawat utos ng Panginoon sa bawat pagkakataon ang dahilan kung bakit siya naging "kaibigan ng Diyos," ang "ama ng mga tapat," at isang dakilang haligi ng buhay na katotohanan, na may pangalan na aalalahanin at iginagalang sa buong panahon at kawalang-hanggan.
Ang pananampalataya ni Jacob sa mga pangako ng Diyos, at ang kanyang labis na pagnanais na maganap sa kanyang sarili ang mga plano ng Panginoon at maisakatuparan ang mga ito, ay nagresulta sa kanyang pagiging ninuno ng mga unang bunga o ministeryo ng Kingdom-church--yaong mga tumatayong kasama ng Kordero sa bundok ng Zion (Apoc. 14:1).
Ang hindi natitinag na katapatan ni Jose sa prinsipyo ay nagdala sa kanya sa pinakamataas na posisyon, kung saan siya ang naging pinakadakilang tagapagbigay ng pagkain sa mundo bilang isang tipo ni Cristo, ang Dakilang Espirituwal na Tagapaglaan.
Si Moises, sa kanyang kaamuan (pagpakumbaba) at sa kanyang determinasyon “na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala” (Heb. 11:25), ay tumindig bilang pinakadakilang heneral, pinuno, at tagapagligtas sa lahat ng panahon, at titindig sa bundok ng pagbabagong-anyo.
Ang pag-aalay ng buhay ng mga apostol alang-alang kay Cristo at sa Kanyang Katotohanan ay nagdala sa kanila ng mataas na karangalan na mailagay ang kanilang mga pangalan sa mga pundasyon ng Banal na Lungsod (Apoc. 21:14).
Ang walang takot at matiyagang pagsisikap ni Luther na itaas ang niyurakang Katotohanan (Dan. 8:11, 12; 11:31), ay nagbigay-daan sa Protestantismo.
“At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw... Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.” Blg. 24:14, 17, 18
Sa diwa, sinabi ni Balaam sa hari ng Moab: “Sinikap kong matamo ang iyong pabor at sumpain ang Israel, ngunit ang Diyos ay nanaig. Nanagumpay ang Israel; ikaw at ako ay natalo. At isa pa, hayaan mong ipahayag ko sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw: Siya na mamumuno sa Israel ay sasaktan ang mga sulok ng Moab, at ang Israel ay magpapakatapang.
Kaya napilitan si Balaam na hulaan ang kapanganakan ni Cristo at ang Kanyang paghahari, na magiging dahilan upang ang Israel ay gumawa ng buong tapang laban sa Moab at sa kanyang mga kalapit na bayan sa mga huling araw.
Basahin ang Genesis 12:10-13:1. Anong kasunod na mga bagay-bagay ang nangyari sa kanya, at anong mga pagkakamali ang ginawa ng tao ng Diyos na ito?
“Tinawag ng Diyos si Abraham upang maging ama ng mga tapat, at upang ang kanyang buhay ay magsilbing isang halimbawa ng pananampalataya sa mga susunod na henerasyon. Ngunit hindi naging perpekto ang kanyang pananampalataya. Siya ay nagpakita ng kawalan ng tiwala sa Diyos nang ilihim niya ang katotohanan na si Sarah ay kanyang asawa, at muli sa kanyang pakikipagasawa kay Hagar. Upang maabot niya ang pinakamataas na pamantayan, isinailalim siya ng Diyos sa isa pang pagsubok, ang pinakamahirap na pagsubok para sa tao. Sa isang pangitain sa gabi ay inutusan siyang pumaroon sa lupain ng Moria, at doon ay ialay ang kanyang anak bilang handog na susunugin sa isang bundok na ipakikita sa kanya.” PP 147.2
“Sa panahong natanggap niya ang utos na ito, si Abraham ay umabot na sa edad na isang daan at dalawampung taon. Siya ay itinuturing nang isang matanda, maging sa kanyang henerasyon. Sa kanyang mga naunang mga taon ay naging malakas siya sa pagtitiis ng hirap at matapang sa harap ng panganib, ngunit ngayon ay nawala na ang sigasig ng kanyang kabataan. Ang isang nasa sigla ng pagkalalaki ay maaaring may tapang na humarap sa mga paghihirap at pagdurusa na maaaring magdulot ng pagkabigo sa kanyang puso sa bandang huli ng kanyang buhay, kapag ang kanyang mga paa ay nanghihina na patungo sa libingan. Ngunit inilaan ng Diyos ang Kanyang huling, pinakamatinding pagsubok para kay Abraham hanggang sa ang pasanin ng mga taon ay mabigat sa kanya, at siya ay nagnanais na ng kapahingahan mula sa pagkabalisa at pagpapagal.” PP 147.3
“Sa pagsunod sa pananampalataya, tinalikuran ni Abraham ang kanyang sariling bayan—tinalikuran ang mga libingan ng kanyang mga ama at tahanan ng kanyang mga kamag-anak. Siya ay naglakbay bilang isang dayuhan sa lupaing kanyang mana. Matagal niyang hinintay ang pagsilang ng ipinangakong tagapagmana. Sa utos ng Diyos ay pinaalis niya ang kanyang anak na si Ismael. At ngayon, nang ang bata na matagal nang ninanais ay papalapit ng pumasok sa pagkalalaki, at ang patriyarka ay tila nauunawaan na ang katuparan ng kanyang mga pag-asa, isang pagsubok na mas malaki kaysa sa lahat ng iba pa ang pumaroon sa harapan niya.” PP 148.1
“Ang dakilang gawa ng pananampalataya ni Abraham ay tumatayong tulad ng isang haligi ng liwanag, na nagliliwanag sa landas ng mga lingkod ng Diyos sa lahat ng susunod na panahon. Hindi hinangad ni Abraham na i-excuse ang kanyang sarili sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Sa tatlong araw na paglalakbay na iyon siya ay may sapat na panahon upang mangatuwiran, at mag-alinlangan sa Diyos, kung siya ay nakahilig sa pagdududa. Maaari niyang isipin na ang pagpatay sa kanyang anak ay magiging dahilan upang ituring siyang isang mamamatay-tao, ang pangalawang Cain; na magiging sanhi ng pagtanggi at paghamak sa kanyang pangangaral; at sa gayon ay sirain ang kanyang kapangyarihang gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa tao. Maaari sanang siya ay nakiusap at idahilan na ang edad niya ay makapage-excuse sa kanyang pagsunod. Ngunit ang patriyarka ay hindi nagtago sa alinman sa mga dahilan na ito. Si Abraham ay tao; ang kanyang mga hilig at likas ay tulad ng sa atin; ngunit hindi siya tumigil upang kwestyunin kung paano matutupad ang tipan kung papatayin si Isaac. Hindi siya nanatiling nangangatwiran sa kanyang nagdurusang puso. Alam niya na ang Diyos ay makatarungan at matuwid sa lahat ng Kanyang mga kahilingan, at sinunod niya ang mismong utos na binigay sa kaniya. ” PP 153.3
Basahin ang Mga Gawa 8:1-4. Ano ang dahilan ng pangangalat ng mga mananampalataya sa sinaunang iglesia palabas sa kanilang mga nakasanayang lugar?
“At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake. At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon. At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig. At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus: Apoc. 12:13-17.
Halos lahat ng mga Kristiyano ay sumasang-ayon na ang tanging matibay na interpretasyon sa “babae” na binanggit dito ay sumasagisag sa iglesia. At ang katotohanan na siya ay nagsilang sa lalaking, si Cristo, ay nagpapakita na siya ay samakatuwid ay simbolo ng iglesia sa dispensasyong Kristiyano.
Habang ang dragon ay umuusig sa kanya sa pamamagitan ng nalinlang na mga saserdoteng Judio na tumanggi kay Cristo bilang ang Mesiyas, “At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol. At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng di kawasa. Datapuwa't pinuksa ni Saulo ang iglesia, na pinapasok ang bahay-bahay, at kinakaladkad ang mga lalake't mga babae, at sila'y ipinapasok sa bilangguan. Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita.” Mga Gawa 8:1-4.
“At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki”- ang kanyang gagamitin patungo sa ilang. At bilang kabaligtaran ng ubasan (“sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim”--Isa. 5:7), ang ilang ay maliwanag na tumutukoy sa mga bansang Gentil. Samakatuwid, ang mga apostol, bilang katuparan ng propesiyang ito ay inutusan, at binigyan ng mga pakpak, upang mabilis na mangaral sa lahat ng mga bansa.
“At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil. Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan. At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.” Mga Gawa 13:46-49.
Basahin ang Gawa 1:8. Anong prinsipyo ang ibinigay ni Jesus kapag gagawin ang pagbabahagi o ang pagiging Kanyang mga saksi sa mundo?
“At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo." Ang "sanglinggo" na binabanggit dito ay ang huli sa pitumpu; ito ang huling pitong taong inilaan para sa mga Hudyo. Sa panahong ito, mula A.D. 27 hanggang A.D. 34, si Cristo, sa una nang personal at pagkatapos sa Kanyang mga disipulo, ay nagpaabot ng paanyaya sa ebanghelyo para sa mga Hudyo. Nang humayo ang mga apostol na may dalang mabuting balita ng kaharian, ang tagubilin ng Tagapagligtas ay: “Huwag kayong magsitungo sa alin mang daan ng mga Gentil, at huwag kayong magsipasok sa alin mang bayan ng mga taga Samaria: Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.” Mateo 10:5, 6 . CIHS 85.1
“ At sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay.” Noong A.D. 31, tatlo at kalahating taon pagkatapos ng Kanyang binyag, ang ating Panginoon ay ipinako sa krus. Sa pamamagitan ng dakilang hain na inialay sa Kalbaryo, nagwakas ang sistema ng mga paghahandog na sa loob ng apat na libong taon ay tumutukoy sa Kordero ng Diyos. Ang tipo ay nakatagpo ng antitipo, at ang lahat ng mga sakripisyo at mga alay na sistema ng seremonya ay naroon upang itigil. CIHS 85.2
“Ang pitumpung linggo, o 490 taon, na inilaan sa mga Hudyo, ay nagwakas, gaya ng nakita natin, noong A.D. 34. Noong panahong iyon, sa pamamagitan ng pagkilos ng Judiong Sanhedrin, tinatakan ng bayan ang pagtanggi nito sa ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpatay kay Esteban at sa mga pag-uusig sa mga tagasunod ni Cristo. Pagkatapos ang mensahe ng kaligtasan, na hindi na limitado sa mga piniling tao, ay ibinigay sa mundo. Ang mga alagad na napilitang tumakas mula sa Jerusalem dahil sa pag-uusig, ay “nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita.” At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo.” Si Pedro, na pinatnubayan ng Diyos, ay nagbukas ng ebanghelyo sa senturion ng Caesarea, ang may takot sa Diyos na si Cornelio; at ang masigasig na si Pablo, na nanalo sa pananampalataya kay Cristo, ay inatasan na dalhin ang mabuting balita “sa malayo sa mga Gentil.” Gawa 8:4, 5 ; 22:21 . CIHS 85.3
“Ang mga disipulo sa kanilang unang paglalakbay bilang misyonero ay nagsiparoon sa mga tupang nangawaglit sa bahay ni Israel.” Kung ipinangaral nila sa panahong iyon ang ebanghelyo sa mga Gentil o sa mga Samaritano, mawawala ang kanilang impluwensya sa mga Hudyo. Ang pagbabangon ng prejudice sa mga Pariseo ay magsasangkot sa kanilang mga sarili sa kontrobersya na makapagpapapahina sa kanilang loob sa pasimula pa lamang ng kanilang mga gawain. Maging ang mga apostol ay mabagal sa pagkaunawa na ang ebanghelyo ay dadalhin sa lahat ng mga bansa. Hanggang sa sila mismo ay maunawaan ang katotohanang ito hindi sila handang gumawa para sa mga Gentil. Kung tatanggapin ng mga Hudyo ang ebanghelyo, nilayon ng Diyos na gawin silang Kanyang mga mensahero sa mga Hentil. Kaya't sila ang unang nakarinig ng mensahe." DA 351.1

“Sa unang paglalakbay na ito ang mga disipulo ay pupunta lamang kung saan si Jesus ay nauna sa kanila, at nagkaroon ng mga kaibigan. Ang kanilang paghahanda para sa paglalakbay ay ang pinakasimpleng uri. Walang bagay ang pahihintulutang ilihis ang kanilang isipan mula sa kanilang dakilang gawain, o sa anumang paraan na pupukaw ng pagsalungat at pagsasara ng pinto para sa ibayong paggawa. Hindi nila dapat gamitin ang pananamit ng mga guro ng relihiyon, ni gumamit ng anumang pananamit upang makilala sila sa mga hamak na magsasaka. Hindi sila dapat pumasok sa mga sinagoga at tipunin ang mga tao para sa pampublikong paglilingkod; ang kanilang mga pagsisikap ay dapat matuon sa pagbabahay-bahay na paggawa. Hindi sila dapat mag-aksaya ng oras sa walang kabuluhang pagbati, o sa pagpunta sa bahay-bahay bilang libangan. Ngunit sa bawat lugar ay dapat nilang tanggapin ang mabuting pakikitungo ng mga karapat-dapat, yaong malugod silang tatanggapin na parang inaaliw si Cristo Mismo. Sila ay papasok sa tahanan na may magandang pagbati, “Kapayapaan nawa sa bahay na ito.” Lucas 10:5 . Ang tahanan na iyon ay pagpapalain ng kanilang mga panalangin, kanilang mga awit ng papuri, at pagbubukas ng Kasulatan sa harap ng pamilya. DA 351.3
“Ang mga disipulong ito ay dapat maging tagapagbalita ng katotohanan, upang ihanda ang daan para sa pagdating ng kanilang Guro. Ang mensaheng kailangan nilang dalhin ay ang salita ng buhay na walang hanggan, at ang kapalaran ng mga tao ay nakasalalay sa kanilang pagtanggap o pagtanggi dito. Upang akayain ang mga tao sa kataimtiman nito, iniutos ni Jesus sa Kanyang mga alagad, At sinomang hindi tumanggap sa inyo, ni duminig sa inyong mga pananalita, pagalis ninyo sa bahay o bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Higit na.” DA 352.1