“At kayong mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, at sa kaniya'y walang itinatanging tao.” KJV - Efeso 6:9
“Nang magkagayo'y ang mga pangulo at ang mga satrapa ay nagsihanap ng maisusumbong laban kay Daniel, tungkol sa kaharian; nguni't hindi sila nangakasumpong ng anomang kadahilanan.” Dan. 6:4. Nang makita siyang walang kapintasan, ang kanyang mga kaaway ay “nangagsanggunian upang magtatag ng isang palatuntunang hari sa kaharian, at upang maglagda ng isang pasiyang mahigpit, na sinomang humingi ng isang kahilingan sa kanino mang dios o tao sa loob ng tatlong pung araw, liban sa iyo, Oh hari, ihahagis sa yungib ng mga leon.” Talata 7.
Sa pamamagitan ng pagtiyak ng lagda ng hari sa utos, hinangad nilang lumikha ng isang sitwasyon na magsasangkot kay Daniel sa isang pagkilos ng paghihimagsik laban sa hari. Alam nila na kahit na nilayon niyang magbigay ng walang patid na katapatan sa hari, hindi niya ito gagawin sa halaga ng pagtataksil sa kanyang Diyos. At kaya habang patuloy siyang nagsusumamo sa kanyang Diyos gaya ng nakagawian niyang gawin, inihagis siya sa “yungib ng mga leon.” Ngunit Siya na kanyang dinadasalan ay nagligtas ng kanyang buhay mula sa mga mababangis na hayop na iyon.
At sa gitna ng mga alipin sa sinaunang Ehipto ay nakita ang maringal na tangkad ni Jose, ang pinakadakilang tagapagbigay na nasumpungan sa mundo. Nakita siya sa kaniyang matatag na katapatan sa kanyang pamahalaan, tumitindig sa karangalan hanggang sa siya ay nakabahagi sa mismong trono ni Paraon!
Mula sa mga ito at sa iba pang mga halimbawa sa Bibliya, malinaw na ang katapatan ng isang tao sa kanyang pamahalaan ay ang kanyang pangako ng katapatan dito – isang pagpupugay sa watawat nito. Samakatuwid, sa kabuuan, nakikita natin na habang sa isang banda ang pagtataksil ng isang tao sa banal na pamahalaan ay isang kasalanan laban sa Diyos, sa kabilang banda naman ang kanyang pagtataksil sa pamahalaan ng kanyang bansa ay isang kasalanan laban dito, at gayundin ay hindi direktang paglaban sa Diyos, dahil ang hindi katapatan sa pamahalaan ay pagsuway sa hayagang utos ng Diyos: “Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti.” Tit. 3:1. “Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.” 1 Pet. 2:13, 14 .
Anong payo ang ibinigay ni Pablo sa mga bata, at paano niya sinusuportahan ang payong iyon mula sa Lumang Tipan? Eph. 6:1-3
Naaalala mo na may isang bata na nagngangalang Samuel na maagang lumakad sa “Daan,” at doon siya sinanay. Ngayon isipin kung ano ang nangyari: Naaalala na isang gabi si Samuel ay biglang ginising ng isang Tinig. Sa pag-aakalang boses iyon ni Eli, mabilis siyang bumangon mula sa kama at nagtanong kay Eli. Ito’y ikinagulat ni Eli, pero mahinahon niyang sinabi, “Hindi kita tinawag. Bumalik ka sa iyong higaan." Dahil walang ibang tao sa paligid kundi si Eli. Sigurado si Samuel na tinawag siya ng matandang lalaki. Gayunpaman, sumunod siya at agad na bumalik sa higaan.
Hindi nagtagal, marahil sa sandaling muling nakatulog si Samuel, tumawag ang Tinig sa pangalawang pagkakataon. Alam mong madaling masabi sana ni Samuel sa kanyang sarili, “Malamang na nananaginip ang matandang iyon. Eto nanaman ang pagtawag niya sa akin. Ngunit hindi na ako maaabala pa sa kanya; Hahayaan ko na lang siyang isigaw lahat ng makakaya niya.” Gayunpaman, si Samuel, tulad ng una ay nagmamadaling pumunta sa higaan ng kanyang panginoon, upang marinig lamang muli ang mga salitang, “Hindi ako tumawag, anak ko; mahiga ka uli.” Sa pangatlong beses na kaniyang muling narinig ang pagtawag sa kaniya, at kasing kusang loob at kasing-galang ng dati, pumunta siya sa tabi ng kama ng kanyang panginoon sa ikatlong pagkakataon! Sa wakas ay nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata, kaya't itinuro kay Samuel kung ano ang dapat gawin. At ano ang ginawa ni Samuel? – Tumalima nga siya gaya ng sinabi sa kanya.
Kung si Samuel ay hindi naging kasing handa, kasing galang, at matiyaga gaya ng ginawa niya, sa palagay mo ba ay pahihintulutan siyang humawak ng pinakamataas na katungkulan sa lupain? – Tiyak na hindi. Walang iba kundi ang banal na mga kwalipikasyon ng pagkatao na ipinakita ni Samuel noong gabing iyon na naglagay sa kanya sa katungkulan bilang propeta, saserdote, at hukom.
Magtataka pa ba tayo kung bakit tatlong beses na sunod-sunod na tinawag si Samuel mula sa higaan at kung bakit sila ni Eli ay inabala sa gabing iyon? – Para sa dalawang dahilan: (1) Para patunayan na sa anumang pagkaabala, hindi magdadalawang isip si Samuel na tumalima kapag tinawag, na hindi siya magagalit, na hindi siya magiging magaspang sa paguugali kay Eli. (2) Nais ng Panginoon na tulungan si Eli; upang pigilan ang posibilidad na maisip ni Eli na kumikilos si Samuel ng wala sa lugar at pagdudahan ang kakayahan niyang disiplinahin ang sarili niyang mga anak. Kung hindi nabigyan ng pagkakataon si Eli na tiyaking nakipag-usap ang Panginoon sa bata, madali sana niyang maiisip na nakikipagsabwatan si Samuel laban sa mga anak ni Eli. Ngunit dahil sa mga pangyayari, natiyak ni Eli na may mensahe ang Diyos para sa kanya. At walang puwang sa anumang pagdududa.
Ang mga kalalakihan sa ngayon, tulad ng mga nakaraang panahon, ay sabik na may marating sa buhay, ngunit milyun-milyon sa kanila ang hindi naaabot ang kanilang layunin at marami ang nasisira ang buhay. Gusto nilang maging dakilang tao, ngunit nabibigo sila. At ang dahilan? – Ito ay dahil sa pag-overestimate sa kanilang sariling mga kakayahan, at pag-underestimate sa kapangyarihan ng Diyos. Hindi nila nauunawaan na sa Diyos ay walang kabiguan, at sa Kanya “sila ay may mararating.”
Kayong mga lalaki at babae ay dapat ilaan ang inyong mga sarili nang walang pag-aalinlangan sa Diyos. Kailangan Niya ng mga dakilang tao, at magagawa ka Niyang ganoon. Kapag natutuhan mo ang paraan ng Diyos at naging responsableng lalaki o babae gaya ni Samuel, hindi pababayaan ng Diyos ang iyong pagiging masigasig, at katapatan. Siya ay magbibigay sa iyo ng isang bagay na mahusay para sa iyong gantimpala. Oo, ikaw ay talagang magiging dakila.
Ang sinaunang si David ay bata rin at isang karaniwang pastol. Ngunit siya ay isang mabuting pastol, ang pinakamahusay sa lupain. Nakita ng Diyos na siya ay maalalahanin at tapat sa kanyang mga tungkulin, kaya't ipinasiya Niyang gawin ang bata bilang hari sa Kanyang bayan. Tunay nga na kapag ang isang tao ay gumawa ng isang bagay nang mabuti, malamang na siya ay gagawa rin ng isa pang bagay na mabuti. Si David ay kasinghusay sa kanyang mga tungkulin gaya ni Samuel sa kanyang mga tungkulin. Kaya naman siya ay kinuha mula sa pastulan ng mga tupa at inilagay sa palasyo.
May nakita ang Panginoon sa kanya [kay Jose] na hindi Niya nasumpungan sa mga kapatid ni Jose. Hindi lamang siya ang paboritong anak ng kanyang ama, ngunit siya rin ang paborito ng Diyos. Nasa isip ng Diyos ang isang bagay na napakaganda para kay Jose – higit pa sa maiisip ng mundo. Upang patunayan ang kanyang sarili na mapagkakatiwalaan, kailangan munang maging alipin si Jose. Kailangan niyang sanayin para sa dakilang gawaing nakalaan.
Kaya sa paraan ng paggawa ng Probidensya, ipinagbili siya ng kanyang mga kapatid upang maging alipin. Noon niya lang naalala ang ipinangako sa kanya ng Panginoon sa isang panaginip – na bukod sa kanyang mga kapatid, maging ang kanyang ama at ina ay yuyukod sa kanya. Naiisip mo ba ang pagkakataon niya para sumpain ang Diyos nang makita niya ang kanyang sarili sa daan patungo sa pagkaalipin? Maaari niya sanang sabihin, “Bakit ako maglilingkod sa isang Diyos na nangangako ng kaluwalhatian ngunit sa halip ay nagbibigay ng kahihiyan, kahirapan at pagkawalay sa akin?” Ngunit gumawa si Jose ng kasing talino gaya ni Job: Sa pamamagitan ng pagpapabanal sa Diyos sa kanyang puso, sa diwa ay sinabi niya, “Bagaman patayin niya ako, gayon ma'y sa Kanya ako magtitiwala.”
Mabilis na tinanggap ni Jose ang kanyang sitwasyon, sa pagtitiwala na alam ng Diyos ng kanyang ama ang lahat ng kanyang mga problema. Kaya naman agad na napagtanto ng kaniyang mga panginoon, ang mga Ismaelita, na sila ay nakakuha ng isang mabuting alipin, isang alipin na maaari nilang ipagbili sa malaking halaga. Paano ko malalaman ito? – Nabatid ko ito dahil dinala siya kaagad ng mga Ismaelita sa isang lalaking walang bibilhin kundi ang pinakamaganda lamang, sa pinakamayamang tao sa Ehipto, sa isa may kakayahang magbayad ng halaga. Alam natin na ang mga mayayamang tao ay hindi bumibili ng murang mga bagay, ni ang mga tindero ay nagaalok ng murang mga bagay sa kanila.
Kahit na sa gitna ng kalungkutan, malamang na naipakita ni Jose ang kanyang kakayahang maglingkod, at malamang na nakita rin ng kaniyang mga panginoon sa pagkaalipin na siya ay may malaking paggalang habang nasa daan patungo sa Ehipto, dahil doon nalaman ng mga mangangalakal ang halaga ng kanilang bihag, at pagkatapos ay natanto nila na maaaring ibenta siya sa isang taong nagnanais ng isang magandang bagay at maaaring magbayad ng halaga. Di-nagtagal, nalaman din ni Potifar na si Jose ay mapagkakatiwalaan sa lahat ng aspeto.
Kaya siya ay naging punong katiwala ni Potiphar. Maging ang asawa ni Potiphar ay nahulog sa kanya. Maaalala na sa puntong ito, humantong siya sa pinakasukdulan ng kanyang pagsusulit. Sa pagdaan sa pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay, natapos niya ang pagsusulit sa bahay na iyon ni Potiphar, pagkatapos mula sa bilangguan siya ay na-promote sa trono ng Ehipto, at naging ang pinakadakila sa mundo. Sa kaniyang pagka-promote o pagka-demote, ibinigay ni Jose sa Diyos ang kaluwalhatian at ginawa ang kanyang buong makakaya. Sa bawat bagay na inilagay sa kanya, siya ay gumawang pinakamabuti, at sa gayon siya ay naging pinakadakila sa lahat ng nabubuhay sa lupa.
Tungkol sa tunay na lihim ng kanyang tagumpay ay makikita ang isang simpleng prinsipyo – ang katatagan laban sa tukso sa kasalanan, at katapatan sa tungkulin: “Ah! Hindi ko magagawa ang masamang bagay na ito. Hindi ako magkakasala laban sa mga tao man o laban sa Diyos,” ang tugon niya sa tukso.
Ito ang dahilan kung bakit naging dakila si Jose sa bahay ng kanyang ama, sa mga kamay ng mga Ismaelita, sa bahay ni Potiphar, sa selda ng bilangguan, sa trono ni Paraon, at sa buong mundo. Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng sinaunang mundo ay yumukod sa kanya.
Ihambing ang Efeso 5: 4 at Colosas 3:21. Anong motibasyon ang ibinibigay ng Colosas 3:21 para maiwasang mayamot ang mga anak ng iba?
Deut. 21:18-21 – “Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila: Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook; At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya'y may masamang pamumuhay, at manglalasing. At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng buong Israel, at matatakot.”
Makikita na noong unang panahon, noong sinaunang panahon, ipinaalam ng Panginoon ang Kanyang mga utos at Kanyang mga batas. Nangako Siya na kung ang Kanyang bayan ay masunurin, gagawin Niya silang isang dakilang bansa; na kanilang aariin ang mga bansang mas dakila at mas makapangyarihan kaysa sa kanilang sarili; at na ang lahat ng mga bansa, ay matatakot sa kanila. Malinaw niyang sinabi sa kanila, gayunpaman, na kung hindi sila susunod, kung gayon ang mga sumpa ay tiyak na magiging kanilang kapalaran.
Inutusan niya sila na magpalaki ng masunuring mga anak. Inutusan ang mga magulang na dalhin sila sa mga matatanda sa bayan kung sila mismo ay hindi makapagpasunod sa kanilang mga anak, at babatuhin sila ng mga matatanda. Ang ibinigay na dahilan ay “upang marinig ng buong Israel, at matakot”,-at lumayo sa kasamaan. Sa pagkakaroon ng ganoong parusa, naging maingat nga sila kung paano nila palalakihin ang kanilang mga anak.
Kung tayo ay nabubuhay sa panahong inutusan ng Panginoon ang Kanyang bayan, noong mga araw ni Moises, hindi natin malalaman kung talagang literal ang pakahulugan ng Panginoon o kung nagsasalita lamang siya. Ngunit dahil sa mga lumipas na siglo, sa mga resulta ng pagsuway ng sinaunang Israel ay makikita natin na walang ibang ibig sabihin ang Diyos kundi ang sinabi nga niya...
Tayo nga, at hindi ang mga Hudyo, ang may kailangang gawing pagpili ngayon. Maaari nating piliin na maging katulad ng mundo, at maitaboy sa impiyerno kasama nito. O maaari nating piliin na gawin ang iniuutos ng Diyos, at sa gayon ay makasama Niya sa Kanyang kaharian. Isa sa mga pagpipiliang ito ang dapat nating gawin kaagad.
Hanggang lima o anim na taong gulang, depende sa indibidwal na paguugali, ang mga bata ay maaaring isailalim sa corporal punishment kapag ang ibang mga hakbang ng pagdidisiplina at pagwawasto ay naisagawa nang walang tagumpay. Kung sa gayong mga pagkakataon, ang pamalo ay wastong ginagamit, ang bata ay maaaring tumugon nang gayon na hindi na niya ito kakailanganing muli. Kung, gayunpaman, ang pangangailangan ay muling dumating, maging lubhang maingat sa iyong gagawin. Dahil ang mga naturang bata na nangangailangan ng mas matinding parusa kaysa sa karaniwang bata ay maaaring maging hindi nababago at makabuo ng fear complex at magkaroon ng kaukulang poot sa kanilang mga tagapagdisiplina. Kaya, habang ang gayong pagkastigo ay kinakalkula upang maiwasan ang pag-ulit ng isang malaking kasamaan sa kanila, ito ay malamang na magdulot ng mas masahol pang kasamaan, maliban lamang kung maingat na pinag-aralan ang mga hakbang upang makasiguro laban sa malupit na epekto nito. Dapat itong ibigay nang may katumbas at nakakukumbinsi na pagpapakita ng gayong malalim na pagmamahal at pananabik sa nagkasala upang hindi mawala ang pagmamahal at paggalang sa kanyang mga tagapagturo, at ang kanyang buhay sa tahanan ay hindi maging isang bangungot para sa kanya at hindi siya magnais na tumakas doon.
Ang mga magulang ay "dapat munang mangatuwiran sa kanilang mga anak, malinaw na ituro ang kanilang mga pagkakamali, ipakita sa kanila ang kanilang kasalanan, at ipaunawa sa kanila na hindi lamang sila nagkasala laban sa kanilang mga magulang kundi laban sa Diyos. Sa iyong puso na puno ng awa at kalungkutan ukol sa iyong nagkakasalang mga anak, manalangin kasama nila bago gawin ang pagtutuwid sa kanila. Kung gayon ang iyong pagtutuwid ay hindi magiging sanhi ng pagkapoot sa iyo ng iyong mga anak. Mamahalin ka nila. Makikita nila na hindi mo sila pinaparusahan dahil inilagay ka nila sa abala, o dahil nais mong magbulalas ang iyong sama ng loob sa kanila; ngunit mula sa isang tawag ng tungkulin, para sa kanilang ikabubuti, upang hindi sila maiwang lumaki sa kasalanan."-- Testimonies, Vol. 1, p. 398.
Sa lahat ng panahon, dapat silang palaging maimpluwensyahan na madama na ang kanilang mga nagpaparusa ay ang kanilang matalik na kaibigan, hindi mga nananakot at kaaway.
“Maaaring itanong ng ina, ‘Hindi ko na ba paparusahan ang aking anak?’ Maaaring kailanganin ang pagpalo kapag nabigo ang ibang mga paraan, ngunit hindi niya dapat gamitin ang pamalo kung posible namang maiwasan ang paggamit nito. Ngunit kung hindi sapat ang mga mas banayad na pamamaraan, ang mas mabigat na parusa sa bata ay dapat na isagawa ng may pagmamahal. Kalimitan ang ganoong pagtutuwid ay magiging sapat na sa kaniyang buong buhay, upang ipakita sa bata na wala sa kaniyang kamay ang pagkontrol."-- Counsels to Teachers, p. 116.
Ngunit ang malimit o habitual na pagpalo sa bata sa anumang oras at bawat pagkakataong nagpapagalit, at ang pagsampal, o pagpalo, at gayundin ang pagbabanta o pananakot sa kanila ng pagpalo ay ang pinakanakapipinsalang kahangalan, na kinasusuklaman ng bawat pagsasaalang-alang ng katalinuhan, kadisentihan, at sangkatauhan. Ang pagpapatuloy nito ay magpapatigas at magmamalupit, wawasak sa halip na magligtas. Magdudulot ito sa mga biktima nito na maging parang mababagsik na maliliit na hayop sa halip na mga dakilang batang tulad ng Diyos.
"Ang ilang mga magulang ay mahigpit na itinutuwid ang kanilang mga anak sa espiritu ng kawalan ng pasensya, at kadalasan sa bugso ng damdamin. Ang gayong mga pagtutuwid ay hindi nagbubunga ng mabuting resulta. Sa paghahangad na ituwid ang isang kasamaan, lumilikha sila ng ikalawa. -- Testimonies, Vol. 1, p. 398
Gayunpaman, kung kailangan mong magdisiplina, maging seryoso, at gawin itong mabuti at makatwiran. Tiyakin na gawin mo ito nang napakahusay na hindi mo na kailangang ulitin.
Basahin ang payo sa mga alipin at mga panginoon ng alipin sa mga sumusunod na talata: Efe. 6:5-9; Col. 3:22-4:1; 1 Cor. 7:20-24; 1 Tim. 6:1, 2; 1 Pet. 2:18-25. Paano ibubuod ang payong ito?
“Ang liham ni Pablo kay Filemon ay nagpapakita ng impluwensya ng ebanghelyo sa pagitan ng panginoon at alipin. Ang pangaalipin ay isang itinatag na institusyon sa buong Imperyo ng Roma, at kapwa ang mga panginoon at alipin ay matatagpuan sa karamihan ng mga simbahan na pinuntahan ni Pablo. Sa mga lunsod, kung saan ang mga alipin ay kadalasang nahihigitan ang malayang populasyon, ang mga matitinding batas ay itinuring na kinakailangan upang mapanatili sila sa pagpapasakop. Ang isang mayamang Romano ay kadalasang nagmamay-ari ng daan-daang alipin, ng bawat ranggo, ng bawat bansa, at ng bawat tagumpay. Sa ganap na pagkontrol sa mga kaluluwa at katawan ng mga kaawa-awang nilalang na ito, maaari niyang iparanas sa kanila ang anumang pagdurusa na kanyang pinili. Kung ang isa sa kanila bilang paghihiganti o pagtatanggol sa sarili ay nangahas na magtaas ng kamay laban sa kanyang panginoon, ang buong pamilya ng nagkasala ay maaaring hindi makataong maisakripisyo. Ang pinakamaliit na pagkakamali, aksidente, o kawalang-ingat ay kadalasang pinarurusahan nang walang awa . AA 459.1
“Ang ilang mga panginoon, na mas makatao kaysa sa iba, ay mas mapagbigay sa kanilang mga alipin; ngunit ang karamihan sa mga mayayaman at maharlika, na walang pagpipigil sa pagpapalayaw ng pagnanasa, bugso ng damdamon, at panlasa, ay ginagawa ang kanilang mga alipin na kahabag-habag na biktima ng kapritso at kalupitan. Ang gawi ng buong sistema ay nakapagpapababa. AA 459.2
“Hindi gawain ng apostol na baligtarin nang kusa o bigla ang itinatag na mga sistema ng lipunan. Ang pagtatangka nito ay makakahadlang sa tagumpay ng ebanghelyo. Ngunit itinuro niya ang mga prinsipyong nagpapatama sa pinakapundasyon ng pang-aalipin at kung saan, kung ipapatupad, ay tiyak na sisira ang buong sistema. “At kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan.” 2 Corinto 3:17 . Kapag napagbagong loob, ang alipin ay nagiging miyembro ng katawan ni Cristo, at dahil dito ay dapat mahalin at ituring bilang isang kapatid, isang kapwa tagapagmana ng kanyang panginoon sa mga pagpapala ng Diyos at mga pribilehiyo ng ebanghelyo. Sa kabilang banda, dapat gampanan ng mga lingkod ang kanilang mga tungkulin, “Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios.” Efeso 6:6 . AA 459.3
“Ang Kristiyanismo ay gumagawa ng isang matibay na bigkis ng pagkakaisa sa pagitan ng panginoon at alipin, hari at nasasakupan nito, ang ministro ng ebanghelyo at ang hinamak na makasalanan na nakatagpo kay Cristo na naglilinis mula sa kasalanan. Sila ay hinugasan sa parehong dugo, binuhay ng parehong Espiritu; at sila ay ginawang isa kay Cristo Jesus.” AA 460.1
Ano ang hinihiling ni Pablo sa mga aliping Kristiyano sa kanyang detalyadong mga tagubilin sa kanila ? Eph. 6:5-8
“Ang kautusan ni Jehova ay napakalawak. Si Jesus ... ay malinaw na ipinahayag sa Kanyang mga disipulo na ang banal na batas na ito ng Diyos ay maaaring labagin maging sa mga pag-iisip at damdamin at pagnanasa, gayundin sa salita at gawa. Ang puso na lubos na nagmamahal sa Diyos ay hindi sa anumang paraan kikiling na paliitin ang Kanyang mga tuntunin sa pinakamaliit na posibleng pag-aangkin, ngunit ang masunurin, at tapat na kaluluwa ay masayang magbibigay ng ganap na espirituwal na pagsunod kapag ang batas ay nakikita sa espirituwal na kapangyarihan nito. Pagkatapos ang mga utos ay mananahan sa kaluluwa sa kanilang tunay na puwersa. Ang kasalanan ay makikita na lubhang makasalanan.... Wala nang pagmamatuwid sa sarili, pagpapahalaga sa sarili, pagpaparangal sa sarili. Wala na ang pagtitiwala sa sarili. Ang malalim na paghatol sa kasalanan at pagkamuhi rito sa sarili ay ang resulta, at ang kaluluwa sa kanyang desperadong pagkaunawa sa panganib ay hahawak sa dugo ng Kordero ng Diyos bilang kanyang tanging lunas.... OHC 140.2
“Maraming dinadaya ang sarili nilang kaluluwa ngayon. Nililimitahan nila ang mga utos ng Diyos na hatulan ang mga panlabas na gawa lamang, at hindi itinuturing na kasalanan ang di-pagpaparangal sa Diyos sa mga pag-iisip at puso. Pinipuri nila ang kanilang sarili na sinusunod nila ang batas ni Jehova habang ang kanilang buhay at pagkatao ay nahahayag sa mga aklat ng langit na nagpapakita sa kanila na nakikipagsapalaran upang makita kung hanggang saan sila makakarating sa direksyon ng maling gawain nang hindi nababansagan bilang mga lumalabag sa batas ng Diyos .... OHC 140.3
“ Bawat kaluluwa na nagnanais na humiwalay sa lahat ng kasamaan ... ay palaging magsisikap na manatili sa panig ng Panginoon sa isip, sa salita, at sa ugali, na masunurin sa lahat ng Kanyang mga requirement. Sa lugar ng paghahanap ng mga pagkakataon na iwasan ang batas ng Diyos, bibigyan niya ng pinakamalaking pagunawa ang Kanyang malalawak na mga utos at magsisikap nang buong taimtim na dalhin ang kalooban, pagmamahal, at buong puso upang itaas ang mga dakilang prinsipyo ng Kanyang banal na mga utos.... Ang gawain ay dapat magsimula sa puso.... Kung ang puso ay nasa Diyos, ang buong buhay ay magiging dalisay, , dakila, at mapapabanal. Kung ang mata ay nakatuon ang buong katawan ay mapupuno ng liwanag. Ang relihiyon ay hindi mga panlabas na bagay.... Ang relihiyon ay bagay ng puso.” OHC 140.4
Ipagpalagay na ikaw ay isang Kristiyanong panginoon ng alipin na nakikinig sa Efeso na binabasa sa iyong simbahan, ano ang maaaring maging reaksyon mo sa payong ito, na ibinibigay sa presensya ng iyong alipin? Eph. 6:9
"Isinulat ko ang nilalaman ng kung ano ang ibinigay saking sabihin. Isinasamo ko sa iyo, Kapatid na _____ na hanapin mo ang Panginoon nang taimtim, at huwag mong itigil ang iyong pagsisikap na maging isang mabuting tao sa iyong paglilingkod sa Diyos sa posisyon. Kung nagkukulang ka sa kabutihan ni Cristo, gagamitin ni Satanas ang iyong mga salita upang lumikha ng kawalan ng pagmamahal na hindi nararapat na umiral. Kailangan mo ng Cristo na mananahan sa iyong puso. 11LtMs, Lt 9, 1896, par. 10
“Kailangang maranasan ng lahat ang nakapagpapabagong kapangyarihan ng katotohanan. Kung gayon ang mga tao na nasa paglilingkod sa Diyos sa kanilang iba't ibang posisyon ng pagtitiwala ay mapapagtanto na si Cristo ay superiyor. Sa pagkakaroon ng mga tao na kapantay nila sa ilalim ng kanilang pamamahala, dapat silang magsimula sa umpisa at magkaroon ng pusong na wasto sa Diyos sa pamamagitan ng malalim, bago, lumilikhang kapangyarihan ng Kanyang biyaya. Kung gayon ay pag-aaralan ng bawat tao ang mga interes ng taong kasama niya, at ang diwa ng kabaitan at Kristiyanong pag-ibig na ipinakita ng mga taong may awtoridad ay maipapakita sa iba. “Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon.” [ Efeso 2:21 .] Ang simbahan ay magiging isang buhay na representasyon ni Cristo. Ang mundo ay hindi madalas na mahihikayat sa masasamang gawa sa pamamagitan ng halimbawa ng mga taong nagaangking naniniwala sa katotohanan at mga tagasunod ni Jesucristo, ngunit pinanghahawakan ang katotohanan sa kalikuan dahil hindi sila kumbertido sa araw araw, sa puso at kaluluwa, sa katotohanan. 11LtMs, Lt 9, 1896, par. 11
“ Sa marami ang spiritual life ay hindi isang buhay, at aktibong prinsipyo, dahil hindi sila nakikipag-isa sa buhay na Diyos. Isinasamo ko sa iyo na basahin ang ( Efeso 2 ), dahil ang kabanatang ito ay itinuro sa akin bilang naaangkop sa iyo. Basahin din ang kabanata 4:1-3 at kabanata 6 . Ipagpalagay na ang lahat ng magkakasama sa Posisyon ay pag-aralan ang kabanatang ito. Dito ipinakita ang tungkulin ng mga lingkod: “Mga alipin, magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo; Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios; Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao: Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, maging alipin o laya. At kayong mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, at sa kaniya'y walang itinatanging tao.” [ Talata 5-9 .]” 11LtMs, Lt 9, 1896, par. 12
Nakita ko na ang panginoon ng alipin ay kailangang managot para sa kaluluwa ng kaniyang alipin na pinanatili niya sa kamangmangan; at ang mga kasalanan ng alipin ay dadalawin ng panginoon. Hindi maaaring dalhin ng Diyos sa langit ang alipin na nanatili sa kamangmangan at pagkasira, na walang alam tungkol sa Diyos o Bibliya, walang takot kundi sa hampas ng kanyang panginoon, at humahawak ng mas mababang posisyon kaysa sa mga malulupit. Ngunit gagawin Niya ang pinakamabuting bagay para sa kanya na kayang gawin ng isang mahabaging Diyos. Pahihintulan Niya siyang maging parang wala siya, habang ang panginoon ay kailangang tiisin ang pitong huling salot at pagkatapos ay bumangon sa ikalawang pagkabuhay na mag-uli at magdusa sa pangalawa, sa pinakakakila-kilabot na kamatayan. Kung gayon ang katarungan ng Diyos ay masisiyahan. EW 276.1
Pahina 276 : Mga Alipin at Panginoon .—Ayon sa Apocalipsis 6:15, 16 magkakaroon ng pagkaalipin sa ikalawang pagdating ni Cristo. Dito makikita natin ang mga salitang “at ang bawa't alipin at ang bawa't laya.” Ang pahayag ni Ellen White na tinatalakay ay nagpapahiwatig na ipinakita sa kanya sa pangitain ang alipin at ang panginoon ng alipin sa ikalawang pagdating ni Cristo. Sa bagay na ito siya ay ganap na naaayon sa Bibliya. Kapwa si Juan at Mrs. White ay pinakitaan ng mga kondisyon na iiral sa ikalawang pagdating ng ating Panginoon. Bagama't totoo na ang mga Negro slaves sa Estados Unidos ay pinalaya ng Emancipation Proclamation, na nagkabisa anim na taon matapos isulat ang pahayag na tinatalakay, ang mensahe ay hindi winalang bisa, dahil kahit ngayon ay may milyun-milyong lalaki at babae sa aktwal o virtual na pang-aalipin sa iba't ibang bahagi ng mundo. Hindi maaaring maghatol sa isang propesiya ng hinaharap hanggang sa maabot natin ang oras para sa katuparan ng hulang iyon. EW 304.3