Extreme Heat

Liksyon 5, Ikatlong Semestre Filipino, Hulyo 23-29, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - July 23

Memory Text:

“Yet it pleased the LORD to bruise him; he hath put him to grief: when thou shalt make his soul an offering for sin, he shall see his seed, he shall prolong his days, and the pleasure of the LORD shall prosper in his hand.” KJV — Isaiah 53:10

“ Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.” KJV — Isaiah 53:10


“I have been shown in regard to the individuals mentioned that God loves them and would save them if they would be saved in His appointed way. “And He shall sit as a refiner and purifier of silver: and He shall purify the sons of Levi, and purge them as gold and silver, that they may offer unto the Lord an offering in righteousness. Then shall the offering of Judah and Jerusalem be pleasant unto the Lord, as in the days of old, and as in former years.” This is the process, the refining, purifying process, which is to be carried on by the Lord of hosts. The work is most trying to the soul, but it is only through this process that the rubbish and defiling impurities can be removed. Our trials are all necessary to bring us close to our heavenly Father, in obedience to His will, that we may offer to the Lord an offering in righteousness. To each whose name is here mentioned, God has given capabilities, talents to improve. You each need a new and living experience in the divine life in order to do the will of God. No amount of past experience will suffice for the present nor strengthen us to overcome the difficulties in our path. We must have new grace and fresh strength daily in order to be victorious.” 3T 541.1

“Naipakita sa akin ang tungkol sa mga taong nabanggit na mahal sila ng Diyos at ililigtas sila kung sila ay maliligtas sa Kanyang itinakda na paraan. “At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran. Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.” Ito ang proseso, ang paraan ng pagdadalisay, na isasagawa ng Panginoon ng mga hukbo. Ang gawain ay higit na susubok sa kaluluwa, ngunit tanging sa pamamagitan lamang ng nito maiaalis ang mga karumihan. Ang lahat ng ating mga pagsubok ay kailangan para mapalapit tayo sa ating Ama sa langit, bilang pagsunod sa Kanyang kalooban, upang makapag-alay tayo sa Panginoon ng isang handog sa katuwiran. Sa bawat isa na ang pangalan ay nabanggit dito, ang Diyos ay nagbigay ng mga kakayahan at talento na dapat pagyamanin. Kailangan ng bawat isa ang makabago at buhay na karanasan sa banal na pamumuhay upang magawa ang kalooban ng Diyos. Walang sapat na karanasan sa nakaraan ang makahahalili sa pangkasalukuyan upang mapanagumpayan ang mga paghihirap sa ating landas. Dapat tayong magkaroon ng bagong biyaya at sariwang lakas araw-araw upang maging matagumpay.” 3T 541.1

Sunday - July 24

Abraham in the Crucible

Genesis 22

Why did God ask Abraham to offer this sacrifice? If God knows everything, what was the point?

Bakit hiniling ng Diyos kay Abraham na ihandog ang hain na ito? Kung alam ng Diyos ang lahat, ano nga ang pinupunto dito?

“The command was expressed in words that must have wrung with anguish that father's heart: “Take now thy son, thine only son Isaac, whom thou lovest, ... and offer him there for a burnt offering.” Isaac was the light of his home, the solace of his old age, above all else the inheritor of the promised blessing. The loss of such a son by accident or disease would have been heart rending to the fond father; it would have bowed down his whitened head with grief; but he was commanded to shed the blood of that son with his own hand. It seemed to him a fearful impossibility. PP 148.2

“Ang utos ay ipinahayag sa mga salitang tiyak na pumiglas sa dalamhati ng puso ng ama na iyon: “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal, ... at ihandog mo siya roon bilang isang handog na susunugin.” Si Isaac ang ilaw ng kanyang tahanan, ang aliw sa kanyang pagtanda, higit sa lahat ang tagapagmana ng ipinangakong pagpapala. Ang pagkawala ng ganoong anak sa isang aksidente o sakit ay nakakadurog sa puso ng mahal na ama; at magdudulot ng labis na hinagpis; at ngayon siya ay inutusan pa nga na ibuhos ang dugo ng anak na iyon sa pamamagitan ng sarili niyang kamay. Ito nga ay lubhang nakakatakot para sa kaniya. PP 148.2

“Satan was at hand to suggest that he must be deceived, for the divine law commands, “Thou shalt not kill,” and God would not require what He had once forbidden. Going outside his tent, Abraham looked up to the calm brightness of the unclouded heavens, and recalled the promise made nearly fifty years before, that his seed should be innumerable as the stars. If this promise was to be fulfilled through Isaac, how could he be put to death? Abraham was tempted to believe that he might be under a delusion. In his doubt and anguish he bowed upon the earth, and prayed, as he had never prayed before, for some confirmation of the command if he must perform this terrible duty. He remembered the angels sent to reveal to him God's purpose to destroy Sodom, and who bore to him the promise of this same son Isaac, and he went to the place where he had several times met the heavenly messengers, hoping to meet them again, and receive some further direction; but none came to his relief. Darkness seemed to shut him in; but the command of God was sounding in his ears, “Take now thy son, thine only son Isaac, whom thou lovest.” That command must be obeyed, and he dared not delay. Day was approaching, and he must be on his journey.” PP 148.3

“Si Satanas nga ay umaaligid upang sabihin sa kaniya na siya ay nalilinlang at ang banal na kautusan ay nagsasaad na : “Huwag kang papatay,” at minumungkahi na hindi nanaisin ng Diyos na gawin niya ang isang bagay na Kaniya ng ipinagbawal. Paglabas ng kanyang tolda, tumingala si Abraham sa kalmadong liwanag ng walang ulap na kalangitan, at naalala ang pangakong ginawa halos limampung taon na ang nakalipas, na ang kanyang binhi ay hindi mabilang na gaya ng mga bituin. Kung ang pangakong ito ay matutupad sa pamamagitan ni Isaac, bakit nga siya papatayin? Natukso si Abraham na isipin na maaaring nasa ilalim siya ng isang delusyon. Sa kanyang pag-aalinlangan at dalamhati ay yumukod siya sa lupa, at nanalangin, gaya ng pananalanging hindi pa niya nagagawa, para sa matanggap ang kumpirmasyon ng utos kung kailangan niyang gampanan ang kakila-kilabot na tungkuling ito. Naalaala niya ang mga sinugong anghel na naghayag sa kanya ukol sa layunin ng Diyos na wasakin ang Sodoma, na siya ring nagdala sa kanya ng pangako ng ukol sa anak na ito na si Isaac, at siya ay pumunta sa lugar kung saan siya ay ilang beses na nakatagpo ng mga mensahero ng langit, na umaasang makita silang muli, at tumanggap ng karagdagang direksyon; ngunit wala siyang nasumpungan. Tila nakulong siya sa kadilim; ngunit ang utos ng Diyos ay umaalingawngaw sa kanyang mga tainga, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal.” Ang utos na iyon ay dapat sundin, at hindi siya nangahas na mag-antala. Malapit na ang araw, at kailangang magsimula na siya sa kaniyang paglalakbay.” PP 148.3

Shall we now examine to see to what extent Abraham’s was a model home school? – His son, Isaac, you know, was only about seventeen years of age when the word of the Lord came to Abraham that he should sacrifice his only son. The father faithfully obeyed the command, and took Isaac on that trying historical as well as educational journey. Not until the very last minute was he told that he was to be the sacrificial victim. But did he become upset or did he resist when told of it? – No, indeed. On the contrary, he did all that he could to comfort his father, and willingly and cheerfully laid himself upon the altar!

Atin ngang suriin ngayon hanggang saan ang pagiging huwaran ng tahanan ni Abraham -- Ang kanyang anak na si Isaac ay labing pitong taong gulang pa lamang nang dumating ang salita ng Panginoon kay Abraham na dapat niyang ialay ang kanyang kaisa-isang anak. Ang ama ay tapat na sumunod sa utos, at dinala si Isaac sa mapanubok na kasaysayan at pati na rin sa edukasyonal na paglalakbay. Sa huling sandali lamang ipinabatid sa kaniya na siya ang gagawing handog. Ngunit nagalit ba siya o lumaban siya nang sabihin ito? – Hindi. Sa kabaligtaran, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang aliwin ang kanyang ama, at kusang-loob at masayang inilagay ang kanyang sarili sa altar!

What does all this mean? – It means that Isaac had received a perfect training in his home, and so he respected both the father’s judgment and religion. He was submissive to his God, and full of faith. Knowing that God’s way was for his best interests, he resolved that it would be better to die than to disobey either God or his father.

Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? – Nangangahulugan ito na si Isaac ay nakatanggap ng perpektong pagsasanay sa kanyang tahanan, at sa gayon ay iginalang niya kapwa ang paghatol at relihiyon ng ama. Siya ay masunurin sa kanyang Diyos, at puno ng pananampalataya. Dahil alam niyang ang paraan ng Diyos ay para sa kaniyang ikabubuti, ipinasiya niyang mas mabuting mamatay kaysa sumuway sa Diyos o sa kaniyang ama.

Monday - July 25

Wayward Israel

Hosea 2:1-12

What methods does God say He will use to pull Israel back to Himself? What would these experiences have felt like?

Anong mga pamamaraan ang sinasabi ng Diyos na Kanyang gagamitin upang maibalik ang Israel sa Kanya? Ano kaya ang dulot na damdamin mula sa mga karanasang ito?

Hos. 2:1—Say ye unto your brethren, Ammi; and to your sisters, Ruhamah.

Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid, Ammi; at sa iyong mga kapatid na babae, Ruhamah.

Here we see that the names of the two children of chapter 1 are again mentioned, but the first two letters of each name have been dropped:

Dito makikita natin na ang mga pangalan ng dalawang anak sa unang (1) kabanata ay muling binanggit, ngunit ang unang dalawang titik ng bawat pangalan ay inialis:

Lo-ruhamah has become Ruhamah, and Lo-Ammi has become Ammi. Now the fact that these are the brother and sister of Jezreel, bears out the truth that the one whom the Lord commands to speak to them, is Jezreel, the first-born of the three. He is to deliver the message to his brethren, Ammi and Ruhamah.

Si Lo-ruhamah ay naging Ruhamah, at si Lo-Ammi ay naging Ammi. Ngayon ang katotohanan na sila ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae ni Jezreel, ay nagpapakita na ang isa na inuutusan ng Panginoon na magsalita sa kanila, ay si Jezreel, ang panganay sa tatlo. Siya ang maghahatid ng mensahe sa kanyang mga kapatid, sina Ammi at Ruhamah.

Now, what is it all about? —It is not too difficult to see. The one to whom God speaks, Jezreel, represents a prophet. His brother and sister, Ammi and Ruhamah, can only represent the church membership, both male and female. In actuality Jezreel must deliver God's message to them. And here is the message:

Ngayon, ano ang lahat ng ito? —Hindi ito masyadong mahirap makita. Ang isa na kinakausap ng Diyos, si Jezreel, ay kumakatawan sa isang propeta. Ang kanyang kapatid na lalaki at babae, sina Ammi at Ruhamah, ay maaari lamang kumatawan sa mga miyembro ng simbahan, kapwa lalaki at babae. Sa katunayan, ang Jezreel ay dapat maghatid ng mensahe ng Diyos sa kanila. At narito ang mensahe:

Verse 2—Plead with your mother, plead: for she is not My wife, neither am I her husband: let her therefore put away her whoredom out of her sight, and her adulteries from between her breasts.

Makipagtalo ka sa iyong ina, makipagtalo ka: sapagka't hindi ko siya asawa, ni ako'y kaniyang asawa: alisin nga niya ang kaniyang pakikiapid sa kaniyang paningin, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga dibdib.

The fact that God Himself calls the prophet Hosea's visionary wife His own wife, reveals that she represents the church, that Hosea represents God, and that while Jezreel represents the mouthpiece of God, Ammi and Ruhamah represent the church membership. In childhood (Hosea 1), they represent the Old Testament church, the Hebrews, but in their youth, having their names altered, (Hosea 2), they represent the New Testament church, the Christians.

Ang katotohanan na tinawag mismo ng Diyos ang asawa ng propetang si Oseas sa pangitain na Kanyang sariling asawa, ay nagpapakita na siya ay kumakatawan sa simbahan, na si Oseas ay kumakatawan sa Diyos, at habang ang Jezreel ay kumakatawan sa tagapagsalita ng Diyos, sina Ammi at Ruhamah ay kumakatawan naman sa mga miyembro ng simbahan. Sa pagkabata (Oseas 1), kinakatawan nila ang simbahan ng Lumang Tipan, ang mga Hebreo, ngunit sa kanilang kabataan, nang binago ang kanilang mga pangalan, (Oseas 2), kinakatawan nila ang simbahan ng Bagong Tipan, ang mga Kristiyano.

Now that the laity, at the command of God are through a prophet to plead with the church, therefore, the reformation here called forth is sponsored by Inspiration and carried out by the laity. It is the long expected revival and reformation to the Laodiceans, and hence a layman's movement called forth by the revived Spirit of Prophecy.

Ngayon na ang mga miyembro, sa utos ng Diyos na ipinarating sa pamamagitan ng isang propeta ay dapat na makiusap sa iglesia, samakatuwid, ang repormasyon na pinapanawagan dito ay itinataguyod ng Inspirasyon at isasagawa ng mga miyembro. Ito ay ang matagal na inaasahang pagbabagong-buhay at repormasyon sa mga Laodicean, at samakatuwid ay isang kilusan ng mga karaniwang miyembro na tinawag mula sa muling binuhay na Espiritu ng Propesiya.

From this prophecy, you see, the Denomination is by God Himself charged with "whoredom," with having illicit connections with the world. This lewdness she must give up if she is to obtain favor with God.

Mula sa propesiya na ito, makikita na ang Denominasyon ay inakusahan mismo ng Diyos na "nagpapatutot”, sa pagkakaroon niya ng bawal na koneksyon sa mundo. Ang kahalayan na ito ay dapat niyang talikuran kung nais niyang magtamo ng kabutihan sa Diyos.

These are not man's words, you understand, but God's. And should we not be grateful that He is doing everything He can to save us? The church must repent, says the Lord:

Ito ay hindi mga salita ng tao, naiintindihan mo, ngunit sa Diyos. At hindi ba tayo dapat magpasalamat na ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang makakaya para iligtas tayo? Ang iglesia ay dapat magsisi, sabi ng Panginoon:

Verse 3—Lest I strip her naked, and set her as in the day that she was born, and make her as a wilderness, and set her like a dry land, and slay her with thirst.

Baka siya'y hubaran ko, at ilagay ko siyang gaya noong araw na siya'y ipanganak, at gawin siyang parang ilang, at ilagay siyang parang tuyong lupa, at patayin siya sa uhaw.

The Denomination often boasts of gain in mem¬bership (children), but God charges that those whom she brings in are illegitimate children! And how could it be otherwise if the church herself is corrupted with the world? What else could her converts be? What would free them from the worldly influences, if she (the ministry), is herself tainted with the practices of the world? Indeed her converts cannot be lawful children.

Ang Denominasyon ay madalas na ipinagmamalaki ang nagiging paglago ng bilang ng mga ¬miyembro (mga anak), ngunit inaakusahan ng Diyos na ang mga dinadala niya ay mga anak sa labas! At paano nga ito hindi mangyayari kung ang iglesia mismo ay nadudungisan ng mundo? Ano pa kaya ang kanyang mga kumbertido? Ano ang magpapalaya sa kanila mula sa makamundong impluwensya, kung siya (ang ministeryo), ay mismong nabahiran ng mga gawain ng mundo? Tunay na ang kanyang mga nagbalik-loob ay hindi maaaring maging legal na mga anak.

Verse 5—For their mother hath played the harlot: she that conceived them hath done shamefully: for she said, I will go after my lovers, that give me my bread and my water, my wool and my flax, mine oil and my drink.

Sapagka't ang kanilang ina ay nagpatutot: siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiya-hiya: sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y susunod sa aking mga mangingibig, na nagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig, ng aking lana at ng aking lino, ng aking langis at ng aking inumin. .

The church has gone after the world because she mistakenly thinks that her support comes from worldlings, from her "lovers."

Ang iglesia ay sumusunod sa mundo dahil sa mali niyang kaisipan na ang kanyang suporta ay nagmumula sa mga makamundo, mula sa kanyang "mga mangingibig."

Verse 6—Therefore, behold, I will hedge up thy way with thorns, and make a wall, that she shall not find her paths.

Kaya't, narito, aking babarangan ang iyong daan ng mga tinik, at gagawa ako ng isang pader, upang hindi niya matagpuan ang kaniyang mga landas.

Here we see that the church proposes, but that God disposes; her plans do not work out as expected—she loses her way as does a ship without chart or compass drifting at sea.

Dito makikita natin na ang iglesia ay nagmumungkahi, ngunit ang Diyos ang nagtatakwil; ang kaniyang mga plano ay hindi magaganap gaya ng inaasahan—naliligaw siya gaya ng barkong walang giya na nagpapaanod-anod sa dagat.

Verse 7—And she shall follow after her lovers, but she shall not overtake them; and she shall seek them, but shall not find them: then shall she say, I will go and return to my first husband; for then was it better with me than now.

At hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig, ngunit hindi niya sila maaabutan; at hahanapin niya sila, ngunit hindi niya masusumpungan: kung magkagayo'y sasabihin niya, Ako'y yayaon at babalik sa aking unang asawa; sapagkat noon ay mas mabuti sa akin kaysa ngayon.

Again we see that trials and adverse circumstances are for our good, for thus is the church brought to her right senses.

Muli nating nakikita na ang mga pagsubok at masamang kalagayan ay para sa ating ikabubuti, dahil sa gayon ang iglesia ay magbabalik sa kanyang tamang katinuan.

Verses 8-12—For she did not know that I gave her corn, and wine, and oil, and multiplied her silver and gold, which they prepared for Baal. Therefore will I return, and take away My corn in the time thereof, and My wine in the season thereof, and will recover My wool and My flax given to cover her nakedness. And now will I discover her lewdness in the sight of her lovers, and none shall deliver her out of Mine hand. I will also cause all her mirth to cease, her feast days, her new moons, and her Sabbaths, and all her solemn feasts. And I will destroy her vines and her fig trees, whereof she hath said, These are my rewards that my lovers have given me: and I will make then a forest, and the beasts of the field shall eat them.

Sapagka't hindi niya nalalaman na aking ibinigay sa kaniya ang trigo, at alak, at langis, at pinarami ko ang kaniyang pilak at ginto, na kanilang inihanda para kay Baal. Kaya't ako'y babalik, at aking aalisin ang aking trigo sa kapanahunan niyaon, at ang Aking alak sa kapanahunan niyaon, at aking babawiin ang Aking lana at ang Aking lino na ibinigay upang takpan ang kaniyang kahubaran. At ngayo'y aking ihahayag ang kaniyang kahalayan sa paningin ng kaniyang mga mangingibig, at walang magliligtas sa kaniya sa aking kamay. Patitigilin ko rin ang lahat niyang kasayahan, ang kanyang mga kapistahan, ang kanyang mga bagong buwan, at ang kanyang mga Sabbath, at ang lahat ng kanyang mga takdang kapistahan. At aking sisirain ang kaniyang mga baging at ang kaniyang mga puno ng igos, na kaniyang sinabi, Ito ang aking mga ganti na ibinigay sa akin ng aking mga mangingibig: at ako nga'y gagawa ng isang gubat, at ang mga hayop sa parang ay kakainin.

From these verses we see that it was just such a departure from God that caused the church in her early Christian era to lose her path and all her possessions, including her feast days, her new moons, her Sabbaths, and all her solemn feasts.

Mula sa mga talatang ito ay makikita natin na ang naging paglayong ito sa Diyos ang naging sanhi ng pagkawala ng landas ng iglesia sa unang panahon ng Kristyano at lahat ng kanyang ari-arian, kabilang ang kanyang mga araw ng kapistahan, ang kanyang mga bagong buwan, ang kanyang mga Sabbath, at ang lahat ng kanyang mga solemne na kapistahan.

This is exactly what happened when the "Dark Ages" of religion began. The Pagans in whose clutches the church fell were no more to blame for the church's going into darkness than were the Chaldeans of destroying Judah and her temple. The real blame falls on the church herself. And this should be a lasting lesson to each of us, that we should never again have illicit connection with the world, should never depart from the Lord.

Ganito nga ang nangyari noong nagsimula ang "Dark Ages" ng relihiyon. Ang mga Pagano na kung saan ang iglesia ay nahulog ay hindi na dapat sisihin sa pagpunta sa iglesia sa kadiliman kaysa sa mga Caldean ng pagsira sa Juda at sa kanyang templo. Ang tunay na kasalanan ay nasa iglesia mismo. At ito ay dapat na isang pangmatagalang aral sa bawat isa sa atin, na hindi na tayo dapat muling magkaroon ng bawal na kaugnayan sa mundo, hindi na dapat humiwalay sa Panginoon.

Now, let us read what other experiences the church was to go through:

Ngayon, basahin natin kung ano ang iba pang mga karanasan na dapat pagdaanan ng simbahan:

Verses 13,14—And I will visit upon her the days of Baalim, wherein she burned incense to them, and she decked herself with her earrings and her jewels, and she went after her lovers, and forgat Me, saith the Lord. Therefore, behold, I will allure her, and bring her into the wilderness, and speak comfortably unto her.

At aking dadalawin sa kaniya ang mga araw ni Baalim, na kaniyang pinagsunogan ng kamangyan sa kanila, at kaniyang ginayakan ang kaniyang sarili ng kaniyang mga hikaw at ng kaniyang mga hiyas, at kaniyang sinundan ang kaniyang mga mangingibig, at nilimot niya ako, sabi ng Panginoon. Kaya't, narito, aking hihikayatin siya, at dadalhin ko siya sa ilang, at magsasalita akong may kaaliwan sa kaniya.

Notice that the Lord visits the church not when she is in good spiritual standing with Him, but when she is in her greatest idolatry. Indeed, He could not visit her at a more opportune time, because only when she is in greatest darkness can she possibly discern light. And her condition, you know, can never improve unless He should call on her. Thus it was in John the Baptist's day, also when the Protestant reformation came, and thus it is today. God knows how to save. Saving is His chief concern.

Pansinin na ang Panginoon ay bibisita sa iglesia hindi kapag siya ay nasa mabuting espirituwal na katayuan sa Kanya, ngunit kapag siya ay nasa kanyang pinakadakilang idolatriya. Sa katunayan, hindi Niya siya maaaring bisitahin sa isang mas angkop na oras, dahil kapag siya ay nasa pinakamatinding kadiliman lamang niya maaaring makilala ang liwanag. At ang kanyang kalagayan ay hindi kailanman maaaring bumuti maliban kung Siya ay tumawag sa kanya. Ganito ang nangyari sa panahon ni Juan Bautista, gayundin nang dumating ang Protestanteng repormasyon, at gayon din ngayon. Alam ng Diyos kung paano magligtas. Ang pagliligtas ang Kanyang pangunahing alalahanin.

"God requires certain things of His people; if they say, I will not give up my heart to do this thing, the Lord lets them go on in their supposed wise judgment without heavenly wisdom, until this scripture [lsa. 28:13] is fulfilled. You are not to say, I will follow the Lord's guidance up to a certain point that is in harmony with my judgment, and then hold fast to your own ideas, refusing to be molded after the Lord's similitude. Let the question be asked, Is this the will of the Lord? not, Is this the opinion or judgment of _________?" —Testimonies to Ministers, p. 419.

"Ang Diyos ay nangangailangan ng ilang mga bagay mula sa Kaniyang bayan; kung sasabihin nila, Hindi ko ibibigay ang aking puso na gawin ang bagay na ito, hinahayaan sila ng Panginoon na magpatuloy sa kanilang inaakalang matalinong paghatol na walang makalangit na karunungan, hanggang sa matupad ang banal na kasulatang ito sa [lsa. 28:13]. Huwag mong sabihing, susundin ko ang patnubay ng Panginoon hanggang sa isang tiyak na punto na naaayon sa aking paghatol, at pagkatapos ay manghawakan nang mahigpit sa iyong sariling mga ideya, na tumatangging hubugin ayon sa pagkakatulad ng Panginoon. Itanong nga ang bagaya na ito -- Ito ba ang kalooban ng Panginoon? At hindi, Ito ba ang opinyon o paghatol ng ----?" —Testimonies to Ministers, p. 419 .

And what is God's promise now to His church? 

At ano ang pangako ng Diyos ngayon sa Kanyang simbahan?

Verse 15—And I will give her her vineyards from thence, and the valley of Achor for a door of hope: and she shall sing there, as in the days of her youth, and as in the day when she came up out of the land of Egypt.

At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na isang pintuan ng pag-asa: at doon siya aawit, gaya noong mga araw ng kaniyang kabataan, at gaya noong araw na siya'y umahon mula sa lupain ng Ehipto.

As a result of her vineyards' being restored, and also of her being given the valley of Achor for a door of hope, the church is to sing as in the days of her youth, as when she came up out of Egypt and lodged in the Promised Land. What could her vineyard be but her own land? And if the valley of Achor is for a door of hope to her, what can it be but what it was in Joshua's time—removal of the Achans of today from her midst (Hos. 2:15)? Indeed, this is her only hope—in fact, even more so than it was in the day of Israel's defeat at Ai, the gate to the Promised Land.

Dahil sa pagpapanumbalik ng kanyang mga ubasan, at sa pagbibigay sa kanya ng libis ng Achor bilang isang pintuan ng pag-asa, ang iglesia ay aawit gaya noong mga araw ng kanyang kabataan, gaya nang siya ay umahon mula sa Ehipto at tumira sa ang Lupang Pangako. Ano kaya ang kanyang ubasan kundi ang kanyang sariling lupain? At kung ang libis ng Achor ay isang pintuan ng pag-asa sa kanya, ano pa kaya ito kung hindi ang nangyari noong panahon ni Joshua—ang pag-alis ng mga Achan sa ngayon mula sa gitna niya (Hos. 2:15)? Sa katunayan, ito lamang ang kaniyang pag-asa—higit pa kaysa noong araw ng pagkatalo ng Israel sa Ai, ang pintuang-daan patungo sa Lupang Pangako.

"The class who do not feel grieved over their own spiritual declension, nor mourn over the sins of others, will be left without the seal of God. The Lord commissions His messengers, the men with slaughtering weapons in their hands: 'Go ye after him through the city, and smite; let not your eye spare, neither have ye pity; slay utterly old and young, both maids and little children, and women; but come not near any man upon whom is the mark; and begin at my sanctuary. Then they began at the ancient men which were before the house.'

"Ang klase na hindi nakadarama ng kalungkutan sa kanilang sariling espirituwal na pagkukulang, o nagdadalamhati sa mga kasalanan ng iba, ay maiiwan nang walang tatak ng Diyos. Inutusan ng Panginoon ang Kanyang mga mensahero, ang mga lalaking may mga sandata sa pagpatay sa kanilang mga kamay: “Magsiparoon kayo sa bayan na magsisunod sa kaniya, at manakit kayo:; huwag magpatawad ang inyong mata, o kayo man ay mahabag; Lipulin ninyong lubos ang matanda, ang binata at ang dalaga, at ang mga bata at ang mga babae; nguni't huwag lumapit sa sinomang lalake na tinandaan; at inyong pasimulan sa aking santuario. Nang magkagayo'y kanilang pinasimulan sa mga matandang lalake na nangasa harap ng bahay.” Eze 9:5-6

"Here we see that the church—the Lord's sanctuary—was the first to feel the stroke of the wrath of God. The ancient men, those to whom God had given great light, and who had stood as guardians of the spiritual interests of the people, had betrayed their trust. They had taken the position that we need not look for miracles and the marked manifestation of God's power as in former days. Times have changed. These words strengthen their unbelief, and they say, The Lord will not do good, neither will He do evil. He is too merciful to visit His people in judgment. Thus peace and safety is the cry from men who will never again lift up their voice like a trumpet to show God's people their transgressions and the house of Jacob their sins. These dumb dogs, that would not bark, are the ones who feel the just vengeance of an offended God. Men, maidens, and little children, all perish together." —Testimonies, Vol. 5, p. 211.

"Dito makikita natin na ang iglesia—ang santuwaryo ng Panginoon—ang unang makakaranas ng hagupit ng poot ng Diyos. Ang mga matatandang lalaki, na pinagkalooban ng mga dakilang liwanag at tumayong gabay sa espiritwal na interes ng bayan ay nagtaksil sa kanilang pagtitiwala. Kinuha nila ang posisyon na hindi na natin kailangang maghanap ng mga himala at ang tandang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos tulad ng noong unang panahon. Nagbago ang mga panahon. Ang mga salitang ito ay nagpapatibay sa kanilang kawalan ng pananampalataya, at sinasabi nila, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama. Siya ay masyadong maawain upang dalawin ang Kanyang bayan sa paghatol. Kaya ang kapayapaan at kaligtasan ay ang sigaw mula sa mga tao na hindi na muling magtataas ng kanilang tinig na parang trumpeta upang ipakita sa bayan ng Diyos ang kanilang mga pagsalangsang at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan. Ang mga piping asong ito, na hindi tumatahol, ay siyang nakadarama ng makatarungang paghihiganti ng isang nasaktang Diyos. Ang mga lalaki, mga dalaga, at maliliit na bata, lahat ay namamatay nang magkakasama." — Testimonies, Vol. 5, p. 211.

Verse 16—And it shall be at that day, saith the Lord, that thou shalt call Me Ishi; and shalt call Me no more Baali.

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi; at hindi na ako tatawaging Baali.

So it is that after the hypocrites and sinners are taken out of the way, the church shall no longer call the Saviour Baali (Lord), but she shall call him Ishi (Husband). The significance is that then He will truly be her husband, whereas now He is to her as it were only some great personality.

Kaya't pagkatapos na alisin ang mga mapagkunwari at makasalanan, hindi na tatawagin ng iglesia ang Tagapagligtas na Baali (Panginoon), ngunit tatawagin niya itong Ishi (Asawa). Nangangahulugan na Siya ay tunay na magiging asawa niya, samantalang Siya ngayon ay para sa kanya na parang isang dakilang personalidad lamang.

Verse 18—And in that day will I make a covenant for them with the beasts of the field, and with the fowls of heaven, and with the creeping things of the ground: and I will break the bow and the sword and the battle out of the earth, and will make them to lie down safely.

At sa araw na yaon ay makikipagtipan ako sa kanila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga umuusad sa lupa: at aking babaliin ang busog at ang tabak at ang pakikipagbaka. ng lupa, at pahihigain silang tiwasay.

Here is peace, the only peace that one can have today if he so desires. This is peace overflowing with safety. The saints, after the sinners have been removed from among them, need not fear beasts, fowls or creeping things of the ground, neither gun nor sword; they shall lie down in confidence and assurance that nothing shall hurt them, for He "Whose fan is in His hand, . . . will throughly purge His floor, and gather His wheat into the garner; but He will burn up the chaff with unquenchable fire." Matt. 3:12.

Narito ang kapayapaan, ang tanging kapayapaan na maaaring magkaroon ang isang tao ngayon kung nanaisin niya. Ito ay kapayapaang naguumapaw sa kaligtasan. Ang mga banal, pagkatapos na maalis ang mga makasalanan mula sa kanila, ay hindi kailangang matakot sa mga hayop, ibon o gumagapang na bagay sa lupa, ni baril o tabak; sila ay hihiga nang may pagtitiwala at katiyakang walang makakasakit sa kanila, sapagkat Siya “Na ang pamaypay ay nasa Kanyang kamay, . . . apoy." Matt. 3:12.

Verses 19-21—And I will betroth thee unto Me forever; yea, I will betroth thee unto Me in righteousness, and in judgment, and in loving-kindness, and in mercies. I will even betroth thee unto Me in faithfulness: and thou shalt know the Lord. And it shall come to pass in that day, I will hear, saith the Lord, I will hear the heavens, and they shall hear the earth.

At ikaw ay aking ikakasal sa Akin magpakailanman; oo, ikakaslan kita sa Akin sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan. Ako nga ay magiging asawa mo sa Akin sa pagtatapat: at iyong makikilala ang Panginoon. At mangyayari sa araw na yaon, aking didinggin, sabi ng Panginoon, aking didinggin ang langit, at kanilang didinggin ang lupa.

In saying that the Lord will hear the heavens, and the heavens the earth, Inspiration actually says that when these things take place on earth, the Lord is to be in the midst of His people, that He is to speak from earth and His subjects in heaven shall hear Him.

Sa pagsasabing diringgin ng Panginoon ang langit, at ang langit sa lupa, talagang sinasabi ng Inspirasyon na kapag nangyari ang mga bagay na ito sa lupa, ang Panginoon ay nasa gitna ng Kanyang bayan, na Siya ay magsasalita mula sa lupa at ang Kanyang lingkod sa langit ay maririnig Siya.

Verse 22—And the earth shall hear the corn, and the wine, and the oil; and they shall hear Jezreel.

At maririnig ng lupa ang trigo, at ang alak, at ang langis; at kanilang maririnig ang Jezreel.

To hear the corn, the wine, and the oil is to hear them speak, and since real corn, wine, and oil cannot speak, they must be figurative of spiritual food and drink—figurative of the mighty message in the great and dreadful day of the Lord. And by the fact that the people of the earth shall hear Jezreel, the mouthpiece of God, it is made clear that the call, "Come out of her, My people, that ye be not partakers of her sins, and that ye receive not of her plagues" (Rev. 18:4), will accomplish its appointed work. Those who come out, go into the aforementioned place of safety. And those who do not hear Jezreel shall perish as did the Jews who rejected the prophets in their day.

Ang marinig ang mais, ang alak, at ang langis ay ang marinig silang magsalita, at dahil ang tunay na mais, alak, at langis ay hindi makapagsalita, sila ay sumasagisag sa espirituwal na pagkain at inumin—tumutukoy sa makapangyarihang mensahe sa dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon. At sa katotohanang maririnig ng mga tao sa lupa ang Jezreel, ang tagapagsalita ng Diyos, nilinaw na ang panawagang, “Lumabas kayo sa kanya, aking bayan, upang huwag kayong makibahagi sa kanyang mga kasalanan, at huwag ninyong tanggapin ng kaniyang mga salot” (Apoc. 18:4), ay gagawa sa kaniyang itinakdang gawain. Ang mga lalabas, pumunta sa nabanggit na lugar ng kaligtasan. At yaong mga hindi nakikinig sa Jezreel ay mamamatay gaya ng mga Hudyo na tumanggi sa mga propeta sa kanilang panahon.

Tuesday - July 26

Surviving through Worship

Job 1:2-2:10

What caused Job’s suffering? How does he respond to the trial?

Ano ang sanhi ng pagdurusa ni Job? Paano siya tumugon sa paglilitis? 

Job, you remember, was a very rich man because he was perhaps God's best friend on earth at that time. At least the Devil grew jealous of him and told the Lord that Job was not as good a man as the Lord thought, and he could prove it if he were allowed to bring enough trouble and hardship to him. And you remember that the Lord allowed the Devil to do anything he wanted to Job, except to take his life. In the midst of the fires of his many and grievous afflictions Job declared, "Though He slay me, yet will I trust in Him." Job 13:15. Because Job did not fail, he in the end was many times richer than he was in the beginning. God's people do not become rich in any respect by playing the fool. Nor does it help for them to give themselves over to self pity in the day of adversity. When a person feels sorry for himself he has at least brought himself to a state of stalemate if not outright defeat. None of the men of God, regardless how severe were the hardships they were called upon to bear, felt that these sacrifices were too great. Generally speaking, all these men possessed a stabilizing power that is hard to explain other than to say that it is a gift of God which He bestows upon those who are intimately and firmly acquainted and united to Him.

Si Job, maaalaala natin, ay isang napakayamang tao dahil marahil siya ang pinakamatalik na kaibigan ng Diyos sa lupa noong panahong iyon. At nainggit sa kanya ang Diyablo at sinabi sa Panginoon na si Job ay hindi kasingbuting tao gaya ng inaakala ng Panginoon, at mapapatunayan niya ito kung hahayaan siyang magdala ng sapat na problema at paghihirap sa kanya. At natatandaan mo na pinahintulutan ng Panginoon ang Diyablo na gawin ang anumang naisin niya kay Job, maliban na lamang na kitilin ang kanyang buhay. Sa gitna ng mga apoy ng kanyang marami at mabigat na pagdurusa ay ipinahayag ni Job, "Bagaman ako'y patayin niya, ako'y magtitiwala sa Kanya." Job 13:15. Dahil hindi nabigo si Job, sa huli ay maraming beses siyang mas mayaman kaysa sa simula. Ang bayan ng Diyos ay hindi yumaman sa anumang aspeto sa pamamagitan ng kalokohan. Hindi rin makabubuti sa kanila ang maawa sa sarili sa araw ng kahirapan. Kapag ang isang tao ay naaawa sa kanyang sarili, dinala niya ang kanyang sarili sa isang estado ng pagkapatas kung hindi man tahasang pagkatalo. Walang sinuman sa bayan ng Diyos, gaano man kalubha ang mga paghihirap na kanilang pinagdaanan, ang nakadama na ang mga sakripisyong ito ay napakalaki. Sa pangkalahatan, lahat ng tao ay nagtataglay ng isang nagpapatatag na kapangyarihan na mahirap ipaliwanag maliban sa pagsasabi na ito ay isang kaloob ng Diyos na Kanyang ibinibigay sa mga taong malapit at matatag na nakikilala at nakikiisa sa Kanya.

Wednesday - July 27

Surviving through Hope

2 Corinthians 1:4

What can you learn from Paul that can help you keep from falling into self-pity amid your own struggles?

Ano ang matututuhan mo kay Paul na makatutulong sa iyo na hindi mahulog sa pagkahabag sa sarili sa gitna ng iyong mga paghihirap?

“Without money, without friends, without counsel, the aged prisoner stood before Nero—the countenance of the emperor bearing the shameful record of the passions that raged within; the face of the accused telling of a heart at peace with God. Paul's experience had been one of poverty, self-denial, and suffering. Notwithstanding constant misrepresentation, reproach, and abuse, by which his enemies had endeavored to intimidate him, he had fearlessly held aloft the standard of the cross. Like his Master, he had been a homeless wanderer, and like Him, he had lived to bless humanity. How could Nero, a capricious, passionate, licentious tyrant, understand or appreciate the character and motives of this son of God?” AA 493.3

“Walang pera, walang mga kaibigan, walang payo, ang matandang bilanggo ay tumayo sa harap ni Nero—ang mukha ng emperador na nagtataglay ng kahiya-hiyang tala ng mga pagnanasa na nagngangalit sa loob; ang mukha ng akusado na nagpapakita ng isang pusong may kapayapaan sa Diyos. Ang karanasan ni Pablo ay isa sa kahirapan, pagtanggi sa sarili, at pagdurusa. Sa kabila ng patuloy na maling representasyon, paninisi, at pang-aabuso, na kung saan ang kanyang mga kaaway ay nagsikap na takutin siya, walang takot niyang itinaas ang pamantayan ng krus. Tulad ng kanyang Guro, siya ay naglalakbay na walang tahanan, at tulad Niya, nabuhay siya upang pagpalain ang sangkatauhan. Paanong si Nero, isang pabagu-bago, madamdamin at mapangapi ay makauunawa o magpapahalaga sa katangian at motibo ng anak ng Diyos na ito?” AA 493.3

Thursday - July 28

Extreme Heat

Ephesians 4:11-16

Which Bible promises can you claim for yourself?

Aling mga pangako ng Bibliya ang maaari mong angkinin para sa iyong sarili? 

“When trouble comes upon us, how often we are like Peter! We look upon the waves, instead of keeping our eyes fixed upon the Saviour. Our footsteps slide, and the proud waters go over our souls. Jesus did not bid Peter come to Him that he should perish; He does not call us to follow Him, and then forsake us. “Fear not,” He says; “for I have redeemed thee, I have called thee by thy name; thou art Mine. When thou passest through the waters, I will be with thee; and through the rivers, they shall not overflow thee: when thou walkest through the fire, thou shalt not be burned; neither shall the flame kindle upon thee. For I am the Lord thy God, the Holy One of Israel, thy Saviour.” Isaiah 43:1-3.” DA 382.1

“Kapag dumating ang problema sa atin, gaano kadalas tayong nagiging katulad ni Pedro! Tumitingin tayo sa mga alon, sa halip na itutok ang ating mga mata sa Tagapagligtas. Ang ating mga yapak ay dumudulas, at ang mapagmataas na tubig ay lumampas sa aming mga kaluluwa. Hindi inutusan ni Jesus si Pedro na lumapit sa Kanya upang siya ay mapahamak; Hindi Niya tayo tinatawag na sumunod sa Kanya, at pagkatapos ay iiwan tayo. “Huwag kang matakot,” sabi Niya; “sapagkat tinubos kita, tinawag kita sa iyong pangalan; ikaw ay Akin. Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasa iyo; at sa mga ilog, hindi ka nila aapawan: pagka lumakad ka sa apoy, hindi ka masusunog; ni ang apoy ay mag-aapoy sa iyo. Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos, ang Banal ng Israel, ang iyong Tagapagligtas.” Isaias 43:1-3 .” DA 382.1

When things go contrary to one’s will and way today, most Christians give credit to the Devil. Only when things go according to their liking do they give credit to God! Balaam, too, was happy when the way opened for him to go to Balak, but when the angel of the Lord blocked the road he was traveling on, then Balaam, became as mad as a dog and smote the ass.

Kapag ang mga bagay ay sumasalungat sa kalooban at paraan ng isang tao ngayon, karamihan sa mga Kristiyano ay nagbibigay ng papuri sa Diyablo. Tanging kapag ang mga bagay ay naaayon sa kanilang kagustuhan, sila ay nagbibigay ng papuri sa Diyos! Si Balaam din, ay natuwa nang ang daan ay bumukas para sa kanya upang pumunta kay Balak, ngunit nang harangin ng anghel ng Panginoon ang daang kanyang tinatahak, si Balaam, ay naging baliw na parang aso at hinampas ang asno.

No, nothing but you yourself can defeat God’s plans for you. Be it your friends or your enemies, be it beasts or kings, you will find them all unwittingly or wittingly working for your good rather than for your harm if you are doing God’s bidding. What a rich resource Heaven is! And who knows it!

Hindi, walang iba kundi ikaw mismo ang makakatalo sa mga plano ng Diyos para sa iyo. Maging ang iyong mga kaibigan o iyong mga kaaway, maging ito ay mga hayop o mga hari, makikita mo silang lahat ay gumagawa sa iyong ikabubuti, ito man ay sadya o hindi, at hindi magdudulot ng anumang pinsala kung ginagawa mo ang utos ng Diyos. Napakayamang mapagkukunan ang Langit! At sino ang nakakaalam nito!

Remember now, that whatever may stand in your way, be it the Red Sea or the River Jordan, be it a mountain or be it a desert, it shall become your very stepping stone.

Alalahanin mo ngayon, na anuman ang maaaring humadlang sa iyong lakad, maging ang Dagat na Pula o ang Ilog ng Jordan, maging ito ay isang bundok o maging isang disyerto, ito ay magiging iyong pinakatuntungang bato.

Such as this is the righteousness of the Lord, and you can have it at the cost of your own righteousness. Then you will find the Lord’s ways as much higher than yours as the Heaven is higher than the earth. When this happens, then only you will understandingly say, “The Lord our Righteousness.”

Tulad nitong katuwiran ng Panginoon ay maaari mong makuha sa halaga ng iyong sariling katuwiran. Pagkatapos ay masusumpungan mo ang mga daan ng Panginoon na mas mataas kaysa sa iyo gaya ng mas mataas ang Langit kaysa sa lupa. Kapag nangyari ito, ikaw lamang ang makakaunawa na magsasabi, "Ang Panginoon ang ating Katuwiran."

Friday - July 29

Further Study

To be a Christian in God’s sight you must never praise yourself, but praise God and His goodness. Never boast of your own interests and achievements, but boast of God’s. Never try to promote your business, but always try to promote God’s. Never pray for light to know what to do, and where to go in order that your business, your interests prosper, but rather pray for light that God help you do the thing or go to the place where you would best serve His cause, that He lead you and teach you how to advance His kingdom. Then, and then only, will you find that you never go wrong! Any motive other than this will take you where God does not want you, and where you will have to carry your own burden independent of Him.

Upang maging isang Kristiyano sa paningin ng Diyos hindi mo dapat purihin ang iyong sarili, ngunit purihin ang Diyos at ang Kanyang kabutihan. Huwag kailanman ipagmalaki ang iyong sariling mga interes at tagumpay, ngunit ipagmalaki ang sa Diyos. Huwag subukang isulong ang para sa iyong sarili ngunit laging itaas ang sa Diyos. Huwag kailanman manalangin para sa liwanag upang malaman kung ano ang gagawin, at kung saan pupunta upang ang iyong negosyo, ang iyong mga interes ay umunlad, bagkus manalangin para sa liwanag na tulungan ka ng Diyos na gawin ang bagay o pumunta sa lugar kung saan ka pinakamahusay na makakapaglingkod sa Kanyang layunin, na ikaw ay pamunuan Niya at turuan kung paano isulong ang Kanyang kaharian. Pagkatapos lamang nito, makikita mo na hindi ka magkakamali! Anumang motibo maliban dito ay magdadala sa iyo kung saan hindi ka gusto ng Diyos, at kung saan kailangan mong dalhin ang iyong sariling pasanin na hiwalay sa Kanya. 

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@advancedsabbathschool.org