Jacob-Israel

Liksyon 10, Ikalawang Semestre May 28 - June 3, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - May 28

Memory Text:

“And he said, Thy name shall be called no more Jacob, but Israel: for as a prince hast thou power with God and with men, and hast prevailed.” KJV — Genesis 32:28

“At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.” KJV — Genesis 32:28


We shall now devote a few moments to the study of Jacob, the type, in relation to the church in the antitype. When Jacob left his home in Palestine, while he was on his way to Padanaram, God met him and gave him his promises that He would be with him, and God fulfilled His promises. Likewise, when the church left the vineyard, God's Promise was with her that He would not forsake her in the Gentile world. While Jacob was in Padanaram away from home, he became very rich and his household increased greatly. Then he was commanded to return home. So it will be today in the antitype. The time will come when the church is to be multiplied and then return home. But when Jacob left his father-in-law's house, and was on the way back to Palestine, you remember that he had his great time of trouble. It happened before he reached Palestine, his homeland. He wrestled in anguish all night with God, and it was then that his name was changed from Jacob to Israel.

Tayo ngang maglaan ng oras upang saliksikin ang aral ukol kay Jacob kaugnay sa iglesia at antitype nito. Nang lisanin ni Jacob ang kanyang tahanan sa Palestina, habang patungo siya sa Padan-aram ay nakita niya ang Diyos at ibinigay sa kaniya ang pangako na Siya’y makakasama niya at ito’y Kaniyang tinupad. Gayundin, nang lisanin ng iglesia ang kaniyang ubasan ipinangako ng Diyos na hindi siya pababayaan sa mundo ng mga gentil. Habang si Jacob ay nasa Padanaram, malayo sa kaniyang tahanan, ay lumago siya at pinagpala ang kaniyang sangbahayan. At siya ay inatasan na umuwi pabalik sa tahanan. Gayundin nga ang magaganap sa ngayon sa antitype nito. Darating ang panahon na ang iglesia ay lalago at pababalakin sa sariling lupain. Ngunit nang lumisan si Jacob sa tahanan ng kaniyang biyanan at habang naglalakbay pabalik ng Palestina, maaalala na siya ay nakadanas ng panahon ng kabagabagan. Ito ay naganap bago niya marating ang Palestina na kaniyang lupain. Siya ay nakipagbuno buong gabi sa Diyos at dito binago ang kaniyang ngalang Jacob sa Israel. 

We are not now living in the antitypical time of the changed name, Israel, but we are living in the antitypical "Jacob" time. You might say that Jacob is the fleshly name, a name that does not spell either prince or saint. Why are we still in the time portrayed by Jacob's sin-denoting name? -- Because we have not yet started for home. When we start for home as did Jacob, we, too, shall meet with our time of trouble, even Jacob's time of trouble. And at that time we shall become thoroughly converted to God forever, and our name will be changed as is foretold in Isaiah 61:6, and it will be a name that the Lord Himself will give us. When we demonstrate that we are truly converted, then this great promised blessing will come to us. And when our name has been changed it signifies that we are certain candidates for entrance into the Kingdom eternal.

Hindi pa tayo namumuhay sa antitypical na panahon na nabago na ang ating ngalan, ngunit nasa antitypical na panahon pa tayo bilang“Jacob”. Maaring isipin na ang ngalang Jacob ay makamundong ngalan at hindi ito nangangahulugang prinsipe o banal. Bakit tayo nananatili sa panahon na inilalarawan sa makasalanang ngalan ni Jacob? – Sapagka’t hindi pa tayo bumabalik sa ating lupain. Sa panahong tayo ay magbalik at umuwi, gaya ni Jacob, tayo ay makakaranas din ng panahon ng kabagabagan. At sa panahong yaon tayo ay lubusang magbabagong loob sa Diyos habambuhay at ang ating ngalan ay babaguhin gaya ng nasasaad sa Isaias 61:6, at ito ay ang ngalan na mismong ang Diyos ang magbibigay sa atin. Kapag ating ipinakita na tayo ay tunay na may pagbabagong-loob ay darating ang mga dakilang pagpapala sa atin. At kapag ang ating ngalan ay nabango na, ito ay nangangahulugan na tayo ay mga tiyak na kandidato na papasok sa walang hanggang kaharian. 

Sunday - May 29

Wrestling With God

Genesis 32:22-31; Hosea 12:3, 4

What is the spiritual significance of this amazing story?

Ano ang espiritwal na kahalagahan ng nakamamanghang istoryang ito?

After twenty years of faithful service in Padan-Aram, in the sharp, overreaching employ of Laban, his uncle, Jacob at last turned his face and his steps homeward toward his father’s house in the land of promise. 

Makalipas ang dalawangpung taon ng tapat na paninilbihan sa Padan-Aram, sa ilalim ng matinding pamumuno ni Laban na kaniyang tiyuhin, sa wakas si Jacob ay muling haharap at dadako sa tahanan ng kaniyang ama sa lupang pangako.

But trouble overtook him. While grappling with his fears as to the outcome of his imminent meeting with Esau “there wrestled a man with him until the breaking of the day.” Gen. 32:24

Ngunit ang kabagabagan ay sumapit sa kaniya. Habang inaalala ang takot sa posibleng kahinatnan ng muling pakikipagkita kay Esau “at nakipagbuno ang isang lalake sa kaniya, hanggang sa magbukang liwayway.” Gen. 32:24 

Here lay down the man Jacob and rose up the man Israel, exemplifying the agonizing experience through which his posterity must victoriously pass before they, too, receive a new name, pass from sons of Jacob to sons of God, become Israelites indeed. Having gained the victory over this test, “the time of Jacob’s trouble,” they will reach home, the land of promise – the happy end of their long and troubled journey.

Dito ay iwinaksi ang lalaking si Jacob at nagbangon ang lalaking si Israel, na naglarawan sa mahihirap na karanasan na pagdadaanan ng kanyang susunod na lahi na kinakailangan panagumpayan bago sila makatanggap ng bagong ngalan, buhat sa pagiging anak ni Jacob tungo sa pagiging anak ng Diyos, bilang mga Israelita. Sa pananagumpay sa pagsusulit na ito, “ang panahon ng kabagabagan ng Jacob,” sila ay makakauwi na sa tahanan, sa lupang pangako – ang masayang wakas sa kanilang mahaba at maligalig na paglalakbay. 

On this trying and testing time the Spirit of Prophecy comments: “A decree went forth to slay the saints, which caused them to cry day and night for deliverance. This was the time of Jacob’s trouble” – Early Writings, pp. 36, 37. (See also Patriarchs and Prophets, pp. 202, 203.)

Sa mga mahirap at mapanubok na panahong ito ay nagkomento ang Espirito ng Hula: “At ipinagutos na paslangin ang mga banal, at sila ay tumangis araw at gabi para sa kanilang kaligtasan. Ito ang “panahon ng kabagabagan ng Jacob” – Early Writings, pp. 36, 37. (See also Patriarchs and Prophets, pp. 202, 203.) 

Monday - May 30

The Brothers Meet

Genesis 33

What connection is there between Jacob’s experience of seeing the face of God at Peniel and Jacob’s experience of seeing the face of God? What is the implication of this connection in regard to our relationship with God and our relationship with our “brothers,” whoever they may be?

Ano ang kaugnayan ng karanasan ni Jacob sa pagkasilay sa mukha ng Diyos sa Peniel? Ano ang implikasyon nito sa ating relasyon sa Diyos at sa ating “mga kapatid”, maging sinuman sila?

Jacob, our type, well knew that God had directed his return from Padanaram to the homeland, yet he trembled when he heard that Esau, with four hundred men were on the way to meet him. Besides, he was led to wrestle with the angel all night long. He prevailed only because he would not let the Angel go until He blest him. The final result was that on the morrow, Esau, rather than destroying the whole company, very kindly greeted Jacob with a kiss, and cordially invited him to return home! So when it all worked itself out, Jacob plainly saw that there was no need at all to have ever feared. How encouraging that “all these things happened unto them for ensamples: and they are written for our admonition, upon whom the ends of the world are come.” 1 Cor. 10:11. That which happened to Jacob is sure to happen to us, and how comforting to know all this ahead of time. Now, if never before we should see that where there is a type there is also an antitype, and that where there is no type, there is no Truth.

Si Jacob, na ating tipo, ay nakakaunawa na ang Diyos ang mismong nangunguna sa kaniyang pagbabalik mula sa Padan-Aram tungo sa kaniyang lupain, gayunpaman, siya ay nanginig ng marinig na si Esau at ang apat na raan nitong mga lalaki ay naglalakbay upang salubungin siya. Sa kabila nito, siya ay nakipagbuno sa anghel buong gabi. Nanagumpay lamang siya sapagka’t hindi niya ito binitawan hanggang hindi siya nababasbasan. At ang naging pinal na resulta, sa kinabukasan, sa halip na siya at ang kaniyang mga kasamahan ay wasakin ni Esau, siya ay malugod na tinanggap nito sa pamamagitan ng halik at inanyayahan na umuwi sa lupain. At nang matunghayan niya ito, nakita ni Jacob na walang saysay ang naging takot niya. Nakahihiyakat isiping na “ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.” 1 Cor. 10:11. Na ang karanasan ni Jacob na ito ay tiyak na magaganap din sa atin at nagbibigay aliw na ito ay ipinaalam sa atin. Ngayon nga ay makikita natin na kung may tipo ay may antitipo din, at kung walang tipo ay wala ngang katotohanan.

Tuesday - May 31

The Violation of Dinah

Genesis 34

What happened to upset to his plans for a peaceful existence?

Ano ang naganap at nakagulo sa plano niyang mapayapang pananahan doon?

“The tarry of Jacob and his sons at Shechem ended in violence and bloodshed. The one daughter of the household had been brought to shame and sorrow, two brothers were involved in the guilt of murder, a whole city had been given to ruin and slaughter, in retaliation for the lawless deed of one rash youth. The beginning that led to results so terrible was the act of Jacob's daughter, who “went out to see the daughters of the land,” thus venturing into association with the ungodly. He who seeks pleasure among those that fear not God is placing himself on Satan's ground and inviting his temptations. PP 204.2

“Ang pananahan nila Jacob at ng kaniyang mga anak sa Sichem ay nagtapos sa kaguluhan at pagdanak ng dugo. Ang nagiisang anak na babae ng sangbahayan ay nagdanas ng kahihiyan at dalamhati, ang dalawang anak na lalaki naman ay sangkot sa pagpatay, ang buong lupain ay winasak at tinagpas bilang paghihiganti sa kasalanang ginawa ng isang kabataan. Ang naging ugat na nagdulot sa teribleng wakas na ito ay ang ginawang paglabas ng anak na babae ni Jacob “upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon”, samakatuwid ay ang pakikisalamuha sa mga hindi mananampalataya. Yaong mga naghahanap ng layaw mula doon sa mga walang takot sa Diyos ay naglalagay sa kanilang mga sarili sa lupain ni Satanas at nagiimbita sa kaniyang mga tukso. PP 204.2

“The treacherous cruelty of Simeon and Levi was not unprovoked; yet in their course toward the Shechemites they committed a grievous sin. They had carefully concealed from Jacob their intentions, and the tidings of their revenge filled him with horror. Heartsick at the deceit and violence of his sons, he only said, “Ye have troubled me to make me to stink among the inhabitants of the land: ... and I being few in number, they shall gather themselves together against me, and slay me; and I shall be destroyed, I and my house.” But the grief and abhorrence with which he regarded their bloody deed is shown by the words in which, nearly fifty years later, he referred to it, as he lay upon his deathbed in Egypt: “Simeon and Levi are brethren; instruments of cruelty are in their habitations. O my soul, come not thou into their secret; unto their assembly, mine honor, be not thou united.... Cursed be their anger, for it was fierce; and their wrath, for it was cruel.” Genesis 49:5-7.” PP 204.3

“Bagaman ang paghihiganti at kalupitan nila Simeon at Levi ay may dahilan ang kanilang ginawa sa mga taga-Sichem ay isang malaking kasalanan. Kanilang inilihim kay Jacob ang kanilang intensyon at ang ginawa nilang paghihiganti ay nagbigay takot sa kaniya. Sa pagdadalamhati sa ginawang panlilinlang at karahasan ng mga anak, ang tangi niyang nasabi ay: “Ako'y inyong binagabag, na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain at akong may kaunting tao, ay magpipisan sila laban sa akin, at ako'y sasaktan nila; at lilipulin ako at ang aking sangbahayan.”Ngunit ang kalungkutan at pagkamuhi sa ginawa nilang karahasan ay nalahad sa kaniyang mga salita makalipas ang limangpung taon, na kaniya itong tinukoy sa kaniyang mga huling araw sa Egipto: “Si Simeon at si Levi ay magkapatid; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak. Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo; Sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko; Sumpain ang kanilang galit, sapagka't mabangis; At ang kanilang pagiinit, sapagka't mabagsik.” Genesis 49:5-7.” PP 204.3

Wednesday - June 1

Prevailing Idolatry

Genesis 34:30-35:15

What lessons can we take about true worship from what happened here? 

Anong leksyon ukol sa tunay na pagsamba ang mapupulot natin sa pangyayaring ito?

“Jacob felt that there was cause for deep humiliation. Cruelty and falsehood were manifest in the character of his sons. There were false gods in the camp, and idolatry had to some extent gained a foothold even in his household. Should the Lord deal with them according to their deserts, would He not leave them to the vengeance of the surrounding nations? PP 205.1

Naramdaman ni Jacob na mayroong dahilan para sa malalim na kahihiyan. Ang kalupitan at kasinungalingan ay nakikita sa karakter ng kaniyang mga anak. May mga diyos-diyosan sa kampo at ang idolatriya ay nakikita maging sa kaniyang sangbahayan. Kung sila ay hatulan ng Diyos sangayon sa kanilang gawa, hindi kaya Niya sila pabayaan para sa paghihiganti ng mga bansang nakapalibot? PP 205.1

“While Jacob was thus bowed down with trouble, the Lord directed him to journey southward to Bethel. The thought of this place reminded the patriarch not only of his vision of the angels and of God's promises of mercy, but also of the vow which he had made there, that the Lord should be his God. He determined that before going to this sacred spot his household should be freed from the defilement of idolatry. He therefore gave direction to all in the encampment, “Put away the strange gods that are among you, and be clean, and change your garments: and let us arise, and go up to Bethel; and I will make there an altar unto God, who answered me in the day of my distress, and was with me in the way which I went.” PP 205.2

“Samantalang si Jacob ay nababagbag, siya ay inutusan ng Diyos na maglakbay patimog tungo sa Betel. Ang pagiisip sa lugar na ito ay nagpaalala sa patriarka hindi lamang sa kaniyang pangitain sa mga anghel at sa pangakong awa ng Diyos ngunit maging sa panata na ginawa niya doon, na ang Panginoon ay ang kaniyang magiging Diyos. Napagtanto niya na bago sila bumalik sa sagradong lugar na ito ay kinakailangang maalis ang karumihan ng idolatriya sa kaniyang sangbahayan. “ Nang magkagayo'y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot: At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, at sumaakin sa daan na aking nilakaran.” PP 205.2

“With deep emotion Jacob repeated the story of his first visit to Bethel, when he left his father's tent a lonely wanderer, fleeing for his life, and how the Lord had appeared to him in the night vision. As he reviewed the wonderful dealings of God with him, his own heart was softened, his children also were touched by a subduing power; he had taken the most effectual way to prepare them to join in the worship of God when they should arrive at Bethel. “And they gave unto Jacob all the strange gods which were in their hand, and all their earrings which were in their ears; and Jacob hid them under the oak which was by Shechem.” PP 205.3

“Inulit ni Jacob, ng may malalim na damdamin, ang istorya ukol sa kaniyang unang pagbisita sa Bethel, sa panahon na kaniyang nilisan ang tolda ng kanyang ama upang maglakbay mag-isa, at tumakas para sa kanyang buhay at kung paanong ang Diyos ay nagpakita sa kaniya sa isang pangitain sa gabi. Sa kanyang pagalaala sa mabuting pakikitungo ng Diyos sa kaniya,ang kaniyang puso ay lumambot, at maging ang kaniyang mga anak ay hinipo ng mapagpasakop na kapangyarihan; kaniyang ginawa ang pinakamabisang paraan upang sila ay mahanda sa pakikianib sa pagsamba sa Diyos kapag sila ay nakarating na sa Bethel. “At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.” PP 205.3

“God caused a fear to rest upon the inhabitants of the land, so that they made no attempt to avenge the slaughter at Shechem. The travelers reached Bethel unmolested. Here the Lord again appeared to Jacob and renewed to him the covenant promise. ‘And Jacob set up a pillar in the place where He talked with him, even a pillar of stone.’” PP 206.1

“Nagdulot ang Diyos ng takot sa mga taong nananahan sa lupain upang sila ay hindi magtangkang maghiganti sa ginawang pagpatay sa Sichem. Ang mga naglalakbay ay matiwasay na nakarating sa Bethel. Dito ang Diyos ay muling nagpakita kay Jacob at muling pinanumbalik ang ipinangakong tipan.” “At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios, haliging bato: at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis.” PP 206.1

Thursday - June 2

The Death of Rachel

Genesis 35:15-29

What other woes did Jacob face with his dysfunctional family?

Ano pa ang ibang kasawian na kinaharap ni Jacob kasama ng kaniyang pamilya?

From Bethel it was only a two days’ journey to Hebron, but it brought to Jacob a heavy grief in the death of Rachel. Twice seven years’ service he had rendered for her sake, and his love had made the toil but light. How deep and abiding that love had been, was shown when long afterward, as Jacob in Egypt lay near his death, Joseph came to visit his father, and the aged patriarch, glancing back upon his own life, said, “As for me, when I came from Padan, Rachel died by me in the land of Canaan in the way, when yet there was but a little way to come unto Ephrath: and I buried her there in the way of Ephrath.” Genesis 48:7. In the family history of his long and troubled life the loss of Rachel was alone recalled. PP 206.3

“Buhat sa Bethel ay dalawang araw lamang ang paglalakbay tungo sa Hebron ngunit ito ay nagdala ng labis na hinagpis kay Jacob sa pagkamatay ni Raquel. Labingpitong taon ng paglilingkod ang kaniyang inalay para sa kaniya at ang kaniyang pagibig ay nagpagaan sa pagpapagal na ginawa niya. Kung gaano kalalim at katibay ang pagibig na ito ay napakita sa lumaon ng si Jacob ay nasa Egipto sa kaniyang mga huling araw, nang si Jose ay dumalaw sa kaniyang ama, ang matandang patriarka ay umalala sa kaniyang naging buhay at sinabi: “At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).” Genesis 48:7. Sa kasaysayan ng kaniyang mahaba at maligalig na pamumuhay, ang pagkawala ni Raquel ang tanging inalala. PP 206.3

“Before her death Rachel gave birth to a second son. With her parting breath she named the child Benoni, “son of my sorrow.” But his father called him Benjamin, “son of my right hand,” or “my strength.” Rachel was buried where she died, and a pillar was raised upon the spot to perpetuate her memory.” PP 206.4

“Bago mamatay si Raquel sa panganganak sa ikalawang anak na lalaki. Nang nalalagot ang kaniyang hininga ay pinangalanan niya ang sanggol na Benoni, “anak ng kalungkutan”. Datapuwa’t pinangalanan ng kaniyang ama na Benjamin, “anak ng aking kanang kamay,” o “aking kalakasan.” Si Raquel ay inilibing kung saan siya namatay at nagtayo si Jacob ng isang batong pinakaalaala sa ibabaw ng libingan na siyang pinakaalaala hanggang ngayon.” PP 206.4

Friday - June 3

Further Study

Along the chronological path of this numerous-phased typology, we now in thought follow Jacob on to Padan-Aram. There he took unto himself four wives – Leah and Rachel, the daughters of Laban; then Zilpah and Bilhah, their respective maids. These four were the mothers of the twelve sons of Jacob, who in turn were the fathers of the twelve tribes of Israel. 

Sa pagsubaybay sa kronolohikal na tipong ito ay ating nasundan ang pagdako ni Jacob sa Padan-Aram. Dito ay nagtaglay siya ng apat na asawa – sila Lea at Raquel na mga anak ni Laban at sila Zilpa at Bilhah na mga alipin. Silang apat ang ina ng labingdalawang anak ni Jacob, na siyang mga ama naman ng labingdalawang tribo ng Israel.

In this type-progression of spiritual Israel, only one of the four, Leah, was Jacob’s legal wife. Only she, therefore, can typify the true and legal church – the one which was organized in Jerusalem by the twelve-tribe kingdom, and which finally evolved into the Christian Church.

Sa tipo ng espiritwal na Israel, tanging isa lamang sa apat -- si Lea ang legal na asawa ni Jacob. Siya lamang ang kakatawan sa tunay at legal na iglesia – na itinatag sa Jerusalem ng labingdalawang tribong kaharian na naging Kristiyanong iglesia. 

Rachel must necessarily represent a sister church – the one organized in Samaria by the ten-tribe kingdom and dispersed with it among the Gentiles.

Si Raquel ay kakatawan sa kapatid na iglesia – yaong itinatag sa Samaria sa kaharian ng sampung tribo na napangalat sa mg Gentil.

Zilpah and Bilhah, being “strangers” and servants to Leah and Rachel, must necessarily represent subsequent churches of Gentile origin.

Sila Zilpa at Bilha, bilang mga “estranghero” at alipin nila Lea at Raquel ay kakatawan naman sa mga kasunod na iglesia na nagmula sa mga Gentil. 

From these four lines descended the antitypical children of Israel. And what is true in the physical genealogy must be true also in the spiritual genealogy. Hence, while the antitypical, like the typical, twelve tribes come through both Israelite and Gentile mothers, yet they are begotten by one and the same father – an Israelite.

Mula sa apat na lahing ito nagmula ang antitypical na anak ni Israel. At ang katotohanan sa pisikal na talaangkanan ay totoo din sa espiritwal na talaangkanan. Kaya naman samantalang ang antitypical, tulad sa typical, na labingdalawang tribo ay lumabas sa Israelita at Gentil na mga ina, ngunit pare-parehong nagmula sa iisang amang Israelita. 

Dispersed by God throughout the Gentile nations, both Judah (the two-tribe kingdom) and Israel (the ten-tribe kingdom) were swallowed up by them. Then, too, the Christian Church, herself but an upshoot from the Jewish Church (Christ’s disciples and apostles, as well as the church’s early converts, were purely Jews, remember), dropped her Old Testament title “Jewish” as she took her New Testament title “Christian.” Then she gradually lost her Jewish foliage amid the foliage of the ingrafted Gentile branches. 

ADahil ipinangalat sila ng Diyos sa mga gentil na bansa, sila Judah (ang dalawang tribong kaharian) at ang Israel (ang sampung tribong kaharian) ay nilamon nila. Ang Kristiyanong iglesia ay umusbong mula sa Iglesia ng Hudyo (tanda na ang mga alagad ni Cristo at ang mga unang napagbagong loob nila ay mga pawang Hudyo), at tinanggal niya ang titulo bilang hudyo mula sa lumang tipan at tumanggap ng bagong titulo bilang Kristiyano mula sa bagong tipan. At sa kalaunan ay nawaksi na ang yabong ng pagkahudyo at napalitan ng tuluyan ng mapasanib sa mga sanga ng gentil. 

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org