Cain and His Legacy

Liksyon 3, Ikalawang Semestre Abril 9-15

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - April 9

Memory Text:

“If thou doest well, shalt thou not be accepted? and if thou doest not well, sin lieth at the door. And unto thee shall be his desire, and thou shalt rule over him.” KJV — Genesis 4:7

“Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasa, at ikaw ang papanginoonin niya.” KJV — Genesis 4:7


According to the law of the Bible the priesthood was to be made up from the first born of every family. Thus, by the rights of the law, Cain was the priest. The Lord himself stated this fact as He spoke to Cain saying: “And unto thee shall be his desire [margin, subject], and thou shall rule over him.” (Gen. 4:7.) Therefore, these two men represent two classes of people. Since this fact cannot be denied, Cain must represent a class of leadership (priests), and Abel the true church membership. It was Cain who rebelled against God by presenting a false sacrifice, and because Abel obeyed and worshiped in the manner prescribed by the Creator, he incurred the displeasure of his elder brother.

Sangayon sa batas ng kasulatan, ang pagkasaserdote ay gagampanan ng panganay sa bawat pamilya. Alinsunod dito, si Cain ang naatasan sa pagkasaserdote. Ang Diyos mismo ang naglahad ng mga bagay na ito kay Cain: “At sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasa, at ikaw ang papanginoonin niya.” (Gen. 4:7.) Kaya ang dalawang lalaking ito ay kumakatawan sa dalawang uri ng tao. Sapagkat ang katotohanang ito ay hindi maitatanggi, si Cain ang siyang kakatawan sa pagkapinuno (mga saserdote), at si Abel naman sa mga myembro ng tunay na iglesia. Si Cain ay nagrebelde sa Diyos sa paghahain ng maling hain at samantalang si Abel ay sumunod at sumamba sa paraang iniutos ng Lumikha, ang panganay na kapatid ay namuhi sa kanya. 

Sunday - April 10

Cain and Abel

Genesis 4: 1, 2

What do we learn from these passages about the births of the two males?

Ano ang ating napagalaman sa mga talatang ito ukol sa pagkapanganak sa dalawang lalaki?

“Cain and Abel, the sons of Adam, were unlike in character. Cain cherished feelings of rebellion and murmuring against God because of the curse pronounced upon the ground and upon the human race for Adam's sin; while Abel had a spirit of meekness and of submission to the authority of God. ST December 16, 1886, par. 2

“Si Cain at Abel na mga anak ni Adan ay hindi magkahalintulad sa karakter. Tinaglay ni Cain ang damdamin ng pagrerebelde at pagbulung-bulong laban sa Diyos ukol sa ginawang pagsumpa sa lupain at sa sangkatauhan dahil sa pagkakasala ni Adan; samantalang si Abel ay may Espiritu ng kaamuan at pagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos. ST December 16, 1886, par. 2

“These brothers were tested, as Adam had been tested before them, to see if they would be obedient to God's requirements. They had both been instructed in regard to the provision made for the salvation of man. Through the system of sacrificial offerings, God designed to impress upon the minds of men the offensive character of sin, and to make known to them its sure penalty, death. The offerings were to be a constant reminder that it was only through the promised Redeemer that man could come into the presence of God. Cain and Abel understood the system of offerings which they were required to carry out. They knew that in presenting these offerings they showed humble and reverential obedience to the will of God, and acknowledge faith in, and dependence upon, the Savior whom these offerings typified.” ST December 16, 1886, par. 3

“Ang magkapatid na ito ay sinubok, gaya ng si Adan ay sinubok ding una sa kanila, upang makita kung sila ay susunod sa kautusan ng Diyos. Sila ay parehong tinuruan ukol sa probisyon para sa kaligtasan ng tao. Sa pamamagitan ng sistema ng paghahain, layunin ng Diyos na ikintal sa kaisipan ng tao ang kasamaan ng kasalanan, at ipaalam ang tiyak na kaparusahan dito – ang kamatayan. Ang paghahain ay isang patuloy na paalala na sa pamamagitan lamang ng pinangakong Tagapagligtas magkakaroon ng pagasa ang tao na humarap sa presensya ng Diyos. Naunawan nila Cain at Abel ang sistemang ito ng paghahain na dapat nilang isagawa. Alam nila na sa pamamagitan nito ay maipapakita nila ang pagpapakumbaba at magalang na pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagkilala sa pananampalataya at Pagasa sa Tagapagligtas na siyang tinutukuyang tipo (type) ng paghahain.” ST December 16, 1886, par. 3

Monday - April 11

The two offerings

Genesis 4:1-5

Why did God accept Abel’s offering and reject Cain’s offering? How are we to understand what happened here?

Bakit tinanggap ng Diyos ang hain ni Abel at tinanggihan naman ang kay Cain? Paano natin uunawain ang mga pangyayaring ito?

In the beginning the Lord created Adam and Eve and placed the holy couple in the garden of God, but our first parents transgressed the counsel of the Most-High, and sin entered the Eden home. In order to preserve His original plan for the human family, He was compelled to remove our parents from their Edenic abode. To them were born sons and daughters; see Genesis 5:4. Their first two sons are brought to our attention by the Scriptures in a contrast that is most striking, and one that should be carefully considered by every professor of religion.

Sa pasimula ay nilikha ng Diyos sila Adan at Eva at nilagay ang banal na magasawa sa hardin ng Diyos ngunit ang ating unang magulang ay lumabag sa kautusan ng Kabanalbanalan at ang kasalanan ay nakapasok sa halamanan ng Eden. Upang mapanatili ang Kanyang orihinal na plano para sa tao ay napilitan ang Diyos na alisin ang ating unang magulan sa hardin. At sa kanila ay ipinanganak ang mga anak na lalaki at babae (tignan sa Gen 5:4). Ang kanilang unang dalawang anak ay ipinaalam sa atin sa kasulatan at ang kanilang kaibahan sa isa’t isa ay kapuna-puna at ito ay dapat na suriing mabuti ng bawat nagaangkin ng relihiyon.

The sacrifice and religious worship of the two first born in the human family, reveals that the Saviour of the world had made known the divine plan of salvation to the family of Adam. Their system of worship being devised by the Creator Himself, was perfect, and able to save the sinner from his sin. Abel’s careful religious observance, according to the instruction of the Diety whom he worshipped, shows that only such worship, honor and praise, can be acceptable to God. Cain was not mindful of the commandment, and thus by presenting that which God had not required went about to establish a religion of his own. As he immediately afterwards slew his brother it should be an object lesson to all: that a worship according to the inclination of men, however good and innocent it may seem, cannot sanctify and save the worshiper. But instead, it takes him deeper into sin, and final ruin. Those who are inclined to persecute the ones who do not worship as they do, are bowing down with Cain at the altar made of bricks. Such altars are the product of man by converting the form of the original; and though more attractive than the altar of stone may seem, there is no sanctifying power in them, and their worship is as deadly as poison. The evidence cannot be denied that both forms of worship (true and false) were introduced at about the same time and ran side by side. Both seem innocent and were conducted about the same way with the distinction that the one is in harmony with God’s book and law, and the other is not.

Ang sakripisyo at pagsamba ng unang dalawang anak sa pamilya ng tao ay nagpapakita na ipinaalam ng Tagapagligtas ng mundo ang makalangit na plano ng pagliligtas sa pamilya ni Adan. Ang sistema ng pagsamba na itinalaga mismo ng Diyos ay sakdal at sapat upang magligtas sa makasalanan buhat sa pagkakasala. Ang maingat na pagsunod ni Abel sangayon sa alituntunin ng Diyos na kaniyang sinasamba ay nagpapakita na ang tanging ganitong pagsamba, paggalang at papuri ang katanggap-tanggap sa Diyos. Sa kabilang banda, si Cain ay hindi maingat sa pagsunod sa kautusan at ang kaniyang paghahain ng mga bagay na hindi iniutos ng Diyos ay naglalahad sa relihiyong kanyang binubuo sa kanyang sarili. Ang ginawa niyang dagliang pagpatay sa kapatid ay nagtuturo na ang pagsambang hango sa nais ng tao, mabuti man at walang sala kung ituturing ay hindi makapagpapabanal at makapagliligtas sa sumasamba. At sa halip, ito ang maglulubog sa kanya sa kasalanan hanggang sa lubusang pagkawasak. Yaong mga umuusig sa mga taong sumasamba ng hindi gaya ng samba nila ay lumuluhod kasama ni Cain sa altar na yari sa laryo. Ang mga altar tulad nito ay produkto ng gawa ng tao sa pagbabago ng orihinal na porma, na bagama’t nakakaakit tignan kaysa sa altar na gawa sa bato, ay wala itong kapangyarihang makapagpapabanal sa kanila at ang kanilang pagsamba ay nakamamatay na parang lason. Hindi maipagkakaila ang ebidensya na ang parehong uri ng pagsamba (tama at mali) ay naipakilala at naisagawa sa parehong panahon. Parehong tila walang sala at isinagawa sa parehong paraan, ang tanging kaibahan ang isa ay sangayon sa kautusan ng Diyos samantalang ang isa ay hindi. 

Tuesday April 12

The Crime

Genesis 4:3-8, 1John 3:12

What is the process that led Cain to kill his brother?

Ano ang proseso na nagdulot kay Cain na patayin ang kanyang kapatid?

A remarkable fact is the crime committed by Cain in slaying his brother Abel. These being the first two brothers and the first quarrel over religion, also the first murder in the human family, it certainly must hold out a lesson of great importance.

Isang katotohanan nga ang ginawang krimen ni Cain sa pagpatay kay Abel. Bilang ito ay ukol sa dalawang unang kapatid, ang unang pagaaway sa relihiyon at unang pagpatay sa pamilya ng tao, ito ay tiyak na nagtuturo ng importanteng aral. Sangayon sa batas ng kasulatan, ang pagkasaserdote ay gagampanan ng panganay sa bawat pamilya.

According to the law of the Bible the priesthood was to be made up from the first born of every family. Thus, by the rights of the law, Cain was the priest. The Lord himself stated this fact as He spoke to Cain saying: “And unto thee shall be his desire [margin, subject], and thou shall rule over him.” (Gen. 4:7.) Therefore, these two men represent two classes of people. Since this fact cannot be denied, Cain must represent a class of leadership (priests), and Abel the true church membership. It was Cain who rebelled against God by presenting a false sacrifice, and because Abel obeyed and worshiped in the manner prescribed by the Creator, he incurred the displeasure of his elder brother.

Alinsunod dito, si Cain ang naatasan sa pagkasaserdote. Ang Diyos mismo ang naglahad ng mga bagay na ito kay Cain: “At sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasa, at ikaw ang papanginoonin niya.” (Gen. 4:7.) Kaya ang dalawang lalaking ito ay kumakatawan sa dalawang uri ng tao. Sapagkat ang katotohanang ito ay hindi maitatanggi, si Cain ang siyang kakatawan sa pagkapinuno (mga saserdote), at si Abel naman sa mga myembro ng tunay na iglesia. Si Cain ay nagrebelde sa Diyos sa paghahain ng maling hain at samantalang si Abel ay sumunod at sumamba sa paraang iniutos ng Lumikha, ang panganay na kapatid ay namuhi sa kanya.

If the statement that Cain and Abel represent two classes of people is correct, then the same must be proven by historical facts. We stated that Cain who typified the leadership persecuted him who typifies the true membership. Thus, every section of God’s church has apostatized through unconsecrated leadership, and every message that called for reformation was likewise, by them, thrown out of the church. In their blindness they were determined to keep the people ignorant of the truth and thus they persecuted the messengers and those who embraced the message and obeyed the truth. Therefore, necessity called forth one movement after another. How fearful the thought for those who bear this great responsibility! And how dangerous to the class who permit others to think and act for them! The class that accepts the decisions of others, whether for or against the truth, are deceived and robbed of eternal life, for they can have no experience of their own, no true conversion, no change of heart. My brethren: these words are not against you, for it is God speaking through His word of truth to save you from the bottomless pit. Will you not let Him work for you and for His people? Will you not be His sheep?

Kung tama ang pahayag na si Cain at Abel ay kumakatawan sa dalawang uri ng tao, ito nga ay mapapatunayan sangayon sa mga makasaysayang katotohanan. Nabanggit na si Cain ang tipo sa pamunuang umusig sa tipo na kumakatawan naman sa tunay na mga myembro. Kaya ang bawat seksyon ng iglesia ng Diyos ay naapostasiya dahil sa hindi banal na pamumuno, at ang bawat mensahe ng repormasyon ay kanila ding tinatanggihan sa loob ng iglesia. Sa kanilang pagkabulag ay determinado silang panatilihing ignorante ang bayan ukol sa katotohanan at dahil dito ay kanilang inuusig ang mga mensahero at yaong mga tao na yumayakap sa mensahe at sumusunod sa katotohanan. Dahil dito ay nagkaroon ng pangangailang sa kabi-kabilang pagkilos. O nakakatakot isipin ang kanilang dakilang responsibilidad na kailangang batain? At gaano namang kapahamakan para sa uri ng tao na hinayaan ang iba na magisip at gumawa para sa kanila! Ang uri na tumatanggap sa desisyon ng iba, maging ito ay para o laban sa katotohanan ay mga nalilinlang at nananakawan ng walang hanggang buhay, sapagka’t wala silang sariling karanasan, walang tunay na pagbabagong loob, walang pagbabago ng puso. Mga kapatid: ang mga salitang ito ay hindi laban sa iyo, sapagka’t ang Diyos ang mismong nagsasalita sa pamamagitan ng Kanyang salita ng katotohanan upang iligtas ka sa kalaliman. Hindi mo ba Siya hahayaang gumawa sa inyo at sa Kanyang bayan? Hindi mo ba nais mapabilang sa tupa Niya?

Wednesday April 13

The Punishment of Cain

Genesis 4: 9-16

What is the mark that the Lord set upon Cain? 

Ano ang tatak na ginawad ng Diyos kay Cain?

Cain slew Abel and therefore he deserved to be slain himself. He did not deserve life any longer, but God said that if anybody dare kill Cain sevenfold vengeance would befall him. The Lord put a mark on him for the safety of Cain, and so long as he had the mark no one should dare kill him. What is the mark? -- You may say that the mark is as much as an angel guard present all the time. God set a guarding angel with Cain to protect him from anyone's killing him. Now we come to another marking period, that described in Ezekiel 9.

Pinatay ni Cain si Abel at dahil dito ay kailangan din na siya ay patayin. Hindi na siya karapat-dapat na mabuhay pa, ngunit sinalita ng Diyos na sinomang pumatay kay Cain ay makapitong gagantihan. At Nilagyan ng Diyos ng isang tanda si Cain at hanggang taglay niya ang tanda ay walang papatay sa kaniya. Ano ang tanda? – Iyong maaaring sabihin na ang tanda ay isang anghel na nagbabantay sa lahat ng oras. Nagtakda ang Diyos ng isang anghel na magbabantay kay Cain at poprotekta sa kanya sa sinumang magtangkang patayin siya. Ngayon ay dadako naman tayo sa isa pang bahagi ng pagtatatak na nilalarawan sa Ezekiel 9. 

In this chapter the Lord called the angels who had charge of the city, showing that they had charge of the city perhaps in a way similar to the charge of the angel over Cain. These six angels who have charge of the city are called to come forth and one among them is seen to have a writer's inkhorn. And he is to set a mark on everyone that sighs and cries for the abominations. When the marking is done, then the five other angels which have the slaughter weapons in their hands are to smite everyone who has not the mark. This indicates that the mark in Ezekiel 9 assures safety from the angels' slaughter.

Sa kapitulong ito ay tinawag ng Diyos ang mga anghel na may katungkulan sa bayan, bilang sila ay may mga tungkulin sa bayan, maaring gaya rin ito ng anghel na nakatalaga kay Cain. Ang anim na anghel ay tinawagan at ang isa sa kanila ay may tintero ng manunulat. At siya ay maglalagay ng tanda sa mga nagbubuntong-hininga at nagsisidaing dahil sa lahat ng kasuklamsuklam na nagawa. Kapag ang pagtatatak ay tapos na, ang limang anghel na may taglay na kanikaniyang pangpatay na almas sa kanilang kamay ay mananakit sa lahat ng walang tatak. Ito ay nagpapakita na ang tanda sa Ezekiel 9 ay tanda ng katiyakan sa pagkaligtas buhat sa gagawing pagpatay ng mga anghel. 

John in Revelation 7, says that he saw 144,000 with the seal of God in their foreheads, and since we understand through Inspiration that this sealing and marking are done to the same people, let us now see what the seal is. To serve as an illustration, let us suppose that this book that I now hold up is an envelope. And let us also suppose that this slip of paper which I have now in my hand is very precious to me and I want to save it from all manner of defacement and destruction. Is it not reasonable that you would expect me to put it into this envelope and seal it well to keep the paper from falling out? Moreover, if you do not want the wrong persons to open your letters you seal them. When God places His seal upon the 144,000, then nobody can hurt them. Do you see then that the winds were held by the angels because the servants of God were not as yet sealed -- under special protection? Unless they were sealed when the winds start to blow, God's people would be left utterly without protection from the danger of the hurting of the winds. Were they sealed, however, before the winds blow, the winds could not harm them.

Sa Pahayag 7 ay sinabi ni Juan na nakita niya ang 144,000 na may tatak ng Diyos sa kanilang mga noo, at dahil nauunawaan natin sa Inspirasyon na ang pagtatatak na ito at ang paglalagay ng tanda ay gaganapin sa parehong bayan, atin ngang alamin kung ano ang tatak na ito. Bilang isang paglalarawan, ating isipin na ang librong hawak ko ngayon ay isang envelope. At itong mga piraso ng papel na nasa aking kamay ay napakamahalaga sa akin at nais kong ingatan sa lahat ng uri ng pagkasira. Hindi ba makatwiran lamang na ilagay ko ito sa loob ng envelope at selyuhan ito upang ito ay hindi mahulog? Gayundin, kung hindi mo nais na buksan ng maling tao ang iyong mga liham ay seselyuhan mo ito. Kapag inilagay na ng Diyos ang Kaniyang selyo sa 144,000 ay walang sinuman ang makakapanakit pa sa kanila. Iyo bang nalalaman na ang mga hangin ay hinahawakan pa ng mga anghel dahil ang mga alipin ng Diyos ay hindi pa naseselhyuhan – at nasa ilalim ng espesyal na protekyon? Maliban na sila ay may selyo sa panahong magsimula ang pagihip ng mga hangin ay maiiwanan silang walang proteksyon sa mapanganib na pananakit ng hangin. At kung sila ay maselyuhan bago umihip ang hangin, ang hangin ay hindi nga makapapanakit sa kanila. 

Let us read--Eph. 1:13, 14 -- "In Whom ye also trusted, after that ye heard the word of Truth, the gospel of your salvation: in Whom also after that ye believed, ye were sealed with that Holy Spirit of promise. Which is the earnest of our inheritance until the redemption of the purchased possession, unto the praise of His glory."

Basahin sa Efeso 1:13,14 – “Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.”

The people spoken of here were sealed with the Holy Spirit of promise until the mystery of God is finished, until the sounding of the seventh trumpet. In other words, they did have the promise that they were sealed for the resurrection day. But the 144,000 are not sealed with a promise of the resurrection, they are sealed for some other purpose. They are sealed for protection from the hurting of the winds. That shows that the 144,000 are not sealed for the resurrection day, but for protection from being harmed by everybody and everything. They are alive at the time they are sealed, and the sealing enables them to live on. And since the message that is to seal the 144,000 is here, we believe that we are now living in the period when God is going to seal first the 144,000 and when they are sealed their destination is God, New Jerusalem, not the grave and the resurrection.

Ang bayan na binabanggit dito ay naselyuhan ng Banal na Espiritu na ipinangako hanggang ang misteryo ng Diyos ay matapos, hanggang sa pagtunog ng ikapitong trumpeta. Sa ibang salita, sila ay may taglay na pangako na maseselyuhan para sa araw ng pagkabuhay na maguli. Samantalang ang 144,000 ay hindi naselyuhan sa pangako ng muling pagkabuhay ngunit sa proteksyon buhat sa anumang uri ng kapahamakan. Sila ay buhay ng sila ay maselyuhan, at ang selyong ito ang dahilan upang sila ay patuloy na mabuhay. At dahil ang mensahe ng pagseselyo sa 144,000 ay nandito na, tayo ay naniniwala na tayo ay nabubuhay sa yugto ng pagseselyo ng Diyos una sa 144,000 at kapag sila ay may selyo na ang kanilang hantungan ay sa Diyos, sa Bagong Jerusalem at hindi sa libingan at muling pagkabuhay.  

Thursday - April 14

The Wickedness of Man

Genesis 4:17-24

What was Cain’s legacy, and how did Cain’s crime open the way for the increasing wickedness of humankind?

Ano ang naging pamana ni Cain at paanong ang krimen na ginawa niya ay nagbukas sa mas marami pang kasamaan ng sangkatauhan?

“In sparing the life of the first murderer, God presented before the whole universe a lesson bearing upon the great controversy. The dark history of Cain and his descendants was an illustration of what would have been the result of permitting the sinner to live on forever, to carry out his rebellion against God. The forbearance of God only rendered the wicked more bold and defiant in their iniquity. Fifteen centuries after the sentence pronounced upon Cain, the universe witnessed the fruition of his influence and example, in the crime and pollution that flooded the earth. It was made manifest that the sentence of death pronounced upon the fallen race for the transgression of God's law was both just and merciful. The longer men lived in sin, the more abandoned they became. The divine sentence cutting short a career of unbridled iniquity, and freeing the world from the influence of those who had become hardened in rebellion, was a blessing rather than a curse.” PP 78.2

“Sa ginawang pagiingat sa buhay ng unang mamamatay tao ay ipinakita ng Diyos sa buong kalawakan ang leksyon na nagtataglay ng dakilang kontrobersiya. Ang madilim na kasaysayan ni Cain at ng kaniyang lahi ay nagpakita kung ano ang magiging resulta kung hahayaang mabuhay ang makasalanan habambuhay upang isagawa ang kanyang rebelyon laban sa Diyos. Ang pagtitiis ng Diyos ay nagresulta lamang sa mga masasama na mas maging suwail at matindi sa kanilang kasalanan. Labinglimang siglo matapos ang sentensya kay Cain, nakita ng kalawakan ang bunga ng kaniyang impluwensya at ehemplo, sa krimen at polusyon na lumaganap sa lupain. Napatunayan na ang paghatol ng kamatayan para sa lahi na nahulog sa kasalanan laban sa utos ng Diyos ay maituturing na matuwid at mahabagin. Kung ang tao ay mas matagal na mabubuhay sa kasalanan ay mas lalo silang naliligaw. Ang makalangit na hatol na puputol sa hindi mapigil na kalikuan, ang pagpapalaya sa mundo buhat sa impluwensya ng mga taong naging matigas na sa kanilang pagrerebelde, ay isang pagpapala at hindi sumpa.” PP 78.2

“Satan is constantly at work, with intense energy and under a thousand disguises, to misrepresent the character and government of God. With extensive, well-organized plans and marvelous power, he is working to hold the inhabitants of the world under his deceptions. God, the One infinite and all-wise, sees the end from the beginning, and in dealing with evil His plans were far-reaching and comprehensive. It was His purpose, not merely to put down the rebellion, but to demonstrate to all the universe the nature of the rebellion. God's plan was unfolding, showing both His justice and His mercy, and fully vindicating His wisdom and righteousness in His dealings with evil.” PP 78.3

“Si Satanas ay palagiang gumagawa ng may matinding enerhiya at sa ilalim ng libong pagbabalat kayo na magnanais baluktutin ang karakter at gobyerno ng Diyos. Sa pamamagitan ng malawak, organisadong plano at kahanga-hangang kapangyarihan, siya ay gumagawa upang panghawakan ang mga nilalang sa mundo sa ilalim ng kaniyang paglilinlang. Ang Diyos, na Siyang walang hanggan at pantas sa lahat, ang nakakakita sa kawakasan buhat sa pasimula at sa kanyang pakikitungo sa kasamaan ang Kaniyang plano ay malawak at komprehensibo. Ang Kaniyang layunin ay hindi lamang upang wakasan ang rebelyon ngunit upang ihayag sa buong sansinukob ang likas ng rebelyon. Ang plano ng Diyos ay nagaganap, na nagpapakita ng Kaniyang hustisya at awa at nagpapatunay sa Kanyang karunungan at katuwiran sa Kanyang pakikutungo sa kasamaan.” PP 78.3

Friday - April 15

Further Study

“The holy inhabitants of other worlds were watching with the deepest interest the events taking place on the earth. In the condition of the world that existed before the Flood they saw illustrated the results of the administration which Lucifer had endeavored to establish in heaven, in rejecting the authority of Christ and casting aside the law of God. In those high-handed sinners of the antediluvian world they saw the subjects over whom Satan held sway. The thoughts of men's hearts were only evil continually. Genesis 6:5. Every emotion, every impulse and imagination, was at war with the divine principles of purity and peace and love. It was an example of the awful depravity resulting from Satan's policy to remove from God's creatures the restraint of His holy law. PP 78.4

“Ang mga banal na nananahan sa ibang mundo ay nagmamatyag ng may malalim na interes sa mga pangyayaring nagaganap sa ating mundo. Sa kondisyon ng mundo bago naganap ang pagbaha ay kanilang nakita ang resulta ng administrasyon na ninais itaguyod ni Lucifer sa langit, sa pagtanggi sa kapangyarihan ni Cristo at pagwawalang bahala sa Kaniyang kautusan. Sa mga makasalanan sa panahon bago ang baha ay nakita ang mga natangay/naligaw ni Satanas. Ang laman ng puso ng tao ay puro kasamaan. Gen 6:5. Ang bawat damdamin, bawat nais at imahinasyon, ay laban sa makalangit na prinsipyo ng kadalisayan at kapayapaan at pagibig. Ito ay halimbawa ng kakila-kilabot na kasamaan bunga ng patakaran ni Satanas na alisin sa mga nilalang ng Diyos ang pagpigil ng at pagpapasailalim sa Kaniyang banal na kautusan. PP 78.4

“By the facts unfolded in the progress of the great controversy, God will demonstrate the principles of His rules of government, which have been falsified by Satan and by all whom he has deceived. His justice will finally be acknowledged by the whole world, though the acknowledgment will be made too late to save the rebellious. God carries with Him the sympathy and approval of the whole universe as step by step His great plan advances to its complete fulfillment. He will carry it with Him in the final eradication of rebellion. It will be seen that all who have forsaken the divine precepts have placed themselves on the side of Satan, in warfare against Christ. When the prince of this world shall be judged, and all who have united with him shall share his fate, the whole universe as witnesses to the sentence will declare, “Just and true are Thy ways, Thou King of saints.” Revelation 15:3.” PP 79.1

“Sa mga katotohanang nahayag sa paglago ng dakilang kontrobersiya, ipapakita ng Diyos ang prinsipyo ng kautusan ng Kaniyang pamahalaan, na minali ni Satanas at ng kaniyang mga naligaw. Ang Kaniyang hustisya ay mauunawaan na sa wakas ng buong mundo, bagaman ang pagunawang ito ay huli na upang iligtas ang mga mapagrebelde. Sumasa Diyos ang simpatiya at pagsangayon ng buong sansinukob sa pagkakahayag at unti-unting katuparan ng Kaniyang dakilang plano. Ito ay dadalhin Niya hanggang sa kahuli-hulihang pagwawakas ng rebelyon. Makikita na ang lahat ng nagpabaya sa makalangit na katuruan ay ang mismong naglagay sa kanilang sarili sa panig ni Satanas, sa pakikipaglaban kay Cristo. Kapag ang prinsipe ng mundong ito ay nahatulan, ang lahat na nakiisa sa kaniya ay makikibahagi sa kaniyang kapalaran, at ang buong kalawakan na saksi ay maghahayag, “Matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.” Revelation 15:3.” PP 79.1

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org