Jesus, the Mediator of the New Covenant

Lesson 8, 1st Quarter Feb. 12-18, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram

Sabbath Afternoon - February 12

Memory Text:

“But now hath he obtained a more excellent ministry, by how much also he is the mediator of a better covenant, which was established upon better promises.” KJV — Hebrews 8:6

Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako. – Heb 8:6


“The terms of the “old covenant” were, Obey and live: “If a man do, he shall even live in them” (Ezekiel 20:11; Leviticus 18:5); but “cursed be he that confirmeth not all the words of this law to do them.” Deuteronomy 27:26. The “new covenant” was established upon “better promises”—the promise of forgiveness of sins and of the grace of God to renew the heart and bring it into harmony with the principles of God's law. “This shall be the covenant that I will make with the house of Israel; After those days, saith the Lord, I will put my law in their inward parts, and write it in their hearts.... I will forgive their iniquity, and will remember their sin no more.” Jeremiah 31:33, 34. PP 372.1

Ang tuntunin ng lumang tipan ay Sumunod at mabuhay : “Kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon” (Ezekiel 20:11; Leviticus 18:5); ngunit “sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin” Deuteronomy 27:26. Ang “bagong tipan” ay natatag sa mas “lalong mabubuting pangako” – ang pangako ng kapatawaran ng kasalanan at biyaya ng Diyos upang mabagong muli ang puso at madala ito sangayon sa prinsipyo ng kautusan ng Diyos. “Ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso…aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin”. Jeremiah 31:33, 34. PP 372.1

Sunday - February 13

The Need of a New Covenant

Hebrews 7:11-19

Why was a new covenant needed?

Bakit kinailangan ang bagong tipan?

“Under the new covenant, the conditions by which eternal life may be gained are the same as under the old—perfect obedience. Under the old covenant, there were many offenses of a daring, presumptuous character, for which there was no atonement specified by law. In the new and better covenant, Christ has fulfilled the law for the transgressors of law, if they receive Him by faith as a personal Saviour. “As many as received him, to them gave he power to become the sons of God.” Mercy and forgiveness are the reward of all who come to Christ trusting in His merits to take away their sins. In the better covenant we are cleansed from sin by the blood of Christ (Letter 276, 1904).” 7BC 931.10

“Sa ilalim ng bagong tipan, ang kondisyon upang makamit ang buhay na walang hanggan ay katulad din ng nasasaad sa luma – ang perpektong pagsunod. Sa ilalim ng lumang tipan ay walang tinukoy sa kautusan na pagtubos sa maraming kasalanan ng isang mapangahas na pag-uugali. Sa bago at mas lalong magaling na tipan ay pinunan ni Kristo ang kautusan ukol sa mga makasalanan kung Siya’y tanggapin bilang kanilang personal na Tagapagligtas. “Ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios”. Awa at pagpapatawad ang gantimpala sa lahat ng lalapit kay Kristo na nagtitiwala sa Kaniyang kakayahang linisin ang kanilang mga sala. Sa lalong magaling na tipan na ito ay nalilinis tayo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Kristo. (Letter 276, 1904).” 7BC 931.10

Monday - February 14

New and Renewed

Hebrews 6:4-6; Deuteronomy 6:4-6; 30:11-14; Jeremiah 31:31-34

What is the nature of the new covenant?

Ano ang katangian ng bagong tipan?

“Behold, the days come, saith the Lord, that I will make a new covenant with the house of Israel, and with the house of Judah: not according to the covenant that I made with their fathers in the day that I took them by the hand to bring them out of the land of Egypt; which My covenant they brake, although I was an husband unto them, saith the Lord: but this shall be the covenant that I will make with the house of Israel; After those days, saith the Lord, I will put My law in their inward parts, and write it in their hearts; and will be their God, and they shall be My people. And they shall teach no more every man his neighbor, and every man his brother, saying, Know the Lord: for they shall all know Me, from the least of them unto the greatest of them, saith the Lord: for I will forgive their iniquity, and I will remember their sin no more.” Jer. 31:31-34.

“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin”. Jer. 31:31-34. 

The old “covenant” or agreement between God and His people was based upon the promises of both parties; to wit: “And it shall come to pass, if thou shalt hearken diligently unto the voice of the Lord thy God, to observe and to do all His commandments which I command thee this day, that the Lord thy God will set thee on high above all nations of the earth: and all these blessings shall come on thee, and overtake thee, if thou shalt hearken unto the voice of the Lord thy God. Blessed shalt thou be in the city, and blessed shalt thou be in the field. Blessed shall be the fruit of thy body, and the fruit of thy ground and the fruit of thy cattle, the increase of thy kine, and the flocks of thy sheep. Blessed shall be thy basket and thy store. Blessed shalt thou be when thou comest in, and blessed shalt thou be when thou goest out. The Lord shall cause thine enemies that rise up against thee to be smitten before thy face: they shall come out against thee one way, and flee before thee seven ways. The Lord shall command the blessing upon thee in thy storehouses, and in all that thou settest thine hand unto; and He shall bless thee in the land which the Lord thy God giveth thee. The Lord shall establish thee an holy people unto Himself, as He hath sworn unto thee, if thou shalt keep the commandments of the Lord thy God, and walk in His ways.”

Ang lumang “tipan” o kasunduan sa pagitan ng Diyos at ng Kaniyang bayan ay nakabatay sa pangako ng magkabilang partido; “At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa: At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios. 3Magiging mapalad ka sa bayan, at magiging mapalad ka sa parang. Magiging mapalad ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, at ang bunga ng iyong mga hayop, ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan. Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong palayok. Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas. Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo: sila'y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan. Igagawad sa iyo ng Panginoon ang kaniyang pagpapala sa iyong mga kamalig, at sa lahat ng pagpatungan mo ng iyong kamay at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya, gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa kaniyang mga daan. Deu 28:1-9

“And all the people answered together and said, All that the Lord hath spoken we will do. And Moses returned the words of the people unto the Lord.” Deut. 28:1-9; Ex. 19:8. 

“At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon”. Ex 19:8. 

This first covenant reaches from the time it was ordained to the imminent and final ingathering of the twelve tribes as a kingdom. And yet, though never invalidated by God, its validity has been persistently negated by the New Testament church, and its sanctity violated by both the Old and New Testament churches, until this very day. So as the people, failing their promise, have broken God’s commandments, they thereby also have broken “the covenant that God made with their fathers.” But in the new covenant, which the Lord is now about to fulfill, the commandments of God (Ex. 20:1-17), unlike in the old will not be written on tables of stone (Ex. 31:18) but in fleshy tables of the heart, and at that time all shall “know the Lord,…from the least of them unto the greatest of them” (Jer. 31:34) – exhibiting a church without tares.

Ang unang tipan ay binigay buhat ng ito ay inordena sa nalalapit at pinal na pagtitipon ng labindalawang tribo bilang kaharian. At samantalang ito ay hindi winalang bisa ng Diyos, ito naman ay patuloy na naitatanggi ng mga iglesia sa bagong tipan at ang kabanalan nito ay parehong nalabag ng mga iglesia sa luma at bagong tipan hanggang sa mga araw na ito. At dahil nabigo ang bayan na tuparin ang pangako at nalabag maging ang kautusan ng Diyos ay kanila ring sinira ang “tipan na binigay ng Diyos sa kanilang mga magulang.” Ngunit sa bagong tipan, na tutuparin ngayon ng Diyos, ang kautusan ng Diyos (Ex 20:1-17), hindi gaya ng luma na nasusulat sa tipyas ng bato (Ex 31:18) ay masusulat sa laman ng kanilang puso at sa araw na iyon lahat ay makakakilala sa Panginoon…mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila” (Jer 31:34) – at magpapakita ng isang iglesia na walang halong panirang damo. 

This compact which is about to take place, is the second covenant, and His law, being written on the heart, will be perfectly kept. Then, and not before, will the blessings, which His ancient people failed to receive, be fully realized.

Ang kasunduang ito na magaganap ay ang ikalawang tipan at ang Kaniyang kautusan na masusulat sa puso ay magkakaroon ng perpektong katuparan at pagsunod. At doon, ang pagpapala na hindi nakamit ng sinaunang bayan ay matatanggap na sa wakas. 

Jeremiah, also bearing witness that this promised covenant has not yet been fulfilled, but that it is to be honored now in the gathering time, declares: 

Si Jeremias ay nagpapatotoo din na ang pangakong tipan na ito ay hindi pa natutupad at sa halip ay magaganap sa gagawing pagtitipon ngayon ay nagsasabing: 

“Thus speaketh the Lord God of Israel, saying, Write thee all the words that I have spoken unto thee in a book. For, lo, the days come, saith the Lord, that I will bring again the captivity of My people Israel and Judah, saith the Lord: and I will cause them to return to the land that I gave to their fathers, and they shall possess it.” Jer. 30:2, 3.

“Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo. Sapagka't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon na aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang Israel at Juda, sabi ng Panginoon, at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin. .” Jer. 30:2, 3. 

These verses show vividly that God is to validate the second covenant when He brings His people again from their captivity, while subsequent verses fix the time of this liberation or ingathering: “For it shall come to pass in that day, saith the Lord of hosts, that I will break his yoke from off thy neck, and will burst thy bonds, and strangers shall no more serve themselves of him: but they shall serve the Lord their God, and David their king, whom I will raise up unto them.” Jer. 30:8, 9.

Ang mga talatang ito ay malinaw na nagsasaad na tutuparin ng Diyos ang ikalawang tipan kapag Kaniyang ibinalik na mula sa pagkabihag ang bayan, samantalang ang mga sumunod na talata ay nakatuon sa panahon ng kanilang paglaya o pagkatipon : At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga taga ibang lupa: Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila”. Jer. 30:8, 9.


This prophecy, we observe, did not meet its fulfillment in the return of the Jews from their captivity in ancient Babylon, because at that time God did not “raise up” David their king. They did not, in fact, have any king at all of their own, but were under Medo-Persia rule. The prophecy, therefore, can be applied to no other time than today, when both “Israel and Judah” shall be joined into one great kingdom, established in everlasting righteousness. Then “they shall all know Me, from the least of them unto the greatest of them,: says the Lord. Consequently, the fact that there has never been a time from the day that this scripture was written even to the present day, that every one of God’s people, as a church or a nation, has known the Lord and kept His commandments, again proves that the fulfillment of the second covenant (of which the exodus movement was a type), is yet future. “How long,” says the Lord, “wilt thou go about, O thou backsliding daughter? for the Lord hath created a new thing in the earth, A woman shall compass a man.” Jer. 31:22.

Pansinin na ang propesiyang ito ay hindi nagkaroon ng katuparan sa panahong ang mga hudyo ay bumalik buhat sa kanilang pagkabihag sa sinaunang Babylon sapagkat sa panahong yaon ay hindi naman nagbangon ang Diyos kay David na kanilang hari. Sa katunayan ay wala nga silang sariling hari noon at sa halip ay nasa ilalim sila ng pamumuno ng Medo-Persia.  Samakatuwid, ang propesiya ay magaganap lamang sa panahon natin ngayon kapag ang Israel at Judah ay natipon na bilang isang dakilang kaharian na natatatag sa walang hanggang katuwiran. At “kanilang makikilala Ako mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan”, sabi ng Diyos. Dahil dito, ang katotohanan na wala pang naitala buhat sa pasimula ng Kasulatan hanggang sa panahon natin ngayon na ang lahat ng bayan ng Diyos, bilang iglesia o bayan ay nakakilala na sa Kaniya at nakatupad sa mga Kautusan ay nagpapatunay na ang katuparan ng ikalawang tipan (kung saan ang Exodus Movement ay tipo) ay mangyayari pa lamang sa hinaharap. 

“How long,” says the Lord, “wilt thou go about, O thou backsliding daughter? for the Lord hath created a new thing in the earth, A woman shall compass a man.” Jer. 31:22. This “woman” must be symbolical, for no one person can possibly encompass another. She must, for this reason, be a symbol of the church, and the “man” must be Christ, Who shall at that time “have washed away the filth of the daughters of Zion” – purified the church (Isa. 4:4; Testimonies, Vol. 5 p. 80). Then will He “be unto her a wall of fire round about, and will be the glory in the midst of her and…will dwell in the midst of her. Zech. 2:5, 11. 

Hanggang kailan, sabi ng Diyos, na magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae ay siyang mananaig sa lalake”. Jer 31:22. Ang babaeng tinutukoy dito ay symbolical sapagkat walang sinumang tao ang makananaig sa iba. Sa dahilang ito, siya ay sumisimbolo sa iglesia at ang “lalaki” ay kay Kristo, na sa panahong yaon ay maghuhugas sa karumihan ng mga anak na babae ng Sion – ang dinalisay na iglesia (Isa 4:4; Testimonies, Vol. 5 p. 80). At Siya’y magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya… at ako'y tatahan sa gitna mo”. . Zech. 2:5, 11.

Though many variously raise their voices against God’s establishing “the seed of Israel” as a righteous and holy nation free from sinners, they shall fail to overthrow the plans of Him Who “giveth the sun for a light by day, and the ordinances of the moon and of the stars for a light by night, which divideth the sea when the waves thereof roar; The Lord of hosts is His name: if those ordinances depart from before Me, saith the Lord, then the seed of Israel also shall cease from being a nation before Me for ever. Thus saith the Lord; If heaven above can be measured, and the foundations of the earth searched out beneath, I will also cast off all the seed of Israel for all that they have done, saith the Lord.” Jer. 31:35-37.

Sa kabila ng maraming nagtataas ng tinig laban sa pagtatatag ng Diyos sa “binhi ni Israel” bilang matuwid at banal na bayan na walang makasalanan ay mabibigo silang ibagsak ang plano Niya na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man. Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon”. Jer. 31:35-37. 

As the promises are made only to Israel (the seed of Abraham), the original vine, which has been trodden down, this vine must therefore be raised up; then the penitent Gentiles by virtue of adoption in Christ, shall be grafted into it, and only thus become of the planting of the Lord. See Rom. 11.

Dahil ang pangako ay ibinigay lamang sa Israel (sa binhi ni Abraham), ang orihinal na puno, na nayurakan, ay matatayong muli; at ang mga magsisising gentil sa pamamagitan ng pagampon kay Kristo ay maisasanib sa kanila at magiging kabahagi sa pananim ng Diyos. (Tignan ang Rom 11)

Tuesday - February 15

The New Covenant Has a Better Mediator

Hebrews 8:1-6

Why is Jesus a better Mediator of the covenant?

Bakit mas mabuting Tagapamagitan ng tipan si Jesus?

“The blessings of the new covenant are grounded purely on mercy in forgiving unrighteousness and sins. The Lord specifies, I will do thus and thus unto all who turn to Me, forsaking the evil and choosing the good. “I will be merciful to their unrighteousness, and their sins and their iniquities will I remember no more.” All who humble their hearts, confessing their sins, will find mercy and grace and assurance. Has God, in showing mercy to the sinner, ceased to be just? Has He dishonored His holy law, and will He henceforth pass over the violation of it? God is true. He changes not. The conditions of salvation are ever the same. Life, eternal life, is for all who will obey God's law.... 7BC 931.9

“Ang biyaya ng bagong tipan ay nakasalig sa awa ng pagpapatawad sa mga kalikuan at kasalanan. Sinabi ng Diyos na gagawin Niya ang mga bagay na ito sa sinumang lumapit sa Kaniya at mag-iwan sa kasamaan at pumili sa kabutihan. “Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa”.Ang lahat ng magpapakumbaba sa kanilang puso, magkukumpisal sa kanilang sala ay makakasumpong ng awa at biyaya at katiyakan. Huminto na ba sa pagiging patas ang Diyos sa pagpapakita ng awa sa makasalanan? Kaniya na bang binigyang kahihiyan ang Kaniyang banal na kautusan at hahayaan ang paglabag dito? Ang Diyos ay totoo. Siya ay hindi nagbabago. Ang mga kondisyon ng kaligtasan ay nananatili at hindi nagbago. Ang buhay, buhay na walang hanggan ay para sa lahat ng susunod sa Kaniyang kautusan… 7BC 931.9

Wednesday - February 16

The New Covenant Has Better Promises

Exodus 24:1-8; Hebrews 10:5-10

In what ways should we expect better things?

Sa anong paraan tayo aasa sa mas mabubuting bagay?

Jer. 31:31-33 – “Behold, the days come, saith the Lord, that I will make a new covenant with the house of Israel, and with the house of Judah: not according to the covenant that I made with their fathers in the day that I took them by the hand to bring them out of the land of Egypt; which My covenant they brake, although I was an husband unto them, saith the Lord: but this shall be the covenant that I will make with the house of Israel; After those days, saith the Lord, I will put My law in their inward parts, and write it in their hearts; and will be their God, and they shall be My people.”

Jer. 31:31-33 – “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.”

This new covenant, you see, is to go into effect in the gathering time. Then shall all God’s people know the difference between good and evil. Thus shall they know what is the Lord’s will and way. And thus shall they be able to perform the good and to shun the evil. They shall naturally and gladly incline to do good, just as they now incline to do evil.

Inyong nakikita na ang bagong tipan ay magaganap sa panahon ng pagtitipon o gathering. At doon ay malalaman ng bayan ng Diyos ang kaibahan ng mabuti at masama. At kanila ding malalaman ang kalooban at daan ng Diyos. Kung magkagayon, sila’y makagagawa ng mabuti at makalalayo sa masama. Sila ay magagalak at magkakaroon ng likas na pagnanais na gumawa ng mabuti kung paanong sila’y likas na nakagagawa ng masama sa ngayon. 

Nebuchadnezzar, king of Babylon, was a very great king. He ruled a great kingdom, and lived in a wonderful palace. But as soon as his human heart was taken away from him and the heart of a beast put in him, just that soon his own desires and ways left him and the desires and ways of a beast entered him. (See Daniel 4:16). So with God’s people: Just as soon as He puts His law in their inward parts, and writes it in their hearts, just that soon the carnal heart’s desire and enmity against God’s law will disappear. No longer will God’s people need to say, When we “want to do good, evil is present.” “O wretched man that I am! who shall deliver me from the body of this death?” Rom. 7:24.

Si Nabucodonosor, hari ng Babylon, ay isang dakilang hari. Pinamunuan niya ang kaharian at nanirahan sa kamangha-manghang palasyo. Ngunit sa oras na inalis ang puso ng tao sa kaniya at ang puso ng hayop ang nilagay, sa oras na ang kaniyang sariling mga gusto at gawi ay nawala sa kaniya, ang gawi ng hayop ang pumasok sa kaniya (Tignan ang Dan 4:16) Gayundin sa bayan ng Diyos, sa oras na Kaniyang ilagay ang Kaniyang kautusan sa kanilang kalooban at isulat ito sa kanilang puso, sa oras na maalis ang kaisipan ng laman, ang pakikipagalit laban sa kautusan ng Diyos ay mawawala. Hindi na sasabihin ng bayan na, “kapag ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin”. Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? Rom. 7:24.

Jer. 31: 34 – “And they shall teach no more every man his neighbour, and every man his brother, saying, Know the Lord: for they shall all know Me, from the least of them unto the greatest of them, saith the Lord: for I will forgive their iniquity, and I will remember their sin no more.”

Talata 34 – At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

Note that the sinners and those who are ignorant of God shall no longer be among God’s people. Certainly a change is coming. The present state of affairs will not long continue, the sinners will be put away forever. And how glad we ought to be that if we now repent, our sins will be forgiven and forgotten, and that no one will ever remind us of them! 

Pansinin na ang makasalanan at yaong mga hindi nakakikilala sa Diyos ay hindi mapapabilang sa bayan ng Diyos. Tiyak na may pagbabagong dadating. Ang mga presenting kalalagayan ng mga bagay ay malapit ng mahinto, ang mga makasalanan ay tuluyan ng malilipol habambuhay.At anong kagalakan sa atin na kung tayo ay magsisi, ang ating mga kasalanan ay mapapatawad at makakalimutan na at wala ng sinuman ang aalala dito!

Jer. 31: 35, 36 – “Thus saith the Lord, which giveth the sun for a light by day, and the ordinances of the moon and of the stars for a light by night, which divideth the sea when the waves thereof roar; The Lord of hosts is His name: If those ordinances depart from before Me, saith the Lord, then the seed of Israel also shall cease from being a nation before Me for ever.”

Talata 35, 36 – “Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man”.

Here is God’s bonafide guarantee against doubt and unbelief. As certainly as the doubters cannot change the ordinances of the heavens, just that certainly shall God’s people once again become a Theocratic nation. 

Narito ang katiyakang hatid ng Diyos laban sa pagaalinlangan at kawalang pananampalataya. Kung paanong ang mga nagaalinlangan ay hindi makababago sa sa kaayusan ng langit ay ang katiyakan din na ang bayan ng Diyos ay magiging Theocratic na bansa muli.

Thursday - February 17

The New Covenant Has Solved the Problem of the Heart

Jeremiah 31:33 and Ezekiel 36:26, 27

Compare the new covenant promises of Jeremiah 31:33 and Ezekiel 36:26, 27. How are they related and when will they be fulfilled?

Ikumpara ang tipan sa Jeremiah 31:33 sa nababanggit sa Ezekiel 36:26, 27. Ano ang kanilang pagkakaugnay at kailan ito matutupad?

Here (Jer. 31:31-34) is a promise of a new contract, a new covenant. It is not the kind God made with our predecessors in the day they came up out of Egypt, the day He wrote the commandments on tables of stone and thus to keep them. Instead He makes a new covenant, a covenant to write them on our very hearts. Then every one of us will consequently know Him without having to be taught.

Sa (Jer. 31:31-34) ay ang pangako ng bagong kasunduan, ng bagong tipan. Hindi ito kahalintulad ng ginawa ng Diyos sa ating mga ninuno sa panahon na sila’y nagsilabas sa Egipto, ang araw na Kaniyang inilimbag ang kautusan sa tipyas ng bato para ating sundin. Sa halip ay nagsagawa Siya ng bagong tipan, ang tipan na isusulat sa kanilang mga puso. At kung magkagayon, ang lahat satin ay makakikilala sa Kaniya ng hindi na kinakailangan turuan pa.  

Take notice, though, He is not to make a new law, but a new covenant, a new contract for keeping the law. The difference is that rather than His writing the law on tables of stone, He will write it on the fleshly tables of the heart, the seat which the law of sin now occupies.

Pansinin na hindi na Siya gagawa ng bagong kautusan, ngunit ng bagong tipan, ng bagong kasunduan para sa pagsunod sa kautusan. Ang kaibahan, sa halip na sa tipyas ng bato ay sa mga laman na ng puso isusulat ang Kaniyang kautusan, ang puso kung saan kasalukuyang nilalagian ng kasalanan. 

This covenant, you see, is to be made with both the house of Israel and the house of Judah, – with all God’s people.

Ang tipan na ito ay ibibigay sa parehong bayan ni Israel at Judah – sa lahat ng bayan ng Diyos. 

The scripture, remember, does not say that we cannot keep the law while it is written on the tables of stone, but it definitely says that we can, for those who broke the law are reproved for so doing. We can, therefore, even now inconveniently keep the commandments though they be still written on stones. For convenience sake most Christians wish the law were abolished, and some make themselves believe that it has been abolished, although the only law that has been abolished is the ceremonial, sacrificial law, the shadow of the Lamb of God.

Tandaan na hindi sinabi ng kasulatan na hindi natin kayang sundin ang kautusan samantalang ito’y nalilimbag sa tipyas ng bato, sa halip ay sinasabi nitong kaya natin, sapagkat ang mga bumabali sa kautusan ay sinusuway sa kanilang paglabag. Magagawa nga natin itong sundin sa ngayon, bagaman hindi maginhawa, habang ito ay nasusulat sa bato. Para sa ikagiginhawa, maraming kristyano ang nagnanasa na ang kautusan ay mawala na, at ang ilan ay pinaniniwala ang sarili na ito ay wala na ngang bisa ngayon, bagaman ang totoo tanging ang ceremonial o sacrificial law lamang, na siyang tumutukoy sa Kordero ng Diyos, ang utos na nabuwag. 

What difference would there be whether the law be written on stone, or on our hearts? – The experience of Nebuchadnezzar, king of Babylon reveals the answer.

Ano nga ba ang magiging kaibahan kung ang utos ay nasulat sa bato o sa ating mga puso? – Ang karanasan ni Nabucodonosor na hari ng Babylonia ang nagpahayag ng kasagutan. 

Had the king by force been made to live with the cattle, in a stable or in a field, he would have committed suicide if possible. But as soon as God took his human heart away from him, and put the heart of an ox in him, the king was perfectly contented to be with the cattle, and altogether discontented to live in his palace. 

Kung ang hari ay sapilitang pinatahan kasama ng mga hayop sa parang ay maaring siya ay magpatiwakal na lamang kung maaari. Ngunit sa oras na tinanggal ng Diyos ang puso ng tao sa kaniya at palitan ito ng puso ng baka ay naging kontento na ang hari na makasama ang mga hayop at nawalan na siya ng kasiyahan na manahan sa palasyo. 

Were the same thing done to anyone of us, our desires would be the same as the king’s. In like manner, when the stony heart is taken away from us, and the heart of flesh with the law of God written on it put in us, we shall then find it altogether too inconvenient to sin, and most delightful to keep the commandments of God. And so you need not fear having to struggle to keep the law of God in the Kingdom, as you do here. You will then be perfectly contented to live a sinless life. In fact you will want to sin no more than you would now want to die.

Kung ang parehong bagay ay maganap sa atin ay magkakaron din tayo ng mga naisin na katulad ng sa hari. Tulad na lamang kung ang ating pusong bato ay maalis at mapalitan ng pusong laman na nasusulatan ng kautusan ng Diyos ay hindi na natin nanaisin pang magkasala at sa halip ay magkakaron ng kaligayan sa pagtupad sa kautusan ng Diyos. Kaya nga taliwas sa ating kalagayan ngayon ay hindi na tayo mahihirapan na tumupad sa kautusan sa oras na tayo ay nasa kaharian na. Tayo ay magiging ganap na maligaya sa pagkakakaroon ng buhay na walang bahid ng anumang kasalanan. Sa katunayan ay hindi mo na kailanman nanaisin na magkasala pa gaya ng hindi mo pagnanais na mamatay ngayon. 

Kagilagilalas ng bagay! Ngunit kalian nga ba magaganap ang mga himalang ito? Upang masumpungan ang kasagutan ay dapat nating iugnay ang propesiya ni Jeremias sa naging propesiya ni Ezekiel sa parehong kaganapan: 

Jer. 31:8 – “Behold, I will bring them from the north country, and gather them from the coasts of the earth, and with them the blind and the lame, the woman with child and her that travaileth with child together: a great company shall return thither.” 

Jer 31:8 – “Narito, aking dadalhin sila mula sa lupaing hilagaan, at pipisanin ko sila mula sa mga kahulihulihang bahagi ng lupa, at kasama nila ang bulag at ang pilay, at ang buntis at ang nagdadamdam na magkakasama: malaking pulutong na magsisibalik sila rito”.

Ezek. 36:24-28 – “For I will take you from among the heathen, and gather you out of all countries, and will bring you into your own land. Then will I sprinkle clean water upon you, and ye shall be clean: from all your filthiness, and from all your idols, will I cleanse you. A new heart also will I give you, and a new spirit will I put within you: and I will take away the stony heart out of your flesh, and I will give you an heart of flesh. And I will put My Spirit within you, and cause you to walk in My statutes, and ye shall keep My judgments, and do them. And ye shall dwell in the land that I gave to your fathers; and ye shall be My people, and I will be your God.” 

Ezek. 36:24-28 – “Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo. Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa. At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios”.

The records from both prophets clearly point out the time in which this miracle will be performed on the hearts of all God’s people. Both prophets make it as clear as can be made, that this change of heart takes place in the Holy Land, Palestine, at the beginning of the kingdom which God promises to set up “in the days of these kings” (Dan. 2:44), not after their days. He moreover says that He will take us from among the heathen and gather us from all countries and take us into our own land (Ezek. 36:24), the land in which our fathers dwelt (Ezek. 36:28). “Then,” at that time, says Inspiration, not before, will He sprinkle clean water upon us, cleanse us from all filthiness, and from all idols. Also, a new heart will He then put in us (Ezek. 36:26). He will give us His Spirit and cause us to comply with His statutes, and to keep His judgments (Ezek. 36:27). Read these scriptures for yourself and see if they say all I am trying to tell you they say. 

Ang tala ng parehong propesiya ay tumutukoy sa panahon kung kailan magaganap ang himalang ito sa puso ng bayan ng Diyos. Ang dalawang propeta ay nagbigay linaw na ito ay magaganap sa Banal na lupain, sa Palestina sa pasimula ng kaharian ng Diyos na ipinangakong Kanyang itatatag “ sa kaarawan ng mga haring yaon” (Dan 2:44), at hind isa paglipas ng kanilang mga araw. Sa pagpapatuloy ay sinabi Niyang tayo’y Kanyang kukunin buhat sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain (Ezek. 36:24) sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang (Eze 36:28). “At pagkatapos” sa mga panahong yaon, sabi ng Inspirasyon at hindi bago, At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo at bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso (Eze 36:25-26). Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos. (Ezek. 36:27). Basahin nga ninyo ang mga talatang ito at suriin sa inyong sarili kung tunay ang mga kahulugang inilalahad ko sa inyo.

Friday - February 18

Further Study

“What a God is our God! He rules over His kingdom with diligence and care, and He has built a hedge—the Ten Commandments—about His subjects to preserve them from the results of transgression. In requiring obedience to the laws of His kingdom, God gives His people health and happiness, peace and joy. He teaches them that the perfection of character He requires can be attained only by becoming familiar with His word. CT 454.1

Anong klaseng Diyos ang ating Diyos! Kaniyang pinamumunuan ang kaharian ng may kasigasigan at pangangalaga, at Siya’y nagtatag ng bakod – ng Sampung Utos – para sa Kaniyang nasasakupan upang ingatan sila buhat sa resulta ng paglabag. Sa pangangailangan ng pagsunod sa kautusan ng Kaniyang kaharian ay binigyan ng Diyos ang bayan ng kalusugan at kaligayahan, kapayapaan at kagalakan. Itinuturo Niya na mararating lamang natin ang pagiging perpekto sa karakter kung tayo ay makakaalam sa Kaniyang mga salita. CT 454.1

“It is written in the prophets: ‘O thou afflicted, tossed with tempest, and not comforted, behold, I will lay thy stones with fair colors, and lay thy foundations with sapphires. And I will make thy windows of agates, and thy gates of carbuncles, and all thy borders of pleasant stones. And all thy children shall be taught of the Lord; and great shall be the peace of thy children. In righteousness shalt thou be established: thou shalt be far from oppression; for thou shalt not fear: and from terror; for it shall not come near thee.’ Isaiah 54:11-14. CT 454.2

Isinulat ng propeta : “Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro. At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan, at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan, at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan.At lahat mong anak ay tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak. Sa katuwiran ay matatatag ka: ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka't yao'y hindi mo katatakutan; at sa kakilabutan, sapagka't hindi lalapit sa iyo”. Isaiah 54:11-14. CT 454.2

“‘This shall be the covenant that I will make with the house of Israel; After those days, saith the Lord, I will put My law in their inward parts, and write it in their hearts; and will be their God, and they shall be My people. And they shall teach no more every man his neighbor, and every man his brother, saying, Know the Lord: for they shall all know Me, from the least of them unto the greatest of them, saith the Lord: for I will forgive their iniquity, and I will remember their sin no more.’ Jeremiah 31:33, 34. CT 454.3

“Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin”. Jeremiah 31:33, 34. CT 454.3

“‘And many nations shall come, and say, Come, and let us go up to the mountain of the Lord, and to the house of the God of Jacob; and He will teach us His ways, and we will walk in His paths: for the law shall go forth of Zion, and the word of the Lord from Jerusalem.’” Micah 4:2. CT 455.1

“At maraming bansa'y magsisiparoo't mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya'y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka't sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem”. Micah 4:2. CT 455.1

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org