Paano Unawain ang Mga Awit

Liksyon 1, 1st Quarter Disyembre 30-Enero 5, 2024

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
Download Pdf

Hapon ng Sabbath, Disyembre 30

Talatang Sauluhin:

“ At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.” KJV - Lucas 24:44


Iyong nalalaman na ang Bibliya ay binubuo ng tatlong bahagi: (1) Kasaysayan, (2) Mga Kautusan at Batas, (3) at Hula. Ang Mga Awit at Kawikaan, kasama ang Awit ng mga Awit ay nakapaloob sa ganito ring mga kategorya.

Sa pagbasa sa Mga Gawa kabanata dalawa, tatlo, at apat, makasusumpong ka ng magandang kaalaman patungkol sa kahulugan ng ilan sa Mga Awit at mga sulat ng mga Propeta. Ito ay ang aplikasyon ng Lumang Tipan sa pamamagitan ng mga apostol ni Cristo na naging daan para sa daan-daan, oo libo-libo upang tanggapin ang Tagapagligtas ...

“Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.” Lucas 24:44. Sa pangunguna ng Espiritu ng Diyos ang Salmista ay sumulat ng mga salita, “Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.... Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.” Mga Awit 110:2, 4 .

Bagaman hindi natin mauunawaan ang gayong walang katapusang karunungan, ito ay nagbibigay sa atin ng higit na pagkaunawa sa pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan, at sa maling pagunawa sa tinatawag na dunong ng tao ukol sa mga bagay. Sa walang hanggang “AKO NGA,” na nananahan sa kawalang-hanggan, na sa harapan niya'y ang kadiliman ay liwanag, at ang pinakamalayo na mga hangganan sa kalawakan ay Kanyang tuntungan, na nakakikita sa wakas mula sa pasimula, at kung saan ang isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang, ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa Kanyang harapan. 

Linggo, Disyembre 31

Ang Mga Awit sa Sinaunang Pagsamba ng Israel


Basahin ang 1 Cronica 16:7, Nehemias 12:8, Awit 18:1, Awit 30:1, Awit 92:1, Awit 95:2, Awit 105:2, Colosas 3:16, at Santiago 5:13. Ano ang mga pagkakataong nag-udyok para maisulat ang ilang mga salmo? Kailan ginamit ng bayan ng Diyos ang Mga Awit?

“Ang mga solemneng seremonya patungkol sa pag-aalis sa kaban ay nagiwan ng pangmatagalang impresyon sa bayan ng Israel, na pumukaw sa mas malalim na interes sa paglilingkod sa santuwaryo at muling nagpa-alab sa kanilang sigasig para kay Jehova. Sinikap ni David sa abot ng kanyang kapangyarihan na palalimin ang mga impresyong ito. Ang paglilingkod ng awit ay ginawang isang regular na bahagi ng relihiyosong pagsamba, at si David ay gumawa ng mga salmo, hindi lamang para sa gamitin ng mga saserdote sa paglilingkod sa santuwaryo, kundi para awitin din ng mga tao sa kanilang mga paglalakbay patungo sa altar sa kanilang taunang mga kapistahan. Ang impluwensiya sa gayon ay naging napakalawak, at nagbunga ito ng pagkapalaya sa bansa mula sa idolatriya. Marami sa mga taong nakapaligid na nakatunghay sa kasaganaan ng Israel ang nahimok na isipin ang Diyos ng Israel, na gumawa ng mga dakilang bagay para sa Kanyang bayan.” PP 711.2

“Sa tuwing makatatanggap si Martin Luther ng hindi magandang balita, madalas niyang sinasabi, “Halika, kantahin natin ang ikaapatnapu’t anim na salmo.” Ang salmo na ito ay nagsisimula sa mga salitang, “Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat.” Sa halip na magdalamhati, umiyak, at mawalan ng pag-asa, kapag ang mga kaguluhan ay pumapalibot sa atin tulad ng isang baha at nagbabanta sa atin, kung hindi lamang tayo mananalangin para sa tulong mula sa Diyos, ngunit pupurihin siya sa napakaraming pagpapala na natitira, - purihin siya na siya ay makatutulong sa atin,—ang ating landasin ay magiging higit na kalugud-lugod sa kaniya, at mas makikita natin ang kaniyang pagliligtas.” RH November 1, 1881, par. 13

“Linangin natin ang biyaya ng pasasalamat. Nawa'y ang mga papuri sa Diyos at sa Kordero ay patuloy na mapasa ating mga labi; at ang puso ay maging bukal ng pasasalamat na hindi mapipigilan, si Cristo ay sumaiyo na isang balon ng tubig na bumubukal sa buhay na walang hanggan. 'Hayaang ang salita ni Cristo ay manahan sa inyo nang sagana sa buong karunungan; nagtuturo at nagpapaalalahanan sa isa't isa sa mga salmo at mga himno at mga awit na espirituwal, na umawit na may biyaya sa inyong mga puso sa Panginoon. At anuman ang inyong gawin o salitain, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat sa Dios at Ama sa pamamagitan niya. ” RH January 2, 1894, par. 7

Lunes , Enero 1

Pagkilala sa mga Salmista


Basahin ang Awit 25:1-5; Awit 42:1; Awit 75:1; Awit 77:1; Awit 84:1, 2; Awit 88:1-3; at Awit 89:1. Ano ang inihahayag ng mga salmo na ito patungkol sa mga karanasang pinagdadaanan ng mga may-akda ?

“Itinataas ng ilan ang kanilang kaluluwa tungo sa walang kabuluhan, na naghahangad na manaig. Tinatanggap nila bilang katotohanan ang mga mungkahi ni Satanas. Yaong sa kabila ng mga pagpapalang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos ay mga nabibigong bigyan ng parangal at paggalang ang Diyos at Kanyang katotohanan, na hindi hayagang naghahayag ng kanilang katapatan sa Kanya ay nawawalan ng karapatan sa mga pagpapala ng Diyos, at ang Panginoon ay hindi maaaring kumilos nang naaayon sa kanila. 18LtMs, Ms 108, 1903, par. 16

“Ang mga tunay na naniniwala sa Salita ng Diyos ay magsasabi, “Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw.” [ Awit 25:1-5 .] 18LtMs, Ms 108, 1903, par. 17

“Ang napaka-mahalagang pribilehiyo ay napasaatin—ang matuto mula sa Panginoong Jesucristo, ang dakilang Guro, at mahubog ang ating mga karakter ayon sa Kanyang halimbawa!” 18LtMs, Ms 108, 1903, par. 18

“Kinakailangan ang isang panalangin na taimtim at nagsusumamo na tulad ng panalanging inialay ni David nang ibulalas niya, “Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.” [ Awit 42:1 .]” GW 257.2

“Mula noong mga araw ni David, walang hari ang nakagawa ng labis para sa pagpapatibay ng kaharian ng Diyos sa panahon ng apostasiya at panghihina ng loob gaya ng ginawa ni Hezekias. Ang naghihingalong pinuno ay tapat na naglingkod sa kanyang Diyos, at marami siyang nagawa upang palakasin ang pagtitiwala ng bayan kay Jehova bilang kanilang Kataas-taasang Tagapamahala. At, tulad ni David, siya’y nagsumamo: “Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing: Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol.” Awit 88:2, 3 .” RH May 6, 1915, par. 3

Martes, Enero 2

Isang Kanta para sa Bawat Panahon


Basahin ang Awit 3, Awit 33:1-3, at Awit 109:6-15. Anong iba't ibang aspeto ng karanasan ng tao ang ipinahihiwatig ng mga awit na ito?

“Ano ang naramdaman ng ama at hari, sa napakalupit na ginawang kasalanan, sa kakila-kilabot na panganib na ito? “Isang makapangyarihang magiting na tao,” isang tao ng digmaan, isang hari, na ang salita ay batas, na ipinagkanulo ng kanyang anak na kanyang minahal at pinagkalooban at pinagkakatiwalaan, na pinagkasalahan at iniwan ng mga sakop na may matibay na ugnayan sa kanya sa karangalan at katapatan. —sa anong mga salita ibinuhos ni David ang damdamin ng kanyang kaluluwa? Sa oras ng kanyang pinakamadilim na pagsubok, ang puso ni David ay nanatili sa Diyos, at siya ay umawit: PP 741.4

“Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot... Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. ” Awit 3:1-8 . PP 742.1

“Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid. [ Awit 33:1 .] Kung ang papuri ay maganda sa ganang matuwid, bakit hindi natin papurihin ang Panginoon sa ating mga pagtitipon? Hindi ba makabubuti para sa mga tahimik na basagin ang selyo na nagsasara sa kanilang mga labi sa pamamagitan ng mga salita ng papuri? Ang nakaugaliang sabihin ay ‘manahimik ka’. Ngunit sa pamamagitan ng pananatiling tahimik ay nakakalimutan natin ang Diyos at ang Kanyang awa sa atin. Hindi ba tayo babalik sa ating Diyos, na may pagsisisi sa ating pagtalikod, at matutong purihin Siya nang higit at higit pa?” 17LtMs, Ms 116, 1902, par. 52

“Ating damhin ang diwa ng papuri at pasasalamat. Kalimutan ang sarili nating mga paghihirap at problema, purihin natin ang Diyos para sa kalayaan mula sa kasalanan at para sa pagkakataong mabuhay para sa kaluwalhatian ng Kanyang pangalan.” 17LtMs, Ms 116, 1902, par. 54

Miyerkules , Enero 3 

Mga Inspiradong Panalangin


Basahin ang 2 Samuel 23:1, 2 at Roma 8:26, 27. Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito patungkol sa panalangin?

“Ang “mga huling salita” ni David, gaya ng nakatala, ay isang awit—isang awit ng pagtitiwala, ng pinakamatayog na prinsipyo, at walang kamatayang pananampalataya: PP 754.1

“Sinabi ni David na anak ni Isai, At sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At kalugodlugod na mangaawit sa Israel: Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko: ... Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,

Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat, Sa isang umagang walang mga alapaap; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa, Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan. Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma'y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa.” 2 Samuel 23:1-5 , RV PP 754.2

“Malaki ang naging pagkahulog ni David, ngunit malalim ang kanyang pagsisisi, masigasig ang kanyang pag-ibig, at malakas ang kanyang pananampalataya. Siya ay napatawad nang husto, at samakatuwid ay minahal niya ng husto. Lucas 7:47 . PP 754.3

“Ang mga salmo ni David ay dumaan sa buong saklaw ng karanasan, mula sa kaibuturan ng kamalayan ng pagkakasala at pagkondena sa sarili hanggang sa pinakamatayog na pananampalataya at ang pinakadakilang pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ang tala ng kanyang buhay ay nagpapahayag na ang kasalanan ay magdudulot lamang ng kahihiyan at kaabahan, ngunit sa pamamagitan ng pag-ibig at awa ng Diyos ay maaaring umabot sa pinakamalalim na kalaliman, na ang pananampalataya ay mag-aangat sa nagsisising kaluluwa upang makibahagi sa pag-ampon ng mga anak ng Diyos. Sa lahat ng katiyakan na nilalaman ng Kanyang salita, isa ito sa pinakamatibay na patotoo sa katapatan, katarungan, at awa ng Diyos sa tipan.” PP 754.4

“Hindi natin pinahahalagahan gaya ng nararapat ang kapangyarihan at bisa ng panalangin. “At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita.” Nais ng Diyos na lumapit tayo sa Kanya sa panalangin, upang maliwanagan Niya ang ating isipan. Siya lamang ang makapagbibigay ng malinaw na mga konsepto ng katotohanan. Siya lamang ang makakapagpapalambot at makapagpapasuko sa puso. Mapapabilis niya ang pang-unawa upang makilala ang katotohanan mula sa kamalian. Maaari niyang mapatatag ang nag-aalinlangan na pag-iisip, at bigyan ito ng kaalaman at pananampalataya na makakalagpas sa pagsubok. Manalangin kung gayon; magdasal ng walang tigil. Ang Panginoon na nakarinig sa panalangin ni Daniel, ay diringgin din ang sa iyo kung lalapit ka sa Kanya tulad ng ginawa ni Daniel. ”—(The Review and Herald, March 24, 1904.) Pr 90.2

Huwebes , Enero 4

Ang mundo ng Mga Awit


Basahin ang Awit 16:8; Awit 44:8; Awit 46:1; Awit 47:1, 7; Awit 57:2; Awit 62;8; Awit 82:8; at Awit 121:7. Ano ang ginagampanan ng Diyos sa buhay ng salmista?

“Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos. Kaya nawa ganoon din ang bawat manggagawa para kay Cristo. Maaaring sabihin kasama ng salmista, “Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.”[ Awit 16:8 .] Habang nadarama mong hindi ka sapat sa iyong sarili, ang iyong kasapatan ay na kay Hesus. Kung inaasahan mong ang lahat ng iyong payo at karunungan ay magmumula sa mga tao, mortal at may hangganan tulad mo, tatanggap ka lamang ng tulong ng tao. Kung lalapit ka sa Diyos para sa tulong at karunungan, hinding-hindi Niya bibiguin ang iyong pananampalataya.” GW 417.4

“Sa tuwing makatatanggap si Martin Luther ng hindi magandang balita, madalas niyang sinasabi, “Halika, kantahin natin ang ikaapatnapu’t anim na salmo.” Ang salmo na ito ay nagsisimula sa mga salitang, “Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat.” Sa halip na magdalamhati, umiyak, at mawalan ng pag-asa, kapag ang mga kaguluhan ay pumapalibot sa atin tulad ng isang baha at nagbabanta sa atin, kung hindi lamang tayo mananalangin para sa tulong mula sa Diyos, ngunit pupurihin siya sa napakaraming pagpapala na natitira, - purihin siya na siya ay makatutulong sa atin,—ang ating landasin ay magiging higit na kalugud-lugod sa kaniya, at mas makikita natin ang kaniyang pagliligtas.” RH November 1, 1881, par. 13

“Dala ang mga samsam, ang hukbo ng Juda, kasama si Jehosapat “sa unahan nila,” ay nagsibalik “na may kagalakan; sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon." Dumating sila para sa pagsasaya. Bilang pagsunod sa utos, “magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man:,” buong-buo nilang inilagak ang kanilang pagtitiwala sa Diyos; at pinatunayan niya ang kanilang kuta at kanilang tagapagligtas. Ngayon ay maaari na nilang kantahin nang may pag-unawa ang inspiradong mga himno ni David: ” RH Enero 1, 1914, par. 17

“Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.…” RH Enero 1, 1914, par. 19

“Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.…” RH Enero 1, 1914, par. 20

Biyernes, Enero 5

Karagdagang Kaisipan

“ Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungan sa atin.” Awit 62:8 . Mar 86.1

“Dapat tayong manalangin nang husto kung nais nating lumago sa pagpapakabanal. Noong unang ipinahayag ang mensahe ng katotohanan, gaano tayo naging mananalanginin. Gaano kadalas nating narinig ang tinig ng pamamagitan sa silid, sa kamalig, sa taniman, o sa kakahuyan. Kadalasan nating ginugugol ang maraming oras sa taimtim na pananalangin, dalawa o tatlo na magkakasamang inaangkin ang pangako; madalas ang tunog ng pagtangis ay naririnig at pagkatapos ay ang tinig ng pasasalamat at ang awit ng papuri. Ngayon ang araw ng Diyos ay malapit na kaysa noong una tayong sumampalataya, at dapat tayong maging mas masikap, at masigasig kaysa sa mga unang araw. Ang mga panganib natin ngayon ay mas malaki kaysa noon.” Mar 86.2

“Si David ay hindi naparoon sa paglilibing kay Samuel, ngunit siya ay nagluksa para sa kanya nang malalim at kagiliw-giliw na gaya ng isang tapat na anak na nagdadalamhati para sa isang tapat na ama. Alam niya na ang kamatayan ni Samuel ay nagputol ng isa pang ugnayan ng pagpigil mula sa mga aksyon ni Saul, at nabawasan ang nadarama niyang kaligtasan kaysa noong nabubuhay pa ang propeta. Habang ang atensyon ni Saul ay nakikibahagi sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Samuel, sinamantala ni David ang pagkakataong humanap ng isang lugar na mas matiwasay; kaya tumakas siya sa ilang ng Paran. Dito niya binuo ang ika isang daan at dalawampu at dalawampu't isang salmo. Sa mga tiwangwang na ito, napagtanto na ang propeta ay patay na, at ang hari ay kanyang kaaway, siya ay umawit.” PP 664.2