Nagniningas sa Kaluwalhatian ng Diyos

Aralin 13, 2nd Quarter Hunyo 17-23, 2023

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon Hunyo 17

Memory Text:

“ Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.” KJV - Pahayag 18:1


Ang hayop na may dalawang sungay ay gumagamit sa lahat ng kapangyarihan na ginamit ng unang hayop, ang hayop na mala-leopardo, na muling nagpapakitang ito ay isang kapangyarihang pandaigdigan. Sa katunayan, nangangailangan ng gayong kapangyarihan upang pilitin ang lahat ng mga naninirahan sa mundo na sumamba ayon sa kanyang ipinag-uutos, at upang ipatupad ang isang gaya ng church and state government na nilipas na ng panahon gaya noong mismong Middle Ages. Oo, kailangan ng gayong kapangyarihan upang maimpluwensyahan ang mundo upang yumukod dito, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Kordero.

Kapag ito ay naganap, kung saan ito ay halos abot-tanaw na, ang mga may pangalang nakatala sa “Aklat ng Buhay” ay ililigtas, ngunit ang iba bukod dito ay tatanggap ng marka ng hayop. Walang magiging middle ground o middle class dito.

Linggo, Hunyo 18

Paghahanda para sa Pangwakas na Krisis


Basahin ang 1 Tesalonica 5:1–6. Anong payo ang ibinibigay sa atin ni apostol Pablo tungkol sa mga huling araw ng kasaysayan ng tao?

 Ang pamahalaang pandaigdig na mabubuo mula sa "League of Nations" at "United Nations" ay hindi magiging ganap na pangkalahatan, at magkakaroon pa rin ng "dalawang mundo," ngunit sa halip sa Kapitalismo at Komunismo, ang mga ito ay yaong sumasamba sa hayop at sa kanyang larawan, at yaong mga sumasamba sa Diyos at ang kanilang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat. Ang huli ay ang tanging mga tao na hindi yuyuko sa pamahalaan ng mundo sa hinaharap.

Dapat na tayong magdesisyon ngayon kung ano ang ating gagawin, para hindi tayo mabigla sa huli. Dahil ang liwanag ng Katotohanan ay dumating na sa atin ngayon.

Ang bawat isa sa atin ay dapat na magbantay at manalangin at maging handa palagi, dahil hindi natin alam ang araw at oras kung kailan ang personal na pagsisiyasat ay sasapit sa atin upang ipagkaloob ang tanda at selyo ng Diyos para sa walang-hanggan. Kaya kinakailangang maging handa sa lahat ng oras.

Pag-aralan ang Daniel 2, at pansinin ang pagkakasunod-sunod ng mga kaharian na dumating at lumipas na eksakto kung paano ang pagkakahula dito. Ano ang itinuturo nito sa atin kung paano tayo dapat magtiwala na ang sinasabi ng Diyos na mangyayari ay mangyayari nga?

Ipinaliwanag ni Daniel na ang apat na hayop ay sumasagisag sa apat na imperyo sa daigdig sa kanilang pagkakasunud-sunod. At matagal nang malawak na nauunawaan na ito ay ang Babylonya, Medo-Persia, Grecia, at Roma. Pansinin na ang mala-leopardo na hayop ni Juan ay may ulo ng leon (unang hayop), mga paa ng oso (pangalawang hayop), katawan ng leopardo (ikatlong hayop), at sampung sungay (ikaapat na hayop). At kaya, nakikita na ang mala-leopard na hayop ay isang pinagsama-samang hayop ng apat na hayop sa Daniel, isang inapo ng mga ito. Samakatuwid, ito ay kumatawan sa mundo pagkatapos ng pagbagsak ng ikaapat na imperyo, pagkatapos ng Pagan Rome.

Bukod dito, ang sampung sungay na walang korona ng ikaapat na hayop sa Daniel na sumasagisag sa mga hari na lilitaw mula sa Imperyo ng Roma, at ang mga korona sa mala-leopardo na hayop ay nagpapakita na ang hayop ay kumakatawan sa panahon kung saan kinuha ng mga hari ang kanilang mga korona, ang yugto pagkatapos ng pagkawatak-watak ng Pagan Roman Empire.

Ngayon, dahil ang mga sungay ng hayop ni Juan ay sumasagisag sa mga bansa, at ang kanyang sugatang ulo ay sumasagisag sa isang relihiyosong organisasyon na hiwalay mula sa isang kapangyarihang sibil, at dahil ang kanyang pitong ulo ay magkakatulad, maliban sa isang nasugatan, nagiging malinaw na ang mga ulo, na pito sa bilang, ay naglalarawan ng mga relihiyosong samahan, ang Sangkakristiyanuhan sa kabuuan nito. Ang mga sungay, gayunpaman, na sampu sa bilang, ay naglalarawan sa mga pamahalaang sibil sa kabuuan nito. Ang mga sungay at ulo ay parehong kumakatawan sa mundo ngayon kung paanong ang bawat isa sa apat na hayop sa Daniel ayon sa pagkakabanggit ay kumakatawan sa mundo sa kanilang panahon.

Lunes , Hunyo 19

Pag-alam sa Katotohanan


Basahin ang Juan 7:17, Juan 8:32, at Juan 17:17. Anong mga pangako ang ibinigay ni Jesus tungkol sa pag-alam sa katotohanan at saan ito matatagpuan?

Ang kapangyarihang kinakatawan ng hayop na may dalawang sungay ay katulad din ng sa “bulaang propeta,” sapagkat magkasama silang “inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy” Apoc. 19:20. Mula rito ay malinaw na makikita na ang mga dakilang tanda na ginagawa ng hayop sa paningin ng mga tao, at kung saan nadadaya niya “ang mga nananahan sa lupa” (Apoc. 13:13, 14), ay ginawa ng bulaang propeta ( Apoc. 19:20) “sa paningin ng hayop.” Apoc. 13:14. Maliwanag, kung gayon, na ang sibil na awtoridad ng hayop, kasama ang supernatural na kapangyarihan ng propeta, ay tumutukoy sa isang pagsasama ng hayop at propeta – isang pagsasanib ng mga kinatawan ng estado at ng iglesia.

Dahil mayroon lamang itong dalawang sungay, at hindi sampu, ang hayop na ito ay naglalarawan ng isang lokal na pamahalaan, at hindi isang unibersal. Gayunpaman, iimpluwensyahan niya ang lahat ng Sangkakristiyanuhan na “gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay”; ibig sabihin, siya ay gagawa ng isang pandaigdigang set-up ng pamahalaan, na muling maglalagay sa trono ng mga prinsipyo ng pamumuno ng simbahan-estado ng Ecclesiastical Rome. Bilang tagapagpanumbalik ng mga alituntuning ito, siya, kasama ang propeta, ay magiging punong diktador sa daigdig, at huhubog hindi lamang sa politikal at relihiyosong mga polisiya ng mga pamahalaan, kundi pati na rin sa komersiyo ng mundo. Siya ay mag-uutos “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.” Apoc. 13:17.

Ang hayop na ito ay kumakatawan sa isang tao na tumatayong pinuno ng isang bansa, at ang impluwensya nito ay lumalaganap sa gitna ng mga hari sa lupa. Siya ay higit na nakilala sa pamamagitan ng isang bilang - ang mystical number na “Anim na raan at anim na pu't anim.”Apoc. 13:18.

Ang hayop na may dalawang sungay ay gumagamit sa lahat ng kapangyarihan na ginamit ng unang hayop, ang hayop na mala-leopardo, na muling nagpapakitang ito ay isang kapangyarihang pandaigdigan. Sa katunayan, nangangailangan ng gayong kapangyarihan upang pilitin ang lahat ng mga naninirahan sa mundo na sumamba ayon sa kanyang ipinag-uutos, at upang ipatupad ang isang gaya ng church and state government na nilipas na ng panahon gaya noong mismong Middle Ages. Oo, kailangan ng gayong kapangyarihan upang maimpluwensyahan ang mundo upang yumukod dito, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Kordero

Dito [Pahayag 13;13-15], makikita na ang gagawing pagkakaisa ng mundo, sa halip na magdulot ng kapayapaan at pagkakaisa mula sa kasalukuyang kaguluhan, ay magdadala ng mas matinding panahon ng kabagabagan. At bakit? – Sapagkat kahit na ang hayop ay madala ang Komunismo at Kapitalismo sa isang kasunduan, at tulutin upang sila ay yumukod sa imahe ng hayop, gayunpaman ang mga taong ang mga pangalan ay nakatala sa Aklat ng Buhay ng Kordero ay hindi kailanman susunod. Mula dito makikita na ang buong plano ay pinamumunuan ng isang supernatural na kapangyarihan na ang layunin ay iboykot ang bayan ng Diyos. Gayunpaman, sila ay ililigtas.

Martes, Hunyo 20

Ang Pagpapatuloy ng Repormasyon


“Ang Repormasyon ay hindi nagtapos kay Luther, taliwas sa pagaakala ng marami. Ito ay magpapatuloy hanggang sa pagtatapos ng kasaysayan ng mundong ito. Dakila ang naging gawain ni Luther sa pagpapakita sa iba ng liwanag na pinahintulutan ng Diyos na magliwanag sa kanya; gayunpama'y hindi niya natanggap ang lahat ng liwanag na ibibigay sa buong sanlibutan. Mula ng panahong yaon hanggang ngayon, may mga bagong liwanag na patuloy na lumiliwanag sa Kasulatan, at ang mga bagong katotohanan ay patuloy na nahahayg.” GC 148.4

Basahin ang Apocalipsis 18:1. Anong tatlong bagay ang sinasabi sa atin ni Juan tungkol sa anghel na ito? (Tingnan din sa Hab. 2:14.)

“Itinuturo ng banal na kasulatan na ang panahon kung kailan ang pagpapahayag ng pagbagsak ng Babylonya gaya ng ginawa ng ikalawang anghel ng Apocalipsis 14 ( talata 8 ), ay uulitin, na may karagdagang pagbanggit sa mga katiwalian na pumapasok sa iba't ibang organisasyon na bumubuo sa Babylonya, mula nang ang mensaheng iyon ay unang ibinigay, noong tag-araw ng 1844. Isang kakila-kilabot na kalagayan ng relihiyosong mundo ang inilarawan dito. Sa bawat pagtanggi sa katotohanan ang isipan ng mga tao ay lalong magdidilim, ang kanilang mga puso ay lalong titigas, hanggang sa sila ay malugmok sa isang kawalan ng pananampalataya. Sa pagsuway sa mga babala na ibinigay ng Diyos, sila ay magpapatuloy sa pagyurak sa isa sa mga tuntunin ng Dekalogo, hanggang sa sila ay maakay upang usigin ang mga taong nagtuturing dito na sagrado. Si Cristo ay hindi binigyang kahalagahan sa ginawa nilang paghamak sa Kanyang salita at sa Kanyang bayan. Habang ang mga turo ng espiritismo ay tinatanggap ng mga simbahan, ang pagpipigil na ipinapataw sa laman na puso ay naaalis, at ang paghahayag ng relihiyon ay nagiging isang balabal upang takpan ang itinatagong pinakamababang kasamaan. Ang paniniwala sa mga espirituwal na pagpapakita ay nagbubukas ng pinto sa mapang-akit na mga espiritu at mga doktrina ng demonyo, at sa gayon ang impluwensya ng masasamang anghel ay nadadama sa mga simbahan. GC 603.2

“ Tungkol sa Babilonya, sa panahong ipinakikita sa propesiya na ito, ay ipinahayag: “Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.” Apocalipsis 18:5 . Pinuno niya ang sukat ng kanyang pagkakasala, at ang pagkawasak ay malapit nang sumapit sa kanya. Ngunit ang Diyos ay mayroon pa ring natitirang bayan sa Babilonya; at bago ang pagsapit ng Kanyang mga paghatol ay kailangang tawagin ang mga tapat na ito, upang hindi sila makibahagi sa kanyang mga kasalanan at “huwag magsitanggap ng kaniyang mga salot.” Kaya't ang pagkilos na sinasagisag ng anghel na bumababa mula sa langit, na nagpapaliwanag sa lupa ng kanyang kaluwalhatian at sumisigaw ng malakas na tinig, ay nagpapahayag ng mga kasalanan ng Babilonya. Kaugnay ng kanyang mensahe ay narinig ang panawagan: “Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko.” Ang mga babala na ito, na kaisa sa mensahe ng ikatlong anghel, ay bumubuo sa huling babala na ibibigay sa mga naninirahan sa lupa.” GC 604.1

Miyerkules , Hunyo 21

Pinuno ng Kaluwalhatian ng Diyos ang Lupa


Basahin ang Pahayag 4:11, Pahayag 5:12, Pahayag 19:1, at Pahayag 21:26. Anong mga salita ang nauugnay sa kaluwalhatian ng Diyos na pumupuno sa mundo gaya ng inilarawan sa Apocalipsis 18:1?

“Nakakita ako ng mga anghel na nagmamadaling magparoo't parito sa langit, at bumababa sa lupa, at muling umaakyat sa langit, na naghahanda para sa katuparan ng ilang mahalagang kaganapan. Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na inutusang bumaba sa lupa, upang ipagsanib ang kanyang tinig sa ikatlong anghel, at bigyan ng kapangyarihan at lakas ang kanyang mensahe. Dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian ang ibinigay sa anghel, at sa kanyang pagbaba, ang lupa ay pinagliwanag ng kanyang kaluwalhatian. Ang liwanag na sumasalamin sa anghel na ito ay tumagos sa lahat ng dako, habang siya ay sumigaw ng malakas, na may malakas na tinig, “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.” Ang mensahe ng pagbagsak ng Babylonya, tulad ng ibinigay ng pangalawang anghel, ay inulit, kasama ang karagdagang pagbanggit ng mga katiwalian na pumapasok sa mga simbahan mula pa noong 1844. Ang gawain ng anghel na ito ay dumating sa tamang panahon upang sumanib sa huling dakilang gawain ng mensahe ng ikatlong anghel habang ito ay lumaki tungo sa loud cry. At sa gayon, ang bayan ng Diyos ay mahanda na tumayo sa oras ng tukso, na malapit na nilang kaharapin. Nakita ko ang isang malaking liwanag na nagliliwanag sa kanila, at sila ay nagkaisa na walang takot na ipahayag ang mensahe ng ikatlong anghel. EW 277.1

“ Ang mga anghel ay isinugo upang tulungan ang makapangyarihang anghel mula sa langit, at narinig ko ang mga tinig na tila umaalingawngaw sa lahat ng dako, “Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot.” Ang mensaheng ito ay tila isang karagdagan sa ikatlong mensahe, na sumanib dito gaya ng pagsanib sa mensahe ng ikalawang anghel noong 1844. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay napasa mga matiyaga, at naghihintay na mga banal, at walang takot silang nagbigay ng huling solemne na babala, na nagpapahayag ng pagbagsak ng Babilonya at nananawagan sa bayan ng Diyos na lumabas sa kanya upang makatakas sila sa kanyang nakakatakot na kapahamakan.” EW 277.2

Basahin ang Exodo 33:18, 19. Paano inihayag ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian kay Moises? Ano ang kaluwalhatian ng Diyos?

“ Ang Loud Cry —Sa panahon ng loud cry, ang iglesia, sa tulong ng mga makalangit na interposisyon ng kanyang dakilang Panginoon, ay magpapalaganap ng kaalaman ukol sa kaligtasan nang masagana na ang liwanag ay maipaparating sa bawat lungsod at bayan. Ang kalupaan ay mapupuno ng kaalaman ng kaligtasan. Magiging napakasagana na ang nakakapagpanibagong Espiritu ng Diyos ay mapuputungan ng tagumpay ang mga aktibong mga ahensya, upang ang liwanag ng mga presenteng katotohanan ay makikitang lumiliwanag sa lahat ng dako. — The Review and Herald, October 13, 1904. ” Ev 694.1

“Ipinahayag ni Jehova sa propeta na ipapadala niya ang kanyang mga saksi sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, ... sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo.” 'Ipahahayag nila ang aking kaluwalhatian sa gitna ng mga Gentil,' pagtitiyak ng banal na sugo sa propeta; “At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon ... sa aking banal na bundok na Jerusalem.... At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita.” Isaias 66:19-21 .' RH Hunyo 24, 1915, par. 4

Huwebes , Hunyo 22

Ang Kordero, ang Pinatay na Kordero


Basahin ang Apocalipsis 5:6, 8, 12; Apocalipsis 7:17; Apocalipsis 14:1; Apocalipsis 15:3; Apocalipsis 19:7; Apocalipsis 21:22, 23; at Apocalipsis 22:1, 3. Ano ang kahulugan ng simbolismo ng Kordero, at bakit ito lumilitaw nang napakaraming beses sa aklat ng Apocalipsis?

“ At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.” KJV - Pahayag 5:6

Ang presensiya ng Kordero sa harap ng trono ay nagbibigay katiyakan sa atin na “At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid.” 1 Juan 2:1.

Ang pitong sungay ng Kordero ay nangangahulugan ng pagkakumpleto ng kapangyarihan at awtoridad, bilang katiyakan sa sinabi ni Cristo: “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin..” Matt. 28:18. Ang Kanyang walang limitasyong kapangyarihan ay para sa ating ikabubuti, at para sa ating paggamit. Ipinahayag Niya: “Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.” Matt. 17:20.

Ang pitong mata ng Kordero ay nagpapahiwatig na ang lahat ng bagay ay bukas at hayag sa Kanya.

“Saan,” ang tanong ng Salmista “ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat. Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.” Awit 139:7-12.

Oo, ang pitong simbolikong “sungay,” “mata,” at “ilawan ng apoy,” ay talagang “pitong Espiritu ng Diyos,” ang gawain ng Espiritu sa lahat ng yugto, na ipinadala sa buong lupa, upang bigyan ang mga banal ng kapangyarihan laban sa mga puwersa ng kasamaan, gayundin ng liwanag sa Ebanghelyo ni Cristo, isang pangitain ng kanilang kasalukuyang kalagayan at ng kanilang kaluwalhatian sa hinaharap, at patuloy. Kaya naman ang katiyakan ng Tagapagligtas, “Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo..” Juan 16:7. “Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.” Juan 14:26. Malinaw, kung gayon, na anumang bagay na hindi itinuturo at binibigyang-kahulugan ng Inspirasyon Mismo, ay hindi nararapat na alalahanin, ituro, o pakinggan man lamang.

Biyernes, Hunyo 23

Karagdagang Pag-aaral

“Ang anghel na nakikiisa sa pagpapahayag ng mensahe ng ikatlong anghel ay upang liwanagan ang buong lupa ng kanyang kaluwalhatian. Ang isang gawain na pang buong daigdigan na lawak at hindi kilalang kapangyarihan ay inihula rito. Ang kilusan ng pagdating ng 1840-44 ay isang maluwalhating pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos; ang mensahe ng unang anghel ay dinala sa bawat istasyon ng misyonero sa mundo, at sa ilang bansa ay mayroong pinakamalaking interes sa relihiyon na nasaksihan sa alinmang lupain mula noong Repormasyon noong ikalabing-anim na siglo; ngunit ang mga ito ay malalampasan ng makapangyarihang kilusan sa ilalim ng huling babala ng ikatlong anghel. GC 611.1

“Ang gawain ay magiging katulad ng sa Araw ng Pentecostes. Kung paanong ang “unang ulan” ay ibinigay, sa pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa pagbubukas ng ebanghelyo, upang magdulot ng pagsibol ng mahalagang binhi, gayundin ang “huling ulan” ay ibibigay sa pagtatapos nito para sa paghinog ng ani. “At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.” Oseas 6:3 . “Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan.” Joel 2:23 . “Sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman.” “At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.” Gawa 2:17, 21 .” GC 611.2