Struggling With All Energy

Liksyon 6, Ikatlong Semestre Filipino, Hulyo 30-Agosto 5, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - July 30

Memory Text:

“Whereunto I also labour, striving according to his working, which worketh in me mightily.” KJV — Colossians 1:29

“Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan. ” KJV — Colossians 1:29


“The Saviour made no murmur of complaint. His face remained calm and serene, but great drops of sweat stood upon His brow.... While the soldiers were doing their fearful work, Jesus prayed for His enemies, “Father, forgive them; for they know not what they do.”.... CSA 37.4

“Ang Tagapagligtas ay hindi nagbigkas ng anumang pagrereklamo. Ang Kanyang mukha ay nanatiling kalmado at mapayapa, ngunit ang malalaking patak ng pawis ay tumutulo mula sa Kanyang noo.... Habang ginagawa ng mga kawal ang kanilang nakakatakot na gawain, nanalangin si Jesus para sa Kanyang mga kaaway, “Ama, patawarin mo sila; sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”.... CSA 37.4

“That prayer of Christ for His enemies embraced the world. It took in every sinner that had lived or should live, from the beginning of the world to the end of time. Upon all rests the guilt of crucifying the Son of God. To all, forgiveness is freely offered. “Whosoever will” may have peace with God, and inherit eternal life.” CSA 37.5

“Ang panalanging iyon ni Cristo para sa Kanyang mga kaaway ay yumakap sa mundo. Sinakop nito ang bawat makasalanan na nabuhay o dapat na mabuhay, mula sa simula ng mundo hanggang sa katapusan ng panahon. Sa lahat ay naatang ang kasalanan ng pagpapako sa Anak ng Diyos. Sa lahat, ang pagpapatawad ay malayang ipinagkaloob. “Sinumang magnanais” ay magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, at magmana ng buhay na walang hanggan.” CSA 37.5

Sunday - July 31

The Spirit of Truth

John 16:5-15

In the above reference, Jesus calls the Holy Spirit, the “Spirit of Truth.” What does this imply that the Holy Spirit does for us?

Sa reperensya sa itaas, tinawag ni Jesus ang Banal na Espiritu na "Espiritu ng Katotohanan." Ano ang ipinahihiwatig nito na ginagawa ng Banal na Espiritu para sa atin ?

There is a promise of the Comforter, the Spirit of Truth (John 16:7-13), and a promise of the "latter rain." Joel 2-23, 28. This promised Comforter, the apostles received on the day of Pentecost, and It was to abide with them forever; that is, even with their successors. But as in the apostolic succession, men of the primitive apostolic caliber ceased, the Comforter gradually disappeared. And though He has at different times reappeared in the form of the Spirit of Truth, His Pentecostal power and presence have never since been re-imparted. This manifestation of the Spirit in Power (Joel 2:28) should not, however, be confused with the manifestation of the Spirit in Truth (Joel 2:23).

May pangako ng isang Mangaaliw, ang Espiritu ng Katotohanan (Juan 16:7-13), at isang pangako ng "huling ulan" Joel 2–23, 28. Itong ipinangakong Mangaaliw na ito ay natanggap ng mga apostol noong araw ng Pentecostes at Ito ay mananahan sa kanila magpakailanman; iyon ay, kahit na sa kanilang mga kahalili. Ngunit sa naging paghalili sa mga apostol, ang kalibre ng sinaunang mga apostol ay nawala at ang Mangaaliw ay unti-unti ding nawala. At kahit na sa Siya ay muling nagpakita sai iba’t ibang panahon sa anyo ng Espiritu ng Katotohanan, ang Kanyang kapangyarihang Pentecostal at presensya ay hindi na muling naibahagi. Ang pagpapahayag na ito ng Espiritu sa Kapangyarihan (Joel 2:28) ay hindi dapat ikalito sa pagpapahayag ng Espiritu sa Katotohanan (Joel 2:23).

The very title, "latter rain," itself shows that this particular manifestation takes place in the "latter days"--our time. And through Zechariah the prophet, Inspiration in pointing out that there is a set time for the latter rain, urges: “Ask ye of the Lord rain in the time of the latter rain; so the Lord shall make bright clouds, and give them showers of rain, to every one grass in the field.” Zech. 10:1.

Ang mismong titulo na, "huling ulan," ay nagpapakita na ang partikular na paghahayag na ito ay magaganap sa "mga huling araw"--sa ating panahon. At sa pamamagitan ni Zacarias na propeta, ang pagtukoy ng Inspirasyon na may takdang panahon para sa huling ulan ay humihimok na: “Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang.” Zech. 10:1.

The related passage of Joel 2:23, marginal rendering, makes clear that "the latter rain," the last message, is "a teacher of righteousness," bringing to the recipient full knowledge of Truth, righteousness. Therefore while Christians are urgently requested to pray and agonize for the Spirit of Truth at all times, they are even more urgently instructed to pray for it now!

Ang mismong titulo na, "huling ulan," ay nagpapakita na ang partikular na paghahayag na ito ay magaganap sa "mga huling araw"--sa ating panahon. At sa pamamagitan ni Zacarias na propeta, ang pagtukoy ng Inspirasyon na may takdang panahon para sa huling ulan ay humihimok na: “Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng huling ulan, sa Panginoon na nagpapakidlat; at kaniyang bibigyan sila ng ulan, at ang bawa't isa'y ng damo sa parang.” Zech. 10:1.

As in the natural state of things, the latter rain comes not only to make the wheat grow but also to bring it to its full maturity, so, by spiritual analogy, this Teacher of Righteousness must bring the saints to the full stature of men in Christ Jesus (Eph. 4:13)--fit them for the Kingdom.

Tulad ng sa natural na kalagayan ng mga bagay, ang huling ulan ay dumarating hindi lamang upang palaguin ang trigo kundi upang dalhin din ito sa ganap na kapanahunan nito, kaya, sa espirituwal na pagkakatulad, ang Guro ng Katuwiran ang magdadala sa mga banal sa ganap na katayuan ng mga tao kay Kristo Jesus (Efe. 4:13)—at gagawin silang angkop para sa Kaharian.

But the second phase, that promised power (Joel 2:28) which comes "afterward," after "the latter rain," is that for which most Christians are praying without considering that there is a first phase (Joel 2:23)--the "teacher of righteousness," a final outpouring of Present Truth-which must be obtained before the final outpouring of power can be realized.

Ngunit ang ikalawang yugto, ang ipinangakong kapangyarihan (Joel 2:28) na darating "pagkatapos," makaraan ng "huling ulan," ay yaong ipinagdarasal ng karamihan sa mga Kristiyano nang hindi isinasaalang-alang na mayroong unang yugto (Joel 2:23) - -ang "guro ng katuwiran," isang huling pagbuhos ng Katotohanang napapanahon na dapat makuha bago maibuhos at matanggap ang huling pagbuhos ng kapangyarihan.

It is evident that the part which comes "afterward," the Pentecostal power, comes to enable the receiver to proclaim the latter truth; and this power will not come until the church as a body “every one grass in the field” (Zech. 10:1), not a group here and a group there, has joyously assimilated for its spiritual growth all the rain that the Teacher of Righteousness, who has now come, has brought.

Maliwanag na ang bahagi na darating "pagkatapos," ang kapangyarihang Pentecostal ay darating upang bigyang-daan ang tumatanggap na ipahayag ang huling katotohanan; at ang kapangyarihang ito ay hindi darating hangga't ang simbahan bilang isang katawan "bawat isang damo sa parang" (Zac. 10:1), hindi isang grupo dito at isang grupo doon ay may kagalakang tinanggap para sa espirituwal na paglago nito ang lahat ng ulan na dinala ng Guro ng Katuwiran na ngayon ay dumating.

But the great question here confronting us is: When can "every grass" every church member receive this glorious Truth and power? Shall saint and hypocrite share them alike? Inspiration answers:

Ngunit ang dakilang tanong na kinakaharap natin dito ay: Kailan matatanggap ng "bawat damo" ng bawat miyembro ng iglesia ang maluwalhating Katotohanan at kapangyarihang ito? Matatanggap ba ito pareho ng banal at mapagkunwari? Mga sagot sa inspirasyon:

"By fire and by His sword will the Lord plead with all flesh: and the slain of the Lord shall be many....and I will send those that escape of them unto the nations....and they shall declare My glory among the Gentiles....they shall bring all your brethren...to My holy mountain Jerusalem, saith the Lord, as the children of Israel bring an offering in a clean vessel into the house of the Lord." Isa. 66:16, 19, 20.

" Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.... at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa’t sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.... At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa…sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon.” Isaias 66:16, 19, 20.

So in the time between the "latter rain" of truth and the "outpouring" of the Spirit's power, there will be sealed a consecrated number who will escape from among the "slain of the Lord." In other words, at the first-fruit harvest, when all the sinners have been taken out of the church, and the righteous left by themselves as were the 120 disciples in the upper room, then and only then can the Lord finally pour out His Spirit’s power upon all, so that all (all the “escaped” ones) shall prophesy, dream dreams, and see visions.

Kaya't sa panahon sa pagitan ng "huling ulan" ng katotohanan at ng "pagbuhos" ng kapangyarihan ng Espiritu, magkakaroon ng isang itinalagang bilang na tatakas mula sa mga "pinatay ng Panginoon." Sa madaling salita, sa unang-bungang pag-aani, kapag ang lahat ng mga makasalanan ay naialis na sa iglesia, at ang mga matuwid ay natira nang mag-isa gaya ng 120 na mga disipulo sa silid sa itaas, at sa wakas pagkatapos nito ay maibubuhos na ng Panginoon ang kapangyarihan ng Espiritu sa lahat, upang ang lahat (lahat ng “nakatakas”) ay makapanghula, mangarap ng mga panaginip, at makakita ng mga pangitain.

"And it shall come to pass, that he that is left in Zion, and he that remaineth in Jerusalem, shall be called holy, even every one that is written among the living in Jerusalem: When the Lord shall have washed away the filth of the daughters of Zion, and shall have purged the blood of Jerusalem from the midst thereof by the spirit of judgment, and by the spirit of burning. And the Lord will create upon every dwelling place of mount Zion, and upon her assemblies, a cloud and smoke by day, and the shining of a flaming fire by night: for upon all the glory shall be a defense. And there shall be a tabernacle for a shadow in the daytime from the heat, and for a place of refuge, and for a covert from storm and from rain." Isa. 4:3-6.

“At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem: Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas. At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.” Isaias 4:3-6.

Only after this great purge in the church (described also in the ninth chapter of Ezekiel) will the remnant be equipped to carry their fully blazing, lighted torch of Truth to all the Gentile world. Out of Zion will then go forth the law, and the word of the Lord from Jerusalem. The work will then be finished, "cut short in righteousness," and the Lord will then appear in glory--seen by every eye (Rev. 1:7).

Pagkatapos lamang ng malaking paglilinis na ito sa iglesia (inilarawan din sa ikasiyam na kabanata ng Ezekiel) ang mga nalabi ay magiging kasangkapan upang dalhin ang kanilang mga ganap na nagliliyab at nagliliwanag na tanglaw ng Katotohanan sa buong daigdig ng mga Gentil. Sa Sion ay lalabas ang batas, at ang salita ng Panginoon mula sa Jerusalem. Sapagka't isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa, na tatapusin at paiikliin., at ang Panginoon ay magpapakita sa kaluwalhatian – na nakikita ng bawat mata (Apoc. 1:7).

Monday - August 1

The Divine Human Combination

Colossians 1:28, 29

Though Paul talks about God working in him, in what ways does he show the human effort also involved?

Bagaman binanggit ni Pablo ang tungkol sa paggawa ng Diyos sa kanya, sa anong mga paraan niya ipinakita ang pagkakasangkot ng pagsisikap ng tao?

John 14:6 – “Jesus saith unto him, I am the Way, the Truth, and the Life: no man cometh unto the Father, but by Me.”

Juan 14:6 –Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”

From this we see that Jesus is the only way to the Kingdom. The idea, then, that there are many ways whereas there is but one Jesus, and that they all lead to the Kingdom Eternal, is only a “hum of a humbug” that unsanctified hearts like to listen to. They are of those who are dodging the porter at the “Door,” of those who know that their deeds cannot stand inspection.
Mula dito makikita natin na si Jesus ang tanging daan patungo sa Kaharian. Kung gayon, ang ideya na mayroong maraming mga paraan, samantalang mayroon lamang isang Jesus, na humahantong sa Kaharian na Walang Hanggan, ay isang lamang panlilinlang na gustong pakinggan ng mga walang kabanalan sa puso. Sila ay mga taong umiiwas sa bantay sa "Pintuan," at yaong nakaaalam na ang kanilang mga gawa ay hindi makapapasa sa pagsisiyasat.

Mula dito makikita natin na si Jesus ang tanging daan patungo sa Kaharian. Kung gayon, ang ideya na mayroong maraming mga paraan, samantalang mayroon lamang isang Jesus, na humahantong sa Kaharian na Walang Hanggan, ay isang lamang panlilinlang na gustong pakinggan ng mga walang kabanalan sa puso. Sila ay mga taong umiiwas sa bantay sa "Pintuan," at yaong nakaaalam na ang kanilang mga gawa ay hindi makapapasa sa pagsisiyasat.

If we are to have a home in the Kingdom, we must never be like them. We must know the worst of our case. We must never say that if “so and so” gets there, we will, too. It may be true that if “so and so” were to get there, we all would, too, but “so and so” is not getting there. We must not, therefore, play the fool by making “so and so” our example. We must follow the Lord through His Truth, the Truth that makes us free.

Kung gusto nating magkaroon ng tahanan sa Kaharian, hindi tayo dapat maging katulad nila. Dapat nating malaman ang pinakamasama sa ating kaso. Hindi natin dapat sabihin na kung si “ganito at gayon" ay makarating doon, tayo rin. Maaaring totoo na kung pupunta si “ganito at si gayon” doon, tayo rin ay makakarating din, ngunit si “ganito at gayon” ay hindi makakarating doon. Hindi tayo dapat maging hangal at gawin si “ganito at gayon” bilang ating mga halimbawa. Dapat nating sundin ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Katotohanan, ang Katotohanang magpapalaya sa atin.

As there is but one right Way and but one Door, and as all Christians do not see alike and do not walk together, could it be that we are all wrong? all going in a wrong direction? – No, that could never be as long as the Lord does not forsake the earth. Indeed not, for He must have a people in whom to confide His Truth and by whom to save those who choose to go His way. So, those who choose to go some other way will in the end discover that the Devil, not the Lord, is behind them, and that hell, not the Kingdom, is ahead of them.

Dahil mayroon lamang isang matuwid na Daan at isang Pintuan, at dahil ang lahat ng mga Kristiyano ay hindi magkatulad na nakikita at hindi lumalakad nang sama-sama, maaari bang lahat tayo ay mali? Na lahat ay napupunta sa maling direksyon? – Hindi, hindi mangyayari iyon hangga't hindi pababayaan ng Panginoon ang mundo. Tunay na hindi, sapagkat Siya ay may isang bayan na Kaniyang pinagtitiwalaan ng Kanyang Katotohanan at na gagamitin upang iligtas ang mga pipiling sumunod sa Kanyang daan. Kaya, yaong mga pumili sa taliwas na daan ay makakatuklas sa Diyablo sa huli , at hindi ang Panginoon, ang nasa likuran nila, at ang impiyerno, hindi ang Kaharian, ang nasa unahan.

Tuesday - August 2

The Disciplined Will

Genesis 3:6; 2 Samuel 11:2-4; Galatians 2:11, 12; 1 Peter 1:13

What examples can you find from the Bible where people made choices based on feelings rather than on God’s Word? What were the consequences?\

Anong mga halimbawa ang masusumpungan mo mula sa Bibliya kung saan ang mga tao ay gumawa ng mga pasiya batay sa damdamin sa halip na sa Salita ng Diyos? Ano ang mga kahihinatnan?

Genesis 3:6

These two sins – trust in man, and desire to exalt self – are still the leading sin elements now here on earth. This was Eve’s stumbling block and to many even today it is still the stumbling block. No, appetite alone was not the cause of Eve’s downfall. The serpent did not say, “Thou shouldst eat of this fruit for it is wonderful, more delicious than any other fruit in the garden of God.” But he said: “God doth know that in the day ye eat thereof, then your eyes shall be opened, and ye shall be as gods, knowing good and evil.” Gen. 3:5.

Ang dalawang kasalanang ito - pagtitiwala sa tao at pagnanais na itaas ang sarili - ay ang siya pa ring nangungunang mga elemento ng kasalanan ngayon dito sa lupa. Ito ang naging katitisuran ni Eva at sa marami hanggang ngayon ay ito pa rin ang kinatitisuran. Hindi, hindi lang gana sa pagkain ang dahilan ng pagbagsak ni Eva. Hindi sinabi ng ahas na, “Kainin mo ang bungang ito sapagkat ito ay kamangha-mangha at mas masarap kaysa sa anumang prutas sa hardin ng Diyos.” Sa halip ay sinabi: “Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Gen. 3:5.

The fruit, of course, appealed to her, but she was tempted by the idea of having the opportunity to be exalted to the throne of God, to be exalted to the same position to which Lucifer himself aspired. Lucifer must have honestly believed that he would be as God if the angels in Heaven and the men on earth would but take orders from him.

Tunay na ang bunga ay nakaakit sa kanya, ngunit siya ay natukso sa ideya ng pagkakaroon ng pagkakataong mataas sa trono ng Diyos, upang mataas sa parehong posisyon kung saan si Lucifer mismo ay naghangad. Malamang na tapat na naniniwala si Lucifer na siya ay magiging tulad ng Diyos kung ang mga anghel sa Langit at ang mga tao sa lupa ay susunod sa mga utos mula sa kanya.

2 Samuel 11:2-4

“It was the spirit of self-confidence and self-exaltation that prepared the way for David's fall. Flattery and the subtle allurements of power and luxury were not without effect upon him. Intercourse with surrounding nations also exerted an influence for evil. According to the customs prevailing among Eastern rulers, crimes not to be tolerated in subjects were uncondemned in the king; the monarch was not under obligation to exercise the same self-restraint as the subject. All this tended to lessen David's sense of the exceeding sinfulness of sin. And instead of relying in humility upon the power of Jehovah, he began to trust to his own wisdom and might. As soon as Satan can separate the soul from God, the only Source of strength, he will seek to arouse the unholy desires of man's carnal nature. The work of the enemy is not abrupt; it is not, at the outset, sudden and startling; it is a secret undermining of the strongholds of principle. It begins in apparently small things—the neglect to be true to God and to rely upon Him wholly, the disposition to follow the customs and practices of the world.” PP 717.2

“Ang diwa ng tiwala sa sarili at pagpaparangal sa sarili ang naghanda ng daan para sa pagkahulog ni David. Ang pagpuri at ang mga banayad na pang-akit ng kapangyarihan at karangyaan ay nagdulot ng epekto sa kanya. Ang pakikipag-ugnayan sa mga nakapaligid na bansa ay nagdulot din ng impluwensya para sa ikasasama. Ayon sa mga kaugaliang namamayani sa mga tagapamahala sa Silangan, ang mga krimen na hindi dapat pahihintulutan sa mga sakop ay hindi hinahatulan ng hari; ang monarko ay hindi naipapasailalim ng obligasyon na gamitin ang parehong pagpipigil sa sarili gaya sa kaniyang nasasakupan. Ang lahat ng ito ay nakabawas sa kakayahan ni David na makita ang kasamaan ng kasalanan. At sa halip na umasa nang may pagpapakumbaba sa kapangyarihan ni Jehova, nagsimula siyang magtiwala sa sarili niyang karunungan at lakas. Sa sandaling maihiwalay ni Satanas ang kaluluwa sa Diyos, na tanging pinagmumulan ng lakas, ay sisikapin niyang ibangon ang mga hindi banal na pagnanasa ng makalamang likas ng tao. Ang kilos ng kaaway ay hindi biglaan; hindi ito biglaan at nakagugulat; ito ay ang lihim na pagpapahina ng pundasyon sa prinsipyo. Nagsisimula ito sa tila maliliit na bagay—sa kapabayaan na maging tapat sa Diyos at lubos na pag-asa sa Kanya, at ang disposisyong sundin ang mga kaugalian at gawi ng mundo.” PP 717.2

“Your part is to put your will on the side of Christ. When you yield your will to His, He immediately takes possession of you, and works in you to will and to do of His good pleasure. Your nature is brought under the control of His Spirit. Even your thoughts are subject to Him. 1MCP 123.2

“Ang iyong bahagi ay ang paglalagay ng iyong kalooban sa panig ni Cristo. Kapag ibinigay mo ang iyong kalooban sa Kanya, agad-agad Niyang aangkinin ka, at gagawa sa iyo na loobin at gawin ang para sa Kanyang mabuting kaluguran. Ang iyong kalikasan ay dinadala sa ilalim ng kontrol ng Kanyang Espiritu. Maging ang iyong mga iniisip ay napapasailalim Niya. 1MCP 123.2

What is Peter concerned about, and what does he want his readers actually to do?

Ano ang ikinababahala ni Pedro, at ano ang gusto niyang gawin ng kaniyang mga mambabasa?

“If you cannot control your impulses, your emotions, as you may desire, you can control the will, and thus an entire change will be wrought in your life. When you yield up your will to Christ, your life is hid with Christ in God. It is allied to the power which is above all principalities and powers. You have a strength from God that holds you fast to His strength; and a new life, even the life of faith, is possible to you.—Christian Temperance and Bible Hygiene, 148 (My Life Today, 318.)” 1MCP 123.3

"Kung hindi mo makontrol ang silakbo ng iyong damdamin, gaya ng gusto mo, maaari mong kontrolin ang iyong kalooban, at sa gayon ang isang buong pagbabago ay magaganap sa iyong buhay. Kapag ibinigay mo ang iyong kalooban kay Kristo, ang iyong buhay ay nakatago kasama ni Cristo sa Diyos. Ito ay kaalyado sa kapangyarihan na higit sa lahat ng mga pamunuan at kapangyarihan. Mayroon kang lakas mula sa Diyos na humahawak sa iyo nang mahigpit sa Kanyang lakas; at isang bagong buhay, maging ang buhay ng pananampalataya, ay posible sa iyo.— Christian Temperance and Bible Hygiene, 148 ( My Life Today, 318 .)” 1MCP 123.3

Wednesday - August 3

Radical Commitment

Matthew 5:29, 30

Would you call the words of Jesus radical? If so, why?

Tatawagin mo bang radikal ang mga salita ni Jesus? Kung gayon, bakit?

“It is for our own benefit and safety that God asks us to abandon the selfish and questionable projects, and make thorough work in cleansing the soul temple of sin. In his instruction to his disciples the Saviour shows how complete must be the work of eradication of evil. ‘If thy right eye offend thee,” he declares, “pluck it out, and cast it from thee: for it is profitable for thee that one of thy members should perish, and not that thy whole body should be cast into hell. And if thy right hand offend thee, cut it off, and cast it from thee: for it is profitable for thee that one of thy members should perish, and not that thy whole body should be cast into hell.’” YI February 11, 1908, par. 6

“Para sa ating sariling kapakanan at kaligtasan na hinihiling sa atin ng Diyos na talikuran ang makasarili at kaduda-dudang mga gawain, at gumawa ng masinsinang gawain sa paglilinis ng templo ng kaluluwa ng kasalanan. Sa kanyang pagtuturo sa kanyang mga disipulo ay ipinakita ng Tagapagligtas kumpletong paggawa ng pagaalis ng kasamaan. 'Kung ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno. At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno.” YI February 11, 1908, par. 6

“Gird up the loins of your mind, says the apostle; then control your thoughts, not allowing them to have full scope. The thoughts may be guarded and controlled by your own determined efforts. Think right thoughts, and you will perform right actions. You have, then, to guard the affections, not letting them go out and fasten upon improper objects. Jesus has purchased you with His own life; you belong to Him; therefore He is to be consulted in all things, as to how the powers of your mind and the affections of your heart shall be employed.” AH 54.2

“Bigkisan ninyo ang mga balakang ng inyong pag-iisip, sabi ng apostol; pagkatapos ay kontrolin ang iyong mga iniisip, at huwag payagang ito’y magkaroon ng buong saklaw. Ang mga pag-iisip ay maaaring bantayan at kontrolin ng iyong sariling determinadong pagsisikap. Mag-isip ng mga tamang kaisipan, at ikaw ay makagagawa ng mga tamang aksyon. Kung gayon, kailangan mong bantayan ang iyong mga iniibig, na huwag hayaang lumabas ang mga ito at mabaling sa mga hindi tamang bagay. Tinubos ka ni Jesus ng Kanyang sariling buhay; ikaw ay sa Kanya; kaya nga Siya ay sanggunian sa lahat ng bagay, kung paano gagamitin ang mga kapangyarihan ng iyong isipan at ang pagmamahal ng iyong puso .” AH 54.2

Thursday - August 4

The Need to Persevere

Genesis 32

What does the story of Jacob’s wrestling say to us about perseverance, even amid great discouragement?

Ano ang sinasabi sa atin ng kuwento ng pakikipagbuno ni Jacob tungkol sa pagtitiyaga, kahit sa gitna ng matinding panghihina ng loob?

Jacob, our type, well knew that God had directed his return from Padanaram to the homeland, yet he trembled when he heard that Esau, with four hundred men were on the way to meet him. Besides, he was led to wrestle with the angel all night long. He prevailed only because he would not let the Angel go until He blest him. The final result was that on the morrow, Esau, rather than destroying the whole company, very kindly greeted Jacob with a kiss, and cordially invited him to return home! So when it all worked itself out, Jacob plainly saw that there was no need at all to have ever feared. How encouraging that “all these things happened unto them for ensamples: and they are written for our admonition, upon whom the ends of the world are come.” 1 Cor. 10:11. That which happened to Jacob is sure to happen to us, and how comforting to know all this ahead of time. Now, if never before we should see that where there is a type there is also an antitype, and that where there is no type, there is no Truth. 

Si Jacob na ating pinakatipo ay nakababatid na ang Diyos ang nangunguna sa kanyang pagbabalik mula sa Padanaram sa tinubuang lupa, ngunit siya ay nanginig pa rin nang marinig na si Esau, kasama ang apat na raang lalaki ay nasa daan upang salubungin siya. Bukod pa rito, buong magdamag siyang nakipagbuno sa anghel. Nanaig lamang siya dahil hindi niya binitiwan ang Anghel hangga't hindi Siya nito pinagpapala. Bilang resulta, sa kinabukasan, si Esau, sa halip na wasakin ang buong grupo, ay mabait na binati si Jacob ng isang halik, at magiliw siyang inanyayahan na umuwi! Kaya't nang maayos ang lahat, malinaw na nakita ni Jacob na hindi niya kailangang matakot. Tunay na nakapagpapatibay na “Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon 1 Cor. 10:11. Ang nangyari kay Jacob ay tiyak na mangyayari sa atin, at gaano kaginhawang malaman ang lahat ng ito nang maaga. Ngayon ay dapat nga nating maunaawan na kung mayroong isang tipo (type) ay mayroon ding isang antitype, at kung saan walang tipo ay walang Katotohanan.

Friday - August 5

Further Study

After twenty years of faithful service in Padan-Aram, in the sharp, overreaching employ of Laban, his uncle, Jacob at last turned his face and his steps homeward toward his father’s house in the land of promise.

Pagkatapos ng dalawampung taon ng tapat na paglilingkod sa Padan-Aram, sa matalas at labis na pangangamuhan ni Laban, na kanyang tiyuhin, sa wakas ay ibinaling ni Jacob ang kanyang mukha at ang kanyang mga hakbang pauwi patungo sa bahay ng kanyang ama sa lupang pangako.

But trouble overtook him. While grappling with his fears as to the outcome of his imminent meeting with Esau “there wrestled a man with him until the breaking of the day.” Gen. 32:24

Ngunit siya ay labis na nababahala. Habang nakikipagbuno sa kaniyang mga pangamba hinggil sa kahihinatnan ng kaniyang napipintong pakikipagkita kay Esau ay “may isang lalaking nakipagbuno sa kaniya hanggang sa pagsikat ng araw.” Gen. 32:24

Here lay down the man Jacob and rose up the man Israel, exemplifying the agonizing experience through which his posterity must victoriously pass before they, too, receive a new name, pass from sons of Jacob to sons of God, become Israelites indeed. Having gained the victory over this test, “the time of Jacob’s trouble,” they will reach home, the land of promise – the happy end of their long and troubled journey.

Dito inihiga ang lalaking si Jacob at nagbangon ang lalaking si Israel, na nagpapakita ng matinding paghihirap na karanasan na kailangan ding mapanagumpayan ng kanyang sumunod na lahi bago din sila makatanggap ng isang bagong pangalan, mula sa pagiging mga anak ni Jacob tungo sa mga anak ng Diyos, at maging tunay na mga Israelita. Sa pananagumpay laban sa pagsubok na ito, “ang panahon ng kabagabagan ni Jacob,” sila ay makakarating sa kanilang tahanan, ang lupang pangako – ang masayang pagtatapos ng kanilang mahaba at maligalig na paglalakbay.

On this trying and testing time the Spirit of Prophecy comments: “A decree went forth to slay the saints, which caused them to cry day and night for deliverance. This was the time of Jacob’s trouble” – Early Writings, pp. 36, 37. (See also Patriarchs and Prophets, pp. 202, 203.)

Sa panahong ito ng pagsubok, ang Espiritu ng Propesiya ay nagkomento: “Isang utos ang lumabas upang patayin ang mga banal, na naging dahilan upang sila ay umiyak araw at gabi para sa ikaliligtas. Ito ang panahon ng kabagabagan ni Jacob” – Early Writings , pp. 36, 37. (Tingnan din ang Patriarchs and Prophets , pp. 202, 203.)

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@advancedsabbathschool.org