“And Pharaoh said unto Joseph, See, I have set thee over all the land of Egypt.” KJV — Genesis 41:41
“At sinabi ni Faraon kay Jose, Tingnan mo, ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto.” KJV — Genesis 41:41
Again, years before Israel went into Egypt, God in His providence (Gen. 45:5) influenced Jacob to make a coat of many colors for his youngest son, Joseph. This seeming partiality, along with Joseph's dream and his father's interpretation of it (Gen. 37:10), provoked the jealous brothers to sell him as a slave, to be carried away into Egypt so as to prevent his supplanting them in influence or position. But there in Egypt the Lord in His own time raised him to the second throne of the realm, then brought the years of plenty, also the years of famine, as the means to remove the whole household of Jacob into Egypt.
Muli, maraming taon bago pumunta si Israel sa Egipto, sa probidensya ng Diyos (Gen 45:5) ay inimpluwensyahan niya si Jacob na gumawa ng tunika na may sarisaring kulay para sa bunsong anak na si Jose. Ang tila pagtatanging ito, pati na ang naging panaginip ni Jose at ang interpretasyon ng ama dito (Geb 37:10), ang nagbangon ng selos at nagbunsod sa mga kapatid na ibenta siya bilang alipin at mapunta sa lupain ng Egipto. Ngunit sa lugar na iyon ng Egipto ay mayroong Diyos na magtataas sa kaniya ikalawa sa trono sa Kaniyang kapanahunan, at magdudulot ng pitong taon ng kasaganaan at pitong taon ng taggutom na magiging daan upang pumunta ang sangbahayan ni Jacob sa Egipto.
In their desperate endeavor to be rid of Joseph so as to avoid being ruled by him, his brethren succeeded only (by stirring up the ever-attentive potential of Providence) in exalting him to the administrative throne of Egypt, and in bringing themselves down in humiliation at his feet. Here is marked evidence that he who attempts to defeat God's purposes succeeds only in defeating his own and in promoting God's.
Sa kanilang desperasyon na maiwaksi si Jose at maiwasan na sila ay pamunuan niya, ang mga kapatid na ito ay nagtagumpay lamang upang pukawin ang potensyal ng probidensya ng pagtataas sa kaniya sa posisyon sa trono ng Egipto at pagdadala naman sa kanilang sarili ng kahihiyan sa kaniyang paanan. Dito ay ang matibay na patunay na ang sinuman na magtangka na labanan ang layunin ng Diyos ay magtatagumpay lamang upang itaas ang layunin ng Diyos at ibaba ang kaniyang sarili.
What is God’s place in the success of Joseph?
I am thinking of another boy, a young boy in his teens – Joseph. The Lord saw something in him that He could not find in Joseph’s brothers. Not only was he his father’s favorite son, but he was God’s favorite, too. God had in mind something great for Joseph – greater than the world could ever think of. To prove himself trustworthy Joseph had to first become a slave. He had to be trained for the big job.
Aking inaalala ang isang lalaki sa kaniyang kabataan – si Jose. May nakita ang Diyos sa kaniya na hindi masusumpungan sa kaniyang mga kapatid. Hindi lamang siya paborito ng kaniyang ama ngunit maging ng Panginoon din. May dakilang plano ang Diyos para kay Jose – mas dakila higit sa iisipin ng mundo. Upang mapatunayan na siya ay mapagkakatiwalaan, kinakailangan muna niyang dumanas ng pagkaalipin. Kinakailangan na siya ay maihanda para sa malaking gawain.
So, the way Providence worked, it was that his brothers sold him to be a slave. Just then he recalled what the Lord had promised him in a dream – that besides his brothers, even his father and mother were to bow down to him. Can you imagine what a splendid opportunity was his to curse God when he saw himself on the way to slavery? He might have said, “Why should I serve a God that promises glory but instead gives humiliation, hardship and isolation?” But Joseph did as wisely as Job: By sanctifying God in his heart, he in effect said, “Though He slay me, yet in Him will I trust.”
At sa kalooban ng Diyos, siya ay ipinagbili ng kaniyang mga kapatid bilang alipin.At kanyang naalala ang ipinangako ng Diyos sa kaniyang panaginip – na maliban sa mga kapatid, maging ang kaniyang ama at ina ay yuyukod sa kaniya. Inyo bang maiisip kung anong pagkakataon ang sumapit sa kaniya para magalit sa Diyos sa panahon na siya ay tungo sa pagkaalipin? Maaari sana niyang sabihin – Bakit ko paglilingkuran ang Diyos na nangako ng kaluwalhatian ngunit nagbibigay ng kahihiyan, kahirapan at pagkahiwalay? Ngunit si Jose ay pantas gaya ni Job: Sa pagpapabanal sa Diyos sa kaniyang puso ay sinabi niya, “Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya.”
What happened here, and how does it reveal the providence of God despite human evil and malfeasance?
Ano ang naganap dito at paanong ang kalooban ng Diyos ay nahayag sa kabila ng kasamaan at kamalian ng tao?
Years later when Joseph’s brothers went into Egypt to obtain food during the seven-year famine, Joseph, recognizing Providential design in the strange drama of his life from enslavement to enthronement, said unto his brothers as he "made himself known" unto them: "Be not grieved, nor angry with yourselves, that ye sold me hither: for God did send me before you to preserve life...and...to preserve you a posterity in the earth, and to save your lives by a great deliverance." Gen. 45:1, 5, 7.
Makalipas ang mga taon ay pumunta ang mga kapatid ni Jose sa Egipto upang kumuha ng pagkain sa panahon ng pitong taon ng taggutom. Dito ay naunawaan ni Jose ang kalooban ng Diyos sa kaniyang naging buhay mula sa pagkaalipin tungo sa trono at kaniyang sinalita sa mga kapatid nang siyang magpakilala sa kanila: “At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay. At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.” Gen. 45:1, 5, 7.
Thus, the Lord providentially exalted Joseph to share the throne of Egypt in order to predispose Pharaoh to grant Israel permission to enter into the land.
Sa gayon ay itinalaga ng Diyos na si Jose ay mataas sa trono sa Egipto upang idulot na payagan ni Paraon ang Israel na makapasok sa lupain.
What effect did Benjamin’s presence have on the course of events?
Ano ang naging epekto ng presensya ni Benjamin sa mga pangyayaring ito?
“When the governor again met them they presented their gifts and humbly “bowed themselves to him to the earth.” Again his dreams came to his mind, and after saluting his guests he hastened to ask, “Is your father well, the old man of whom ye spake? Is he yet alive?” “Thy servant our father is in good health, he is yet alive,” was the answer, as they again made obeisance. Then his eye rested upon Benjamin, and he said, “Is this your younger brother, of whom ye spake unto me?” “God be gracious unto thee, my son;” but, overpowered by feelings of tenderness, he could say no more. “He entered into his chamber, and wept there.” PP 228.1
“At nang dumating si Jose sa bahay, ay dinala nila sa kaniya sa loob ng bahay, ang kaloob na nasa kanilang kamay, at sila'y nagpatirapa sa harap niya.” Muli ay naalaala niya ang kaniyang naging panaginip, matapos na tanggapin ang mga bisita ay kaniyang tinanong, “Wala bang sakit ang inyong ama, ang matanda na inyong sinalita? buhay pa ba? At kanilang sinabi, Walang sakit ang iyong lingkod na aming ama, buhay pa. At sila'y nagsiyukod at nagsigalang. Ito ang kanilang magalang na sagot. At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita si Benjamin at sinabi, Ito ba ang inyong kapatid na bunso, na inyong sinalita sa akin? At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Dios, anak ko.” At nagmadali si Jose; sapagka't nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid: at humanap ng dakong maiiyakan; at pumasok sa kaniyang silid, at umiyak doon.” PP 228.1 ; Gen 43:26-30
“Having recovered his self-possession, he returned, and all proceeded to the feast. By the laws of caste the Egyptians were forbidden to eat with people of any other nation. The sons of Jacob had therefore a table by themselves, while the governor, on account of his high rank, ate by himself, and the Egyptians also had separate tables. When all were seated the brothers were surprised to see that they were arranged in exact order, according to their ages. Joseph “sent messes unto them from before him;” but Benjamin's was five times as much as any of theirs. By this token of favor to Benjamin he hoped to ascertain if the youngest brother was regarded with the envy and hatred that had been manifested toward himself. Still supposing that Joseph did not understand their language, the brothers freely conversed with one another; thus he had a good opportunity to learn their real feelings. Still he desired to test them further, and before their departure he ordered that his own drinking cup of silver should be concealed in the sack of the youngest.” PP 228.2
At nang siya ay makabawi na, siya ay nagbalik at nagpahain ng pagkain. Sa batas, ang mga Egipcio ay hindi maaaring kumain kasama ang mga taga ibang bansa. At ang mga anak ni Jacob ay hinainang bukod, samantalang ang gobernador, dahil sa kaniyang mataas na posisyon, ay hinainan siyang bukod at ang mga Egipcio ay bukod din. At nang sila ay nakaupo na ay namangha sila, sapagka’t silay ay nakaupo sangayon sa kanilang pagkapanganay at pagkabunso. At sila'y idinampot ni Jose sa harap niya ng mga ulam: datapuwa't ang ulam ni Benjamin ay humihigit kay sa mga bahagi ng alin man sa kanila ng makalima. Sa pagpapakita niya ng pabor kay Benjamin ay layon niyang makita kung ang bunsong kapatid na ito ay nakakadanas din ng inggit at galit gaya ng dinanas niya. Sa pagaakala na hindi nauunawaan ni Jose ang kanilang wika ay malayang nagusap ang mga magkakapatid; kaya nagkaroon siya ng pagkakataong saliksikin ang kanilang tunay na damdamin. Gayunpaman ay nais niya silang subukang maigi, kaya bago ang kanilang paglisan ay ipinagutos niya na ilagay ang kaniyang sarong pilak sa labi ng bayong ng pinakabunso.” PP 228.2
Why did Joseph put the divination cup in Benjamin’s sack and not in another brother’s sack?
Bakit inilagay ni Jose saro sa bayong ni Benjamin at hindi sa bayong ng ibang kapatid?
“The search began immediately. “They speedily took down every man his sack to the ground,” and the steward examined each, beginning with Reuben's, and taking them in order down to that of the youngest. In Benjamin's sack the cup was found. PP 229.4
“Ang pagsasaliksik ay mabilis na nagpasimula.” Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong. At ang katiwala ay nagsaliksik mula kay Reuben, sangayon sa kanilang pagkakasunod, hanggang sa pinakabunso. At nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin.” PP 229.4
“The brothers rent their garments in token of utter wretchedness, and slowly returned to the city. By their own promise Benjamin was doomed to a life of slavery. They followed the steward to the palace, and finding the governor yet there, they prostrated themselves before him. “What deed is this that ye have done?” he said. “Wot ye not that such a man as I can certainly divine?” Joseph designed to draw from them an acknowledgment of their sin. He had never claimed the power of divination, but was willing to have them believe that he could read the secrets of their lives. PP 229.5
“Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at nagsibalik sa bayan. Sangayon sa kanilang pangako, si Benjamin ay matatalaga sa pagkaalipin. Sumunod sila sa katiwala tungo sa palasyo at nasumpungan ang gobernador doon. At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula. Nilayon ni Jose na kanilang aminin ang kanilang sala. Hindi kailanman niya inangkin ang kapangyarihan ng panghuhula ngunit nais na paniwalain sila na kaya niyang makabasa ng mga sikreto ng buhay. PP 229.5
“Judah answered, ‘What shall we say unto my lord? what shall we speak? or how shall we clear ourselves? God hath found out the iniquity of thy servants: behold, we are my lord's servants, both we, and he also with whom the cup is found.’” PP 229.6
“At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.”
What lessons of love, faith, and hope can be found in this story?
Anong liksyon ng pagibig, pananampalataya at pag-asa ang masusumpungan sa istoryang ito?
Then in time, the Lord purposed to lead Jacob and his household out of the land of Canaan, down into Egypt. Knowing, though, that the sons of Jacob would not go as did Abraham, by His simply telling them to, He therefore in His providence put into the heart of Jacob a greater love for Joseph than for his other children. This begot in them envy and jealousy, which in turn begot hatred and greed, manifesting itself in their cruel treatment and sale of Joseph, which resulted in his being carried away a slave into Egypt.
Sa takdang panahon, ay layon ng Diyos na pangunahan si Jacob at ang kaniyang sangbahayan palabas sa lupain ng Canaan tungo sa Egipto. Sa pagkabatid na ang mga anak ni Jacob ay hindi hahayo gaya ni Abraham, sa simpleng pagsasabi lamang ay itinalaga Niya na ilagay sa puso ni Jacob ang mas higit na pagmamahal para kay Jose. Ito ang nagbangon ng inggit at selos, na nagdulot din sag alit at pagkagahaman, na nakita sa kanilang naging pakikitungo at pagbili kay Jose, na naging dahilan kung paano siya napadpad sa Egipto.
Recognizing Providence in the whole matter, Joseph said unto his brothers as he "made himself known" unto them: "Be not grieved, nor angry with yourselves, that ye sold me hither: for God did send me before you to preserve life...and...to preserve you a posterity in the earth, and to save your lives by a great deliverance." Gen. 45:1, 5, 7.
Sa pagkaunawa sa kalooban ng Diyos ay nagpakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid at sinabi “At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagka't sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang magadya ng buhay. At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang papanatilihin kayong pinakalahi sa lupa, at upang iligtas kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas.” Gen. 45:1, 5, 7.
Thus the Lord providentially exalted Joseph to share the throne of Egypt in order to predispose Pharaoh to grant Israel permission to enter into the land.
Sa gayon ay itinalaga ng Diyos na si Jose ay mataas sa trono sa Egipto upang idulot na payagan ni Paraon ang Israel na makapasok sa lupain.
Next, to draw them there, He brought thereabouts the seven years of plenty, followed by the seven years of famine. Whereupon He sent word to Jacob that Joseph was yet alive. At the joyous news, there sprang up in the father an irresistible desire to see his son. This and the life-taking hunger upon Joseph's brethren, compelled them to remove into Pharaoh's land of plenty, where they lived like kings.
At sumunod, upang dalhin sila doon, ay nagdulot Siya ng pitong taon ng kasaganaan at pitong taon ng taggutom. At ipinadala ang salita kay Jacob na buhay pa ang anak na si Jose. Sa magandang balitang ito ay tuminding ang ama sa pagnanais na makita ang anak. Ito at ang dinanas na taggutom ng mga kapatid ni Jose ang nagdulot upang sila ay pumunta sa lupain ni Paraon na may kasaganaan kung saan sila nanahan ng gaya sa mga hari.
“Another act of humiliation remained for the ten brothers. They now confessed to their father the deceit and cruelty that for so many years had embittered his life and theirs. Jacob had not suspected them of so base a sin, but he saw that all had been overruled for good, and he forgave and blessed his erring children. PP 232.1
“Isa pang kahihiyan ang nanatili para sa sampung magkakapatid. Kanilang ikinumpisal sa ama ang kanilang nagawang panlilinlang at kasamaan na nagpapait sa kanilang mga buhay. Hindi nagsuspetsa si Jacob sa mga kasalanang ito ngunit ng makita na ito ay napawalang bisa ay pinatawad niya sila.” PP 232.1
“The father and his sons, with their families, their flocks and herds, and numerous attendants, were soon on the way to Egypt. With gladness of heart they pursued their journey, and when they came to Beersheba the patriarch offered grateful sacrifices and entreated the Lord to grant them an assurance that He would go with them. In a vision of the night the divine word came to him: “Fear not to go down into Egypt; for I will there make of thee a great nation. I will go down with thee into Egypt; and I will also surely bring thee up again.” PP 232.2
Ang ama, at ang magkakapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay lumisan patungo sa Egipto. Sila ay nagpatuloy sa paglalakbay ng may kagalakan sa mga puso, at ng sila ay dumako sa Beerseba, ang patriarka ay naghain ng dakilang mga sakripisyo at nanalangin sa Diyos na sila ay samahan. Sa pangitain sa gabi ay dumating ang salita sa kaniya, “Huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa. Ako'y bababang kasama mo sa Egipto; at tunay na iaahon kita uli.” PP 232.2
“The assurance, “Fear not to go down into Egypt; for I will there make of thee a great nation,” was significant. The promise had been given to Abraham of a posterity numberless as the stars, but as yet the chosen people had increased but slowly. And the land of Canaan now offered no field for the development of such a nation as had been foretold. It was in the possession of powerful heathen tribes, that were not to be dispossessed until “the fourth generation.” If the descendants of Israel were here to become a numerous people, they must either drive out the inhabitants of the land or disperse themselves among them. The former, according to the divine arrangement, they could not do; and should they mingle with the Canaanites, they would be in danger of being seduced into idolatry. Egypt, however, offered the conditions necessary to the fulfillment of the divine purpose. A section of country well-watered and fertile was open to them there, affording every advantage for their speedy increase. And the antipathy they must encounter in Egypt on account of their occupation—for every shepherd was “an abomination unto the Egyptians”—would enable them to remain a distinct and separate people and would thus serve to shut them out from participation in the idolatry of Egypt.” PP 232.3
“Ang katiyakang”, “Huwag kang matakot na bumaba sa Egipto: sapagka't doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa” ay mahalaga. Ang pangako ng hindi mabilang na lahi gaya ng mga bituin ay ibinigay kay Abraham, ngunit ang paglago ng piniling bayan ay naging mabagal. At ang lupain ng Canaan ay walang lupang maaring linangin para sa bayang ipinangako na yaon. Ito ay nasa pagaari ng mga makapangyarihang tribo ng pagano at hindi mababawi sa pagaari hanggang sa ikaapat na henerasyon. Kung ang lahi ni Israel ay magiging malaking bayan at dadami, ay kinakailangan nilang paalisin ang mga nananahan sa lupain o ipangalat ang sarili sa gitna nila. Ang unang nabanggit, sangayon sa makalangit na kalooban, ay hindi nila magagawa; at kung sila ay makisalamuha sa mga Cananeo ay malalagay sila sa panganib na mapunta sa pagsamba sa diyos-diyosan. Ngunit ang Egipto ay nagbibigay ng mga kondisyong kinakailangan para sa katuparan ng makalangit na layunin. Ang seksyon ng bansa na sagana sa tubig, malusog na lupa ay maikakaloob sa kanila, na magbibigay bentahe upang mapabilis ang pagdami nila. At ang pagkasuklam na dadanasin nila sa Egipto dahil sa kanilang hanapbuhay – sapagkat ang pagpapastol ay “kasuklamsuklam sa mga Egipcio” – ay magiging daan upang mapanatili nila ang kanilang pagiging tanging bayan na maghihiwalay naman sa kanila sa anumang partisipasyon sa pagsamba sa diyos-diyosan.” PP 232.3