The Covenant With Abraham

Liksyon 7, Ikalawang Semestre May 7-13, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - May 7

Memory Text:

“And Abram said, Lord GOD, what wilt thou give me, seeing I go childless, and the steward of my house is this Eliezer of Damascus?” KJV — Genesis 15:2

“At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?” KJV — Genesis 15:2


“After these things the word of the Lord came unto Abram in a vision, saying, Fear not, Abram: I am thy shield, and thy exceeding great reward.... And he brought him forth abroad, and said, Look now toward heaven, and tell the stars, if thou be able to number them: and he said unto him, So shall thy seed be. And he believed in the Lord; and he counted it to him for righteousness. Genesis 15:1-6. YRP 255.1

“Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila…At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi. At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.” Genesis 15:1-6. YRP 255.1

“God designed that Abraham should be a channel of light and blessing, that he should have a gathering influence, and that God should have a people on the earth. Abraham was to be in the world, reflecting in his life the character of Jesus. When he received the divine call, Abraham was not a man of renown, neither a lawgiver, nor a conqueror. He was a simple herdsman, dwelling in tents, but employing a large number of workmen to carry on his humble employment. And the honor which he received was because of his faithfulness to God, his strict integrity and just dealing.” YRP 255.2

Itinalaga ng Diyos na si Abraham ay maging daluyan ng liwanag at pagpapala, na siya ay magkaroon ng kakayahang magtipon at upang ang Diyos ay magkaroon ng bayan sa lupa. Si Abraham ay mamumuhay sa mundo at ipakikita sa kanyang buhay ang ugali ni Jesus. Nang siya ay makatanggap ng makalangit na pagtawag, siya ay hindi taong tanyag o kaya ay mambabatas o manlulupig. Siya ay simpleng tagapastol na nanahan sa mga tolda, na mayroong malaking bilang ng mga tauhan na gagawa sa kanyang mapagpakumbabang gawain. At ang karangalang kanyang natanggap ay dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos, sa kanyang katapatan at patas na pakikitungo.” YRP 255.2

Sunday - May 8

The Faith of Abraham

Genesis 15:1-21; Romans 4:3, 4, 9, 22

How does Abram reveal what it means to live by faith? What is the meaning of the sacrifice that God had Abraham perform?

Paano inihayag ni Abram kung paano mamuhay sa pananampalataya? Ano ang ibig sabihin ng sakripisyo na pinagawa ng Diyos kay Abraham? 

In the following it will be noticed that Abraham responded without hesitation to all God commanded him to do: “Now the Lord said unto Abram, Get thee out of thy country, and from thy kindred, and from thy father’s house, unto a land that I will shew thee.… So Abram departed, as the Lord had spoken unto him.… And the Lord appeared unto Abram, and said Unto thy seed will I give this land: and there builded he an altar unto the Lord, who appeared unto him.” (Gen. 12:1, 4, 7.) “And the Lord said unto Abram, after that Lot was separated from him, Lift up now thine eyes, and look from the place where thou art northward, and southward, and eastward, and westward: for all the land which thou seest, to thee will I give it, and to thy seed for ever. And I will make thy seed as the dust of the earth: so that if a man can number the dust of the earth, then shall thy seed also be numbered. Arise, walk through the land in the length of it and in the breadth of it; for I will give it unto thee. Then Abram removed his tent, and came and dwelt in the plain of Mamre, which is in Hebron, and built there an altar unto the Lord.” (Gen. 13:14-18.)

Sa mga sumusunod ay mapapansin na si Abraham ay tumalima sa lahat ng utos ng Diyos ng walang pagaalinlangan: “Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon… At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.” (Gen. 12:1, 4, 7.) At sinabi ng Panginoon kay Abram, pagkatapos na makahiwalay si Lot sa kaniya, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, at tumanaw ka mula sa dakong iyong kinalalagyan, sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong kalunuran: Sapagka't ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man. At gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi: na ano pa't kung mabibilang ng sinoman ang alabok ng lupa ay mabibilang nga rin ang iyong binhi. Magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwang-luwang niyan; sapagka't ibibigay ko sa iyo. At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.” (Gen. 13:14-18.)

“And God said unto Abraham, Thou shalt keep my covenant, thou, and thy seed after thee in their generations. This is my covenant, which ye shall keep, between me and you and thy seed after thee; Every man child among you shall be circumcised.… And Abraham took Ishmael his son, and all that were born in his house, and all that were bought with his money every male among the men of Abraham’s house; and circumcised the flesh of their foreskin in the selfsame day, as God had said unto him.” (Gen. 17:9, 10, 23.)

“At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila. Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo…At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.” (Gen. 17:9, 10, 23.) 

“And God said unto Abraham Let it not be grievous in thy sight because of the lad, and because of thy bondwoman; in all that Sarah hath said unto thee, hearken unto her voice; for in Isaac shall thy seed be called. And Abraham rose up early in the morning, and took bread, and a bottle of water, and gave it unto Hagar, putting it on her shoulder, and the child, and sent her away.” (Chapter 21:12, 14.) “And it came to pass after these things, that God did tempt Abraham, and said unto him, Abraham: and he said, Behold, here I am. And He said, Take now thy son, thine only son Isaac, whom thou lovest, and get thee into the land of Moriah; and offer him there for a burnt offering upon one of the mountains which I will tell thee of. And Abraham rose up early in the morning, and saddled his ass, and took two of his young men with him, and Isaac his son, and clave the wood for the burnt offering, and rose up, and went unto the place of which God had told him.… And Abraham built an altar there, and laid the wood in order, and bound Isaac his son, and laid him on the altar upon the wood. And Abraham stretched forth his hand, and took the knife to slay his son. And the angel of the Lord called unto him out of heaven, and said, Abraham, Abraham: and he said, Here am I. And he said, Lay not thine hand upon the lad, neither do thou anything unto him: for now I know that thou fearest God, seeing thou hast not withheld thy son, thine only son from me.… And the angel of the Lord called unto Abraham out of heaven the second time, And said, By myself have I sworn, saith the Lord, for because thou hast done this thing, and hast not withheld thy son, thine only son: That in blessing will I bless thee, and in multiplying I will multiply thy seed as the stars of heaven and as the sand which is upon the sea shore; and thy seed shall possess the gate of his enemies, And in thy seed shall all the nations of the earth be blessed; because thou hast obeyed my voice.” (Gen. 22:1-3, 9-12, 15-18.)

“At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't kay Isaac tatawagin ang iyong lahi. At nagbangong maaga sa kinaumagahan si Abraham, at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig, at ibinigay kay Agar, na ipinatong sa kaniyang balikat, at ang bata at siya ay pinapagpaalam.” (Gen 21:12, 14.). “At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako. At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo. At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios…at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak. At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at sinabi, Abraham, Abraham: at kaniyang sinabi, Narito ako. At sa kaniya'y sinabi, Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak. At tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham na ikalawa mula sa langit. At sinabi, Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Panginoon, sapagka't ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka't sinunod mo ang aking tinig.” (Gen. 22:1-3, 9-12, 15-18.)

“Abraham believed God, and it was imputed unto him for righteousness: and he was called the friend of God.” (James 2:23.) By simply doing the things that God asked of him he obtained this record: “Because that Abraham obeyed my voice, and kept my charge, my commandments, my statutes, and my laws.” “In thy seed shall all the nations of the earth be blessed.” (Gen. 26:5, 4.) Having childlike faith in the Word, and doing all God has said, is the only sanctification and righteousness that is Christ’s. Such are the children of Abraham, and to them is the promise. They openly declare that the blood of Christ has the power to save them from the bondage of sin, and from the condemnation of the law. They shall inherit the land for ever and ever. These are the Israel of God. There are no others, and this only is righteousness and sanctification by faith.

“At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na kaibigan ng Dios. (James 2:23) Sa pamamagitan ng pagsunod sa iniutos ng Diyos kaya niya nakamit ang talang ito: “Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.” “At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa.” .” (Gen. 26:5, 4.) Ang pananampalataya sa Salita na tulad ng sa maliliit na bata at sa pagsunod sa lahat ng sinabi ng Diyos ang tanging pagpapakabanal at katuwiran na binibilang kay Cristo. Ito nga ang binhi ni Abraham na nagtataglay ng pangako. Kanilang hayagang dinedeklara na ang dugo ni Cristo ang may kapangyarihan upang sila ay maligtas buhat sa kasalanan at sa kahatulan ng kautusan. Sila ang magmamana sa lupain magpakailanman. Ito ang bayang Israel ng Diyos. Wala na ngang iba pa, ito ang tanging katuwiran at kabanalan sa pananampalataya. 

Monday - May 9

Abraham’s Doubt

Genesis 16:1-16

What is the significance of Abram’s decision to go with Hagar, even despite God’s promise to him? How do the two women represent two attributes of faith (Gal. 4:21-31)?

Ano ang kahalagahan ng ginawang desisyon ni Abram sa pagsiping kay Agar, sa kabila ng ipinangako ng Diyos sa kanya? Ano ang dalawang katangian ng pananampalataya na kinakatawan ng dalawang babaeng ito (Gal. 4:21-31)? 

“Abraham had accepted without question the promise of a son, but he did not wait for God to fulfill His word in His own time and way. A delay was permitted, to test his faith in the power of God; but he failed to endure the trial. Thinking it impossible that a child should be given her in her old age, Sarah suggested, as a plan by which the divine purpose might be fulfilled, that one of her handmaidens should be taken by Abraham as a secondary wife. Polygamy had become so widespread that it had ceased to be regarded as a sin, but it was no less a violation of the law of God, and was fatal to the sacredness and peace of the family relation. Abraham's marriage with Hagar resulted in evil, not only to his own household, but to future generations.” PP 145.1

“Tinanggap ni Abraham ang pangakong anak na lalaki sa kanya ng walang pagaalinlangan ngunit hindi nya nagawang antayin na tuparin ng Diyos ang Kanyang salita sa Kanyang tamang kapanahunan at pamamaraan. Ang pagkaantala ay pinahintulot upang subukin ang kanyang pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos; ngunit nabigo siya. Sa pagiisip na imposible na siya’y magdalang-tao pa dala ng kanyang katandaan, iminungkahi ni Sara ang isang plano upang ito ay matupad, sa pamamagitan ng pagsiping sa isa sa kanyang alilang babae bilang ikalawang asawa. Ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa ay lubhang lumaganap, na ito ay hindi na nila itinuring na kasalanan ngunit ito ay isang paglabag sa kautusan ng Diyos at mapanganib sa kasagraduhan at kapayapaan ng ugnayan sa pamilya. Ang pakikisama ni Abraham kay Agar ay nagresulta sa kasamaan, hindi lang sa kanyang sambahayan ngunit maging sa susunod ding henerasyon. PP 145.1

“What is the typology in this throbbing life drama? – Basically, that which stands forth in Paul’s interpretation of the equally intense drama of Hagar and Ishmael, Sarah and Isaac. Inspiration unveils the fact that the former pair represent the Old Testament Church and its members, the Jews; and that the latter pair represent the New Testament Church and its members, the Christians (Gal. 4:22-31).”

“Ano ang tipo sa dula ng buhay na ito? – Ito ay ang binabanggit sa interpretasyon ni Pablo ukol sa matinding dula sa pagitan nila Agar at Ishmael at Sara at Isaac. Inihahayag din ng Inspirasyon na ang unang nabanggit na pares ay kumakatawan sa Old Testament Church at sa mga myembro nito, ang mga Hudyo, samantalang ang panghuling pares ay kumakatawan sa New Testament Church at sa mga myemrbo nito, ang mga Kristyano (Gal. 4:22-31).” 

Tuesday May 10

The Sign of the Abrahamic Covenant

Genesis 17:1-19; Romans 4:11

What is the spiritual and prophetic significance of the circumcision rite?

Ano ang espiritwal at makahulang kahalagahan ng pagtutuling ito?

“When Abraham had been nearly twenty-five years in Canaan, the Lord appeared unto him, and said, “I am the Almighty God; walk before Me, and be thou perfect.” In awe, the patriarch fell upon his face, and the message continued: “Behold, My covenant is with thee, and thou shalt be a father of many nations.” In token of the fulfillment of this covenant, his name, heretofore called Abram, was changed to Abraham, which signifies, “father of a great multitude.” Sarai's name became Sarah—“princess;” for, said the divine Voice, “she shall be a mother of nations; kings of people shall be of her.” PP 137.3

“At nang si Abraham ay dalawampu’t limang taon na sa Canaan ay nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabi: “Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.” Sa kanyang pagkamangha ay nagpatirapa si Abram at ang mensahe ay nagpatuloy: “Narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.” Bilang alaala sa katuparan ng tipan ay hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham sapagka't ikaw ay ginawa kong “ama ng maraming bansa.” Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ang kanyang ngalan ay magiging Sara – “prinsesa”, sapagka’t sinabi ng makalangit na Boses na siya’y “magiging ina ng mga bansa” at ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.” PP 137.3

“At this time the rite of circumcision was given to Abraham as “a seal of the righteousness of the faith which he had yet being uncircumcised.” Romans 4:11. It was to be observed by the patriarch and his descendants as a token that they were devoted to the service of God and thus separated from idolaters, and that God accepted them as His peculiar treasure. By this rite they were pledged to fulfill, on their part, the conditions of the covenant made with Abraham. They were not to contract marriages with the heathen; for by so doing they would lose their reverence for God and His holy law; they would be tempted to engage in the sinful practices of other nations, and would be seduced into idolatry.” PP 138.1

“Sa panahong ito ibinigay ang seremonya ng pagtutuli kay Abraham bilang “isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli.” Romans 4:11 Ito ay kinakailangang isagawa ng patriarka at ng mga susunod na lahi bilang alaala na sila ay tapat sa paglilingkod sa Diyos at nahihiwalay sa mga sumasamba sa diyus-siyusan at sila ay tinatanggap bilang natatanging yaman ng Diyos. At sa seremonyang ito na kanilang iingatang tuparin pinagtibay ang tipan kay Abraham. Sila ay hindi makikipagasawa ng mga pagano sapagka’t sa paggawa nito ay winawala nilang galang ang Diyos at ang Kanyang banal na kautusan; sila ay matutukso na makisangkot sa paggawa ng makasalanang gawi ng ibang mga bansa at sila ay mahihila tungo sa pagsamba sa diyus-diyusan.” PP 138.1

Wednesday - May 11

The Son of Promise

Genesis 18:1-15; Romans 9:9

What lessons of hospitality do we learn from Abraham’s reception of his visitors? How do you explain God’s response to Abraham’s hospitality? 

Anong aral ng kabutihang loob ang ating matututunan mula sa ginawang pagtanggap ni Abraham sa mga panauhin? Paano ipapaliwanag ang naging tugon ng Diyos sa kagandahang loob na ito ni Abraham?

It was Abraham’s hospitality that brought such a great blessing to his home – the three Heavenly guests Who reaffirmed the promise of an heir. And his accommodating act of showing them the way to the city by walking some distance with them, caused the angels to confide to him their sad mission concerning Sodom. No home, therefore, should be “forgetful to entertain strangers: for thereby some have entertained angels unawares.” Heb. 13:2.

Ang kagandahang loob ni Abraham ang nagdala ng dakilang pagpapala sa kaniyang tahanan – ang tatlong makalangit na panauhin ay muling nagpatotoo sa pangako ng tagapagmana. At ang kanyang pagiging matulungin ng kanyang samahan at ituro ang daan sa mga anghel ang nagdulot upang kanilang ibahagi at ipagtapat ang kanilang malungkot na misyon ukol sa kahihinatnan ng Sodoma. Walang tahanan ang dapat “makalimot sa pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.” Heb. 13:2. 

In the verses which we read a moment ago, we are told that Abraham was to become a great and mighty nation because he would command his children and his household after God, to keep the way of the Lord, to do “justice and judgment.” God recognized that Abraham’s home was to be a model home school, and thus this Patriarch of the Ages became a “friend of God,” and the “father of the faithful.” God, you see, honors parents who run their homes right, who command their households after Him.

Sa mga talatang ating nabasa sa itaas sinasabing si Abraham ay magiging dakila at makapangyarihang bansa sapagka’t kanyang iuutos sa kanyang mga anak at sangbahayan na sumunod sa Diyos at panatilihin ang daan ng Panginoon, at gumawa ng “kaganapan at kahatulan.” Kinilala ng Diyos na ang tahanan ni Abraham ay magiging huwarang paaralan ng tahanan at ang Patriarkang ito sa lahat ng panahon ay tinawag na “kaibigan ng Dios,” at “ama ng pananampalataya”. Makikita na pinararangalan ng Diyos ang mga magulang na nagpapalakad ng tama sa kanilang mga tahanan at naguutos sa sangbahayan na sumunod sa Diyos. 

Thursday - May 12

Lot in Sodom

Genesis 18:16-19; 19

How does Abraham’s prophetic ministry affect his responsibility toward Lot?

Paano nakaapekto ang makahulang ministeryo ni Abraham sa kanyang responsibilidad kay Lot?

First, I am thinking of Lot’s home. O, yes, I know that Lot was a great figure in Sodom, but no one would hear his plea the night Sodom was to be reduced to smoke and ashes for the winds to carry away and for the Dead Sea to lodge over. No, not even his own children who were comfortably situated in their respective homes would listen to him. Only two of his daughters escaped the great conflagration, simply because the angels snatched them out as brands from the fire.

Una, aking iniisip ang tahanan ni Lot. Oo, alam kong si Lot ay tanyag sa Sodoma ngunit walang nakinig sa kanyang panawagan sa gabi na ang Sodoma ay tutupukin hanggang maging usok at abo na liliparin ng hangin tungo sa Dagat Patay. Wala, kahit ang mismo niyang mga anak na ginhawang nananahan sa kanikanilang tahanan ay hindi nakinig sa kanya. Ang dalawa lamang niyang anak na babae ang nakaligtas dahil sila ay hinawakan at iniligtas ng anghel palabas sa bayan.  

What a failure was Lot’s home! What a great loss! Two causes underlay all that came upon him: first, because he pitched his tent toward Sodom; and second because he neglected to bring up his household in the fear of God. Moreover, had Lot led into Truth and righteousness even ten souls out of that vast population of Sodom, he would have spared both Sodom and Gomorrah from destruction. 

Anong pagkabigo ito sa tahanan ni Lot! Anong laking kawalan! Dalawang dahilan ang nakikita kung bakit ito sumapit sa kanya: una, kanyang itinayo ang tolda tungo sa Sodoma; pangalawa, napabayaan niyang dalhin ang kaniyang sangbahayan sa pagkatakot sa Diyos. Bukod rito, kung mayroon lamang kahit sampung kaluluwa na nadala si Lot sa Katotohanan at katuwiran ay maaring naligtas ang Sodoma at Gomora sa pagkawasak. 

Friday - May 13

Further Study

“Even the church, which should be the pillar and ground of the truth, is found encouraging the selfish love of pleasure. When money is to be raised for religious purposes, to what means do many churches resort? To bazaars, suppers, fancy fairs, even to lotteries, and like devices. Often the place set apart for God's worship is desecrated by feasting and drinking, buying, selling, and merrymaking. Respect for the house of God and reverence for His worship are lessened in the minds of the youth. The barriers of self-restraint are weakened. Selfishness, appetite, the love of display, are appealed to, and they strengthen as they are indulged. COL 54.2

“Maging ang mismong iglesia na dapat sana ay haligi at pundasyon ng katotohanan ay nasusumpungang humihikayat sa makasariling pagibig sa kalayawan. Kapag kinailangan ang pananalapi para sa mga layuning pangrelihiyon anong mga paraan ang kanilang ginagawa? Sa mga tiyanggian, kainan, magarbong kasiyahan, at maging palabunutan at iba pang tulad nito. Kadalasan ang lugar na nakatalaga para sa pagsamba sa Diyos ay nalalapastangan at ginagawang lugar ng pistahan at pagiinom, bentahan at bilihan at kung anu ano pang kasiyahan. Ang paggalang sa bahay ng Diyos at sa pagsamba ay napapababa sa kaisipan ng mga kabataan. Ang pagpipigil sa sarili ay napapahina. Ang pagkamakasarili, ang panlasa, pagibig sa panlabas ay nagiging kaakitakit sa kanila at napapalakas. COL 54.2

“The pursuit of pleasure and amusement centers in the cities. Many parents who choose a city home for their children, thinking to give them greater advantages, meet with disappointment, and too late repent their terrible mistake. The cities of today are fast becoming like Sodom and Gomorrah. The many holidays encourage idleness. The exciting sports—theatergoing, horse racing, gambling, liquor-drinking, and reveling—stimulate every passion to intense activity. The youth are swept away by the popular current. Those who learn to love amusement for its own sake open the door to a flood of temptations. They give themselves up to social gaiety and thoughtless mirth, and their intercourse with pleasure lovers has an intoxicating effect upon the mind. They are led on from one form of dissipation to another, until they lose both the desire and the capacity for a life of usefulness. Their religious aspirations are chilled; their spiritual life is darkened. All the nobler faculties of the soul, all that link man with the spiritual world, are debased.” COL 54.3

“Ang paghahangad ng kaligayahan at libangan ay nakasentro sa mga siyudad. Marami sa mga magulang na pinili ang tahanan sa siyudad para sa kanilang mga anak, sa pagiisip na ito ay magdudulot ng bentahe sa kanila ay makakasumpong ng kabiguan at pag huli na ay magsisisi sa kanilang matinding kamalian. Ang siyudad sa ating panahon ay mabilis na nagiging gaya ng Sodoma at Gomora. Ang maraming araw ng pagpapahinga ay naghihikayat ng katamaran. Ang kapana-panabik na mga sports – panunuod ng mga dula, karera ng kabayo, pagsusugal, paginom ng alak at pagsasaya – ito ay nakapagpapalakas sa bawat silakbo ng damdamin. Ang mga kabataan ay natatangay sa agos na ito. Yaong mga natutong umibig sa kasiyahan ay nagbubukas ng pinto sa pagbaha ng mga tukso. Kanilang ibinigay ang sarili sa kasiyahan ng lipunan at walang saysay na katuwaan at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang mahilig sa kalayawan ay mayroong nakahuhumaling na epekto sa kaisipan. Sila ay natatangay mula sa isang anyo ng kalayawan tungo sa iba pa hanggang sa mawalan na sila ng pagnanais at kakayahang mabuhay ng buhay na kapakipakinabang. Nanlalamig ang kanilang pananampalataya; ang kanilang espiritwal na pamumuhay ay dumidilim. Ang mga marangal na kakayahan ng kaluluwa na naguugnay sa tao sa espiritwal na mundo ay napapababa.” COL 54.3

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org