“Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.” KJV - Awit 78:3,4
“Ang plano ng kaligtasan ng langit ay lubhang malawak para sakupin ang buong mundo. Ang Diyos ay matagal ng nagnanais na igawad ang hininga ng buhay sa nalugmok na sangkatauhan. At hindi Niya pahihintulutan ang sinumang tapat na kaluluwa na mabigo sa kanyang pananabik para sa isang bagay na mas mataas at mas marangal kaysa sa anumang maaaringmaiaalok ng mundo. Patuloy Niyang ipinapadala ang Kanyang mga anghel sa mga tao, na bagaman napapaligiran ng mga pangyayaring nakapanghihina ng loob ay nananalangin nang may pananampalataya tungo sa kapangyarihan na mas mataas kaysa sa anumang maarok ng kanilang sarili at nagdudulot ng pagpapalaya at kapayapaan. Sa iba't ibang paraan ay ihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa kanila at iuugnay sa mga probidensya na magpapatatag ng kanilang pagtitiwala sa Isa na nagbigay ng Kanyang sarili bilang pantubos para sa lahat, ‘upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos.” Awit 78:7 . PK 377.1
“Ako ay natuon sa poot ng Diyos na dumating sa mga hindi naniniwala at masuwaying bayan ng sinaunang Israel. Ang kanilang tungkulin na turuan ang kanilang mga anak ay malinaw na iniatas sa kanila. Ito ay kasing-bisa sa atas sa mga nananampalatayang mga magulang sa henerasyong ito. “Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig. Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.” 5T 37.1
Basahin ang Awit 78. Anong tatlong mahahalagang yugto ng kasaysayan ang itinampok sa awit na ito? Anong paulit-ulit na mga aral ang kinukuha ni Asap sa bawat yugto?
“Inutusan ng Diyos ang mga anak ni Israel na magkampo sa lugar na iyon, kung saan walang tubig, upang subukin sila, upang tingnan kung sila ba ay babaling sa kanya sa kanilang kagipitan, o sila ba ay magbubulong-bulungan gaya ng kanilang ginawa noon. Dahil sa nagawa ng Diyos para sa kanilang kamangha-manghang pagkaligtas, dapat sana’y mayroon silang pananalig sa kaniya sa panahon ng kanilang kagipitan. Dapat sana ay nauunawaan nila na hindi niya hahayaang mamatay sila sa uhaw, sa kanila na pinangakuan Niyang tatanggapin bilang Kanyang bayan. Ngunit sa halip na magsumamo sa Panginoon sa pagpapakumbaba na ibigay ang kanilang pangangailangan, bumulung-bulong sila laban kay Moises, at humingi sa kanya, ng tubig. Ang Diyos ay patuloy na nagpapakita ng kanyang kapangyarihan sa isang kamangha-manghang paraan sa harap nila upang ipaunawa sa kanila na ang lahat ng mga pakinabang na kanilang natatanggap ay nagmula sa kanya; na maaari niyang ibigay ang mga ito, o alisin ang mga ito, ayon sa kanyang sariling kalooban. Kung minsan ay lubos nilang naunawaan ito, at lubos na nagpakumbaba sa kanilang sarili sa harapan ng Panginoon; ngunit kapag nauuhaw, o kapag nagugutom, ibinabaling nila ang lahat kay Moises, na tila ba umalis sila sa Ehipto upang palugdan siya. Nagdalamhati si Moises sa kanilang malupit na pagbulung-bulong. Nagtanong siya sa Panginoon kung ano ang dapat niyang gawin; sapagka't ang mga tao ay handang batuhin siya. Inutusan siya ng Panginoon na hampasin ang bato ng pamalo ng Diyos. Ang ulap ng kanyang kaluwalhatian ay nagpahinga nang direkta sa harap ng bato. “Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman. Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.” Hinampas ni Moises ang bato, ngunit si Cristo ang tumayo sa tabi niya at naging dahilan ng pag-agos ng tubig mula sa bato. At tinukso ng mga tao ang Panginoon sa kanilang pagkauhaw, at sinabi, Kung inilabas tayo ng Dios dito, bakit hindi niya tayo binibigyan ng tubig, gayundin ng tinapay? Na kung magpakita ng kriminal na kawalan ng pananampalataya, at natakot si Moises na parusahan sila ng Diyos dahil sa kanilang masasamang pag-ungol. Sinubok ng Panginoon ang pananampalataya ng kanyang bayan ngunit hindi nila tiniis ang pagsubok. Nagbulung-bulungan sila para sa pagkain, at para sa tubig, at nagreklamo kay Moises. Dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya, pinahintulutan ng Diyos ang kanilang mga kaaway na makipagdigma sa kanila, upang maipakita niya sa kanyang bayan kung saan nagmumula ang kanilang lakas .” 1SP 227.1
Matapos tumawid ang Israel sa dagat, at pagkatapos na lamunin ng dagat ang kanilang mga kaaway, lahat sila ay umawit at nagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos, ngunit bagaman ang hukbo ni Paraon at ang dagat ay hindi na kinatatakutan sa kanila, ang kanilang mga pagsubok, pagdududa, at takot ay hindi pa nagwawakas: Halos kaagad pagkatapos nilang makita ang dagat sa likuran at ang disyerto sa unahan ay sinimulan nilang balingan si Moises sa pagdadala sa kanila sa disyerto upang magutom doon dahil sa kakulangan ng tubig at pagkain. Hindi pumasok sa kanilang isipan na kung matutuyo ng Diyos ang dagat, tiyak na mapapabaha Niya ang disyerto at mapamumulaklak na parang rosas. Sa kabila ng kanilang mga pag-aalinlangan at pag-ungol, ang Diyos ay muling gumawa ng isang mas malaking himala: Siya ay nagpabuga ng tubig mula sa bato at Siya ay nagpadala ng manna mula sa Langit!
Basahin ang Awit 105. Anong makasaysayang mga pangyayari at ang kanilang mga aral ang itinampok sa awit na ito?
“Lahat ng nagaangking mga anak ng Diyos ay inaanyayahan kong isaalang-alang ang kasaysayan ng mga Israelita, tulad ng nakatala sa ika-105,106, at 107 sa mga awit. Sa maingat na pag-aaral sa mga banal na kasulatang ito, maaari nating lubos na mapahalagahan ang kabutihan, awa, at pag-ibig ng ating Diyos.” 8T 107.1
“Sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng makapangyarihang kamay, Kanyang inilabas ang sariling bayan sa lupain ng Egipto. Exodo 32:11 . “Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang. Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham. Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman.' Awit 105:26, 27 ; 106:9 . Iniligtas Niya sila mula sa kanilang pagiging alipin, upang madala Niya sila sa isang mabuting lupain, isang lupain na sa Kanyang probisyon ay inihanda Niya para sa kanila bilang isang kanlungan mula sa kanilang mga kaaway. Dadalhin Niya sila sa Kanya at papalibutan ng Kanyang walang hanggang mga bisig; at bilang kapalit sa Kanyang kabutihan at awa, kanilang dadakilain ang Kanyang pangalan at gagawin itong maluwalhati sa lupa. PK 16.2
“Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya. Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata: Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad, Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay, Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha, Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak: Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.” Deuteronomio 32:9-12 . Sa gayo'y dinala Niya ang mga Israelita sa Kanyang sarili, upang sila ay manahan sa ilalim ng lilim ng Kataas-taasan. At mahimalang iingatan mula sa mga panganib sa ilang, at sa huli ay itatatag sila sa Lupang Pangako bilang isang pinapaborang bayan.” PK 17.1
Basahin ang Awit 106. Anong makasaysayang mga pangyayari at ang kanilang mga aral ang itinampok sa awit na ito?
“ At sila'y naglakbay mula sa Succoth, at humantong sa Etham, sa hangganan ng ilang. At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi. Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan. Sabi ng salmista, “Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi.” Awit 105:39 . Tingnan din ang 1 Corinto 10:1, 2 . Ang pamantayan ng kanilang hindi nakikitang Pinuno ay lagi nilang kasama. Sa araw, ginagabayan ng ulap ang kanilang mga paglalakbay at nagsisilbing lilim sa hukbo. Nagsilbi itong proteksiyon mula sa nagniningas na init, at sa pamamagitan ng lamig at halumigmig nito ay nakapagbibigay ng pamatid sa tuyo at uhaw na disyerto. Sa gabi ito ay nagigi+ng isang haligi ng apoy, na nagliliwanag sa kanilang kampo at patuloy na tinitiyak sa kanila ang banal na presensya . PP 282.2
“Sa isa sa pinakamaganda at nakaaaliw na mga talata ng propesiya ni Isaias, nabanggit ang haliging ulap at apoy na kumakatawan sa pangangalaga ng Diyos sa Kanyang bayan sa huling dakilang pakikipaglaban sa mga kapangyarihan ng kasamaan: “At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.” Isaias 4:5, 6 ,.” PP 283.1
“Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Diyos para sa Kanyang bayan sa ilang, ang mga anak ni Israel, pagkatapos nilang manirahan sa Canaan, ay patuloy na lumakad sa kanilang sariling mga daan. “Hindi nila nilipol ang mga bansa, na pinag-utos sa kanila ng Panginoon; ngunit nakihalubilo sila sa mga pagano, at natuto ng kanilang mga gawa. At sila'y naglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging isang silo sa kanila.... Kaya't ang poot ng Panginoon ay nagningas laban sa Kanyang bayan, kung kaya't Kanyang kinasusuklaman ang Kanyang sariling pamana. At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang napopoot sa kanila ay naghari sa kanila.'” ST February 26, 1902, par. 1
Basahin ang Awit 80. Paano inilalarawan ang bayan ng Diyos sa awit na ito, at anong dakilang pag-asa ang kanilang isinasamo?
“Binigyang pabor ng Panginoon ang Kanyang piniling bayan tungo sa kasaganaan. Sinabi ng salmista, “Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon. Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain. Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios. Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog.”[ Awit 80:8-11 .] Ipinahayag ng Diyos na ang bayang ito ay isang banal na bayan sa Kanyang sarili, at nangako Siya na kung tutuparin nila ang kanilang tipan sa Kanya, ibibigay niya sa kanila ang lahat ng kailangan para sa kanilang kaligayahan. 14LtMs, Ms 134, 1899, par. 18
“Tunay na tiyak ang tagubiling ibinigay ni Cristo nang ipaalam Niya kay Moises ang mga tuntunin ng kanilang kasaganaan, at ang kanilang kalayaan mula sa sakit. pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan: Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto. Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi. [ Deuteronomio 7:6-9 .]” 14LtMs, Ms 134, 1899, par. 19
“Sa pamamagitan ng isang talinghaga, ikinuwento ni Isaias na may nakakaantig ang kuwento ng pagtawag at pagsasanay ng Israel na tumayo sa mundo bilang mga kinatawan ni Jehova, na nagbubunga sa bawat mabuting gawa: PK 17.2
“Paawitin ninyo ako sa aking pinakamamahal, ng awit ng aking minamahal tungkol sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay may ubasan sa isang mainam na burol: At kaniyang binangbangan ang palibot at inalis ang mga bato, at tinamnan ng piling puno ng ubas, at nagtayo ng isang moog sa gitna niyaon, at tinabasan din naman ng isang pisaan ng ubas: at kaniyang hinintay na magbunga ng ubas, at nagbunga ng ubas gubat. ' Isaias 5:1, 2 . PK 17.3
“Sa pamamagitan ng piniling bayan, nilayon ng Diyos na maipadala ang pagpapala sa buong sangkatauhan. “Ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo,” paghahayag ng propeta, “ay ang sangbahayan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ay ang kaniyang maligayang pananim.” Isaias 5:7 . PK 17.4
“Sa bayang ito ipinagkatiwala ang mga orakulo ng Diyos. Sila ay binigkis ng mga tuntunin ng Kanyang kautusan, ang walang hanggang prinsipyo ng katotohanan, katarungan, at kadalisayan. Ang pagsunod sa mga alituntuning ito ay ang kanilang proteksyon, sapagkat ito ay magliligtas sa kanila mula sa pagsira sa kanilang sarili sa pamamagitan ng makasalanang mga gawain. At bilang tore sa ubasan, inilagay ng Diyos sa gitna ng lupain ang Kanyang banal na templo.” PK 18.1
Basahin ang Awit 135. Anong mga makasaysayang mga pangyayari ang itinampok sa salmo? Anong mga aral ang nakukuha sa kanila ng mangaawit?
“Iniligtas ng Diyos ang Kanyang bayang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Dinala niya sila sa kanilang sariling lupain, at binigyan ng magandang pamana at tiyak na mga tahanan. At humingi Siya sa kanila ng pagkilala sa Kanyang mga kamangha-manghang gawa. Ang mga unang bunga sa mundo ay dapat italaga sa Kanya, at ibabalik bilang handog ng pasasalamat, isang pagkilala sa Kanyang kabutihan sa kanila. Sapagka't kanilang sinabi, At kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian; At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan: At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot. At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin.” RH Disyembre 25, 1900, par. 3
“'Sa kaniya na nanakit sa Egipto sa kanilang mga panganay,' 'at naglabas sa Israel sa gitna nila,' 'sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig;' 'sa kaniya na naghati sa Dagat na Pula,' 'at nagparaan sa Israel sa gitna niyaon,' 'ngunit ibinagsak si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Pula;' 'sa kanya na nanguna sa bayan sa ilang; ' 'sa kanya na pumatay sa mga dakilang hari,' 'at pumatay sa mga bantog na hari,' 'Sihon na hari ng mga Amorrheo,' 'at Og na hari ng Basan,' 'at ibinigay ang kanilang lupain bilang mana,' 'kahit isang mana sa Israel na kanyang lingkod,'—sa kanya, ang Makapangyarihang Pinuno ng mga hukbo ng Israel, ang nagbalik na mga tapon ngayon ay nagbigay ng papuri sa Isa na ang awa ay nananatili magpakailanman. RH Abril 11, 1907, par. 10
“At ang parehong Makapangyarihang Pinuno na ito ay ang Isa na “umaalala sa ating mababang kalagayan,' 'at nilogtas tayo mula sa ating mga kaaway.' O, lagi tayong “magpasalamat sa Diyos ng langit: sapagka’t ang kanyang kagandahang-loob ay magpakailanman!” RH Abril 11, 1907, par. 11
“Sa tipan ng Diyos sa Kanyang bayan noong sinaunang panahon, ang mga tagubilin ay ibinigay para sa tapat na pagkilala sa mapagbiyaya at kamangha-manghang mga gawa na Kanyang ginawa para sa kanila. Iniligtas ng Diyos ang Kanyang bayang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Dinala niya sila sa kanilang sariling lupain at binigyan sila ng magandang pamana at tiyak na mga tahanan. At humingi Siya sa kanila ng pagkilala sa Kanyang mga kamangha-manghang gawa. Ang mga unang bunga ng lupa ay dapat italaga sa Diyos at ibalik sa Kanya bilang handog ng pasasalamat, isang pagkilala sa Kanyang kabutihan sa kanila. Sapagka't kanilang sinabi: “At kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian; At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan: At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot. At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin.” [ Deuteronomio 26:7-10 .] 22LtMs, Ms 67, 1907, par. 1
“Si Cristo ang kanilang tagapagturo. Kung paanong Siya ay kasama nila sa ilang, gayon din Siya ay magiging kanilang guro at gabay. Sa tabernakulo at sa templo ang Kanyang kaluwalhatian ay nananahan sa itaas ng luklukan ng awa. Para sa kanila ay patuloy Niyang ipinakikita ang kayamanan ng Kanyang pag-ibig at pagtitiis. PK 18.2
“Sa pamamagitan ni Moises ang layunin ng Diyos ay nilatag sa kanilang harapan at ang mga tuntunin ng kanilang kasaganaan ay naging malinaw. “Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios,” sabi niya; “at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.” PK 18.3
“Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo'y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig: At inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pag-aari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos; At upang itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinabi.” Deuteronomio 7:6 ; 26:17-19 . PK 18.4
“Ang mga anak ni Israel ay nakalaan na manahan sa lahat ng teritoryo na itinalaga sa kanila ng Diyos. Yaong mga bansang tumanggi sa pagsamba at paglilingkod sa tunay na Diyos ay aalisin. Ngunit layunin ng Diyos na sa pamamagitan ng paghahayag ng Kanyang katangian sa pamamagitan ng Israel ay mapalapit ang mga tao sa Kanya. Sa buong mundo ang paanyaya sa ebanghelyo ay ibibigay. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng sacrificial service, si Cristo ay dapat maitaas sa harap ng mga bansa, at lahat ng titingin sa Kanya ay mabubuhay. Ang lahat ng tulad ni Rahab na Canaanita at Ruth na Moabita na tumalikod mula sa idolatriya tungo sa pagsamba sa tunay na Diyos ay makikiisa sa Kanyang piniling bayan. Habang dumarami ang bilang ng Israel, kanilang palalawakin ang kanilang mga hangganan hanggang sa sakupin ng kanilang kaharian ang mundo.” PK 19.1