Isang Lungsod na Tinatawag na Kalituhan

Aralin 9, 2nd Quarter May 20-26, 2023

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath ng hapon - Mayo 20

Memory Text:

“Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.” KJV - Pahayag 17:14


Sa Apocalipsis 14 ang unang anghel ay sinundan ng pangalawang pagpapahayag: “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.” Apocalipsis 14:8 . Ang terminong “Babilonia” ay nagmula sa salitang “Babel,” na nangangahulugan ng pagkalito. Ito ay ginamit sa Kasulatan upang tukuyin ang iba't ibang anyo ng huwad o apostatang relihiyon. Sa Apocalipsis 17 ang Babilonia ay kinakatawan bilang isang babae—ang pigura na ginagamit sa Bibliya bilang simbolo ng iglesia, isang banal na babae na kumakatawan sa isang dalisay na iglesia, at isang hamak na babae na isang apostatang iglesia.

Linggo - Mayo 21

Dalawang Magkalabang Sistem


Basahin ang Apocalipsis 12:17 at Apocalipsis 17:14. Paano inilalarawan ang iglesia ng Diyos, at ano ang reaksyon ni Satanas dito?

Rev. 12:17 –“At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus.”

Ang terminong "nalabi" ay naghahayag na ang kanyang binhi ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang isa ay kinuha, ang isa ay naiwan. Bilang halimbawa, si Nehemias ay nagpaliwanag: “Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan.” Neh. 1:3. Ang "nalabi" ay palaging kumakatawan sa isang bahagi ng kabuuan, malaki man o maliit.

At pansinin na ang dragon ay nakipagdigma hindi laban sa nalabi mula sa “ baha ,” kundi laban sa nalabi sa kanyang binhi . Si Cristo bilang kaisa-isang anak ng babae, ang kanyang binhi samakatuwid ay ang mga Kristiyano, yaong mga ipinanganak sa iglesia sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo. Alinsunod dito, ang pagdadala ng mga unang bunga sa Bundok ng Sion (Apoc. 14:1) ay nagdudulot ng isang kalagayan sa mga nalabi na nananatili pa rin sa mga Hentil. Samakatuwid, sa pagkakataong ito,

sila na mga pangalawang bunga ay ang mga nalabi.

Tandaan na pagkatapos lamunin ng lupa ang baha, saka nagalit ang dragon sa babae, at “upang makipagdigma sa nalabi sa kanyang binhi [hindi sa kanya mismo], na sumusunod sa mga utos ng Diyos at may patotoo ni Jesu-Kristo.” Apoc. 12:16 17. Maliwanag, kung gayon, na hindi maitatanggi ang konklusyon na ang pagaalis sa baha ni Satanas ay ang paglilinis ng iglesia, ang pagwasak sa mga sumapi sa iglesia sa tulong ng ahas. Ang pagdadalisay na ito ang mismong bagay na nagbibigay-daan sa iglesia bilang isang katawan na sundin ang mga utos ng Diyos at magkaroon din ng patotoo kay Jesucristo, ang buhay na Espiritu ng Propesiya (Apoc. 19:10), sa kanyang kalagitnaan. Ito ang tanging pag-asa niya, ang tanging lakas niya, ang tanging paglaya niya. Sa ganitong liwanag, inilalagay na ngayon ng Inspirasyon ang bagong buhay sa mga salita –

“Gumising, gising; isuot mo ang iyong lakas, O Sion; isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, O Jerusalem, ang banal na lungsod: sapagka't mula ngayon ay hindi na papasok sa iyo ang hindi tuli at ang marumi.” Isa. 52:1.

Samakatuwid, ang paglilinis ng iglesia ay hindi magdadala ng milenyal na panahon ng kapayapaan. Tunay na hindi ngunit ito ang magdadala sa wakas ng masasama sa iglesia at kasama nito ang pinakadakilang galit ni Satanas laban sa nalabi, laban sa mga tao na habang nasa gitna pa ng mga Gentil ay nangahas na manindigan sa panig ng Panginoon. Sila, gayunpaman, ay maliligtas kung sila ay manindigan sa panig ng Panginoon at sa gayon ay ilagay ang kanilang mga pangalan sa “aklat.” Dan. 12:1.

Ang dragon ay hindi maaaring makipagdigma sa babae, ang iglesya na binubuo ng mga unang bunga, dahil sa panahong iyon ay kasama niya ang Kordero sa Bundok ng Sion (Apoc. 14:1), na hindi maaabot ng dragon.

Apoc. 17:12-14 – “Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.”

Ang mga haring ito ay magiging laban sa relihiyon at samakatuwid ay mga laban sa Kristiyano. Sa kalaunan sila ay makikipagdigma sa Panginoon at sa Kanyang mga tinawag, pinili, at tapat, ngunit “ang Kordero ay mananaig” sa mga hari.

Basahin ang Apocalipsis 14:8 at Apocalipsis 17:1, 2. Anong solemneng pahayag ang ginawa ng anghel? At ano ang ginawa ng Babilonya upang matiyak ang gayong anunsyo?

Ang anghel na nakikipag-usap kay Juan ay isa sa pitong may pitong mangkok ng pitong huling salot. (Tingnan sa Apoc. 15:7; 16:1.) Mapapansing inihanda na niya ang mangkok ng salot, ngunit hindi pa ito ibinuhos nang sabihin niya kay Juan, “Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot .” Sa impormasyong ito, natitiyak na ang kaganapang hinulaan sa simbolo, ang pagsakay ng babae sa hayop, ay bago ibuhos ang mga salot at sa panahon kung kailan ang "babae" ay hahatulan .

At sa katotohanan na ang babae ay nakasakay sa hayop, na nagmamando dito, ay positibong ipinapakita na siya ang namamahala dito, at ang hayop mismo ay ang simbolo ng kapangyarihan ng Dakilang Babilonya.

Ang babaeng ito ay hindi sumasagisag ng isang bagay na bago, ngunit isang bagay na kasingtanda ng panahon ng mga martir, dahil siya ang dahilan ng kanilang pagkapatay. Ano nga kaya siya kundi isang huwad na relihiyon na nagmula sa hindi katanggap-tanggap na hain ni Cain? Mula noon siya ay nagbunga ng sektaryanismo, naging ina ng mga patutot. Pansinin na ang kanyang mga kasuklam-suklam ay ginawang lubhang kaakit-akit, na ibinibigay mula sa isang gintong saro na hawak ng mga kamay na napakarilag na pinalamutian ng pinakamamahal na bagay sa lupa.

Lunes - Mayo 22

Ang Alak ng Kagalitan


Basahin ang Apocalipsis 17:1, 2, 15 at Apocalipsis 18:1–4. Gaano kalawak ang impluwensya ng Babylonya?

Ang kanyang pag-upo sa mga ulo (Apoc. 17:9) ay nagpapahiwatig na siya ang nagkokontrol sa mga iglesia, at ang kanyang pagmamando sa hayop ay nagpapahiwatig na siya ang magiging soberano ng mundo. Ang sistemang ito ng pagsamba at paghahari ay hindi isang bagong bagay sa ilalim ng araw, sapagkat “nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa..” Apoc. 18:24. Samakatuwid, siya ay nararapat tawagin na Babylonya, ang pangalan ng pinakamatanda, ang unang imperyo ng mundo - ang tipo.

Ang antitipikal na Babilonia, kung saan ang bayan ng Diyos sa panahong ito ay tinatawagang lumabas, ay ang magmomonopolize maging sa komersyo ng mundo, gaya ng malinaw na inihayag sa hula [sa Apoc . 18:11-13, 15-19]…

Kaya, sa ilang sandali matapos itong maitayo, ang pederasyong ito ng iglesia at estado ay ilulubog sa limot, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, (Apoc. 18:21). At ang sigaw ng kanyang mga nagdadalamhati ay magiging: “Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan.” Apoc. 17:12; 18:10, 17. Ang oras na ito, na nagdadala ng kamatayan sa Babilonia, ay walang iba kundi yaong, ayon sa talinghaga ni Jesus (Mat. 20:11-16), ay ang huling parabolic na oras (yugto) ng araw (probationary time); iyon ay mula sa ikalabing-isang oras na tawag para sa mga manggagawa (ang huling mensahe sa mundo – Mal. 4:5), hanggang sa ikalabindalawang oras (paglubog ng araw, sa sinaunang orasan), ang pagtatapos ng araw – ang pagsasara ng yugto ng ebanghelyo ( Matt. 24:14), ang pagsasara ng pag-aani (Jer. 8:20), ang pagsasara ng probation (Apoc. 22:11).

Ang “sampung sungay” ng hayop na pula (ang mga tagapamahala na kaniyang pamamahalaan sa loob ng isang oras) “ay pababayaan at huhubaran siya, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy. Apoc. 17:16. Kaya't sa katagalan ay aalisin nila siya magpakailanman, at ang sistemang sinasagisag niya, ang "imahe ng hayop," ay gigibain. Sa umaalingawngaw na pagbagsak na ito ng Babilonya, “At ang mga hari sa lupa … ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya,… At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay!” Apoc. 18:9, 10 .

Ang panaghoy ng “mga hari” ay nagpapakita na sila ay nakikiramay sa kanya, samantalang ang mga sungay ay napopoot sa kanya. Ang “mga hari,” samakatuwid, ay hindi maaaring yaong sinasagisag ng walang koronang sungay ng hayop, bagkus yaong sinasagisag ng nakoronahan na mga sungay ng hayop na parang leopardo. Sila ang nakoronahan na mga hari na bumangon pagkatapos ng pagbagsak ng paganong Roma, at ngayon ay mabilis na mapupunta sa pagkatapon.

Martes - Mayo 23

Misteryo ng Dakilang Babylonya


Basahin ang Apocalipsis 17:4–6. Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa kalikasan ng masamang sistemang ito?

Ang dahilan kung bakit ipinakita kay Juan ang pangitain ay nilinaw ng mga salita ng anghel: “Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig.” Ang interpretasyon ng anghel sa “tubig” ay ibinigay sa talata 15: “mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika..” Ang pagupo ng babae sa kanila ay nagsasaad na ang mga naninirahan (tubig) ay nahulog sa kanyang bitag ng panlilinlang (pagupo sa kanila).

“At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid.” (Talata 4.) Ang babae ay simbolo ng isang huwad na sistema ng relihiyon. Mula sa kanyang saro ay nagbibigay siya ng mga maling doktrina. Sa pagiging ginintuan, ito ay may anyo ng karangyaan - kaakit-akit. Ang kanyang mamahaling kasuotan na may matitingkad na kulay at mamahaling mga palamuti ay malinaw na naglalarawan ng karilagan ng pinakamasamang babaing ito at ng kanyang makaharing karangyaan, at walang kabuluhang kaluwalhatian. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang pangaakit, na hindi mapaglabanan sa mata ng tao, nasakop niya ang mga pinakamatatalinong tao – “Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa.” Milyun-milyong tao na may malakas na kakayahan sa pag-iisip, mga malalaking tao na naninirahan sa lupa ang naging mga kaawa-awang biktima ng kanyang bitag. Ang mga hari sa lupa ay nagkasala ng espirituwal na pangangalunya sa “babae” (pagkalasing sa huwad na mga doktrina), at sa gayo’y nasangkot sa kaniyang mapang-akit na mga silo.

Anumang tinatawag na organisasyong Kristiyano na nagbibigay ng mga maling doktrina sa ilalim ng pagpapakita ng kabutihan ay maliwanag na pinamamahalaan ng kapangyarihan ng “babae.” Ang pinagmulan ng lahat ng gayong maling aral ay masusubaybayan mula sa sarong ginto. Sinabi ng anghel: “ Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae.” Nauna nang ipinaliwanag na ang mga ulo ay mga simbolo ng tinatawag na mga denominasyong Kristiyano, at sa kaniyang pagupo sa kanilang lahat , ito ay nagsasaad ng pagkakaisa ng mga iglesia sa ilalim ng isang ulo – “ang babae.” Mauunawaan na ang numerong "pito" sa Bibliya ay sumasaklaw sa lahat ng mga ganitong organisasyon.

Kung ang lahat ng mga iglesia sa kasalukuyang panahon ay pinamumunuan ng Banal na Espiritu ay hindi magkakaroon ng kalituhan sa mga tinatawag na mga sektang Kristiyano. Dahil imposible para sa lahat na maging tama samantalang walang dalawa ang magkatulad ng pinaniniwalaan, makatuwirang masasabi na yaong mga umiinom ng alak mula sa “saro ng kanyang pakikiapid,” ay hindi kakaunti sapagkat ang Inspirasyon ay nagsasabi: “at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.” (Talata 2)

Tandaan na ang "babae" ay nakaupo sa “tubig,” gayundin sa “mga ulo,” at sa hayop. (Tingnan sa Apoc. 17:1, 3, 9.) Dahil imposible para sa isang tao na umupo sa tatlong bagay sa isang pagkakataon, ang makahulang mga simbolo ay nagpapakita ng espirituwal na pandaraya sa tatlong magkakaibang panahon. Kaya ipinahayag ni Juan: “At nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula.” Hindi sa "tubig", ni sa "mga ulo." Bago niya ito nakita, sinabi ng anghel, Ang babae ay “nakaupo sa maraming tubig.” Idinagdag din ng anghel, “Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae: .” (Tingnan ang mga talata 1, 9.) Kaya, nakita lamang ni Juan ang kanyang huling pagsasamantala (ang pagsakay sa hayop). Dahil dito, ang simbolo ng pagupo sa “tubig” ay ang kanyang unang pagkilos, ayon sa pangitain.

Samakatuwid, ang kanyang unang tagumpay ("pagupo sa tubig") ay mula sa nakaraan mula pa noong ipinahayag ang makahulang simbolo. Samakatuwid, ang pag-upo sa mga ulo ay ang kanyang pangalawang tagumpay, at ang pagsakay sa Hayop ay ang huli; sa oras na iyon siya ay hahatulan.

Dahil ang mga simbahang Protestante ay kinakatawanan ng mga ulo, hindi siya maaaring makaupo sa mga ito bago ang repormasyon, sapagkat hindi pa ito umiiral noon. Yamang ang mga ulo na kinauupuan ng “babae” ay walang sugat, maliwanag na ang makahulang simbolo ay magkakaroon ng katuparan sa panahon pagkatapos na ang nakamamatay na sugat ng hayop gaya ng Leopardo (Apocalipsis 13:3) ay gumaling. Ang simbolo ng pagkaupo sa mga ulo ay nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng mga iglesia sapagkat siya ay nakaupo sa kanila.

Samakatuwid, kapag ang Katolisismo, Protestantismo, at Espiritismo ay magkapit-bisig sa pamamagitan ng isang samahan, kung gayon ay masasabing, “ang babae ay nakaupo sa mga ulo .”

Ang simbolo ng “babaeng nakasakay sa hayop” ay magkakaroon ng katuparan kapag ang relihiyosong pederasyon ay nakipag-alyansa sa mga kapangyarihan ng mundo. Ang ganitong pagkilos ay magbibigay sa babae ng ganap na kontrol sa kabuuan ng hayop, sa mga sungay at mga ulo - ang mundo. Sa panahong iyon ang sumusunod na Kasulatan ay makakamit ang ganap na katuparan nito: “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop

.” ( Apoc. 13:16, 17 .)

Kaya ang simbolo ng "babae" na nakaupo sa "tubig" ay kumakatawan sa panahon bago ang repormasyon. Ito ay totoo sa panahon ng pangingibabaw ng papa, dahil sa panahong iyon ang kapapahan ay namuno sa mundo ng mga Romano – “mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.” Kaya’t ang “babae” ay umupo sa mga “tubig” noong panahon ng 1,260 na makahulang mga taon ng Daniel 7:25, ngunit siya ay uupo pa sa “mga ulo” at sa “hayop.” Kung siya ay uupo sa di-nailalarawan na hayop (non-descript beast) sa halip na sa "tubig," magiging mali ang simbolo dahil, ang "babae," sa pamamagitan ng Katolisismo, ay hindi naghari sa buong mundo (hayop), ngunit sa ibabaw ng mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika” (maraming tubig). Samakatuwid, ang simbolo ng “pagsakay sa hayop na pula” ay tumutukoy sa isang international religio-political system.

Miyerkules - Mayo 24

Isang Panawagan


Ihambing ang Mateo 16:18 at Apocalipsis 17:14 . Anong pangako ang ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga disipulo tungkol sa Kanyang iglesia?

Matt. 16:18 – “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Ang mga salitang "ikaw" at "ito" ay tumutukoy sa dalawang bagay - si Pedro at ang katotohanang kanyang binigkas. Ang pangalang "Pedro" sa Griyego ay nangangahulugang "bato." Kaya ang talagang sinasabi ni Jesus ay hindi ang pangalanan ang lalaki, ngunit sa halip ay sabihin sa kanya na siya ay pinili upang maging isa sa mga bato sa espirituwal na istraktura - ang iglesia. Ngunit “Sa batong ito [hindi sa isang bato] ay itatayo ko ang aking iglesia”, pahayag ni Jesus. Saang bato? – Malinaw na sa matibay na bato ng Katotohanan, ang katotohanang binigkas ni Pedro – ang katotohanan na si Jesu-Kristo ay ang “Anak ng Diyos.”

Pagkatapos ay ipinaalam ni Jesus na ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi maaaring manaig laban sa Katotohanan, na ang mga pintuan ay hindi maaaring panatilihin sa impiyerno (sa libingan) maging ang mga patay kay Cristo, na sila din ay magiging bahagi ng walang hanggang buhay na iglesia, ang iglesia na nakatayo sa matatag na Bato ng Katotohanan.

Apoc. 17:14 – “ Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.”

Ang mga haring ito ay magiging laban sa relihiyon at samakatuwid ay mga laban sa Kristiyano. Sa kalaunan sila ay makikipagdigma sa Panginoon at sa Kanyang mga tinawag, pinili, at tapat, ngunit “ang Kordero ay mananaig” sa mga hari.

Ang babae, gaya ng ipinakita kanina, ay ang simbolo ng isang pinagsama-samang sistema ng relihiyon kung saan ang mga sungay ay hindi lamang hindi nagkakasundo kundi mga kaaway din niya. Dahil dito, pagkatapos na lumipas ang simbolikong oras, inalis nila siya mula sa pagkaupo sa hayop, “siya'y pababayaan at huhubaran nila at siya'y lubos na susupukin ng apoy.” Pagkatapos ay tatanggapin nila ang kanilang kaharian “sa isang kapanahunan at isang panahon.” Dan. 7:12.

Huwebes - Mayo 25

Babylon: Ang Sentro ng Idolatriya


Basahin ang Jeremias 50:33–38 at Jeremias 51:17, 47. Ano ang natuklasan mo sa mga talatang ito tungkol sa pagsamba ng sinaunang Babilonya sa mga imahen at ang naging tugon ng Diyos dito?

Sino ang tinutukuyan ng Babylonya … Una sa lahat ang Babylon ay nagpapakilala sa paparating na ecclesiastical-political-economic system ng mga bansa, hindi lamang isang institusyon o organisasyon; pangalawa, na ang hayop na kanyang pinatatakbo ay isang pigura ng kanyang kapangyarihan; at ikatlo, na ito ay malapit nang dumaan mula sa propesiya tungo sa pagiging kasaysayan - sa katunayan, ay nagsisimula na ring lumabas o malantad mula sa maninipis na ulap gaya ng naidulot ng mga baybayin ng Amerika kay Christopher Columbus at sa kanyang mga kasama nang papalapit sila sa dakilang Western Continent.

Ang hayop na kinasasakyan ng babae, malinaw na inihahayag ng Babilonya ang tatlong mahahalagang katotohanan: una, ang panawagan sa bayan ng Diyos na lumabas sa Babilonya (Apoc. 18:4) ay isang panawagan para sa kanila na lumabas mula sa mga bansa na sinasagisag ng hayop na kanyang pinapamahalaan (pinamumunuan); ikalawa, na ang mga tinawagan ay lalabas mula sa kanyang makasalanang kapangyarihan dahil ito ay wawasakin ng mga salot; at ikatlo, ang kanilang paglabas ay nangangahulugan na sila ay pupunta sa isang lugar kung saan walang kasalanan at kung saan walang panganib ng pagbagsak ng mga salot. Kaya, ang kanilang paglabas sa kanyang kapangyarihan ay ang kanilang pagpunta sa kaharian ng Diyos.

Pagkatapos ang babala laban sa pagtanggap ng marka (Apoc. 14:9-11), kasama ang panawagang lumabas ay mauulit na may napakalakas na sigaw sa buong Babilonia.

Yaong makakatagpo sa kanilang sarili na nasasakupan ng kapangyarihan nito at yaong mga nakatakas rito ay dapat na agad magpasiya na tanggapin ang tatak ng Diyos sa halip na ang marka ng hayop kung nais nilang makatakas sa galit ng Diyos. Upang magawa ito, ang unang nabaggit ay dapat lumabas sa kanya, at ang huli naman ay manatiling nakalabas sa kanya. Sa kabila ng parusang kamatayan sa pagsasagawa ng gayong paninindigan (Apoc. 13:15), hindi dapat magkaroon ng pag-aalinlangan o pag-aagamagam.

Dapat dinggin ng mga nasa Babilonia ang Tinig na nagsasabing: “Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot.” Apoc. 18:4. At yaong mga nasa labas ay dapat na maingat na makinig sa babala: “Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay. Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:” Apoc. 14:9, 10 .

Biyernes - Mayo 26

Karagdagang Pag-aaral

Gaano Katagal Ng Umiiral ang Babae?

Ang tanong na ito ay maaaring sagutin ng sumusunod na Kasulatan: “At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.” (Talata 6.) Ito ay tunay na masasabi tungkol sa simbahang Romano, sapagkat, inusig niya ang mga Kristiyano at pinatay sila bilang martir. Samakatuwid, siya ay "lasing" sa kanilang dugo. Totoo, ang simbahang Romano ay may hindi magandang kaugnayan sa “babae”; at siy’ay lasing sa alak ng kanyang pakikiapid.

Ang "babae" ay hindi nagpasimula sa simbahang Romano, ngunit sa halip siya ang gumawa sa simbahang iyon. Samakatuwid, dapat nating subaybayan ang kanyang pag-iral bago pa ang naging pagsibol ng kapapahan. Ang Apocalipsis 18:24 ay nagbibigay-liwanag sa paksa: “At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.” Ang banal na Salita ng Diyos ay nagpapahayag na ang “babae” ay nagkasala sa dugo ng mga martir sa lahat ng panahon. Samakatuwid, ang "babae" ay lasing sa dugo ni Abel, at sa gayon ang dugo ng "lahat" ng mga martir ay matatagpuan sa kanya; na nagpapatunay na si Cain ang kanyang unang ‘kliyente’ sa pamamagitan ng paghahandog ng huwad na sakripisyo (maling doktrina), at sa pagpatay sa kanyang kapatid.

“At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.” (Apoc. 17:5.) Ang babaeng nakasakay sa hayop ay ang ina. Ang pitong ulo sa hayop ay ang mga simbolo ng kanyang mga anak na babae (mga patutot). Ang Katolisismo ang kanyang unang anak na babae sa simbolong ito, at habang ang Protestantismo ay nagmula sa Katolisismo, kung gayon, ang apostatang Protestantismo sa maraming sekta ay kanyang mga anak din. O maaaring sabihin na ang ‘babae” ay ang ina ng Katolisismo at ang Katolisismo ay ang ina ng Protestantismo. Ang sabi ng Tagapaghayag: “At nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong.” (Talata 3.) Kaya ang bilang ng "mga ulo," at "puno ng mga pangalan," ay isinasama ang lahat ng mga offshoots mula sa Protestantismo at Katolisismo. Kung walang binanggit tungkol sa pagiging "puno ng mga pangalan," higit sa pito, at “kulay pula,” na malinaw na nagsasaad na ang bayan ng Diyos ay tinawagang palabas rito, at ang "kulay pula" - sa ilalim ng sumpa na handang mapahamak, ang bilang sa Bibliya na “pitong ulo”, ay maaaring isipin na kasama ang mga nagdadala ng mensahe ng Diyos gaya noong panahon ng tulad ng hayop na leopardo sa Apocalipsis 13:1, ang panahon na ang kaniyang nakamamatay na sugat ay gumaling Kung magkagayon ay hindi magbibigay ng pataan sa iglesia “ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus” at sa gayon ay sasalungat ito sa sumusunod na Kasulatan: “At nagalit ang dragon sa babae [iglesia ng Diyos],, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi [Israel ang totoo – ang 144,000], na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus.”(Apoc. 12:17.)