Pagsamba sa Lumikha

Aralin 7, 2nd Quarter Mayo 6-12, 2023

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath ng hapon - Mayo 6

Memory Text:

“Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka't nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.” KJV - Pahayag 4:11


Ang paglikha ay nakumpleto na. “At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon.” “At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti.” Ang Eden ay namukadkad sa lupa. Sina Adan at Eva ay maylayang tumungo sa punong kahoy ng buhay. Walang bahid ng kasalanan o anino ng kamatayan ang nakasira sa magandang nilikha. “Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?.” Job 38:7 . PP 47.1

Inilatag ng dakilang Panginoon ang mga pundasyon ng lupa; Binihisan niya ang buong mundo ng damit ng kagandahan at napuno ito ng mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao; Nilikha niya ang lahat ng kababalaghan sa lupa at dagat. Sa loob ng anim na araw ang dakilang gawain ng paglikha ay naisakatuparan. “At nagpahinga ang Diyos ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka't siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.” Ang Diyos ay tumingin nang may kasiyahan sa gawa ng Kanyang mga kamay. Ang lahat ay perpekto, karapat-dapat sa banal na May-akda nito, at Siya ay nagpahinga, ng hindi pagal, ngunit may lubos na kasiyahan sa mga bunga ng Kanyang karunungan at kabutihan at mga pagpapakita ng Kanyang kaluwalhatian. PP 47.2

Linggo- Mayo 7

Isang Kasama sa Kapighatian


Basahin ang Apocalipsis 1:9. Tingnan din ang Mateo 13:21, Mga Gawa 14:22, at Juan 16:33. Ano ang mensahe dito para sa lahat ng naghahangad na sumunod kay Jesus sa mundong ito?

“Ang buhay na saksi ay lubhang nakababagabag sa mga tumatanggi kay Jesus. Ang mga hari at mga pinuno ay hindi makayanang marinig ang pangalang ito; sapagkat itinuturing nila si Cristo na katunggali. Ang pagbanggit sa kaniyang pangalan, ang mga pangyayari sa kaniyang buhay, ang kaniyang kamatayan, at ang pagkabuhay na maguli, ay nagpasiklab sa kanilang matinding paninibugho. Nakita nila si Juan, na pinarangalan at minamahal, na patuloy na tinutukoy si Jesus bilang ang walang hanggang Salita, na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihang higit sa kanilang kapangyarihan. Ang kanyang patotoo ay palaging salita ng Diyos at ang patotoo ni Jesucristo. At sa kabila ng kanyang edad, ang kanyang kagalang-galang na anyo, ang kanyang puting buhok, sa kanilang inggit at paninibugho ay hinatulan nila ang tapat na apostol sa kung ano ang itinuturing noon na pinakamabigat sa lahat ng mga parusa. Siya ay inihiwalay sa kanyang minamahal na bayan, at ipinatapon sa Patmos. “Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.” RH Mayo 16, 1899, par. 8

“Ang matandang kinatawan ni Cristo ay ipinatapon upang ang kanyang patotoo ay hindi na marinig; sapagkat ito ay isang buhay na kapangyarihan sa panig ng tama. Bagaman inihiwalay mula sa kanyang mga kapatid, binisita siya ni Cristo, Siyang hindi na niya nakita mula nang umakyat sa langit. “Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon”, sulat niya, “at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak. Na nagsasabing Ako ang Alpha at ang Omega,ang pasimula at ang wakas... At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man.” RH Mayo 16, 1899, par. 9

“Batid ni Cristo kung saan makikita si Juan; at doon, sa malungkot na isla, binigyan niya siya ng pangitain ukol sa mga huling kaganapan sa kasaysayan ng mundong ito. Ito ay naitala para sa atin. Ang tala ay “ang pahayag ni Jesucristo.” Ang tagapagpahayag ay inihayag. Ang buhay na Diyos ay ipinakita, ang pangangasiwa, sa bawat araw, ang mga pangyayaring nauugnay sa kanyang iglesia. Ipinakita kay Juan ang pinatay na Kordero ng Diyos, ang Leon sa angkan ni Judah, ang Mananakop, na nakatayo sa gitna ng pitong gintong kandelero, na siyang pitong iglesia. RH Mayo 16, 1899, par. 10

“Nang lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo na humiling na, “Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.,” Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari. Sinabi niya sa kanila, Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay.” Ang bautismong ito ay naranasan na ni Santiago. Si Juan ay umiinom na ngayon ng saro na pinaginuman ni Cristo. Siya ay bininyagan ng pagdurusa alang-alang sa kanyang pangalan.” RH Mayo 16, 1899, par. 11

Lunes - Mayo 8

Sambahin ang Lumikha


Basahin ang Apocalipsis 14:7. Paano nagtatapos ang mensahe ng unang anghel? Anong huling apela ang ginagawa ng mensaheng ito sa oras ng paghuhukom? (Tingnan din ang Isa. 40:26, Juan 1:1-3, at Rom. 1:20)

Sa pasimula, ang mga ngayo’y nagyeyelong ‘polar regions’ay yumabong ng may mga halaman at sagana sa mga hayop na ngayon ay natagpuan ng mga geologist na na-preserve sa yelo. Sino, kung gayon, ang maaaring mag-alinlangan na ang tubig “sa itaas ng kalawakan” ay ang sistemang tagapagbalanse ng init sa mundo? Ngunit sa sandaling ang tubig, bilang katuparan ng hula ni Noe, ay nagsimulang bumagsak, - sa katunayan, bago pa man ito bumaba sa mas mababang mga lugar ng lupa, - ang natural na thermostatic system na ito ay mabilis na nasira, at ang ulan, habang ito ay bumabagsak sa lupa, ay biglang naging yelo sa mga polar regions at ang mga hayop habang nabubuhay pa ay nagyelo kasama nito: maliwanag na wala silang panahon na lunukin man ang kanilang pagkain, gaya ng aktwal na itinatag ng iba't ibang mga arkeolohikong paghukay.

Ang daigdig na ngayon ay wala ng heat-equalizing system ay apektado ng matinding init sa tuwing ang araw ay nasa posisyon ng pagpapadala ng mga sinag nito sa panahon ng pinakamanipis na layer ng atmospera gaya na lamang sa katanghalian, kapag ang araw ay diretsong sumisikat pababa at hindi patagilid; at may mas matinding init sa tuwing may density o kakapalan ng atmospera na maaaring sanhi ng kahalumigmigan at mababang altitude; samantalang ang mga kundisyon na kabaligtaran sa mga ito, ay nagdadala ng isang kabaligtaran na sukdulan. Ang mga pabagu-bago, at hindi komportable na mga kasukdulan sa atmospera, na dulot ng baha, ay isa lamang sa mga resulta ng mga sumpa na sumunod sa hindi paniniwala ng tao sa mga banal na babala at mga pagsaway, at ang kanyang pagsuway sa mga utos ng Diyos.

Ang masamang pagkasira ng thermostat ng Kalikasan, na nagreresulta sa hindi komportableng kalagayan sa daigdig, na parehong sumisigaw hindi lamang para sa isang bagong lupa, kundi pati na rin para sa isang bagong langit, ibinaling nga ang ating pansin sa--- The Solar System

Ipinapahayag ng inspirasyon na ang araw ay nilikha sa ika-apat na araw ng linggo ng paglikha, at natuklasan ng agham ng astronomiya na sa ating solar system ay mayroong walong iba pang planeta bukod sa planetang Earth na nakadepende sa araw para sa liwanag, init, at nagbibigay-buhay na enerhiya. . (May posibilidad na may tatlo pang planeta ang matutuklasan, dahil ayon sa Genesis 37:9 at iba pang mga katotohanan, kailangang mayroong labindalawang pangunahing planeta sa ating solar system.) Dahil dito, sa panahon ng paglikha, maaaring hindi lamang lupa kundi pati na rin ang buong solar system ay nilikha ng Diyos. Dahil kung hindi, ang mga umiiral na planeta, kung hindi makatanggap ng benepisyo mula sa araw na may nagbibigay buhay na enerhiya, ay tiyak na masisira na hindi maaaring tirhan at magiging walang silbi sa pag-iral nito. Bukod dito, sinasabi ng Inspirasyon na sa loob ng sanglinggo ng paglikha, nilikha ng Diyos ang lupa, araw, buwan, at “ang mga bituin din.” Gen. 1:16.

Kung walang araw, ang ating solar system ay magiging isang pagsasama-sama ng mga planeta na walang kaayusan, na pinabayaan na tumagilid at kumilos sa kalawakan, na maaaring dumanas ng mga hindi sinasadyang pangyayari, isang walang katapusang sunod-sunod na aksidenteng banggaan. Gayunpaman, ito ay nilikha at pinakilos nang sama-sama, sa pamamagitan ng Kamay na nagpapanatili sa kanila, ang lahat ng mga planeta ay ligtas na umiikot sa araw habang ito ay tumatawid sa kalawakan sa nakamamanghang bilis na 400,000,000 milya bawat taon.

Samakatuwid, ang paglipas at pagpapanibago ng langit at lupa, bilang isang yunit sa solar system, ay may kinalaman at sangkot din sa buong sistema. Hindi lamang ang ating langit, kundi pati na rin--- Ang lahat ng langit ay dapat baguhin.

Ang bawat planeta sa ating solar system ay napapalibutan ng sarili nitong kalawakan o langit, dahil dito, kasing dami ng mga langit (mga kalawakan) ang dami ng mga planeta sa solar system. Sa mga “ langit ” na ito ng mga planeta ay ibinigay ang sumusunod na mga kasulatan:

“Dahil dito ay tatangis ang lupa, at ang langit [heavens] sa itaas ay magiging maitim." Jer. 4:28. “At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit [heavens] ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos.” Isa 34:4.

“Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.” 2 Pet. 3:10.

“Sila'y uuwi sa wala, nguni't ikaw ay mananatili: Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan; parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan.” Ps. 102:26.

“Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.” Isa. 66:22.

Bilang resulta ng kasalanan sa mundo, na naging sanhi ng pagdaing ng lahat ng nilikha (Rom. 8:22), ang buong solar family ay nagdusa. Ang mga naunang kasulatan ay nagpapakita na hindi lamang ang lupa, kundi pati na rin ang mga langit, ang nasa ilalim ng sumpa ng kasalanan; na ang kasalanan ay isang nakakahawang sakit na may matinding resulta; na “kung ang isang sangkap ay nagdaramdam, ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri, ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya.” (1 Cor. 12:26); na ang Diyos ay ganap na aalisin ang kasalanan at dahil dito ay gagawin Niyang walang bisa hindi lamang ang lupa, kundi pati na rin ang buong solar system; at habang ginagawang bago ang lupa, gagawin din niyang bago ang solar system!

“Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa.” Nah. 1:9. “ At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.” Apoc. 21:5.

“Narito,” ang sabi pa Niya, na nagsasalita ukol sa araw na Kanyang isasagawa ang “ganap na wakas,” “Aking susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.” Mal. 4:5. Kaya't ang mga salita ni Jesus: “Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay.” Matt. 17:11.

O, gaano kabuting Diyos ang ating Diyos! At kung gaano tayo kabagal sa pag-unawa sa Kanyang mga pangako. Gaano katagal pa bago natin Siya hayaang ganap na mamahala sa atin tulad ng Kanyang pamamahala sa mga bituin.

Dahil ang Diyos ay mas dakila kaysa sa maaarok ng imahinasyon ng tao, bakit napakakakaunti ng pagdepende ng tao sa Kanya, - at labis sa kanilang sariling mga salita?...

Martes - Mayo 9

Isang Diyos na Malapit


Basahin ang 2 Corinto 5:17, Awit 139:15-18, Gawa 17:27, at Colosas 1:17. Ano ang itinuturo sa atin ng mga talatang ito tungkol sa pagiging malapit ng Diyos ?

Ang pinakamabilis na bilis sa mundo na kilala sa modernong agham sa kasalukuyang panahon ay liwanag na naglalakbay sa bilis na 186,284 milya bawat segundo. Kung ang isa ay lilipad sa mga pakpak ng liwanag patungo sa nebula Orion, aabutin siya ng 600 taon upang maabot ang malayong kababalaghan na iyon sa langit na nakakuha ng mataimtim na atensyon ng modernong agham. Sa pagsipi mula sa Early Writings p.41, mababasa natin: “Ang atmospera ay humiwalay at gumulong; pagkatapos ay maaaring tumingala sa bukas na espasyo sa Orion , kung saan nanggaling ang tinig ng Diyos. Ang banal na lungsod ay bababa sa bukas na espasyong iyon .” Kung ang banal na lungsod ay bababa sa espasyong iyon maaari nga nating ipagpalagay na ang maluwalhating bukas na espasyo sa Orion ay ang pintuang daan sa nagpapatuloy na mahabang daanan patungo sa langit (ang trono ng Diyos). Ngunit isipin ang napakalaking distansya sa napakagandang pintuang daan na ito. Kung aabutin ng 600 taon [light years] bago makarating sa pasukan sa malayong daanang iyon, maitatanong natin sa ating sarili, Ilang taon ang aabutin para marating ang kabilang dulo ng makalangit na daanan na iyon patungo sa lungsod ng dakilang Hari sa may dakong hilaga?

Tayong mga mortal ay hindi makakapagbigay ng direktang sagot sa dakilang tanong na ito na makapagsasabi sa distansya mula sa lupa hanggang sa gitna ng sansinukob (trono ng Diyos) ito ay napakalawak kung kaya't tayong mga may hangganang nilalang ay mamamangha na lamang. Kami ay namangha sa kahirapan sa pag-compute ng mileage, o kung ilang light years. Ngunit kung ang distansya ay napakalawak na lampas sa pang-unawa ng tao, kung gayon… maitatanong natin, Paano mapupunta ang mga Kristiyano sa langit? Ipagpalagay na ang dakilang kababalaghan (tren) na magsasakay sa mga ligtas ay kikilos sa napakabilis na bilis ng liwanag, na naglalakbay ng 186,000 milya bawat segundo, aabutin ng walang-hanggan upang marating ang lungsod ng Dakilang Hari (langit).

Dito makikita natin kung ano ang itinuturing nating isang nakamamanghang bilis. Pinahahalagahan ito ng langit na napakalawak. Bilang halimbawa, isasaalang-alang natin si Jesus pagkatapos ng pagkabuhay-muli. Si Maria ang unang nakakita sa Kaniya. Nang sinubukan Siyang hawakan ay: “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama.” Juan 20:17. Pagkaraan ng walong araw, muling nagpakita si Jesus sa Kanyang mga alagad. “Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas idaiti mo rito ang iyong daliri... at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Talata 27. Kung hindi pahihintulutan ni Jesus na hawakan Siya ni Maria dahil hindi pa Siya nakakapunta sa Kanyang Ama pagkatapos na Siya ay mabuhay na muli, hindi maaaring hayaan Niyang ipasok ni Tomas ang Kanyang daliri sa Kanyang tagiliran maliban kung Siya ay nakaakyat na sa langit ng Kanyang Ama. Si Jesus, sa loob ng isang linggo o mas kaunti pa, ay naglakbay mula sa lupa patungo sa langit at pabalik muli dito.

Ipagpalagay na ang [isa] ay magnanais na pumunta sa langit, at piniling sumakay sa mga pakpak ng liwanag. At magsimula siya sa parehong araw na si Cristo ay bumangon mula sa libingan, at bumabyahe sa kalawakan sa bilis na 186,000 milya bawat segundo, maging hanggang ngayon ay nasa byahe pa din siya kung gayon. Higit pa riyan, ang nebula,–na tayo ay kabahagi ay 300,000 light years ang diyametro. Samakatuwid, siya ay magiging nasa loob pa rin ng mga hangganan ng lungsod ng ating sariling nebula. Isang manunulat, na nagsalita tungkol sa sentro ng sansinukob (trono ng Diyos), ay inilarawan ang distansya sa sumusunod na mga salita: “Ngunit ang solusyon sa misteryo ng distansya sa gitna ng mga sentro–sa malayong hangganan sa kalawakan na siyang center of gravity para sa lahat ng sampu-sampung libong mga kalawakan–ay kailangang hintayin ang pagkumpleto ng aming nebular survey na aabutin mula sampu hanggang labinlimang taon o higit pa; at maaaring hindi na malulutas kailanman.”

Ang bilis ng liwanag ay lubos na napakabagal para sa mga makalangit na nilalang na sumasaklaw sa napakalawak na uniberso ng Diyos. Nadama ni Daniel ang pangangailangan at nag-alay ng panalangin sa kanyang Diyos na nakatala sa Daniel 9:4-19. Ang maikling panalanging ito na may labinlimang talata lamang ay mababasa ng wala pang limang minuto, ngunit ipagpalagay natin na siya ay napakaingat sa kanyang panalangin at naglaan ng kanyang oras: Marahil sampu o dalawampung minuto. Sinipi mula sa sariling tala ni Daniel: “At samantalang ako'y nagsasalita, at nananalangin …. ang lalaking si Gabriel, na aking nakita sa pangitain nang una.... na pinalipad ng maliksi, hinipo ako, at sinabi, O Daniel,… Oh Daniel, ako'y lumabas ngayon..sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos, at ako'y naparito upang saysayin sa iyo;.” Daniel 9:20-23. Narito ang isang talaan ng bilis na lampas sa pang-unawa ng tao. Ang panalangin sa langit at ang anghel sa lupa ay naganap ng wala pang dalawampung minuto. Tanging ang langit ang nakaaalam kung paano naaabot ng isang anghel ang napakalaki at nakamamanghang distansya sa loob lamang ng ilang minuto. Walang magiging problema, hirap o anumang pagkaantala sa napakamaluwalhating paglalakbay na iyon sa oras na simulan ng mga Kristiyano ang pagtahak sa daan na iyon. Ngunit lubhang mabagal tayong magsimula, at iyon lamang ang ating problema na dapat nating lutasin tungkol sa distansya, at paglalakbay patungo sa langit.

Hindi, walang hayop o tao man ang maaaring kumitil sa iyong buhay o mandaya sa iyo kung gagawin mo ang utos ng Diyos, kung alam mo na Siya na nag-iingat sa Israel ay hindi natutulog o inaantok (Awit 121:3, 4); na alam Niya ang lahat tungkol sa iyo, mga kaibigan, bawat sandali ng araw at gabi; na Kanyang pinapansin maging ang mga buhok na nalalagas mula sa inyong mga ulo; na anuman ang mangyari sa iyo ay kalooban ng Diyos para sa iyong ikabubuti. Sinasabi ko, kung kilala at naniniwala kayo na Siya ang Diyos at ang Tagapag-ingat ng inyong mga katawan at kaluluwa, kung gayon anuman ang mangyari sa inyo, magiging masaya kayo dito at ibibigay ang papuri sa Diyos para dito, hindi pag-ungol, kundi pagbibigay-puri kahit na sa inyong mga pagsubok. at mga pagdurusa.

Miyerkules - Mayo 10

Ebanghelyo, Paghuhukom at Paglikha


Basahin ang Efeso 3:9, Colosas 1:13-17, Apocalipsis 4:11, at Roma 5:17-19 Ano ang itinuturo ng mga tekstong ito tungkol kay Jesus bilang Manlilikha at Manunubos?

“Sa pangwakas na gawain ng Diyos sa lupa, ang pamantayan ng Kanyang batas ay muling itataas. Ang huwad na relihiyon ay maaaring manaig, ang kasamaan ay maaaring managana, ang pag-ibig ng marami ay maaaring lumamig, ang krus ng Kalbaryo ay maaaring mawala sa paningin, at ang kadiliman, tulad ng palo ng kamatayan, ay maaaring kumalat sa mundo; ang buong puwersa ng popular na agos ay maaaring tumalikod sa katotohanan; maaring mabuo ang isang pakana upang ibagsak ang bayan ng Diyos; ngunit sa oras ng pinakamalaking panganib ang Diyos ni Elias ay magtatayo ng mga kasangkapan sa pamamagitan ng tao upang magdala ng isang mensahe na hindi mapapatahimik. Sa matataong mga lunsod ng lupain, at sa mga lugar kung saan ang mga tao ay nagpakahirap sa pagsasalita laban sa Kataas- taasan, ang tinig ng mahigpit na pagsaway ay maririnig. Matapang na tatanggihan ng mga taong hinirang ng Diyos ang pagkakaisa ng iglesia sa mundo. Taimtim silang tatawag sa mga lalaki at babae na tumalikod mula sa pangingilin ng isang institusyong gawa ng tao tungo sa pangingilin ng tunay na Sabbath. “Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya,” kanilang ihahayag sa bawat bansa; “sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig..... Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan.” Apocalipsis 14:7-10 . PK 186.3

“Hindi sisirain ng Diyos ang Kanyang tipan, ni babaguhin man ang bagay na lumabas sa Kanyang mga labi. Ang Kanyang salita ay mananatiling matatag magpakailanman na hindi mababago gaya ng Kanyang trono. Sa paghuhukom ang tipan na ito ay ilalabas, malinaw na isinulat ng daliri ng Diyos, at ang mundo ay ihaharap sa hukuman ng Walang-hanggang Katarungan upang tumanggap ng hatol.” PK 187.1

“Hindi nalalayo ang panahon kung kailan darating ang pagsubok sa bawat kaluluwa. Ang pangingilin sa huwad na sabbath ay ipipilit sa atin. Magkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga utos ng Diyos at ng mga utos ng tao. Yaong mga yuyukod nang sunud-sunod sa makamundong mga kahilingan at umayon sa makamundong mga kaugalian ay susuko sa mga kapangyarihan na mayroon, sa halip na ipailalim ang kanilang mga sarili sa panlilibak, insulto, bantang pagkakakulong, at kamatayan. Sa oras na iyon ang ginto ay ihihiwalay sa basura. Ang tunay na kabanalan ay malinaw na makikilala sa anyo nito. Maraming bituin na ating hinangaan dahil sa kinang nito ay magkakaroon ng kadiliman. Yaong mga nagtataglay ng mga palamuti ng santuwaryo, ngunit hindi nakadamit ng katuwiran ni Cristo, ay lilitaw sa kahihiyan ng kanilang sariling kahubaran.” PK 188.1

Huwebes - Mayo 11

Ang Lumikha sa Krus


Basahin ang Juan 19:16-30. Paano tayo tutugon sa mga pagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa Colosas 1:16:

“Ang mundong ito ay pinarangalan at nabiyayaan ng presensya ng Anak ng Diyos. Sa Banal na Kasulatan ay mababasa natin ang tungkol sa Kanyang pagkakatawang-tao, Kanyang pagtuturo, Kanyang mga himala, Kanyang kamatayan, at Kanyang muling pagkabuhay. Ang pagsisikap na maunawaan ang mga kahanga-hangang paksang ito ay naglalagay sa paggamit ng pinakamataas na kapangyarihan ng pag-iisip, at pagkatapos ay isang kawalang-hanggan sa kabila nito na hindi maaaring maubos. Kung madalas na tinatawag ang isip sa pag-aaral na ito, magiging mas malakas at mas malinaw ito. Sa pang-araw-araw na buhay ay mahahayag ang mga misteryo ng kabanalan, na maaaring maranasan, ngunit hindi maipaliwanag. Sa buong walang tigil na mga panahon ng kawalang-hanggan, pag-aaralan ng mga ligtas ang mga paksang ito, na patuloy na magtatamo mula sa mga ito ng mas malalim at mas malinaw na kaalaman tungkol sa Diyos at kay Cristo. ST Abril 26, 1905, par. 1

“Anong mga kabaligtaran at mga nahahayag sa katauhan ni Cristo! Ang makapangyarihang Diyos, ngunit isang musmos na bata! Ang Lumikha ng buong mundo, gayunpaman, sa isang mundo na Kanyang nilikha, Siya’ykadalasang gutom at pagod, at walang lugar na mahigaan ang Kanyang ulo! Ang Anak ng Tao, gayunpaman ay mas mataas kaysa sa mga anghel! Kapantay ng Ama, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay binihisan ng sangkatauhan, nakatayo sa pinuno ng nahulog na lahi, upang ang mga tao ay mailagay sa mataas na lugar! Nagtataglay ng walang hanggang kayamanan, ngunit namuhay ng buhay ng isang mahirap na tao! Kaisa ng Ama sa dignidad at kapangyarihan, ngunit sa Kanyang pagkatao ay tinukso sa lahat ng mga punto tulad ng kung paano tayo tinutukso! Sa mismong sandali ng Kanyang paghihirap sa krus, isang Mananakop, na tumugon sa kahilingan ng nagsisising makasalanan na alalahanin Niya siya pagdating Niya sa Kanyang kaharian, na may mga salitang, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.” ST Abril 26, 1905, par. 2

“Si Cristo ay Diyos na nahayag sa laman. Sa Kanya ang pagka-Diyos at sangkatauhan ay nagkaisa. Sa Kanya nananahan ang buong kabuuan ng pagka-Diyos sa katawan. Namuhay siya sa mundong ito ng isang perpektong buhay, na naghahayag ng katangian na maaaring matamo ng tao, sa pamamagitan ng banal na biyaya. Sa Kanyang buhay ay nag-iwan Siya ng isang halimbawa na dapat sundin ng bawat tunay na Kristiyano. Walang kasinungalingan ang lumabas sa Kanyang mga labi. Kailanman ay hindi Siya gumawa ng hindi tapat na gawa. Siya ay tumayo na walang dungis na kadalisayan at kabutihan, na inihayag kung ano dapat ang taglayin ng tao bago siya makapasok sa banal na lungsod.” ST Abril 26, 1905, par. 3

Biyernes - Mayo 12

Karagdagang Pag-aaral

Nang matapos ang panahon ng hula noong 1844, ang “Kabanal-banalan” na dako sa makalangit na Santuwaryo ay binuksan, kung saan pumasok si Cristo. Kung ang pangyayaring ito ay nagmarka ng simula ng pagbabayad-sala, wala nang mas mabuti, o mas angkop na panahon para sa isang panawagan mula sa langit kaysa sa pagtatapos ng dakilang panahon ng propesiyang ito; ang araw ng pagbabayad-sala ay ang pinaka-solemne na oras para sa iglesia. Ang mga Seventh-day Adventist ay tinawagan ng isang propeta, at halos sila lamang ang mga taong naniniwala sa 2300 araw. Tayo lamang ang mga tao na nagpahayag nito mula noong 1844, at ngayon ay nasa pagbabayad-sala, o ang panahon ng paghuhukom. Ang teksto para dito ay sinipi: “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.” Apocalipsis 14:6, 7. Ang mga Seventh-day Adventist lamang ang makakatupad sa tipo [type], dahil sa panahong ito sila ay tinawagang ng isang propeta ng Diyos, upang mag-organisa bilang isang denominasyon, at ipahayag ang masayang balita: “Ang ebanghelyong ito sa lahat ng mundo sa henerasyong ito.”