“ At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus.” - Pahayag 12:17
Ang mga iilang tapat sa Diyos sa buong panahon ay handa at nagagalak pa nga alang-alang sa Katotohanan at katuwiran na harapin ang kapintasan ng kanilang mga bulag at hindi tapat na mga kapatid. Hindi ba tayo dapat maging masaya sa paggawa ng ganoon din? Sila ay nanagumpay sa takbuhin at nakamit ang korona, at walang dahilan para hindi natin gawin ang ganoon din. Tunay na hindi natin kayang mawaksi ang ating gantimpala sa huling kapanahunan na ito.
Mikas 6:5 – “Oh bayan ko, alalahanin mo ngayon kung ano ang isinangguni ni Balac na hari sa Moab, at kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor; alalahanin mo mula sa Sittem hanggang sa Gilgal, upang iyong maalaman ang mga matuwid na gawa ng Panginoon.”
Dito sinabi sa atin na upang malaman ang katuwiran ng Panginoon ay dapat alalahanin ang naging pakikitungo ng Diyos sa ating mga ninuno, sapagkat ang Kanyang pagmamahal sa atin ay hindi mas mababa kaysa sa kanila. Ipinaaalaala Niya sa atin ang pangyayari nang inupahan ni Balak si Balaam upang sumpain ang Israel, at kung paano Niya pinayagang magsalita si Balaam para sa Kanya at pagpalain ang Kanyang bayan, na alang-alang sa kanila ay winalang bisa Niya ang layunin ng hari at ginawang ipahayag ni Balaam kay Balak: “At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw... Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.” Bilang 24:14, 17, 18 .
Sa diwa, sinabi ni Balaam sa hari ng Moab: “Sinikap ko sa aking makakaya na matamo ang iyong pabor at sumpain ang Israel, ngunit ang Diyos ay nanagumpay. Nanalo ang Israel; ikaw at ako ay natalo. At isa pa, hayaan mong sabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa mga huling araw: Siya na mamumuno sa Israel ay sasaktan ang Moab sa lahat ng dako, at ang Israel ay gagawa ng matapang.
Kaya napilitan si Balaam na hulaan ang kapanganakan ni Cristo at ang Kanyang paghahari, na naging dahilan upang ang Israel ay gumawa ng buong tapang laban sa Moab at sa kanyang mga kalapit na bayan sa mga huling araw.
Ang malaman ang lahat ng ito ay ang pagkilala sa Panginoon na ating katuwiran; na kung Siya ay para sa atin kung gayon walang sinuman ang maaaring manalo ng isang bagay laban sa atin; na ang labanan ay sa Panginoon; na hindi natin kailangang matakot sa ating mga kaaway; na anuman ang ating gawin ay uunlad kahit sino ang pabor o laban sa atin.
Basahin Apocalipsis 12:7–9 , na naglalarawan sa kosmikong labanang ito sa pagitan ng mabuti at masama. Paano nga posibleng mangyari ang isang bagay na tulad nito sa langit? Ano ang ipinahihiwatig ng mga talatang ito tungkol sa realidad ng malayang kalooban at malayang pagpili?
“At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya. …
“At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka. At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.
“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya..
“At nang makita ng dragon na siya'y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake..” Mga Talata 4, 7-9, 13.
Dito ay inilalarawan ang dalawang magkaibang “pagpapalayas”. Pansinin na sa unang pagkakataon, kinaladkad ng dragon ang mga anghel sa kanyang buntot . Ngunit, magtataka ka na bakit hindi sa pamamagitan ng kanyang mga kuko? – Dahil kung gayon ay magiging mali ang pahiwatig na tila natalo ni Satanas ang Panginoon kaya niya nakaladkad palabas ng langit ang ikatlong bahagi ng mga anghel. Ngunit dahil kinaladkad niya ang mga ito gamit ang kanyang buntot, ang tunay na kahulugan ay malinaw - na ang ikatlong bahagi ng mga anghel ay kusang sumunod sa kanya. Sa madaling sabi ay kumapit sila sa kanyang buntot habang siya ay nanguna sa daan. “Sila ay tumalikod sa Ama at sa kanyang Anak, at nakipag-isa sa nag-uudyok ng paghihimagsik.” – Testimonies, Vol. 3, p. 115. Hinikayat ng dragon ang mga anghel at sumunod sila sa kanya mula sa langit hanggang sa lupa, kung saan hinangad niyang wasakin si Cristo.
Ang pangyayaring ito sa talata 4, kung saan ang dragon ay kumaladkad sa mga bituin ay unang naganap bago ang talata 9, ang paghagis ng Panginoon sa dragon. Ang una ay naganap bago isinilang ang Panginoon at ang huli ay pagkatapos naman ng Kanyang muling pagkabuhay. Ito ay ipinahayag sa mga sumusunod na talata:
Sa mga araw ni Job si Satanas ay mayroon pa ring daan sa langit, dahil sinabi sa atin na “…may isang araw na ang mga anak ng Dios ay nagsiparoon upang humarap sa Panginoon, at si Satanas ay naparoon din sa gitna nila. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Mula sa paroo't parito sa lupa, at mula sa paglalakad pataas at pababa doon." Job 1:6, 7 .
Si Satanas, kung gayon, ay hindi kaagad na pinalayas mula sa langit pagkatapos niyang maghimagsik o kahit na ginawa niyang magkasala sina Adan at Eva. Sa halip, ito ay maaaring naganap pagkatapos ng panahon ni Job. Ngunit upang matukoy kung kailan, kinakailangang basahin natin ang Apoc. 12:13: “At nang makita ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, ay inusig niya ang babae na nanganak ng batang lalaki.” Siya, samakatuwid, ay pinalayas bago siya pumunta upang usigin ang iglesia. Ginawa niya ito noong “panahong nagkaroon ng matinding pag-uusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nakakalat sa mga rehiyon ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.” Gawa 8:1. Ang katotohanang ito ay muling pinatunayan ng Espiritu ng Hula:
Matagumpay na dinala ang Panginoon sa Diyos at sa Kanyang trono. “…nariyan ang lahat para salubungin ang Manunubos. Sabik silang ipagdiwang ang Kanyang tagumpay at luwalhatiin ang kanilang Hari… Inihaharap Niya sa Diyos ang bigkis, yaong mga ibinangon kasama Niya bilang mga kinatawan ng malaking pulutong na iyon na lalabas mula sa libingan sa Kanyang ikalawang pagparito.... Naririnig ang tinig ng Diyos na nagpapahayag na ang katarungan ay nakamit. Si Satanas ay natalo. Ang pagpapagal ng Diyos at yaong mga nakibaka sa lupa ay 'tinanggap sa Minamahal.' Sa harap ng makalangit na mga anghel at ng mga kinatawan ng mga hindi nahulog na mundo, sila ay ipinahayag na matutuwid.
“Nakita ni Satanas na ang kanyang pagbabalatkayo ay nabunyag. Ang Kanyang pangangasiwa ay inilatag sa harap ng mga hindi nahulog na anghel at sa harap ng makalangit na sansinukob. Inihayag niya ang kanyang sarili bilang isang mamamatay-tao. Sa pagbuhos ng dugo ng Anak ng Diyos, inalis niya ang kanyang sarili mula sa pakikiramay ng mga makalangit na nilalang. Kaya ang kanyang gawain ay nalimitahan. Anumang saloobin ang maaari niyang ipagpalagay, hindi na niya mahihintay pa ang mga anghel mula sa korte sa langit upang akusahan sa kanilang harapan ang mga kapatid ni Cristo na nakadamit ng mga kasuotan ng kadiliman at ng karumihan ng kasalanan. Ang huling ugnayan ng pakikiramay sa pagitan ni Satanas at ng makalangit na sanlibutan ay naputol.” – The Desire of Ages , pp. 833, 834, 761.
Napagtanto nga niya na tinapos na ang kanyang pag-aakusa sa mga kapatid sa langit, at nabatid na ang kanyang pananatili maging sa lupa ay magiging napakaikli, --- LUMABAS SI SATANAS NA MAY MALAKING POOT.
Basahin ang Apocalipsis 12:4–6, 9; Mga Taga Efeso 5:25–27, 32; at Awit 2:7–9 at tukuyin ang mga sumusunod na simbolo: Dragon, Babae, Lalaking Bata, Pamalong Bakal
Malinaw na makikita na ang “babae” na ito ay nabibihisan ng araw at sinalakay ng dragon bago pa man ipanganak ang kanyang anak na si Cristo; oo, mga taon bago lumitaw ang iglesiang Kristiyano at ang Ebanghelyo. Kung gayon, ang sabihin na siya ay kumakatawan sa iglesia ng Bagong Tipan na nakadamit ng ebanghelyo ni Cristo, ay talagang walang batayan at hindi makatwiran.
“Nadaramtan ng araw,” ang babae ay tumutukoy sa walang hanggang iglesia ng Diyos, na nararamtan ng Liwanag mula sa Langit, ang Bibliya. “Ang Iyong Salita,” sabi ng Awit “ay…isang liwanag sa aking landas.” Ps. 119:105.
Ang buwan, tulad ng pagkaalam natin, ay ang daluyan kung saan sinasalamin ang sikat ng araw na nagpapaliwanag sa gabi. Dahil nasa ilalim ng mga paa ng babae, ito ay isang pinakaangkop na simbolo sa panahon bago lumitaw ang Bibliya, ang yugto mula sa paglikha hanggang kay Moises. Ang yugtong ito ng simbolismo ay tiyak na tinutukoy nang ang babae ay lumitaw mula sa panahon kung saan ang Salita ng Diyos, "ang araw," ay hindi pa direktang naaaninag, na ito ay ipinasa mula sa ama patungo sa anak, at ng siya ay pumapasok sa panahon na siya ay dinamitan ng Liwanag ng Diyos, ang Bibliya.
Bukod dito, siya ay nagdadalang-tao sa panahong siya ay binihisan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kanyang mga paa. Ito mismo ay positibong nagpapakita na sa kanyang simula ay kinakatawan niya ang iglesia pagkatapos nitong matanggap ang pangako na ipanganak ang Manunubos ng mundo, ang “isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal.” Siya ay “inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan. Siya ay si Cristo, ang Panginoon.
Ang labindalawang bituin na bumubuo sa korona ng babae ay malinaw na tumutukoy sa pamahalaan ng Diyos sa lupa, ang pinagsama-samang awtoridad ng iglesia – gaya ng sa labindalawang patriyarka, ng labindalawang tribo ng Israel, ng labindalawang apostol, at ng 12,000 sa bawat isa sa labindalawang tribo ng Israel. (ang 144,000).
Dapat ding maunawaan na inilalarawan niya ang walang hanggang iglesia ng Diyos habang siya ay nakikipaglaban sa kaaway.
“At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema. At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.” Mga Talata 3, 4.
Kung malalaman ng mag-aaral ng Makalangit na Katotohanan ang layunin na itinuturo ng simbolismong ito, kinakailangan niyang pansining mabuti ang kahalagahan na tinutukuyan sa mga sungay ng dragon na walang korona at sa mga ulo nitong nakokoronahan. Gayundin, kung ang mag-aaral ng Katotohanan ay makaunawa sa itinuturo ng Kasulatan, dapat niyang lubos na matanto na ang nauuna at ang mga sumusunod na maka-Kasulatan at lohikal na mga konsiderasyon ay dapat na pakinggan.
Sa pagsisimula, dahil ang mga sungay ng dragon ay sampu, inilalarawan nga nila ang lahat ng mga hari o kaharian na naroroon, tulad ng sampung daliri sa paa ng dakilang imahe sa Daniel 2, at gayundin sa sampung sungay ng hayop sa kabanata 7, na kumakatawan sa mga hari o kaharian na umiiral sa pangkalahatan sa kani-kanilang mga panahon.
Hindi rin dapat palampasin ang katotohanan na ang lahat ng mga sungay, ulo, at mga korona ay naroon nang magkakasama nang ang dragon ay tumayong handang “lamunin ang kaniyang Anak.” Eksakto tulad ng ipinapakita ng simbolismo, sinasagisag nila ang isang koalisyon ng dalawang magkahiwalay at magkakaibang partido (ng mga sungay at ulo), na parehong umiiral nang sabay, at hindi magkasunod. Makabubuting tandaan din, na kahit na ang mga sungay ay lumalaki at naibababa, ang mga ulo ay hindi ganoon.
Malinaw na makikita na upang mapanatili ang kabuuan, ang dapat na interpretasyon ng Bibliya sa mga ulo at sungay ng dragon ay ang una bilang tumutukoy sa relihiyosong samahan, at ang huli naman bilang pamahalaang sibil. At ilan nga sa kanila ang inilalarawan ng mga sungay at ulo ng dragon? – Lahat ng pamahalaang sibil at lahat ng relihiyosong samahan sa partikular na oras na iyon. Paano natin nalalaman ito? – Dahil may sampung sungay at pitong nakokoronahang ulo, at dahil ang Biblikal na bilang na “sampu” ay tumutukoy sa pangkalahatan at ang bilang na “pito” ay tumutukoy naman sa pagkakumpleto.
Mula sa mga nabanggit na halimbawa, makikita na ang panahon ay dumating na para sa lahat ng tapat na mga magaaral ng Bibliya, mga mag-aaral ng Katotohanang magliligtas, na maunawan na ang Inspirasyon ay hindi kailanman gumagawa ng anumang bagay na walang kabuluhan. Ang gawain nito ay wasto, palaging matapat, at tahasang higit sa pagpapabuti.
Ito ay isang kinikilalang katotohanan din na ang mga korona ay palaging kumakatawan sa makaharing awtoridad. At dahil ang mga ito ay lumitaw sa mga ulo ng dragon, at hindi sa kanyang mga sungay, ito ay higit na kapansin-pansin na samantalang ang dragon ay parehong namumuno sa sibil at relihiyosong mga daigdig, ang kaniyang kinoronahan ay ang pangrelihiyoso.
Sa ibang salita, ang iglesia ang may hawak ng panghampas; ang iglesia ang umupo sa trono ng dragon. At ang katunayan na ang bilang ng sungay ng dragon ay sumisimbolo sa unibersalidad at ang bilang ng kanyang nakoronahang ulo ay nangangahulugan ng pagkakumpleto at dahil kapwa inusig ng Jewish church at mga Romano ang Panginoon – ang dragon sa kabuuan ay tumutukoy sa tinatawag na Satanic-ecclesiastical world, ang pananakop ni Satanas sa mundo. Bilang mananakop na nakakalasagan ng sungay at ulo, ay kanyang ginamit si Herod upang patayin ang lahat ng bagong silang na sanggol ng malaman niyang ipinanganak na nga si Cristo. Ito ay ginawa niya sa pagasang kanyang mapapatay ang tagapagligtas, na mawawasak ang sanggol at maipagpapatuloy niya ang kanyang sariling kaharian. Ito nga ang kondisyon ng mundo sa unang pagparito ni Cristo, ipinapako ng Iglesia si Cristo sa krus, ipinabato si Stephen, pinapugutan ang iba at sa kabila nito ay nakatakas sila sa anumang parusa buhat sa mga sibil na awtoridad.
Sa mismong kadahilanang ito ang Anak ng tao, ang Manunubos ng mundo, ay dumating. Ang dragon, gayunpaman, upang ipagtanggol ang kanyang kapangyarihan ay matiyagang naghintay at maingat na binantayan ang pagdating ng ipinangakong Manunubos sa mundo. Kaya nga, habang ang walang hanggang iglesia ng Diyos ay nagdadalang-tao, at sumisigaw para manganak, ang dragon na may pitong nakokoronahang ulo at sampung sungay ay tumayong handang lamunin ang bata pagkapanganak Niya.
Ang ganoong apostasiya ay sumakop din sa mundo noong mga araw ni Noe, at kinailangan ng Panginoon na gumawa ng isang bagay upang iligtas ang mundo. Para sa kapakanan ng sangkatauhan, ipinadala ng Lumikha ang baha upang wakasan ang kasamaan. Sa katulad na paraan ang kakila-kilabot na apostasya ng mga Hudyo sa mga araw ng unang pagparito ni Cristo, ay kinailangan ang isa pang sakuna na lubos na mapanira gaya ng kakila-kilabot na delubyo upang muling mabura ang kasamaan. Ngunit, kung walang ibang dahilan kundi ang tuparin ang Kanyang hindi nabibigong pangako sa Kanyang tapat na lingkod na si Noe, hindi na ibabagsak ng Diyos ang mundo sa pangalawang pagkakataon. Kaya't ipinadala Niya ang Kanyang Anak upang mamatay na kahalili ng mundo. Sa liwanag na ito, gaanong mas maliwanag kaysa dati ang pagpapakita ng misyon ng Manunubos! Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay talagang iniligtas Niya ang mundo mula sa pagkawasak noong panahong iyon, at sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli ay ginawa Niya na posible ito magpahanggang ngayon.
Basahin ang Apocalipsis 12:10 . Anong pampatibay-loob ang dapat na makuha mula sa katotohanan na ang nag-aakusa sa iyo ay “ 'inihagis na' ” (NKJV)?
“Ang mga akusasyon ni Satanas laban sa mga nagsasaliksik sa Panginoon ay hindi naudyukan ng sama ng loob sa kanilang mga kasalanan. Siya ay nagagalak sa kanilang mga depektibong karakter; sapagkat alam niya na sa pamamagitan lamang ng kanilang paglabag sa batas ng Diyos ay makakamit niya ang kapangyarihan sa kanila.” – Prophets and Kings, pp. 585, 586.
Makikita natin na si Satanas ay humikikayat sa mga makasalanan upang makalabag ng hindi sinasadya at sa gayon ay tiyakin ang kanyang kahatulan, hindi man sa lupa, kundi sa langit. Sa harap ng matuwid na Hukom, inaakusahan ni Satanas ang lumalabag na "nararamtan ng mga kasuutan ng kadiliman at ng karumihan ng kasalanan." Ngunit kapag ang Espiritu ng Diyos ay nag-udyok ng pagsaway, Ito ay naghahayag ng kasalanan at sinasaway ang makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang iglesia.
Basahin ang Apocalipsis 12:11 . Anong katiyakan ng tagumpay ang ibinibigay sa atin ni Cristo sa talatang ito?
Ang bayan ng Diyos ay dapat laging maging alerto para sa tinig ng Espiritu ni Cristo, gayundin maging maingat upang makilala ang espiritu ni Satanas. Kapag ang dalawang ito ay magbanggaan, ang isa ay nagsusumikap para sa pagsunod sa Salita ng Diyos, habang ang isa ay nagdadahilan sa kasalanan at nakikiramay sa makasalanan. Sa huling tusong paraan na ito ay madalas na nakakapuntos si Satanas at napapanalunan ang makasalanan sa kanyang hanay, dahil likas na mahal ng makasalanan ang kanyang kasalanan. Gayunman, napapanagumpayan siya ng mga tapat “sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo.” Hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.” Apoc. 12:11
Basahin ang Apocalipsis 12:6 at ihambing ito sa Apocalipsis 12:14–16 . Pansining mabuti ang yugto ng panahon, ang pag-atake ni Satanas sa “babae” (iglesia ng Diyos), at ang probisyon ng Diyos para sa Kanyang bayan. Ano ang nilalahad ng mga talatang ito?
Yamang ang “ilang” ay tumutukoy sa kabaligtaran ng “ubasan”, ang pahayag “na siya ay maaaring lumipad sa ilang” ay mariing nagpapahiwatig na siya ay umalis sa ubasan. At iyon mismo ang ginawa niya: Di-nagtagal pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli, ang iglesia (ang babae) ay umalis sa banal na lupain (ang ubasan) at tumungo sa lupain ng mga Gentil (ang ilang).
Bukod sa makasaysayang mga katotohanang ito, mayroon din tayong Biblikal na kahulugan ng ubasan: “Ang ubasan ng Panginoon ng mga hukbo ay ang sambahayan ni Israel, at ang mga lalaki ng Juda ay Kanyang kaaya-ayang halaman.” Isa. 5:7
Hindi mapag-aalinlanganan, kung gayon, na ang ilang, kung saan ang babae ay pinangangalagaan pansamantala, ay ang lupain ng mga Gentil. At ang pagtakas ng babae mula sa mukha ng ahas sa kanyang sariling bayan ay nagpapakita na ginawa ng dragon ang banal na lupain bilang kanyang punong tanggapan. Gayunpaman, hindi nasiyahan dito, sinundan pa niya siya sa ilang.
“At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig ng tubig na parang baha sa likuran ng babae, upang siya ay madala ng baha.” Talata 15.
Sa pagnanais na mapuksa ang babae, inusig siya ng ahas noong una. Gayunpaman, nabigo siya sa layuning ito, at kanyang biglang binago ang kaniyang mga taktika. Itinigil niya ang pag-uusig at sa halip ay nagsimula siyang kaibiganin ito. Ngunit sa anong kabayaran ng babae! Naging tuso siya at nagbuhos ng tubig bilang baha pagkatapos niya, na tila nagsusumikap palakasin siya ngunit sa katunayan ito ay isang malakas na pagsisikap upang sirain siya.
Ang mga matalinghagang salita ng Inspirasyon ay nagpapaliwanag na ang sapilitang pag-Kristiyano ng mga Hentil at ang pagbuhos sa kanila sa iglesia noong ika-apat na siglo ng panahon ng Christian era, ay sa katotohanan ay hindi isang mapagkaibigang gawain. Bagkus ito ay parang isang mapangwasak na agos upang lunurin ang nagliligtas na kapangyarihan ng Kristiyanismo. Sa madaling salita, hinulaan ng Inspirasyon ang panahon kung saan binihisan ng dragon ang mga Pagano na pulitiko sa isang kasuotan ng Kristiyanismo at pagkatapos ay pinangunahan sila na pilitin ang mga di-Kristiyanong pagano na sumapi sa iglesia, upang sa gayon ay maimpluwensyahan sila ng paganismo sa halip na kristiyanismo.
Bilang kumpirmasyon, sinipi natin ang isang bahagyang paglalarawan mula sa akda na si G. Gibbon: “Sa pamamagitan ng mga utos ng pagpapaubaya, inalis niya [Constantine] ang mga temporal na kawalan na hanggang ngayon ay humadlang sa pag-unlad ng Kristiyanismo; at ang aktibo at maraming ministro nito ay nakatanggap ng libreng pahintulot, isang liberal na panghihikayat, na irekomenda ang mga katotohanan ng paghahayag sa pamamagitan ng bawat argumento na maaaring makaapekto sa katwiran o kabanalan ng sangkatauhan. Ang eksaktong balanse ng dalawang relihiyon [Kristiyano at Pagano] ay nagpatuloy lamang ng ilang sandali....Ang mga lungsod na nagpahiwatig ng pasulong na kasigasigan sa pamamagitan ng boluntaryong pagsira ng kanilang mga templo [ang mga Pagano] ay nakilala sa pamamagitan ng mga pribilehiyo ng munisipyo, at binigyan ng gantimpala ng tanyag na mga pagbibigay donasyon... Ang kaligtasan ng mga karaniwang tao ay binili sa isang murang halaga, kung ito ay totoo na, sa isang taon, labindalawang libong lalaki ang nabautismuhan sa Roma, bukod pa sa isang proporsyonal na bilang ng mga kababaihan at mga bata, at na isang puting damit na may lamang dalawampung pirasong ginto ay ipinangako ng emperador sa bawat nagbalik-loob.” Ito ay “isang batas ni Constantine, na nagbigay ng kalayaan sa lahat ng alipin na dapat yumakap sa Kristiyanismo.” –Gibbon's Rome,Vol. 2, pp. 273, 274
“At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, at nilamon ang baha na ibinuka ng dragon sa kaniyang bibig.” Verse 16. --{15TR 87.2}
“At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig”. Talata 16
Ang “lupa,” ang makapangyarihang sandata ng Diyos, sa wakas ay tutulong sa babae. Ito ay upang lamunin ang "baha"; ibig sabihin, sa parehong Banal na paraan na ayon sa talinghaga ay tumutukoy sa pag-aalis ng mga pangsirang damo at nagsusunog sa kanila, gayundin ang nag-aalis ng lahat ng sumapi sa iglesia ngunit mga pagano pa rin ang puso. At ano ang mangyayari pagkatapos? – Ang Kasulatan ay nagbibigay ng sagot:
Basahin ang Apocalipsis 12:17 . Anong mga katangian ng nalalabi ng Diyos, ang Kanyang iglesia sa huling-araw, na matatagpuan sa talatang ito?
Ang terminong "nalabi" ay nagsasaad na ang kanyang binhi ay nahahati sa dalawang bahagi: Ang isa ay kinuha, ang isa ay iniwan. Si Nehemias, bilang halimbawa, ay nagpaliwanag: “Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan.” Neh. 1:3. Ang "nalabi" ay palaging kumakatawan sa isang bahagi ng kabuuan, malaki man o maliit.
At pansinin na ang dragon ay nakipagdigma, hindi laban sa nalabi ng “baha,” kundi laban sa nalabi sa kanyang binhi. Si Cristo bilang kaisa-isang anak ng babae, ang kanyang binhi samakatuwid ay ang mga Kristiyano, yaong mga ipinanganak sa iglesia sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo. Alinsunod dito, ang pagdadala ng mga unang bunga sa Bundok Sion (Apoc. 14:1) ay nagdudulot ng kondisyon na ang nalabi ay yaong nanatili na umalis mula sa mga Hentil. Samakatuwid, sa pagkakataong ito, ang nalabi ay ang pangalawang bunga.
Tandaan na pagkatapos lamunin ng lupa ang baha, saka nagalit ang dragon sa babae, at “upang makipagdigma sa nalabi sa kanyang binhi [hindi sa kanya personal], na sumusunod sa mga utos ng Diyos at may patotoo ni Jesu-Kristo.” Apoc. 12:16 17. Maliwanag, kung gayon, hindi makakatakas sa konklusyon na ang pagaalis sa baha ni Satanas ay ang paglilinis ng iglesia, ang pagsira sa mga sumapi sa iglesia sa tulong ng ahas. Ang pagdadalisay na ito ang mismong bagay na nagbibigay-daan sa iglesia bilang isang katawan na sundin ang mga utos ng Diyos at magkaroon din ng patotoo kay Jesucristo, ang buhay na Espiritu ng Propesiya (Apoc. 19:10), sa kanyang kalagitnaan. Ito ang tanging pag-asa niya, ang tanging lakas niya, ang tanging paglaya niya. Sa ganitong liwanag, inilalagay na ngayon ng Inspirasyon ang bagong buhay sa mga salita -
“Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi.” Isa. 52:1
Samakatuwid, ang paglilinis ng iglesia ay hindi magdadala ng milenyal na panahon ng kapayapaan. Tunay na hindi ngunit ito ang magdadala sa wakas ng masasama sa iglesia at kasama nito ang pinakadakilang galit ni Satanas laban sa nalabi, laban sa mga tao na habang nasa gitna pa ng mga Gentil ay nangahas na manindigan sa panig ng Panginoon. Sila, gayunpaman, ay maliligtas kung sila ay manindigan sa panig ng Panginoon at sa gayon ay ilagay ang kanilang mga pangalan sa “aklat.” Dan. 12:1.
Ang dragon ay hindi maaaring makipagdigma sa babae, ang iglesya na binubuo ng mga unang bunga, dahil sa panahong iyon ay kasama niya ang Kordero sa Bundok Sion (Apoc. 14:1), na hindi maaabot ng dragon.
“Ang mga dignitaryo ng iglesia at estado ay magkakaisa upang suhulan, hikayatin, o pilitin ang lahat na parangalan ang araw ng Linggo. Ang kakulangan ng banal na awtoridad ay bibigyan ng mga mapang-aping pagsasabatas. Ang pampulitikang katiwalian ay sumisira sa pagmamahal sa katarungan at paggalang sa katotohanan; at maging sa malayang Amerika, ang mga pinuno at mambabatas, upang matiyak ang pabor ng publiko, ay susuko sa popular na kahilingan para sa isang batas na nagpapatupad ng pangingilin ng Linggo. Ang kalayaan ng budhi, na nagdulot ng napakalaking sakripisyo, ay hindi na igagalang. Sa nalalapit na labanan, makikita natin ang halimbawa ng mga salita ng propeta: ' At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus:' Apocalipsis 12:17 .” GC 592.3