“But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, longsuffering, gentleness, goodness, faith,” KJV — Galatians 5:22
“Ngunit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan,kapayapaan, pagtitiis, kagandahang loob, kabutihan, pananam¬palataya.” KJV — Galatians 5:22
“And he brings forth fruit “with patience.” None who receive God's word are exempt from difficulty and trial; but when affliction comes, the true Christian does not become restless, distrustful, or despondent. Though we can not see the definite outcome of affairs, or discern the purpose of God's providences, we are not to cast away our confidence. Remembering the tender mercies of the Lord, we should cast our care upon Him, and with patience wait for His salvation. COL 60.4
“At siya ay nagbubunga “nang may pagtitiis.” Walang sinumang tumatanggap ng salita ng Diyos ang makaliligtas sa kahirapan at pagsubok; ngunit kapag dumarating ang kapighatian, ang tunay na Kristiyano ay hindi nababalisa, hindi nawawalan ng tiwala, o nalulungkot. Bagama't hindi natin nakikita ang tiyak na kahihinatnan ng mga bagay, o nauunawaan ang layunin ng mga probisyon ng Diyos, hindi natin dapat iwaksi ang ating pagtitiwala. Sa pag-alala sa magiliw na mga awa ng Panginoon, dapat nating ipagkatiwala ang ating mga alalahanin sa Kanya, at may pagtitiis na maghintay sa Kanyang pagliligtas. COL 60.4
“Through conflict the spiritual life is strengthened. Trials well borne will develop steadfastness of character and precious spiritual graces. The perfect fruit of faith, meekness, and love often matures best amid storm clouds and darkness.” COL 61.1
“Sa pamamagitan ng labanan ang espirituwal na buhay ay lumalakas. Ang mga pagsubok na napanagumpayan ay magdudulot ng katatagan ng paguugali at mahahalagang mga biyayang espiritwal. Ang perpektong bunga ng pananampalataya, kaamuan, at pagibig ay kadalasang umaasenso nang husto sa gitna ng unos at kadiliman.” COL 61.1
What does patience lead us to do?
Ano ang nadudulot ng pagtitimpi sa atin?
“In the epistle to the Hebrews is pointed out the single-hearted purpose that should characterize the Christian's race for eternal life: “Let us lay aside every weight, and the sin which doth so easily beset us, and let us run with patience the race that is set before us, looking unto Jesus the author and finisher of our faith.” Hebrews 12:1, 2. Envy, malice, evil thinking, evilspeaking, covetousness—these are weights that the Christian must lay aside if he would run successfully the race for immortality. Every habit or practice that leads into sin and brings dishonor upon Christ must be put away, whatever the sacrifice. The blessing of heaven cannot attend any man in violating the eternal principles of right. One sin cherished is sufficient to work degradation of character and to mislead others.” AA 312.1
“Sa sulat sa mga Hebreo ay itinuro ang nag-iisang layunin na dapat magpakilala sa takbuhin ng Kristiyano para sa buhay na walang hanggan: “Itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin, Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya.” Hebreo 12:1, 2 . Inggit, masamang hangarin, masamang pag-iisip, pagsasalita ng masama, kasakiman—ito ang mga bigat na dapat isantabi ng Kristiyano kung nais niyang matagumpay na tumakbo sa takbuhin para sa buhay na walang hanggan. Ang bawat ugali o gawi na nagdudulot sa kasalanan at nagdadala ng kahihiyan kay Cristo ay dapat alisin, anuman ang sakripisyo. Ang pagpapala ng langit ay hindi makakasama sa sinumang tao sa paglabag sa mga walang hanggang alituntunin ng katuwiran. Ang isang kasalanang itinatangi ay sapat na upang gumawa ng pagkasira ng pagkatao at mailigaw ang iba. ” AA 312.1
What the world needs today is not preachers, but teachers who can teach with one hand and use the pick or the shovel with the other hand. Neither is the world in need of men “angling” for Moses’ and for Aaron’s office, but it is in dire need of men who can take orders and successfully carry them through, men who dare face the giant, the lion, and the bear, – men who dare be heroes for God,” “men wondered at,” men with unfailing faith and unlimited patience, believing that God Himself is steering the ship, and that therefore there can be no failure. The world certainly needs men like Noah, Moses, David, Ezra, Nehemiah, and a great number of Job’s.
Ang kailangan ng mundo ngayon ay hindi mga mangangaral, ngunit ang mga guro na maaaring magturo gamit ang isang kamay habang ang kabila ay gamit upang gamitin ang piko o ang pala. Ni hindi kailangan ng mundo ang mga tao na "nangingisda" para sa tungukulin na gaya ng kay Moises at Aaron, ngunit ito ay lubhang nangangailangan ng mga tao na maaaring tumanggap ng mga utos at matagumpay na sundin yaon, ang mga taong maglakas-loob na humarap sa higante, sa leon, at sa oso , – mga taong mangangahas na maging bayani para sa Diyos,” “mga taong pinaka tanda,” mga taong walang patid sa pananampalataya at walang limitasyon ang pasensya, na naniniwalang ang Diyos Mismo ang namamahala sa barko, at samakatuwid ay walang anumang magiging kabiguan. Tiyak na kailangan ng mundo ang mga taong tulad ni Noe, Moises, David, Ezra, Nehemias, at napakaraming tulad ni Job.
What do the above Scriptures tell us about God’s timing?
Ano ang sinasabi sa atin ng Kasulatan sa itaas tungkol sa panahong itinakda ng Diyos?
“We all desire immediate and direct answers to our prayers, and are tempted to become discouraged when the answer is delayed or comes in an unlooked-for form. But God is too wise and good to answer our prayers always at just the time and in just the manner we desire. He will do more and better for us than to accomplish all our wishes. And because we can trust His wisdom and love, we should not ask Him to concede to our will, but should seek to enter into and accomplish His purpose. Our desires and interests should be lost in His will. These experiences that test faith are for our benefit. By them it is made manifest whether our faith is true and sincere, resting on the word of God alone, or whether depending on circumstances, it is uncertain and changeable. Faith is strengthened by exercise. We must let patience have its perfect work, remembering that there are precious promises in the Scriptures for those who wait upon the Lord.” MH 230.4
“Lahat tayo ay naghahangad ng agaran at direktang mga sagot sa ating mga panalangin, at nanganganib na matukso na masiraan ng loob kapag ang tugon ay naantala o dumating sa isang di-inaasahang anyo. Ngunit ang Diyos ay napakatalino at mabuti para laging sagutin ang ating mga panalangin sa tamang oras at sa paraang nais natin. Siya ay gagawa ng higit pa at mas mahusay na bagay para sa katuparan ng ating mga naisin. At dahil mapagkakatiwalaan natin ang Kanyang karunungan at pag-ibig, hindi natin dapat hilingin sa Kanya na tanggapin ang ating kalooban, ngunit dapat nating sikaping pumasok at maisakatuparan ang Kanyang layunin. Ang ating mga hangarin at interes ay dapat mawaksi at pasakop sa Kanyang kalooban. Ang mga karanasang ito na sumusubok sa pananampalataya ay para sa ating kapakinabangan. Sa pamamagitan ng mga ito ay ipinakikita kung ang ating pananampalataya ay totoo at tapat, na kung tayo ay may paninindigan sa salita ng Diyos lamang, o kung ito ba ay walang katiyakan at nababago, depende sa mga pangyayari. Ang pananampalataya ay pinalalakas ng ehersisyo. Dapat nating hayaan ang pagtitiyaga na magkaroon ng perpektong gawain, na inaalala na may mahalagang mga pangako sa Banal na Kasulatan para sa mga naghihintay sa Panginoon.” MH 230.4
Because there was nothing that could have been done to save our ancestors from shame, the Lord let the nations beat His people and scatter them to the four winds. He nevertheless left a promise that He would wait until they as a people have gone through their period of prodigality, until they as individuals discover their mistakes and give the Lord opportunity to display His grace to them. Those who wait for Him are certainly to receive His blessings.
Dahil wala ng magagawa para iligtas ang ating mga ninuno sa kahihiyan, ipinahintulot ng Panginoon na bugbugin ng mga bansa ang Kanyang bayan at ipangalat sila sa apat na hangin. Gayunpaman, nag-iwan Siya ng pangako na maghihintay Siya hanggang sa sila bilang isang bayan ay dumaan sa kanilang panahon ng pagiging alibugha, hanggang sa matuklasan nila bilang mga indibidwal ang kanilang mga pagkakamali at bigyan ng pagkakataon ang Panginoon na ipakita ang Kanyang biyaya sa kanila. Ang mga naghihintay sa Kanya ay tiyak na tatanggap ng Kanyang mga pagpapala.
Why does David refuse to kill Saul?
Bakit tumanggi si David na patayin si Saul?
“Again word was sent to Saul, “Behold, David is in the wilderness of Engedi. Then Saul took three thousand chosen men out of all Israel, and went to seek David and his men upon the rocks of the wild goats.” David had only six hundred men in his company, while Saul advanced against him with an army of three thousand. In a secluded cave the son of Jesse and his men waited for the guidance of God as to what should be done. As Saul was pressing his way up the mountains, he turned aside, and entered, alone, the very cavern in which David and his band were hidden. When David's men saw this they urged their leader to kill Saul. The fact that the king was now in their power was interpreted by them as certain evidence that God Himself had delivered the enemy into their hand, that they might destroy him. David was tempted to take this view of the matter; but the voice of conscience spoke to him, saying, “Touch not the anointed of the Lord.” PP 661.2
“Muli ang salita ay ipinadala kay Saul, “Narito, si David ay nasa ilang ng Engedi. Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalaki sa buong Israel, at yumaon upang hanapin si David at ang kanyang mga tauhan sa mga bato ng mailap na kambing." Si David ay mayroon lamang anim na raang tao sa kanyang pangkat, habang si Saul ay sumulong laban sa kanya kasama ang isang hukbo na tatlong libo. Sa isang liblib na kuweba ang anak ni Jesse at ang kanyang mga tauhan ay naghintay ng patnubay ng Diyos kung ano ang dapat gawin. Habang si Saul ay nagsusumikap sa kanyang pag-akyat sa mga bundok, siya ay lumihis, at pumasok ng mag-isa sa mismong yungib kung saan nagtatago si David at ang kanyang pangkat. Nang makita ito ng mga tauhan ni David, hinimok nila ang kanilang pinuno na patayin si Saul. Ang katotohanan na ang hari ay nasa kanilang kapangyarihan na ngayon ay binibigyang-kahulugan nila bilang tiyak na katibayan na ang Diyos Mismo ang nagbigay ng kaaway sa kanilang kamay upang siya ay kanilang lipulin. Natukso si David na kunin din ang ganitong pananaw sa bagay na ito; ngunit ang tinig ng budhi ay nagsalita sa kanya, nagsasabing, “Huwag mong galawin ang pinahiran ng langis ng Panginoon.” PP 661.2
“David's men were still unwilling to leave Saul in peace, and they reminded their commander of the words of God, “Behold, I will deliver thine enemy into thine hand, that thou mayest do to him as it shall seem good unto thee. Then David arose, and cut off the skirt of Saul's robe privily.” But his conscience smote him afterward, because he had even marred the garment of the king.” PP 661.3
“Ang mga tauhan ni David ay ayaw pa ring iwan si Saul ng kapayapaan, at ipinaalala nila sa kanilang pinuno ang mga salita ng Diyos, “Narito, aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, upang iyong gawin sa kanya kung ano ang inaakala mong mabuti. Nang magkagayo'y bumangon si David, at pinutol ng lihim ang laylayan ng balabal ni Saul. Ngunit sinaktan siya ng kanyang budhi pagkatapos, dahil sinira niya ang damit ng hari.” PP 661.3
Those whom the Lord promotes, ever shrink from putting themselves forward. Though David, for example, had been anointed by Samuel to be king over Israel, he never attempted to take the throne. As a matter of fact, he did not even so much as make known his elevation. And then at the risk of death at Saul's own hand, he even protected him. In all this beautiful chivalry, David showed forth the love, humility, meekness, and righteousness born (inspired) of the Spirit of God. His was the calm, kind, forbearing patience which comes with the sure knowledge that God is in control. Knowing that the Lord had anointed him to be king, he happily waited until the Lord saw fit to put him on the throne.
Yaong mga itinataguyod ng Panginoon ay palaging umiiwas sa paglalagay ng kanilang sarili sa unahan. Bilang halimbawa, bagaman si David ay pinahiran ni Samuel upang maging hari sa Israel, hindi niya kailanman sinubukang umupo sa trono. Sa katunayan, hindi man lang niya ipinaalam ang kanyang pagkataas. At pagkatapos, sa panganib ng kamatayan sa sariling kamay ni Saul, ipinagtanggol pa nga niya ito. Sa lahat ng magagandang kabayanihang ito, ipinakita ni David ang pag-ibig, kababaang-loob, kaamuan, at katuwirang ipinanganak (kinasihan) ng Espiritu ng Diyos. Ang kaniyang pagkamahinahon, kabaitan, pagpapasensya na kasama ng tiyak na kaalaman na ang Diyos ang may kontrol sa lahat. Dahil alam niyang pinahiran siya ng Panginoon na maging hari, masaya siyang naghintay hanggang makita ng Panginoon na nararapat siyang ilagay sa trono.
What lessons can we learn from Elijah’s experience in the above Scripture?
Anong mga aral ang matututuhan natin sa karanasan ni Elias sa Kasulatan sa itaas?
“It would seem that after showing courage so undaunted, after triumphing so completely over king and priests and people, Elijah could never afterward have given way to despondency nor been awed into timidity. But he who had been blessed with so many evidences of God's loving care was not above the frailties of mankind, and in this dark hour his faith and courage forsook him. Bewildered, he started from his slumber. The rain was pouring from the heavens, and darkness was on every side. Forgetting that three years before, God had directed his course to a place of refuge from the hatred of Jezebel and the search of Ahab, the prophet now fled for his life. Reaching Beersheba, he “left his servant there. But he himself went a day's journey into the wilderness.” PK 159.3
“Aakalain na pagkatapos na magpakita ng lakas ng loob na walang takot, pagkatapos na lubos na magtagumpay laban sa hari at mga saserdote at mga tao, tila hindi na kailanman mawawalan ng pag-asa si Elijah o matatakot o magiging mahiyain. Ngunit siya na biniyayaan ng napakaraming katibayan ng mapagmahal na pangangalaga ng Diyos ay hindi nakahihigit sa mga kahinaan ng sangkatauhan, at sa madilim na oras na ito ay iniwan siya ng kanyang pananampalataya at katapangan. Nang siya ay naguguluhan, nagsimula siya sa kanyang pagkakatulog. Bumubuhos ang ulan mula sa langit, at ang dilim ay nasa bawat panig. Sa pagkalimot sa tatlong taong nakalipas, itinuro ng Diyos ang kanyang landas sa isang lugar ng kanlungan mula sa poot ni Jezebel at sa paghahanap sa kaniya ni Ahab, ang propeta ngayon ay tumakas para sa kanyang buhay. Pagdating sa Beersheba, “iniwan niya ang kaniyang lingkod doon. Ngunit siya ay pumunta sa ilang sa isang araw na paglalakbay.” PK 159.3
“Elijah should not have fled from his post of duty. He should have met the threat of Jezebel with an appeal for protection to the One who had commissioned him to vindicate the honor of Jehovah. He should have told the messenger that the God in whom he trusted would protect him against the hatred of the queen. Only a few hours had passed since he had witnessed a wonderful manifestation of divine power, and this should have given him assurance that he would not now be forsaken. Had he remained where he was, had he made God his refuge and strength, standing steadfast for the truth, he would have been shielded from harm. The Lord would have given him another signal victory by sending His judgments on Jezebel; and the impression made on the king and the people would have wrought a great reformation. PK 160.1
“Hindi dapat tumakas si Elijah mula sa kanyang tungkulin. Dapat ay sinalubong niya ang banta ni Jezebel sa pamamagitan ng paghingi ng proteksiyon sa Isa na nag-atas sa kaniya na ipagbangong-puri ang karangalan ni Jehova. Dapat ay sinabi niya sa mensahero na ang Diyos na kanyang pinagkakatiwalaan ay ang magpoprotekta sa kanya laban sa poot ng reyna. Ilang oras lamang ang lumipas mula nang nasaksihan niya ang isang kahanga-hangang pagpapakita ng banal na kapangyarihan na nagbigay sana sa kanya ng katiyakan na hindi siya pababayaan ngayon. Kung siya ay nanatili sa kanyang kinaroroonan, kung ginawa niya ang Diyos na kanyang kanlungan at lakas na nakatayong matatag para sa katotohanan, siya sana ay pinangalagaan mula sa kapahamakan. Bibigyan sana siya ng Panginoon ng isa pang tanda ng tagumpay sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang mga paghatol kay Jezebel; at ang impresyon na ginawa sa hari at sa mga tao ay makagagawa sana ng isang malaking repormasyon. PK 160.1
“Elijah had expected much from the miracle wrought on Carmel. He had hoped that after this display of God's power, Jezebel would no longer have influence over the mind of Ahab, and that there would be a speedy reform throughout Israel. All day on Carmel's height he had toiled without food. Yet when he guided the chariot of Ahab to the gate of Jezreel, his courage was strong, despite the physical strain under which he had labored. PK 160.2
“Marami ang inaasahan ni Elijah mula sa himalang ginawa sa Carmel. Siya ay umaasa na pagkatapos nitong pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos, si Jezebel ay hindi na magkakaroon ng impluwensya sa pag-iisip ni Ahab, at magkakaroon ng mabilis na pagbabago sa buong Israel. Buong araw sa taas ng Carmel ay nagpagal siya nang walang pagkain. Ngunit nang patnubayan niya ang karo ni Ahab hanggang sa pintuang-daan ng Jezreel, naging malakas ang kanyang tapang, sa kabila ng pisikal na hirap na pinaghirapan niya. PK 160.2
“But a reaction such as frequently follows high faith and glorious success was pressing upon Elijah. He feared that the reformation begun on Carmel might not be lasting; and depression seized him. He had been exalted to Pisgah's top; now he was in the valley. While under the inspiration of the Almighty, he had stood the severest trial of faith; but in this time of discouragement, with Jezebel's threat sounding in his ears, and Satan still apparently prevailing through the plotting of this wicked woman, he lost his hold on God. He had been exalted above measure, and the reaction was tremendous. Forgetting God, Elijah fled on and on, until he found himself in a dreary waste, alone. Utterly wearied, he sat down to rest under a juniper tree. And sitting there, he requested for himself that he might die. “It is enough; now, O Lord,” he said, “take away my life; for I am not better than my fathers.” A fugitive, far from the dwelling places of men, his spirits crushed by bitter disappointment, he desired never again to look upon the face of man. At last, utterly exhausted, he fell asleep. PK 161.1
“ Ngunit ang isang reaksyong tulad ng madalas na pagsunod sa mataas na pananampalataya at maluwalhating tagumpay ay nagpupumilit kay Elijah. Nangamba siya na baka hindi magtatagal ang repormasyon na sinimulan sa Carmel; at inabot siya ng depresyon. Siya ay itinaas hanggang sa tuktok ng Pisga; ngayon siya ay nasa lambak. Habang nasa ilalim ng inspirasyon ng Makapangyarihan, nakayanan niya ang pinakamatinding pagsubok sa pananampalataya; ngunit sa panahong ito ng panghihina ng loob, sa pagbabanta ni Jezebel sa kanyang pandinig, at si Satanas ay tila nananaig pa rin sa pamamagitan ng pakana ng masamang babaeng ito, nawala ang kanyang pagkapit sa Diyos. Siya ay dinakila ng higit sa sukat, at ang reaksyon ay napakalaki. Sa pagkalimot sa Diyos, si Elias ay tumakas nang tuloy-tuloy hanggang sa nasumpungan niya ang kanyang sarili sa isang mapanglaw na lugar na nag-iisa. Sa sobrang pagod, umupo siya para magpahinga sa ilalim ng puno ng enebro. Habang nakaupo roon, hiniling niya na siya ay mamatay. “Sapat na; ngayon, O Panginoon,” ang sabi niya, “alisin mo ang aking buhay; sapagkat hindi ako mas mabuti kaysa sa aking mga ama.” Isang takas, malayo sa mga tahanan ng mga tao, ang kanyang espiritu ay nadurog ng mapait na pagkabigo, ninais niyang hindi na muling tumingin sa mukha ng tao. Sa wakas, sa sobrang pagod, nakatulog siya. PK 161.1
“Into the experience of all there come times of keen disappointment and utter discouragement—days when sorrow is the portion, and it is hard to believe that God is still the kind benefactor of His earthborn children; days when troubles harass the soul, till death seems preferable to life. It is then that many lose their hold on God and are brought into the slavery of doubt, the bondage of unbelief. Could we at such times discern with spiritual insight the meaning of God's providences we should see angels seeking to save us from ourselves, striving to plant our feet upon a foundation more firm than the everlasting hills, and new faith, new life, would spring into being.” PK 162.1
“Sa karanasan ng lahat ay dumarating ang mga panahon ng matinding pagkabigo at lubos na panghihina ng loob—mga araw kung saan kalungkutan ang bahagi at mahirap paniwalaan na ang Diyos pa rin ang mabait na tagapagbigay ng Kanyang mga anak na ipinanganak sa lupa; mga araw kung saan ang mga kaguluhan ay nanggugulo sa kaluluwa, hanggang sa ang kamatayan ay tila higit na mabuti kaysa sa buhay. Sa panahong iyon, marami ang nawalan ng hawak sa Diyos at nadala sa pagkaalipin ng pagdududa, ang pagkaalipin ng kawalan ng pananampalataya. Makikita ba natin sa gayong pagkakataon nang may espirituwal na pagunawa ang kahulugan ng probidensya ng Diyos, na dapat nating makita ang mga anghel na naghahangad na iligtas tayo mula sa ating sarili, na nagsisikap na itayo ang ating mga paa sa isang pundasyong mas matatag kaysa sa walang hanggang mga burol, at ang bagong pananampalataya, ang bagong buhay, ay sumisibol sa ating pagkatao.” PK 162.1
What is David’s council to God’s people in Psalm 37?
Ano ang payo ni David sa bayan ng Diyos sa Awit 37?
When you are in God’s care and in His control never say the Devil did this or that regardless what it be, for he can do nothing except he is allowed to do it. Always give God the credit.
Kapag ikaw ay nasa pangangalaga ng Diyos at nasa Kanyang kontrol, huwag mong sabihing ginawa ng Diyablo ito o iyon anuman ito, dahil wala siyang magagawa maliban na lamang kung siya ay pinahintulutan. Laging bigyan ang Diyos ng kredito.
When things go contrary to one’s will and way today, most Christians give credit to the Devil. Only when things go according to their liking do they give credit to God! Balaam, too, was happy when the way opened for him to go to Balak, but when the angel of the Lord blocked the road he was traveling on, then Balaam, became as mad as a dog and smote the ass.
Kapag ang mga bagay ay sumasalungat sa kalooban at paraan ng isang tao ngayon, karamihan sa mga Kristiyano ay nagbibigay ng kredito sa Diyablo. Tanging kapag ang mga bagay ay naaayon sa kanilang kagustuhan, sila ay nagbibigay ng papuri sa Diyos! Si Balaam din, ay natuwa nang ang daan ay bumukas para sa kanya upang pumunta kay Balak, ngunit nang harangin ng anghel ng Panginoon ang daang kanyang tinatahak, si Balaam, ay naging baliw na parang aso at hinampas ang asno.
No, nothing but you yourself can defeat God’s plans for you. Be it your friends or your enemies, be it beasts or kings, you will find them all unwittingly or wittingly working for your good rather than for your harm if you are doing God’s bidding. What a rich resource Heaven is! And who knows it!
Hindi, walang iba kundi ikaw mismo ang makakatalo sa mga plano ng Diyos para sa iyo. Maging ang iyong mga kaibigan o iyong mga kaaway, maging ito ay mga hayop o mga hari, makikita mo silang lahat, sadya man o hindi, na gumagawa para sa iyong ikabubuti sa halip na para sa iyong pinsala kung ginagawa mo ang utos ng Diyos. Napakayamang mapagkukunan ng Langit! At sino ang nakakaalam nito!
Remember now, that whatever may stand in your way, be it the Red Sea or the River Jordan, be it a mountain or be it a desert, it shall become your very stepping stone.
Alalahanin mo ngayon, na anuman ang maaaring humadlang sa iyong lakad, maging ang Dagat na Pula o ang Ilog ng Jordan, maging ito ay isang bundok o maging isang disyerto, ito ay magiging iyong pinakatuntunang bato.
Such as this is the righteousness of the Lord, and you can have it at the cost of your own righteousness. Then you will find the Lord’s ways as much higher than yours as the Heaven is higher than the earth. When this happens, then only you will understandingly say, “The Lord our Righteousness.”
Tulad nito ang katuwiran ng Panginoon, at maaari mong makuha ito kapalit ng iyong sariling katuwiran. Pagkatapos ay masusumpungan mo ang mga daan ng Panginoon na mas mataas kaysa sa iyo gaya ng mas mataas ang Langit kaysa sa lupa. Kapag nangyari ito, ikaw lamang ang makakaunawa na makapagsasabi, "Ang Panginoon ang ating Katuwiran."
"Thou wilt keep him in perfect peace, whose mind is stayed on Thee: because he trusteth in Thee. Trust ye in the Lord for ever: for in the Lord JEHOVAH is everlasting strength: for He bringeth down them that dwell on high; the lofty city, He layeth it low; He layeth it low, even to the ground; He bringeth it even to the dust. The foot shall tread it down, even the feet of the poor, and the steps of the needy." Isa. 26:3-6.
“Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo. Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato. Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok. Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.” Isa. 26:3-6.
“It was the providence of God that had connected David with Saul. David's position at court would give him a knowledge of affairs, in preparation for his future greatness. It would enable him to gain the confidence of the nation. The vicissitudes and hardships which befell him, through the enmity of Saul, would lead him to feel his dependence upon God, and to put his whole trust in Him. And the friendship of Jonathan for David was also of God's providence, to preserve the life of the future ruler of Israel. In all these things God was working out His gracious purposes, both for David and for the people of Israel.” PP 649.3
“Ang probidensya ng Diyos ang nag-ugnay kay David at Saul. Ang posisyon ni David sa korte ay magbibigay sa kanya ng kaalaman sa mga pangyayari, bilang paghahanda para sa kanyang kadakilaan sa hinaharap. Ito ay magbibigay-daan sa kanya upang makakuha ng tiwala ng bansa. Ang mga pagbabago at mga paghihirap na nangyari sa kanya, sa pamamagitan ng pagkapoot ni Saul, ay magdadala sa kanya upang madama ang kanyang pagtitiwala sa Diyos, at upang ilagay ang kanyang buong pagtitiwala sa Kanya. At ang pakikipagkaibigan ni Jonathan kay David ay sanhi din ng probidensya ng Diyos upang mapangalagaan ang buhay ng magiging pinuno ng Israel. Sa lahat ng mga bagay na ito ay isinagawa ng Diyos ang Kanyang mapagbiyayang layunin, kapwa para kay David at para sa bayan ng Israel.” PP 649.3