Receiving an Unshakable Kingdom

Lesson 12, 1st Quarter March 12-18, 2022

img rest_in_christ
Share this Lesson
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - March 12

Memory Text:

“Wherefore we receiving a kingdom which cannot be moved, let us have grace, whereby we may serve God acceptably with reverence and godly fear:” KJV — Hebrews 12:28

“Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios”. KJV — Hebrews 12:28


“Those who accept Christ, and in their first confidence say, I am saved, are in danger of trusting to themselves. They lose sight of their own weakness and their constant need of divine strength. They are unprepared for Satan's devices, and under temptation many, like Peter, fall into the very depths of sin. We are admonished, “Let him that thinketh he standeth, take heed lest he fall.” 1 Corinthians 10:12. Our only safety is in constant distrust of self, and dependence on Christ.” COL 155.2

Yaong mga tumanggap kay Cristo, na sa unang pagkakatiwala ay sinabing: Ako ay ligtas na, ay nasa panganib ng pagtitiwala sa kanilang mga sarili. Nawawala ang kanilang paningin sa sariling kahinaan at sa pirmis na pangangailangan sa makalangit na kalakasan. Sila ay hindi handa sa mga patibong ni Satanas, at sa mga tukso gaya ni Pedro na nahulog sa malalim na pagkakasala. Tayo ay pinapayuhan: “Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.” 1 Corinthians 10:12 Ang tangi nating kaligtasan ay nasa buong pagtitiwala sa Diyos at kawalan naman ng tiwala sa mga sarili. COL 155.2

Sunday - March 13

You have come to Mount Zion

Hebrews 12:22-24

What does Paul Describe here?

Ano ang ipinahihiwatig ni Pablo dito?

“All heaven was waiting to welcome the Saviour to the celestial courts. As He ascended, He led the way, and the multitude of captives set free at His resurrection followed. The heavenly host, with shouts and acclamations of praise and celestial song, attended the joyous train.” DA 833.2

“Ang buong langit ay naghihintay sa maligayang pagdating ng Tagapagligtas sa makalangit na hukuman. Nang umakyat siya sa itaas, Kanyang pinangunahan ang daan at nagbigay laya sa maraming bihag ng Siya ay nabuhay na maguli. Ang buong kalangitan ay nakilahok sa masayang pagdiriwang na ito ng may pagsisigawan at pagpupuri”. DA 833.2

“Then the portals of the city of God are opened wide, and the angelic throng sweep through the gates amid a burst of rapturous music. DA 833.11

“At ang mga daanan sa bayan ng Diyos ay nabukas ng mabuti at ang mga banal ay pumasok sa mga pintuan sa gitna ng masayang mga tugtugin.” DA 833.11

“There is the throne, and around it the rainbow of promise. There are cherubim and seraphim. The commanders of the angel hosts, the sons of God, the representatives of the unfallen worlds, are assembled. The heavenly council before which Lucifer had accused God and His Son, the representatives of those sinless realms over which Satan had thought to establish his dominion,—all are there to welcome the Redeemer. They are eager to celebrate His triumph and to glorify their King.” DA 834.1

At may isang trono na napalilubutan ng bahaghari ng pangako. May mga kerubin at serapin. Ang mga pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang mga anak ng Diyos, ang mga kinatawan ng mga mundong hindi nahulog sa kasalanan ay nagtipon. Ang makalangit na konseho kung saan inakusahan ni Lucifer ang Diyos at ang Kanyang Anak, ang mga kinatawan ng walang salang kaharian na ninais sakupin at pamunuan ni Satanas –lahat ay nandoon upang tanggapin ang masayang pagdating ng Tagapagligtas. Sila ay masigasig na ipagdiwang ang Kanyang tagumpay at upang bigyang luwalhati ang Kanilang Hari.” DA 834.1

Monday - March 14

You have come to God, the Judge of All

Hebrews 12:23

If this is a celebration, why is God described as a judge? How can a judge be part of or a reason for a celebration? Read also, Daniel 7:9, 10, 13–22.

Kung ito ay isang pagdiriwang, bakit inilalarawan ang Diyos dito bilang isang hukom? Paanong ang isang hukom ay naging dahilan sa pagdiriwang? Basahin din ang Dan 7:9,10, 13-22 

Then from a comparison of Daniel 7:9, 10, 13, with Revelation 4:2 and 5:1, 11, the fact is clear that both visions are of the same event – the judgment. The one reveals it occurring in the period of the non-descript beast’s second stage, after its horn which had the eyes of a man and a mouth speaking great things had blasphemed (after the reign of Ecclesiastical Rome), and before the beast was slain and his body given to the burning flame (Dan. 7:11) before Rome’s destruction. And the other vision reveals it taking place sometime in the Christian period, and within probationary time.

Sa pagkukumpara ng mga talata sa Daniel 7:9, 10, 13 at Revelation 4:2 at 5:1, 11, malinaw na nahahayag sa mga pangitain ang parehong pangyayari – ang paghuhukom. Ang isa ay naghahayag na ito ay magaganap sa yugto ng ikalawang bahagi ng hindi mailarawang hayop, matapos na ang kanyang sungay na may mata ng tao at bibig na nagsasalita ng dakilang bagay ay gumawa ng kapusungan (matapos ang paghahari ng Ecclesiastical Rome) at bago na ang hayop ay napatay at ang kanyang katawan ay nabigay upang sunugin sa apoy (Dan 7:11) bago ang pagkawasak ng Roma. At sa ibang pangitain inihayag na ito ay magaganap sa panahon ng Christian period at sa loob ng panahon ng probasyon. 

Daniel saw thrones cast down, and the “Ancient of days,” the Judge, sit, showing that neither He nor the thrones were there beforehand. Evidently on the rest of the thrones, “seats,” sat the twenty-four elders. And finally, he saw the “Son of man,” Christ, the Advocate, brought before the “Ancient of days.” Accordingly, both Daniel and John saw “the judgment…set, and the books…opened.

Nakita ni Daniel hanggang sa ang luklukan ay malagay at ang isa na matanda sa araw, ang Hukom, ay umupo. Ito ay nagpapakita na Siya o ang luklukan man ay wala doon sa umpisa. Ganundin sa ibang mga luklukan ay nakaupo ang dalawangpu’t apat na matatanda. At sa kahulihan ay nakita Niya ang “Anak ng tao”, si Cristo, na Tagapamagitan, na dinala sa harapan ng “Matanda sa araw”. Alinsunod dito, parehong nakita nila Daniel at Juan na ang kahatulan ay nalagda at ang mga aklat ay nangabuksan…

Tuesday - March 15

Shake the Heavens and the Earth

Haggai 2:6-9, 20-22

What is the purpose of God shaking the heavens and the earth? What does this mean?

Ano ang layunin ng Diyos sa paguga sa langit at lupa?Ano ang ibig sabihin nito?

Haggai 2:6-8—"For thus saith the Lord of hosts; Yet once, it is a little while, and I will shake the heavens, and the earth, and the sea, and the dry land; and I will shake all nations, and the desire of all nations shall come: and I will fill this house with glory, saith the Lord of hosts. The silver is Mine, and the gold is Mine, saith the Lord of hosts." 

Haggai 2:6-8— “Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Minsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa; At aking uugain ang lahat na bansa; at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”

That the prophecy in these verses is yet to be fulfilled, is very obvious, for in the day this temple is built God is to shake the heavens, the earth, and the nations; that their expectation is then to come, and that the temple is to be filled with glory; that the builders are not to worry about finances.

Malinaw na ang propesiya sa mga talatang ito ay magaganap pa lamang sapagkat sa araw na iyon na ang templo ay matatag ay uugain ng Diyos ang langit at ang lupa, at ang mga bansa; at ang kanilang inaaasahan ay dadating at ang templo ay mapupuno ng kaluwalhatian at ang nagsipagtatag nito ay hindi na magaalala sa pananalapi. 

It is true that men control and use the silver and the gold, but it must not be forgotten that it all belongs to God, and that if He has need of it, He is well able to take it and do what He will with it, that the builders need not fear a shortage of it if they use it as God would have them use it.

Totoo na ang mga tao ang nagkokontrol at gumagamit ng pilak at ginto ngunit di dapat makalimutan na ang lahat ng ito ay pagaari ng Diyos, at kung ito’y kailanganin Niya ay kayang kaya Nya itong kunin at gawin ang kalooban Niya dito, upang ang mga tagapagtayo ay hindi na magalala na magkulang dito kung gamitin nila ito sa paraang nais ng Diyos. 

Since it is plain that the ancient temple was typical of a temple to be built in the day God shakes the heavens, the earth, and the nations, the subject becomes absolutely clear that Inspiration is here speaking of an antitypical temple. 

Sapagkat ang sinaunang templo ang tinutukuyan sa tipo (type), malinaw na ang templo na binabanggit ng Inspirasyon dito ay ang antitype na matatatag sa panahon na ugain ng Diyos ang langit at lupa at ang mga bansa. 

Haggai 2:9—"The glory of this latter house shall be greater than of the former, saith the Lord of hosts: and in this place will I give peace, saith the Lord of hosts." 

Haggai 2:9 – Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

The promise is that the glory which attended Solomon's temple, shall be far exceeded by the antitypical one, which is to be built by the church purified, the church during the harvest time, the time in which God shakes the heaven, the earth, and the nations—during the great and dreadful day of the Lord.

Ang pangako na ang kaluwalhatian ng templong ito ay mas laong magiging higit kaysa doon sa unang templo na itinatag ni Solomon. Ang antitype na itatatag ng dinalisay na iglesia, ang iglesia sa panahon ng pagaani, kung kailan uugain ng Diyos ang langit at lupa at ang mga bansa – sa panahon ng dakila at kakilakilabot na araw ng Diyos. 

Since these promises were not fulfilled in the day of Zerubbabel's temple, the subject becomes crystal clear: that they are now to be fulfilled, and since these latter-day truths are now revealed to us, we must be the builders of it, the glory of which is to exceed all the glory of the past. Moreover, the place where this antitypical temple is to be situated is to have peace, and the way that peace is completely to be achieved is told in—

Sapagkat ang mga pangakong ito ay hindi pa natupad sa panahon ng templo ni Zerubbabel, ang suhetong ito ay mas naging malinaw, na ito ay tutuparin ngayon, at dahil ang mga kasalukuyang katotohanang ito ay nahahayag sa atin, tayo ang magiging tagapagtato nito, na ang siyang kaluwalhatian ay makahihigit kaya sa kaluwalhatian ng nakaraan. Gayundin, ang lugar kung saan ang antitypical na templong ito ay malalagay ay magkakaroon ng kapayapaan, at ang paraan kung paano magkakaron ng lubusang kapayapaan ay naihayag din. 

Haggai 2:21,22—"Speak to Zerubbabel, governor of Judah, saying, I will shake the heavens and the earth; and I will overthrow the throne of kingdoms, and I will destroy the strength of the kingdoms of the heathen; and I will overthrow the chariots, and those that ride in them; and the horses and their riders shall come down, everyone by the sword of his brother.

Haggai 2:21,22 – “Salitain mo kay Zorobabel na gobernador sa Juda, na iyong sabihin, Aking uugain ang langit at ang lupa; At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.”

Again, is seen that in the day the Lord shakes the heavens and the earth, He also, destroys the kingdoms of the earth by allowing them to kill one another. No wonder then that the nations are now engaged in an armament race, and the whole world is on the verge of plunging into the bloodiest conflict ever known. It is difficult for anyone to come to any other conclusion than that the great and dreadful day of the Lord is at hand. 

Muli nakita na sa panahon na ugain ng Diyos ang langit at lupa ay Kanya ding gigibain ang lakas ng mga kaharian sa pagpapahintulot na sila’y magpatayan sa isa’t isa. Hindi nga nakapagtataka na ang mga bansa ngayon ay nasasangkot sa mga labanan at ang buong mundo ay nasa bingit ng pagkakaroon ng pinakamadugong hidwaan na mapagaalaman. Mahirap para sa sinuman na magisip pa ng ibang konklusyon ukol dito maliban sa nalalapit na dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Diyos. 

Wednesday - March 16

An Unshakable Kingdom

Hebrews 12:27

What are the things that will not be shaken? 

Ano ang mga bagay na hindi mauuga?

Prophesying, as did Jeremiah, of the desolation of the earth, Isaiah says: “Behold, the Lord maketh the earth empty, and maketh it waste, and turneth it upside down, and scattereth abroad the inhabitants thereof…. The earth mourneth and fadeth away, the world languisheth and fadeth away, the haughty people of the earth do languish. The earth also is defiled under the inhabitants thereof; because they have transgressed the laws, changed the ordinance, broken the everlasting covenant. Therefore hath the curse devoured the earth, and they that dwell therein are desolate: therefore the inhabitants of the earth are burned and few men left. … The earth is utterly broken down, the earth is clean dissolved, the earth is moved exceedingly. The earth shall reel to and fro like a drunkard, and shall be removed like a cottage; and the transgression thereof shall be heavy upon it; and it shall fall, and not rise again.” Isa. 24:1, 4-6, 19, 20.

Gaya ng propesiya na hinayag ni Jeremias ukol sa pagkapugnaw ng mundo, sinabi ni Isaias: “Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon… Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina. Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan. Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao. Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa. Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.” Isa. 24:1, 4-6, 19, 20. 

These verses, carrying the continuity of thought, describe what the Lord is to do to the earth whereas those omitted (Isa. 24:2, 3, and 7 to 18 inclusive), as indicated by the omission marks, contain parenthetical thoughts describing how He is to do it, and declaring that He will bestow upon one class of people all the blessings, and bring upon another class all the curses. Verses 2 and 3 unveil the earth emptied of all its inhabitants, irrespective of anyone’s position, whether of honor or of dishonor – from the pious priest down to the lowly slave. And verses 4 to 12 disclose that all the joy will be taken away from the people; that great calamities will overtake them just before the earth is made empty; and that “when thus it shall be in the midst of the land among the people, there shall be as the shaking of an olive tree, and as the gleaning grapes when the vintage is done.” Isa. 24:13. In brief, these verses reveal that just prior to the emptying of the earth, there shall be a great shaking among the people, with the result that all who are not found steadfast in Christ, – the Way, the Truth, and the Life (John 14:6), – shall fall; whereas those who are found steadfast, shall be the “left,” and thus being---The Purified–They Shall Stand Forever. 

Ang patuloy sa mga talatang nabanggit na ito ay naglalarawan kung ano ang gagawin ng Diyos sa mundo samantalang yaong mga hindi nabanggit ((Isa. 24:2, 3, and 7-18) ay naglalahad kung paano Niya ito gagawin at naghahayag na Kanyang ibibigay sa isang klase ng bayan ang lahat ng pagpapala at dadalhin naman sa ibang klase ang lahat ng sumpa. Ang mga talata 2 at 3 ang naglalarawan sa lupa na lubos na nawalan ng laman, na napangalat anu pa man ang kanilang kalalagayan sa buhay, kung paano sa saserdote gayundin sa alipin… Ang mga talata 4 hanggang 12 naman ang naghayag na ang lahat ng kaligayahan ay aagawin sa bayan; ang mga kalamidad ay dadating sa kanila bago mawalan ng laman ang lupa at “Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani. Isa. 24:13. Bilang buod, ang mga talatang ito ay naglalahad na bago mawalan ng laman ang lupa ay magkakaroon ng matinding pagliglig sa bayan, at magreresulta na ang lahat ng masumpungang hindi natatag kay Cristo – na Siyang daan, at ang katotohanan, at ang buhay (John 14:6) -- ay mabubuwal samantalang yaong nasumpungang natatag sa Kanya ay ang matitira – na silang mga dinalisay at mananatili magpakailanman.

Thursday - March 17

Let Us Be Grateful

Hebrews 12:28; 13:15

How do we offer God acceptable worship?

Paano tayo makapaghahain ng katanggaptanggap na pagsamba?

“They shall lift up their voice, they shall sing for the majesty of the Lord, they shall cry aloud from the sea.” Isa. 24:14. “Wherefore,” admonishes the prophet in view of this prospect, “glorify ye the Lord in the fires, even the name of the Lord God of Israel in the isles of the sea.” Isa. 24:15. 

“Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.” Isa. 24:14 Kaya't, pinaaalalahan tayo ng propeta sa aspetong ito, “luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat. Isa. 24:15. 

By rejoicing in the Lord while they are passing through “the fires” (trials – 1 Pet. 4:12), the faithful “shall be purified, and made white, and tried; but the wicked shall do wickedly: and none of the wicked shall understand; but the wise shall understand.” Dan. 12:10. 

Sa pagkagalak sa Panginoon samantalang tayo ay dumaan sa mahigpit na pagsubok (1 Pet 4:12) , ang mga tapat ay magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.” Dan. 12:10. 

“But who,” asks the prophet Malachi, speaking of this time and event, “may abide the day of His coming? and who shall stand when He appeareth? for He is like a refiner’s fire, and like fullers’ soap: and He shall sit as a refiner and purifier of silver: and He shall purify the sons of Levi and purge them as gold and silver, that they may offer unto the Lord an offering in righteousness.” Mal. 3:2, 3.

“Ngunit sino”, tanong ni propeta Malakias, ukol sa panahon at pangyayaring ito, “ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi: 3At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran

This purified class who stand steadfast during the shaking in the midst of the land (the church – Isa. 19:24), is also brought into focus in Isaiah’s prophecy, chapter 24, verse 14: “…they shall sing for the majesty of the Lord”; whereas in verse 16 is projected a subsequent purified class who are gathered “from the uttermost part of the earth,” and from whom are “heard songs, even glory to the righteous.” The shaking, in other words, garners first and second fruits of saints – the one from the church, “the midst of the land,” and the other from the world, “the uttermost part of the earth.” And while those from the church “sing for the majesty of the Lord,” those from the world sing “glory to the righteous.” 

Ang dinalisay na klaseng ito na tumayong matatag sa panahon ng pagliliglig sa gitna ng lupain (ang iglesia – Isa 19:24), ay muling binigyang pokus sa propesiya ni Isaias sa kapitulo 24 talata 14: “…sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon, sa talata 16 naman binabanggit na ang dinalisay na klase na matitipon, “mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa, na siyang nakarinig ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid.” Ang pagliliglig, sa ibang salita, ay ang titipon sa una at ikalawang bunga ng mga banal – ang isa na galing sa iglesia “sa gitna ng lupain” at ang isa naman buhat sa mundo – na mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa.” At samantalang yaong mga nasa iglesia ay magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon, yaong galing naman sa mundo ay “kaluwalhatian sa matuwid.”

Thus, we see plainly that the redeemed from the church – the servants of God (the first fruits, or first-born – the Biblical term for the priesthood or the ministry) – stand firmly during the shaking “in the midst of the land,” with the result that they carry the truth to all nations during the “shaking” in the world, thereby taking salvation to many. These two classes of the living are necessarily, therefore, the only redeemed who are left after the shaking. They are spared, “delivered,” from the destruction, because their names are “found written in the book.” Dan. 12:1. And that they are not “left” on the earth while it lies in a state all broken, desolate, and void, but rather are “left” from the destruction, Isaiah, himself, makes plain when he says “the inhabitants of the earth are burned, and few men left” Isa. 24:6. These words do not even imply that the redeemed are left on the earth during the time of its desolation, but are “left,” spared, from the destruction.

Dito malinaw na nakikita na ang mga ligtas mula sa iglesia – ang lingkod ng Diyos (ang unang bunga, ang panganay – ang termino sa Biblia ukol sa pagkasaserdote o ministro) ay tumatayong matatag sa panahon ng pagliliglig sa “gitna ng lupain”, na siyang nagresulta sa kanilang pagdadala ng katotohanan sa lahat ng mga bansa sa panahon ng pagliliglig sa mundo, at nagdadala ng kaligtasan sa marami. Samakatuwid, ang dalawang klaseng ito ng mga buhay ang tanging mga ligtas na natira matapos ang pagliglig. Sila ay iningatan, “niligtas” buhat sa pagkawasak sapagkat ang kanilang mga ngalan ay “nasumpungang nakasulat sa aklat” Dan 12:1. At sila ay hindi natira sa lupa samantalang ito ay nasa estado ng pagkasira, pagkawasak at kawalan, sa halip, sila ay “natira” buhat sa naganap na pagkawasak. Malinaw din ang naging pahayag ni Isias ng sinabi nyang: “kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao”. Isa. 24:6. Ang mga salitang ito ay hindi nagsabi na ang mga naligtas ay naiwan sa lupain sa panahon ng pagkasira ngunit sila ay “natira”, naligtas buhat sa pagkawasak. 

Consolidating the facts before us, we find that the millennium is ushered in by a six-fold series of events occurring in the order in which they are named: (1) God’s destroying the hypocrites in the church; (2) calling His Own out of the nations, and then bringing them into the purified church – the Kingdom; (3) closing probation; (4) destroying the wicked; (5) resurrecting the righteous dead and translating the righteous living; (6) and finally, making void the earth.

Sa pagtitipon ng mga patunay sa ating harapan ay napagalaman na ang millennium ay may anim na bahagi ng mga pangyayaring magaganap ng may pagkakasunud-sunod: (1) Ang pagwasak ng Diyos sa mga hipokrito sa iglesia (2) pagtawag sa sariling Kanya buhat sa mga bansa at pagdadala sa kanila sa dinalisay na iglesia – ang Kaharian (3) ang pagsasara ng pinto ng awa (4) pagwasak sa mga makasalanan (5) pagkabuhay na maguli ng mga matuwid na patay at pagtranslate sa mga matuwid na nangabubuhay (6) ang kahulihan ang pagkawasak ng mundo. 

With the culmination of these six end-events, the time of which the Bible calls the end of the world, the curtain falls forever on the ages-long drama of sin and redemption. Aforetime, though, “this gospel of the kingdom [the signs of the end (Matt. 24)] shall,” said Christ, “be preached in all the world for a witness unto all nations [now existent]; and then shall the end come” (Matt. 24:14), and it shall have come to pass, as written: “…the heaven departed as a scroll when it is rolled together; and every mountain and island were moved out of their places.” Rev. 6:14. “For thus hath the Lord said, The whole land shall be desolate;” adding though: “yet will not make a full end” (Jer. 4 :27) – leaving a promise for---The Renewal of the Earth.

Sa pagtatapos ng anim na bahaging pangyayaring ito, ang panahon na tinatawag ng Biblia na katapusan ng mundo, ang tilon ay habambuhay ng magsasara sa napakahabang panahon na dulang ito ukol sa kasalanan at kaligtasan. “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian (ang tanda ng katapusan Matt 24) sani ni Cristo, sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.” Matt 24:14 at ito’y mangyayari, gaya ng nasusulat:… “At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakas an (Jer. 4 :27 – nagiiwan ng pangako sa Muling pagtatatag sa mundo. 

Friday - March 18

Further Study

“We are living in the time of the end. The fast-fulfilling signs of the times declare that the coming of Christ is near at hand. The days in which we live are solemn and important. The Spirit of God is gradually but surely being withdrawn from the earth. Plagues and judgments are already falling upon the despisers of the grace of God. The calamities by land and sea, the unsettled state of society, the alarms of war, are portentous. They forecast approaching events of the greatest magnitude. 9T 11.1

Tayo ay nabubuhay sa huling kapanahunan. Ang mabilis na pagkatupad ng mga tanda ay naghahayag na ang pagparito ni Cristo ay nalalapit na. Ang panahon na ating kinapapamuhayan ay solemne at importante. Ang Espiritu ng Diyos ay bagaman dahandahan ay malapit ng bawiin mula sa lupain. Mga salot at hatol ang sumasapit sa mga tumutuya sa biyaya ng Diyos. Ang mga kalamidad sa lupa at dagat, ang kaguluhan sa mga bansa, ang mga giyera ay nagbabanta. Ito ay naghahayag sa mga papaparating na mga kaganapan.  9T 11.1

“The agencies of evil are combining their forces and consolidating. They are strengthening for the last great crisis. Great changes are soon to take place in our world, and the final movements will be rapid ones.” 9T 11.2

“Ang mga ahensya ng kaaway ay nagsasanib pwersa. Sila ay nagpapalakas para sa huling dakilang labanan. Mga dakilang pagbabago ang malapit ng maganap sa mundo at ang mga pagkilos ay magiging mabilis.” 9T 11.2

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org