“Looking unto Jesus the author and finisher of our faith; who for the joy that was set before him endured the cross, despising the shame, and is set down at the right hand of the throne of God.” KJV — Hebrews 12:2
Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios. KJV — Hebrews 12:2
A true Christian never drags behind but as perfect corn of the field is complete in its sphere so he also is without blemish in as far as the light brings him forth. Hence, if you have made a start and are still running in the race there is no reason why you should be lost -- "For a just man falleth seven times, and riseth up again" (Prov. 24:16), "And if any man sin, we have an Advocate with the Father, Jesus Christ the righteous." (1 John 2:1.)
Ang tunay na Kristiyano kailanma’y hindi napag-iiwanan, kung kagaya ng perpektong mais sa bukid na husto na sa hugis gayundin naman siya na walang bahid sa abot ng liwanag sa kaniya. Kaya naman, kung tayo ay nagpasimula at patuloy na tumatakbo sa takbuhing ito ay walang rason upang tayo ay maligaw – “Sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: nguni't ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.” (Kawikaan 24:16). “At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid.” (1 John 2:1.)
The enemy would like to deceive us one way or another, he cares not which, and we should not give him any occasion. Says Paul: "Wherefore seeing we also are compassed about with so great a cloud of witnesses, let us lay aside every weight, and the sin which doth so easily beset us, and let us run with patience the race that is set before us, looking unto Jesus the Author and finisher of our faith; Who for the joy that was set before Him endured the cross, despising the shame, and is set down at the right hand of the throne of God." (Heb. 12:1, 2.)
Nais ng kaaway na tayo ay malinlang sa lahat ng kaparaanan at siya ay hindi natin dapat bigyan ng pagkakataon na magawa ito. Sabi ni apostol Pablo: “Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin, Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios”. (Heb. 12:1, 2.)
What is God saying to us in these verses?
Ano ang sinasabi ng Diyos sa atin sa mga talatang ito?
By faith, not by sight, we know that we are the sons of God, citizens of His government. And as such we submit ourselves to His rules and laws. As such we honor and revere Him as our Saviour and King.
Sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi sa paningin, ay nalalaman nating tayo’y mga anak ng Diyos at mamamayan ng Kanyang gobyerno. At dahil dito ay nagpapasakop tayo sa Kanyang batas at kautusan. At Siya’y ating binibigyang parangal at galang bilang ating Tagapagligtas at Hari.
Let us now for example go back to Noah’s day. Noah lived in an exceedingly wicked world, as you know. It was so wicked that, as merciful as God is, He could no longer contain Himself while the wickedness went on. At long last He commanded Noah to build an ark, and promised that all, whether righteous or wicked, who would go into the ark would find deliverance from the awful flood. Since they did not merit such a favor, they were, therefore, offered deliverance from the flood only through “righteousness of grace” – they were to be credited with righteousness and be given life which they did not merit. Thus we see “grace” taking occasion to save sinners even back in Noah’s day. And so, “where sin abounded, grace did much more abound.” Rom. 5:20.
Atin ngang muling balikan ang kapanahunan ni Noe. Batid nating si Noe ay namuhay sa mundong punung-puno ng kasamaan. Ito’y napakasama na maging ang maawaing Diyos ay hindi na nakapagpigil sa Kanyang sarili habang ang kasamaan ay lumalala. At sa huli ay Kanyang inutusan ni Noe na gumawa ng arka at nangako na ang sinuman, mabuti at masama, na papasok sa arka ay makakasumpong ng kaligtasan sa parating na baha. Sapagkat hindi sila nararapat sa kabutihang-loob na ito, ang kaligtasang ito ay inalok sa kanila sa pamamagitan lamang ng “katuwiran sa biyaya ng Diyos” – sila ay mabibigyan ng katuwiran at buhay na hindi karapatdapat sa kanila. Dito ay makikita nating ang “biyaya” ay gumana upang iligtas ang mga makasalanan sa panahon ni Noe. “Datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya.” Rom. 5:20.
In Abraham’s time, too, only about 400 years after the flood the world had sunk deep in idol worship, and God commanded Abraham to get out of his father’s house, out of his idolatrous country, and to go to another land, a land that was to be for his own and for God’s people only. And as any, good or bad, who joined Abraham and his God were as freely permitted to enter into the Promised Land as were the antediluvians permitted to enter the ark, they too, therefore, were given “righteousness by grace”; that is, they were privileged to take their stand for God with Abraham, and to share the blessings, but not because of any good works of theirs. Having endured to the end, Abraham, whose faith failed not, became the father of all who through “righteousness by grace” attain “righteousness by faith.” Hence you see that “righteousness by grace” starts us out into “righteousness by faith,” the reward of which is, “the righteousness of Christ.”
Maging sa panahon ni Abraham, makalipas lamang ang 400 taon matapos ang baha, ang mundo ay nalugmok sa pagsamba sa diyus-diyosan at ipinagutos ng Diyos kay Abraham na umalis sa tahanan ng kanyang ama, labas sa bansa na puno ng diyus-diyosan at tumungo sa ibang lupain, ang lupain para sa kanya at sa bayan ng Diyos lamang. At ang lahat, mabuti man o masama, na sasama kay Abraham at sa Diyos ay malayang makapapasok sa Lupang Pangako gaya ng mga pinayagang pumasok sa arka noon, sila din ay nakatanggap ng “katuwiran ng biyaya ng Diyos’, dahil dito sila ay nagkaroon ng pribilehiyo na tumindig para sa Diyos kasama ni Abraham at upang makibahagi sa mga pagpapala, at hindi dahil sa kanilang mga mabubuting gawa. Dahil sa naging pagtitiis hanggang sa huli, si Abraham, sa walang humpay niyang pananampalataya, ay itinalaga bilang ama ng lahat ng makatatanggap ng “katuwiran ng pananampalataya” sa pamamagitan ng “katuwiran ng biyaya”. Dito makikita na ang “katuwiran ng biyaya” ang pasimula upang matanggap ang “katuwiran ng pananampalataya” at ang gantimpala nito ay “katuwiran ni Cristo”.
Later in history came the time that whosoever, good and bad alike, joined the Exodus out of Egypt, found deliverance from Pharaoh’s taskmasters and from his pursuing army. This deliverance they obtained not because they deserved deliverance, but because of the “grace” of God toward them. (See Ezekiel 20:1-8.) Thus they “all…were under the cloud, and all passed through the sea; and were all baptized unto Moses in the cloud and in the sea; and did all eat the same spiritual meat; and did all drink the same spiritual drink: for they drank of that spiritual Rock that followed them: and that Rock was Christ.” 1 Cor. 10:1-4. Yes, through “righteousness by grace” none were excluded from participating in the blessings then offered.
Sa kalaunan sa kasaysayan ay ating nakita na ang sinuman, mabuti man o masama, na sasama sa paglalakbay palabas na Egipto o ang Exodus movement na tinatawag ay makakasumpong ng kaligtasan buhat sa kamay ng mga hukbo ni paraon. Sila ay nagkamit ng kaligtasan hindi dahil sa kanilang karapatan ngunit dahil sa “biyaya ng Diyos” sa kanila. (Basahin ang Ezekiel 20:1-8). Silang lahat…”ay nangapasa ilalim ng alapaap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat; At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat; At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu; At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.” 1 Cor. 10:1-4. Oo, sa pamamagitan ng “katuwiran ng biyaya ng Diyos, ay walang nawaglit at lahat ay pinayagang makibahagi sa inalok na mga pagpapala.
Having been given “righteousness by grace” sufficient to cross the sea, and having come into the desert, they were then given the finest chance to exercise “righteousness by faith.” But only those who did exercise “righteousness by faith” lived on and entered the Promised Land. Those, though, who made no more use of “faith” in the desert than they did in Egypt perished in the wilderness.
Dahil sa “katuwiran ng biyaya” na binigay sa kanila na sapat upang makatawid sa dagat at magpatuloy sa disyerto, sila din ay nabigyan ng dakilang pagkakataon na ganapin ang “katuwiran ng pananampalataya”. Ngunit tanging iyon lamang mga gumanap sa “katuwiran ng pananampalataya” ang nabuhay at nagawang pumasok sa Lupang Pangako. At yaong mga hindi nakitaan ng pananampalataya sa disyerto gaya nang sila ay nasa Egipto pa ay sama samang namatay sa ilang.
Finally, came the time for the faithful to possess the land. And so it was that only those whose “righteousness by faith” sustained them, crossed the River Jordan. None others did. And for our benefit the Apostle has left this counsel: “Let us therefore fear, lest, a promise being left us of entering into His rest, any of you should seem to come short of it. For unto us was the gospel preached, as well as unto them: but the Word preached did not profit them, not being mixed with faith in them that heard it.” Heb. 4:1, 2.
Sa huli ay ang panahon upang angkinin ng mga tapat ang lupain. At nangyari na tanging yaong nakapagtaguyod sa “katuwiran ng pananampalataya” ang nakatawid sa ilog ng Jordan. Wala ng iba. At para sa ating kapakinabangan ay iniwan ng apostol ang mga payong ito: “Mangatakot nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon. Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig.” Heb. 4:1, 2.
What did these “heroes” of faith do that exemplified their faith? How are their actions related to the hope of things not seen?
Anong ginawa ng mga “bayaning” ito ng pananampalataya na nakapagtaas sa kanilang pananampalataya? Ano ang ugnayan ng kanilang mga gawa sa “mga bagay na hinihintay na hindi nakikita?”
"Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen." Heb. 11:1.
“Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita”. 11:1.
Righteousness by faith is, therefore, the doing of deeds which only in faith bear the evidence of righteousness, --the substance sustaining the hope of something which does not now appear. For example, if, like Abraham, we do without delay all that God has revealed to us, even though we see ourselves unrighteous as did Isaiah when he saw the Lord (Isa. 6:5), then the moment we repent of, and forsake, our evil deeds, we accept, by faith, the unseen reality that the Lord has cleansed us from them. At that moment, we stand, in His sight, not in ours, "as white as snow." Isa. 1:18. This does not mean, however, that we now count ourselves to have reached perfection, and that we are no longer subject to sin, "for a just man falleth seven times and riseth up again." Prov. 24:16.
Samakatuwid ang katuwiran sa pananampalataya ay ang paggawa ng mga bagay na nagtataglay ng ebidensya ng katuwiran – na kapanatagan sa mga bagay na kasalukuyan pang hinihintay. Bilang halimbawa, kung tayo ay tutulad kay Abraham at gagawa ng walang pagaatubili sa lahat ng bagay na hinayag ng Diyos sa atin bagaman nakikita nating tayo’y hindi pa matuwid gaya ng naganap kay Isaias ng makita ang Panginoon (Isa 6:5), at sa oras na tayo ay magsisi at magwaksi sa ating mga masasamang gawa at tumanggap ng may pananampalataya na tayo ay nilinis na ng Diyos bagaman hindi ito nakikita ng mata. Sa oras na iyon, tayo ay tatayo sa Kanyang paningin at hindi sa ating mga sarili, na “mapuputi na parang niebe”. Isa. 1:18 Ngunit hindi ito nangangahulugan na atin ng binibilang ang ating sarili na sakdal na hindi na magkakasala, “sapagka't ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli”. Prov. 24:16.
To illustrate: there are a man, woman, boy, and girl, who are always well-dressed and immaculately clean. Not that their clothes do not stain, nor ever wear out; they naturally do. That is something that cannot be avoided. Nevertheless, these persons always keep themselves spotless and clean. But how do they do it?--By simple, ceaseless care: they bathe as often as necessary, wash their clothes as soon as they begin to soil, and mend or replace them without delay. In like manner is the Christian's faith kept intact. He studies the Word of God, complies with all its requirements, repents as often as he sins, and arises and keeps in the race. And if he makes a mistake, he immediately corrects it. Likewise if he offends, he without delay reconciles the offended one. He is not prejudiced. He does not find fault with others, but with himself. He does not criticize a brother for having a mote in his eye; rather, he pulls the beam out of his own eye (Matt. 7:3 through 5). He grants liberty of conscience to all, and delights to "let every man be fully persuaded in his own mind." Rom. 14:5. He does not impose his ideas and his standards of living upon others. He never demands confession, but is always ready to confess and to forgive. He "pleases all men in all things, not seeking" his "own profit, but the profit of many, that they may be saved." 1 Cor. 10:33. In thus complying with the golden rule (Matt. 7:12), by faith he keeps himself spotless while helping others. As a result, Christ freely cleanses him "with the washing of the water by the Word," and grafts him into the beautiful vine, the church. He does this, that He "might present...to himself a glorious church, not having spot, or wrinkle, or any such thing; but that it should be holy and without blemish." Eph. 5:27.
Bilang ilustrasyon: may isang lalaki, babae, batang lalaki at batang babae na maayos manamit at may sakdal na kalinisan. Hindi dahil ang kanilang damit ay hindi namamatsahan o naluluma. Ito ay isang bagay na hindi maiiwasan. Gayunpaman, palagian nilang pinananatili ang sariling malinis at walang bahid. Ngunit paano nila ito ginagawa? – Simple lamang – sa walang humpay na pagiingat: sila ay naliligo ng wasto, nilalabhan ang damit sa oras na ito ay marumihan at inaayos o pinapalitan ito kung kinakailangan ng walang pagkaantala. Sa ganoon ding paraan mapapanatili ang pananampalataya ng isang Kristyano. Kanyang inaaral ang Salita ng Diyos, sumusunod sa mga alituntunin nito, nagsisisi sa kanyang mga kasalanan at patuloy na tumitindig at tumataguyod sa takbuhin. At kung siya’y magkamali ay daglian nya itong itinatama. At kung siya ay makasakit sa iba at mabilis din syang nakikipagkasundo. Hindi siya nanghuhusga. Hindi siya naghahanap ng kamalian sa iba, ngunit sa kanyang sarili siya tumitingin. Hindi pumupuna sa puwing ng kanyang kapatid, at sa halip ay tinatanggal ang “tahilan sa sariling mata” (Mat 7:3-5) Binibigyan ng kalayaan sa konsensya ang lahat at nagagalak na ang “bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip”. Rom. 14:5. Hindi pinipilit ang sariling ideya at pamantayan sa iba. Hindi humihingi ng pagpapahayag ng kasalanan sa iba at sa halip ay laging handang mangumpisal at magpatawad. Siya ay “nagbibigay lugod sa lahat ng mga tao na hindi hinahanap ang sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila'y mangaligtas”. 1 Cor. 10:33. At gayundin ay sumusunod sa ginintuang aral ( Mateo 7:12), sa pamamagitan ng pananampalataya ay pinananatili ang sarili na walang bahid habang tumutulong sa iba. Bilang resulta, siya ay nilinis ng Diyos sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita”, at isinanib sa mabuting puno, sa iglesia. Kanya itong ginagawa upang “ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan”. Eph. 5:27
What are the three requisites to success?
Ano ang kinakailangan upang makamit ang tagumpay?
Exodus14:11-16 -- "And they said unto Moses, Because there were no graves in Egypt, hast thou taken us away to die in the wilderness? wherefore hast thou dealt thus with us, to carry us forth out of Egypt? Is not this the word that we did tell thee in Egypt, saying, Let us alone, that we may serve the Egyptians? For it had been better for us to serve the Egyptians, than that we should die in the wilderness.
"And Moses said unto the people, Fear ye not, stand still, and see the salvation of the Lord, which He will shew to you to day: for the Egyptians whom ye have seen to day, ye shall see them again no more for ever. The Lord shall fight for you, and ye shall hold your peace.
"And the Lord said unto Moses, Wherefore criest thou unto Me? speak unto the children of Israel, that they go forward: But lift thou up thy rod, and stretch out thine hand over the sea, and divide it: and the children of Israel shall go on dry ground through the midst of the sea."
“At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto? Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang.
At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man. Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon. At itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo”. Exodus14:11-16
Here we see a picture of all Israel with no courage just at a time when they so much needed it. To solve their problem did God command them to sit down and pray? -- No, the command was that they go forward, that Moses first lift his rod and stretch forth his hand to divide the sea, and that the multitude go on through. To all human reasoning this command would seem utterly foolish in the face of their predicament, but God knew all about it. He knew what He was doing when He led them there, too. He was about to bring to pass so great an event that it would bring fear upon the heathen and thus help make possible God's people taking the land of their promise, as well as to relieve them of the pursuing Egyptians.
Dito ay naisalarawan ang bayan ng Israel na walang lakas ng loob sa panahong kinakailangan nila ito. Upang masolusyonan ang problema ipinagutos ba ng Diyos na sila ay maupo at manalangin? – Hindi, ang utos ay sumulong, magpatuloy sila, at itaas ni Moses ang tungkod at iunat ang kamay sa ibabaw ng dagat upang hawiin ito at nang makaraan ang bayan sa gitna nito. Kung sa kaisipang pang tao lamang, ang utos na ito ay tila kamangmangan sa gitna ng kanilang kinakaharap ngunit alam itong lahat ng Diyos. Alam Niya ang Kanyang ginagawa nang gabayan sila sa dakong iyon. Nais nyang gumawa ng isang dakilang pangyayari upang magdulot ng takot sa mga gentil at upang gawing posible ang pagangkin nila sa lupang pangako at upang iligtas sila sa mga humahabol na Egipcio.
This lesson shows that unfailing faith, courage, and action is the cooperation that is required from the converted Christian every advance step of the way in God's leading, and it always brings success.
Dito ay makikita na ang walang humpay na pananampalataya, tapang at gawa ang kinakailangan sa bawat kumbertidong Kristyano upang sumulong sa daan ng Panginoon at ito ang susi sa pagtatagumpay.
The Midianites also lost courage and they were defeated. Yes, discouragement does bring defeat. Discouragement is one of the snares of the Devil to bring defeat to God's people if they allow it.
Ang mga midianita ay nawalan din ng lakas ng loob kaya sila natalo. Oo, ang kawalan ng tapang ang nagdadala ng pagkatalo. Ito ay isa sa mga silo ng kaaway na ginagamit upang magdala ng pagkatalo sa bayan ng Diyos kung ito ay pahihintulutan nila.
In the days of King Belshazzar there was a war in which the Medes and Persians wanted to break through the walls of Babylon and subdue her under their rule. You recall that the Babylonians suddenly lost out because they were over-confident. Yes, they had placed all their confidence in their strong walls!
Sa panahon ni Haring Belshazzar ay nagkaroon ng labanan at binalak ng mga Medes at Persia na makatawid sa pader ng Babylonya upang sakupin ito. Maaalala na ang Babylonia ay biglaang natalo ng dahil sa kanilang sobrang pagtitiwala sa sarili. Oo, inilagay nila ang lahat ng kumpyansa sa matitibay nilang mga pader.
To bring this lesson down to our time we find from Holy Writ that the cause of the Laodiceans' downfall is due to the operation of the same principle that brought Babylon's defeat -- over-confidence. Yes, they say they are rich in Truth and have need of no more although God says that they are "wretched, and miserable, and poor, and blind, and naked." Thus they have fallen into the Devil's trap for them.
Ang leksyong ito ay makikita din sa ating kapanahunan, sangayon sa Kasulatan ang sanhi ng pagbagsak ng Laodicea ay dahil sa ganito ding prinsipyo na nagpatalo sa Babylonia – sobrang kumpyansa o pagtitiwala sa sarili. Oo, inaakala nilang sila ay mayaman sa Katotohanan at wala ng kailangan taliwas sa sabi ng Diyos na sila ay “ aba, maralita at dukkha at bulag at hubad”. Kaya naman sila ay nahulog sa bitag ng kaaway.
In warfare you know that each side tries to confuse its enemy and break their morale with the end in view of weakening the enemy and thus making its own victory easier. And when they plan their attacks and invasions they attempt to make them in the places they think their enemy would least suspect.
Sa bawat labanan ang magkabilang panig ay sumusubok na lituhin ang kaaway at wasakin ang kanilang moral upang manghina ang kaaway at maging madali ang talunin sila. At kung kanilang planuhin ang pagatake at pananakop ay sinusubukan nila ito sa mga lugar na hindi nila inaakala.
In the spiritual warfare the Christians' Adversary does not nap. He, too, seeks his opportunity to break down their courage and morale and thus make sure to accomplish their defeat as we saw demonstrated in the examples we have cited today. And do not think for a moment that he is not looking for the vulnerable point in us, too, that he might strike and cause our defeat. We could expect his assault upon us to come from the place we least expect it. So, unless we know what our weakest spot is how could we know where the Devil is going to attack us?
Sa espiritwal na labanan, ang kaaway ay hindi natutulog. Siya din ay naghahanap ng pagkakataon na sirain ang loob at moral upang isakatuparan ang pagtalo gaya ng nakita natin sa mga halimbawa ngayong araw. Huwag isipin kahit kailan na siya ay hindi naghahanap ng punto ng ating kahinaan na maaari nyang atakihin upang tayo ay talunin. Dapat nating asahan na tayo ay kanyang lalabanan sa mga lugar na di natin inaasahan. Kaya malibang alam natin ang ating kahinaan, paano natin malalaman kung saan tayo aatakihin ng kaaway?
Why was Rahab, a pagan prostitute, included in this text of sacred biblical characters?
Bakit nabilang sa mga talatang ito ng sagradong karakter sa bibliya si Rahab na paganong patutot?
“The advancing hosts of Israel found that knowledge of the mighty workings of the God of the Hebrews had gone before them, and that some among the heathen were learning that He alone was the true God. In wicked Jericho the testimony of a heathen woman was, “The Lord your God, He is God in heaven above, and in earth beneath.” Joshua 2:11. The knowledge of Jehovah that had thus come to her, proved her salvation. By faith “Rahab perished not with them that believed not.” Hebrews 11:31. And her conversion was not an isolated case of God's mercy toward idolaters who acknowledged His divine authority. In the midst of the land a numerous people—the Gibeonites—renounced their heathenism and united with Israel, sharing in the blessings of the covenant.” PK 369.2
“Napagalaman ng naglalakbay na bayan ng Israel na ang mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos sa mga Hudyo ay lumaganap at ang ilan sa mga gentil ay naniwala na Siya nga ang tunay na Diyos. Sa masamang lugar ng Jericho ang isang gentil na babae ay nagpatotoo, “ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba. Joshua 2:11 . Sa pananampalataya'y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab”. Hebrews 11:31 At ang kanyang pagkakumbertido ay hindi minsanang kaso ng awa ng Diyos sa mga sumasamba sa diyusdiyusan na piniling kumilala sa Kanya. Sa gitna ng lupain marami sa bayan ng Gibeonita ang tumakwil sa kanilang pagiging pagano at nakisanib sa Israel, at nakibahagi sa kanilang pagpapala sa tipan.” PK 369.2
How is Jesus the Author and Finisher of our faith?
Paano nasabing si Jesus ang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya?
“We are to be sincere, earnest Christians, doing faithfully the duties placed in our hands, and looking ever to Jesus, the author and finisher of our faith. Our reward is not dependent upon our seeming success but upon the spirit in which our work is done.... Ev 645.4
Kinakailangan na tayo ay maging sinsero at masigasig na Kristyano na gumagawang tapat sa mga tungkuling inilagay sa ating mga kamay, na patuloy na tumitingin kay Jesus na Siyang gumawa at sumakdal sa ating mga pananampalataya. Ang ating gantipala ay nakadepende sa espiritu kung paano tayo gumawa… Ev 645.4
“The powers of the whole being are to be engaged in unselfish service. Every talent is to be employed. Improve the future better than you have the past. Put your talents out to the exchangers, for Christ is hungry for souls.—Manuscript 20, 1905.” Ev 646.1
“Ang kapangyarihan ng buong pagkatao ay dapat maiugnay sa hindi makasariling gawain. Ang bawat talento ay dapat magamit. Pagsikapang mapaganda ang bukas higit sa nakaraan. Ibigay ang talento sa mga nagsisipangalakal ng salapi sapagkat nananabik ang Diyos sa mga kaluluwa. – Manuscript 20, 1905.” Ev 646.1
“Jesus is the foundation, the author and the finisher, of our faith. Why are we so powerless? Jesus lives; and because he lives, we shall live also. He is to us a risen Saviour; not a shrouded Saviour in Joseph's new tomb, which was closed with a great stone and sealed with the Roman seal. Mourn not as those who are hopeless and helpless; never, under any circumstances, give way to despair; but from grateful hearts, from lips touched with holy fire, let the glad song ring out, “Jesus is risen; he lives to make intercession for us.” Grasp this hope, and it will hold the soul like a sure, tried anchor. Believe, and thou shalt “see the glory of God.” [John 11:40.]” GW92 467.4
Si Jesus ang pundasyon, ang gumawa at sumakdal sa ating mga pananampalataya. Bakit tayo nanghihina na tila wala kapangyarihan? Si Jesus ay nabubuhay; at dahil Siya’y buhay tayo ay dapat ding maging ganoon. Siya sa atin ay ang nagbangong Tagapagligtas, hindi yaong Tagapagligtas na nasa libingan na pagaari ni Jose na nasasaraduhan ng malaking bato at naseselyuhan ng Romanong selyo. H’wag kayong malungkot na gaya ng walang pag-asa at walang magawa, h’wag, kailanman, kayo magpadaig sa kawalan ng pag-asa, at sa halip mula sa inyong mga nagpapasalamat na puso, mula sa inyong mga labi na nadidikitan ng banal na apoy, ay marinig ang masayang awitin na umaalingawngaw, “Si Jesus ay nagbangon; Siya ay nabuhay na maguli upang mamagitan para sa atin”. Panghawakan ang pag-asang ito, at ito’y hahawak sa inyong mga kaluluwa ng gaya ng matatag at matibay na sinepete. Manampalataya at inyong “makikita ang kaluwalhatian ng Diyos.” [John 11:40.]” GW92 467.4
Isaiah 51:1, 2 – “Hearken to Me, ye that follow after righteousness, ye that seek the Lord: look unto the rock whence ye are hewn, and to the hole of the pit whence ye are digged. Look unto Abraham your father, and unto Sarah that bare you: for I called him alone, and blessed him, and increased him.”
Isaiah 51:1, 2 “Kayo'y magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo. Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at aking pinagpala siya, at aking pinarami siya”.
God advises His people of today to hearken unto Him. They are those who are endeavoring to obtain righteousness, those who are seeking the Lord, and who are anxious to have a revival and reformation among them. They are now urged to look to the rock whence they are hewn, and to the hole of the pit whence they are digged.
Pinapayuhan ng Diyos ang Kanyang bayan sa ngayon na makinig sa Kanya. Sila yaong mga nagnanais magsisisunod sa katuwiran, yaong nagsisihanap sa Panginoon at sabik na magkaroon ng ‘revival at reformation’ sa kanilang mga sarili. Sila ay hinihikayat na magsitingin sa malaking bato na kanilang kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa kanila.
The children of Abraham here addressed, therefore, are not to be sought among the identified unbelieving Jews, but among the Christians. They are admonished to look to Abraham and Sarah, and to consider that when God called Abraham, though he was alone, he nevertheless obeyed and God blessed him; that in spite of all the apparent impossibilities with both him and Sarah, He increased him. What if you personally and alone were called by His word, as was Abraham, to stand alone for Truth and righteousness, would you be a hero for God as was Abraham, or would you do as did backsliding Judas Iscariot?
Ang mga anak ni Abraham ang tinutukuyan dito, samakatuwid, hindi sila yaong nabibilang sa di nananampalatayang hudyo, ngunit sa mga Kristyano. Sila ay inutusang tumingin kay Abraham at Sarah, at ikonsidera na nang si Abraham ay tawagan ng Diyos, bagaman nagiisa, ay tumalima parin siya at Siya’y pinagpala ng Diyos, at sa kabila ng mga imposibilidad na kinaharap nil ani Sarah ay sila’y pinalago Niya. Paano kung ikaw ay personal at magisang tinawagan ng Kanyang salita, gaya ni Abraham, ikaw ba ay titindig ng magisa para sa Katotohanan at katuwiran, ikaw ba ay magiging bayani para sa Panginoon gaya niya o tatalikod sa Kanya gaya ni Judas Iscariote?
If we were not privileged to choose as was Abraham, God would not have reminded us of Abraham’s experience. We are plainly told not to lose courage, but to have faith in God, for He intends to bless and increase us, as He blessed and increased our ancestors, Abraham and Sarah…
Kung tayo ay walang pribilehiyong mamili ng gaya ni Abraham ay hindi na nga ipaaalala sa atin ang naging karanasan ni Abraham. Tayo ay sinasabihan na huwag mawalan ng lakas ng loob at sa halip ay manampalataya sa Diyos sapagkat nais Niya na tayo ay pagpalain at palaguin, kung paanong Kanyang pinagpala at pinalago ang ating mga ninuno, na sina Abraham at Sarah…