Pagsambang Hindi Natatapos

Liksyon 12, Unang Semestre Marso 16-22, 2024

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
Download Pdf

Hapon ng Sabbath Marso 16

Talatang Sauluhin:

“Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.” KJV - Awit 104:33


“Ang ating pagpapatotoo sa Kanyang katapatan ay ang piling ahensya ng Langit para sa pagpapahayag kay Cristo sa salibutan. Kailangan nating kilalanin ang Kanyang biyaya na ipinaalam sa pamamagitan ng mga banal na tao noong unang panahon; ngunit ang magiging pinakamabisa ay ang patotoo mula sa ating mga sariling karanasan. Tayo ay mga saksi ng Diyos kapag ating inihahayag ang gawa ng isang kapangyarihang banal sa ating mga sarli. Ang bawat indibidwal ay may buhay na naiiba sa lahat, at isang karanasang naiiba sa kanila. Nais ng Diyos na ang ating papuri ay umakyat sa Kanya, na may tanda ng ating sariling pagkatao. Ang mga mahalagang pagkilala na ito sa papuri ng kaluwalhatian ng Kanyang biyaya, na sinasamahan ng pamumuhay tulad ng kay Cristo ay may dulot na tiyak na kapangyarihan na gumagawa para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. MH 100.3

“Ang pag-alaala sa mga kaloob ng Diyos ay para sa ating ikabubuti. Sa pamamagitan nito ay lumalakas ang pananampalataya at nagiging karapatdapat sa pagtanggap ng higit pang mga pagpapala. May higit na nakapagpapasigla sa maliliit na pagpapala na personal nating natatanggap kaysa sa lahat ng salaysay na mababasa natin tungkol sa pananampalataya at karanasan ng iba. Ang kaluluwa na tumutugon sa biyaya ng Diyos ay magiging tulad ng isang hardin na nadiligan. Ang kanyang kalusugan ay mapapabuti; ang kanyang liwanag ay sisikat sa dilim, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay makikita sa kanya.” MH 100.4

Linggo, Marso 17

Itaas ang Inyong mga kamay sa Santuwaryo


Basahin ang Awit 134. Saan ang iniaalay ang pagsamba dito? Ano ang kinalabasan ng pagsamba sa Panginoon? Paano inilalarawan ang mga mananamba sa Awit 18:1; Awit 36:1; Awit 113:1; Awit 134:1, 2; at Awit 135:1, 2 ?

“Ang buong kalangitan ay nagagalak sa tuwing ang isang mahina at makasalanang kaluluwa ay nagaalay ng sarili kay Jesus at namumuhay ng dalisay. Yaong mga nananagumpay, nagmamahal ng labis kay Jesus, at nasa panig ni Cristo, sa tabi ng malaking luklukang maputi, sa loob ng palibot nito; oo, lubos ngang pinarangalan. “Nguni't mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat. Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.” [ Apocalipsis 3:4, 5 .] 11LtMs, Lt 37, 1896, par. 16

Ang bawat sandali ay lubhang napakahalaga. Magiging malaking kawalan kung ating ipagwawalang bahala ang mahalagang pagkakataon na lumakad sa liwanag. Kung hindi natin nailalagay ang ating kamay sa kamay ni Cristo ay palagi nga tayong nasa panganib na malinlang. Maaakay tayo ng mapang-akit na mga espiritu tungo sa mga maling landas, at wala roon ang pag-ibig sa katotohanan, ngunit yaong sa pagtalikod kay Cristo ay nabulag ng malalakas na panlilinlang na sila ay naniniwala at gumawa ng kasinungalingan. 11LtMs, Lt 37, 1896, par. 17

Sa ngalan ni Hesukristo ng Nazareth, magpakatatag ka sa biyaya ni Cristo; isaisip na mahal ka Niya at Siya’y magiging isang patuloy na kabutihan sa iyo. Itaas ang iyong tinig sa pagpupuri at pasasalamat sa Diyos. “Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon. Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.” [ Awit 134:1-3 .] 11LtMs, Lt 37, 1896, par. 18

“...kapansin-pansin na taliwas sa pag-bulung-bulong at pagdaing ng masasama, ay ang pagawit naman ng mga lingkod ng Diyos, “Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso: sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo. Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo, at magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan: sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan. Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako, iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa. Lahat ng mga hari sa lupa ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig. Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon; sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo. Kung magkagayon ay huwag mahalin ang isang kaanyuan ng pagmamataas o pagpapahalaga sa sarili, sapagkat aalisin nito si Jesus sa puso, at ang kahungkahan ay pupunan ng mga katangian ni Satanas…” RH August 4, 1891, par. 12

Lunes , Marso 18

Umawit sa Panginoon ng Bagong Awit


Basahin ang Awit 33:3, Awit 40:3, Awit 96:1, Awit 98:1, Awit 144:9, at Awit 149:1. Ano ang karaniwang tema sa mga tekstong ito?

“Kung ang pagpuri ay maganda sa ganang matuwid, bakit hindi natin purihin ang Panginoon sa ating mga pagtitipon? Hindi ba makabubuti para sa mga tahimik na wasakin ang selyo na nagpipinid ng kanilang mga labi sa pamamagitan ng mga salita ng papuri? Ang mga tradisyon at gawi ay nagsasabi, Manatili ka sa iyong pananahimik. Ngunit sa pamamagitan ng pananatiling tahimik ay nakakalimutan natin ang Diyos at ang Kanyang awa sa atin. Hindi ba tayo babalik sa ating Diyos, na may pagsisisi sa ating naging mga pagtalikod, at matutong purihin Siya nang higit at higit pa?” 17LtMs, Ms 116, 1902, par. 52

“Ilagay sa ating diwa ang papuri at pasasalamat. Sa paglimot sa sarili nating mga paghihirap at problema, ating purihin ang Diyos para sa kalayaan mula sa kasalanan at para sa pagkakataong mabuhay para sa kaluwalhatian ng Kanyang pangalan.” 17LtMs, Ms 116, 1902, par. 54

“Gusto ng Diyos na maging masaya tayo. Nais niyang maglagay ng bagong awit sa ating mga labi, maging ang papuri sa ating Diyos. Nais niyang sumampalataya tayo na pinatatawad Niya ang ating mga kasalanan at inaalis ang ating kalikuan. Nais Niyang gumawa tayo ng himig sa ating mga puso ukol sa Kanya....” ML 174.2

Basahin ang Isaias 42:10-12, Apocalipsis 5:9, at Apocalipsis 14:3. Ano ang maaari nating masabi tungkol sa “bagong awit” mula sa mga tekstong ito sa Bibliya?

“Sa ibabaw ng kristal na dagat sa harap ng luklukan, yaong isang dagat na bubog na may halong apoy,—na gayon ay maningning sa kaluwalhatian ng Diyos,—ay nagtitipon ang pulutong na “nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan.” Kasama ng Kordero sa Bundok ng Sion, “na may mga alpa ng Diyos,” nakatayo ang isang daan at apat na pu't apat na libong siyang mga binili mula sa lupa; at narinig ang isang tinig na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: “gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa.” sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harap ng luklukan, at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang. Ito ang awit ni Moises at ng Kordero—isang awit ng kaligtasan. Wala, maliban sa isang daan at apatnapu't apat na libo ang matututo ng awit na iyon; dahil ito ang awit ng kanilang karanasan—isang karanasang hindi pa nararanasan ng ibang tao. “ At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon.” Sila ay mga itrinanslate mula sa lupa, mula sa mga buhay, at binibilang na “mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero.” Apocalipsis 15:2, 3 ; 14:1-5 …” GC 648.3

Martes, Marso 19

Panginoon, Sino ang Maaaring Tumahan sa iyong Tabernakulo?


Basahin ang Awit 15. Sino ang mga taong karapat-dapat sumamba sa presensya ng Diyos?

“Palaging mabait, magalang, at nakikibahagi sa mga inaapi, Judio man o Gentil, si Cristo ay minamahal ng lahat. Sa Kanyang perpektong buhay at pagkatao, sinagot Niya ang tanong sa ikalabinlimang kabanata ng Awit: “Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok? Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.” Sa kanyang buong kabataan ang Kanyang pamumuhay ay yaong bilang isang guro ay masasabi Niya sa Kanyang mga disipulo, “Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig.” FE 402.1

“Habang si Cristo ay tumanda, ang gawaing sinimulan sa Kanyang pagkabata ay nagpatuloy, at Siya ay patuloy na lumago sa karunungan, at paglagong ayon sa Diyos at sa tao. Hindi Niya kinukuha ang panig ng Kanyang sariling pamilya dahil lamang sila ay kamag-anak Niya batay sa likas na ugnayan; Hindi niya ipinagtatanggol ang kanilang kaso kung sila ay nagkasala ng kawalan ng katarungan o kamalian; ngunit Kanyang pinagtitibay ang alam Niyang katotohanan.” FE 402.2

Basahin ang Awit 24:3-6 at Awit 101:1-3. Ano ang ibig sabihin ng maging banal?

“Sa tunggalian sa pagitan ng panloob na katiwalian at panlabas na mga tukso, maging ang matalino at makapangyarihang si Solomon ay natalo. Hindi ligtas na pahintulutan ang anumang bagay maging maliit na mawalan ng integridad. “Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.” Alalahanin si Solomon. Sa maraming bansa ay walang haring katulad niya, na minahal ng kanyang Diyos. Siya ay nahulog. Siya ay napalayo sa Diyos at naging tiwali dahil sa pagsunod sa mga mahalay na pagnanasa. Ito ang nangingibabaw na kasalanan sa panahong ito, at ang pagpapatuloy nito ay nakakatakot. Walang sinuman kundi yaong dalisay at mapagpakumbaba ang maaaring manahan sa kanyang harapan. “Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? Siyang may malinis na mga kamay at may dalisay na puso; na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan, at hindi sumumpa na may kabulaanan.” 1SP 396.2

“ Higit na makikinabang ang mga kabataan na nakasanayan nang magbasa ng mga nobela at storybook kung sila ay makikibahagi sa panggabing pag-aaral ng pamilya. Mga kabataang lalaki at babae, magbasa ng mga babasahin na magbibigay sa inyo ng tunay na kaalaman at yaong makakatulong sa buong pamilya. Sabihin nang matatag: “Hindi ko gugugulin ang mahalagang sandali sa pagbabasa niyaong hindi magiging kapaki-pakinabang sa akin at hahadlang sa akin upang maging karapat-dapat sa paglilingkod sa iba. Ilalaan ko ang aking panahon at ang aking mga iniisip sa pagtatamo ng kaangkupan para sa paglilingkod sa Diyos. Ipipikit ko ang aking mga mata sa mga walang kabuluhan at makasalanang bagay. Ang aking mga tainga ay para sa Panginoon, at hindi ako makikinig sa tusong pangangatuwiran ng kaaway. Ang aking tinig ay hindi dapat mapasailalim sa anumang taliwas sa kalooban ng Espiritu ng Diyos. Ang aking katawan ay templo ng Banal na Espiritu, at bawat kapangyarihan ng aking pagkatao ay ilalaan sa karapat-dapat na mga gawain.'” 7T 64.1

Miyerkules , Marso 20

Ipahayag ang Kanyang Kaluwalhatian sa mga Bansa


Basahin ang Awit 96. Anong iba’t ibang aspeto ng pagsamba ang binanggit sa Awit na ito?

“Mangagbalik kayo sa Panginoon, kayong mga bilanggo na may pag-asa. Humingi ng lakas mula sa Diyos, ang buhay na Diyos. Magpakita ng hindi natitinag, at mapagpakumbabang pananampalataya sa Kanyang kapangyarihan at kahandaang magligtas. Mula kay Cristo ay umaagos ang buhay na batis ng kaligtasan. Siya ang Bukal ng buhay, ang Pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan. Kapag taglay natin sa pananampalataya ang Kanyang lakas, babaguhin Niya, sa kahanga-hangang pagbabago, ang pinakawalang pag-asa, at nanghihina ang loob. Gagawin Niya ito para sa ikaluluwalhati ng Kanyang pangalan. 8T 12.1

“Nananawagan ang Diyos sa Kanyang mga tapat, na nananampalataya sa Kanya, na magsalita at magbigay ng lakas ng loob sa mga hindi naniniwala at walang pag-asa. Nawa'y tulungan tayo ng Panginoon na tulungan ang isa't isa at patunayan Siya sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya." 8T 12.2

“Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami..... at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa.... at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.. At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid ... sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon..” Isa. 66:16, 19, 20.

Kaya't sa panahon sa pagitan ng "huling ulan" ng katotohanan at ng "pagbuhos" ng kapangyarihan ng Espiritu, magkakaroon ng isang itinalagang bilang na makakatanan mula sa “pinatay ng Panginoon.” Sa madaling salita, sa pagaani sa unang bunga, kapag ang lahat ng mga makasalanan ay naialis na mula sa iglesia, at ang mga matuwid ay naiwan gaya ng kung papaanong ang 120 na mga disipulo sa silid sa itaas, at sa wakas pagkatapos niyaon ay maibubuhos ng Panginoon ang kapangyarihan ng Kanyang Espiritu sa lahat, upang ang lahat (lahat ng “nakatanan”) ay manghula, mangarap ng mga panaginip, at makakita ng mga pangitain.

“At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem: Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas. At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang ulap at usok sa araw, at ng liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo. At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.” Isa. 4:3-6.

Pagkatapos lamang ng malaking pagdadalisay na ito sa iglesia (na inilarawan din sa ikasiyam na kabanata ng Ezekiel) magiging ganap ang mga nalabi upang magdala ng na naglalagablaba at nagliliwanag na tanglaw ng Katotohanan sa buong daigdig ng mga Gentil. Sa Sion ay lalabas ang batas, at ang salita ng Panginoon mula sa Jerusalem. Ang gawain ay matatapos, " tatapusin at paiikliin.," at ang Panginoon ay magpapakita sa kaluwalhatiang--makikita ng bawat mata (Apoc. 1:7). 

Huwebes , Marso 21

Kapag Hindi Nalulugod ang Diyos sa mga Sakripisyo


Basahin ang Awit 40:6-7, Awit 50:7-23, at Awit 51:16-19. Anong mahalagang isyu ang tinutugunan ng mga tekstong ito? Bakit hindi nalulugod ang Diyos sa mga sakripisyong Kanyang itinakda sa Kanyang Salita (Exodo 20:24) ?

Ang paglabag sa kautusan ang nagbubunga ng kasalanan, kalungkutan, at kamatayan. Ipinahayag ni Satanas na patutunayan niya sa mga daigdig na nilikha ng Diyos, at sa mga makalangit na katalinuhan, na imposibleng sundin ang batas ng Diyos. Nang si Adan ay nahulog sa tukso ng kaaway, at nahulog mula sa kanyang mataas at banal na kalagayan, si Satanas at ang kanyang mga anghel ay nagbunyi. Ngunit mula sa luklukan ng Diyos ay narinig ang isang tinig na nagsasalita ng mga salita ng mahiwagang kahulugan. “ Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.” Nang nahulog ang tao, inihayag ni Cristo ang Kanyang layunin na maging kahalili at katiyakan ng tao. Sino Siya? Sinabi ni Isaias tungkol sa Kanya, “Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.” Sinabi ni Juan tungkol sa Kanya, “ Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.

Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao... At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan..” RH September 3, 1901, par. 3

“Kung wala ang patuloy na tulong na nagmumula lamang sa Diyos, maging ang mga tinitingnan bilang pinakatanyag na mananampalataya ay mapapasa panganib na mahulog sa mga kasalanan na inihahanda ni Satanas upang siraan ang Diyos. Tandaan ng lahat ng nag-aangking mananampalataya, na tanging kapag mayroon kayong pananampalatayang kumikilos sa pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa, tanging kapag ang puso ay may kagalakan sa pagliligtas ni Cristo, doon ka lamang magiging kuwalipikadong gabay para akayin ang mga makasalanan tungo sa pagsisisi at repormasyon. Ang tunay na mananampalataya, na hindi lamang sumasang-ayon sa katotohanan, ngunit naniniwala at isinasabuhay ang katotohanan, na hindi nasisiyahan maliban kung kasama niya ang presensya ng Diyos, tanging ang ganoong kapangyarihan lamang ang magiging para sa ikabubuti ng sanlibutan.” 16LtMs, Lt 79, 1901, par. 21

“Sa pagsisisi sa ating mga kasalanan, hindi natin kailangang pumasok sa isang selda, gaya ng ginawa ni Luther, at hagupitin ang ating sarili bilang isang parusa sa ating kasamaan, sa pagaakalang sa paggawa nito ay makakamit natin ang pabor ng Diyos. Ang tanong na ito ay itinanong ng propeta, “Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang? Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?

Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.”

Sinasabi ng Kasulatan, “Ang isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan. “nguni't ang taong ito ay titingnan ko, sa makatuwid baga'y siyang dukha at may pagsisising loob, at nanginginig sa aking salita.” “Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.” “Hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin. Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.”

“Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.” ST August 8, 1892, par. 1

Biyernes, Marso 22

Karagdagang Kaisipan

“Ikaw ay dapat mamatay sa iyong sarili, upang ipako sa krus ang laman, kasama ang mga pagnanasa at ibig nito. Hindi mo kailangang mag-isip ng mga paraan ng pagsasagawa ng iyong sariling pagpapako sa krus; walang kabuluhan ang pagpepenitensiya sa sarili, at makikitang walang saysay kapag dumating sa iyo ang pagsubok. Dapat nating isuko ang puso sa Diyos, upang tayo ay Kanyang mabago at mapabanal, at maging karapat-dapat sa kanyang mga korte sa langit. Hindi tayo dapat maghintay ng isang espesyal na oras, ngunit ngayon mismo ay ibigay natin ang ating sarili sa kanya, at tumangging maging mga alipin ng kasalanan. Inaakala mo ba na kayang mong iwanan ang kasalanan sa pamamagitan ng iyong sariling kapangyarihan bilang tao nang paunti-unti? Hindi mo ito magagawa; Si Jesus ay itinuring bilang isang makasalanan nang siya ay magbihis ng kasuotang gaya ng sa makasalanang laman, upang ang makasalanan ay ituring na matuwid. Minamahal ng Ama ang mga naniniwala kay Cristo gaya ng pagmamahal niya sa kanyang bugtong na Anak. Kaya sa pamamagitan ng pananampalataya ay mauunawaan natin ang katuwiran ni Cristo, at ang Tagapagligtas ay inililigtas tayo mula sa lahat ng kasalanan. Ang kumbertidong kaluluwa ay kapopootan ang bagay na kinasusuklaman ni Cristo, at mamahalin ang bagay na iniibig ni Cristo. Hindi ba siya gumawa ng probisyon para sa iyong pagkalinis mula sa kasalanan dala ng Kanyang kamatayan at paghihirap? Dapat nating kunin ang dugo ni Jesus at ilapat ito sa puso sa pamamagitan ng pananampalataya; dahil iyon lamang ang makapagpapaputi sa iyo kaysa sa niyebe. Ngunit sinasabi mo, "Ang pagsuko sa lahat ng mga diyus-diyosan ay dudurog sa aking puso." Ito ang kinakailangan. Sa pagsuko ng lahat para sa Diyos, mahuhulog ka sa bato at madudurog. Isuko ang lahat para sa kanya nang walang pagkaantala, dahil maliban kung ikaw ay madurog, ikaw ay walang halaga. ST August 8, 1892, par. 2

“Bakit maghihintay pa? Bakit hindi tanggapin ang Diyos sa kanyang salita at sabihing, “Ibinibigay ko ang aking sarili sa iyo; ito lang ang kaya kong gawin.” Kung si Satanas ay dumating upang balutan tayo ng kanyang anino sa pagitan natin at ng Diyos, na inaakusahan tayo ng kasalanan, tinutukso na huwag magtiwala sa Diyos at pagdudahan ang kanyang awa, sabihing, “Hindi ko maaaring pahintulutan na ang aking kahinaan ay pumagitna sa akin at sa Diyos; sapagkat siya ang aking lakas. Ang aking mga kasalanan, na marami, ay ipinatong kay Hesus, ang aking banal na sakripisyo.” Nais ni Satanas na panatilihin ka sa mababang lupain ng kasalanan, ngunit hindi ka ba magpapasiya na ikaw ay makalaya? Hindi mo ba sasabihin: ”— ST August 8, 1892, par. 3