Matakot kayo sa Diyos at Magbigay kaluwalhatian sa kaniya

Aralin 4, 2nd Quarter Abril 15-21, 2023

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath ng hapon - Abril 15

Memory Text:

“ Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.” Pahayag 14:12


Ang Seventh-day Adventist Movement ay itinalaga upang ipahayag ang gawain ng santuwaryo: “Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol [ang pag-aani]” (Apoc. 14:7) upang alisin sa Aklat ng Buhay na Kordero ang mga pangalan ng mga hindi naglagay ng extra oil sa kanilang mga sisidlan. (Mat. 25:3), at yaong mga hindi nagsuot ng damit-pangkasal (Mat. 22:11), gayundin ang mga hindi nagpalago sa kanilang mga talento (Mat. 25:14–30); at aalisin din ang mga panirang damo upang ihiwalay mula sa trigo (Mat. 13:30).

Ang pagpapahayag na ito tungkol sa mga patay ay upang ihanda ang mga buhay para sa nalalapit na paghuhukom sa kanila. Para sa kadahilanang ito, ginamit ni Satanas ang lahat ng kanyang paraan upang hikayatin ang mga Adventista na maging mga tagapakinig at mangangaral lamang ngunit hindi tagatupad ng Salita; sa pagbibigay ng ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, ngunit iniaalis naman ang mga mas mahahalagang bagay ukol sa kautusan. Sa madaling salita, dinulot niya na sila ay maging aba at maralita at dukha at bulag at hubad dahil sa kanilang pagkabigo sa isang banda na maging tapat sa kanilang mga sarili sa paggawa ng kung ano ang kanilang itinuturo sa iba na gawin at hindi dapat gawin. At upang pigilan silang magising sa "kakila-kilabot na panlilinlang" na ito ( Testimonies, Vol 3, p. 254) , pinananatili niya silang malahininga, na kampante na nangangarap na maging mayaman sa katotohanan at walang pangangailangan, bagama't sa katunayan sila ay nasa paghihirap at nangangailangan ng lahat.

Maliwanag kung gayon na ang pagiging malahininga at maling pagaakala na sila’y mayaman ay mga kakaibang kamalian ng Laodicea, at mga panganib na kung hindi makikilala at maalis ay magreresulta sa wakas sa pagsuka sa kanila ng Diyos sa Kanyang bibig (Apoc. 3:16).

Linggo - Abril 16

Matakot sa Diyos


Basahin ang panawagan ni Apostol Juan sa Pahayag 14:7 ukol sa huling kapanahunan. Anong partikular na tagubilin ang ibinibigay niya sa atin?

Halos lahat ng denominasyong Kristiyano ay nagaangkin na ito ay nabubuhay sa panahon ng huling pitong iglesia ng Apocalipsis 2 at 3, ang iglesia "sa mga huling araw," ngunit walang gustong tumanggap sa ngalang "Laodicea"!

Ang dahilan ay maliwanag: sa mga sagradong talaan ng kasaysayan ng iglesia, dinadala niya ang pinakamabigat na paghatol...

Ang pangalang Laodicea ay pinagsama mula sa dalawang salitang Griyego na lao at decia, na nangangahulugang ang mga tao ay nagpahayag ng paghatol. Ang iglesia, kung gayon, na nagpapahayag na, "Matakot sa Diyos, at magbigay ng kaluwalhatian sa Kanya, sapagkat ang oras ng Kanyang paghatol ay dumating na" (Apoc. 14:7), ay maliwanag na ang tinatawag na Laodicea. At halos kilala rin sa labas ng mga lupon ng Seventh-day Adventist gaya sa loob nito, na ang iglesia ng Seventh-day Adventist ay nagsisikap na dalhin ang mensahe ng paghatol ng Apocalipsis 14:7 at samakatuwid ay nagaangkin sa titulong Laodicea.

Sa paglalarawan ng kanyang kalagayan sa kasalukuyang wika, ipinahayag ng Inspirasyon:

"Ang mensahe sa iglesia ng Laodicea ay isang nakagugulat na pagtuligsa at naaangkop sa bayan ng Diyos sa kasalukuyang panahon.

"...Ang bayan ng Diyos ay kinakatawan sa mensahe sa mga taga-Laodicea bilang nasa isang posisyon ng karnal na katiwasayan. Sila ay panatag, naniniwala sa kanilang sarili na nasa isang mataas na kalagayan ng espirituwal na mga tagumpay....

"Anong mas malaking panlilinlang ang maaaring dumating sa isipan ng tao kaysa sa isang pagtitiwala na sila ay tama, samantalang sila ay mali lahat! Ang mensahe ng Tunay na Saksi ay nakatagpo sa bayan ng Diyos sa isang malungkot na pagkalinlang, ngunit tapat sa pagkalinlang na iyon. Hindi nila alam na ang kanilang kalagayan ay nakalulungkot sa paningin ng Diyos. Habang ang mga tinutukuyan dito ay nagpapapuri sa kanilang sarili na sila ay nasa isang mataas na espirituwal na kalagayan, ang mensahe ng Tunay na Saksi ay sumisira sa kanilang seguridad, sa pamamagitan ng nakagugulat na pagtuligsa sa kanilang tunay na kalagayan ng espirituwal na pagkabulag, kahirapan, at kahabag-habag. . Ang patotoo, na napakasakit at mahigpit, ay hindi maaaring maging isang pagkakamali, sapagkat ang Tunay na Saksi ang nagsasalita, at ang kanyang patotoo ay dapat na tama."-- Testimonies, Vol. 3, pp. 252, 253.

"Tinanong ko ang kahulugan ng pagliglig [shaking] na nakita ko, ipinakita na ito ay dulot ng straight testimony o tuwid na patotoo na ipinapanawagan ng payo ng Tunay na Saksi sa mga Laodicean . Ito ay magkakaroon ng epekto sa puso ng tumatanggap, at aakayin siya upang itaas ang pamantayan at ibuhos ang tuwid na katotohanan. Ang ilan ay hindi tatanggap sa tuwid na patotoo na ito. Sila ay babangon laban dito, at ito ang magiging sanhi ng pagliglig sa bayan ng Diyos.

"Nakita ko na ang patotoo ng Tunay na Saksi ay hindi napakikinggan maging sa kalahati man nito. Ang mataimtim na patotoo kung saan nakasalalay ang kapalaran ng iglesia ay hindi gaanong pinahahalagahan, kung hindi man lubusang binabalewala."--Early Writings, p. 270.

"... ang ating sariling landas ng patuloy na pagtalikod ay naghiwalay sa atin mula sa Diyos. Ang kapalaluan, kasakiman, at pag-ibig sa mundo ay nabuhay sa puso nang walang takot sa pagpapalayas o paghatol. Ang mabigat at mapagmataas na mga kasalanan ay nanahan sa atin. Sa kabila nito, ang kabuuang opinyon ay yumayabong ang iglesia, at ang kapayapaan at espirituwal na kaunlaran ay nasa lahat ng kanyang hangganan.

"Ang iglesia ay tumalikod mula sa pagsunod kay Cristo na kanyang Pinuno, at patuloy na lumalakad pabalik sa Ehipto. Ngunit kakaunti ang nababahala o nagtataka sa kanilang kakulangan ng espirituwal na kapangyarihan. Ang pagdududa at maging ang hindi paniniwala sa mga patotoo ng Espiritu ng Diyos ay lumalaganap sa ating mga iglesia sa lahat ng dako. Ito nga ang nais ni Satanas. Ang mga ministro na nangangaral sa sarili sa halip na kay Cristo ay nais din ang gayon. Ang mga patotoo [testimonies] ay hindi binabasa at hindi rin pinahahalagahan. Ang Diyos ay nakipag-usap sa iyo. Ang liwanag ay nagniningning mula sa kanyang salita at mula sa mga patotoo, at ang mga ito ay kapwa binalewala. At ang resulta ay malinaw nakikita sa sa kawalan ng kadalisayan at debosyon at taimtim na pananampalataya sa gitna natin."-- Testimonies, Vol. 5, p. 217.

Ang Laodicea ay ang tipikal na pangalan para sa denominasyon ng Seventh-day Adventist, alam ito ng bawat Seventh-day Adventist ngunit walang sinuman ang nagmamalasakit na gumawa ng anuman tungkol dito! Sa halip, ang lahat ay nasisiyahan na nasa kanila ang lahat ng katotohanan na magtataguyod sa kanila!

Upang pahabain ang kanilang malahiningang kalagayan, ginawa ng kapangyarihan ng Demonyo ang isang matinding pananggalang na nagdudulot sa kanila ng prejudice, tiwala sa sarili, at ang pangunguna ng takot na malinlang sila ng ibang tao gamit ang salita at kasulatan. Kaya't karamihan sa atin, bilang Seventh-day Adventist ay hindi nagtatalakayan o nagbabasa ng mga katotohanan ng Bibliya na itinataguyod ng sinumang hindi sinang-ayunan ng anghel ng Laodicea - ang mga pinuno ng kumperensya. Dahil dito, ang gayong mga tao ay hindi maabutan ng isang mensahe mula sa langit kung paano din sa panahon ng mga Hudyo sa kanilang panahon...

Lunes - Abril 17

Pagkatakot at Pagsunod sa Diyos


Basahin ang 1 Mga Taga-Corinto 15:1–4, Mga Taga Roma 3:24–26, at Mga Taga Roma 5:6–8. Paano ipinakita ang “walang hanggang ebanghelyo” sa mga tekstong ito? Anong dakilang pag-asa ang ipinakita dito para sa atin?

“ Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol.” Upang linawin ang itinakdang panahon ng mensaheng ito, dapat nating isaalang-alang ang paghahayag ni Juan, na, mula sa kabanata 4 hanggang 22, ay tuluy-tuloy, nang walang pahinga; ibig sabihin, ang pang-ugnay na “at” ay nagsisimula sa bawat kabanata, na nagpapakita na ang lahat ng mga paghahayag na ito ay ibinigay kay Juan sa oras na ang “Boses” ay nagsabi sa kanya: “Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin” – mga bagay na mangyayari pagkatapos niyang makita ang mga ito. At si Juan ay nagkaroon ng pangitain na ito noong 96 AD, ang mensahe ng unang anghel samakatuwid ay hindi maaaring naipangaral bago ang panahong iyon, sapagkat hindi niya sinulat ang mga bagay ng nakaraan, kundi ang mga bagay sa hinaharap. Muli: ang katotohanang sinabi niya, “At nakita ko ang ibang anghel [ang una] na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita,” ay higit na nagpapakita na ang mensahe ng anghel na ito ay hindi pa naipangaral bago siya nagkaroon ng pangitain, ngunit ito ay dapat ipangaral sa ang hinaharap mula sa oras na iyon. Bukod dito, walang kasulatan o kasaysayan na magpapakita na ang paghatol ay nagsimula noon o bago ang panahon ni Juan. Higit pa rito, dahil ang mensahe ng unang anghel ay hindi kailanman ipinangaral bago ang 1844, at nang dumating ang oras ng paghuhukom, ang mensahe ng anghel na ito – ang mensahe tungkol sa paghatol – ay lumabas.

Dahil ang investigative judgment ay nasa dalawang seksyon (ang una, na nakatuon sa mga patay; ang pangalawa, sa mga buhay), ang katotohanan ay pinatunayan na kahit na ang una, ang pangalawa, at ang pangatlong mensahe ng mga anghel ay direktang naaangkop sa panahon na ang paghuhukom ay sa mga buhay, gayundin, bagama't di-tuwiran, ay naaangkop din sa panahon ng paghatol sa mga patay. Kaya lamang, maliban bilang isang babala sa darating na mga kaganapan, ang mga ito ay ipinangaral mula pa noong 1844. Kaya naman, kapag ang paghatol sa buhay ay nagsimula, at kapag ang imahe ng hayop ay ganap na nabuo, kung gayon ang mga mensaheng ito ay uulitin na may malakas na sigaw sa kasalukuyang katotohanan tungkol sa buhay sa halip na sa mga patay.

Martes - Abril 18

Ang Pamumuhay na nakasentro sa Diyos


Basahin ang Mateo 6:33; Colosas 3:1, 2 at Hebreo 12:1, 2. Ano ang sinasabi sa atin ng mga talatang ito tungkol sa pagtalaga sa Diyos na tunay na sentro ng ating buhay?

Bakit ka mag-aalala kung paano mo bubusugin ang iyong tiyan at kung ano ang dapat mong takpan sa iyong katawan bukas kung sila ay aalagaan sa araw na ito? Bakit mag-aalala tungkol sa iyong sariling mga pangangailangan, bakit hindi mag-alala kung paano isulong ang Kaharian ng Diyos? Ang pag-oovertime para gumawa ng mga tolda o mga sapatos para sa ikabubuhay ay tama kung hindi mo sasabihin, "Gagawin ko ito at ang isa pa at kukuha ako ng pera para makabili at makapagtayo ng ganito o ganoon." Dapat mong sabihin sa halip, "Kung pahihintulutan ng Diyos, gagawin ko ito o iyon, upang makarating ako dito o makarating doon, gawin ito at ang isa pa para sa pagsulong ng Kanyang layunin." Anuman ang layunin sa likod ng iyong pagkilos, ito ay dapat para sa pagsulong ng Kanyang Kaharian.

Bakit hindi gawing iyong pangunahing interes ang Kanyang negosyo? Bakit hindi ang Kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran, upang “lahat ng mga bagay na ito ay maidagdag sa inyo”? Bakit magtatrabaho para pakainin ang iyong sarili? Bakit hindi magtrabaho para sa Diyos at hayaan Siyang pakainin at bihisan ka? Siya ay higit na may kakayahang maglaan para sa iyo kaysa kaninoman. Bakit hindi hayaang Siya ang mamahala sa iyong trabaho, sa iyong tahanan, sa iyong katawan?

Habang ginagawa mo ang Kanyang utos, hindi ka Niya bibiguin. Bakit hindi gawin ito at maging isang ganap na Kristiyano? Bakit maging isang Kristiyano sa pangalan, ngunit isang Gentil sa puso at pananampalataya? Huwag nang magtrabaho para sa sarili, magtrabaho para sa Diyos at maging malaya sa pag-aalala, malaya sa pagkakaroon ng sarili mong pamumuhay sa iyong sariling paraan. Ang mga mangingisda ng Galilea habang nangingisda sa kanilang sariling paraan ay nabigo, ngunit nang ihagis nila ang lambat kung saan sinabi ni Jesus na dapat nilang ihagis, agad itong napuno ng isda.

Ang mga panata na itinalaga natin sa ating sarili ng tayo ay binyagan ay lubos na tinatanggap. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo tayo ay inilibing sa wangis ng kamatayan ni Cristo at ibinangon sa wangis ng Kanyang muling pagkabuhay, at tayo ay mamumuhay ng isang bagong buhay. Ang ating buhay ay dapat na nakatali sa buhay ni Cristo. Mula ngayon ang mananampalataya ay dapat isaisip na siya ay nakatalaga sa Diyos, kay Cristo, at sa Banal na Espiritu. Nararapat na ang lahat ng makamundong pagsasaalang-alang ay magind pangalawa lamang sa bagong relasyon na ito. Ipinahayag niya sa publiko na hindi na siya mabubuhay sa pagmamataas at pagpapakasaya sa sarili. Hindi na siya dapat mamuhay ng pabaya, walang malasakit. Nakipagtipan siya sa Diyos. Siya ay namatay sa mundo. Siya ay dapat mamuhay sa Panginoon, upang gamitin para sa Kanya ang lahat ng kanyang mga kakayahan na ipinagkatiwala, at hindi maialis ang pagkaunawa na siya ay may lagda ng Diyos, na siya ay isang sakop ng kaharian ni Cristo, isang bahagi ng banal na kalikasan. Dapat niyang isuko sa Diyos ang lahat ng kung ano siya at lahat ng mayroon siya, na ginagamit ang lahat ng kanyang mga kaloob sa kaluwalhatian ng Kanyang pangalan. 6T 98.3

Miyerkules - Abril 19

Pagbibigay Luwalhati sa Diyos


Basahin ang I Cor. 3:16, 17; 1 Cor. 6:19, 20; 1 Cor. 10:31. Paano tayo tinutulungan ng mga talatang ito na maunawaan ang isang paraan na maaari nating luwalhatiin ang Diyos?

“Sa liham na ito sa mga taga-Corinto, sinikap ni Pablo na ipakita sa kanila ang kapangyarihan ni Cristo na ilayo sila sa kasamaan. Alam niya na kung susundin nila ang mga kondisyong inilatag, sila ay magiging malakas sa lakas ng Makapangyarihan. Bilang isang paraan ng pagtulong sa kanila na lumayo mula sa kagipitan ng kasalanan at upang maging ganap sa kabanalan sa pagkatakot sa Panginoon, hinimok ni Pablo sa kanila ang pag-angkin sa Kanya na kanilang pinagalayan ng kanilang buhay sa panahon ng kanilang pagbabalik-loob. “Kayo ay kay Cristo,” ang sabi niya. “Kayo ay hindi sa inyo.... Kayo ay binili sa isang halaga: luwalhatiin nga ninyo ang Dios sa inyong katawan, at sa inyong espiritu, na sa Dios .” AA 306.2

“Malinaw na binalangkas ng apostol ang resulta ng pagtalikod mula sa isang buhay na dalisay at banal tungo sa mga tiwaling gawain ng pagano. “Huwag kayong padaya,” isinulat niya; “kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ... Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.” Nakiusap siya sa kanila na kontrolin ang mababang hilig at gana. O hindi baga ninyo nalalaman ," tanong niya, " na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios?” AA 306.3

Huwebes - Abril 20

Ang mga Nanagumpay sa Pahayag


Basahin ang Hebreo 4:14-16 Hebreo 7:15. Ano ang paraan ng pananagumpay at pamumuhay ng buhay na may "takot sa Diyos" at "pagbigay sa Kanya ng kaluwalhatian?

“Ang mensahe ng ikatlong anghel ay magliliwanag sa lupa sa kaluwalhatian nito; ngunit tanging ang mga nakatiis lamang sa tukso sa lakas ng Isang Makapangyarihan ang pahihintulutang gumawa ng bahagi sa pagpapahayag nito kapag ito ay lumaki na sa malakas na sigaw ]Loud Cry].” RH November 19, 1908, Art. A, par. 9

“Ang mga akusasyon ni Satanas laban sa mga nagsasaliksik sa Panginoon ay hindi naudyukan ng sama ng loob sa kanilang mga kasalanan. Siya ay nagagalak sa kanilang mga depektibong karakter; sapagkat alam niya na sa pamamagitan lamang ng kanilang paglabag sa batas ng Diyos ay makakamit niya ang kapangyarihan sa kanila.” PK 585.3

Makikita natin na si Satanas ay humikikayat sa mga makasalanan upang makalabag ng hindi sinasadya at sa gayon ay tiyakin ang kanyang kahatulan, hindi man sa lupa, kundi sa langit. Sa harap ng matuwid na Hukom, inaakusahan ni Satanas ang lumalabag na "nararamtan ng mga kasuutan ng kadiliman at ng karumihan ng kasalanan." Ngunit kapag ang Espiritu ng Diyos ay nag-udyok ng pagsaway, Ito ay naghahayag ng kasalanan at sinasaway ang makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang iglesia.

Ang bayan ng Diyos ay dapat laging maging alerto para sa tinig ng Espiritu ni Cristo, gayundin maging maingat upang makilala ang espiritu ni Satanas. Kapag ang dalawang ito ay magbanggaan, ang isa ay nagsusumikap para sa pagsunod sa Salita ng Diyos, habang ang isa ay nagdadahilan sa kasalanan at nakikiramay sa makasalanan. Sa huling tusong paraan na ito ay madalas na nakakapuntos si Satanas at napapanalunan ang makasalanan sa kanyang hanay, dahil likas na mahal ng makasalanan ang kanyang kasalanan. Gayunman, napapanagumpayan siya ng mga tapat “sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo.” Hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.” Apoc. 12:11

Biyernes - Abril 21

Karagdagang Pagaaral

“Hindi lamang para sa mga taong may malaking responsibilidad ang aral ng karanasan ni Elias sa muling pagkatuto kung paano magtiwala sa Diyos sa oras ng pagsubok. Siya na naging lakas ni Elias ay malakas upang itaguyod ang bawat nakikibaka na anak Niya, gaano man kahina. Sa bawat isa ay inaasahan Niya ang katapatan, at sa bawat isa ay binibigyan Niya ng kapangyarihan ayon sa pangangailangan. Sa kanyang sariling lakas, ang tao ay walang lakas; ngunit sa kapangyarihan ng Diyos maaari siyang maging malakas upang madaig ang kasamaan at tulungan ang iba na magtagumpay. Hindi kailanman mapapakinabangan ni Satanas ang sinuman na ginagawang sanggalang ang Diyos. “Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan.” Isaias 45:24 . PK 175.1

“Kapwa Kristiyano, alam ni Satanas ang iyong kahinaan; kaya't kumapit ka kay Hesus. Manatili sa pag-ibig ng Diyos at maaari mong harapin ang bawat pagsubok. Ang katuwiran ni Cristo lamang ang makapagbibigay sa iyo ng kapangyarihan upang pigilan ang agos ng kasamaan na lumalaganap sa mundo. Dalhin ang pananampalataya sa iyong karanasan. Ang pananampalataya ay nagpapagaan sa bawat pasanin, nagpapagaan ng bawat pagod. Ang mga probidensya na ngayon ay mahiwaga ay maaari mong lutasin sa pamamagitan ng patuloy na pagtitiwala sa Diyos. Lumakad sa pamamagitan ng pananampalataya sa landas na Kanyang itinatakda. Darating ang mga pagsubok, ngunit magpatuloy ka sa pagsulong. Palalakasin nito ang iyong pananampalataya at iaakma ka para sa paglilingkod. Ang mga talaan ng sagradong kasaysayan ay isinulat, hindi lamang upang tayo ay magbasa at magtaka, ngunit ang parehong pananampalataya na ginawa sa mga lingkod ng Diyos noong unang panahon ay maaaring gumana sa atin. Sa ganoon ding paraan ay gagawa ang Panginoon ngayon, saanman mayroong mga puso ng pananampalataya upang maging daluyan ng Kanyang kapangyarihan. ” PK 175.2

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@advancedsabbathschool.org