And they said one to another, Behold, this dreamer cometh. KJV — Genesis 37:19
“At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin.” — Genesis 37:19
“There was one, however, of a widely different character—the elder son of Rachel, Joseph, whose rare personal beauty seemed but to reflect an inward beauty of mind and heart. Pure, active, and joyous, the lad gave evidence also of moral earnestness and firmness. He listened to his father's instructions, and loved to obey God. The qualities that afterward distinguished him in Egypt—gentleness, fidelity, and truthfulness—were already manifest in his daily life. His mother being dead, his affections clung the more closely to the father, and Jacob's heart was bound up in this child of his old age. He ‘loved Joseph more than all his children.’” PP 209.1
“Gayunpaman, may isa na naiiba ang karakter – ang nakatatandang anak ni Raquel na si Jose, na ang personal na kagandahan ay tila nagsasalamin sa panloob na kagandahan ng kaniyang isip at puso. Dalisay, masigla at kalugud-lugod, ang kabataang ito ay nagbibigay patunay din sa kasigasigan at katibayang pagmoral. Dinidinig niya ang tuntunin ng kaniyang ama at may pagnanais na sumunod sa Diyos. At ang mga katangian na nakilala sa kaniya sa lugar ng Egipto – ang kaamuan at katapatan – ay nakikita na noon pa man sa kaniyang pangaraw-araw na pamumuhay. Nang mamatay ang kaniyang ina, ang pagibig niya sa ama ay lalong sumidhi at ang puso ni Jacob ay nabigkis sa batang ito. “Inibig niya si Jose higit sa lahat ng kaniyang mga anak.” — Genesis 37:19
What hat family dynamics predisposed Joseph’s brothers to hate him so much?
Anong kaganapan mayroon sa pamilyang ito na nagbunsod sa mga kapatid ni Jose na kamuhian siya?
“The father's injudicious gift to Joseph of a costly coat, or tunic, such as was usually worn by persons of distinction, seemed to them another evidence of his partiality, and excited a suspicion that he intended to pass by his elder children, to bestow the birthright upon the son of Rachel. Their malice was still further increased as the boy one day told them of a dream that he had had. “Behold,” he said, “we were binding sheaves in the field, and, lo, my sheaf arose, and also stood upright; and, behold, your sheaves stood round about, and made obeisance to my sheaf.” PP 209.4
“Ang mamahaling tunika na iniregalo ng ama kay Jose, na karaniwang isinusuot ng mga natatanging tao, ang nagsilbing patunay sa kaniyang pagtatangi, na nagdulot naman sa mga nakatatandang anak na maghinala na ang pagkapanganay ay tila nais ipagkaloob sa anak ni Raquel. Ang kanilang masamang hangarin ay lalong tumindi ng isang araw ay sabihin ng kapatid nilang ito ang tungkol sa kaniyang panaginip. “Sapagka't, narito, tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, at, narito, na tumindig ang aking bigkis, at tumuwid din naman at, narito, ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at yumukod sa aking bigkis.” PP 209.4
“‘Shalt thou indeed reign over us? or shalt thou indeed have dominion over us?’ exclaimed his brothers in envious anger. PP 210.1
“At sa kaniya'y sinabi ng kaniyang mga kapatid, Maghahari ka ba sa amin? o papapanginoon ka sa amin? At lalo pa siyang kinapootan nila dahil sa kaniyang mga panaginip at sa kaniyang mga salita.” PP 210.1
“Soon he had another dream, of similar import, which he also related: “Behold, the sun and the moon and the eleven stars made obeisance to me.” This dream was interpreted as readily as the first. The father, who was present, spoke reprovingly—“What is this dream that thou hast dreamed? Shall I and thy mother and thy brethren indeed come to bow down ourselves to thee to the earth?” Notwithstanding the apparent severity of his words, Jacob believed that the Lord was revealing the future to Joseph.” PP 210.2
“At siya'y nanaginip pa ng ibang panaginip, at isinaysay sa kaniyang mga kapatid, at sinabi, Narito, ako'y nanaginip pa ng isang panaginip; at narito, na ang araw, at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin.” Ang panaginip ding ito ay mabilis nilang binigyang kahulugan gaya ng una. “At sinaway siya ng kaniyang ama, at sa kaniya'y sinabi, Anong panaginip itong iyong napanaginip? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo? Sa kabila ng mabibigat niyang salita, naniniwala si Jacob na inihahayag ng Diyos kay Jose ang magaganap sa hinaharap.” PP 210.2
What does this teach us about how dangerous and evil unregenerate hearts can be and what they can lead any one of us to do?
Ano ang itinuturo nito ukol sa panganib at kasamaan na maidudulot ng matigas na puso?
Again, years before Israel went into Egypt, God in His providence (Gen. 45:5) influenced Jacob to make a coat of many colors for his youngest son, Joseph. This seeming partiality, along with Joseph's dream and his father's interpretation of it (Gen. 37:10), provoked the jealous brothers to sell him as a slave, to be carried away into Egypt so as to prevent his supplanting them in influence or position. But there in Egypt the Lord in His own time raised him to the second throne of the realm, then brought the years of plenty, also the years of famine, as the means to remove the whole household of Jacob into Egypt.
Muli, maraming taon bago pumunta si Israel sa Egipto, sa probidensya ng Diyos (Gen 45:5) ay inimpluwensyahan niya si Jacob na gumawa ng tunika na may sarisaring kulay para sa bunsong anak na si Jose. Ang tila pagtatanging ito, pati na ang naging panaginip ni Jose at ang interpretasyon ng ama dito (Geb 37:10), ang nagbangon ng selos at nagbunsod sa mga kapatid na ibenta siya bilang alipin at mapunta sa lupain ng Egipto. Ngunit sa lugar na iyon ng Egipto ay mayroong Diyos na magtataas sa kaniya ikalawa sa trono sa Kaniyang kapanahunan, at magdudulot ng pitong taon ng kasaganaan at pitong taon ng taggutom na magiging daan upang pumunta ang sangbahayan ni Jacob sa Egipto.
In their desperate endeavor to be rid of Joseph so as to avoid being ruled by him, his brethren succeeded only (by stirring up the ever-attentive potential of Providence) in exalting him to the administrative throne of Egypt, and in bringing themselves down in humiliation at his feet. Here is marked evidence that he who attempts to defeat God's purposes succeeds only in defeating his own and in promoting God's.
Sa kanilang desperasyon na maiwaksi si Jose at maiwasan na sila ay pamunuan niya, ang mga kapatid na ito ay nagtagumpay lamang upang pukawin ang potensyal ng probidensya ng pagtataas sa kaniya sa posisyon sa trono ng Egipto at pagdadala naman sa kanilang sarili ng kahihiyan sa kaniyang paanan. Dito ay ang matibay na patunay na ang sinuman na magtangka na labanan ang layunin ng Diyos ay magtatagumpay lamang upang itaas ang layunin ng Diyos at ibaba ang kaniyang sarili.
Compare Judah’s behavior with that of the Canaanite Tamar. Who of the two is more righteous, and why?
Ihalintulad ang pag-uugali ni Judah sa Cananeong si Tamar. Sino sa dalawa ang mas matuwid at bakit?
Abraham begat Isaac; and Isaac begat Jacob; and Jacob begat Judas and his brethren; KJV — Matthew 1:2
Naging anak ni Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid; KJV — Matthew 1:2
And Judas begat Phares and Zara of Thamar; and Phares begat Esrom; and Esrom begat Aram; KJV — Matthew 1:3
At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at naging anak ni Fares si Esrom; at naging anak ni Esrom si Aram; ; KJV — Matthew 1:3
And Aram begat Aminadab; and Aminadab begat Naasson; and Naasson begat Salmon; KJV — Matthew 1:4
At naging anak ni Aram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naason; at naging anak ni Naason si Salmon; KJV — Matthew 1:4
And Salmon begat Booz of Rachab; and Booz begat Obed of Ruth; and Obed begat Jesse; KJV — Matthew 1:5
At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse. KJV — Matthew 1:5
And Jesse begat David the king; and David the king begat Solomon of her that had been the wife of Urias; KJV — Matthew 1:6
At naging anak ni Jesse ang haring si David; at naging anak ni David si Salomon, doon sa naging asawa ni Urias; KJV — Matthew 1:6
In the light of the example of Joseph’s working as a manager under Potiphar, what are the factors that led to such success?
Tungkol sa halimbawa ng paggawa ni Jose bilang Tagapamahala ni Potiphar, ano ang mga bagay na nagdulot sa kaniyang tagumpay?
The troubles which came to Joseph in his life were actually for his good and prepared him to become an interpreter of dreams, a king, and doubtless the greatest economist the world has ever seen. God had observed that Joseph did everything as if it were his very own, and, moreover, he was constantly sensible to the fact that God was his Master and that nothing could be hidden from Him. It was this conviction that caused Joseph to understand that regardless what men did to him or said about him, God alone had charge of his life. Therefore, in prosperity and fame Joseph maintained his loyalty and integrity; and in adversity Joseph did not waste his time ascribing to others the cause of his troubles. Instead, he set about to behave in a way that would commend himself even to royalty, for it is not likely that the Ishmaelites would have been able to sell him to Potiphar had he not been a superior person.
Ang mga kaguluhan na dumating kay Jose sa kaniyang buhay ay para lamang sa kaniyang ikabubuti at naging daan upang mahanda siya upang maging tagapagpaliwanag ng panaginip, hari at pinakadakilang ekonomista sa mundong ito. Nakita ng Diyos na si Jose ay gumagawa sa lahat ng bagay na tila ba ito ay sa kaniya at may patuloy na pagunawa na ang Diyos ang kaniyang Panginoon at walang anumang bagay ang maikukubli sa Kanya. Ang pananalig na ito ang dahilan upang maunawaan niya na anupaman ang gawin o sabihin ng tao sa kanya, ang Diyos lamang ang may hawak sa kaniyang buhay. Dahil dito, sa kaniyang kasaganaan at katanyagan ay pinananatili ni Jose ang kaniyang katapatan at sa harap naman ng kahirapan ay hindi siya nagsasayang ng oras na ipaliwanag sa iba ang sanhi ng kanyang problema. Sa halip, siya ay kumikilos siya sa paraan na kapuripuri maging sa mga hari; dahil hindi naman siya maigagawang ibenta ng mga Ishmaelita kay Potiphar kung hindi siya nagtataglay ng natatanging katangian.
"And the Lord was with Joseph, and he was a prosperous man; and he was in the house of his master the Egyptian. And his master saw that the Lord was with him, and that the Lord made all that he did to prosper in his hand. And Joseph found grace in his sight, and he served him: and he made him overseer over his house, and all that he had he put into his hand.... And Joseph was a goodly person, and well favoured." Gen. 39:2-4, 6. But again it was his lot to suffer reversals over which he had no control, and he landed in prison where his excellent personality and faithfulness once again won him his freedom, and, moreover, he was promoted to the highest position of the land.
“At ang Panginoon ay suma kay Jose, at naging lalaking mapalad; at siya'y nasa bahay ng kaniyang panginoong taga Egipto. At nakita ng kaniyang panginoon, na ang Panginoon ay sumasakaniya, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay pinagpapala ng Panginoon sa kaniyang kamay. At nakasumpong si Jose ng biyaya sa kaniyang paningin, at pinaglingkuran niya siya: at sa kaniya'y ipinamahala niya ang bahay, at ang lahat niyang tinatangkilik ay isinakaniyang kamay; at kaniyang ipinamahala ang lahat niyang tinatangkilik sa kamay ni Jose… At si Jose ay may magandang pagmumukha at kahalihalina.” Gen. 39:2-4, 6. Ngunit muli, siya ay nakatalaga na sumapit ng mga dagok sa buhay, sa mga bagay na wala siyang kontrol, at siya ay nalagay sa piitan kung saan ang kaniyang natatanging personalidad at katapatan ang muling nakita sa kaniya at siyang nakapagpalaya sa kaniya, at kalaunan, siya ay nalagay sa pinakamataas na posisyon sa lupain.
How are the dreams of Pharaoh related to the dreams of the officers? What is the significance of the parallel?
Paano nauugnay ang panaginip ni Paraon sa panaginip ng mga opisyal? At ano ang kahalagahan niyo?
The school of God does not teach only from its textbook, not merely in the school-room, it teaches the practical as well as the theoretical. The practical, of course, most men dislike, and some would not take practical training even for a gift. Let us take Joseph for example. When he finished the class-room work he was initiated into the practical. His training was perhaps most trying because his vocation was to be not only one of the greatest but unique as well. Besides, his curriculum included the learning of a strange language and love for his enemies. He was to learn by experience that if one serves God faithfully, then whatever befalls him in life he is to know that it is but a gift from God, and that he is to make the best of it.
Ang paaralan ng Diyos ay hindi lamang nagtuturo buhat sa aklat-aralin, hindi lamang sa silid aralan, ngunit ito ay nagtuturo ng praktikal at teoretikal. Ang praktika ay ang karaniwang inaayawan ng mga tao at ang iba nga ay hindi ito tatanggapin kahit bilang kaloob. Gawin nating halimbawa si Jose. Nang matapos niya ang aralin sa loob ng silid-aralan, siya ay tinuruan naman sa praktikal. Ang kaniyang naging pagsasanay ay maaaring sabihing pinakamahirap sapagka’t ang kaniyang gawain ay hindi lamang isa sa pinakadakila ngunit ito’y naiiba din. Bukod dito, ang kaniyang pag-aaral ay may kasama ding pagaaral ng ibang wika at pag-ibig sa kaniyang mga kaaway. Kinakailangan niyang matutunan sa pamamagitan ng karanasan na kung ang isang tao ay maglilingkod sa Diyos ng tapat, anuman ang dumating sa kaniyang buhay, alam niyang ito ay kaloob mula sa Diyos at kinakailangan niyang gamitin itong mabuti.
First he was sold by his own brethren, and re-sold by slave traders. He could have made himself sick with grief and fear. Had he thus succumbed to his emotions, the traders would have dropped him somewhere along the road to Egypt, for they would have known that a sick man would only be an expense to them, that they could not sell him for anything to anybody. Joseph, though, behaved himself very well, knowing that God knew all about his circumstances. The Ishmaelites, too, saw that they had not invested in an ordinary slave. They realized that he could be sold for a high price to someone who had the money. Thus, it was that they took him to Potiphar, Egypt’s rich man. There Joseph learned how to take orders, how to take care of other people’s goods, and also how to shun lewd women.
Una, siya ay ipinagbili ng kaniyang mga kapatid at muling ipinagbili ng mga nangangalakal ng mga alipin. Maaari sanang malungkot na lamang siya sa nangyari at matakot. Kung siya ay nagpadala sa kaniyang emosyon, maaaring iniwan na lamang siya kung saan ng mga nangangalakal sa daan patungo sa Egipto, sapagka’t alam nilang ang isang maysakit ay walang pakinabang sa kanila, na hindi siya maipagbibili sa kaninoman. Ngunit, si Jose, ay kumilos ng wasto, sapagka’t iniisip niyang batid ng Diyos ang lahat ng nagaganap sa kaniya. Naunawaan din ng mga Ishmaelita na hindi pangkaraniwan ang alipin na kanilang binili. Nakita nila na maaari siyang maipagbili sa malaking halaga. Kaya dinala nila siya kay Potiphar, ang mayamang lalaki sa Egipto. Dito ay natutunan ni Jose na sumunod sa utos, kung paano mangalaga sa pagaari ng iba at paano umiwas sa tukso ng babae.
After he graduated from Potiphar’s house he took a course behind prison bars. There among the dreamers he learned to interpret dreams. At this point of his training he was equipped to rule Egypt and to feed the world.
Matapos niyang matuto sa bahay ni Potiphar, siya naman ay nag-aral sa loob ng piitan. Dito, kasama ang ilang nanaginip, ay natutunan niyang magpaliwanag ng panaginip. Sa puntong ito ng kaniyang pagsasanay ay nahanda siya upang mamuno sa lupain ng Egipto at upang pakanin ang buong mundo.
Joseph stands as a perfect type of Christ. First of all, the name “Joseph” means “he shall add”. So Christ added the human family to the heavenly. Had any sin been recorded against Joseph, it would have spoiled the type, for Christ is not a sinner. Joseph was loved by his father above all his brethren. Of Christ we read in Heb. 1:9, “Thou hast loved righteousness, and hated iniquity; therefore God, even thy God, hath anointed thee with the oil of gladness above thy fellows.”
Si Jose ay tuminding biglang perpektong tipo ni Cristo. Una sa lahat, ang ngalang ‘Jose’ ay nangangahulugang “siyang magdadagdag”. Kaya si Cristo ang nagdala sa pamilya ng tao upang madagdag sa kalangitan. Kung may isa man lang sala na natala ukol kay Jose, ay maaari itong makasira sa tipo, sapagka’t si Cristo ay walang sala. Si Jose ay inibig ng kaniyang ama higit sa lahat ng kaniyang kapatid. Kay Cristo ay mababasa sa Heb 1:9 “ Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.”
Joseph was sent down into Egypt to preserve the lives of his brethren in the seven years of famine. Just so, Christ descended to preserve the lives of His brethren in this world of sin, in A.D.
Si Jose ay ipinadala sa Egipto upang maingatan ang buhay ng kaniyang mga kapatid sa panahon ng pitong taong taggutom. Gayundin, si Cristo ay bumaba sa lupa upang maghatid ng kaligtasan sa Kaniyang mga kapatid buhat sa makasalanang mundong ito.
Joseph was sold to Ishmaelites who were the descendants of Ishmael, Abraham’s seed after the flesh. Just so, Christ was sold to priests, the descendants of Abraham, (Israel after the flesh).
Si Jose ay ipinagbili sa mga Ishmaelita na mga lahi ni Ishmael, ang binhi ni Abraham sa laman. Gayundin, si Cristo ay ipinagbili sa mga pari na lahi ni Abraham (ang Israel sa laman).
Joseph was a governor, and no man could lift hand or foot, in all the land of Egypt, without the knowledge of Joseph. Just so, Christ is a governor over the world (Egypt), and no man can lift hand or foot without the knowledge of Christ.
Si Jose ay naging gobernadora at walang sinuman ang maaaring magtaas ng kamay o paa sa lupain ng Egipto ng hindi niya nalalaman. Gayundin naman si Cristo ay gobernado ng mundo (Egypt) at walang sinuman ang makapagtataas ng kamay o paa ng hindi Niya nalalaman.
As there was only one above Joseph, namely Pharaoh, just so, there is only one above Christ: God, the Father.
At dahil may isa lamang mas mataas kay Jose, si Paraon, gayundin naman kay Cristo, ang tanging mas mataas sa Kaniya: ay ang Diyos Ama.
Joseph was 30 years old when he became governor; Christ was 30 years of age when anointed.
Si Jose ay higit tatlumpung taon ang gulang ng siya’y maging gobernador; gayundin naman si Cristo na nasa edad tatlumpu ng siya ay maitalaga.
As Joseph married the daughter of an idolatrous priest, just so, Christ marries His church which is made up of idolatrous nations.
Kung paanong si Jose ay nakapangasawa ng anak ng idolatriyang pari, gayundin naman si Cristo na umibig sa iglesia na binubuo ng mga idolatriyang bansang.
As Joseph gathered the corn in the seven years of plenty into the storehouses to feed the world in the seven years of famine, just so, Christ gathered the Word of God in the Old Testament time into the great storehouse (the Bible) to feed the world in the New Testament time. One may say, The New Testament came in A.D. True, but the New Testament is only the fulfillment of the Old.
Kung paano tinipon ni Jose ang mga mais sa mga kamalig sa panahon ng pitong taon ng kasaganaan upang pakanin ang buong mundo sa panahon ng pitong taon ng taggutom, gayundin naman si Cristo nang Kaniyang tipunin ang Salita ng Diyos sa panahon ng Lumang Tipan tungo sa kamalig (Biblia) upang pakanin ang buong mundo sa panahon ng Bagong Tipan. Maaaring may magsabi na ang Bagong Tipan ay naganap noong A.D. Tunay nga, ngunit ang Bagong Tipan ay katuparan lamang ng Luma.
Had not Joseph become a governor of Egypt before the beginning of the seven years of plenty, it would have spoiled the significance, and the type would not then have indicated that Christ ruled before the world’s history began. Thus we see Joseph is a perfect type of Christ.
Kung hindi naging gobernador ng Egipto si Jose bago magpasimula ang pitong taon ng kasaganaan ay mapapawalang bisa nito ang tipo na tumutukoy sa pamumuno ni Cristo bago magpasimula ang kasaysayan ng mundo. Dito ay nakikita nga na si Jose ang perpektong tipo ni Cristo.