“Let brotherly love continue.” KJV — Hebrews 13:1
Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid. KJV — Hebreo 13:1
“After the descent of the Holy Spirit, when the disciples went forth to proclaim a living Saviour, their one desire was the salvation of souls. They rejoiced in the sweetness of communion with saints. They were tender, thoughtful, self-denying, willing to make any sacrifice for the truth's sake. In their daily association with one another, they revealed the love that Christ had enjoined upon them. By unselfish words and deeds they strove to kindle this love in other hearts. AA 547.3
“Matapos ang pagbaba ng Banal na Espiritu, nang ang mga alagad ay nagsilabas upang ipahayag ang buhay na Tagapagligtas, ang naging tangi nilang hangarin ay ang kaligtasan ng lahat ng kaluluwa. Sila’y nagalak sa matamis na pakikipagugnayan sa mga banal. Sila ay mga magigiliw, maalalahanin, mapagtanggi sa sarili, at handang magsakripisyo para sa katotohanan. Sa kanilang araw-araw na paguugnayan ay kanilang inihahayag ang pag-ibig ni Cristo na sumasakanila. Sa mga hindi makasariling salita at gawa ay kanilang sinisikap na pag-alabin ang pagibig na ito sa puso ng iba. AA 547.3
“Such a love the believers were ever to cherish. They were to go forward in willing obedience to the new commandment. So closely were they to be united with Christ that they would be enabled to fulfill all His requirements. Their lives were to magnify the power of a Saviour who could justify them by His righteousness.” AA 547.4
“Ang pag-ibig na gaya nito ang dapat pahalagahan ng mga mananampalataya. Sila ay dapat sumulong ng may pagsunod sa bagong kautusan na bukas sa kalooban. Lubusang lumalapit at nakikiisa kay Cristo upang kanilang makayanang ganapin ang Kanyang mga tuntunin. Sa kanilang buhay ay dapat maitaas ang kapangyarihan ng Tagapagligtas na siyang magpapabanal sa kanila sa Kanyang katuwiran.” AA 547.4
What was the role of hospitality in the early church?
Ano ang naging papel ng kagandahang loob sa sinaunang iglesia?
Gen. 18:16-19 – “And the men rose up from thence, and looked toward Sodom: and Abraham went with them to bring them on the way. And the Lord said, Shall I hide from Abraham that thing which I do; seeing that Abraham shall surely become a great and mighty nation, and all the nations of the earth shall be blessed in him? For I know him, that he will command his children and his household after him, and they shall keep the way of the Lord, to do justice and judgment; that the Lord may bring upon Abraham that which He hath spoken of him.”
Gen. 18:16-19 – “At nangagtindig doon ang mga lalake, at nangagsitingin sa dakong Sodoma; at sinamahan sila ni Abraham, upang ihatid sila sa daan. At sinabi ng Panginoon, Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin; Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa? Sapagka't siya'y aking kinilala, upang siya'y magutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sangbahayan pagkamatay niya, na maingatan nila ang daan ng Panginoon, na gumawa ng kabanalan, at kahatulan; upang padatnin ng Panginoon, kay Abraham ang kaniyang ipinangako tungkol sa kaniya.”
It was Abraham’s hospitality that brought such a great blessing to his home – the three Heavenly guests Who reaffirmed the promise of an heir. And his accommodating act of showing Heavenly guests Who reaffirmed the promise of an heir. And his accommodating act of showing them the way to the city by walking some distance with them, caused the angels to confide to him their sad mission concerning Sodom. No home, therefore, should be “forgetful to entertain strangers: for thereby some have entertained angels unawares.” Heb. 13:2.
Ang kagandahang loob ni Abraham ang nagdala ng dakilang pagpapala sa kaniyang tahanan – ang tatlong makalangit na panauhin ay muling nagpatotoo sa pangako ng tagapagmana. At ang kanyang pagkamatulungin na nakita ng kanyang samahan at ituro ang daan sa mga anghel ang nagdulot upang kanilang ibahagi at ipagtapat ang kanilang malungkot na misyon ukol sa kahihinatnan ng Sodoma. Walang tahanan ang dapat “makalimot sa pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.” Heb. 13:2.
What two evils are related in these passages?
Anong dalawang uri ng kasamaan ang magkaugnay sa mga talatang ito?
“God calls upon all who claim to be Christians to elevate the standard of righteousness, and to purify themselves even as He is pure. “Be ye holy in all manner of conversation.” “If ye then be risen with Christ, seek those things which are above.... Set your affection on things above, not on things on the earth. For ye are dead, and your life is hid with Christ in God. When Christ, who is our life, shall appear, then shall ye also appear with Him in glory. Mortify therefore your members which are upon the earth; fornication, uncleanness, inordinate affection, evil concupiscence, and covetousness, which is idolatry: for which things’ sake the wrath of God cometh on the children of disobedience.” “Wherefore gird up the loins of your mind, be sober, and hope to the end for the grace that is to be brought unto you at the revelation of Jesus Christ; as obedient children, not fashioning yourselves according to the former lusts in your ignorance;” for you are to walk in the light, while you have the light; “but as He which hath called you is holy, so be ye holy in all manner of conversation; because it is written, Be ye holy; for I am holy.”—Letter 6a, 1890.” MM 147.1
Nananawagan ang Panginoon sa lahat ng nagaangking Kristyano na itaas ang pamantayan ng katuwiran at linisin ang kanilang sarili gaya naman Niyang malinis. “Mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay.” “Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas… Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.” Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios. Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian. Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan; Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway. “Kaya't inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo; Na gaya ng mga anak na matalimahin, na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na sa kawalang kaalaman,” kayo’y magsilakad sa liwanag samantalang nasa inyo pa ang liwanag, “Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.” .”—Letter 6a, 1890.” MM 147.1
What should be our relationship with our leaders?
Ano ang dapat nating maging relasyon sa ating mga tagapanguna?
“As for my people, children are their oppressors, and women rule over them. O my people, they which lead thee cause thee to err, and destroy the way of thy paths.” KJV — Isaiah 3:12
“Tungkol sa aking bayan, mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas.” KJV — Isaiah 3:12
God Himself cannot rule over the proud, self-important, and self-sufficient. But as to His people, even children and women rule over them. Thus they are now being warned that the proud who now rule over them are causing them to err, destroying God’s plan for them.
Maging ang Diyos ay hindi makakapamuno sa mga taong mayabang, mapagmahalaga at mapagtiwala sa sarili. Ngunit sa kaniyang bayan, ang mga bata at babae ay namumuno sa kanila. Kaya sila ay binibigyang babala na ang mga mapagmalaki na ngayo’y namumuno sa kanila ang dahilan ng kanilang pagkakasala, at sumisira sa plano ng Diyos para sa kanila.
A certain brother said, “I hope the Lord will soon take the reins in His Own hands to deliver Israel.” Even after coming to the Red Sea, the multitude did not know that God had taken the reins in His Own hands. They, too, thought everything was in Moses’ hands. Though by miracle they passed through the Sea, and though they sang the song of deliverance, and understood that God’s hand had delivered them, yet soon after, they forgot, and again began to accuse and to condemn Moses for bringing them into the desert wastes. They bogged even at the borders of the promised land, and as a result had to spend forty years in the desert.
Even the manna coming down to earth daily could not convince the multitude that God had taken the reins in His Own hands. So it was that their carcases fell in the desert, but the children whom they thought would never reach their goal possessed the land (Num. 14:1-3, 27-32; 26:63-65).
May isang kapatid na nagsabi, “Ako’y umaasa na kunin at ilagay na ng Diyos ang renda sa Kaniyang mga kamay upang iligtas ang bayan ng Israel. Matapos na sila ay sumapit sa dagat na pula ay hindi pa din batid ng karamihan na inilagay na ng Diyos sa Kanya mismong mga kamay ang renda. Inakala nila na ito ay nasa kamay pa ni Moses. Kahit pa sila ay nakatawid sa dagat at umawit ng awit ng kanilang pagkaligtas at nakaunawa na ang kamay ng Diyos ang nagligtas sa kanila ay madali nila itong nakalimutan at muli ay inakusahan at hinatulan si Moses sa pagdadala sa kanila sa ilang. Sila ay patuloy na nagreklamo hanggang sa hangganan ng lupang pangako na nagresulta sa kanilang naging paglalakbay sa ilang na umabot ng apat na pung taon. Maging ang manna ay inilalaglag sa kanila buhat sa langit sa araw araw ay hindi nakapagkumbinse sa kanila na nasa kamay na ng Diyos ang renda.
“Kaya ang kanilang mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito;” ngunit ang mga bata na sinabing di makararating ay aking dadalhin sa lupain. Num. 14:1-3, 27-32; 26:63-65).
There is a certain element whom even God Himself cannot convince that He has taken the reins in His Own hands. They never take orders from any but themselves. Such independent ones will continue to question and criticize everything in which they themselves have no part. So regardless of their profession, of what they think or say, they are not God’s people. His real people, He declares, are able to take orders even from women and children.
God’s people take orders from anyone whom God appoints because they walk in the light of the Lord, not in the sparks of men. He plainly states that those who now rule over them, are causing His people to err, and are destroying the way of their right path!
May elemento na hindi kayang kumbinsihin maging ng Diyos na nasa Kanya ng kamay ang renda. Hindi sila sumusunod sa iba ngunit sa kanilang sarili lamang. Ang mga nagsasarili na ito ay magpapatuloy sa pagpuna at pagkuwestyon sa lahat ng bagay na wala silang bahagi. Kaya anuman ang kanilang pinapahayag, o anuman ang kanilang iniisip o sinasabi, sila’y hindi bayan ng Diyos. Ang Kanyang tunay na bayan, deklara Niya, ay marunong sumunod sa utos maging buhat sa babae man o bata. Ang bayan ng Diyos ay sumusunod sa sinumang itinalaga ng Diyos sapagkat sila’y lumalakad sa liwanag ng Diyos, hindi sa ningas ng tao. Kanyang inihahayag na ang mga nangunguna sa kanila ngayon ay nagdudulot sa kanilang pagkakamali at sumisira sa tamang daan para sa kanila!
How can we grow in grace with the unfolding of truth without being carried away by winds of doctrine?
Paano tayo lalago sa biyaya sa pagkakahayag ng mga katotohanan ng hindi natatangay sa magkabikabila ng lahat ng hangin ng aral?
Eph. 4:11-14 – “And He gave some, apostles; and some, prophets; and some, evangelists; and some, pastors and teachers; for the perfecting of the saints, for the work of the ministry, for the edifying of the body of Christ: till we all come in the unity of the faith, and of the knowledge of the Son of God, unto a perfect man, unto the measure of the stature of the fullness of Christ: that we henceforth be no more children, tossed to and fro, and carried about with every wind of doctrine, by the sleight of men, and cunning craftiness, whereby they lie in wait to deceive.”
Eph. 4:11-14 – “At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo: Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo: Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian.”
Inspiration makes it plain that God’s plan is that the Church should ever be growing both in knowledge and perfection till we all come in the unity of the faith, and of the knowledge of the Son of God, unto a perfect man, unto the measure of the stature of the fullness of Christ; that we henceforth be no more children, tossed to and fro, and carried about with every wind of doctrine, by the sleight of men, and cunning craftiness, whereby they lie in wait to deceive.
Malinaw na nasasaad sa Insprisyon na plano ng Diyos na patuloy na lumago ang iglesia sa kaalaman at perpeksyon hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ang pagkakilala sa Anak ng Dios hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo; upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian.”
Since the Church has not yet attained the standard set forth in this verse of Scripture, it is obvious that she needs to have greater knowledge of Bible religion than she has at the present time.
Dahil hindi pa naabot ng iglesia ang pamantayan na nasusulat sa mga talatang ito ng Kasulatan, malinaw na kailangan pa niya ang mas higit na pagkaalam sa rehilihiyon ukol sa Biblia higit kaysa kanyang kasulukuyang kalagayan.
Being far from having reached such unity of faith, of knowledge, and perfection, we see the need as clear as crystal: We as Christians need to start growing, otherwise the season of such growth will pass and we shall be left but dwarfs, not having advanced far enough to be eligible for a home in the Kingdom. Then shall it come to pass that all such unmatured Christians shall bitterly cry out, “The harvest is past, the summer is ended, and we are not saved.” Jer. 8:20.
Dahil malayo pang maabot ang pagkakaisa ng pananampalataya at perpeksyon, makikita nating malinaw ang ating mga pangangailangan: Tayong mga kristyano ay dapat magsimulang lumago, dahil kung hindi, ang panahong dapat tayo’y lumago ay lilipas at maiiwan tayong mga maliit na walang sapat na pagunlad at hindi karapatdapat sa kaharian. At darating na ang mga wala sa gulang na Kristyanong ito ay tatangis: Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas.” Jer. 8:20.
Bible knowledge you see, is Heaven’s way to salvation and eternity, but the modern minister’s way is to keep men ignorant of what is taught outside their own circles, so they may have men under their control.
Makikita na ang kaalaman sa Biblia ang paraan ng langit tungo sa kaligtasan at walang hanggan, ngunit ang modernong paraan ng mga ministro ngayon ay panatilihin silang ignorante sa mga bagay na labas sa kung ano ang kanilang itinuturo upang mapanatili sila sa kanilang kontrol.
That Truth is growing, and that we should keep pace with It, we shall now read:
Ang katotohanan ay lumalago at dapat tayong makasunod dito, basahin ang talata:
Rev. 14:6-10 – “And I saw another angel fly in the midst of heaven, having the everlasting gospel to preach unto them that dwell on the earth, and to every nation, and kindred, and tongue, and people, saying with a loud voice, Fear God, and give glory to Him; for the hour of His judgment is come: and worship Him that made heaven, and earth, and the sea, and the fountains of waters. And there followed another angel, saying, Babylon is fallen, is fallen, that great city, because she made all nations drink of the wine of the wrath of her fornication. And the third angel followed them, saying with a loud voice, If any man worship the beast and his image, and receive his mark in his forehead, or in his hand, the same shall drink of the wine of the wrath of God, which is poured out without mixture into the cup of His indignation; and he shall be tormented with fire and brimstone in the presence of the holy angels, and in the presence of the Lamb.”
Rev. 14:6-10 – “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig. At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid. At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero.”
Here are represented three messages, one following the other. Unless we keep pace with each of them progressively, we shall find ourselves trailing behind the time, as are the Jews to this day.
Dito ay nalalahad ang tatlong mensahe na magkakasunod. Maliban na tayo ay makasabay sa mga ito ay masusumpungan natin ang ating mga sarili na napagiwanan gaya ng mga Hudyo sa panahon natin ngayon:
Those who fail to keep pace with the Truth as Inspiration unfolds It, can never, of course, come to “the unity of the faith,” and to a full “knowledge of the Son of God, unto a perfect man, unto the measure of the stature of the fullness of Christ.” Such will forever be “children, tossed to and fro, and carried about with every wind of doctrine, by the sleight of men,…” Eph. 4:13, 14.
Ang mga mabibigo na makasabay sa mga katotohanan na inihahayag ng Inspirasyon, ay hindi kailanman “makaaabot sa pagkakaisa sa pananampalataya,” at sa lubos na “pagkakilala sa Anak ng Dios hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo. “Ang mga ito ay habambuhay na magiging “mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao…” Eph 4:13,14
Plainly, then, religion itself is something living and unfolding, but the tragedy is that not all are keeping pace with it.
Samakatuwid, ang relihiyon ay dapat maging buhay at may patuloy na pagkahayag, ngunit ang nakalulungkot hindi lahat ay nakakasabay dito.
What does it mean to go to Jesus outside the camp?
Ano ang ibig sabihin ng pagpunta kay Jesus sa labas ng kampamento?
“Text: “Let us go forth therefore unto him without the camp, bearing his reproach. For here have we no continuing city, but we seek one to come. By him therefore let us offer the sacrifice of praise to God continually, that is, the fruit of our lips, giving thanks to his name. But to do good and to communicate forget not; for with such sacrifices God is well pleased.” Hebrews 13:13-16. RH May 28, 1889, par. 1
“Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta. Sapagka't dito'y wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating. Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod. .” Hebrews 13:13-16. RH May 28, 1889, par. 1
“We should continually keep before us the sacrifice that was made by our Saviour, lest we should think that we are making wonderful sacrifices in our Christian life. He made an infinite sacrifice that we might have eternal life. The Father made a sacrifice the greatness of which no man can comprehend. The angels of heaven were amazed when the Father consented to give his only Son for a fallen race. When we can approach to an appreciation of the sacrifice made by the Father and the Son, we shall have a better appreciation of the value of souls. We should not study our own ease, since Christ has died for us, but we should be willing to deny self, to go without the camp, bearing his reproach.” RH May 28, 1889, par. 2
“Dapat nating panatilihin ang sakripisyo na ginawa ng Tagapagligtas dahil kung hindi ay baka isipin nating tayo ay gumagawa ng mga kahanga-hangang sakrispisyo sa ating Kristyanong pamumuhay. Siya ay nagbigay ng walang hanggang sakripisyo upang tayo ay magkamit ng walang hanggang buhay. Ang Ama ay gumawa ng dakilang sakripisyo na hindi kayang tarukin ng pangunawa ng tao. Ang mga anghel sa langit ay namangha ng pahintulutan ng Ama na ibigay ang Kanyang bugtong na Anak para sa nahulog na lahi. Kapag tayo ay makalapit sa pagkaunawa sa sakripisyong ginawa ng Ama at ng Anak ay mas lalo nating dapat pahalagahan ang ating mga kaluluwa. Hindi tayo dapat magsaliksik para sa sariling ikagiginhawa, sapagkat si Cristo ay namatay para sa atin dapat lamang na maging bukal sa ating mga puso ang pagtanggi sa ating mga sarili, lumabas sa kampamento na nagdadala ng kanyang pagkadusta.” RH May 28, 1889, par. 2
“The days are fast approaching when there will be great perplexity and confusion. Satan, clothed in angel robes, will deceive, if possible, the very elect. There will be gods many and lords many. Every wind of doctrine will be blowing. Those who have rendered supreme homage to “science falsely so called” will not be the leaders then. Those who have trusted to intellect, genius, or talent will not then stand at the head of rank and file. They did not keep pace with the light. Those who have proved themselves unfaithful will not then be entrusted with the flock. In the last solemn work few great men will be engaged. They are self-sufficient, independent of God, and He cannot use them. The Lord has faithful servants, who in the shaking, testing time will be disclosed to view. There are precious ones now hidden who have not bowed the knee to Baal. They have not had the light which has been shining in a concentrated blaze upon you. But it may be under a rough and uninviting exterior the pure brightness of a genuine Christian character will be revealed. In the daytime we look toward heaven but do not see the stars. They are there, fixed in the firmament, but the eye cannot distinguish them. In the night we behold their genuine luster.” 5T 80.1
“Ang mga araw ay matuling dumarating na magkakaroon ng matinding kabalisahan at pagkalito. Si Satanas, na nararamtan ng damit ng anghel, ay mandadaya, kung maari pati sa mga hirang. May mga lilitaw na bulaang diyos. Ang lahat ng hangin ng doktrina ay iihip. Ang mga nagbigay galang sa mga “maling kaalaman” ay hindi na mamumuno doon. Yaong mga nagtiwala sa katalinuhan, kadalubhasaan at talento ay hindi na mamumuno sa mga myembro. Hindi sila nakasabay sa liwanag. Silang nagpatunay na mga hindi tapat ay hindi na pagkakatiwalaan sa pulutong. Sa huling solemneng gawain, iilan lamang sa mga dakilang tao ang makakalahok. Sila ay mga makasarili at walang pagdepende sa Diyos kaya hindi Niya sila magagamit. Ang Diyos ay may mga tapat na lingkod na mahahayag sa panahon ng pagliliglig at paglilitis. May mga tanging lingkod na hindi lumuhod kay Baal ang kasalukuyan pang natatago. Hindi pa nila taglay ang liwanag na nagliliwanag sa inyo. Ngunit maaring sa mahirap at di kaaya-ayang panlabas o pamamaraan ang dalisay na liwanag ng tunay na karakter ng Kristyano ay mahayag sa kanila. Sa araw ay hindi natin tanaw ang mga bituin sa kalangitan. Di man kita ng ating mata, ngunit ang mga bituing ito ay nakapirmi sa kalangitan. At sa kinagabihan ay ating mamamasdan ang kanilang tunay na kislap. 5T 80.1