Si Jesus, ang Perpektong Handog

9 Liksyon, Unang Semestre Peb. 19-25, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram

Sabbath Afternoon - February 19

Memory Text:

“For by one offering he hath perfected forever them that are sanctified.” KJV — Hebrews 10:14

Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal. - Hebrews 10:14


The enemy would like to deceive us one way or another, he cares not which, and we should not give him any occasion. Says Paul: "Wherefore seeing we also are compassed about with so great a cloud of witnesses, let us lay aside every weight, and the sin which doth so easily beset us, and let us run with patience the race that is set before us, looking unto Jesus the Author and finisher of our faith; Who for the joy that was set before Him endured the cross, despising the shame, and is set down at the right hand of the throne of God." (Heb. 12:1, 2.)

Nais ng kaaway na tayo ay malinlang sa lahat ng kaparaanan at siya ay hindi natin dapat bigyan ng pagkakataon na magawa ito. Sabi ni apostol Pablo: “Kaya't yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi, itabi namang walang liwag ang bawa't pasan, at ang pagkakasalang pumipigil sa atin, at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin, Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios”. (Heb. 12:1, 2.) 

Sunday - February 20

Why Were Sacrifices Needed?
Bakit kinailangan ang mga handog? 

Genesis 15:6-21, Jeremiah 34:8-22

“God chose Israel to reveal His character to men. He desired them to be as wells of salvation in the world. To them were committed the oracles of heaven, the revelation of God's will. In the early days of Israel the nations of the world, through corrupt practices, had lost the knowledge of God. They had once known Him; but because “they glorified Him not as God, neither were thankful; but became vain in their imaginations, ... their foolish heart was darkened.” Romans 1:21. Yet in His mercy God did not blot them out of existence. He purposed to give them an opportunity of again becoming acquainted with Him through His chosen people. Through the teachings of the sacrificial service, Christ was to be uplifted before all nations, and all who would look to Him should live. Christ was the foundation of the Jewish economy. The whole system of types and symbols was a compacted prophecy of the gospel, a presentation in which were bound up the promises of redemption.” AA 14.1

Pinili ng Diyos ang Israel upang ihayag ang Kaniyang karakter sa tao. Hinangad Niyang maging parang balon sila ng kaligtasan sa mundo. Sa kanila ibinigay ang mga propesiya ng langit at ang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos. Sa unang mga araw ng Israel ang mga bansa ng mundo ay naligaw at nawalan ng kaalaman sa Diyos ng dahil sa mali at tiwaling gawain. “Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim”. Romans 1:21. Gayunpaman, sa Kaniyang awa ay hindi Niya sila nilipol. Ninais Niyang bigyan sila ng pagkakataon na muling makakilala sa Kaniya sa pamamagitan ng Kaniyang hinirang na bayan. Sa pamamagitan ng mga turo ng serbisyo ng paghahandog, si Kristo ay itataas sa harap ng mga bansa at lahat ng titingin sa Kanya ay mabubuhay. Si Kristo ang pundasyon ng ekonomiya ng mga hudyo. Ang buong sistema ng mga tipo at simbolo ay mga pinagsamang propesiya ng ebanghelyo, ang presentasyon ng nakatakdang pangako ng ating kaligtasan”. AA 14.1

Monday - February 21

Diverse Kinds of Sacrifices
Iba’t ibang uri ng mga handog

Ephesians 3:14-19

Broadly speaking, the law of Moses consists of three parts. The first is the Ceremonial law, the law of the temple – the sacrificial law. This law, of course, we today must not observe, except in antitype, for it foreshadowed things to come, particularly Christ’s first advent. Thus it is that if we had lived in Old Testament times and had failed to comply with the sacrificial law and system of that day, we would thereby have demonstrated unbelief in Christ, Who was to come. But since we are living in the Christian era, if we should now observe the typical sacrificial law and system, we should thereby demonstrate unbelief in Christ, Who has come.

Sa pangkalahatan, ang batas ni Moses ay may tatlong bahagi. Ang una ay ang ‘ceremonial law’, ang kautusan sa templo – ang paghahandog. Ang batas na ito ay alam nating hindi na isinasagawa sa ngayon, maliban sa antitype, sapagkat ito ay nauunang tumutukoy sa mga bagay na dadating partikular sa unang pagdating ni Kristo. Samakatuwid, kung tayo ay namuhay sa yugto ng Old Testament at nabigong sundin ang batas at sistema ng paghahandog sa panahong yaon, tayo ay makikitaan ng kawalan ng pananampalataya kay Kristo na Siyang dadating. Ngunit dahil nabubuhay tayo sa Kristiyanong kapanahunan, kung tayo ay magsasagawa pa ng tipikal na sistema ng paghahandog ay masusumpungan namang tayo’y walang pananampalataya kay Kristo na dumating na.  

Tuesday - February 22

Jesus’ Perfect Sacrifice
Si Kristo ang perpektong handog 

Hebrews 7:27; 10:10

How is Jesus’ Sacrifice described in the above passages?

Si Kristo ang perpektong handog 

“The plan of redemption, embracing the good news of salvation through Jesus Christ, was first preached to Adam. It was to him the star of hope, lighting up the dark and dreaded future. Adam saw that Christ was the only door of hope through which he could enter and have life. The plan of saving sinners through Christ alone was the same in the days of Adam, Noah, Abraham, and every successive generation of those who lived before the advent of Christ, as it is in our day. The patriarchs, prophets, and all the holy martyrs from righteous Abel, looked forward to a coming Saviour, in whom they showed their faith by sacrificial offerings. At the crucifixion the typical system of sacrifices was done away by the great antitypical offering. The sacrifice of beasts shadowed forth the sinless offering of God's dear Son, and pointed forward to his death upon the cross. But at the crucifixion type met antitype, and the typical system there ceased; but not one jot or tittle of the moral code was abrogated at the death of Christ. ST August 7, 1879, par. 3

“Ang plano ng kaligtasan, ang pagyakap sa mabuting balita ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo ay unang pinaalam kay Adan. Ito’y sa kaniya’y isang bituin ng pag-asa na nagliliwanag sa madilim at nakakatakot na hinaharap. Nakita ni Adan na si Kristo ang tanging pinto ng pag-asa na kaniyang mapapasok upang magkaroon ng buhay. Ang plano ng pagliligtas sa makasalanan sa pamamagitan ni Kristo ay pareho sa kapanahunan ni Adan, Noe, Abraham at sa mga sumunod pang mga henerasyon na nabuhay bago ang unang pagdating ni Kristo, gaya din sa panahon natin ngayon. Ang mga patriarka, propeta at mga banal na martyr mula sa matuwid na si Abel ay umasa sa paparating na Tagapagligtas, na pinakitaan ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng mga handog. Sa Kaniyang pagkapako sa krus, ang mga tipikal na sistema ng paghahandog ay nagtapos na sa pamamagitan ng dakilang antitypical na handog. Ang paghahandog ng mga hayop ay nagpapahiwatig sa walang salang handog ng anak ng Diyos at tumutukoy sa Kaniyang kamatayan sa krus. At sa krus, ang tipo ay nagkaron na ng antitype at ang tipikal na sistema ay nahinto na; ngunit walang ni isang tuldok o titulo sa batas pangmoral ang naalis sa pagkamatay ni Kristo. ST August 7, 1879, par. 3

“The Son of God is the center of the great plan of redemption, which unit plan covers all dispensations. He is “the Lamb slain from the foundation of the world.” He is the Redeemer of the fallen sons and daughters of Adam in all the ages of human probation. “Neither is there salvation in any other; for there is none other name under heaven given among men whereby we must be saved.” Christ is the substance or body which cast its shadow back into former dispensations. And when Christ died the shadow ceased. The transgression of the moral code made the shadowy system necessary. And at the death of Christ, which event had been shadowed forth by the blood of beasts from the time of Adam, these offerings, and not the law of God, the violation of which had made them necessary, was abolished.” ST August 7, 1879, par. 4

“Ang anak ng Diyos ang sentro ng dakilang plano ng kaligtasan na sumasakop sa lahat ng dispensasyon. Siya ang “Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan”. Siya ang Tagapagligtas ng mga nahulog na anak na lalaki at babae ni Adan sa lahat ng panahon sa loob ng probasyon ng sangkatauhan. “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas”. Si Kristo ang sangkap o katawan na nagbigay anino sa mga nakaraang dispensasyon. At nang mamatay si Kristo ang anino ay nahinto. Ang paglabag sa batas pangmoral ang dahilan kung bakit kinailangan ang mga sistemang ito. At sa pagkamatay ni Kristo, ang pangyayaring pinatutukuyan ng dugo ng hayop buhat sa panahon ni Adan, ang paghahandog ay nabuwag at hindi ang kautusan ng Diyos, sa halip, ang paglabag dito ang dahilan kung bakit kinailangang gawin ang paghahandog. ST August 7, 1879, par. 4

Wednesday - February 23

The Cross and the Cost of Forgiveness

Hebrews 9:22-28

What does the above passage say about the work of Christ in the heavenly sanctuary?

Ano ang sinasabi ng talata sa itaas ukol sa gawain ni Cristo sa makalangit na santuario?

In the earthly sanctuary the high priest (typifying Christ) officiated first in the holy apartment throughout the year, then upon the day of Atonement, the day of cleansing the sanctuary and judging the people, he officiated in the Most Holy for one day only. This twofold service signifies that in the heavenly sanctuary, the High priest, Christ, must necessarily first officiate in the holy apartment up to the antitypical day of Atonement, then during that day, He must officiate in the Most Holy apartment, before the throne. Thus the earthly services, too, repudiate the idea that Christ entered the Most Holy apartment of the heavenly sanctuary immediately after His ascension.

Sa santuario sa lupa, ang dakilang saserdota (ang tipo na kumakatawan kay Cristo) ay gumagawa sa banal na dako sa buong taon at pagsabit ng araw ng pagtubos (o day of atonement), ang araw ng paglilinis sa santuario at paghatol sa bayan, siya ay gumagawa naman sa kabanalbanalang dako sa loob lamang ng isang araw. Ang dalawang bahaging serbisyong ito ay nagpapakita na sa santuario sa langit ang dakilang saserdote na si Cristo ay kinakailangang gumawa muna sa banal na dako hanggang sa sumapit ang antitypical na araw ng pagtubos bago Siya pumasok sa kabanalbanalang dako sa harap ng trono. Samakatuwid, ang serbisyo sa lupa ay tumatanggi sa ideya na si Cristo ay agarang pumasok sa kabanalbanalang dako matapos ang Kanyang pag-akyat sa langit.  

Very plainly, then, the ceremonial system reveals that from the time Christ “sat on the right hand of God” (Mark 16:19), where the “river of water of life” is, to the time that He and the Father moved to the throne in the sanctuary, where “the sea of glass” is (Dan. 7:9, 10; Rev. 4.6), He officiated in our behalf as a high priest in “the holy place” (Heb. 9:12); and that at the same time, conjointly with the Father, on the eternal sovereign throne (“the throne of God and of the Lamb”), He ruled the sinless universe.

Malinaw ang pagpapahayag ng sistemang ceremonial ukol sa panahon buhat ng si Cristo ay “lumuklok sa kanan ng Dios”. Mark 16:19, kung saan naroroon ang “isang ilog ng tubig ng buhay”, hanggang sa Siya at ang Ama ay umupo sa trono sa santuario, kung saan naroon ang “isang dagat na bubog” (Dan 7:9, 10 ; Rev 4:6). Siya ay namagitan bilang dakilang saserdote sa “banal na dako” para sa atin (Heb 9:12), kasabay ng Kaniyang pamamahala sa walang salang sansinukob kasama ang Ama sa walang hanggang trono (ang luklukan ng Diyos at ng Cordero). 

From the foregoing facts, clear and distinct, the only tenable conclusion to be drawn is that Christ, immediately after His ascension, rather than entering within the veil in the sanctuary, sat down at the right hand of His Father, in Paradise and from there carried on His work in the holy apartment of the sanctuary.

Mula sa malinaw at natatanging katotohanang ito, ating mauunawaan na si Cristo, matapos na Siya’y umakyat sa langit, sa halip na pumasok sa tabing sa loob ng santuario, ay lumuklok Siya sa kanan ng Ama, sa Paraiso at buhat doon ay tumuloy Siya sa Kaniyang gawain sa banal na dako ng santuario.  

“Now of the things which we have spoken this is the sum: We have such an high priest, Who is set on the right hand of the throne of the Majesty in the heavens; a minister of the sanctuary, and of the true tabernacle which the Lord pitched, and not man.” Heb. 8:1, 2. “For Christ is not entered into the holy places made with hands, which are the figures of the true; but into heaven itself, now to appear in the presence of God for us.” Heb. 9:24. Indeed, “now once in the end of the world hath He appeared to put away sin by the sacrifice of Himself. And as it is appointed unto men once to die, but after this the judgment” (Heb. 9:26, 27) – the cleansing of the sanctuary (Dan. 8:14).

“Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang dakilang saserdote, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit, Ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao”. Heb. 8:1, 2 “Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin”. Heb. 9:24 Datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili. At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom” Heb. 9:26, 27 – ang paglilinis ng santuario. (Dan 8:14)


“I know that the sanctuary question stands in righteousness and truth, just as we have held it for so many years...” GW 303.1

“Batid kong ang katanungan ukol sa santuario ay nakahilig sa katuwiran at katotohanan, gaya ng ito ay ating pinanghawakan sa maraming mga taon…” GW 303.1

Thursday - February 24

Judgment and the Character of God

Romans 3:21-26; 1:16, 17; 5:8

What does Redemption in the Cross for the forgiveness of our sins reveal about God?

What does Redemption in the Cross for the forgiveness of our sins reveal about God? 

Plainly, therefore, the judgment is to begin and the sanctuary to be cleansed, not before, but after the fulfillment of the period for those appointed to die. The judging being consistent with the records found in the books of heaven, the names, therefore, of those who are found unworthy, without the “wedding garment” on, are blotted from the books. Thus is the sanctuary cleansed. Speaking of the commencement of this work of judging and cleansing, the angel said unto Daniel: “Unto two thousand and three hundred days; then shall the sanctuary be cleansed.” Dan. 8:14.

Samakatuwid, ang paghuhukom ay magpapasimula at ang santuario ay malilinis, hindi bago, ngunit matapos ang katuparan ng mga yugto ng mga nakatakdang mamatay. Ang paghuhukom ay naayon sa mga tala sa mga aklat sa langit, ang mga pangalan na masusumpungang hindi katanggap-tanggap, at walang damit pangkasal ay aalisin sa mga aklat. At ang santuario ay malilinis. Ukol sa pasimula ng paghuhukom at paglilinis na ito ay sinabi ng anghel kay Daniel: “At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo'y malilinis ang santuario”. Dan 8:14

Since the cleansing, accordingly takes place at the termination of the 2,300 days and since it is, as we have seen, the judgment, which takes place “in the end of the world” (Heb. 9:26), consequently the termination of the days, and the beginning of the mediatorial judicial work of Christ are, upon the authority of Inspiration Itself, timed to the end of the world. Hence, conclusively, the 2,300 days do not end in the days of Antiochus Epiphanes, as some teach they do… 

Dahil ang paglilinis ay nagpasimula buhat sa pagtatapos ng 2,300 na araw at dahil ito ang paghuhukom na magaganap sa huling kapanahunan ng mundo (Heb 9:26), ang katapusan ng mga araw at ang simula ng gawaing tagapamagitan ni Cristo o mediatorial judicial work ay natataon din sa huling yugto ng mundo gaya ng sinasabi ng Inspirasyon. Kaya naman ang 2,300 na araw ay hindi nagtatapos sa mga araw ni Antiochus Epiphanes gaya ng turo ng ilan…

Friday - February 25

Further Study

“Then came divine submission to His Father's will. “For this cause,” He said, “came I unto this hour. Father, glorify Thy name.” Only through the death of Christ could Satan's kingdom be overthrown. Only thus could man be redeemed, and God be glorified. Jesus consented to the agony, He accepted the sacrifice. The Majesty of heaven consented to suffer as the Sin Bearer. “Father, glorify Thy name,” He said. As Christ spoke these words, a response came from the cloud which hovered above His head: “I have both glorified it, and will glorify it again.” Christ's whole life, from the manger to the time when these words were spoken, had glorified God; and in the coming trial His divine-human sufferings would indeed glorify His Father's name.” DA 624.4

At dumating ang makalangit na pagpapasakop sa kalooban ng Ama. Sinabi niya, “ “Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito. Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan” Tanging ang kamatayan ni Cristo ang makabubuwag sa kaharian ni Satanas. Ito lamang ang makapagbibigay katubusan sa tao at bigay luwalhati sa Diyos. Hinayaan ni Jesus na Siya ay maghirap, tinanggap ang sakripisyo. Ang Kamahalan ng langit ay hinayaang magdusa at magbata ng kasalanan. “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan,” wika Niya. Matapos nito ay narinig ang tugon buhat sa langit sa ibabaw ng Kaniyang ulunan: “Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin”. Ang buong buhay ni Cristo buhat sa sabsaban hanggang sa oras na ang mga katagang ito ay masambit ay nagbigay kaluguran sa Diyos, at sa paparating na paghuhukom, ang Kaniyang nakatakdang makalangit at makataong paghihirap ay tiyak na magbibigay kaluwalhatian sa ngalan ng Ama.” DA 624.4

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org