“There remaineth therefore a rest to the people of God.” KJV — Hebrews 4:9
Heb 4:9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.
If we are the people with the last message, then we must be the ones who are to be among the first to enter into that rest. Since rest comes when one's work is done, it is only when we have done our work that we can have rest. What is our work? the work we must perform before we may have rest?
Kung tayo nga ang bayan na nagdadala ng huling mensahe tayo din ay mapapabilang sa mga unang papasok sa kapahingahan. Dahil ang kapahingahan ay sumasapit lamang pagtatapos ng gawain, tayo ay makakapasok lamang dito kapag natapos na natin ang ating mga kani-kaniyang gawain. Ano ang ating gawain? Ang ang dapat nating tapusin bago magpahinga?
In Hebrew 4:4, Paul refers back to the time of creation. We shall therefore turn our attention now briefly to Genesis 1 which is a record of creation as you well know. There we are told that the earth and all that is in it was created in six days, and that God rested the seventh day. God rested on the seventh day, and Adam took part in the celebration or commemoration of the completion of God's work. Adam could not rest, for he had not worked. He could only keep the day holy as a memorial of the completion of God's work.
Sa ika-apat na kapitulo na ito ay itinuturo tayo ni Pablo sa panahon ng paglalang. Atin ngang balikan ang aklat ng Genesis kung saan naitala ang naging paglalang o paglikha. Dito ay sinabing ang mundo at ang lahat ng bagay dito ay nilikha sa loob ng anim na araw at ang Diyos ay namahinga sa ika-pitong araw. Ang Diyos ay namahinga sa ika-pitong araw at si Adan naman ay nakibahagi sa pagdiriwang at paggunita sa naging pagtatapos ng gawain ng Diyos. Samantalang si Adan ay hindi naman gumawa ay hindi masasabing siya ay namahinga ngunit kaniyang pinanatiling banal ang araw na iyon bilang paalaala sa pagtatapos ng gawain ng Diyos.
What is the rest that is promised to God’s people?
Ano ang kapahingahang ipinangako sa bayan ng Diyos?
Heb. 4:2 -- "For unto us was the gospel preached, as well as unto them: but the Word preached did not profit them, not being mixed with faith in them that heard it."
Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig. Hebreo 4:2
The "them" in this verse refers to ancient Israel, and "us" refers to those of the Christian church or to God's people in the Christian dispensation.
Ang salitang ‘nila’ sa talata ay tumutuloy sa sinaunang Israel at ang ‘tayo’ naman ay sa bayan ng Diyos sa kristyanong dispensasyon.
A rest was promised to ancient Israel but because of unbelief they failed to receive it. This rest could not be the Sabbath, for they not only received the Sabbath institution but were also promised the rest that Paul speaks of. Nor could the rest be merely peace with God. It is something more.
Ang kapahingahan ay ipinangako sa sinaunang Israel ngunit dahil sa kanilang kawalang paniniwala ay hindi nila natanggap ito. Ang kapahingahang ito ay hindi maaring tumukoy sa sabbath dahil hindi lamang nila natanggap ang institusyon ng sabbath ngunit maging ang ipinangakong kapahingahan na binabanggit ni Pablo. Hindi din ito tumutukoy sa kapayapaan sa Diyos, ito nga ay may higit pang kahulugan.
"Joshua" (Heb. 4:8, margin) led ancient Israel into the promised land, but they did not receive the rest. Neither did God's people in Paul's time have it. Nor do they have it today.
Si Joshua ang nanguna sa Israel noon na pumasok sa lupang pangako ngunit hindi nila natanggap ang kapahingahang ito. Gayundin ang bayan ng Diyos sa kapanahunan ni Pablo at maging sa panahong ito.
"There remaineth therefore a rest to the people of God." Heb. 4:9.
“May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.” Heb 4:9
If we are the people with the last message, then we must be the ones who are to be among the first to enter into that rest. Since rest comes when one's work is done, it is only when we have done our work that we can have rest. What is our work? the work we must perform before we may have rest?
Kung tayo nga ang bayan na nagdadala ng huling mensahe tayo din ay mapapabilang sa mga unang papasok sa kapahingahan. Dahil ang kapahingahan ay sumasapit lamang sa pagtatapos ng gawain, tayo ay makakapasok lamang dito kapag natapos na natin ang ating mga kani-kaniyang gawain. Ano ang ating gawain? Ang ang dapat nating tapusin bago magpahinga?
In verse 4 of this chapter Paul refers back to the time of creation. We shall therefore turn our attention now briefly to Genesis 1 which is a record of creation as you well know. There we are told that the earth and all that is in it was created in six days, and that God rested the seventh day. God rested on the seventh day, and Adam took part in the celebration or commemoration of the completion of God's work. Adam could not rest, for he had not worked. He could only keep the day holy as a memorial of the completion of God's work.
Sa ika-apat na kapitulo na ito ay itinuturo tayo ni Pablo sa panahon ng paglalang. Atin ngang balikan ang aklat ng Genesis kung saan naitala ang naging paglalang o paglikha. Dito ay sinabing ang mundo at ang lahat ng bagay dito ay nilikha sa loob ng anim na araw at ang Diyos ay namahinga sa ika-pito. Ang Diyos ay namahinga sa ika-pitong araw at si Adan naman ay nakibahagi sa pagdiriwang at paggunita sa naging pagtatapos ng gawain ng Diyos. Samantalang si Adan ay hindi naman gumawa ay hindi masasabing siya ay namahinga ngunit kaniyang pinanatiling banal ang araw na iyon bilang paalaala sa pagtatapos ng gawain ng Diyos.
Gen. 1:27, 28 -- "So God created man in His own image, in the image of God created He him; male and female created He them. And God blessed them, and God said unto them, Be fruitful, and multiply, and replenish the earth, and subdue it: and have dominion over the fish of the sea, and over the fowl of the air, and over every living thing that moveth upon the earth."
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa. Gen 1:27,28
This was the work God gave man to do. He created the earth to be inhabited. It was the duty of Adam and Eve to replenish the earth with saints and to bare rule over all the earth. Obviously, this work has not yet been finished, for not all on earth is yet under subjection to man as God intended. The earth was originally created and provided with righteous people, but because Adam sinned all his children were born in sin. Had our first parents been faithful there would have been only righteous inhabitants. Since all born of Adam are sinners, there is therefore need for all to be born again. Then because sin entered all man's work is multiplied, for the additional labor to bring salvation by preaching the Word became necessary.
Ito ang gawaing ibinigay ng Diyos sa tao. Nilalang Niya ang mundo upang panirahan. Sila Adan at Eva ay inatasan na punuin ang lupa ng mga banal at pamunuan ang kalupaan. Malinaw na ang gawaing ito ay hindi pa natatapos hanggang ngayon sapagkat hindi lahat ng nasa mundo ay napapasailalim sa pananakop ng tao gaya ng ninais ng Diyos. Ang mundo ay nilalang sa pasimula upang panirahan ng mga matutuwid na tao ngunit dahil nahulog sa pagkakasala si Adan ang lahat ng kaniyang naging supling ay ipinanganak sa kasalanan. Kung naging tapat lamang ang ating unang mga magulang ay tanging mga matutuwid lamang ang maninirahan sa lupa. Dahil nga lahat ng anak ni Adan ay makasalanan ay kinakailangan ng lahat na maipanganak na maguli. At dahil sa pagpasok ng kasalanan ang gawaing inatas sa tao ay dumami at nadagdagan pa dahil kinakailangang maipabalita ang Salita upang makamit ang kaligtasan.
Ancient Israel failed to obtain the promised rest. When will we receive this rest??
Ang sinaunang Israel ay nabigong matanggap ang ipinangakong kapahingahan. Kailan nga natin ito matatanggap?
A rest was promised to ancient Israel but because of unbelief they failed to receive it. This rest could not be the Sabbath, for they not only received the Sabbath institution but were also promised the rest that Paul speaks of. Nor could the rest be merely peace with God. It is something more.
Ang kapahingahan ay ipinangako sa sinaunang Israel ngunit dahil sa kanilang kawalang paniniwala ay hindi nila natanggap ito. Ang kapahingahang ito ay hindi maaring tumukoy sa sabbath dahil hindi lamang nila natanggap ang institusyon ng sabbath ngunit maging ang ipinangakong kapahingahan na binabanggit ni Pablo. Hindi din ito tumutukoy sa kapayapaan sa Diyos, ito nga ay may higit pang kahulugan.
God finished His work on the sixth day of creation, and man will finish his part of the work in the sixth trumpet. Just as God rested from His work on the seventh day, so man, in the seventh trumpet at the close of probation when the gospel work is finished, will receive the rest of which Paul spoke. By this we see that it took God six days to do His work and it is taking man 6,000 years to do his. Then comes the millennium. All God's people are to keep the Seventh-day Sabbath in commemoration of the completion of God's work before they will receive the rest which they themselves have earned. To enter into their rest, however, requires faith and belief which our forefathers did not possess.
Tinapos ng Diyos ang Kaniyang gawain sa ika-anim na araw ng paglalang at ang gawain naman ng tao ay magtatapos sa ika-anim na trumpeta. Gaya ng ang Diyos ay magpahinga sa ika-pitong araw, ang tao ay makakatanggap ng kapahingahang binabanggit ni Pablo sa ika-pitong trumpeta sa pagsasara ng pintuan ng awa at pagtatapos ng gawain ng ebanghelyo. Dito ay makikita natin na ang Diyos ay gumugol ng anim na araw upang tapusin ang Kaniyang gawain at ang tao naman ay anim na libong taon upang gawin ito. Pagkatapos ay darating nga ang millennium. Ang bayan ng Diyos ay mangingilin ng ika-pitong araw ng sabbath bilang paggunita sa katapusan ng gawain ng Diyos bago sila pumasok sa kapahingahan. Para makapasok sa kapahingahang ito ay kinakailangan ang pananampalataya at paniniwala kung saan nagkulang ang ating mga ninuno.
Heb. 4:1 -- "Let us therefore fear, lest, a promise being left us of entering into His rest, any of you should seem to come short of it. "
Mangatakot nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon. Heb 4:1
It is for God's people today to have not just the promise of rest but it is for them to experience it in reality.
Ito nga ay binigay para sa bayan ng Diyos sa ngayon, hindi lamang bilang pangako ng kapahingahan ngunit para maranasan nila mismo.
Heb. 4:2 -- "For unto us was the gospel preached, as well as unto them: but the Word preached did not profit them, not being mixed with faith in them that heard it."
Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig. Heb 4:2
At this time, the time in which the prophets longed to live, the gospel of the Kingdom is to be preached even more fully than it was to the early Christians. But it still will require faith and belief on the part of all who would enter into that rest. Those who do not now possess more faith and belief than our forefathers who could not enter because of their unbelief, will not be profited either.
Sa panahon natin ngayon, sa panahong ninanais ng mga propeta, ay kinakailangan mas mapaigting ang pagpapahayag ng mensahe ukol sa kaharian higit pa sa sinaunang mga Kristiyano. Ngunit kailangan ng pananampalataya at paniniwala sa sinumang magnanais na pumasok sa kapahingahang ito. Sinumang hindi nagtataglay ng higit na pananampalataya at paniniwala kaysa ating mga ninuno ay hindi nakapasok noon ay hindi din makikinabang sa pangakong ito.
If Adam and Eve had not sinned, what impact would this have on our work?
Ano nga ba ang magiging epekto sa ating gawain kung sakaling hindi nahulog sa kasalanan sila Adan at Eva?
Gen. 3:16,17 -- "Unto the woman He said, I will greatly multiply thy sorrow and thy conception; in sorrow thou shalt bring forth children; and thy desire shall be to thy husband, and he shall rule over thee. And unto Adam He said, Because thou hast hearkened unto the voice of thy wife, and hast eaten of the tree, of which I commanded thee, saying, Thou shalt not eat of it: cursed is the ground for thy sake; in sorrow shalt thou eat of it all the days of thy life."
Gen 3:16,17 – Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo. Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo, susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto para makakain.
God here greatly multiplied sorrow and conception. Womankind, because of sin, had to give birth to many more children than otherwise she would have had sin not entered. So, then, we see that the complete number that God wanted to inhabit the earth would of course have been made up sooner had Adam and Eve not sinned.
Dito makikitang sinabi ng Diyos sa babae na Kanyang dadagdagan ang kanyang paghihirap sa pagbubuntis at mararamdaman niya ang sobrang sakit sa kanyang panganganak. Ang mga babae ay manganganak ng maraming mga anak higit kaysa kung hindi siya nagkasala. Makikita na ang bilang ng mga nilalang na maninirahan sa lupa ay mas maaga sanang makukumpleto kung hindi nagkasala sila Adan at Eva.
God rested the seventh day because His creative work was finished, but man's work was not yet done. Man's work in reality started where God's sole creative work ended. Therefore, man joins the Lord in resting on the Sabbath day in commemoration of the completion of the Lord's work, but the rest that is to be man's will be given him when his part of the work is finished. When the gospel work has replenished the earth with born-again people, then probation will cease and our work will be ended. Then will we enter into our rest, the rest Paul is speaking about.
Ang Diyos ay namahinga sa ika-pitong araw sapagkat natapos na ang Kaniyang ginawang paglalang ngunit ang gawain ng tao ay hindi pa nagtatapos. Sa katotohanan, ang gawain ng tao ay nagpasimula sa pagtatapos ng ginawang paglalang ng Diyos. At ang tao ay nakisama sa Diyos na namahinga sa ika-pitong araw bilang paggunita sa pagtatapos ng gawain ng Diyos ngunit ang kapahingahang para sa tao ay maibibigay lamang sa kanya kapag nagtapos na ang kaniyang gawain. Kung matapos na ang gawain ng ebanghelyo na punuin ang lupa ng mga taong pinanganak na maguli ay magsasara na ang pintuan ng awa at ang gawain ay magtatapos. At pag nagkagayon ay papasok na tayo sa kapahingahang binabanggit ni Pablo.
What does the Sabbath point to?
Ano nga ba ang pinatutukuyan ng Sabbath?
The time is limited to a certain day "in David" -- the time Israel and Judah are gathered in -- "to day, after so long a time; as it is said, To day if ye will hear His voice, harden not your hearts."
Kaya't muling nagtakda ang Diyos ng isa pang araw na tinawag niyang “Ngayon”. Pagkalipas ng mahabang panahon, sinabi sa pamamagitan ni David sa kasulatang nabanggit,“Ngayon, kapag narinig ninyo ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.” – Heb 4:7
Heb. 4:8, 9 -- "For if Jesus had given them rest, then would He not afterward have spoken of another day. There remaineth therefore a rest to the people of God."
Sapagka't kung ibinigay sa kanila ni Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw. May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios. Heb 4:8,9
After the close of probation God is to make a memorial forever affirming that we have finished our work. The Sabbath points forward then to the rest which we may enter into forever when we have finished our work as God finished His.
Pagkatapos ng pagsasara ng pintuan ng awa ay gagawa nga ang Diyos ng isang paalaala para sa katiyakang atin na ngang natapos ang gawain. Ang sabbath ay tumutukoy sa panahon na tayo ay papasok na sa kapahingahan magpakailanman para sa pagtatapos ng ating gawain gayundin sa pagtatapos ng gawain ng Diyos.
What is the work that we must do before enjoying a foretaste of the new creation?
Ano nga ang gawain na dapat nating gawin bago malasap ang patotoo ng bagong paglalang?
“In the beginning God created the heaven and the earth. And the earth was without form, and void; and darkness was upon the face of the deep. And the Spirit of God moved upon the face of the waters. And God said, Let there be light: and there was light. And God saw the light, that it was good: and God divided the light from the darkness. And God called the light Day, and the darkness He called Night. And the evening and the morning were the first day." Gen. 1:1-5.
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw. Gen 1:1-5
There was light before the fourth day when the sun and the moon were created. Light was the first to be created. At this point it is interesting to notice how the days of creation and the seven trumpets somewhat coincide:
Mayroon ng liwanag bago sumapit ang ika-apat na araw ng lalangin ang araw at buwan. Ang liwanag ang unang nilikha. Sa puntong ito ay ating mapapansin kung papanong ang mga araw ng paglalang at ang pitong trumpeta ay nagkakatugma:
(1) First day -- Spirit moved upon waters and light was created; First trumpet -- hail (water) and fire cast upon the earth representing the Truth preached by Noah to enlighten the people to escape the destruction by flood.
(2) Second day -- waters divided by the firmament; Second trumpet -- affected the "sea."
(3) Third day -- sea and earth divided and vegetation created; Third trumpet -- Star fell into waters.
(4) Fourth day -- sun, moon, and stars created; Fourth trumpet -- sun, moon, and stars smitten.
(5) Fifth day -- fowl created; Fifth trumpet -- concerned locusts having wings.
(6) Sixth day -- beast and man were created; Sixth trumpet -- concerned horses and men, and it is in the sixth trumpet that God's Kingdom is to be restored and man is to fill the place that was intended that he should fill.
(7) Seventh day -- rested; Seventh trumpet -- Mystery of God finished.
(1) Unang araw – ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig at ang liwanag ay nalikha; Unang trumpeta – granizo (tubig) at apoy ang itinapon sa lupa na kumakatawan sa katotohanang inihayag ni Noe upang magliwanag sa mga tao at makatakas sa pagkawasak buhat sa baha.
(2) Ikalawang araw – ginawa ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan; Ikalawang trumpeta – naapektuhan ang ‘dagat’
(3) Ikatlong araw – ang dagat at lupa ay hiniwalay at ang pagsibol ay napasimula; ikatlong trumpeta – ang bituin ay nahulog sa mga tubig.
(4) Ika-apat na araw – ang araw, buwan at bituin ay nalalang; Ika-apat na trumpeta – ang araw, buwan at bituin ay nasugatan.
(5) Ikalimang araw – ang ibon ay nalalang; ikalimang trumpeta –ang mga balang na may pakpak.
(6) Ika-anim na araw—ang hayop at tao ay nalikha ; ika-anim na trumpeta – ang mga kabayo at tao; at dito din sa ika-anim na trumpeta muling matatayo ang kaharian ng Diyos at ang tao ang pupuno sa lupa.
(7) Ika-pitong araw – kapahingahan ; ika-pitong trumpeta – ay misteryo ng Diyos ay magtatapos
God finished His work on the sixth day of creation, and man will finish his part of the work in the sixth trumpet. Just as God rested from His work on the seventh day, so man, in the seventh trumpet at the close of probation when the gospel work is finished, will receive the rest of which Paul spoke. By this we see that it took God six days to do His work and it is taking man 6,000 years to do his. Then comes the millennium. All God's people are to keep the seventh-day Sabbath in commemoration of the completion of God's work before they will receive the rest which they themselves have earned. To enter into their rest, however, requires faith and belief which our forefathers did not possess.
Ang gawain ng Diyos ay nagtapos sa ika-anim na araw ng paglalang, at ang gawain naman ng tao ay magtatapos sa ika-anim na trumpeta. Tulad ng pamamahinga ng Diyos sa ika-pitong araw ang tao, sa ika-pitong trumpeta, sa pagsasara ng probasyon at pagtatapos ng gawain ng ebanghelyo ay papasok sa kapahingahan na binabanggit ni Pablo. Dito ay makikita na natapos ng Diyos ang Kaniyang gawain sa loob ng anim na araw at ang tao ay gugugol naman ng 6,000 na taon upang tapusin ang gawain. At pagkatapos nito ay dadating ang ‘millennium’. Ang lahat ng bayan ng Diyos ay mangingilin ng ika-pitong araw na sabbath bilang paggunita sa pagtatapos ng gawain ng Diyos bago nila matanggap ang kapahingahang para sa kanila. Upang makapasok sa kapahingahang ito ay kinakailangan nila ng pananampalataya at paniniwala na wala sa ating mga ninuno.
Are you growing daily in faith? Do you see that the just shall live by faith? If you are sure that you have sufficient faith, are you mixing it also with corresponding works? Are you doing all you can to help replenish the earth with saints? Brethren, these questions are solemn ones, especially when one contemplates the thought that the only way we can really rejoice in God's creation is to have a part in it. It was for this very reason borne of God's everlasting love for man that caused Him to grant to man so great a part in establishing the world after His righteous order, and the Lord has given us in this day an accurate and reliable blueprint in His eleventh-hour message so that none of us need err in knowing how great a privilege we have to be a true witness for Him in word, deed, and action. Let us not, therefore put off the work and thus prolong the world's sorrow and suffering, but let each of us be among those who shall fulfill the purpose for which we were created -- to verily help bring about complete and true "rest," an everlasting joy. God has faithful ones who will do it. Will you be one of them?
Ikaw ba ay lumalago sa pananampalataya? Nakikita mo bang ang matutuwid ay namumuhay sa pananampalataya? Kung ikaw ay may katiyakan na mayroong kumpletong pananampalataya, ito ba ay sinasamahan mo ng paggawa? Ginagawa mo ba ang makakayanan mo upang makatulong na mapuno ang lupa ng mga banal? Mga kapatid, ang mga katanungang ito ay solemne lalo na ang pagbubulay-bulay na tayo ay magagalak kung tayo ay makikibahagi sa paglalang ng Diyos.
At ng dahil sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos para sa tao na tayo’y napagkalooban ng pagkakataong makibahagi sa pagtatatag sa mundong ito sangayon sa Kaniyang itinakdang pagkakasunud-sunod at tayo ay binigyan ngayon ng tiyak at malinaw na ‘blueprint’ ng Kaniyang ‘eleventh-hour message’ upang walang sinuman sa atin ang maligaw at sa halip ay malaman natin ang dakilang pribilehiyo na makapagpatotoo sa Diyos sa salita at gawa.
Huwag nating ipagpaliban ang gawain at pahabain pa ang kalungkutan at paghihirap ng mundong ito at sa halip tayo ay mapabilang sa mga tutupad sa layunin sa ating pagkalalang – ang tumulong na magdulot sa kompleto at tunay na kapahingahan, ang walang katapusang kaligayahan. Ang Diyos ay may mga matutuwid na tutupad nito. Mapapabilang ka ba sa kanila?