: “Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama. Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.” KJV - Efeso 5:15-17
Makikita na ang mga taong pinalad na maging pinakamalapit sa relihiyon ni Cristo ay ang pinakamatalino, ang pinakamaunlad. Ang England, bilang halimbawa, na nagsalin sa Bibliya at naglathala at nagpakalat Nito sa buong mundo sa lahat ng mga tao at wika, ay naging pinakadakila sa mga bansa sa panahon nito. Pagkatapos ay ang Estados Unidos na wala pang dalawang siglo ang nakalilipas ay nagtatag ng pamahalaan nito sa mga prinsipyo ng Bibliya at isinulat sa dolyar nito ang salitang, IN GOD WE TRUST, at nagtatag din ng American Bible Societies, sa loob lamang ng ilang taon ay naging pinakadakila sa mga bansa, gaya ng sa mga Hebreo noong kanilang kapanahunan.
At kung ano ang totoo sa mga bansa ay ganun din tulad ng totoo sa mga indibidwal, tahanan, pamilya, at komunidad.
Kung maglalaan ka ng kaunting oras upang obserbahan, makikita mo ang batas na ito ng mga pagpapala at pagsusumpa na umiiral sa lahat ng dako.
Itinatag ang mundo sa relihiyon, at makatitiyak ka na kapag nawala ang relihiyon sa mundo, mawawala rin ang mundo kasama nito. Ang mga umiibig sa Katotohanan ay masusumpungan, bilang katugunan, ang mga pagpapala na umiibig din sa kanila...
Sa anong diwa nilayon ni Pablo na ang mga mananampalataya ay maging “mga tagatulad sa Diyos”? Tingnan ang Efeso 5:1, 2
Zec 12:8 – “Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila.”
Ngayon, upang malaman natin kung ano ang ibig sabihin ng maging “parang Diyos,” kailangan nating pag-aralan kung ano ang Diyos. Sa simula ay hindi lamang Niya nilikha at pinuno ng sagana ang lupa ng bawat mabuting bagay para sa Kanyang mga nilalang, ngunit nagtanim din Siya ng hardin (tahanan) para sa tao. Kaya gumawa Siya ng huwarang tahanan para sa lahat ng tao na mabubuhay pagkatapos noon. Tinuruan Niya si Adan kung paano pangalagaan ang tahanan at kung paano ayusin ang hardin. Tinuruan niya siyang magsalita at pinakilala ang kalikasan sa pagitan ng isang hayop at ng isa pa, upang pangalanan sila nang naaayon. Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kaalaman at buhay upang siya ay mapasaya, at kapaki-pakinabang sa paggawa ng mundo kung ano ang nararapat. Kahit na pagkatapos na ang banal na mag-asawa ay nahulog sa kasalanan, ang Diyos ay interesado pa rin sa kanila tulad ng dati - kaya't, sa katunayan, agad Niyang sinimulan silang turuan kung paano tubusin ang kanilang sarili, at bumalik sa kanilang walang hanggang tahanan. Mula sa araw na iyon hanggang ngayon ay nagpatuloy Siya sa pagtuturo sa pamilya ng tao.
Upang gawin ang gawaing ito ng pagliligtas, ipinadala ng Diyos ang Espiritu ng Katotohanan, nagpadala Siya ng mga propeta at mga anghel, gayundin ang Kanyang kaisa-isang Anak - lahat ng mga guro ng pagtubos. Maging Siya mismo ay bumaba sa Sinai at bagaman pinatay nila ang halos lahat ng Kanyang mga lingkod kabilang ang Kanyang anak, gayunpaman, ang Kanyang hindi nagkukulang na interes sa sangkatauhan ay nagpatuloy hanggang sa mismong araw na ito. Sa kabila ng ating mga pagkukulang, ang Kanyang pangako na dadalhin tayo pabalik sa Eden doon upang mamuhay na kasama Niya kung tayo ay magsisisi ay nananatili pa ring tiyak na gaya ng araw.
Ngayon ay nakita natin kung ano ang Diyos, at kung tayo ay magiging “parang Diyos,” kung gayon dapat ay ganoon din tayo. Nangangahulugan iyon na dapat tayong maging interesado sa isa't isa at sa pagpapatibay ng Kanyang Kaharian gaya ng Kanyang interes. Dapat tayong maging hindi makasarili gaya Niya. Dapat nating ituro sa iba ang lahat ng Kanyang itinuro sa atin. Dapat nating gawin ang lahat ng ating makakaya upang mapabuti ang kalagayan ng pamumuhay ng iba. Dapat nating gawing mas mahusay ang mundo kaysa sa kung wala tayo dito. Sa sanglinggo ng paglikha, ginawa ng Diyos ang Kanyang bahagi. Ngayon ay gagawin natin ang ating bahagi sa paglikha kung tayo ay magiging parang Diyos.
Anuman ang magandang bagay na mayroon tayo, ito man ay isang gawain o iba pang kaloob na nararapat na magkaroon tayo, dapat na maging kasing tapat tayo at kasing sabik na ituro ito sa iba tulad ng Kanyang pagiging tapat at sabik na turuan tayo. Kung pababayaan natin ang tungkuling ito, hindi lamang tayo mabibigo na maging tulad ng Diyos, kundi kakailanganin pa nating magbigay ng pananagutan sa ating kapabayaan.
Itinuro ng Panginoon sa mga ibon kung paano mamuhay at kung paano gumawa ng mga pugad, at kung paano palakihin ang kanilang mga inakay. Kung gayon, hindi ba natin dapat tulungan ang iba na magtayo at mapabuti ang kanilang mga tahanan at pamumuhay? Alalahanin ang sinabi ni Jesus, “At sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya..” Matt. 10:42.
Kung ang Diyos ay hindi kung ano Siya, hindi Siya magiging Diyos; at kung magpapatuloy tayo sa dati nating gawi, hindi tayo kailanman magiging “parang Diyos.”
Read Acts 19:21–20:1. What lessons can we draw from this story?
“Siya na nagsabing magniningning ang ilaw sa kadiliman ay nagbibigay liwanag sa isipan ng bawat isa na makakakita sa Kanya nang wasto, nagmamahal sa Kanya nang lubos, na nagpapakita ng hindi natitinag na pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya. Ang kanyang liwanag ay sumisikat sa mga silid ng isip at sa templo ng kaluluwa. Ang puso ay puno ng liwanag ng kaalaman ng kaluwalhatian na nagniningning sa mukha ni Jesu-Cristo. At kasama ng liwanag na ito ang espirituwal na pagkilala.... OFC 233.1
“Bilang handang magpasakop sa katibayan ng katotohanan, at lumakad sa liwanag na nagniningning sa ating landas, makatatanggap nga tayo ng mas dakilang liwanag. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pagpapakita ng banal na kaluwalhatian, patuloy tayong sumusulong sa espirituwal na pagkaunawa. OFC 233.2
“Ang kaalaman ni Cristo sa katotohanan ay tuwiran, positibo, walang alinlangan. Habang mas nalalapit ang pagkakakilala ng isang tao kay Jesucristo, mas magiging maingat siya sa pakikitungo sa kanyang kapwa ng may paggalang at katuwiran. Natuto siya tungkol kay Cristo, at sinusunod niya ang Kanyang halimbawa sa salita at gawa. Sa pamamagitan ng pananampalataya siya ay kaisa ni Cristo. “Sapagka't tayo ay mga kamanggagawa ng Dios” ( 1 Mga Taga-Corinto 3:9 )... OFC 233.3
“Ang panalangin ni Cristo ay para sa pagkakaisa ng Kanyang mga tagasunod. Ang pagkakaisa na ito ang magsisilbing katibayan sa mundo na ang Diyos ay nagsugo sa Kanyang bugtong na Anak upang iligtas ang mga makasalanan. Naglilingkod tayo kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng tunay, dalisay, at banal na pag-ibig sa isa't isa. Yaong mga pinili na sumangkot sa mga institusyon ng Panginoon ay dapat maging tapat, mapagtanggi sa sarili, mapagsakripisyong mga tao, na namumuhay hindi para pasayahin ang kanilang mga sarili, ngunit upang bigyang-kasiyahan ang Dakilang Guro. Ito ang mga taong gagawa ng karangalan sa mga institusyon ng Panginoon. OFC 233.4
“Ang kaalaman tungkol sa Diyos at kay Cristo ay kinakailangan sa kaligtasan. Malaki ang nawawala sa atin araw-araw na hindi natin natutunan ang kaamuan at kababaang-loob ni Cristo. Ang mga natututo kay Cristo ay nakakakuha ng pinakamataas na uri ng edukasyon. Sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-asa sa nagliligtas na biyaya ni Cristo, sila ay lumalago sa kaalaman at karunungan. Minamahal at pinupuri nila ang Tagapagligtas....” OFC 233.5
Ang poot ng Diyos, gaya ng karaniwang nauunawaan, ay ang pitong huling salot (Apoc. 15:1), at magaganap sa panahon sa pagitan ng pagsasara ng pagsubok at ng ikalawang pagparito ni Cristo...
Bakit hinihikayat ni Pablo ang mga mananampalataya na huwag maging “kasama” o “kabahagi” sa mga makasalanan? Eph. 5:7-10
“Ang mga imbensyon ng tao ay nakalulugod sa makalaman na pag-iisip, at nagpapatahimik sa budhi habang ito ay kumakapit sa kasalanan. Hindi ito kasiya-siya sa mga taong gumaganap sa pananampalataya sa pamamagitan ng pag-ibig at nagpapabanal sa kaluluwa. Ang kasalanan ay hindi nila tinatalikuran at hinahamak, at upang i-excuse ito ay gumawa ng paraan kung saan ang talim ng tabak ng katotohanan ay mapapupurol; kaya’t ang mga tao ay nagdala ng mga pangangatwiran ng tao at mga pahayag. Kung pinahintulutan ng mga tao ang salita ng Diyos na gawin ang gawain nito sa puso at kaisipan, makikilala at maihihiwalay nila ang huwad sa totoo. Kung tinanggap nila ang Banal na Kasulatan, hindi sila gagawa ng makamundong mga gawain para lamang tugunan ang kanilang mga pansamantalang naisin. Ngunit ginawa nilang walang bisa ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga nakasanayan, at iniaalis ang Kasulatan mula sa tunay na kahulugan nito. Sinabi ng Panginoon na ang salita ng katotohanan ay makapagpaparunong sa tao tungo sa kaligtasan. Ito ay isang pananggalang at kalasag, at pinoprotektahan ang mga tao mula sa mga maling panukala ng kaaway. “Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway. Huwag kayong makibahagi sa kanila; Sapagka't noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan: Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan.” ST June 4, 1894, par. 4
Basahin ang Efeso 5:11-14 . Anong makapangyarihang babala ang ibinibigay dito ni Pablo at paano ito mai-aaply sa ating kasalukuyang kalagayan?
Isa. 60:1 – “Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo.”
Ang isang maitim at maruming bagay ay hindi kailanman magrereflect, ina-absorb nito ang lahat ng liwanag sa sarili nito. Ang buwan ay nagliliwanag sapagkat puti ang sangkap ng ibabaw nito. Kung ito ay gawa sa itim na sangkap, hindi ito makakapagreflect ng anumang liwanag. Ganoon din sa espirituwal na liwanag: Kung tayo ay magnanais na magliwanag, kailangan nating bumangon at magpakadalisay, alisin ang ating maiitim, maruruming kasuotan – aktibong makibahagi sa revival and reformation sa ilalim ng pangangasiwa ng Banal na Espiritu. Ang kahangalan, panatisismo, at kawalang-interes ay dapat na iwaksi at ang Banal na pag-iisip ay pakilusin, ipinaguutos ng Panginoon:
“Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't siya'y magpapatawad ng sagana. Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip. Sapagka't kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain; Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan. " Isaias 55:7-11.
Dapat nating linisin ang ating mga pagiisip, ating mga gawi, ating mga katawan, ating mga kasuotan, ating mga tahanan sa loob at labas. Ang kalinisan ay kabanalan; Ang pamahalaan ng Diyos ay batas at kaayusan, kapayapaan at katuwiran, kagalakan at kasiyahan. Kaya't kailangan na tayo ay mapakinis ng Espiritu ng Diyos, maging ganap na mga Kristiyano kung nais nating "magliwanag," kung nais nating ipakita ang Salita ng Diyos sa mga taong nasa kadiliman pa. Kung nagagawa natin ang lahat ng bagay na itinuturo ng mensahe, kung gayon bilang iyong pinakamataas na tungkulin at Banal na pribilehiyo, tanggapin ang sinasabi ng Inspirasyon: “Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo..” Yaong mga nananatili ngayon bilang madidilim na bagay, na umaabsorb ng liwanag sa kanilang sarili ay dapat na ngayong yakapin ang pagkakataon at tanggapin ang pribilehiyo. Ngayon ang iyong pagkakataon.
Talata 2 – “Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo.”
Ang salitang "Narito" ay nagpapahiwatig na kung titingnan mo, makikita mo ang mga palatandaan ng kadiliman na umaaligid sa iyo. Ang “salimuot na dilim” ay tumutukoy sa mga tao na mapapasa lubos na kawalan ng kaalaman kung saan sila liliko, na sila ay lubos na malilito at maguguluhan. Ngayon na ang pagkakataon nating tumugon sa tawag ng Panginoon at maghanda upang harapin ang sitwasyon. Dapat nating lubos na matanto ngayon na tayo ay sa katotohanan ay tinawag upang maging liwanag sa Denominasyon, at sa huli gayundin sa mundo. Kahanga-hanga talaga na tayo’y maging mga pinili mula sa malalaking masa ng mundo! Hindi mo kayang palampasin ang pribilehiyong ito. Kumilos ngayon .
Talata 3 – “At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat..”
Tayo na ngayon ang pinaka hindi kilalang mga tao sa mundo, ngunit narito na ang araw kung saan tayo ay mas makikilala. Narito ang tiyak na pangako na kung tayo ngayon ay tatayo mula sa pagkaka-upo at magsisikap na maabot ang itinakdang layunin ng Diyos para sa atin, magreresulta ito sa mga Gentil na lalapit sa ating liwanag at ang mga hari sa ningning ng ating pagsikat. Ito ang katanggap-tanggap na araw para sa iyo.
Isaalang-alang ang mga pangaral ni Pablo ukol sa pamumuhay na nagpapakita ng madasalin at nakakaunawang karunungan ( Efe. 5:15-17 ). Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng paglakad hindi gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong? Gayundin, ano ang ibig sabihin ng "samantalahin ang panahon”?
“Ang mga mensaheng ito na isinulat sa kapangyarihan ng Diyos at hindi ng tao ay naglalaman ng mga aral na dapat pag-aralan ng lahat at maaaring makapagbigay pakinabang na paulit-ulit. Sa mga ito ay binalangkas ang praktikal na kabanalan, inilatag ang mga alituntuning dapat sundin sa bawat simbahan, at ang daan patungo sa buhay na walang hanggan ay ginawang malinaw.” AA 470.2
“Ngunit kakaunti sa mga kabataan ang nauunawaan kung paano ang maging Kristiyano, paano maging katulad ni Cristo. Ang mapanalanging pag-aaral ng salita ng Diyos ay kailangan kung nais nilang iaayon ang kanilang buhay sa perpektong Huwaran. Iilan lamang ang nakakaranas ng pagkahiwalay sa mundo na hinihiling ng Diyos sa kanila upang maging mga miyembro ng kanyang pamilya, mga anak ng makalangit na Hari. “Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin, At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat..” RH Marso 11, 1880, par. 25
“Paano Gawin ang Mabuting Paggamit sa Nasayang na Oras”
Batid mo ang katotohanan na binigyan tayo ng isang dakilang gawain at ang oras para gawin ito ay napakaikli; na dapat kung gayon, matutunan natin kung paano gawin ang mabuting paggamit sa nasayang na oras. May nagsabi na sa pangkalahatan, higit sa kalahati ng buhay at lakas ng tao ang nasasayang sa walang saysay na pag-uusap at sa pagpupulis sa iba. Ang isa sa ating pinakamalaking pangangailangan kung gayon ay matutunan kung paano kontrolin ang ating mga dila at iwasan ang ating pakikialam sa ibang tao upang maingatan ang oras at lakas, mapanatili ang kapayapaan at integridad.
Makabubuting tandaan din na ang ating mga dila ay ibinigay sa atin para sa layunin ng pagsasalita ng Katotohanan ng Diyos at sa Kanyang papuri, at ang ating lakas upang ipahayag ang Kanyang Katotohanan at upang pagpalain ang Kanyang bayan. Pag-usapan at pagsikapan nga natin ang mga prinsipyong ito na nagbuhat sa langit. Kung hindi mo sinasadyang makita o marinig na may gumagawa ng isang bagay na ayon sa iyong pinakamabuting paghuhusga ay hindi nararapat na gawin ng isang Kristiyano, at kung sa tingin mo ay matutulungan mo siya, huwag mong gawing tagapagdala ng kuwento ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsasabi nito sa sinuman ngunit sa halip ay makiusap ka sa mismong nagkasala.
Huwag gawin ang iyong sarili na isang pamantayan para sa alinman o sinuman, at huwag ipilit ang iyong mga ideya sa sinuman ngunit sa iyong sarili. Walang tungkulin ang sinuman na magpulis ng iba. Unawain na walang sinuman ang may pagkakautang upang dalhin ang kanyang buhay sangayon sa mga pamantayan ng sinuman. Pakinggan kung ano ang sinasabi ng Inspirasyon: “Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.” (Rom. 14:4). ngunit dahil hindi mo kaya, kung gayon bakit susubukan!
Huwag gumawa ng mga kaaway sa pamamagitan ng iyong mga dila. Makipagkaibigan. At huwag maging sensitibo sa iyong mga damdamin. Kung magiging ganito ka, mararamdaman mo mismo ang pagkawala ng mga kaibigan, ng kagalakan sa lipunan, at ng pagkakataon at pribilehiyo na makapagakay ng mga kaluluwa tungo kay Cristo. Huwag hayaang lumipas ang araw na walang kredito na itatala sa iyong pahina sa talaan sa langit. Huwag ding bigyan ng maling interpretasyon ang motibo ng ibang tao. Subukang tingnan at bigyang-kahulugan ang lahat sa tamang paraan, bigyan ang lahat ng pagkakataon. Tingnan ang kabutihan sa lahat at ipikit ang iyong mga mata sa lahat ng kasamaan.
Sikapin na ang iyong pag-uusap ay nasa paksa ng pagtataguyod ng Katotohanan ng Diyos para sa araw na ito. Pananatilihin ka nitong abala sa pag-uusap ng isang bagay na kapaki-pakinabang at kapuri-puri. Mag-isip at mag-aral, at kapag pinag-uusapan ang relihiyon, sa lahat ng paraan ay huwag kang maging mangyayamot. Ipagpatuloy lamang ang iyong pahayag hangga't nagagawa kang sundan ng iyong tagapakinig – “Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang anomang banal, ni ihagis man ang inyong mga perlas sa harap ng mga baboy, baka yurakan ng kanilang mga paa, at mangagbalik at kayo'y lapain.” Matt. 7:6.
Ang mga dila ay mahirap kontrolin, at ang mga tainga ay laging nananabik na makarinig. Kaya't ito ay magiging mas mahusay kung gagawin mo ang mas kaunting pagbisita. Ang maraming pagbisita ay isang pag-aaksaya lamang ng oras at isang tukso na talakayin ang mga puwing sa mata ng iba at hindi pansinin ang tahilan na nasa iyong sariling mata.
Sa tuwing ikaw ay mag-isa, maaari kang gumawa ng isang bagay. Maaari kang gumawa o magsaliksik. Ngunit kapag nakasama mo ang iba, ang pagkakataon ay wala kang magagawa kundi ang makapinsala sa iyong sarili at sa iba. Ngayon na ang panahon para mag-aral at matutunan ang Katotohanan para sa panahong ito, para malaman kung paano magbigay ng pag-aaral at kung paano sagutin ang mga tanong sa simpleng paraan, nang hindi kinakailangang bumalik sa maraming kasaysayan o talambuhay. At kung determinado kang lumakad kasama ng Diyos sa araw-araw at pag-aralan ang Kanyang kalooban hinggil sa iyong sariling mga tungkulin, hindi ang mga tungkulin ng iba, makakasumpong ka ng maraming bagay upang panatilihin kang abala at malayo mula sa kapahamakan.
Sa Efeso 5:18-20, naisip ni Pablo na ang mga Kristiyano ay nagtitipon upang sumamba. Ano ang inilalarawan niyang ginagawa nila sa pagsamba na iyon?
“Ang Diyos ay naluluwalhati sa pamamagitan ng mga awit ng papuri mula sa isang dalisay na pusong puno ng pagmamahal at debosyon sa Kanya. Kapag ang mga banal na mananampalataya ay nagtipun-tipon, ang kanilang pag-uusap ay hindi sa magiging ukol sa mga di-kasakdalan ng iba o mga pagbubulungan o reklamo; sa halip ang pag-ibig sa kapwa-tao, o ang pag-ibig na bigkis ng pagiging perpekto, ang papalibot sa kanila. Ang pag-ibig sa Diyos at sa kanilang kapwa ay natural na dumadaloy sa mga salita ng pagmamahal, pakikiramay, at pagpapahalaga sa kanilang mga kapatid. Ang kapayapaan ng Diyos ay namamahala sa kanilang mga puso; ang kanilang mga salita ay hindi walang kabuluhan, walang laman, at walang saysay, kundi iyong sa ikaaliw at pagpapatibay ng isa't isa..." 1T 509.2
“Ang ating Tagapagligtas ay seryoso at marubdob, ngunit hindi kailanman naging malungkot o malumbay. Ang buhay ng mga tumutulad sa kaniya ay mapupuno ng marubdob na layunin; magkakaroon sila ng malalim na pagkaunawa sa personal na mga responsibilidad. Ang mga walang saysay na bagay ay susupilin; walang maingay na pagsasaya, walang bastos na biruan o joking. Ngunit ang relihiyon ni Hesus ay nagbibigay ng kapayapaan na parang isang ilog. Hindi nito pinapatay ang liwanag ng kagalakan; hindi nito pinipigilan ang kasayahan, o pinadidilim ang mga maliwanag at nakangiting mukha. Ang ating buhay ay dapat lumanghap ng halimuyak ng Langit, habang sinusunod natin ang utos ng apostol,—“Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon.” ST Marso 5, 1885, par. 10
“Ang kaluluwa ay dinadakila at nagbabago sa pamamagitan ng pananahan, hindi sa sarili at sa mga kalungkutan at paghihirap na nakapaligid sa atin, kundi sa mga kaluwalhatian ng walang hanggang mundo. Ang walang patid na pakikipag-ugnayan sa Diyos ay nagbibigay ng mas mataas na kaalaman sa kanyang katotohanan at kalooban, at sa mga kahinaan at kapangyarihan ng kaluluwa; na magreresulta sa hindi makasariling mga motibo at pagkakaroon ng tamang katangian ng pagkatao. Walang kadiliman o dilim na mapapakita sa iba. Ang makita ang Langit sa mga tao sa lupa ang gagawa upang maging kaakit-akit ang relihiyon, at magdadala ng mga kaluluwa kay Cristo. ” ST Marso 5, 1885, par. 11
Deut. 30:15, 19 – “ Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan;... Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi. ”
Kung hindi tayo makikinabang sa mga sinasalita ng Diyos sa atin ay mabibigo tayo nang kasing-lubha, kung hindi man ay mas masahol pa, doon sa mga naunang nabigo bago sa atin. Sa palagay ko ang ilan sa inyo na nagkaroon ng personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos ay nakaaalam ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng inyong sariling mga karanasan. Walang alinlangan na nalaman mo na hindi mo mapipigilan ang pagsabog habang pinapanatili ang apoy at pulbura sa parehong silid; na hindi ka maaaring maglingkod sa Diyablo at magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan...
Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng hinaharap at dapat nating ilagay ang ating mga pag-asa at ambisyon sa Kanyang makapangyarihang kamay. Pagkatapos, at pagkatapos lamang niyon tayo makararating sa "tuktok." At kung tayo ay natutukso na sabihin na gagawin natin o hindi gagawin ito o iyon, alalahanin natin si Jonas: Sinabi niya na hindi siya magdadala ng mensahe sa Nineveh, at pagdaka'y sumakay ng bangka patungo sa Tarsis. Ngunit inihagis siya sa dagat at nilamon siya ng malaking isda at dinala siya pabalik sa lugar kung saan siya nagtangkang tumakas.
Si Nabucodonosor, hari ng Babilonya, ay nagtangka na ipagpatuloy ang kanyang kaharian sa pamamagitan ng pag-utos sa lahat ng kanyang nasasakupan na yumukod sa kanyang gintong imahen. Ang tatlong Hebreo, gayunpaman, ay lumabag sa kaniyang layunin at binago ang takbo ng kasaysayan. Ang mga lalaking naghagis sa mga Hebreo sa nagniningas na hurno ay nasunog sa kanilang sarili hanggang sa mamatay, ngunit ni isang buhok sa ulo ng mga Hebreo ay hindi nasunog sa lahat ng oras na nananatili sila sa loob ng nagniningas na hurno. Itaas natin ang ating mga tinig kasama ng Salmista at sabihin:
Mga Awit 8:1-6 – “Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa.”