Ang Misteryo ng Ebanghelyo

Aralin 6, 3rd Quarter Hulyo 29 – Agosto 4, 2023

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon, Hulyo 29

Memory Text:

“ Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa..” KJV — Efeso 3:20, 21


“Ang gawain ng ministro ng ebanghelyo ay “maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios.” Efeso 3:9 . Kung ang isang papasok sa gawaing ito ay pipili ng pinakamaliit na bahagi ng pagsasakripisyo sa sarili, na magiging kuntento sa pangangaral, at iiwanan ang gawain ng personal na pagmiministeryo sa iba, ang kanyang mga gawain ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Diyos. Ang mga kaluluwa kung kanino namatay si Cristo ay napapahamak dahil sa kakulangan ng mahuhusay at personal na paggawa; at mali ang kaniyang pagkaunawa sa pagpasok sa ministeryo kung hindi siya nagnanais na gumawa ng personal na gawain na hinihingi sa pangangalaga ng kawan. AA 527.1

“Ang espiritu ng tunay na pastol ay ang paglimot sa sarili. Iniaalis niya ang pagtingin sa sarili upang magawa niya ang mga gawain ng Panginoon. Sa pamamagitan ng pangangaral sa salita at sa personal na ministeryo sa mga tahanan ng mga tao, nalalaman niya ang kanilang mga pangangailangan, ang kanilang mga kalungkutan, ang kanilang mga pagsubok; at, sa pakikipagtulungan sa dakilang Tagapagdala ng Pasanin, nakikibahagi siya sa kanilang mga pagdurusa, binibigyang aliw ang kanilang mga paghihirap, pinapawi ang kahungkagan sa kaluluwa, at dinadala ang kanilang mga puso sa Diyos. Sa gawaing ito ang ministro ay tinutulungan ng mga anghel ng langit, at siya mismo ay natuturuan at naliliwanagan sa katotohanan na makapagpadunong sa ikaliligtas .” AA 527.2

Linggo, Hulyo 30

Si Pablo: Ang Ikinulong na Apostol sa mga Hentil


Basahin ang Efeso 3. Habang ginagawa mo ito, tukuyin ang isa o dalawang pangunahing tema. Anong mga pangunahing punto ang ginawa ni Pablo?

“ Lumipas ang maraming buwan pagkatapos ng pagdating ni Pablo sa Roma, bago personal na humarap ang mga Judio sa Jerusalem upang iharap ang kanilang mga akusasyon laban sa bilanggo. Sila ay paulit-ulit na nahadlangan sa kanilang mga plano; at ngayon na si Pablo ay lilitisin sa harap ng pinakamataas na hukuman ng Imperyong Romano, hindi nila nais na ipagsapalaran ang isa pang pagkatalo. Sina Lisias, Felix, Festus, at Agripa ay nagpahayag ng kanilang paniniwala sa kanyang pagkawalang sala. Ang kanyang mga kaaway ay umaasa lamang ng tagumpay sa pamamagitan ng pagintriga upang maimpluwensyahan ang emperador sa kanilang pabor. Inisip nila na ang pagantala ay makatutulong sa kanilang layunin, dahil ito ay magbibigay sa kanila ng panahon upang maperpekto at maisakatuparan ang kanilang mga plano, kaya't naghintay sila ng panahon bago ihain ang kanilang mga paratang nang personal laban sa apostol. AA 453.1

“Sa probidensya ng Diyos ang pagkaantala na ito ay nagbunga sa pagsulong ng ebanghelyo. Sa pamamagitan ng pabor ng mga nakatalaga kay Pablo, pinahintulutan siyang manirahan sa isang bahay, kung saan malaya niyang nakakasalamuha ang kaniyang mga kaibigan at gayundin ay araw-araw na nahahayag ang katotohanan sa mga taong dumarating upang makinig. Kaya sa loob ng dalawang taon ay naipagpatuloy niya ang kanyang mga gawain, “Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya..” AA 453.2

“Sa panahong ito ang mga simbahan na kanyang itinatag sa maraming lupain ay hindi nakalimutan. Sa pagtatanto ng mga panganib na nagbabanta sa mga nagbalik-loob sa bagong pananampalataya, hinangad ng apostol hangga't maaari upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng mga liham ng babala at praktikal na pagtuturo. At mula sa Roma ay nagpadala siya ng mga itinalagang manggagawa upang gumawa hindi lamang para sa mga simbahang ito, kundi sa mga bukirin na hindi pa niya mismo nabisita. Ang mga manggagawang ito, bilang matatalinong pastol, ay nagpalakas sa gawaing napakahusay na sinimulan ni Pablo; at ang apostol, na patuloy na nababatid ang kalagayan at mga panganib na kinakaharap ng mga simbahan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa kanila ay nagawa silang matalinong pangasiwaan.” AA 453.3

Lunes , Hulyo 31

Ang Matagal na Nakatagong Misteryo ng Ebanghelyo


Ano ang misteryo na ipinagkatiwala kay Pablo?

“Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon kay Pablo ang kanyang atas na pumasok sa malawak na bukirin ng gawain sa daigdig ng mga Gentil. Upang ihanda siya para sa malawak at mahirap na gawaing ito, dinala siya ng Diyos sa malapit na ugnayan sa Kanya at binuksan sa kaniyang harapan ang nakakabighaning kagandahan at kaluwalhatian ng langit. Sa kanya ay ipinagkaloob ang ministeryo ng pagpapahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. ( Mga Taga Roma 16:25 ),—“ang hiwaga ng Kanyang kalooban” ( Mga Taga Efeso 1:9 ), “Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu; Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio, Na dito'y ginawa akong ministro... Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo; At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios, Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” Efeso 3:5-11 . AA 159.2

Rev. 10:5-7 -- "At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit, At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon: Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.”

Ipinanumpa ng anghel na hindi na magluluwat ang panahon. Sa palagay ko ay naiintindihan ko kung paano natin, bilang Seventh-day Adventist, binibigyang-kahulugan ang salitang " hindi na magluluwat ang panahon "; ngunit kapag binasa ang dalawang talatang ito nang magkasama ay malinaw na nagpapakita kung anong uri ng panahon ang hindi na magluluwat, sapagkat ito ay sa panahon ng ikaanim na trumpeta na sinabi ng anghel na hindi na magluluwat ang panahon, ngunit sa simula ng pagihip ng ikapitong trumpeta ang misteryo ng Diyos ay matatapos. Ano ang misteryo ng Diyos? Ito ay ang gawain ng kaligtasan, o ang gawain ng Ebanghelyo. At sa panahon ng ikapitong trumpeta ay walang misteryong matatapos, sapagkat ito ay matatapos sa ikaanim na trumpeta. Samakatuwid, dapat unawain na ang anghel ay nagsasabi na ang panahon ng pagsubok ay hanggang sa pagihip lamang ng ikaanim na trumpeta, dahil ang misteryo ng Diyos ay matatapos sa oras na ang ikapitong anghel ay magsimulang umihip.

Martes, Agosto 1

Ang Iglesia: Ang Tagapaghayag ng Karunungan ng Diyos


Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa Diyos at sa mga pagkilos ng Diyos sa Efeso 3:7-13?

“Ang layunin na hinahangad ng Diyos na maisakatuparan sa pamamagitan ng Kanyang bayan ngayon ay kapareho ng nais Niyang maisakatuparan sa pamamagitan ng Israel noong inilabas Niya sila sa Ehipto. Sa pagkakita sa kabutihan, awa, katarungan, at pag-ibig ng Diyos na ipinahayag sa iglesia, ang mundo ay dapat magkaroon ng representasyon ng Kanyang karakter. At kapag ang batas ng Diyos ay nakikita sa buhay, maging ang mundo ay kikilalanin ang higit na kagalingan ng mga nagmamahal at natatakot at naglilingkod sa Diyos nang higit sa lahat ng iba pang tao sa lupa. Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawat isa sa Kanyang bayan; Siya ay may mga plano tungkol sa bawat isa. Ito ay Kanyang layunin na ang mga nagsasagawa ng Kanyang mga banal na tuntunin ay maging isang kilalang bayan. Sa bayan ng Diyos ngayon gayundin sa sinaunang Israel ay nabibilang ang mga salitang isinulat ni Moises sa pamamagitan ng Espiritu ng Inspirasyon: “Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.” Deuteronomy 7:6 .“ Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin. Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan. Sapagka't anong dakilang bansa nga ang may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya?At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?” Deuteronomio 4:5-8 . 6T 12.1

“Maging ang mga salitang ito ay bigong ipahayag ang kadakilaan at kaluwalhatian ng layunin ng Diyos na isasakatuparan sa pamamagitan ng Kanyang bayan. Hindi lamang sa mundong ito kundi sa sansinukob ay dapat nating ipakita ang mga prinsipyo ng Kanyang kaharian. Si apostol Pablo, na sumulat sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ay nagsabi: “Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo; At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,.” Efeso 3:8-10 . 6T 13.1

Miyerkules, Agosto 2

Si Cristo, Na Nananahan sa Iyong Puso


Ihambing ang naunang kahilingan sa panalangin ni Pablo, Efeso 1:16-19, sa kanyang pagsusumamo para sa mga mananampalataya sa Efeso 3:14-19. Sa anong mga paraan magkatulad ang dalawang kahilingan?

“Ang mga tema ng pagtubos ay mahahalagang tema, at yaong may mga espirituwal na pag-iisip lamang ang makakaalam ng kanilang lalim at kahalagahan. Ito ay ating kaligtasan, ang ating buhay, ang ating kagalakan, ang isipan ang mga katotohanan ng plano ng kaligtasan. Ang pananampalataya at panalangin ay kailangan upang makita natin ang malalalim na bagay patungkol sa Diyos. Ang ating mga isipan ay nakatali sa makitid na mga ideya, na limitado natin na nakikita ang mga karanasang may pribilehiyo tayong magkaroon. Gaanong kaliit nating naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng panalangin ng apostol, nang sabihin niyang, “Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig. Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim, At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios. Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.” RH Nobyembre 17, 1891, par. 14

“Ang kaalaman sa Diyos na naipahayag kay Cristo ay ang kaalaman na dapat taglayin ng lahat ng maliligtas. Ito ay ang kaalaman na gumagawa ng pagbabago sa pagkatao. Ang kaalamang ito, na natanggap, ay muling lilikha sa kaluluwa sa larawan ng Diyos. Magbibigay ito sa buong pagkatao ng isang espirituwal na kapangyarihan na banal. 8T 289.2

“Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.” 2 Corinto 3:18 , ARV 8T 289.3

“Sa Kanyang sariling buhay ay sinabi ng Tagapagligtas: “Sinunod ko ang mga utos ng Aking Ama.” “Hindi niya ako binayaang nagiisa; sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod..” Juan 15:10 ; 8:29 . Kung paanong si Jesus ay naging sa kalikasan ng tao, gayundin ang ibig ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod. Sa Kanyang lakas, dapat nating ipamuhay ang dalisay at maharlikang pamumuhay ng Tagapagligtas. 8T 289.4

"'Dahil dito," sabi ni Pablo, “ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa, Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig. Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim, At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.” Efeso 3:14-19 . 8T 289.5

Huwebes, Agosto 3

Ang Luwalhati sa Iglesia at kay Cristo Hesus


Tinapos ni Pablo ang kanyang panalangin sa isang doxology, isang maikling patula na pahayag ng papuri sa Diyos. Para saan niya pinupuri ang Diyos? Efeso 3:20-21.

“Handang gumawa ang Panginoon ng mga dakilang bagay para sa atin. Hindi natin matatamo ang tagumpay sa pamamagitan ng bilang, ngunit sa pamamagitan ng buong pagsuko ng kaluluwa kay Jesus. Dapat tayong sumulong sa kanyang lakas, na nagtitiwala sa makapangyarihang Diyos ng Israel. GW92 458.1

"Dapat na maging handa palagi, hindi kailanman dapat na ikaw ay walang kalasag. Maging handa para sa anumang emergency, para sa anumang tawag ng tungkulin. Kumilos kaagad. Nais ng Diyos na kayo ay maging mga taong may kahandaan. Maraming pagkakataon na ang mga manggagawa ay masyadong mapagkalkula. Habang sila ay naghahanda na gumawa ng isang mahusay na gawain, ang pagkakataon para sa paggawa ng mabuting gawa ay lumilipas nang hindi napapabuti. Ang manggagawa ay nagpapatuloy na parang ang buong pasanin ay nakasalalay sa kanyang sarili, isang mahirap, at may hangganang tao, samantalang si Jesus ay handa na pasanin siya at ang kanyang pasanin din. Mga kapatid, bawasan ang tiwala sa sarili, at sikaping mas higit na magtiwala kay Jesus. Handa siyang iligtas ang mga kaluluwang pinaghihirapan natin. Dahil siya ay nabubuhay upang mamagitan para sa atin, dapat na makita natin ang kanyang dakilang kapangyarihan. Siya ay “ makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi .” [ Mga Taga Efeso 3:20 .] Nais ni Jesus na humingi tayo ng tulong; gusto niyang itaas natin sa kanya ang ating mga abang kaluluwa; at bibigyan niya tayo ayon sa ating pananampalataya . GW92 458.2

“Ang gawaing nasa harapan natin ay isa na maglalagay sa bawat kapangyarihan ng tao. Ito ay mangangailangan ng paggamit ng matibay na pananampalataya at patuloy na pagbabantay. May mga oras na ang mga paghihirap na ating kakaharapin ay magiging lubhang nakapanghihina ng loob. Ang napakadakila na gawain ay kagimbal-gimbal sa atin. Gayunpaman, sa tulong ng Diyos, sa wakas ay magtatagumpay ang Kanyang mga lingkod. “Kaya nga,” mga kapatid, “ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay.” ( Mga Taga Efeso 3:13 ) dahil sa mga pagsubok na karanasang nasa harap ninyo. Sasamahan ka ni Hesus; Siya ay mauuna sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, na naghahanda ng daan; at Siya ang iyong magiging katulong sa bawat kagipitan. 2SM 407.3

“Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa, Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig. Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim, At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.. 2SM 408.1

“Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa ( Efeso 3:14-21 ).— The General Conference Bulletin, Mayo 28, 1913 , p. 164, 165.” 2SM 408.2

Biyernes, Agosto 4

Karagdagang Pag-iisip

“Ang mga kayamanan ng ebanghelyo ay sinasabing nakatago. Sa pamamagitan ng mga taong matalino sa kanilang sariling pagpapalagay, na nagmamalaki sa pagtuturo ng walang kabuluhang pilosopiya, ang kagandahan at kapangyarihan at misteryo ng plano ng pagtubos ay hindi nauunawaan. Marami ang may mga mata, ngunit hindi sila nakakakita; mayroon silang mga tainga, ngunit hindi sila nakakarinig; mayroon silang talino, ngunit hindi nila nauunawaan ang nakatagong kayamanan. COL 104.3

“Maaaring madaanan at malagpasan ng isang tao ang lugar kung saan nakatago ang kayamanan. Sa matinding kaganapan ay maaaring siya’y umupo upang magpahinga sa paanan ng isang puno, na hindi nababatid ang mga kayamanan na nakatago sa mga ugat nito. Gayon din ang nangyari sa mga Hudyo. Bilang isang ginintuang kayamanan, ang katotohanan ay ipinagkatiwala sa mga Hebreo. Ang ekonomiya ng mga Hudyo, na may lagda ng Langit, ay itinatag ni Cristo Mismo. Sa mga uri at mga simbolo ang dakilang katotohanan ng pagtubos ay natabunan. Ngunit nang dumating si Cristo, hindi Siya nakilala ng mga Hudyo kung kanino tumuturo ang lahat ng mga simbolong ito. Nasa kanilang mga kamay ang salita ng Diyos; ngunit ang mga tradisyon na ipinasa mula sa henerasyon hanggang sa henerasyon, at ang interpretasyon ng tao sa mga Kasulatan, ay nagkubli sa kanila ng katotohanan tulad ng kay Jesus. Nawala ang espirituwal na kahalagahan ng mga sagradong kasulatan. Ang treasure house ng lahat ng kaalaman ay bukas sa kanila, ngunit hindi nila nauunawaan ito. COL 104.4

“Hindi inililihim ng Diyos ang Kanyang katotohanan sa mga tao. Sa pamamagitan ng kanilang sariling paraan ng pagkilos ay ginagawa nila itong malabo sa kanilang sarili. Binigyan ni Cristo ang mga Judio ng masaganang katibayan na Siya ang Mesiyas; ngunit ang Kanyang pagtuturo ay nangangailangan ng isang tiyak na pagbabago sa kanilang buhay. Nakita nila na kung tatanggapin nila si Cristo ay dapat nilang talikuran ang kanilang mga minamahal na kasabihan at tradisyon, ang kanilang makasarili at hindi makadiyos na mga gawain. Nangangailangan ito ng sakripisyo para matanggap ang katotohanang hindi nagbabago at pang walang hanggan. Kung kaya't hindi nila tatanggapin ang matitibay na katibayan na maibibigay ng Diyos upang magtatag ng pananampalataya kay Cristo. Sila ay nagpahayag na naniniwala sa Lumang Tipan na Kasulatan, gayunpaman sila ay tumanggi na tanggapin ang patotoong nakapaloob doon tungkol sa buhay at pagkatao ni Cristo. Natatakot silang makumbinsi at kailanganing magbalik-loob at mapilitan na talikuran ang kanilang nabuong mga opinyon. Ang kayamanan ng ebanghelyo, ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay, ay kasama nila, ngunit tinanggihan nila ang pinakadakilang kaloob na maibibigay ng Langit.” COL 105.1