“Wherein ye greatly rejoice, though now for a season, if need be, ye are in heaviness through manifold temptations: KJV — 1Peter 1:6
“Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok.” KJV — 1Peter 1:6
The school of God does not teach only from its textbook, not merely in the school-room, it teaches the practical as well as the theoretical. The practical, of course, most men dislike, and some would not take practical training even for a gift. Let us take Joseph for example. When he finished the class-room work he was initiated into the practical. His training was perhaps most trying because his vocation was to be not only one of the greatest but unique as well. Besides, his curriculum included the learning of a strange language and love for his enemies. He was to learn by experience that if one serves God faithfully, then whatever befalls him in life he is to know that it is but a gift from God, and that he is to make the best of it.
Ang paaralan ng Diyos ay hindi nagtuturo lamang mula sa aklat-aralin nito, hindi lamang sa silid-paaralan, ito ay nagtuturo ng praktikal pati na rin sa teoretikal. Ang praktikal, na karaniwang hindi gusto ng karamihan at hindi nanaising kunin ng iba kahit ito ay libreng ipagkaloob sa kanila. Ating alalahanin si Jose bilang halimbawa. Nang matapos niya ang gawain sa silid-aralan ay pinasimulan niya ang pagaaral sa praktikal. Ang kanyang pagsasanay ay marahil ang pinaka-nakakasubok dahil ang kanyang bokasyon ay hindi lamang isa sa pinakadakila ngunit kakaiba rin. Bukod dito, kasama sa kanyang kurikulum ang pag-aaral ng kakaibang wika at pagmamahal sa kanyang mga kaaway. Dapat niyang malaman sa pamamagitan ng karanasan na kung ang isang tao ay maglilingkod nang tapat sa Diyos ay kailangang tanggapin niya anuman ang sumapit sa kaniyang buhay at ariin itong kaloob mula sa Diyos at gawin ang pinakamahusay na bagay dito.
First, he was sold by his own brethren, and re-sold by slave traders. He could have made himself sick with grief and fear. Had he thus succumbed to his emotions, the traders would have dropped him somewhere along the road to Egypt, for they would have known that a sick man would only be an expense to them, that they could not sell him for anything to anybody. Joseph, though, behaved himself very well, knowing that God knew all about his circumstances. The Ishmaelites, too, saw that they had not invested in an ordinary slave. They realized that he could be sold for a high price to someone who had the money. Thus it was that they took him to Potiphar, Egypt’s rich man. There Joseph learned how to take orders, how to take care of other people’s goods, and also how to shun lewd women.
Una, ipinagbili siya ng kanyang sariling mga kapatid, at muling ipinagbili ng mga mangangalakal ng alipin. Maaari niyang saktan ang kanyang sarili sa kalungkutan at takot. Kung siya ay nagpatalo sa kanyang damdamin, ang mga mangangalakal ay maaaring ibaba na lamang siya sa isang lugar sa kahabaan ng daan patungo sa Ehipto, sapagkat malalaman nila na ang isang taong may sakit ay magiging gastos lamang sa kanila, na hindi nila maaaring ipagbili siya ng anuman sa sinuman. Gayunman, napakahusay ng pag-uugali ni Jose, batid na alam ng Diyos ang lahat ng kaniyang kalagayan. Nakita rin ng mga Ismaelita na hindi sila namuhunan sa isang ordinaryong alipin. Napagtanto nila na maaari siyang ibenta sa mataas na halaga sa isang taong may pera. Sa gayon ay dinala nila siya kay Potiphar, ang mayamang tao sa Ehipto. Doon natutunan ni Jose kung paano sumunod sa utos, kung paano mangalaga sa pagaari ng iba, at kung paano iwasan ang tukso ng mahalay na babae.
After he graduated from Potiphar’s house he took a course behind prison bars. There among the dreamers he learned to interpret dreams. At this point of his training he was equipped to rule Egypt and to feed the world.
Pagkatapos niyang makapagtapos sa bahay ni Potiphar ay kumuha siya ng kurso sa likod ng bilangguan. Doon sa mga nanaginip ay natuto siyang magpaliwanag ng mga panaginip. Sa puntong ito ng kanyang pagsasanay siya ay naihanda upang mamuno sa Ehipto at siyang magpapakain sa mundo.
What lessons did the Israelites learn from this experience?
Anong aral ang natutunan ng mga Israelita mula sa karanasang ito?
Let us not forget, though, that the children of Israel left Egypt with great zeal and high hopes. But when they saw the Red Sea ahead of them, and Pharaoh’s army behind them, they were filled with consternation. They saw themselves in a death trap although they were at the brink of another marvelous deliverance. Then they turned on Moses and accused him of bringing them to the sea, of making their escape from their enemies absolutely impossible.
Huwag nating kalimutan na ang bayan ng Israel ay umalis sa Ehipto na may malaking sigasig at mataas na pag-asa. Ngunit nang makita nila ang Dagat na Pula sa unahan nila, at ang hukbo ni Paraon sa likuran nila, sila ay napuno ng pangingilabot. Nakita nila ang kanilang mga sarili sa isang bitag ng kamatayan bagaman sila ay nasa bingit ng isa pang kamangha-manghang pagliligtas. Pagkatapos ay bumaling sila kay Moises at inakusahan siya na dinala sila sa dagat, na ginawang ganap na imposible ang kanilang pagtakas mula sa kanilang mga kaaway.
Humanly viewing the situation, they were in a precarious predicament. In that moment they forgot their miraculous deliverance from Pharaoh’s taskmasters and their eyes closed to the wondrous cloud by day and pillar of fire by night that had led them all the way. As they saw it, the evidence against Moses’ ability to lead them safely was overwhelming. Insofar as they were concerned, the whole venture appeared doomed to failure. Their hopes of going ahead or of even going back left them, and all because they thought Moses, not God, was their deliverer! How shortsighted, unstable, doubting, and forgetful human beings are! Experience in the gospel work has taught me that God’s people of today have the same tempter to contend with, and similar temptations to overcome if they are to receive the seal of God.
Sa makataong pagtingin sa sitwasyong ito, sila ay nasa isang mapanganib na kalagayan. Sa sandaling iyon ay nakalimutan nila ang ginawang mahimalang pagliligtas sa kanila mula sa mga tagapagpaatag ni Paraon at ang kanilang mga mata ay nakapikit sa kamangha-manghang ulap sa araw at haliging apoy sa gabi na umakay sa kanila sa kanilang paglalakbay. Sa kanilang nakita, napakalaki ng ebidensya laban sa kakayahan ni Moises na pangunahan silang ligtas. Sa abot ng kanilang pag-aalala ay iniisip na ang buong paglalakbay ay mauuwi sa kabiguan. Ang kanilang pag-asa na magpatuloy o bumalik man lang ay wala na sa kanila, ito’y dahil inaakala nilang si Moises, at hindi ang Diyos, ang kanilang tagapagligtas! Gaano kaiksi ang pananaw, walang katatagan, mapagduda, at mabilis makalimot ng mga tao! Ang karanasan sa gawain ng ebanghelyo ay nagturo sa akin na ang bayan ng Diyos sa ngayon ay may parehong manunukso na kailangang kalabanin, at katulad na mga tuksong dapat panagumpayan kung gusto nilang matanggap ang tatak ng Diyos.
What a great difference would there have been had the Israelites only believed that God, not Moses, was their Leader, that that which appeared to be their death trap, was their door of hope. Let their experience teach us to remember that God is either leading us altogether or not at all, that His ways are not; our ways, and that what may appear to be our greatest obstacle, may actually turn out to be our greatest blessing.
Napakalaking pagkakaiba sana kung ang mga Israelita ay naniniwala lamang na ang Diyos, hindi si Moises, ang kanilang Pinuno, na ang tila bitag ng kanilang kamatayan, ang kanilang pintuan ng pag-asa. Hayaan ang kanilang karanasan na magturo sa atin na alalahanin na ang Diyos ay alinman sa dalawa – na siya ay aakay sa atin nang buo o hindi, na ang Kanyang mga paraan ay hindi natin paraan at ang maaaring mukhang pinakamalaking hadlang, ay maaaring maging ang ating pinakamalaking pagpapala.
In Rephidim what question did the children of Israel ask??
Ano ang itinanong ng mga anak ni Israel sa lugar ng Rephidim?
After Israel crossed the sea, and after the sea closed in on their enemies, they all sang and gave God the glory, but though Pharaoh’s army and the sea were no longer objects of fear but of interest, their trials, doubts, and fears were not yet at an end: Almost immediately after they saw the sea behind and the desert ahead they began to recriminate Moses for having brought them into the desert to starve there for want of water and food. It never entered their minds that if God can dry the sea, He can certainly flood the desert and make it blossom as a rose. Notwithstanding their doubts and their moanings God again performed an even greater miracle: He caused water to gush out of the rock and He brought manna from Heaven!
Matapos tumawid ang Israel sa dagat, at pagkatapos na lamunin ng dagat ang kanilang mga kaaway, lahat sila ay umawit at nagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos, ngunit kahit na ang hukbo ni Faraon at ang dagat ay hindi na kinatatakutan, ang kanilang mga pagsubok, pagdududa, at takot ay hindi pa nagwawakas: Halos kaagad pagkatapos nilang makita ang dagat sa likuran at ang disyerto sa unahan ay sinimulan nilang paratangan si Moises sa pagdadala sa kanila sa disyerto upang magutom doon dahil sa kakulangan ng tubig at pagkain. Hindi pumasok sa kanilang isipan na kung matutuyo ng Diyos ang dagat, tiyak na mapababaha Niya ang disyerto at mapayayabong na parang rosas. Sa kabila ng kanilang mga pag-aalinlangan at pagbulung-bulong ay muling gumawa ang Diyos ng isang mas malaking himala: Siya ay nagpabuga ng tubig mula sa bato at nagdala Siya ng manna mula sa Langit!
Today as in Moses’ day many are duplicating the sins of that people: Some are all on fire on day, and all on ice the next. Others praise God to the top of their voices while their ship is smoothly sailing, but when the sea becomes rough and the waves start beating against them, then they see only a man at the wheel and rather than expecting God to calm the sea they begin to hunt for a jumping off place. Still others are constantly trying to promote themselves by continual fault-finding against the ones that bear the whole burden of the load. So it is that there must be among us today – antitypical doubters, complainers office seekers and faultfinders, admitting one great truth one day and forgetting it the next day – yet expecting to be sealed with the seal of God and to stand with the Lamb on Mt. Zion!
Ngayon gaya noong panahon ni Moses marami ang umuulit sa mga kasalanan ng bayan: Ang ilan ay tila apoy sa araw, at yelo naman sa susunod. Ang iba ay pumupuri sa Diyos nang buong lakas habang ang kanilang barko ay maayos na naglalayag, ngunit kapag ang dagat ay naging maalon at ang mga alon ay nagsimulang humampas sa kanila, kanila lamang nakikita ang tao sa manibela at sa halip na umasa sa Diyos na patahimikin ang dagat ay nagsimula silang humanap ng lugar na matatalunan. Ang iba naman ay nagsisikap na itaas ang sarili sa pamamagitan ng paghahanap ng mali laban sa mga nagpapasan ng buong pasanin. Tunay nga na may masusumpungan sa ating kalagitnaan ngayon na mga antitypical na nagdududa, mga nagrereklamo na naghahangad ng posisyon at mga tagahanap ng kamalian, mga umaamin sa isang dakilang katotohanan isang araw at nakakalimutan ito sa susunod na araw ngunit umaasang makakatanggap ng tatak ng Diyos at tatayo kasama ng Kordero sa Mt. Zion!
What lessons can you learn from this account about how to overcome temptation and not give in to sin?
Anong aral ang matutunan buhat sa mga bagay na ito ukol sa kung paano managumpay sa tukso at hindi magkasala?
Here is our example. After water baptism, temptations and victories are to be our lot, too. Jesus, you see, met the Devil with a “Thus saith the Lord,” with what was written. If we cannot interest ourselves in the Bible as much as He was interested in It, if we do not study to know what He would have us to do, how, then, can we face our temptations and come out victorious? Is it any wonder that many after baptism fall out of the way? The very thing that would make them strong in the faith as they see God giving them glorious victory, they shrink from, not knowing that after a storm of rain and wind, there comes sunshine and a calm. Job was tried to the limit, but gained the victory, and afterwards received double for all his losses. Why can not we?
Narito ang ating halimbawa. Pagkatapos ng bautismo sa tubig, ang mga tukso at tagumpay ay magiging kapalaran din natin. Si Jesus, kita n'yo, nakipagharap sa Diyablo sangayon sa nasusulat o "Ganito ang sabi ng Panginoon,".Kung hindi natin maiinteresan ang ating sarili sa Bibliya gaya ng pagkainteresado Niya dito, kung hindi tayo mag-aaral para malaman kung ano ang gusto Niyang gawin natin, kung gayon, paano natin haharapin ang ating mga tukso at maging mananagumpay? Nakapagtataka ba na marami pagkatapos ng bautismo ay naliligaw? Ang mismong bagay na magpapatibay sa kanila sa pananampalataya habang nakikita nilang binibigyan sila ng Diyos ng maluwalhating tagumpay, sila ay umiiwas, hindi nila alam na pagkatapos ng unos ng ulan at hangin, darating ang sikat ng araw at kahinahunan. Sinubukan si Job ng sukdulan sa kaniyang limitasyon, ngunit nakamit ang tagumpay, at pagkatapos ay tumanggap ng doble o higit sa lahat ng kaniyang naging kawaalan. Bakit hindi natin makakayanan kung gayon?
Having gotten the victory over His temptation, Jesus was never again troubled by the Devil. And Job and all God’s great men by experience found the same relief from Satan.
Sa Kaniyang pagtatagumpay laban sa tukso, si Jesus ay hindi na muling ginulo ng Diyablo. At si Job at lahat ng dakilang lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng karanasan ay nakatagpo ng parehong paglaya mula sa gawa ni Satanas.
Our position against sin, therefore, must be definite, without the slightest wavering. We, too, must let the Devil know that we mean business, if we are ever to find peace.
Ang ating paninindigan laban sa kasalanan, kung gayon, ay dapat na maging tiyak, at walang anumang pag-aalinlangan. Dapat din nating ipaalam sa Diyablo na tayo ay determinado upang makamit ang kapayapaan.
“Therefore leaving the principles of the doctrine of Christ, let us go on unto perfection; not laying again the foundation of repentance from dead works, and of faith toward God, of the doctrine of baptisms, and of laying on of hands, and of resurrection of the dead, and of eternal judgment. And this will we do, if God permit. For it is impossible for those who were once enlightened, and have tasted of the heavenly gift, and were made partakers of the Holy Ghost, and have tasted the good Word of God, and the powers of the world to come, if they shall fall away, to renew them again unto repentance; seeing they crucify to themselves the Son of God afresh, and put Him to an open shame.” Heb. 6:1-6. To make reservation for sin, is as it were to dig your own eternal grave.
“Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios, Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan. At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios. Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiya.” Heb. 6:1-6. Ang paglaanan ang sa kasalanan, ay parang paghukay ng iyong sariling libingan na walang hanggan.
What is Peter saying?
Ano ang isinasaad ni Pedro?
“In this time of trial we need to be encouraged and comforted by one another. The temptations of Satan are greater now than ever before, for he knows that his time is short, and that very soon every case will be decided, either for life or for death. It is no time now to sink down beneath discouragement and trial; we must bear up under all our afflictions, and trust wholly in the Almighty God of Jacob. The Lord has shown me that His grace is sufficient for all our trials; and although they are greater than ever before, yet if we trust wholly in God, we can overcome every temptation, and through His grace come off victorious. CET 103.1
Sa panahong ito ng pagsubok kailangan nating palakasin ang loob at aliwin ang isa't isa. Ang mga tukso ni Satanas ay mas malaki ngayon kaysa dati, dahil alam niya na ang kanyang oras ay maikli, at na sa lalong madaling panahon ang bawat kaso ay mapagpasyahan, maging para sa buhay o para sa kamatayan. Wala ng panahon pa para tayo ay manghina dahil sa mga pagsubok; kailangan nating tiisin ang lahat ng ating mga paghihirap, at magtiwala nang buo sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob. Ipinakita sa akin ng Panginoon na ang Kanyang biyaya ay sapat para sa lahat ng ating mga pagsubok; at kahit na sila ay mas matindi kaysa dati, ngunit kung tayo ay lubos na magtitiwala sa Diyos, ating malalampasan ang bawat tukso, at sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay magtatagumpay. CET 103.1
“If we overcome our trials, and get victory over the temptations of Satan, then we endure the trial of our faith, which is more precious than gold, and are stronger and better prepared to meet the next. But if we sink down and give way to the temptations of Satan, we shall grow weaker and get no reward for the trial, and shall not be so well prepared for the next. In this way we shall grow weaker and weaker, until we are led captive by Satan at his will. CET 103.2
"Kung ating mapagtagumpayan ang ating mga pagsubok, at magtatagumpay laban sa mga tukso ni Satanas, kung gayon ay mababata natin ang pagsubok ng ating pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, at mas malakas at mas handa na harapin ang susunod. Ngunit kung tayo ay lulubog at magbibigay daan sa mga tukso ni Satanas, hihina tayo at hindi makakakuha ng gantimpala para sa pagsubok, at hindi tayo magiging handa para sa susunod. CET 103.2
“We must have on the whole armor of God, and be ready at any moment for a conflict with the powers of darkness. When temptations and trials rush in upon us, let us go to God, and agonize with Him in prayer. He will not turn us away empty, but will give us grace and strength to overcome, and to break the power of the enemy. Oh, that all could see these things in their true light, and endure hardness as good soldiers of Jesus! Then would Israel move forward, strong in God, and in the power of His might.” CET 103.3
"Kailangan nating taglayin ang buong baluti ng Diyos, at maging handa sa anumang sandali para sa pakikipaglaban sa mga kapangyarihan ng kadiliman. Kapag dumarating ang mga tukso at pagsubok sa atin, lumapit tayo sa Diyos, at dumulog tayo sa Kanya sa panalangin. Hindi Niya tayo papabayaan at sa halip ay bibigyan tayo ng biyaya at lakas upang manaig, at masira ang kapangyarihan ng kaaway. Oh, na makita ng lahat ang mga bagay na ito sa kanilang tunay na liwanag, at magtiis ng kahirapan bilang mabuting kawal ni Jesus! Upang sa gayon ay susulong ang bayang Israel na may kalakasan sa Diyos, at sa Kaniyang kapangyarihan.” CET 103.3
What would you say to Alex?
“In this life we must meet fiery trials and make costly sacrifices, but the peace of Christ is the reward. There has been so little self-denial, so little suffering for Christ's sake, that the cross is almost entirely forgotten. We must be partakers with Christ of His sufferings, if we would sit down in triumph with Him on His throne. So long as we choose the easy path of self-indulgence, and are frightened at self-denial, our faith will never become firm, and we cannot know the peace of Jesus, nor the joy that comes through conscious victory. The most exalted of the redeemed host that stand before the throne of God and the Lamb, clad in white, know the conflict of overcoming, for they have come up through great tribulation. Those who have yielded to circumstances rather than engage in this conflict, will not know how to stand in that day when anguish will be upon every soul, when, though Noah, Job, and Daniel were in the land, they could save neither son nor daughter, for everyone must deliver his soul by his own righteousness. CET 189.4
"Sa buhay na ito kailangan nating harapin ang maalab na mga pagsubok at gumawa ng mga sakripisyo, ngunit ang kapayapaan ni Kristo ang gantimpala. Napakakaunting pagtanggi sa sarili, napakaliit na pagdurusa alang-alang kay Kristo ang nasusumpungan, na ang krus ay halos nakalimutan na. Dapat na tayo’y nakikibahagi kay Kristo sa Kanyang mga pagdurusa, kung tayo ay uupo sa pagtatagumpay na kasama Niya sa Kanyang trono. Hangga't pinipili natin ang pagpapaginhawa sa sarili, at natatakot na tanggihan ang sarili, ang ating pananampalataya ay hindi kailanman magiging matatag, at hindi natin malalaman ang kapayapaan ni Jesus, ni ang kagalakang dulot ng pananagumpay. Ang pinakadakila sa mga tinubos na hukbo na nakatayo sa harap ng trono ng Diyos at ng Kordero, na nakasuot ng puti, ay nakakaalam ng labanan ng pananagumpay, sapagkat sila ay dumanas at nanagumpay sa matinding kapighatian. Ang mga sumuko sa mga pangyayari sa halip na makibahagi sa labanang ito, ay hindi malalaman kung paano tatayo sa araw na iyon kung kailan ang dalamhati ay sasa bawat kaluluwa, kung kailan, kahit na sina Noe, Job, at Daniel ay nasa lupain, ay hindi nila nailigtas ang kanilang mga anak na lalaki at babae sapagka’t ang lahat ay dapat iligtas ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng kanyang sariling katuwiran. CET 189.4
“No one need say that his case is hopeless, that he cannot live the life of a Christian. Ample provision is made by the death of Christ for every soul. Jesus is our ever-present help in time of need. Only call upon Him in faith, and He has promised to hear and answer your petitions.” CET 190.1
Walang sinuman ang kailangang sabihin na ang kanyang kaso ay walang pag-asa, na hindi kaya ang pamumuhay Kristiyano. Sapat na probisyon ang ginawa ng kamatayan ni Kristo para sa bawat kaluluwa. Si Jesus ang ating palaging tulong sa oras ng pangangailangan. Tumawag lamang sa Kanya nang may pananampalataya, at nangako Siya na didinggin at sagutin ang iyong mga petisyon." CET 190.1
“We have marked illustrations of the sustaining power of firm, religious principle. Even the fear of death could not make the fainting David drink of the water of Bethlehem, to obtain which, valiant men had risked their lives. The gaping lions’ den could not keep Daniel from his daily prayers, nor could the fiery furnace induce Shadrach and his companions to fall down before the idol which Nebuchadnezzar set up. Young men who have firm principles will eschew pleasure, defy pain, and brave even the lions’ den and the heated fiery furnace rather than be found untrue to God. Mark the character of Joseph. Virtue was severely tested, but its triumph was complete. At every point the noble youth endured the test. The same lofty, unbending principle appeared at every trial. The Lord was with him, and His word was law. 5T 43.2
Tinandaan namin ang mga paglalarawan ng sapat at mapagpanatiling kapangyarihan ng matatag na relihiyosong prinsipyo. Kahit na ang pagkatakot sa kamatayan ay hindi nakapagpainom sa nanghihinang si David ng tubig ng Bethlehem, na naglagay sa panganib sa mga buhay ng mga magigiting na lalaki upang makuha lamang ito. Ang nakanganga na yungib ng mga leon ay hindi napigilan si Daniel mula sa kanyang araw-araw na mga panalangin, ni ang nagniningas na hurno ay hindi nakahikayat kay Sadrach at sa kanyang mga kaibigan na magpatirapa sa harap ng diyus-diyosan na itinayo ni Nabucodonosor. Ang mga kabataang lalaki na may matatag na mga alituntunin ay iiwasan ang kasiyahan, lalabanan ang sakit, at malalampasan maging ang kulungan ng mga leon at ang mainit na nagniningas na hurno kaysa matagpuang hindi tapat sa Diyos. Tandaan ang karakter ni Jose. Ang kabutihan ay sinubok ng matindi ngunit buo ang naging tagumpay dito. Sa bawat punto ay tiniis ng marangal na kabataan ang pagsubok. Ang matayog at hindi nababaling prinsipyo ang nakikita sa pagharap sa bawat pagsubok. Ang Panginoon ay kasama niya, at ang Kanyang salita ay batas. 5T 43.2