The Promise

Liksyon 8, Ikalawang Semestre May 14-20, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - May 14

Memory Text:

“And Abraham was old, and well stricken in age: and the LORD had blessed Abraham in all things.” KJV — Genesis 24:1

“At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon: at pinagpala ng Panginoon si Abraham sa lahat ng mga bagay.” KJV — Genesis 24:1


“God conferred upon his faithful servant special honor and blessings. Through vision, and through the angels that walked and talked with him as friend with friend, he was made acquainted with the purposes as well as with the will of God. When judgments were about to be visited upon Sodom, the fact was not hidden from Abraham. “The Lord said, Shall I hide from Abraham that thing which I do; seeing that Abraham shall surely become a great and mighty nation, and all the nations of the earth shall be blessed in him?” And at the request of Abraham, he would have spared that wicked city, had even ten righteous persons been found in it. ST April 22, 1886, par. 11

“Ipinagkaloob ng Diyos sa Kaniyang tapat na lingkod ang natatanging parangal at pagpapala. Sa pamamagitan ng pangitain, at mga anghel na nagsilakad at nakipagusap kasama niya na tila isang kaibigan ay nagkaroon nga siya ng ugnayan sa layunin at kalooban ng Diyos. Nang ang paghatol ay sasapit sa Sodoma, ang bagay na ito ay hindi inilihim sa kaalaman ni Abraham. “At sinabi ng Panginoon, Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin; Dangang si Abraham ay tunay na magiging isang bansang malaki at matibay, at pagpapalain sa kaniya ang lahat ng bansa sa lupa? At sa kanyang hiling ay ililigtas sana ng Diyos ang masamang bayan kung mayroon lamang siyang nasumpungang sampung matuwid na tao. ST April 22, 1886, par. 11

“The blessings upon the patriarch Abraham are repeated to Isaac in these words: ‘And I will make thy seed to multiply as the stars of heaven, and will give unto thy seed all these countries; and in thy seed shall all the nations of the earth be blessed; because that Abraham obeyed my voice, and kept my charge, my commandments, my statutes, and my laws.’” ST April 22, 1886, par. 12

“Ang mga pagpapala sa patriarkang si Abraham ay inulit din kay Isaac sa mga salitang ito: “At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.” ST April 22, 1886, par. 12

Sunday - May 15

Mount Moriah

Genesis 22:1-12; Hebrews 11:17

What was the meaning of this test? What spiritual lessons come from this amazing event?

Ano ang ibig sabihin ng pagsubok na ito? Anong mga leksyong pangespiritwal ang mapupulot sa pangyayaring ito?

Shall we now examine to see to what extent Abraham’s was a model home school? – His son, Isaac, you know, was only about seventeen years of age when the word of the Lord came to Abraham that he should sacrifice his only son. The father faithfully obeyed the command, and took Isaac on that trying historical as well as educational journey. Not until the very last minute was he told that he was to be the sacrificial victim. But did he become upset or did he resist when told of it? – No, indeed. On the contrary, he did all that he could to comfort his father, and willingly and cheerfully laid himself upon the altar!

Atin ngang suriin ang lawak ng pagiging huwaran ng tahanan ni Abraham – ang kaniyang anak na si Isaac ay labing pitong gulang nang ang salita ng Diyos ay dumating kay Abraham na dapat niyang ihain ang kanyang bugtong na anak. Matapat na sumunod ang ama sa utos at sinama ang anak na si Isaac sa makasaysayang lakbaying iyon. At sa huling sandali lamang naipabatid sa kaniya na siya mismo ang sakripisyong ihahain. Ngunit nagalit ba siya o sumubok na lumaban? Hindi. Bagkus ay ginawa niya ang lahat upang aliwin ang kaniyang ama at buong puso at masiglang inihain ang sarili sa altar!

What does all this mean? – It means that Isaac had received a perfect training in his home, and so he respected both the father’s judgment and religion. He was submissive to his God, and full of faith. Knowing that God’s way was for his best interests, he resolved that it would be better to die than to disobey either God or his father.

Ano ang ibig sabihin nito? – Nangangahulugan na si Isaac ay nakatanggap ng sakdal na pagsusulit sa kaniyang tahanan kaya iginagalang niya ang relihiyon at paghatol ng kaniyang ama. Siya ay nagpapasakop sa Diyos at may lubos na pananampalataya. Dahil batid niyang ang paraan ng Diyos ay para sa kaniyang ikabubuti, tinanggap niyang mas mabuti nang mamatay kaysa lumabag sa utos ng Diyos at ng kaniyang ama. 

“Abraham believed God, and it was imputed unto him for righteousness: and he was called the friend of God.” (James 2:23.) By simply doing the things that God asked of him he obtained this record: “Because that Abraham obeyed my voice, and kept my charge, my commandments, my statutes, and my laws.” “In thy seed shall all the nations of the earth be blessed.” (Gen. 26:5, 4.) Having childlike faith in the Word, and doing all God has said, is the only sanctification and righteousness that is Christ’s. Such are the children of Abraham, and to them is the promise. They openly declare that the blood of Christ has the power to save them from the bondage of sin, and from the condemnation of the law. They shall inherit the land for ever and ever. These are the Israel of God. There are no others, and this only is righteousness and sanctification by faith.

“At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na kaibigan ng Dios.” (James 2:23.) Sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng utos ng Diyos ay kaniyang nakamit ang talang ito: “Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan… at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa.” Gen. 26:5, 4. Ang pananampalataya sa Salita na tulad ng sa maliliit na bata at sa pagsunod sa lahat ng sinabi ng Diyos ang tanging pagpapakabanal at katuwiran na binibilang kay Cristo. Ito nga ang binhi ni Abraham na nagtataglay ng pangako. Kanilang hayagang dinedeklara na ang dugo ni Cristo ang may kapangyarihan upang sila ay maligtas buhat sa kasalanan at sa kahatulan ng kautusan. Sila ang magmamana sa lupain magpakailanman. Ito ang bayang Israel ng Diyos. Wala na ngang iba pa, ito ang tanging katuwiran at kabanalan sa pananampalataya. 

Monday - May 16

God Will Provide

Genesis 22:8, 14, 18; John 1:1-3; Romans 5:6-8

How did God fulfill His promise that He would provide? What was provided?

Paano tinupad ng Diyos ang Kaniyang pangako na kaniyang ipagkakaloob? Ano ang kanyang pinagkaloob?

“None among the hearers, and not even the speaker himself, discerned the import of these words, “the Lamb of God.” Upon Mount Moriah, Abraham had heard the question of his son, “My father, ... where is the lamb for a burnt offering?” The father answered, “My son, God will provide Himself a lamb for a burnt offering.” Genesis 22:7, 8. And in the ram divinely provided in the place of Isaac, Abraham saw a symbol of Him who was to die for the sins of men. The Holy Spirit through Isaiah, taking up the illustration, prophesied of the Saviour, “He is brought as a lamb to the slaughter,” “and the Lord hath laid on Him the iniquity of us all” (Isaiah 53:7, 6); but the people of Israel had not understood the lesson. Many of them regarded the sacrificial offerings much as the heathen looked upon their sacrifices,—as gifts by which they themselves might propitiate the Deity. God desired to teach them that from His own love comes the gift which reconciles them to Himself. DA 112.5

“Walang sinuman sa nakikinig at maging sa mismong tagapagsalita ang nakaunawa sa kahalagahan ng salitang, “Kordero ng Diyos”. Sa bundok ng Moria, narinig ni Abraham ang tanong ng kaniyang anak, “ Saan naroon ang korderong pinakahandog na susunugin? “At sinabi ni Abraham, Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko.” Genesis 22:7, 8. At sa lalaking tupa na inihanda ng kalangitan bilang kapalit sa lugar ni Isaac ay nakita ni Abraham ang simbolo Niya na mamamatay para sa sala ng tao. Ang banal na espiritu sa pamamagitan ni Isaiah ang nagpropesiya ukol sa Tagapaglitas, “gaya ng kordero na dinadala sa patayan,” at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.” Isaiah 53:7, 6 ngunit ang bayan ng Israel ay hindi nakaunawa sa leksyong ito. Marami sa kanila ang tumuring sa kanilang mga sakrispisyong handog gaya ng mga pagano na ito ay kanilang sariling handog upang bigyang lugod ang Diyos. Ninais ng Diyos na ipaunawa sa kanila na dahil sa Kanyang pagibig ay dumating ang kaloob na makikipagkasundo sa kanila sa Kanya. DA 112.5

“Abraham's experience answered the question: “Wherewith shall I come before the Lord, and bow myself before the high God? Shall I come before Him with burnt offerings, with calves of a year old? Will the Lord be pleased with thousands of rams, or with ten thousands of rivers of oil? shall I give my first-born for my transgression, the fruit of my body for the sin of my soul?” Micah 6:6, 7. In the words of Abraham, “My son, God will provide Himself a lamb for a burnt offering,” (Genesis 22:8), and in God's provision of a sacrifice instead of Isaac, it was declared that no man could make expiation for himself. The pagan system of sacrifice was wholly unacceptable to God. No father was to offer up his son or his daughter for a sin offering. The Son of God alone can bear the guilt of the world.” DA 469.2

“Ang karanasan ni Abraham ang tumugon sa katanungang: Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?” Micah 6:6, 7 Sa mga salita ni Abraham, “ Dios ang maghahanda ng korderong pinakahandog na susunugin, anak ko, at sa kanyang ipinagkaloob na handog kapalit ni Isaac, ay nahayag na walang sinumang tao ang makatutubos sa sarili. Ang buong sistema ng paghahandog ng mga pagano ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Walang ama ang maghahandog ng kaniyang anak na babae o lalaki bilang hain sa kasalanan. Tanging ang Anak ng Diyos ang makakapasan sa sala ng sanlibutan.” DA 469.2

Tuesday - May 17

The Death of Sarah

Genesis 23

What function does the story of Sarah’s death and burial play in the fulfillment of God’s promise to Abraham?

Ano ang naging tungkulin ng kamatayan at paglibing kay Sara sa katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham? 

“The heritage that God has promised to His people is not in this world. Abraham had no possession in the earth, “no, not so much as to set his foot on.” Acts 7:5. He possessed great substance, and he used it to the glory of God and the good of his fellow men; but he did not look upon this world as his home. The Lord had called him to leave his idolatrous countrymen, with the promise of the land of Canaan as an everlasting possession; yet neither he nor his son nor his son's son received it. When Abraham desired a burial place for his dead, he had to buy it of the Canaanites. His sole possession in the Land of Promise was that rock-hewn tomb in the cave of Machpelah. PP 169.3

“Ang mana na ipinangako ng Diyos sa kaniyang bayan ay hindi sa mundong ito. Si Abraham ay walang pagaari sa lupa, “At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa.” Acts 7:5 Siya ay nagtaglay ng yaman at kaniya itong ginamit sa ikaluluwalhati ng Diyos at para sa ikabubuti ng kaniyang kapwa; ngunit hindi niya itinuring ang mundong ito bilang tahanan. Tinawag siya ng Diyos upang iwan ang kaniyang makamundong mga kababayan, at ipinangako ang lupain ng Canaan bilang walang hanggang pagaari; ngunit siya o ang kaniyang anak o ang anak ng kaniyang anak ay hindi nakatanggap nito. Nang ninais ni Abraham ang lugar na paglilibingan ng kaniyang patay ay kinailangan niya pang bilhin ito sa mga taga- Canaan. Ang tangi niyang pagaari sa Lupang Pangako ay ang libingan sa yungib ng parang sa Macpela. PP 169.3

“But the word of God had not failed; neither did it meet its final accomplishment in the occupation of Canaan by the Jewish people. “To Abraham and his seed were the promises made.” Galatians 3:16. Abraham himself was to share the inheritance. The fulfillment of God's promise may seem to be long delayed—for “one day is with the Lord as a thousand years, and a thousand years as one day” (2 Peter 3:8); it may appear to tarry; but at the appointed time “it will surely come, it will not tarry.” Habakkuk 2:3. The gift to Abraham and his seed included not merely the land of Canaan, but the whole earth. So says the apostle, “The promise, that he should be the heir of the world, was not to Abraham, or to his seed, through the law, but through the righteousness of faith.” Romans 4:13. And the Bible plainly teaches that the promises made to Abraham are to be fulfilled through Christ. All that are Christ's are “Abraham's seed, and heirs according to the promise”—heirs to “an inheritance incorruptible, and undefiled, and that fadeth not away”—the earth freed from the curse of sin. Galatians 3:29; 1 Peter 1:4. For “the kingdom and dominion, and the greatness of the kingdom under the whole heaven, shall be given to the people of the saints of the Most High;” and “the meek shall inherit the earth; and shall delight themselves in the abundance of peace.” Daniel 7:27; Psalm 37:11.” PP 169.4

“Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nabigo; hindi rin ito nagkaroon ng katuparan sa pagtahan ng mga Hudyo sa Canaan. “Kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi.” Galatians 3:16 Ang pangakong manang ito ay ibabahagi ni Abraham. Bagaman tila naantala ang katuparan ng pangako ng Diyos – “na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.” 2 Peter 3:8; “bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal.” Habakkuk 2:3 Ang kaloob kay Abraham at sa kanyang binhi ay hindi lamang ang mismong lupain ng Canaan ngunit ang buong mundo. Sabi ng alagad, “Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.” Romans 4:13. Ang Biblia ay nagtuturo na ang pangakong ibinigay kay Abraham ay matutupad sa pamamagitan ni Cristo. At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako” – sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas. Galatians 3:29; 1 Peter 1:4 At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan at ang maamo ay magmamana ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.” Daniel 7:27; Psalm 37:11.” PP 169.4

Wednesday - May 18

A Wife for Isaac

Genesis 24

Why is Abraham so concerned that his son not marry a woman from the Canaanites? 

Bakit labis ang pagkabahala ni Abraham upang hindi makapangasawa ang kanyang anak ng mga Cananeo? 

“Abraham had become an old man, and expected soon to die; yet one act remained for him to do in securing the fulfillment of the promise to his posterity. Isaac was the one divinely appointed to succeed him as the keeper of the law of God and the father of the chosen people, but he was yet unmarried. The inhabitants of Canaan were given to idolatry, and God had forbidden intermarriage between His people and them, knowing that such marriages would lead to apostasy. The patriarch feared the effect of the corrupting influences surrounding his son. Abraham's habitual faith in God and submission to His will were reflected in the character of Isaac; but the young man's affections were strong, and he was gentle and yielding in disposition. If united with one who did not fear God, he would be in danger of sacrificing principle for the sake of harmony. In the mind of Abraham the choice of a wife for his son was a matter of grave importance; he was anxious to have him marry one who would not lead him from God. PP 171.1

At si Abraham ay matanda na, at lipas na sa panahon at malapit ng mamatay, ngunit may isang natitirang gawain para sa kanya upang tiyakin ang katuparan ng pangako sa kanyang lahi. Si Isaac ang itinalaga ng langit upang sumunod sa kanya sa pagiingat sa kautusan ng Diyos at bilang ama ng hinirang na bayan ngunit siya ay hindi pa nakakapagasawa. Ang mga naninirahan sa lupain ng Canaan ay sumamba na sa mga diyos-diyosan at ipinagbawal ng Diyos ang pagaasawa sa pagitan nila ang ng kanyang bayan, sa kaalamang ang pagaasawang gaya niyaon ay magdudulot ng apostasiya. Nangamba ang patriarka sa maaring epekto ng masamang impluwensya na pumapalibot sa kanyang anak. Ang patuloy na pananampalataya ni Abraham sa Diyos at ang pagsunod sa Kanyang kalooban ay makikita din sa ugali ni Isaac; ngunit ang pagibig sa kabataang ito ay malakas at siya ay malumanay at masunurin. Kung siya ay makakapangasawa sa isang walang takot sa Diyos, siya ay malalagay sa panganib na maisakripisyo ang prinsipyo alangalang sa pagkakasundo. Sa isip ni Abraham ang pagpili ng asawa para sa kanyang anak ay lubhang mahalaga; siya ay nangangamba na siya ay makapangasawa ng makapagpapalayo sa kanya sa Diyos. PP 171.1

Thursday - May 19

A Wife for Abraham

Genesis 24:67-25:8

What is the meaning of these final events in the life of Abraham?

Ano ang kahulugan ng mga huling pangyayaring ito sa buhay ni Abraham?

“God gave to Abraham a view of this immortal inheritance, and with this hope he was content. “By faith he sojourned in the Land of Promise, as in a strange country, dwelling in tabernacles with Isaac and Jacob, the heirs with him of the same promise: for he looked for a city which hath foundations, whose builder and maker is God.” Hebrews 11:9, 10. PP 170.1

“At ipinakita ng Diyos kay Abraham ang isang manang hindi nasisira at sa pagasang ito siya ay nakontento. “Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya: Sapagka't inaasahan niya ang bayang may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios. Hebrews 11:9, 10. PP 170.1

“Of the posterity of Abraham it is written, “These all died in faith, not having received the promises, but having seen them afar off, and were persuaded of them, and embraced them, and confessed that they were strangers and pilgrims on the earth.” Verse 13. We must dwell as pilgrims and strangers here if we would gain “a better country, that is, an heavenly.” Verse 16. Those who are children of Abraham will be seeking the city which he looked for, ‘whose builder and maker is God.’” PP 170.2

“At sa lahi ni Abraham nasusulat, “Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa. Heb 11:13 Tayo ay dapat manahan dito bilang mga manlalakbay at taga ibang bayan upang ating makamit ang “lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit. Talata 16. Yaong mga binhi ni Abraham ay maghahangad din sa bayan na kaniyang inasam, “na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios.” PP 170.2

Friday - May 20

Further Study

“Hearken to me, ye that follow after righteousness, ye that seek the LORD: look unto the rock whence ye are hewn, and to the hole of the pit whence ye are digged. Look unto Abraham your father, and unto Sarah that bare you: for I called him alone, and blessed him, and increased him.” KJV — Isaiah 51:1, 2

“Kayo'y magsipakinig sa akin, kayong nagsisisunod sa katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo. Tingnan ninyo si Abraham na inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at aking pinagpala siya, at aking pinarami siya. KJV — Isaiah 51:1, 2

Though one be of Gentile blood, if he truly accepts Christ he by his spiritual birth becomes of the seed of Abraham for says Inspiration, “If ye be Christ’s, then are ye Abraham’s seed, and heirs according to the promise.” Gal. 3:29. The children of Abraham here addressed, therefore, are not to be sought among the identified unbelieving Jews, but among the Christians. They are admonished to look to Abraham and Sarah, and to consider that when God called Abraham, though he was alone, he nevertheless obeyed and God blessed him; that in spite of all the apparent impossibilities with both him and Sarah, He increased him. What if you personally and alone were called by His word, as was Abraham, to stand alone for Truth and righteousness, would you be a hero for God as was Abraham, or would you do as did backsliding Judas Iscariot?

Kung ang isa man ay may dugong gentil, kung kaniyang tunay na tanggapin si Cristo, siya ay ibibilang na binhi ni Abraham sa pamamagitan ng kanyang espiritwal na pagkapanganak, sabi ng Inspirasyon, “ At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.” Gal. 3:29 Ang binhi ni Abraham ang tinutukuyan dito, samakatuwid ay yaong hindi masusumpungan sa hanay ng mga hudyong walang pananampalataya ngunit yaong nabibilang sa mga Kristiyano. Sila ay pinaalalahanan na tumingin kila Abraham at Sara, at isaalang-alang na nang tawagin ng Diyos si Abraham, bagaman siya’y nagiisa, siya ay tumalima at siya’y pinagpala ng Diyos; at sa kabila ng lahat ng imposibilidad sa kanila ni Sara, siya ay pinagpala. Paano kung ikaw ay personal at nagiisang tawagan ng Kanyang Salita, tulad ni Abraham, na manindigang mag-isa para sa Katotohanan at katuwiran, ikaw ba ay magiging bayani para sa Diyos tulad ni Abraham o tatalikod na gaya ni Judas Iscariote? 

If we were not privileged to choose as was Abraham, God would not have reminded us of Abraham’s experience. We are plainly told not to lose courage, but to have faith in God, for He intends to bless and increase us, as He blessed and increased our ancestors, Abraham and Sarah. The reason He gives for blessing us as He blessed them, is this: 

Kung tayo ay walang pribilehiyo na mamili tulad ni Abraham, hindi na tayo paaalalahanan ng Diyos ukol sa karanasan ni Abraham. Tayo ay sinasabihan na h’wag panghinaan ng loob, ngunit upang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, sapagka’t layon Niya na pagpalain at palaguin tayo, tulad ng ginawa Niya sa ating mga ninunong sila Abraham at Sara. Ang dahilan ng pagpapala sa atin kung paanong pinagpala Niya sila ay: 

For the LORD shall comfort Zion: he will comfort all her waste places; and he will make her wilderness like Eden, and her desert like the garden of the LORD; joy and gladness shall be found therein, thanksgiving, and the voice of melody. KJV — Isaiah 51:3

“Sapagka't inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.” KJV — Isaiah 51:3

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org