All Nations and Babel

Liksyon 2, Ikalawang Semestre Abril 23-29, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - April 23

Memory Text:

“Therefore is the name of it called Babel; because the LORD did there confound the language of all the earth: and from thence did the LORD scatter them abroad upon the face of all the earth.” KJV — Genesis 11:9

“Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.” KJV — Genesis 11:9


Iisipin ng sinuman na matapos ang baha, ang mundo ay magkakaroon ng matinding paggalang sa relihiyon at sa mga propeta ng Diyos. Ngunit hindi ito ang nangyari. Ang tao bago ang baha ay hindi naniwala sa inihayag ni Noe ukol sa baha na paparating, pinili nilang hindi pumasok sa arka! At ang baha ay dumating at lahat sila ay namatay. Ang mga tao naman matapos ang baha ay hindi naniwala sa sinabi niya na wala ng bahang darating pa sa kanila kaya sila ay nagdesisyon na gumawa ng tore ni Babel! At nang makita ng Diyos ay tore na patuloy sa pagtaas, Kanyang winasak ang tuktok nito at binago ang wika ng mga gumagawa. Kanya ngang tinanggal ang sariling wika sa kanilang mga isip at pinalitan ito ng mga bagong wika. At dito nagpasimula ang mga iba’t ibang lahi at wika na ating nakikita sa ating kapanahunan maging sa kasuluk-sukulang bahagi ng mundo.

Sunday - April 24

The Curse of Ham

Genesis 9:18-27

What is the message in Genesis 9:18-27?

Ano ang mensahe sa Genesis 9:18-27?

“Noah, speaking by divine inspiration, foretold the history of the three great races to spring from these fathers of mankind. Tracing the descendants of Ham, through the son rather than the father, he declared, “Cursed be Canaan; a servant of servants shall he be unto his brethren.” The unnatural crime of Ham declared that filial reverence had long before been cast from his soul, and it revealed the impiety and vileness of his character. These evil characteristics were perpetuated in Canaan and his posterity, whose continued guilt called upon them the judgments of God. PP 117.2

Sa pamamagitan ng makalangit na inspirasyon ay inihula ni Noe ang kasaysayan ng tatlong dakilang lahi na uusbong mula sa mga amang ito ng sangkatauhan. Sa lahi ni Cham, sa pamamagitan ng anak at hindi sa ama, sinabi: “Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.” Sa naging kakaibang sala ni Cham ay nahayag na ang paggalang niya bilang anak sa magulang ay matagal ng wala sa kaniyang kaluluwa at nalahad ang kasamaan at kahalayan ng kaniyang paguugali. Ang masamang ugaling ito ay namalagi sa Canaan at ang kanyang salinlahi, na ang patuloy na kasalanan ay nagdala ng paghuhukom sa kanila buhat sa Diyos. PP 117.2

“On the other hand, the reverence manifested by Shem and Japheth for their father, and thus for the divine statutes, promised a brighter future for their descendants. Concerning these sons it was declared: “Blessed be Jehovah, God of Shem; and Canaan shall be his servant. God shall enlarge Japheth, and he shall dwell in the tents of Shem; and Canaan shall be his servant.” The line of Shem was to be that of the chosen people, of God's covenant, of the promised Redeemer. Jehovah was the God of Shem. From him would descend Abraham, and the people of Israel, through whom Christ was to come. “Happy is that people, whose God is the Lord.” Psalm 144:15. And Japheth “shall dwell in the tents of Shem.” In the blessings of the gospel the descendants of Japheth were especially to share. PP 117.3

“Sa kabilang banda, ang paggalang na ipinakita nila Sem at Japhet sa kanilang ama at ganundin sa mga makalangit na kautusan, ay nagdulot ng mas magandang kinabukasan sa kanilang lahi. Ukol sa mga anak na ito, sinabi: “Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya. Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya.” Ang angkan ni Sem ang magiging bayang pinili, sa tipan ng Diyos, ang pinangakong Tagapagligtas. Si Jehovah ang Panginoon ni Sem. Buhat sa kaniyang lahi papanganak si Abraham at ang bayan ni Israel, na pagmumulan ni Cristo. “Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan: maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.” Psalm 144:15. At si Japhet ay matitira sa mga tolda ni Sem. At sa biyaya ng evangelio ang angkan ni Japhet ay makikibahagi. PP 117.3

“The posterity of Canaan descended to the most degrading forms of heathenism. Though the prophetic curse had doomed them to slavery, the doom was withheld for centuries. God bore with their impiety and corruption until they passed the limits of divine forbearance. Then they were dispossessed, and became bondmen to the descendants of Shem and Japheth.” PP 118.1

“Ang salinlahi ni Canaan ay bumaba sa pinakamababang anyo ng pagiging pagano. Samantalang ang inihulang sumpa sa kanila ay nagdulot sa kanilang pagkaalipin, ang kanilang pagkawasak ay pinigilan sa mga nagdaang siglo. Tiniis ng Diyos ang kanilang kawalang paggalang at korupsyon hanggang sa maabot nila ang limitasyon ng makalangit na pagtitimpi. At sila ay nakubkob at naging mga alipin ng lahi nila Sem at Japhet.” PP 118.1

Monday - April 25

The Genesis Genealogy

Luke 3; 23-38

What is the purpose of this genealogy in the Bible?

Ano ang layunin ng tala ng angkan na ito sa Biblia?  

“And it shall come to pass in that day,” says the Word of prophecy in this connection, “that the Lord shall set his hand again the second time to recover the remnant of His people, which shall be left, from Assyria, and from Egypt, and from Pathros, and from Cush, and from Elam, and from Shinar, and from Hamath, and from the islands of the sea. And He shall set up an ensign for the nations,] and shall assemble the outcasts of Israel and gather together the dispersed of Judah from the four corners of the earth. And it shall come to pass in that day, that the Lord shall beat off from the channel of the river unto the stream of Egypt and ye shall be gathered one by one, O ye children of Israel.” Isa. 11:11, 12; 27:12.

“At mangyayari sa sa araw na yaon”, sabi ng salita ng hula kaugnay nito, “na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at mula sa Amath, at mula sa mga pulo ng dagat. At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa. At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos ng ilog hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.” Isa. 11:11, 12; 27:12. 

"Since, therefore, history, logic, and scripture combine their evidence to prove unconditionally that God has preserved the genealogy of the chosen branch of the human race forward from Adam to Noah (Matt. 1:1-17), and backward from Jesus to Adam (Luke 3:23-38), He must, then, for a consistent reason, also have preserved the identity of the elect today. And this we see, is precisely what He has done in His designating the lineage of the 144,000, as “of all the tribes of the children of Israel.” Rev. 7:4. And though we know not what we are, and cannot ever of ourselves tell, the One Who knows all about us, even to the last hair of each head, knows our precise ancestry, although those of us who are to be gathered from the seed of Jacob are, says the prophet, as the sand of the sea,” whereas, comparatively speaking, the identifiable Jewish race of today, is but a handful to the nations, and therefore cannot today be the ones to whom apply---The Terms Israel, Ephraim, Joseph.

At dahil sa ang kasaysayan, lohika at kasulatan ay pareparehong nagpapatotoo na iningatan ng Diyos ang angkan ng piniling sanga ng sangkatauhan mula kay Adan hanggang kay Noe (Mateo 1:1-17), at mula kay Jesus pababa kay Adan (Lukas 3:23-38), ay Kanya ding iingatan sa parehong katuwiran ang pagkakilanlan ng kanyang hinirang sa ngayon. At ito nga ang ating nakita sa Kanyang ginawang pagpili sa lahi ng 144,000, mula “sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel” Pahayag 7:4. Hindi man natin alam kung saang lahi tayo nagmula, Siya na nakaaalam ng lahat ukol sa atin, maging sa huling hibla ng ating buhok, ang Siyang tiyak na nakakaalam nito. Bagaman sinabi ng propeta na ang titipunin mula sa binhi ni Jacob ay “parang buhangin sa dagat”, kung ikukumpara natin ito sa lahi ng Hudyo ngayon, sila ay kakaunti lamang, at ang propesiya ay hindi maaaring tumukoy sa kanila -- The Terms Israel, Ephraim, Joseph.

Tuesday - April 26

One Language

Genesis 11:1-4

Why were the people of the whole earth so keen to achieve unity?

Bakit sinisikap ng tao sa mundo na magkaroon ng pagkakaisa?

Notwithstanding this punishment and its object lesson, as soon as the earth’s inhabitants multiplied after the deluge, sin likewise multiplied. And though the people could but give credit to Noah’s correct prediction of the flood, they mistrusted him in his next prediction: the prediction that there would be no more “flood to destroy the earth.” Gen. 9:11. Even the rainbow in the clouds, the Lord’s own token of His covenant not to flood the earth a second time, failed to convince them.

Sa kabila ng parusa at aral na ibinigay sa kanila, nang ang naninirahan sa mundo ay dumami ang kasalanan ay dumami din. Bagaman binibigyang halaga ng tao ang tamang prediksyon ni Noe ukol sa dumating na baha ay hindi naman nila pinaniniwalaan ang prediksyong: “hindi na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.” Gen 9:11. Maging ang bahaghari na binigay na tanda sa tipan na binigay ng Diyos ay hindi nakakumbinse sa kanila.

What a mystery sin indeed is! First they did not believe in even the possibility of a flood, and next they did not believe in the impossibility of one...So while the spirit of unbelief in the Word has always benumbed the mind and subjected the body to sin and decay, even in the days when men were strong and long-lived, the same spirit is having an even greater hold on humanity today.

Anong nakagigilalas na misteryo ng kasalanan! Una, hindi sila naniwala sa posibilidad ng baha at sumunod naman ay hindi sila naniniwala na imposible ang pangalawang baha! Kaya habang ang espiritu ng kawalan ng pananampalataya sa Salita ay nagpapamanhid sa isip at nagdudulot sa katawan sa pagkawasak, kahit maging sa araw na ang mga tao ay malakas at mahabang nabubuhay, ang parehong espiritu na ito ang mas humahawak sa tao sa ngayon.

Rather than to set them free from fear, the Word of God spoken through Noah impelled the post-diluvians to feel that there was an unavoidable necessity to build the tower of Babel as a defense against a second flood. Disapproving of their unbelief and false alarm, however, the Lord demonstrated His displeasure by interfering with their wicked and foolish project: He destroyed their tower and confounded their language. Thus, it was that the confusion at Babel (Gen. 11:8, 9) gave birth to the existing races and languages.

Sa halip na mapalaya sila sa takot, ang Salita ng Diyos na binigay sa pamamagitan ni Noe ay nagudyok sa mga tao na makaramdam ng pangangailang magtayo ng tore ni Babel bilang pangsanggalang sa pangalawang baha. Bilang pagtanggi sa kanilang kawalang pananampalataya at maling pagaakala, ipinakita ng Diyos ang Kaniyang pagkadismaya sa pagsalungat sa kanilang masama at ginagawang kahangalan: Kanyang sinira ang tore at ginulo ang wika ng buong lupa. At ang kalituhan sa Babel (Gen 11:8,9) ang nagpasimula sa iba’t ibang lahi at wika. 

Finally, as the confused builders parted in groups, the neighboring ones began to quarrel one with another. And as they at length grew into nations, their quarrels grew into wars. Hence, the historical truth that wars for the first time broke out after the confusion of tongues, shows that the red horse [Rev. 6:4] and, in particular, its rider, depict the period in which the tower of Babel was annihilated, and in which peace gave way to wars.

Sa wakas, dahil sa idinulot na kalituhan sa mga manggagawa, sila ay naghiwa-hiwalay sa iba’t ibang grupo at ang iba ay nagpasimulang magaway. At habang sila ay lumago hanggang sa maging mga bayan, ang kanilang pagaawayan ay lumala patungo sa digmaan. At ang katotohanan sa kasaysayan na nagkaraoon ng digmaan sa unang pagkakataon matapos ang kalituhan sa wika ay nagpapakita na ang mapulang kabayo (Rev 6:4) at ang sakay nito ay tumutukoy sa yugto kung saan ang tore ni Babel ay winasak at ang kapayapaan ay nawala at ang digmaan ay nagpasimula. 

Wednesday - April 27

“Let Us Go Down”

Genesis 11:4-7

Why did God come down to the earth here?

Bakit bumaba ang Panginoon sa lupa sa mga talatang ito? 

Those that feared the Lord cried unto Him to interpose. “And the Lord came down to see the city and the tower, which the children of men builded.” In mercy to the world He defeated the purpose of the tower builders and overthrew the memorial of their daring. In mercy He confounded their speech, thus putting a check on their purposes of rebellion. God bears long with the perversity of men, giving them ample opportunity for repentance; but He marks all their devices to resist the authority of His just and holy law. From time to time the unseen hand that holds the scepter of government is stretched out to restrain iniquity. Unmistakable evidence is given that the Creator of the universe, the One infinite in wisdom and love and truth, is the Supreme Ruler of heaven and earth, and that none can with impunity defy His power. PP 123.2

Ang mga natatakot sa Diyos ay tumawag sa Kanya upang mamagitan. “At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.” Bilang awa sa mundo, Kanyang giniba ang layunin ng mga nagtatayo ng tore at winasak ang alaala ng kanilang kapangahasan. Pinagtiisang matagal ng Diyos ang kasalanan ng tao at nagbibigay ng panahon upang sila ay magsisi; ngunit Kanyang tinatandaan ang mga bagay na kanilang ginagamit upang labanan ang batas ng Kanyang hustisya at banal na kautusan. Paminsan-minsan ang kamay na hindi nakikita na humahawak sa cetro ng gobyerno ay iniinat upang pigilan ang kasamaan. Hindi mapagaalinlanganan na ang Lumikha sa sansinukob, ang Siyang walang hanggan sa talino, pagibig at katotohanan ay ang Pinakamataas na Tagapamahala ng langit at lupa at walang sinuman ang makakasalungat sa Kanyang kapangyarihan. PP 123.2

Thursday - April 28

The Redemption of the Exile

Genesis 11:8, 9; 9:1

Why is God’s dispersion redemptive?

Paano makakapagligtas ang ginawang pagpapakalat ng Diyos sa kanila?

It was not God’s purpose that the people should stack themselves in the plains of Shinar, but that they should spread out and replenish the earth. And so when they refused to obey His command He gave them the next best He had for them, and that they had to obey.

Hindi nilayon ng Diyos na ang bayan ay magsamasama sa kapatagan ng Shinar, at sa halip sila ay dapat mangalat sa lupa at magpakarami. At nang sila ay tumanggi na tumalima sa Kaniyang utos ay ibinigay Niya ang sumunod na pinakamahusay na kailangan nilang sundin. 

Man’s work independent of and contrary to God’s, you see, is certain to meet with disaster. A house that is built on sand cannot survive a storm, and no man can possibly defeat God’s purpose for men. Do not make a fool of yourself by trying.

Dito makikita na ang gawa ng tao na hiwalay at laban sa Diyos ay tiyak na magdudulot ng sakuna. Ang tahanan na gawa sa buhangin ay hindi makatatayo sa bagyo at walang sinuman ang makatatalo sa layunin ng Diyos para sa tao. H’wag mong gawing mangmang ang sarili upang subukan pa ito. 

It takes years in the schools of men to learn a language, but in the school of God, it takes but a moment. He can blot out one language from man’s brains and carve in another, and at the same time change the features of his face and the color of his skin. Yes, God can do all this more quickly than a dentist can pull a tooth. But whether a change be made for better or for worse, all depends upon the individual.

Gugugol ng mga taon sa paaralan ng tao upang matutuo ng salita, ngunit sa paaralan ng Diyos ito ay kayang maganap sa isang iglap lamang. Kaya Niyang tanggalin ang isang wika sa utak ng tao at taniman ng panibago at ganundin baguhan ang hitsura ng muka at kulay ng balat. Oo, lahat ng ito ay kayang gawin ng Diyos ng mabilisan higit pa sa pagbunot ng ngipin ng isang dentista. Ngunit kung ang pagbabagong gagawin ay para sa ikabubuti o ikasasama ay nakadepende sa indibidwal. 

Friday - April 29

Further Study

“Here they decided to build a city, and in it a tower of such stupendous height as should render it the wonder of the world. These enterprises were designed to prevent the people from scattering abroad in colonies. God had directed men to disperse throughout the earth, to replenish and subdue it; but these Babel builders determined to keep their community united in one body, and to find a monarchy that should eventually embrace the whole earth. Thus, their city would become the metropolis of a universal empire; its glory would command the admiration and homage of the world and render the founders illustrious. The magnificent tower, reaching to the heavens, was intended to stand as a monument of the power and wisdom of its builders, perpetuating their fame to the latest generations.” PP 118.5

“At dito ay pinili nilang magtayo ng isang bayan at ng isang moog na may kamangha-manghang taas. Ito ay nakadisenyo upang ang bayan ay hindi mangalat sa ibabaw ng lupa ng pulo-pulo. Inutusan ng Diyos ang tao na mangalat sa lupain at upang magpakarami; ngunit ang mga nagtatayo sa Babel na ito ay determinado na panatilihing magkakasama ang bayan at upang makahanap ng monarkiya na yayakap sa buong mundo. Sa gayon ang kanilang bayan ay magiging kabisera ng kaharian sa mundo at magkakaroon ng paghanga at pagpupugay sa luwalhati nito at ang mga gumawa ay magiging tanyag. Ang kamangha-manghang tore na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit ay nilayon nila na maging sagisag ng kapangyarihan at kapantasan ng mga nagtayo nito at ang kanilang katanyagan ay kilalanin ng mga susunod na henersayon.” PP 118.5

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org