The Creation

Liksyon 2, Ikalawang Semestre Marso 26-Abril 1, 2022 Ang Paglalang

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - March 26

Memory Text:

“In the beginning God created the heaven and the earth.” KJV — Genesis 1:1

“Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.” KJV — Genesis 1:1


The only safe way to build is with Truth sent from the throne of God. This is how Moses, the prophets, and the apostles built, and this is how we must build. Moses, for example, founded his structure of Truth on the solid rock of creation, the Genesis, on the work of Him Who created the worlds (Heb. 1:1). The prophets after him, also the apostles, continued building on the same foundation, not on the theories of the priests and rabbis, the so-called religious educators of that day. And that is why their structure of Truth stands today firmer than ever before.

Ang tanging ligtas na paraan upang matatatag ay sa pamamagitan ng Katotohanan na mula sa trono ng Diyos. Ganito rin kung paanong si Moses, ang mga propeta at maging ang mga alagad ay natatag at ganito rin naman sa atin. Si Moses, bilang halimbawa ay nagtatag ng istraktura ng Katotohanan batay sa matibay na bato ng paglalang, sa Genesis, sa gawain Niya na naglalalang sa mundo (Heb 1:1). Ang mga sumunod na propeta, gayundin ang mga alagad ay mga nagsipagtatag sa ganoon ding pundasyon, at hindi sa teorya ng mga pari at rabi, na tinaguriang mga tagapagturo sa panahong yaon. At ito ang dahilan kaya ang kanilang Katotohanan ay natatag ng higit na mabuti. 

Sunday - March 27

The God of Creation

Psalm 100:1-3

What is the human response to the God of Creation, and why?

Ano ang naging tugon ng tao sa ginawang paglalang ng Diyos at bakit?

In His own image God created Adam, and gave him sovereign "dominion over the fish of the sea, and over the fowl of the air, and over the cattle, and over all the earth, and over every creeping thing that creepeth upon the earth." Gen. 1:26.

Si Adan ay nilalang sa larawan ng Diyos at binigyan ng “kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.” Gen. 1:26. 

Accordingly, as He made Adam the king of earth's first dominion, and all living creatures the subjects thereof, Adam's natural ability to rule them, and their natural submission to him, show that all creation, man and beast, fowl and creeping things, were divinely influenced or endowed--inspired. So when Adam reviewed the whole animal creation as it passed before him, he spent no time in studying the nature of the creatures in order to identify them, but instantaneously gave every species its name; they, in turn, immediately recognized him as their king. This Super-intelligence (such as is vouch-safe in Matthew 10:19) clearly shows that all creation was influenced by a power above and beyond its own. In short, both Adam's and the animals' understanding, came by Inspiration. Inspiration, accordingly, is not limited in Its manifestations, to man alone.

Alinsunod sa pagkatalaga ni Adan bilang hari at tagapanguna sa lupa. Ang lahat ng may buhay ay magpapasakop sa kanya at si Adan ay mayroon ding likas na kakayahang mamuno sa kanila at ang kanilang likas na pagpapasakop ay nagpapakita na ang lahat ng nilalang, tao at hayop, ang ibon man o ang mga nagsisiusad sa ibabaw ng lupa ay pareparehong nasa ilalim ng makalangit na impluwensya. Kaya ng suriin ni Adan ang buong nilalang na mga hayop ay hindi na niya kinailangang aralin pa ang bawat isa at sa halip ay nagawa nya agad na pangalanan ang bawat uri; at kanila namang agad na kinilala siya bilang kanilang hari. Ang naiibang katalinuhang ito (gaya ng binabanggit sa Mateo 10:19) ay malinaw na nagpapakita na ang lahat ng nilalang ay naiimpluwensyahan ng kapangyarihan buhat sa itaas. Samakatuwid, ang mga pagkaunawa ni Adan at ng mga hayop ay galing sa Inspirasyon. Ang pagpapahayag ng Inspirasyon ay hindi limitado sa tao lamang. 

Monday - March 28

The Creation

Genesis 1:4, 10, 12, 18, 21, 25, 31; 2;1-3

What is the significance of the refrain “it was good” in the first Creation account? What is the implied lesson contained in the conclusion of Creation?

Ano ang kahalagahan ng sinabing “ito’y nakita na mabuti” sa unang paglalang? At ano ang itinuturo sa pagtatapos ng paglalang?

“God created the seed, as He created the earth, by His word. By His word He gave it power to grow and multiply. He said, “Let the earth bring forth grass, the herb yielding seed, and the fruit tree yielding fruit after his kind, whose seed is in itself, upon the earth; and it was so ... and God saw that it was good.” Genesis 1:11, 12. It is that word which still causes the seed to grow. Every seed that sends up its green blade to the sunlight declares the wonder-working power of that word uttered by Him who “spake, and it was”; who “commanded, and it stood fast.” Psalm 33:9. COL 80.2

Nilalang ng Diyos ang binhi gaya ng paglalang Niya sa mundo sa pamamagitan ng salita. Sa Kanyang salita ay binigyan ito ng kapangyarihang lumago at dumami. “At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon…at nakita ng Dios na mabuti.” Genesis 1:11, 12. Ito ang salitang patuloy na nagpapalago sa binhi. Ang bawat binhi na sumisibol ay nagpapakita ng kamangha-manghang kapangyarihan ng salita na Kanyang “sinalita at nangyari, siya'y nagutos, at tumayong matatag”. Psalm 33:9. COL 80.2

“Christ taught His disciples to pray “Give us this day our daily bread.” And pointing to the flowers He gave them the assurance, “If God so clothe the grass of the field, ... shall He not much more clothe you?” Matthew 6:11, 30. Christ is constantly working to answer this prayer, and to make good this assurance. There is an invisible power constantly at work as man's servant to feed and to clothe him. Many agencies our Lord employs to make the seed, apparently thrown away, a living plant. And He supplies in due proportion all that is required to perfect the harvest. In the beautiful words of the psalmist:” COL 81.1

Tinuruan ni Cristo ang mga alagad na manalangin “ Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.” At sa pagturo sa mga bulaklak, Siya’y nagbigay katiyakan, “kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang… hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya?” Matthew 6:11, 30. Patuloy na gumagawa si Cristo upang tugunan ang panalanging ito at upang magbigay ng mabuting katiyakan. May hindi nakikitang kapangyarihan na patuloy na gumagawa bilang lingkod ng tao upang siya’y pakainin at ramtan. Maraming ahensyang ginagamit ang Diyos upang ang binhi, na nahasik, ay maging buhay na halaman. At Kanyang tinutustusan sangayon sa pangangailan upang lumago at maging perpekto sa anihan. Ang mabuting salita sa mga awit.” COL 81.1

Tuesday - March 29

The Sabbath

Genesis 2:2, 3, Exodus 20:8-11

Why is the seventh-day Sabbath related to Creation? How does this connection impact how we keep the Sabbath?

Bakit nauugnay ang ika-pitong araw ng Sabbath sa paglalang? Paano nakakaapekto ang ugnayan ito sa ating pangingilin ng Sabbath?

God rested the seventh day because His creative work was finished, but man's work was not yet done. Man's work in reality started where God's sole creative work ended. Therefore, man joins the Lord in resting on the Sabbath day in commemoration of the completion of the Lord's work, but the rest that is to be man's will be given him when his part of the work is finished. When the gospel work has replenished the earth with born-again people, then probation will cease and our work will be ended. Then will we enter into our rest, the rest Paul is speaking about.

Ang Diyos ay namahinga sa ika-pitong araw sapagkat ang Kanyang ginawang paglalang ay tapos na, samantalang ang gawain ng tao ay hindi pa. Sa katotohanan, ang gawain ng tao ay nagpasimula sa pagtatapos ng ginawang paglalang ng Diyos. At ang tao ay nakisama sa Diyos na namahinga sa ika-pitong araw bilang paggunita sa pagtatapos ng gawain ng Diyos ngunit ang kapahingahang para sa tao ay maibibigay lamang sa kanya kapag nagtapos na ang kaniyang gawain. Kung matapos na ang gawain ng ebanghelyo na punuin ang lupa ng mga taong pinanganak na maguli ay magsasara na ang probasyon at ang gawain ay magtatapos. At pagkagayon ay papasok na tayo sa kapahingahang binabanggit ni Pablo. 

"There remaineth therefore a rest to the people of God." Heb. 4:9.

“May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.” Heb 4:9.

If we are the people with the last message, then we must be the ones who are to be among the first to enter into that rest. Since rest comes when one's work is done, it is only when we have done our work that we can have rest. What is our work? the work we must perform before we may have rest?

Kung tayo nga ang bayan na nagdadala ng huling mensahe tayo din ay mapapabilang sa mga unang papasok sa kapahingahan. Dahil ang kapahingahan ay sumasapit lamang sa pagtatapos ng gawain, tayo ay makakapasok lamang dito kapag natapos na natin ang ating mga kani-kaniyang gawain. Ano ang ating gawain? Ang ang dapat nating tapusin bago magpahinga? 

Wednesday - March 30

The Creation of Humanity

Genesis 1:26-29; 2:7

What is the connection between “image” and “likeness” in regard to the creation of humanity? 

Ano ang ugnayan sa pagitan ng “larawang” at “wangis” ukol sa paglalang sa sangkatauhan?

“In that day shall the LORD defend the inhabitants of Jerusalem; and he that is feeble among them at that day shall be as David; and the house of David shall be as God, as the angel of the LORD before them.” KJV — Zechariah 12:8

“Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila.” KJV — Zechariah 12:8

Now, that we might know what it means to be “as God,” we must study what God is like. At the outset He did not only create and abundantly fill the earth with every good thing for His creatures, but He also planted a garden (home) for the man. Thus He made a model home for all human beings who were to live thereafter. He taught Adam how to keep the home and how to dress the garden. He taught him to speak and to discern the nature between one beast and another, to name them accordingly. God endowed man with knowledge and life in order to make him happy, and useful in making the world what it ought to be. Even after the holy pair fell in sin God was still interestedin them as He was before – so much so, in fact, that He immediately began to teach them how to redeem themselves, and to return to their eternal home. From that day to this He thus continued to teach the human family.

Ngayon naman upang malaman kung paano maging “katulad ng Diyos” ay kailangan nating saliksikin ang Kanyang pagka-Diyos. Sa pasimula, hindi lamang Niya pinuno ang lupa ng mga mabubuting bagay para sa Kaniyang mga nilalang kundi nagtayo din siya ng hardin (tahanan) para sa tao. Siya ay nagtalaga ng bahay na magiging halimbawa para sa lahat ng nilalang na mananahan doon. Tinuruan Niya si Adan kung paano panatilihin ang kaayusan sa tahanan at sa hardin. Tinuruan siyang magsalita at maunawaan ang likas ng bawat hayop at magbigay ng pangalan na angkop sa kanila. Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kaalaman at buhay upang bigyan siya ng kaligayahan at kapakinabangan. Kahit pa matapos na mahulog ang tao sa kasalanan ay nanatiling interesado ang Diyos sa kanila tulad sa pasimula – at mabilis na tinuruan sila kung paano nila maililigtas ang kanilang mga sarili at makapanumbalik sa kanilang panghabambuhay na tahanan. Mula sa araw na iyon hanggang sa ngayon ay patuloy Niyang tinuturuan ang tao. 

Thursday - March 31

The Duty of Humanity

Genesis 2:15-17

What is man’s duty toward creation and toward God? How do these two duties relate to each other?

Ano ang tungkulin ng tao ukol sa paglalang at sa Diyos? At ano ang ugnayan sa mga tungkuling ito?

Gen. 1:27, 28 -- "So God created man in His own image, in the image of God created He him; male and female created He them. And God blessed them, and God said unto them, Be fruitful, and multiply, and replenish the earth, and subdue it: and have dominion over the fish of the sea, and over the fowl of the air, and over every living thing that moveth upon the earth." 

Gen. 1:27, 28 -- "At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.”

This was the work God gave man to do. He created the earth to be inhabited. It was the duty of Adam and Eve to replenish the earth with saints and to bare rule over all the earth. Obviously this work has not yet been finished, for not all on earth is yet under subjection to man as God intended. The earth was originally created and provided with righteous people, but because Adam sinned all his children were born in sin. Had our first parents been faithful there would have been only righteous inhabitants. Since all born of Adam are sinners, there is therefore need for all to be born again. Then because sin entered all man's work is multiplied, for the additional labor to bring salvation by preaching the Word became necessary.

Ito ang gawaing ibinigay ng Diyos sa tao. Nilalang Niya ang mundo upang panirahan. Sila Adan at Eva ay inatasan na punuin ang lupa ng mga banal at pamunuan ang kalupaan. Malinaw na ang gawaing ito ay hindi pa natapos hanggang ngayon sapagkat hindi pa nagpapasakop ang lahat ng nasa mundo sa pamumuno ng tao gaya ng ninais ng Diyos. Ang mundo ay nilalang sa pasimula upang panirahan ng mga matutuwid na tao ngunit dahil nahulog sa pagkakasala si Adan ang lahat ng kaniyang naging supling ay ipinanganak sa kasalanan. Kung naging tapat lamang ang ating unang mga magulang ay tanging mga matutuwid lamang ang maninirahan sa lupa. Dahil nga lahat ng anak ni Adan ay makasalanan ay kinakailangan ng lahat na maipanganak na maguli. At dahil sa pagpasok ng kasalanan ang gawaing inatas sa tao ay dumami at nadagdagan pa dahil kinakailangang maipabalita ang Salita upang makamit ang kaligtasan. 

Friday - April 1

Further Study

The Lord has given me a view of other worlds. Wings were given me, and an angel attended me from the city to a place that was bright and glorious. The grass of the place was living green, and the birds there warbled a sweet song. The inhabitants of the place were of all sizes; they were noble, majestic, and lovely. They bore the express image of Jesus, and their countenances beamed with holy joy, expressive of the freedom and happiness of the place. I asked one of them why they were so much more lovely than those on the earth. The reply was, “We have lived in strict obedience to the commandments of God, and have not fallen by disobedience, like those on the earth.” ... I begged of my attending angel to let me remain in that place. I could not bear the thought of coming back to this dark world again. Then the angel said, “You must go back, and if you are faithful, you, with the 144,000, shall have the privilege of visiting all the worlds and viewing the handiwork of God.” AH 543.2

Pinakita ng Diyos sa akin ang tanawin sa ibang mga mundo. Binigyan ako ng pakpak at sinamahan ako ng anghel buhat sa bayan tungo sa lugar na maliwanag at maluwalhati. Ang damo ng lugar na yaon ay buhay na berde at ang mga ibon ay nagaawitan ng matatamis na awitin. Ang mga nananahan sa lugar ay may iba’t ibang sukat, sila ay marangal, marilag at kaibig-ibig. Kanilang tinataglay ang larawan ni Jesus at ang bukas ng kanilang mga mukha ay nasisinagan ng banal na kaligayahan, na nagpapahiwatig ng kalayaan at katuwaan sa lugar. Tinanong ko ang isa sa kanila kung bakit higit silang kaibig-ibig kaysa mga nasa lupa. At ang tugon, “ Kami ay namuhay ng may mahigpit na pagsunod sa utos ng Diyos, at hindi nahulog sa kasalanan, di gaya ng nasa mundo.”… Nagsumamo ako sa aking kasamang anghel na panatilihin ako sa lugar na iyon. Hindi ko na nais pang bumalik muli sa madilim na mundo. At sabi ng anghel, “ Kailangan mong bumalik, at kung ikaw ay tapat, ikaw, kasama ang 144,000, ay magkakaroon ng pribilehiyo na bumisita sa iba’t ibang mundo at mamamasdan ninyo ang naging gawa ng mga kamay ng Diyos.” AH 543.2

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@threeangelsherald.org