“Beloved, think it not strange concerning the fiery trial which is to try you, as though some strange thing happened unto you: But rejoice, inasmuch as ye are partakers of Christ’s sufferings; that, when his glory shall be revealed, ye may be glad also with exceeding joy. KJV — 1Peter 4:12, 13
“Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay: Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.” KJV — 1Peter 4:12, 13
“Heaven will be cheap enough, if we obtain it through suffering. We must deny self all along the way, die to self daily, let Jesus alone appear, and keep His glory continually in view. I saw that those who of late have embraced the truth would have to know what it is to suffer for Christ's sake, that they would have trials to pass through that would be keen and cutting, in order that they may be purified and fitted through suffering to receive the seal of the living God, pass through the time of trouble, see the King in His beauty, and dwell in the presence of God and of pure, holy angels.” EW 67.1
“Ang langit ay mura ngang sapat, kung ito ay makakamit natin sa pamamagitan ng pagdurusa. Dapat nating itanggi ang ating sarili, mamatay sa ating sarili, at hayaang si Jesus lamang ang makita at panatilihing nakikita ang Kaniyang kaluwalhatian. Nakita ko na yaong mga tumanggap sa katotohanan kamakailan ay kinakailangang malaman kung paano magdusa alang-alang kay Cristo, at sila ay dadanas ng matitinding pagsubok upang sila ay madalisay at maging karapatdapat na makatanggap ng selyo ng buhay na Diyos, at dadanas din ng matinding kabagabagan upang makita ang Hari sa Kaniyang kariktan at makapanahan sa presensya ng Diyos at ng mga dalisay at banal na anghel.” EW 67.1
What is Peter’s message?
Ano ang mensahe ni Pedro?
The night is approaching and the shadows of the dark ages are beginning to fall upon God's people, when "all that will live godly in Christ Jesus shall suffer persecution" (2 Tim. 3:12). The time is nigh upon us of which prophecy says: "The dragon was wroth with the woman, and went to make war with the remnant (the 144,000) of her seed, which keep the commandments of God, and have the testimony of Jesus Christ." (Rev. 12:17.) But we "reckon that the sufferings of this present time are not worthy to be compared with the glory which shall be revealed in us." (Rom. 8:18.)
Ang gabi ay paparating na at ang anino ng ‘dark ages’ ay malapit ng sumapit sa bayan ng Diyos, kung kailan ang “lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig”. (2 Tim. 3:12). Ang oras ay malapit na sa atin kung saan sinasabi ng propesiya: “At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi (144,000) sa kaniyang binhi , na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus.” (Rev. 12:17.) “Sapagka't napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.” (Rom. 8:18.)
"For our light affliction, which is but for a moment, worketh for us a far more exceeding and eternal weight of glory." (2 Cor. 4:17.)
“Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” ." (2 Cor. 4:17.)
Therefore "beloved, think it not strange concerning the fiery trial which is to try you, as though some strange thing happened unto you: but rejoice, inasmuch as ye are partakers of Christ's sufferings; that, when His glory shall be revealed, ye may be glad also with exceeding joy. If ye be reproached for the name of Christ, happy are ye; for the Spirit of glory and of God resteth upon you: on their part He is evil spoken of, but on your part He is glorified.... For the time is come that judgment must begin at the house of God." (1 Pet. 4:12-14, 17.)
“Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay: Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak. Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo…Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” (1 Pet. 4:12-14, 17.)
"Humble yourselves therefore under the mighty hand of God, that He may exalt you in due time: casting all your care upon Him; for He careth for you. Be sober, be vigilant; because your adversary the devil, as a roaring lion, walketh about, seeking whom he may devour: whom resist stedfast in the faith, knowing that the same afflictions are accomplished in your brethren that are in the world. But the God of all grace, Who hath called us unto His eternal glory by Christ Jesus, after that ye have suffered a while, make you perfect, stablish, strengthen, settle you. To Him be glory and dominion for ever and ever. Amen." (1 Pet. 5:6-11.)
“Kaya't kayo'y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y kaniyang itaas sa kapanahunan; Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya. Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.” (1 Pet. 5:6-11.)
What’s the message there for us? How should Christians react to Satan’s prowling? What does God promise to do for those who are suffering?
Ano ang mensahe para sa atin? Paano ang dapat gawin ng mga kristiyano sa pagali-aligid ni Satanas? Ano ang ipinangako ng Diyos na Kaniyang gagawin para sa mga nagdudusa?
The old devil well knows that this is the last message the world will ever receive and that it will chain him for a thousand years and at last reduce his being down to ashes as though he never was. Therefore, he is like a “roaring lion seeking whom he may devour." Hence, because we can not be too cautious of his snares or too particular in following "the Lamb whither-soever He goeth," I am sending this warning.
Batid ng matandang diablo na ito na nga ang huling mensage na matatanggap ng mundo at ito ang magtatanikala sa kaniya ng isang libong taon at magtutupok sa kaniya hanggang sa maging abo. Kaya naman “gaya ng leong umuungal, ay gumagala siya na humahanap ng masisila niya.” Kaya naman, dahil hindi tayo maingat sa kaniyang mga silo at masyadong partikular sa “pagsunod sa Cordero saan man siya pumaroon.” Tayo ay binibigyang babala:
The apostle's council, "Wherefore let him that thinketh he standeth take heed lest he fall," shows that we who have the message and full assurance to receive "the seal of God" and to live forever are in the same danger as the ancient Jews who, for being the direct descendants of Abraham and perfectly satisfied that the promise was theirs, were found off guard and lost the kingdom! Having their example before us we should be wide awake lest we, too, be devoured by the old roaring dragon.
Ang payo ng alagad na, “Kaya't ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal,” ay nagpapakita na tayong mga nagdadala ng mensahe at may katiyakang makatanggap ng “selyo ng Diyos” at makakapamuhay magpakailanman ay nasa katulad na panganib pa din gaya ng mga sinauang Hudyo, na sila bilang mga direktang lahi na sumunod kay Abraham at nagtataglay ng perpektong kasiyahan sa pangako na ipinagkaloob sa kanila, ay nawaglit at nawala sa ipinangakong kaharian! Sa pagkaalam sa kanilang mga naging karanasan, dapat nga tayong mangagpuyat upang hindi tayo masilo ng umuungal na matandang dragon.
"Those who are watching for the Lord, are purifying their souls by obedience to the truth." "The Desire of Ages," p. 634.
“Yaong mga nagbabantay sa Diyos, ay nagdadalisay sa kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan.” The Desire of Ages," p. 634.
The Master commanded us to "watch and pray." We may have the theory of the message so perfect that our hearers are made enthusiastic by our large knowledge of the Scriptures, but does that indicate that we are watching "in all things," enduring "afflictions," doing "the work of an evangelist," and making "full proof of our "ministry" as the apostle Paul exhorts us to do (see 2 Tim. 4:5): or praying, as the Master gave command for us to do? The wisest man who ever lived, wrote, by Inspiration, that "the fear of the Lord is the beginning of knowledge."
Tayo ay inutusan ng Panginoon na “mangagpuyat at magsipanalangin”. Maaaring mayroon tayong perpektong teorya ukol sa mensahe na siyang nagpapagalak sa ating mga puso sa pamamagitan ng malawak na kaalaman sa Kasulatan, ngunit nangangahulugan ba ito na tayo ay nagpipigil sa ‘lahat ng mga bagay’, nagtitiis ng mga ‘kahirapan’, gumagawa ng gawa ng evangelista, at gumaganap sa iyong ministerio’ gaya ng ipinapayo ni Pablo sa 2 Tim 4:5: o nananalangin gaya ng iniutos ng Panginoon? Ang pinakamatalinong tao na nabuhay ay nagsulat sa pamamagitan ng Inspirasyon na “ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan.”
What is the wrath of God? What are the consequences of Sin?
Ano ang poot ng Diyos? Ano ang kahihinatnan ng kasalanan?
“…I saw that the anger of the nations, the wrath of God, and the time to judge the dead were separate and distinct, one following the other, also that Michael had not stood up, and that the time of trouble, such as never was, had not yet commenced...” EW 36.1
“…Nakita ko na ang galit ng mga bansa, ang poot ng Diyos at ang panahon ng paghatol sa mga patay ay magkakaiba at hiwalay na pangyayari, na magkakasunud-sunod, at si Miguel ay hindi pa tumatayo at ang panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa ay hindi pa nagpapasimula…” EW 36.1
In the above quotation there are four subjects brought to view; namely, "The judgment of the dead", "The anger of the nations"; "The wrath of God"; and that "The time of trouble such as never was had not yet commenced."
Sa nabanggit sa itaas, may apat na suheto na tinatalakay: Ang ‘paghatol sa mga patay’, ang ‘galit ng mga bansa’, ang ‘poot ng Diyos’ at ang ‘panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa’ na hindi pa nagsisimula.”
The first three events, according to the vision, occupy three separate and distinct periods of time -- one following the other; however, the time of trouble, in harmony with the vision, could take place during any of the three periods of time above mentioned.
Ang unang tatlong kaganapan, sangayon sa pangitain, ay tatlong magkakahiwalay at magkakaibang pangyayari –na magkakasunud-sunod, gayunpaman, ang panahon ng kabagabagan, sa pakikiayon sa pangitain, ay maaaring maganap sa anumang yugto ng tatlong kaganapang ito.
"The wrath of God" is in the seven last plagues (Rev. 15:1) which, as understood, occupies the period between the close of probation and the second coming of Christ. As the judgment of the dead covers the period from 1844 to the commencement of the judgment of the living, and as the wrath of God falls in the period from the close of probation to the second coming of Christ, it is evident that the anger of the nations must occupy the time of the judgment of the living -- during the Loud Cry of the Third Angel's Message.
“Ang poot ng Diyos” ay nasa pitong huling salot (Rev 15:1) na sa pagkaunawa ay magaganap sa yugto ng pagsasara ng pinto ng probasyon at sa ikalawang pagparito ni Cristo. Samantala, ang paghatol sa mga patay ay nakapaloob sa panahon mula 1844 hanggang sa pasimula ng paghatol sa mga buhay at ang poot ng Diyos ay sasapit sa yugto ng pagsasara ng probasyon hanggang sa pangalawang pagparito ni Cristo, makikita na ang galit ng mga bansa ay magaganap sa panahon ng paghatol sa mga buhay – sa panahon ng Loud Cry o pagiyak sa malakas na tinig sa mensahe ng ikatlong anghel.
A certain man dreamed that a horse killed him by kicking him. To safeguard his life he ever after kept his distance from all horses. Nevertheless, one windy day as he was walking down a street, he passed a blacksmith’s establishment in front of which was hanging a sign with a horseshoe painted on it. The sign suddenly fell on his head and he died from the impact.
May isang lalaki na nanaginip na may isang kabayong pumatay sa kaniya sa pamamagitan ng pagtadyak sa kaniya. Upang ingatan ang kaniyang buhay ay pinanatili niya ang distansya sa mga kabayo. Gayunpaman, sa isang mahanging araw samantalang siya ay naglalakad ay may nadaanan siyang establisyemento na nagpapanday at sa harap noon ay may karatula ng sapatos ng kabayo. Ang karatula ay biglang nahulog sa kaniyang ulo na kaniyang ikinamatay.
We can no more avoid the consequences of sin and of isolation from God, than could the dreamer avoid death by dodging it. We never know what the day will bring forth, and we cannot afford to isolate ourselves from God even for a moment. Neither can we say definitely that we will or will not do this, that, or the other.
Hindi na nga natin maiiwasan ang bunga ng kasalanan at ng paghiwalay sa Diyos gaya ng nangyari sa lalaking ito. Hindi natin alam kung ano ang magaganap sa araw na ito at hindi natin maaaring hayaang mahiwalay tayo sa Diyos isang saglit man. Hindi din natin masasabi ng may katiyakan na ito ay gagawin natin o hindi.
What has been your own experience with the pains involved in the purification process?
Anong mga hirap ang iyong naranasan sa proseso ng pagdadalisay?
“Says the prophet: “Who may abide the day of His coming? and who shall stand when He appeareth? for He is like a refiner's fire, and like fullers’ soap: and He shall sit as a refiner and purifier of silver: and He shall purify the sons of Levi, and purge them as gold and silver, that they may offer unto the Lord an offering in righteousness.” Malachi 3:2, 3. Those who are living upon the earth when the intercession of Christ shall cease in the sanctuary above are to stand in the sight of a holy God without a mediator. Their robes must be spotless, their characters must be purified from sin by the blood of sprinkling. Through the grace of God and their own diligent effort they must be conquerors in the battle with evil. While the investigative judgment is going forward in heaven, while the sins of penitent believers are being removed from the sanctuary, there is to be a special work of purification, of putting away of sin, among God's people upon earth. This work is more clearly presented in the messages of Revelation 14. GC 425.1
Sabi ng propeta: “Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi: At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran. Malachi 3:2, 3 Yaong mga nabubuhay sa lupa sa panahon na ang pamamagitan ni Cristo ay huminto sa santuario sa itaas ay titinding sa harapan ng banal na Diyos ng walang tagapamagitan. Ang kanilang mga balabal ay dapat walang bahid, ang kanilang karakter ay madalisay buhat sa kasalanan sa pamamagitan ng dugong pangwisik. Sa pamamagitan ng biyaya at ng kanilang sariling kasigasigan, sila ay dapat makapanagumpay sa tungglian laban sa kasamaan. Samantalang ang ‘investigative judgment’ ay nagaganap sa langit, at ang kasalanan ng mga nagsisising mananampalataya ay nawawaksi sa santuario, ay mayroon ngang espesyal na gawain ng pagdadalisay, ng pagaalis ng sala, sa bayan ng Diyos dito sa lupa. Ang gawaing ito ay mas malinaw na naihayag sa Rev 14. GC 425.1
“When this work shall have been accomplished, the followers of Christ will be ready for His appearing. “Then shall the offering of Judah and Jerusalem be pleasant unto the Lord, as in the days of old, and as in former years.” Malachi 3:4. Then the church which our Lord at His coming is to receive to Himself will be a “glorious church, not having spot, or wrinkle, or any such thing.” Ephesians 5:27. Then she will look “forth as the morning, fair as the moon, clear as the sun, and terrible as an army with banners.” Song of Solomon 6:10.” GC 425.2
“Kapag ang gawaing ito ay naganap na, ang mga tagasunod ni Cristo ay mahahanda na sa Kaniyang pagparito. “Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.” Malachi 3:4. At ang iglesia na sa panahong ng pangalawang pagparito ng Diyos ay tatanggap sa Kaniyang sarili ay magiging “walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay.” Ephesians 5:27. At siya ay “tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat.” Song of Solomon 6:10.” GC 425.2
“‘Help, Lord; for the godly man ceaseth; for the faithful fail from among the children of men.’ I know that many think far too favorably of the present time. These ease-loving souls will be engulfed in the general ruin. Yet we do not despair. We have been inclined to think that where there are no faithful ministers there can be no true Christians, but this is not the case. God has promised that where the shepherds are not true He will take charge of the flock Himself. God has never made the flock wholly dependent upon human instrumentalities. But the days of purification of the church are hastening on apace. God will have a people pure and true. In the mighty sifting soon to take place we shall be better able to measure the strength of Israel. The signs reveal that the time is near when the Lord will manifest that His fan is in His hand, and He will thoroughly purge His floor.” 5T 79.4
“Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay nalilipol; sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.” Batid kong marami ang nagiisip ng lubhang positibo sa panahong kasalukuyan. Ngunit ang mga maibigin sa kaginhawahan ay lalamunin sa pangkalahatang pagkawasak. Gayunpaman, hindi dapat mawalan ng pag-asa. Maaaring ating isipin na kung saan walang tapat na ministro ay wala ding tunay na kristiyano, ngunit hindi ito ang katotohanan. Ipinangako ng Diyos na kung may mga hindi tunay na pastor ay Siya na mismo ang mangangasiwa sa kawan. Hindi kailanman ginawa ng Diyos na nakadepende ang kawan sa tao. Ngunit ang araw ng pagdadalisay sa iglesia ay nagmamadali. Ang Diyos ay magkakaroon ng bayan na dalisay at tunay. Sa dakilang pagliliglig na malapit ng dumating ay ating mas mauunawaan ang lakas ng Israel. Ang mga tanda ay nagpapakita na ang panahon ay malapit na kung kailan “nasa kamay na ng Diyos ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan.” 5T 79.4
“Page after page might be written in regard to these things. Whole conferences are becoming leavened with the same perverted principles. “For the rich men thereof are full of violence, and the inhabitants thereof have spoken lies, and their tongue is deceitful in their mouth.” The Lord will work to purify His church. I tell you in truth, the Lord is about to turn and overturn in the institutions [See Appendix.] called by His name.” TM 372.4
Maraming mga pahina ang maaaring naisulat ukol sa mga bagay na ito. Ang buong komperensya ay nalalaganapan na ng mga baluktot na prinsipyo. “Sapagka't ang mga mayaman niyaon ay puno ng pangdadahas, at ang mga mananahan doo'y nangagsalita ng mga kabulaanan, at ang kanilang dila ay magdaraya sa kanilang bibig.” Ang Diyos ay gagawa upang dalisayin ang Kaniyang iglesia. Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, ang Diyos ay liliko at ititiwarik sa mga institusyon na natatawag sa Kaniyang ngalan.” TM 372.4
What do you think Paul meant by “given me”?
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ni Pablo sa sinabi niyang ‘ibinigay sa akin’?
“If it was necessary that Paul should have a thorn in the flesh, the messenger of Satan, to buffet him, lest he become exalted through the abundance of revelations with which he was favored, it is a reasonable conclusion that all who seek to walk with God, and share all the spiritual blessings of the Christian age, are also in danger of exaltation and the wiles of the devil. If he can push one such to extremes and fanaticism, he disgraces the vital part of Christianity, and gains a greater victory than in holding a hundred souls in cold formality. The history of Luther, the Wesleys, and others, who by the power of a living faith led the church from the dark shades of error and formality to a clearer light, proves the necessity of the mind's being well balanced with caution. And he who sees no need of caution here is not far from some delusive snare of Satan. But in walking softly and humbly before God, in strict watchfulness and fervent prayer to be kept by the power of God from the wiles of Satan, there is safety. God has great blessings in store for his people, and will bestow them as fast as they can make a right use of them to their good, and his glory. Amen.” 3SG 31.2
Kung kinakailangang magkaroon si Pablo ng tinik sa laman, ang mensahero ni Satanas na tampalin siya, upang siya’y h’wag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag kung saan siya ay pinaboran, ito ay isang makatwirang konklusyon na ang lahat ng nagnanais na lumakad kasama ng Diyos at makibahagi sa mga espiritwal na pagpapala ng Kristiyano ay nasa panganib din ng pagmamataas at panlilinlang ng diyablo. Kung kaya niyang itulak ang isa sa mga sukdulan at panatisismo, hinahamak niya ang mahalagang bahagi ng krityanismo at nakakamit ang isang maas malaking tagumpay kaysa sa paghawak ng isang daang kaluluwa sa malamig na pormalidad. Ang kasaysayan ni Luther, nila Wesley at ng iba pa na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng isang buhay na pananampalataya ay umakay sa simbahan mula sa madilim na lalim ng kamalian at pormalidad tungo sa isang mas malinaw na liwanag ay nagpapatunay ng pangangailangan ng pagiging maayos ng isip. Sa paglakad nang malumanay at mapagkumbaba sa harap ng Diyos, sa mahigpit na pagbabantay at taimtim na panalangin na ingatan ng kapangyarihan ng Diyos mula sa mga pandaraya ni Satanas, ay mayroong kaligtasan. Ang Diyos ay may malalaking pagpapala na nakalaan para sa kanyang bayan, at ipagkakaloob sa kanila nang mabilis hangga't maaari nilang magamit nang tama ang mga ito para sa kanilang ikabubuti, at sa kanyang kaluwalhatian. Amen." 3SG 312
“When Paul prayed that the thorn in his flesh might be removed, the Lord answered his prayer, not by removing the thorn, but by giving him grace to bear the trial. “My grace,” He said, “is sufficient for thee.” Paul rejoiced at this answer to his prayer, declaring. “Most gladly therefore will I rather glory in my infirmities, that the power of Christ may rest upon me.” When the sick pray for the recovery of health, the Lord does not always answer their prayer in just the way they desire. But even tho they may not be immediately healed, He will give them that which is of far more value,—grace to bear their sickness. ST November 18, 1903, par. 17
Nang ipanalangin ni Pablo na maalis ang tinik sa kanyang laman, sinagot ng Panginoon ang kanyang panalangin, hindi sa pamamagitan ng pag-alis ng tinik ngunit sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng biyaya upang mabata ang pagsubok. "Ang aking biyaya," sabi Niya, "ay sapat na sa iyo. " Nagagalak si Pablo sa sagot na ito sa kanyang panalangin, at nagpahayag: "Kaya't higit sa aking kagalakan, ipagmamalaki ko ang aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay mapasaakin." Kapag ang maysakit ay nananalangin para sa paggaling ng kalusugan, ang Panginoon ay hindi palaging sasagutin ang kanilang panalangin sa paraang nais nila. Ngunit kahit na hindi sila agad gumaling, ibibigay Niya sa kanila ang higit na mahalaga, ang biyaya upang tiisin ang kanilang karamdaman.ST Nobyembre 18, 1903, par. 17
“‘If any of you lack wisdom, let him ask of God, that giveth to all men liberally, and upbraideth not; and it shall be given him. But let him ask in faith, nothing wavering. For he that wavereth is like a wave of the sea, driven with the wind and tossed.’” ST November 18, 1903, par. 18
Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat, at hindi nanunumbat; at ito ay ibibigay sa kanya. Datapuwa't humingi siya nang may pananampalataya, na walang pag-aalinlangan Sapagka't ang nag-aalinlangan ay gaya ng alon ng dagat, na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.'" ST November 18, 1903, par. 18
“When trials arise that seem unexplainable, we should not allow our peace to be spoiled. However unjustly we may be treated, let not passion arise. By indulging a spirit of retaliation we injure ourselves. We destroy our own confidence in God, and grieve the Holy Spirit. There is by our side a witness, a heavenly messenger, who will lift up for us a standard against the enemy. He will shut us in with the bright beams of the Sun of Righteousness. Beyond this Satan cannot penetrate. He cannot pass this shield of holy light.” COL 171.3
Kapag dumarating ang mga pagsubok na tila hindi maipaliwanag, hindi natin dapat hayaang masira ang ating kapayapaan. Gaano man tayo hindi makatarungang tratuhin, huwag hayaang umusbong ang silakbo ng damdamin. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng espiritu ng paghihiganti, sinasaktan natin ang ating sarili. Sinisira natin ang ating sariling pagtitiwala sa Diyos, at pinipighati ang Banal na Espiritu. May isang saksi sa tabi natin, isang makalangit na sugo, na magtataas para sa atin ng isang pamantayan laban sa kaaway. Ikukulong niya tayo sa pamamagitan ng matingkad na sinag ng Araw ng Katuwiran. Higit pa rito ay hindi makakapasok si Satanas. Hindi niya malalampasan itong kalasag ng banal na liwanag." COL 171.3