“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas).” KJV — Efeso 2 :4, 5
“O, hindi ba nauunawaan ng makasalanan na binihisan ni Cristo ang kanyang pagka-Diyos ng sangkatauhan, upang maabot niya ang sangkatauhan? Hindi ba niya nakikita na si Jesus ay namuhay dito upang ang sangkatauhan ay maaaring magkamit ng buhay, at upang walang kaluluwa ang makapasok sa mga pintuan ng kaligayahan maliban kung siya ay sumusunod sa mga batas ng kaharian ng Diyos? Ginawa ni Cristo ang batas ng Diyos na nagbubuklod sa bawat kaluluwa, upang sa pamamagitan ng pagsunod sa banal na mga tuntunin, ang tao ay maibalik sa katapatan sa Diyos. Ang bawat makasalanang nagbalik-loob sa Diyos ay dapat mamuhay ayon sa lahat ng mga utos ng Diyos. Si Jesus ay namuhay ng buhay na puno ng pagtanggi sa sarili at sa paggawa ng may pag-ibig. Ang katotohanan na si Cristo ay nagkatawang-tao at nabuhay kasama ng mga tao ay isang patotoo sa atin na ang Diyos ay kasama natin. Ang Diyos ay naninirahan sa bawat tahanan, nakikinig sa bawat salitang binibigkas, nakikinig sa bawat panalangin na iniaalay, nararamdaman ang kalungkutan at kabiguan ng bawat tao, isinasaalang-alang ang pagtrato na ibinibigay sa ama, ina, kapatid, kaibigan, at kapwa. Nauunawaan niya ang ating mga pangangailangan, at ang kanyang minamahal na Anak ang daluyan ng kanyang pag-ibig, awa, at biyaya upang matugunan ang ating pangangailangan.” ST Abril 11, 1895, par. 6
Basahin ang Efeso 2:1-10. Ano ang pangunahing ideya na ibinibigay sa atin ni Pablo dito tungkol sa ginawa ni Jesus para sa atin?
“At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan, Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba.” RH Marso 31, 1904, par. 7
“Ang espirituwal na kamatayan ang binabanggit dito. Ilan ang mga hindi nabibigyang babala, at bilang resulta ay hindi naniniwala. Sila ay nagpapatuloy ng naaayon sa mundo at sa mga pagnanasa ng kanilang sariling mga pusong walang disiplina, at hindi nasusupil. Namumuhay sila sa kasiyahan at kamunduhan, at kung dumating man ang karamdaman, at abutan sila ng kamatayan, sila ay masusumpungang hindi handa. Hindi sila interesado sa takbuhan para sa buhay na walang hanggan. Hindi nila binibigyang halaga ang labanan laban sa kasalanan, at ang pakikibaka sa mga pamunuan at kapangyarihan. Nangangailangan sila ng liwanag. Hawak sila ni Satanas sa kanyang kapangyarihan, at hindi nila nakikita ang kanilang panganib. Wala silang alam tungkol sa pagpapako sa krus na pumuputol sa buhay ng lahat na naghihiwalay sa kaluluwa kay Cristo. Sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng espiritu na gumagawa sa mga anak ng pagsuway.” RH Marso 31, 1904, par. 8
“Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus.' RH Mayo 10, 1906, par. 3
“Isaalang-alang natin ang representasyon na nais ng Diyos na gawin natin sa harap ng mga anghel at sa harap ng mga tao. Sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang na mga salita, kadalisayan ng mga kilos, maharlikang prinsipyo, ang Kristiyano ay maghahayag kay Cristo. “Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.” Ang mga sumusunod sa mga salitang ito ay magpapakita kung ano ang magagawa ng paniniwala sa katotohanan na ipinarito ni Cristo para sa mga tao." RH Mayo 10, 1906, par. 4
Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa pagsasabi na ang kaniyang mga tagapakinig ay dating “katutubong mga anak ng kagalitan, gaya ng iba pang sangkatauhan” Efe. 2:3?
“Ang ebanghelyo, at ang ebanghelyo lamang ang makapagpapabanal sa kaluluwa. Ginagawa nitong posible na makatanggap tayo ng buhay na naaayon sa buhay ng Diyos. Ito ang talaan na ibinigay sa atin ng Diyos, maging ang buhay na walang hanggan; at ang buhay na iyon ay nasa kanyang Anak. Siya na nakikibahagi sa banal na kalikasan ay makakatakas sa mga katiwalian na nasa mundo sa pamamagitan ng pagnanasa. Ang kanyang pananampalataya kay Cristo bilang Tagapagbigay-Buhay ay nagbibigay sa kanya ng buhay. Ang mga nagpapasakop sa kanilang kalooban sa kalooban ng Diyos ay lalago sa biyaya. Ang pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at nagpapadalisay sa kaluluwa ay magbibigay sa kanila ng masaganang karanasan. Ang mga bunga ng Espiritu ay makikita sa kanilang buhay, at ang kahusayan ng Espiritu ay makikita sa kanilang mga gawa. RH Hulyo 8, 1909, par. 8
“Kapag ang mga may liwanag ay lumakad sa liwanag, nagpapakumbaba sa puso sa harap ng Diyos at araw-araw na umaayon sa kanyang kalooban, kung gayon ang iglesia ay magiging isang karangalan sa layunin ng katotohanan. Sa kanila na nagtataguyod ng mga simulain ng Salita sa lahat ng kanilang sagradong kadalisayan, at gumagawa nang tapat para sa mga kaluluwang napapahamak, ay ilalagay ng Diyos ang kanyang tatak ng pagsang-ayon.” RH Hulyo 8, 1909, par. 9
“Ninais ng apostol na matandaan ng mga sinusulatan niya na dapat nilang ihayag sa kanilang buhay ang maluwalhating pagbabagong ginawa sa kanila ng nagpapabagong biyaya ni Cristo. Sila ay magiging mga ilaw sa mundo, sa pamamagitan ng kanilang dalisay, at pinabanal na mga paguugali na nagbibigay ng impluwensyang sumasalungat sa impluwensya ng mga ahensya ni satanas. Lagi nilang inaalaala ang mga salitang, "Hindi sa inyong sarili." Hindi nila mababago ang kanilang sariling mga puso. At kung sa pamamagitan ng kanilang mga pagsisikap ay maakay ang mga kaluluwa mula sa hanay ni Satanas tungo sa paninindigan para kay Cristo, hindi sila dapat mag-angkin ng anumang papuri para sa pagbabagong ginawa.” RH Mayo 10, 1906, par. 6
Ano ang bahagi ng mga mananampalataya sa muling pagkabuhay, pag-akyat, at kadakilaan ni Cristo? Kailan magaganap ang pakikibahagi na ito? Efe. 2:6, 7
“Kung paanong ibinangon ng Diyos si Cristo mula sa mga patay, upang Siya ay magdala ng buhay at at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio, at sa gayon ay iligtas ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan, gayundin ay ibinangon ni Cristo ang mga nahulog na tao sa espirituwal na buhay, binubuhay sila ng Kanyang buhay, pinupuno ang kanilang pusong ng pag-asa at kagalakan.” RH Marso 31, 1904, par. 12
“Ibinigay ni Cristo ang kanyang sarili para sa pagtubos ng sangkatauhan, upang ang lahat ng manampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang mga taong nagpapasalamat sa dakilang sakripisyong ito ay tumatanggap mula sa Tagapagligtas ng pinakamahalaga sa lahat ng kaloob—isang malinis na puso. Nagkakaroon sila ng karanasan na mas mahalaga kaysa sa ginto o pilak o mamahaling bato. Nakaupo silang magkakasama sa sangkalangitan kay Cristo, tinatamasa ang pakikipag-isa sa kanya ng kagalakan at kapayapaan na siya lamang ang makapagbibigay. Mahal nila siya nang buong puso at isip at kaluluwa at lakas, na napagtatanto na sila ay tinubos ng kaniyang dugo. Ang kanilang espirituwal na pananaw ay hindi nalalabuan ng makamundong patakaran o makamundong layunin. Sila ay kaisa ni Cristo kung paanong siya ay kaisa ng Ama. ” RH Mayo 30, 1907, par. 5
Si Cristo na “siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pag-aari.” ( Tito 2:14 ). Gumawa Siya ng isang lubos na pag-aalay na sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay maabot ng bawat isa ang pamantayan ng pagiging perpekto. Sa mga tumanggap ng Kanyang biyaya at sumusunod sa Kanyang halimbawa ay masusulat ito sa aklat ng buhay, “Buo sa Kanya—na walang dungis o mantsa.” RH Mayo 30, 1907, par. 2
“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo,” ... “who hath blessed us with all spiritual blessings in heavenly places in Christ:” ( Mga Taga Efeso 1:3 ). Ano pa bang mahihiling natin na hindi kasama sa mahabagin at saganang paglalaan na ito para sa atin? Dahil sa merito ni Cristo na nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo. May pribilehiyo tayo na lumapit sa Diyos, na damhin sa kapaligiran ang kanyang presensya.... Maliban na tayo ay nasa presensya ni Cristo tayo ay magkakaroon ng kapayapaan, kalayaan, katapangan, at kapangyarihan.” RH Oktubre 15, 1908, par. 9
Ihambing ang pagpaplano ng Diyos para sa kaligtasan sa Mga Taga Efeso 1:3, 4 sa mga walang hanggang resulta ng planong iyon na inilarawan sa Mga Taga Efeso 2;7 Ano ang mahahalagang elemento at layunin ng “plano ng kaligtasan” ng Diyos?
"Ang agham ng pagtubos ay ang agham ng lahat ng mga agham, ang agham na pag-aaral ng mga anghel at ng lahat ng katalinuhan ng mga hindi nahulog na mundo, ang agham na kumukuha ng atensyon ng ating Panginoon at Tagapagligtas, ang agham na pumapasok sa layunin sa isipan ng Walang-hanggan—“ na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan”, ang agham na magiging pag-aaral ng mga tinubos ng Diyos sa buong walang katapusang mga panahon. Ito ang pinakamataas na pag-aaral kung saan posible para sa tao na makisangkot. Dahil walang ibang pag-aaral na makagagawa nito, ito ay magpapasigla sa isip at sa kaluluwa.... ML 360.2
“Ang tema ng pagtubos ay isang bagay na gustong tingnan ng mga anghel; ito ang magiging agham at ang awit ng mga tinubos sa buong kapanahunan ng kawalang-hanggan. Hindi ba karapat-dapat itong pag-isipang mabuti at pag-aralan ngayon? ... ML 360.3
“Hindi mauubos ang paksa. Ang pag-aaral ng pagkakatawang-tao ni Cristo, ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, at gawaing tagapamagitan ay gagamit ng isipan ng masigasig na mag-aaral hangga't tumatagal ang panahon; at tumitingin sa langit na may di-mabilang na mga taon, siya ay magbubulalas, 'Dakila ang misteryo ng kabanalan.'” ML 360.4
“Sa kawalang-hanggan ay matututuhan natin na, kung natanggap natin ang kaliwanagan na posibleng makamtan dito, ay magbubukas sa ating pang-unawa. Ang mga tema ng pagtubos ay gagamitin ang mga puso at isipan at mga wika ng mga tinubos sa mga walang hanggang panahon. Mauunawaan nila ang mga katotohanang inasam ni Cristo na buksan sa Kanyang mga alagad, ngunit wala silang pananampalataya para unawain. Magpakailanman at magpakailanman ay lilitaw ang mga bagong pananaw sa pagiging perpekto at kaluwalhatian ni Cristo. Sa walang katapusang mga panahon, ang tapat na puno ng sangbahayan ay maglalabas mula sa Kanyang mga kayamanan ng mga bagay na bago at luma.” ST Abril 18, 1906, par. 7
Dahil ang Diyos ay walang hanggan, at nasa Kanya ang lahat ng kayamanan ng karunungan, maaari tayong maghanap, matuto tungo sa walang hanggan, ngunit hindi kailanman mauubos ang kayamanan ng Kanyang karunungan, ng Kanyang kabutihan, o Kanyang kapangyarihan. ST Abril 25, 1906, par. 7
Basahin muli ang Efeso 2:1-10, at pagtuunan ang konklusyon ni Pablo sa mga bersikulo 8-10. Anong mga punto ang kanyang itinatampok habang tinatapos niya ang talata?
““Ninais ng apostol na matandaan ng mga sinusulatan niya na dapat nilang ihayag sa kanilang buhay ang maluwalhating pagbabagong ginawa sa kanila ng nagpapabagong biyaya ni Cristo. Sila ay magiging mga ilaw sa mundo, sa pamamagitan ng kanilang dalisay, at pinabanal na mga paguugali na nagbibigay ng impluwensyang sumasalungat sa impluwensya ng mga ahensya ni satanas. Lagi nilang inaalaala ang mga salitang, "Hindi sa inyong sarili." Hindi nila mababago ang kanilang sariling mga puso. At kung sa pamamagitan ng kanilang mga pagsisikap ay maakay ang mga kaluluwa mula sa hanay ni Satanas tungo sa paninindigan para kay Cristo, hindi sila dapat mag-angkin ng anumang papuri para sa pagbabagong ginawa.” RH Mayo 10, 1906, par. 6
“Ang mga lingkod ng Diyos ngayon ay dapat tandaan ito. Ang malaking pagbabago na nakikita sa buhay ng isang makasalanan pagkatapos ng ‘conversion’ay hindi dulot ng anumang kabutihan ng tao. “Ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon.” Hayaang ipahayag ng mga nadala sa pagsisisi na dahil lamang sa kabutihan ng Diyos kaya sila naakay kay Cristo. RH Mayo 10, 1906, par. 7
“Siya na mayaman sa awa ay nagbahagi ng kanyang biyaya sa atin. Hayaang ang papuri at pasasalamat ay umakyat sa kaniya, sapagkat siya ay ating Tagapagligtas. Hayaang ang kanyang pag-ibig, na pumupuno sa ating mga puso at isipan, ay dumaloy mula sa ating buhay sa masaganang agos ng biyaya. Kung tayo ay patay sa mga pagsuway at kasalanan, binubuhay niya tayo sa espirituwal na buhay. Nagbibigay Siya ng biyaya at kapatawaran, pinupuno ang kaluluwa ng bagong buhay. Kaya ang makasalanan ay lumilipat mula sa kamatayan tungo sa buhay. Ginagampanan na niya ngayon ang kanyang mga bagong tungkulin sa paglilingkod kay Cristo. Ang kanyang buhay ay nagiging totoo at malakas, at puno ng mabubuting gawa. “Sapagka't ako'y nabubuhay, sabi ni Cristo , ay mangabubuhay rin naman kayo.”RH Mayo 10, 1906, par. 8
“Hinihiling ko sa bawat miyembro ng iglesia na isaalang-alang ang mga salitang, “kailangan ninyong ipanganak na muli.” Nabubuhay ka ba sa bagong buhay kay Cristo? Ginagawa mo ba ang kanyang gawain? Pinararangalan mo ba siya sa pamamagitan ng pagpapakita ng dakilang pagpapala na matatagpuan sa pagtindig sa ilalim ng kanyang bandila? Lubos ka bang nagpapasalamat kay Cristo para sa kanyang tumutubos na pag-ibig, napakatapat at totoo sa kanyang paglilingkod, na ang iyong puso ay hindi maaaring maging palalo, at makasarili? Bahagi ba ng iyong pang-araw-araw na buhay ang pananalangin?” RH Mayo 10, 1906, par. 9
“Ang tunay na nagbalik-loob na tao ay walang panahon para isipin o pag-usapan ang mga pagkakamali ng iba. Ang kanyang mga labi ay pinabanal, at bilang tapat na saksi ng Diyos ay nagpapatotoo siya na ang biyaya ni Cristo ay nagpabago sa kanyang puso. Napagtanto niya na hindi niya kayang magsalita ng panghihina ng loob at kawalan ng pananampalataya; hindi niya kayang maging malupit at mapaghanap ng mali. Hindi siya nakatanggap ng mga utos mula sa Diyos na parusahan ang nagkakamali sa pamamagitan ng pagbubunton ng pang-aabuso sa kanila. RH Mayo 10, 1906, par. 10
“ Mga kapatid, matakot na humanap ng mali, matakot na makipag-usap laban sa iyong kapwa, baka mawala sa inyo ang diwa na nakatuon sa paglilingkod sa Diyos, at bilang isang tapat na lingkod dapat ninyong bantayan ang kanyang mga kapakanan. Dapat kang mamuhay ng isang buhay na magkukumbinsi sa iba na ikaw ay anak ng Diyos, sa ilalim ng pagsasanay ng Kapitan ng iyong kaligtasan, upang ikaw ay maging handa para sa aktibong paglilingkod. Ikaw ay nagpatala upang lumaban sa mga puwersa ni Satanas, at wala kang panahon para makipaglaban sa iyong mga kapwa sundalo. RH Mayo 10, 1906, par. 11
“Tinatawagan ng Diyos ang kanyang iglesia na bumangon sa kanilang tungkulin, upang ipakita ang kanilang sarili na totoo at tapat sa Kapitan ng kanilang kaligtasan. Dapat nilang sundin ang kanyang halimbawa, at matutunan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tapat sa kanya na nagmamahal sa kanila, at nagbigay sa kanila ng pwesto sa kanyang hukbo.” RH Mayo 10, 1906, par. 12