Seeing the Invisible

Liksyon 8, Ikatlong Semestre Filipino, Agosto 13-19, 2022

img rest_in_christ
Ibahagi ang Liksyong ito
005 facebook
001 twitter
004 whatsapp
007 telegram
Download Pdf

Sabbath Afternoon - June 25

Memory Text:

“By faith he forsook Egypt, not fearing the wrath of the king: for he endured, as seeing him who is invisible.” KJV — Hebrews 11:27

“ Sa pananampalataya'y iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita.” KJV — Hebrews 11:27


“Here Moses gained that which went with him throughout the years of his toilsome and care-burdened life—a sense of the personal presence of the Divine One. Not merely did he look down the ages for Christ to be made manifest in the flesh; he saw Christ accompanying the host of Israel in all their travels. When misunderstood and misrepresented, when called to bear reproach and insult, to face danger and death, he was able to endure ‘as seeing Him who is invisible.’” Hebrews 11:27. Ed 63.3

“Dito natamo ni Moses ang isang bagay na nakasama niya sa buong panahon ng kanyang mahirap at may pasanin na pamumuhay – ang pagkadama sa personal na presensya ng Banal na Diyos. Hindi lamang niya tiningnan ang mga kapanahunan na si Kristo ay mahahayag sa laman; nakita niya si Kristo na kasama ang hukbo ng Israel sa lahat ng kanilang paglalakbay. Sa gitna ng di pagkakaunawan at maling representasyon, sa panahon ng pagtawag upang magdala ng kadustaan at insulto, upang harapin ang panganib at kamatayan, nagawa niyang magtiyaga ng “tulad sa nakakita niyaong di nakikita.'” Hebreo 11:27 . Ed 63.3

Sunday - August 14

Our Father’s Extravagance

Romans 8:28, 29

What reasons can you find in the above text that can guard our minds against doubting God’s goodness?

Anong mga dahilan ang makikita mo sa teksto sa itaas na maaaring gumabay sa ating isipan laban sa pagdududa sa kabutihan ng Diyos?

“…Often the Christian life is beset by dangers, and duty seems hard to perform. The imagination pictures impending ruin before and bondage or death behind. Yet the voice of God speaks clearly, “Go forward.” We should obey this command, even though our eyes cannot penetrate the darkness, and we feel the cold waves about our feet. The obstacles that hinder our progress will never disappear before a halting, doubting spirit. Those who defer obedience till every shadow of uncertainty disappears and there remains no risk of failure or defeat, will never obey at all. Unbelief whispers, “Let us wait till the obstructions are removed, and we can see our way clearly;” but faith courageously urges an advance, hoping all things, believing all things.” PP 290.2

“…Kadalasan ang buhay Kristiyano ay nababalot ng mga panganib at ang tungkulin ay tila mahirap gampanan. Ang imahinasyon ay naglalarawan ng nalalapit na kapahamakan at pagkaalipin o kamatayan sa likuran. Ngunit malinaw na nagsasalita ang tinig ng Diyos, "Sumulong." Dapat nating sundin ang utos na ito kahit na ang ating mga mata ay hindi makakita sa dilim at maramdaman natin ang malamig na alon sa ating mga paa. Ang mga balakid na humahadlang sa ating pag-unlad ay hindi kailanman mawawala sa harap ng humihinto at nag-aalinlangang espiritu. Yaong mga nagpapaliban sa pagsunod hanggang sa mawala muna ang bawat anino ng pagaalinlangan at ang kawalan ng panganib na mabigo o matalo ay hindi kailanman susunod. Ang di-paniniwala ay bumubulong, “Maghintay tayo hanggang sa maalis ang mga sagabal at malinaw nating makita ang ating daan;” ngunit ang pananampalataya ay buong tapang na humihimok ng pagsulong, umasa sa lahat ng mga bagay at naniniwala sa lahat ng mga bagay.” PP 290.2

How thankful we ought to be that the Lord is feeding us with “meat in due season”! Though people kill one another by the millions in order to free themselves from the yoke of some other nation, Moses freed ancient Israel without a casualty. We should now know that faith removes mountains, while doubt ruins nations. We should no longer be fools and slow of heart to believe all that the prophets have written (Lu. 24:25) “Believe” was Jesus’ motto, and it should be ours, too. No doubters will ever enter His Kingdom.

Dapat nga tayong magpasalamat na ang Panginoon ay nagpapakain sa atin ng “pagkain sa kapanahunan”. Bagaman ang mga tao ay nagpapatayan ng milyun-milyon upang palayain ang kanilang sarili mula sa pamatok ng ibang bansa, pinalaya ni Moises ang sinaunang Israel nang walang isang nasawi. Dapat nating malaman ngayon na ang pananampalataya ay nag-aalis ng mga bundok, habang ang pagdududa ay sumisira sa mga bansa. Hindi na tayo dapat maging mga hangal at mabagal sa puso na maniwala sa lahat ng isinulat ng mga propeta (Lukas 24:25) Ang “manampalataya” ay ang ‘motto’ ni Jesus at ito ay dapat na maging atin din. Walang sinumang nagdududa ang papasok sa Kanyang Kaharian.

Monday - August 15

In the Name of Jesus

John 14:14

What does Jesus mean when He encourages us to pray like this?

Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang hikayatin Niya tayong manalangin ng ganito?

“We are none of us excusable, under any form of trial, for letting our hold upon God become loosened. Although the compassion of man may fail, still God loves and pities, and reaches out His helping hand. God's everlasting arms encircle the soul that turns to Him for aid. He is our source of strength, or stronghold in every trial. When we cry unto Him for help, His hand will be stretched forth mightily to save. In earnest resolution and prayer to God for the help we need, we shall find strength. God loves to have His children ask Him, and trust Him to do for them those things which they can not do for themselves. Then let us heed the voice of Him who spoke as never man spake: ‘Whatsoever ye shall ask in My name, that will I do, that the Father may be glorified in the Son. If ye shall ask anything in My name, I will do it. If ye love Me, keep My commandments.’” ST May 19, 1898, par. 15

“Walang sinuman sa atin ang may dahilan sa ilalim ng anumang anyo ng pagsubok na hayaang lumuwag ang ating paghawak sa Diyos. Bagaman ang habag ng tao ay mabigo, ang pagmamahal at awa ng Diyos ay nananatili at Kaniyang iniaabot ang Kanyang kamay sa pagtulong. Ang walang hanggang mga bisig ng Diyos ay pumapalibot sa kaluluwang bumaling sa Kanya para humingi ng tulong. Siya ang pinagmumulan ng ating lakas at tanggulan sa bawat pagsubok. Kapag tayo ay humihingi ng tulong sa Kanya iniuunat niya ang Kaniyang kamay upang magligtas. Sa taimtim na pagpapasya at pananalangin sa Diyos tayo makakasumpong ng lakas. Nais ng Diyos na sa Kaniya dumulog ang Kanyang mga anak at magtiwala na gagawin Niya para sa kanila ang mga bagay na hindi nila magagawa para sa kanilang sarili. Kung gayon, pakinggan natin ang tinig Niya na nagsalita na hindi kailanman sinalita ng tao: 'Anuman ang hingin ninyo sa Aking pangalan, iyon ang aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak. Kung hihingi kayo ng anuman sa Aking pangalan, gagawin Ko. Kung iniibig ninyo Ako, tutuparin ninyo ang Aking mga utos.'” ST Mayo 19, 1898, par. 15

“And every one that hath forsaken houses, or brethren, or sisters, or father, or mother, or wife, or children, or lands, for my name's sake, shall receive an hundredfold, and shall inherit everlasting life. Matthew 19:29. TMK 116.1

“At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay.” Mateo 19:29 . TMK 116.1

“Many are strongly convinced of the truth, but either husband or wife prevents their stepping out. How can one who is in fellowship with Christ's sufferings refuse to obey His will and do His work? ... It is by following in the path of obedience in simple faith that the character attains perfection.... TMK 116.2

“Marami ang lubos na kumbinsido sa katotohanan ngunit pinipigilan sila ng asawang lalaki o babae na lumabas. Paanong ang isang taong nasa pakikisama sa mga pagdurusa ni Kristo ay tumatanggi na sumunod sa Kanyang kalooban at gawin ang Kanyang gawain? ... Sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng pagsunod sa simpleng pananampalataya na ang karakter ay makakaabot sa kalubus-lubusan. TMK 116.2

“Christ has promised us sufficient power to reach this high standard. He says, “Whatsoever ye shall ask in my name, that will I do, that the Father may be glorified in the Son. If ye shall ask any thing in my name, I will do it. If ye love me, keep my commandments. And I will pray the Father, and he shall give you another Comforter, that he may abide with you for ever; even the Spirit of truth, whom the world cannot receive” (John 14:13-17). TMK 116.3

“Si Kristo ay nangako sa atin ng sapat na kapangyarihan upang maabot ang mataas na pamantayang ito. Sabi Niya, “Anumang hilingin ninyo sa aking pangalan, iyon ang aking gagawin, upang ang Ama ay maluwalhati sa Anak. Kung hihingi kayo ng anuman sa aking pangalan, gagawin ko. Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. At ako ay dadalangin sa Ama at kayo ay bibigyan niya ng isa pang Mang-aaliw, upang siya ay makasama ninyo magpakailanman; maging ang Espiritu ng katotohanan na hindi matatanggap ng sanglibutan” ( Juan 14:13–17 ). TMK 116.3

“Consider this statement a moment. Why ‘cannot’ the world receive the truth? ‘Because it seeth him not, neither knoweth him’ (verse 17). The world is leagued against the truth, because it does not desire to obey the truth. Shall I, who perceive the truth, close my eyes and heart to its saving power because the world chooses darkness rather than light? Shall I bind myself up with the bundles of tares because my neighbors refuse to be bound up with the wheat? Shall I refuse light, the evidence of truth which leads to obedience, because my relatives and friends choose to follow in the paths of disobedience which lead away from God? Shall I close my mind against the knowledge of truth because my neighbors and friends will not open their understanding to discern the truth as it is in Jesus? Shall I refuse to grow in the grace and knowledge of my Lord and Saviour Jesus Christ because my neighbors consent to remain dwarfs? ...” TMK 116.4

“Isipin ang pahayag na ito sandali. Bakit 'hindi' matanggap ng mundo ang katotohanan? 'Sapagka't hindi siya nito nakikita, ni nakikilala man siya' ( talata 17 ). Ang mundo ay nagkakaisa laban sa katotohanan dahil ayaw nitong sundin ang katotohanan. Ako ba na nakakaunawa sa katotohanan ay ipipikit sa aking mga mata at puso sa kapangyarihang makapagliligtas na ito dahil mas pinipili ng mundo ang kadiliman kaysa sa liwanag? Tatalian ko ba ang aking sarili ng mga bigkis ng mga pangsirang damo dahil ang aking mga kapitbahay ay tumatangging matali sa trigo? Tatanggihan ko ba ang liwanag, ang katibayan ng katotohanan na humahantong sa pagsunod, dahil pinipili ng aking mga kamag-anak at kaibigan na sundin ang mga landas ng pagsuway na umaakay palayo sa Diyos? Isasara ko ba ang aking isipan laban sa kaalaman ng katotohanan dahil ang aking mga kapitbahay at mga kaibigan ay hindi buksan ang kanilang pang-unawa upang makilala ang katotohanan tulad ng kay Jesus? Tatanggihan ko bang lumago sa biyaya at kaalaman ng aking Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo dahil pumapayag ang aking mga kapitbahay na manatili sa bansot na kalagayan? ...” TMK 116.4

Tuesday - August 16

The Power of the Resurrection

Ephesians 1:18-23

What does this text teach us about the power of the Resurrection?

Ano ang itinuturo sa atin ng tekstong ito tungkol sa kapangyarihan ng Pagkabuhay na Maguli?

“The whole universe is under the control of the Prince of life. Fallen man is subject to him. He paid the ransom money for the whole world. All may be saved through him. He calls upon us to obey, believe, receive, and live. He would gather together a church embracing the whole human family, if all would leave the black banner of rebellion, and place themselves under his banner. Those who believe on him, he will present to God as loyal subjects. He is our Mediator as well as our Redeemer. He will defend his chosen followers against Satan's power, and subdue all their enemies. Through him, they will be conquerors, and more than conquerors. Writing to the Ephesians, Paul says: ‘The eyes of your understanding being enlightened; that ye may know what is the hope of his calling, and what the riches of the glory of his inheritance in the saints, and what is the exceeding greatness of his power to usward, who believe according to the working of his mighty power, which he wrought in Christ, when he raised him from the dead and set him at his own right hand in the heavenly places.’” RH October 26, 1897, par. 5

“Ang buong sansinukob ay nasa ilalim ng kontrol ng Prinsipe ng buhay. Ang nahulog na tao ay nasasakupan niya. Nagbayad siya ng ‘ransom money’ para sa buong mundo. Lahat ay maaaring maligtas sa pamamagitan Niya. Siya ay tumatawag sa atin na sumunod, maniwala, tumanggap, at mabuhay. Siya ay magtitipon ng isang iglesia na yumayakap sa buong sangkatauhan, kung ang lahat ay aalis sa itim na bandila ng paghihimagsik at ilagay ang kanilang mga sarili sa ilalim ng kanyang bandila. Yaong mga naniniwala sa kanya ay ihaharap niya sa Diyos bilang mga tapat na sakop. Siya ang ating Tagapamagitan gayundin ang ating Manunubos. Ipagtatanggol niya ang kanyang mga piniling tagasunod laban sa kapangyarihan ni Satanas at lulupigin ang lahat ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan niya, sila ay magiging mga mananakop at higit pa sa mga mananakop. Sa pagsulat sa mga taga-Efeso sinabi ni Pablo: Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal. At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas. Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan.” RH Oktubre 26, 1897, par. 5

Wednesday - August 17

To Carry all our Worry

1Peter 5:7; Psalm 55:22

What’s the basic message here for us?

Ano ang pangunahing mensahe dito para sa atin?

Matt. 6:24-26 – “No man can serve two masters: for either he will hate the one, and love the other; or else he will hold to the one, and despise the other. Ye cannot serve God and mammon. Therefore I say unto you, Take no thought for your life, what ye shall eat, or what ye shall drink; nor yet for your body, what ye shall put on. Is not the life more than meat, and the body than raiment? Behold the fowls of the air: for they sow not, neither do they reap, nor gather into barns; yet your heavenly Father feedeth them. Are ye not much better than they?”

Matt. 6:24-26 – Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan. Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?

These three verses plainly say that to live to make a living, and to worry how you are to fare tomorrow, is nothing less than serving mammon (self); that you cannot serve self and God at the same time; that if you serve God you should be as free from worry of the future as are the birds. Yes, you should be even more confident of His care, for you are worth more than are the birds. You are whole-heartedly to know that so long as you serve Him, He will never leave you nor forsake you.

Ang tatlong talatang ito ay malinaw na nagsasabi na ang mamuhay upang maghanapbuhay at ang mag-alala kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ay walang pinagiba sa paglilingkod sa kayamanan (sarili); na hindi mo maaaring paglingkuran ang sarili at ang Diyos nang sabay; na kung maglilingkod ka sa Diyos dapat kang maging malaya sa pag-aalala sa hinaharap gaya ng mga ibon. Oo, dapat kang maging mas tiwala sa Kanyang pangangalaga dahil ikaw ay higit na mahalaga kaysa sa mga ibon. Buong puso mong malaman na hangga't naglilingkod ka sa Kanya ay hindi ka Niya iiwan o pababayaan.

Matt. 6:27-34 – “Which of you by taking thought can add one cubit unto his stature? And why take ye thought for raiment? Consider the lilies of the field, how they grow; they toil not, neither do they spin: and yet I say unto you, That even Solomon in all his glory was not arrayed like one of these. Wherefore, if God so clothe the grass of the field, which to day is, and to morrow is cast into the oven, shall He not much more clothe you, O ye of little faith? Therefore take no thought, saying, What shall we eat? or, What shall we drink? or, Wherewithal shall we be clothed? (For after all these things do the Gentiles seek:) for your heavenly Father knoweth that ye have need of all these things. But seek ye first the Kingdom of God, and His righteousness; and all these things shall be added unto you. Take therefore no thought for the morrow: for the morrow shall take thought for the things of itself. Sufficient unto the day is the evil thereof.”

Matt. 6:27-34 – At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man: Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito. Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya? Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.

Take no thought for the morrow, for it will take care of itself – why cross bridges before you come to them? Why worry how you are to fill up your stomachs and with what you are to cover your bodies tomorrow if they are cared for this day? Why worry about your own needs, why not worry how to advance the Kingdom of God? Putting in overtime to make tents or cobble shoes for a living is all right if you do not say, “I will do this and the other and get money to buy and build this or that.” You should instead say, “If God permits, I will do this or that, so that I may get here or get there, do this and the other for the advancement of His cause.” Whatever the aim behind your act it must be for the advancement of His Kingdom.

Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. – bakit aalalahanin ang bagay sa hinaharap? Bakit mag-aalala kung paano mo bubusugin ang iyong mga tiyan at kung ano ang iyong isusuot bukas kung sila ay aalagaan sa araw na ito? Bakit mag-aalala tungkol sa iyong sariling mga pangangailangan, bakit hindi mag-alala kung paano isulong ang Kaharian ng Diyos? Ang labis sa oras ng paggawa ng mga tolda o mga sapatos para sa ikabubuhay ay tama kung hindi mo sasabihin, "Gagawin ko ito at ang isa pa at kukuha ako ng pera para makabili at makapagtayo ng ganito o iyon." Dapat mong sabihin sa halip, "Kung pinahihintulutan ng Diyos, gagawin ko ito o iyon, upang makarating ako dito o makarating doon, gawin ito at ang isa pa para sa pagsulong ng Kanyang layunin." Anuman ang layunin sa likod ng iyong pagkilos ito ay dapat para sa pagsulong ng Kanyang Kaharian.

Why not make your chief interest His business? Why not the Kingdom of God and His righteousness, so that “all these things be added unto you”? Why work to feed yourself? Why not work for God and let Him feed and clothe you? He is far more capable of providing for you than you will ever be. Why not let Him take charge of your work, of your home, of your body?

Bakit hindi gawin ang Kanyang negosyo bilang iyong pangunahing interes? Bakit hindi ang Kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwirang upang “ang lahat ng mga bagay na ito ay maidagdag sa inyo”? Bakit magtatrabaho para pakainin ang iyong sarili? Bakit hindi magtrabaho para sa Diyos at hayaan Siyang pakainin at bihisan ka? Siya ay higit na may kakayahang maglaan para sa iyo kaysa kailanman. Bakit hindi hayaang Siya ang mamahala sa iyong trabaho, sa iyong tahanan, sa iyong katawan?

While you do His bidding, He will never fail you. Why not do this and be an altogether Christian? Why be a Christian in name, but a Gentile in heart and faith? Work no longer for self, work for God and be free of worry, free of having to make your own living in your own way. The fishermen of Galilee while fishing in their own way failed, but when they cast the net where Jesus said they should cast it, it was instantly filled with fish.

Habang ginagawa mo ang Kanyang utos, hindi ka Niya bibiguin. Bakit hindi gawin ito at maging isang ganap na Kristiyano? Bakit maging isang Kristiyano sa pangalan, ngunit isang Gentil sa puso at pananampalataya? Huwag nang magtrabaho para sa sarili, magtrabaho para sa Diyos at maging malaya sa pag-aalala, malaya sa pagkakaroon ng sarili mong pamumuhay sa iyong sariling paraan. Ang mga mangingisda ng Galilea habang nangingisda sa kanilang sariling paraan ay nabigo, ngunit nang ihagis nila ang lambat kung saan sinabi ni Jesus na dapat nilang ihagis, agad itong napuno ng isda.

Thursday - August 18

Still faithful when God cannot be seen

Isaiah 40:27-31

In what ways does Isaiah describe God?

Sa anong mga paraan inilarawan ni Isaias ang Diyos?

Is it not surprising that the Church, having come down through the ages this far, must now be taught the very first fundamentals of her faith?

Hindi ba kataka-taka na ang Iglesia, na bumaba sa mga panahon hanggang ngayon, ay dapat turuan ng mga pinakaunang mga batayan ng kanyang pananampalataya?

“To those who feared they would not be received if they should return to God, the prophet declared: PK 316.1

“Sa mga natatakot na hindi sila tatanggapin kung sila ay babalik sa Diyos, ipinahayag ng propeta: PK 316.1

“‘Why sayest thou, O Jacob, and speakest, O Israel, My way is hid from the Lord, and my judgment is passed over from my God? Hast thou not known? hast thou not heard, that the everlasting God, the Lord, the Creator of the ends of the earth, fainteth not, neither is weary? there is no searching of His understanding. He giveth power to the faint; and to them that have no might He increaseth strength. Even the youths shall faint and be weary, and the young men shall utterly fall: but they that wait upon the Lord shall renew their strength; they shall mount up with wings as eagles; they shall run, and not be weary; and they shall walk, and not faint.’ Verses 27-31. PK 316.2

“Bakit sinasabi mo, Oh Jacob, at sinasalita mo, Oh Israel, Ang daan ko ay lingid sa Panginoon, at nilalagpasan ng aking Dios ang kahatulan ko? Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng kaniyang unawa. Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan. Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal: Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.” Verses 27-31. PK 316.2

“The heart of Infinite Love yearns after those who feel powerless to free themselves from the snares of Satan; and He graciously offers to strengthen them to live for Him. “Fear thou not,” He bids them; “for I am with thee: be not dismayed; for I am thy God: I will strengthen thee; yea, I will help thee; yea, I will uphold thee with the right hand of My righteousness.” “I the Lord thy God will hold thy right hand, saying unto thee, Fear not; I will help thee. Fear not, thou worm Jacob, and ye man of Israel; I will help thee, saith the Lord, and thy Redeemer, the Holy One of Israel.” Isaiah 41:10, 13, 14.” PK 316.3

“Ang puso ng Walang-hanggang Pag-ibig ay nananabik sa mga taong nakadarama ng kawalan ng lakas na palayain ang kanilang sarili mula sa mga silo ni Satanas; at magiliw Siyang nag-aalok upang palakasin sila upang mamuhay para sa Kanya. “Huwag kang matakot,” utos Niya sa kanila; “sapagkat ako ay sumasaiyo: huwag kang manglupaypay; sapagkat ako ang iyong Diyos: palalakasin kita; oo, tutulungan kita; oo, aalalayan kita ng kanang kamay ng Aking katuwiran.” “Akong Panginoon mong Diyos ang hahawak sa iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; tutulungan kita. Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at ikaw na lalake ng Israel; Tutulungan kita, sabi ng Panginoon, at iyong Manunubos, ang Banal ng Israel.” Isaias 41:10, 13, 14 .” PK 316.3

Friday - August 19

Further Study

“Satan's craft is most successfully used against those who are depressed. When discouragement threatens to overwhelm the minister, let him spread out before God his necessities. It was when the heavens were as brass over Paul that he trusted most fully in God. More than most men, he knew the meaning of affliction; but listen to his triumphant cry as, beset by temptation and conflict, his feet press heavenward: “Our light affliction, which is but for a moment, worketh for us a far more exceeding and eternal weight of glory; while we look not at the things which are seen, but at the things which are not seen.” 2 Corinthians 4:17, 18. Paul's eyes were ever fastened on the unseen and eternal. Realizing that he was fighting against supernatural powers, he placed his dependence on God, and in this lay his strength. It is by seeing Him who is invisible that strength and vigor of soul are gained and the power of earth over mind and character is broken.” AA 363.1

“Ang katusuhan ni Satanas ay pinakamatagumpay na ginagamit laban sa mga nanlulumo. Kapag ang panghihina ng loob ay nagbabanta na madaig ang ministro, hayaang isiwalat niya sa Diyos ang kanyang mga pangangailangan. Nang ang langit ay parang tanso kay Pablo, siya ay lubos na nagtiwala sa Diyos. Higit sa karamihan ng mga tao, alam niya ang kahulugan ng paghihirap; ngunit pakinggan ang kanyang matagumpay na sigaw habang dinapuan ng tukso at tunggalian, ang kanyang mga paa ay dumidiin patungo sa langit: “Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan; Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita:.” 2 Corinto 4:17, 18 . Ang mga mata ni Pablo ay laging nakatutok sa hindi nakikita at walang hanggan. Sa pagkabatid na siya ay nakikipaglaban sa mga ‘supernatural’ na kapangyarihan, inilagay niya ang kanyang pagtitiwala sa Diyos at dito inilagak ang kanyang lakas. Sa pamamagitan ng pagkakita sa Kanya na di-nakikita na ang lakas at sigla ng kaluluwa ay natatamo at ang kapangyarihan ng lupa sa pag-iisip at pagkatao ay nasisira.” AA 363.1

Whatsapp: (+63)961-954-0737
contact@advancedsabbathschool.org